Share

Kabanata 1141

Sa oras na ‘yon, ang buong kapaligiran ay natahimik.

Ang lahat ay mukhang naguluhan habang tinitingnan nila si Darryl, hindi nila alam kung anong sasabihin.

Hindi rin nagsalita si Darryl, patuloy niyang hinahanap ang limang fairies sa maraming tao. Sa wakas ay nakita na niya ang mga ito sa pangalawang prison cell. Natuwa si Darryl nang makita niya ang mga ito at naglakad nang mabilis papunta sakanila.

Nang makarating siya, ngumiti si Darryl kay Cindy at sinabing, “Palace Master, narito ako para iligtas kayong lahat.”

Hindi niya ito sinabi sa malanding paraan.

Hindi tulad nang dati, walang pinalalampas si Darryl na pagkakataon para landiin si Cindy. Tatawagin niya sana siyang ‘aking pinakamamahal na asawa’ o kahit anong malanding tawag na pwede.

Gayunpaman, simula noong ginamit ni Little Fairy ang spiritual energy niya para iligtas si Darryl, gustong humingi nang tawad ni Darryl sakanya at sa iba pang mga fairy. Kaya naman hindi na niya nilalandi si Cindy sa tuwing makikita niya i
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status