Anong nangyayari kay Lily? Bakit siya nagbublush?“A… Ako na ang sasama sa iyo.” Dito na umabante si Yvonne sa gitna ng maraming tao. Kinakailangan na niyang suportahan si Darryl matapos niya itong ipahiya sa harap ng lahat kanina. Atleast ay mas magiging maigi ang kaniyang pakiramdam sa sandaling gawin niya ito.Ano? Aalis si Yvonne kasama ni Darryl? Bakit? Paano magagawa ng isang diyosang umalis kasama siya?Hindi na nakapagpigil pa rito ang pamilya Young. Isa lang pabigat na manugang si Darryl habang si Yvonne naman ay nanatili pa ring single hanggang sa kasalukuyan. Kaya bakit nito pipiliing sumama sa kaniya?“Huwag kang makinig sa kaniya Ms. Young.”“Oo nga, malay ba natin kung ano ang binabalak niya. Ipinagmalaki niya na kanina ang paggawa sa isang elixir pero hindi pa rin nagkakaroon ng malay si Ms. Sanders hanggang ngayon! Huwag kang magpapaloko sa kaniya!”Matapos itong marinig, agad na nagsalita si Kent at sinabing “President Sanders, sinusubukan nang tumakas ng isang i
Oo nga, isang kubo lang ang binuo ni Darryl. Paano nga ba sila magkakasya rito?Dito na tuluyang naguluhan sina Yvonne at Lily.Tumawa si Darryl at sinabing, “Hindi rin madali na gumawa nito. Masyado na ring malamig kaya magagawa nating panatilihin ang init sa ating mga katawan sa sandaling magdikit dikit tayong tatlo. Hindi ba?”Haha. Kasama niyang matutulog ang dalawang mga nagagandahang babae na ito. Kaya bakit nga ba siya bubuo ng isa pang kubo?Nagblush si Lily at sinabing. “Gusto mo palang matulog kasama naming? Hinding hindi ito mangyayari!” Dito na niya hinila si Yvonne at sinabing, “Pumasok na tayo para magpahinga.”Agad na sumigaw si Lily nang makapasok sila ni Yvonne sa kubo, “Bantayan mo ang kubo namin Darry. Ang galing mo talaga!”Agad na nanginig si Lily nang sabihin niya iyon. Hindi pa siya nagiging ganito kalambing kay Darryl.“I…iiwan mo ako rito sa labas?” Nagmamakaawang sinabi ni Lily habang tumatawa si Lily. “Hindi ka pupuwede rito dahil single pa rin si Yvon
Dito na nagsimulang magreact ang naiwang mga tao sa loob ng kuweba. “Mr. Darryl, ako muna ang ilgtas mo…”“Darryl, ako muna ang iligtas mo…”“Tulungan mo muna ang asawa ko, Mr. Darryl. Dalawang buwan na siyang buntis…”Hindi pa rin tumigil sa pagbagsak ang mga bato mula sa ibabaw ng kuweba na nagbigay ng senyales na malapit na muli nitong pagguho.Kaya dahil dito, gusto ng lahat na mauna sila dahil habang tumatagal ay mas pababa nang pababa ang kanilang tiyansa na makalabas nang ligtas sa kuwebang ito!Sumigaw din si Kent habang tinutulak ang ibang mga tao papunta sa harapan ng mga ito. Inangat niya ang kaniyang ulo kay Darryl habang nagpapakita ng isang mukhang puno ng pagasa. “Mr. Darryl. Mr. Darryl, ako muna ang iligtas mo. Babayaran kita sa sandaling gawin mo ito…”Wala nang pakialam si Kent sa kaniyang mga hinanakit kay Darryl. Ang tanging iniisip na lang niya ay ang buhay na paglabas sa kuwebang ito!Nakangiti naman siyang tiningnan ni Darryl at sinabing. “Nakakalimutan mo
Hindi alam ng pangkaraniwang mataas at matibay na si Megan kung bakit siya magsasabi ng bagay na katulad nito. Agad na nagblush ang kaniyang mukha matapos magsalita at napuno ng liwanag sa ilalim ng buwan.Agad na kumunot ang mga kilay dito ni Darryl. Kahit na matapos itong sabihin ni Megan, wala pa rin siyang intensyon na iligtas si Kent!Nabubulok na ang budhi ng lalaking ito. Nagawa niyang kunin ang atensyon totoong pating kaninang umaga na nagbigay ng panganib sa buhay nilang lahat. Kaya hinding hindi na siya magagawa pang patawarin ni Darryl.“Parang awa mo na kuya… Iligtas mo na siya…” mahinang inulit ni Megan ang kaniyang mga sinabi habang ginagalaw ang braso ni Darryl.Nakaramdam ng tinik sa kaniyang puso si Kent matapos marinig ang kaniyang diyosa na tumatawag sa ibang tao bilang kuya. Pero hindi na niya nagawa pang magsalita sa pagkakataong ito.Napabuntong hininga na lang si Darryl at agad na pinagbigyan si Megan matapos marinig ang mahiwaga nitong pagmamakaawa sa kaniy
Niregaluhan ni Brian ang nakatatandang Darby ng isang cultivation technique na tinatawag bilang Body Transformation Scripture limang taon na ang nakalilipas.Malapit sa isa’t isa ang mga sekta ng Shaolin at Wudang. Nagkaisa ang dalawang mga sekta para mabuo ang Body Transformation Scripture na ginamit ng mga disipulo na nagmula sa dalawang sekta para magpalakas. Siyempre, available lamang ito sa mga elite nilang mga disipulo na kung saan walang karapatan ang mga pangkaraniwan nilang disipulo para makita ang nilalaman nito.Sinimulan ng nakatatandang Darby ang kaniyang closed-door na pagpapalakas matapos makuha ang Body Transformation Scripture at agad na lumipas ang limang taon sa loob lang ng isang iglap. At ngayon ay nagawa na ring maabot ng nakatatandang Darby ang enlightenment na nagtatapos sa kaniyang seklusyon!Binati ang nakatatandang Darby ng ilang mga kilalang tao sa Donghai City at maging sa ibang lugar matapos marinig ang balita.Isang malaking handaan din ang inorganize
Thump!Mas lalong nagalit si nakatatandang Darby nang dahil sa mga sinabi ni Yumi na nagresulta sa paghampas nito sa lamesa. “Aking mga tauhan, dalhin ninyo rito si Daniel at ang kaniyang asawa rito. Gusto ko silang tanungin kung papaano nila pinangangaralan ang kanilang anak!”Nasobrahan sa emosyon nang mga sandalling iyon ang nakatatandang Darby!Nagpalitan ng mga tingin na may halong pag-aalala sina Brandon at Abby. Naramdaman nila sa kanilang interkasyon na hindi masamang tao si Daryl.Sinong mag-aakala na makakagawa siya ng ganoong bagay!Isa rin ba siyang lobo na nagaanyong tupa?Makalipas ang tatlong araw, sa Dragon Raising Lake.Napakaganda ng panahon sa araw na ito at ang sikat ng araw ay maliwanag. Umarkila ng mga bus ang Hough family upang magpa pick up ng umaga dahil natapos na ang outing.May ilang mga nasugatan dahil sa trahedyang nangyari sa kuweba ilang araw na ang nakalipas. Na-pampered ang mga rich kids na ito mula noong bata pa lang sila, kaya naman kahit nag
“Bilis, buksan mo na ang pinto.” Sabi ni Megan sa driver dahil hindi na ito makapagpigil sa kaniyang sarili.Magandang bagay ang tumulong sa mga nangangailangan lalo kung sila ay naiiba.Sumang-ayon ang driver habang bubuksan na nito ang pinto. Masayang nakita ito ng kambal at binuhat ng mga ito ang kapatid na babae sa harap ng pinto.Habang ito ang sandali na nagsalita si Darryl. “Sandali, sa tingin ko’y kailanagan natin tumawag ng ambulansya para sa kanila.”“Bakit.”Nagtatakang napakunot ng kilay si Megan.Tumawa si Darryl. “Wala naming rason, puno lang ang ating bus. Saang pa ba may espasyo para sa kanila?”Lahat ay medyo nainis sa sinabi ni Darryl.Paano nakakapagsabi si dahil ng mga bagay na hindi makatao? Hindi sila makaakyat nang dahil lang sa wala na silang mauupuan? Seryoso ang natamong pilay ng nakababatang kapatid ng kambal, ano na lamang ang mangyayare kung hindi siya makarating sa ospital kaagad?Sa totoo lang, hindi naman sa walang simpatya si Darryl, ngunit may
Tigil mo yang walang saysay sa sinasabi mo!” Pagirap ni Willian kay Darryl.“Darryl, tutulungan natin sila, gusto mo man o hindi. Maaari kang bumaba ng bus kung hindi ka makikisama.”Nagbibiro ka ba! Hindi makapaniwala ang hindi makapagsalitang si Darryl.“Darryl, nakakaawa ang tatlong magkakapatid. Tulungan natin sila.” Sabi ng mahinahong si Lily habang hinihila nito ang braso ng katabing si Darryl.Marahil ay tumahimik na lamang si Lily kung tungkol ito sa ibang bagay, ngunit buhay ang kapalit sa sitwasyon ngayon. Paanong hindi siya magsasalita?Marahang umiling si Darryl at binigyang tingin nito si Lilyt.Pinuna ng lahat si Darryl.“Bakit pa ba tayo nakikipagusap sa kaniya?” Natatawang sabi ni Kent. “Inorganisa ng pamilya ko ang trip na ito at sinet-up ang bus na ito. Papapasukin ko sila.”Nang matapos magsalita si Kent, dali dali itong pumunta sa pinto at pinindot ang pindutan upang bumukas.Nang bumukas ang pinto, dali daling umakyat si Hugh sa bus nang may masamang ngiti