Tumango si Darryl habang nagpipigil ng kaniyang tawa.“Binabalaan kita. Huwag kang kikilos. Akin na ang p-p-pera mo, at hahayaan kitang mabuhay!” Giit ni Hugh. Nang matapos siya sa pagsasalita, dali dali itong naglakad papunta kay William habang nakangiti ng masama.“Hindi mo ako naiintindihan. Hindi ako tatawag ng pulis. Hindi ko dala ang bank card ko, ngunit maaari kong ipadala ang pera gamit ang phone.”Sobrang kinakahaban si William, at sobra rin ang pagpapawis nito habang ipinaliwanag ang sarili.Hindi na nagabala pa na making si Hugh kay William. Kinuha ni ang phone at inumpog ito sa ulo ni William.“Hayop ka. Sinong niloloko mo?” Brutal na sinigawan ni Hugh si William habang palit ulit niya itong pinukpok gamit ang hawak nitong cellphone.Kahit na walang plano si William na tumawag ng pulis, mabubuking parin si Hugh sa pag transfer gamit ang phone. Nagalit ito, naisip niyang iniisahan siya ni William.“Aray! Tama na!” Iyak nito. “ Hindi ko talaga dala ang card ko.”Umiya
Napuno ng tensyon at bigat ang kapaligiran sa loob ng bus. Dapat ay nakinig sila kay Darryl at napigilan sana ang magkakapatid sa pagpasok sa bus.Alas, huli na para sa pagsisisi!Sina Lily, Megan, Yvonne, at Nancy ay malinaw na nakikita sa mga bintana. Mahigpit na nakatali ang mga ito. Ito ay sinaunang puno na may higit sa daang taon ang tanda; ang katawan ng puno at hindi kayang palibutan ng isang dosenang tao at nangangailangan ng higit na bilang. Ang lush canopy ay parang dambuhalang paying. Libo libong mga sanga ang nakalawit at napapalibutan ang lugar.Naglalaway ang nasasabik na kambal sa nakikita nilang naggagandahang kababaihan.Samantala, hindi mapakali ang naghihintay na si Minnie sa bus.Ang tatlong magkakapatid ay nagplanong maigi para sa operasyon nila na ito. Pati ang haba ng pag atake, na hindi na dapat tatagal ng higit sa kalahating oras.Hindi akalain ni Minnie na mapapangunahan ng pagnanasa ang kanyang mga kapatid.Walang magawa si Minnie dahil siya ang pina
”Kent, Salamat…” bulong ni Megan. Hindi niya maipaliwanag ang naramdaman nang yakapin niya si Kent. Kinagat nito ang mga labi at marahang sinabi, “Kent, napaka tapang mo.”Tinake ni Kent ang Godly pill at isa na ngayong Level One Master general. Subalit, mahirap pa ring matalo ang tatlong armadong magnanakaw. Pero nagawa parin niya ito.Si Lily, Sa kabilang banda, ay nakaramdam ng lungkot. Inasahan niyang si Darryl ang sasagip sa kaniya.Hindi niya inakalang si Kent ang magliligtas sa kaniya.Samantala, sa bus, namumutla na ang mga labi ni Darryl.“Darryl, magiging okay rin ang lahat; kailangan mong kumapit, “ Kinakabahang sabi ni Dax na may namumulang mga mata.“Darryl? Anong nangyari sayo?” Sabi ng nabiglang si Lily nang makita nito ang sitwasyon.Hindi ba nasabi ni Kent na natalo niya ang tatlong magnanakaw?Bakit nagawang masugatan ni Darryl?Nakaramdam ng matinding sakit sa dibdib si Darryl at nahirapan itong huminga. Hindi siya makapagsalita, ngumingiti lamang ito upang
Sa Kabilang banda.Pumasok sa isang napaka habang panaginip si Darryl habang wala siyang malay. Walang tigil siyang hinabol kaya hindi niya magawang tumigil sa pagtakbo. Kinalaunan, dahan dahan na niyang iminulat ang kanyang mga mata.Siya ay binati ng tanawin sa loob ng isang marangyang kuwarto.“Darryl, gising ka na ba?”Narinig ni Darryl and masiglang boses ni Lily, napagmasdan niyang namumula ang mga mata nito na tila ba umiiyak.“Honey, bakit sobrang pula ng mga mata mo?” tanong ni Darryl habang naka ngiti. “Nag-alala ka ba na baka may nangyaring hindi maganda saakin? Halika, yakapin mo nga ako.” Pinilit ngumiti ng nasasaktang si Darryl. Kahit na nagamot na ang mga sugat niya, napaka hapdi parin ng mga ito.‘Buwiset. Hindi ako makapaniwalang nabaril ako ilang araw lamang ang pagitan,’ Sa isip-isip ni Darryl.Namula ang mga pisngi ni Lily at nahihiyang lumayo nang bahagya. “Hindi… Hindi ako nag-alala sayo. Hindi nga ako umiyak manlang!”Hindi ipinakita ni Lily ang tunay n
“Darryl?” Sigaw ni Clifford, hindi na nito mapigilan pa ang kaniyang pagkasurpresa.“Ano ang nangyari? Bakit nandito si Darryl?” Isip niya.Malinaw na nanaalala ni Clifford na sumakay si Darryl sa isang electric bike papunta sa reunion. Andito ba si Darryl para umattend din ng selebrasyon?“Oo nga naman, nagpunta ngayon dito si Darryl para samahan ang kaniyang asawa sa pagbibigay nito ng regalo.” Isip ni Clifford.Sa pagiging isang pabigat na manugang na mayroong buhay na umiikot lang sa kaniyang asawa magaling si Darryl.Hindi rin mapigilan ni Clifford ang kaniyang sarili na tumingin ng ilang beses kay Lily.“Napakaganda niya talaga! Napakaperpekto at napakaseksi ng kaniyang katawan! Maikukumpara na rin sa artista ang napakaganda niyang mukha. Sinuwerte nga talaga ang Darryl na iyon sa kaniya. Pero may usap usapan na hindi pa raw nahahawakan ni Darryl ang kaniyang asawa nang kahit isang beses sa tatlong taon nilang pagsasama. Alam ng kahit na sino sa Donghai City ang tungkol dit
Tinatawag ni Clifford ang kaniyang sarili na successful sa huli nilang class reunion, pero mukhang nagkaroon lang pala ito ng isang mayamang ninang.“Ano sa tingin mo? Ok ba ang ibinigay na regalo ng aking ninang?” Nagmamalaking tumingin si Clifford kay Darryl na para bang siya ang may hawak ng upper hand sa kanilang dalawa.“Maganda nga ang regalo niyang ito, pero kahit na gaano pa ito kamahal o kaganda, hindi pa rin ito nagmula sa iyo. Kaya ano ang dapat mong ipagmalaki rito? Na nagbigay ng isang mamahaling regalo ang iyong ninang? Naubos na ba ang natitirang hiya sa katawan mo?” Ngiti ni Darryl.Sa mga sandaling ito, agad na napatingin nang husto ang lahat kay Clifford.Kahit na ano pang klase ng pagyayabang ang gawin ng binatang ito, isa pa rin iyang regalo na nagmula sa kaniyang ninang.“Buwiset!” Mura ni Clifford sa kaniyang sarili.Matapos mapansin ang tingin ng lahat sa kaniya, agad na nakaramdam ng galit si Clifford, pero hindi niya ito ipinakita sa kahit na sino. “Sino
Agad na nagalit dito si Clifford. Tinuro niya si Darryl at sinabing “Manahimik ka na lang Darryl! Wala kang alam na kahit na anong tungkol dito! Anong kalokohan nanaman ang pinagsasabi mo!? Ano ang bagay na nakapagsabi sa iyong nagkakahalaga lang ang mga ito ng dalawang milyong dolyar?”“Grabe, nahihibang na talaga ang lalaking ito,” Isip ni Clifford.Binili ng uncle ni Clifford ang mga jade pendant, at dekadekada nang nangongolekta ng mga antique ang tito niyang ito! Ang totoong presyo ng mga pendant na ito ay hindi bababa sa three million dollars. Nagkunwari lang si Clifford nang sabihin niyang nagkakahalaga ang mga ito ng five million dollars para magmalaki.Pero sinabi sa lahat ni Darryl na nagkakahalaga lamang ito ng dalawang milyong dolyar kaya agad na naisip ni Clifford na isa itong kalokohan!”Iniling ni Darryl ang kaniyang ulo at sinabing. “May isang tawag pa sa uri ng mga jade pendant na ito. Alam mo ba kung ano ito?”Agad na nacurious ang lahat habang iniiling ang kanil
Nababagabag na nang husto rito si Lily. Siguradong lalaitin nanaman ng lahat si Darryl sa sandaling hindi nanaman ito magdala ng kahit na anong regalo sa okasyong ito.Kahit na maganda ang naging relasyon nil ani Dax sa isa’t isa, hindi pa rin katanggap tanggap kung nagpapanggap lang siya sa pagkakaroon ng regalo para sa nagdiriwang nitong lolo.“Haha! Nasaan na ang dal among regalo, Darryl? Ipinagyayabang mo pa rin ba ito? Hindi ka pinapaniwalaan maging ng asawa mo! Dali, ilabas mo na ang sinasabi mong regalo nang makita na natin ang laman nito.” Malakas na tawa ni Clifford.“Malapit na itong dumating dito.” Tingin ni Darryl sa kaniyang relo. “Nakisuyo na ako para dalhin iyon dito.”“Nakisuyo ka para lang dalhin iyon dito? Hahaha, nakakatawa ka talaga, Darryl!” Isip ni Clifford.Hinawakan ni Clifford ang kaniyang tiyan at tumawa nang malakas “Hahaha. Makinig kayong lahat! Maaaring hindi niyo alam ito pero ilang araw na ang nakalilipas noong pumunta si Darryl sa aming class reunio