Tinatawag ni Clifford ang kaniyang sarili na successful sa huli nilang class reunion, pero mukhang nagkaroon lang pala ito ng isang mayamang ninang.“Ano sa tingin mo? Ok ba ang ibinigay na regalo ng aking ninang?” Nagmamalaking tumingin si Clifford kay Darryl na para bang siya ang may hawak ng upper hand sa kanilang dalawa.“Maganda nga ang regalo niyang ito, pero kahit na gaano pa ito kamahal o kaganda, hindi pa rin ito nagmula sa iyo. Kaya ano ang dapat mong ipagmalaki rito? Na nagbigay ng isang mamahaling regalo ang iyong ninang? Naubos na ba ang natitirang hiya sa katawan mo?” Ngiti ni Darryl.Sa mga sandaling ito, agad na napatingin nang husto ang lahat kay Clifford.Kahit na ano pang klase ng pagyayabang ang gawin ng binatang ito, isa pa rin iyang regalo na nagmula sa kaniyang ninang.“Buwiset!” Mura ni Clifford sa kaniyang sarili.Matapos mapansin ang tingin ng lahat sa kaniya, agad na nakaramdam ng galit si Clifford, pero hindi niya ito ipinakita sa kahit na sino. “Sino
Agad na nagalit dito si Clifford. Tinuro niya si Darryl at sinabing “Manahimik ka na lang Darryl! Wala kang alam na kahit na anong tungkol dito! Anong kalokohan nanaman ang pinagsasabi mo!? Ano ang bagay na nakapagsabi sa iyong nagkakahalaga lang ang mga ito ng dalawang milyong dolyar?”“Grabe, nahihibang na talaga ang lalaking ito,” Isip ni Clifford.Binili ng uncle ni Clifford ang mga jade pendant, at dekadekada nang nangongolekta ng mga antique ang tito niyang ito! Ang totoong presyo ng mga pendant na ito ay hindi bababa sa three million dollars. Nagkunwari lang si Clifford nang sabihin niyang nagkakahalaga ang mga ito ng five million dollars para magmalaki.Pero sinabi sa lahat ni Darryl na nagkakahalaga lamang ito ng dalawang milyong dolyar kaya agad na naisip ni Clifford na isa itong kalokohan!”Iniling ni Darryl ang kaniyang ulo at sinabing. “May isang tawag pa sa uri ng mga jade pendant na ito. Alam mo ba kung ano ito?”Agad na nacurious ang lahat habang iniiling ang kanil
Nababagabag na nang husto rito si Lily. Siguradong lalaitin nanaman ng lahat si Darryl sa sandaling hindi nanaman ito magdala ng kahit na anong regalo sa okasyong ito.Kahit na maganda ang naging relasyon nil ani Dax sa isa’t isa, hindi pa rin katanggap tanggap kung nagpapanggap lang siya sa pagkakaroon ng regalo para sa nagdiriwang nitong lolo.“Haha! Nasaan na ang dal among regalo, Darryl? Ipinagyayabang mo pa rin ba ito? Hindi ka pinapaniwalaan maging ng asawa mo! Dali, ilabas mo na ang sinasabi mong regalo nang makita na natin ang laman nito.” Malakas na tawa ni Clifford.“Malapit na itong dumating dito.” Tingin ni Darryl sa kaniyang relo. “Nakisuyo na ako para dalhin iyon dito.”“Nakisuyo ka para lang dalhin iyon dito? Hahaha, nakakatawa ka talaga, Darryl!” Isip ni Clifford.Hinawakan ni Clifford ang kaniyang tiyan at tumawa nang malakas “Hahaha. Makinig kayong lahat! Maaaring hindi niyo alam ito pero ilang araw na ang nakalilipas noong pumunta si Darryl sa aming class reunio
Malakas na sinampal ni Emily si Clifford sa mukha nang walang kahit na anong babala.Agad na nagiwan ng marka ang pagsampal ni Emily sa mukha ng inaanak niyang si Clifford.“Ni…Ninang. Bakit niyo po ako sinampal…?” Nabubulunang sinabi ni Clifford habang hinahawakan ang kaniyang mukha. Natigilan siya sa kaniyang nakita.Walang tigil siyang pinagbigyan ng kaniyang ninang sa lahat ng kaniyang gusto at itinuring bilang tunay nitong anak. Kaya agad siyang nakaramdam ng hinanakit nang bigla siya nitong sampalin.“Ano sa tingin mo ang dahilan kung bakit kita sinampal? Muntik mo na tayong ipasok sa isang malaking gulo.” Nagngangalit na sinabi ni Emily habang sinasampal muli si Clifford ng dalawang beses.Walang sinuman ang dapat bumastos kay Darryl. Wala ngayon si Emily sa kaniyang kinatatayuan kung hindi dahil kay Darryl.“Dali, lumuhod ka at humingi ng tawad kay Mr. Darryl.” Singhal ni Emily habang sinasampal si Clifford ng ilan pang beses.Dito na nanginig ang buong katawan ni Cliffo
“Kahit na si Darryl ang gumawa ng kahindik hindik na bagay na iyon, bilang ama, hindi ka makakalampas sa parusang ibibigay ko! Kaya kung hindi ka pa aamin sa ginawa ng anak mo, papahirapan kita hanggang sa mamatay ka na!” Nanlalamig na sinabi ng nakatatandang Darby.Smack! Smack! Tumama ang rattan sa katawan ng ama ni Darryl habang umaagos ang sariwa nitong dugo sa sahig.Naubos na rin ang boses ni Luna sa tindi ng kaniyang pagiyak habang sumisigaw ng. “Pakiusap, huwag niyo na siyang saktan! Tama na! Mapapatay niyo na siya!”“Huwag na naming siyang saktan?” Dito na naglakad si Yumi papunta sa nakatatandang Darby, “Grandpa, mukhang hindi aamin si Daniel Darby hanggang mamatay siya. Mukhang iniisip niya na masyado na siyang matanda kaya hindi na siya naaapektuhan ng parusang ito!”“Oo nga, Grandpa! Hindi magiging patas kung hindi natin makikitang pinaparusahan si Darryl kasama ng kaniyang mga magulang!” Sigaw ng mga tao sa kanilang paligid.Matapos marinig ang mga sinabi nito, aga
“Pa! Pa!” Sigaw ng may mapupulang mga matang si Darryl habang pinuputol ang taling nakapulupot sa kaniyang ama gamit ang hawak niyang espada. Matapos nito ay agad niyang kinarga ang nanghihina niyang ama.Pero nasira na nang tuluyan ang buong katawan ni Daniel sa mga sandaling ito. Naglabas ito ng sunog na amoy ang habang dumidikit sa isa’t isa ang nasusunog niyang laman at ang suot niyang damit.“Darryl…anak. Sabihin mo sa akin, ginawa mo ba iyon? Ginawa mo ba ang bagay na iyon?” Bulong ni Daniel gamit ang namumutla niyang mga labi habang nararamdaman ang napakatinding sakit na nakapagpanginig sa buo niyang katawan.“Hindi po. Hindi po!” Iyak ni Darryl, dito na bumuhos ang luha mula sa kaniyang mga mata.“Mabuti…kung ganoon…” sabi ni Daniel gamit ang natitira niyang lakas.Ngumiti ito nang bahagya at pumikit. Wala nang kahit na sino ang nakakaalam kung buhay pa ba ito o hindi.“Pa! Papa, huwag mo akong takutin. Huwag mo akong takutin Papa!” Sigaw ni Darryl hanggang sa mamaos ang
Nang mawala si Darryl sa kanilang paningin, dahan dahang gumapang si Yumi, agad siyang pumunta sa nakatatandang Darby at sinabing. “Hindi natin ito maaaring palampasin, Grandpa!”Nagliyab sa sobrang galit si Yumi, makikita ang mga marka ng ginawang sampal ni Darryl sa napakaganda at nagdudugo sa dami ng sugat niyang mukha.Nanginig naman dito ang nakatatandang Darby. Hindi niya pinansin si Yumi habang nakatingin sa kabilang bahagi ng hall. Makikita namang nakatayo sa entrance si Dax Sanders kasama ng daan daan niyang mga tauhan.Habang bugbog sarado naman ang mga miyembro ng pamilya Darby, nagkalat ang kanilang dugo sa sahig ng hall.“Sino ka!” Tanong ng nakatatandang Darby habang nakatingin kay Dax.Naglakad paabante si Dax at nakangiting sumagot ng, “Dax ang una kong pangalan at Sanders naman ang aking apilyedo.”Ano?Dito na napapigil hininga ang lahat. ‘Dax…Dax Sanders? Kilala ng buong Donghai City ang pangalang iyon.’Si Dax Sanders.Tumayo ang nakatatandang Darby at sina
Tumingin ang nakatatandang Darby sa hall.Dito niya nakitang nakahandusay ang mga nakababatang miyembro ng pamilya Darby habang kumakalat ang mga dugo nito sa sahig, mukhang wala na ring buhay ang ilan sa mga ito.“Tumawag kayo ng mga medic! Asikasuhin ninyo ang mga nasugatan nating mga kapamiyla.” Utos ng nakatatandang Darby habang humihingal nang malalim.Agad niyang tinawag si Drake na nasa kaniyang tabi para asikasuhin ang mga sugatang miyembro ng pamilya Darby. Agad na napuno ng hinanakit at galit ang hangin sa paligid ng mansyon.Kasalukuyan pa ring nagdudugo ang mga labi ni Yumi habang namamaga pa rin ang magkabilang bahagi ng kaniyang mukha.“Bakit hindi mo po sila nilabanan, Grandpa?” Sigaw ni Yumi habang nararamdaman ang mahapdi niyang mukha, malinaw na makikita ang galit na nabubuo sa kaniyang mga mata.Limang taong nagpalakas ang nakatatandang Darby kaya kasalukuyan na siyang isang Level 3 na Master General. Hindi sana mangyayari ang bagay na ito kung lumaban lang ang