Nagkaroon na ng malay si Aurora matapos ang ilang oras, malalim ang tulog niya.Nakaupo si Darryl sa tabi niya. Sa sandaling ‘yon, nagawa niyang tanggalin ang takip sa acupoints niya.Kahit na naging masaya ang oras niya kasama si Aurora, nalungkot si Darryl. Kinalaban niya si Quincy sa Wishing Star Tower at ang suntok niya ay malalang sinaktan si Darryl.Nakadequatro si Darryl. Matagal na ang ginugol niyang oras habang sinusubukan niyang pagalingin ito gamit ang internal energy niya bago siya nakahinga nang malalim.‘Maswerte ako dahil mayroon akong puro na internal energy para matulungan kong gumaling agad ang katawan ko.’‘Tama! Dapat akong maghanap ng paraan para makuha ang Dragon Essence sa lalong madaling panahon.’Noong naisip niya ‘yon, nakaramdam si Darryl ng isang matinding enerhiya sa tabi niya!“Darryl!” nagising si Aurora pero hindi niya alam kung gaano na ito katagal. Sa sandaling ‘yon, namumula pa rin ang maganda niyang mukha. Masama ang tingin niya kay Darryl na
Ang lalaki ay mukhang malakas at makabuluhan. Parisukat ang mukha niya, makapal ang kilay at malaki ang mata. Mukha siyang masungit.Ang babae naman ay mukhang mga nasa edad 18 o 19. Cute siya at may mabalahibong bagay sakanyang braso.Ito ay sina Zoran at Jewel!Ang mabalahibong bagay na ito ay ang Little Rocky ni Darryl!‘Hoy, bakit narito si Ninong at Jewel?’Kumunot ang noo ni Darryl, nagulat at natuwa siya sa nakita niya. Hinabaan niya ang kamay niya para tamaan ang espada ni Aurora at pinilit ito para umatras. Tapos, naglakad siya papunta sa mga darating. Makikita mo ang kasiyahan sa mukha ni Darryl!“Ninong! Jewel!” masayang sigaw ni Darryl.Binaba ni Aurora ang kanyang espada at nanginig ang katawan niya.‘Bakit narito si Sir Carter?!’“Manong!”Naging emosyonal si Jewel, sumigaw siya at tumakbo papunta kay Darryl. Tumalon siya sa braso ni Darryl at sinabing, “Manong! Miss na miss na kita!”Kahit na kalahating buwan palang nawawala si Darryl, ang pakiramdam ni Jewel
“Manong, naging masunurin talaga si Little Rocky.” Nakangiting sinabi ni Jewel. “Kadalasan, kapag nagsa-shopping kami ni Ate Debra at maraming binibili, tutulungan niya kaming buhatin ang mga ito.”Malakas na tumawa si Darryl habang tinatapik ang ulo ni Little Rocky. Sobrang cute niya.Matpaos niyang makipaglaro kay Little Rocky, sabi ni Darryl, “Ninong, Jewel, bumalik muna kayo sa Carter Mansion. Babalik ako sa Wishing Star Tower para kuhain ang Dragon Essence. Masyadong mapanganib sa lugar na ‘yon, hindi kayo dapat pumunta roon.”Nag-aalala si Jewel, “Manong, okay ka lang bang pumunta roon mag-isa?”Nabanggit ni Darryl na isang Level Five Martial Emperor si Quincy. Masyadong mapanganib para kay Darryl kapag mag-isa siyang pupunta sa Wishing Star Tower.Ngumiti si Darryl at pinakalma siya, “Magiging okay ako, wag kang mag-alala.”“Sige na!” tumango si Zoran sa pagiging sigurado ni Darryl. “Ingatan mo ang sarili mo, Darryl.”Naghanda nang umalis si Zoran kasama si Jewel at Littl
‘Pumunta ako sa World Universe dahil inutusan ako ng kapatid ko na kuhain ang secret scriptures galing sa iba’t ibang sekta. Hindi naman naging madali para sakin na dukutin lahat ng tao galing sa lahat ng sekta at kukuhain ko dapat ang secret scriptures. Hindi ba sayang lang ang effort ko kapag bumalik ako ngayon?”Ang lalaking nakaitim ay mahinahong sinabi, “Ang kamahalan ay inutusan ang Prinsesa Long na bumalik nang mag-isa. Tungkol naman sa mga tao galing sa iba’t ibang sekta, patuloy natin silang ikukulong sa Wishing Star Tower at dadagdagan ang security para hindi sila makatakas.”“Naiintindihan ko.” Tumango si Quincy. Kailangan niyang umalis sa tent para magsimula sa paglalakbay niya pabalik ng South Cloud World ngayong gabi.Noong umalis si Quincy sa tent, isang anino ang sumunod sakanya sa dilim.Ito ay si Darryl!Nagtago si Darryl sa likod ng puno noong nakita niya si Quincy na lumabas ng tent. Nagtaka siya na bakit ang isang babae ay aalis nang ganitong oras?Ngumiti si
Matapos pumasok sa palasyo, natigilan si Darryl. Ang laki ng palasyong ito.Nakita niya ang hindi mabilang na mga hall sa gitna ng mga hardin na may kubo at hindi mabilang na mga corridor. Para itong malaking maze.Ilang minuto palang naglalakad si Darryl nang makaramdam siya nang pagkahilo. Naglilibot ang mga guard pati na rin ang mga katulong. Sinubukan iwasan ni Darryl ang mga ito.Muntik na maiyak si Darryl, nag-iisip siya, ‘Paano ko mahahanap si Quincy sa ganito kalaking lugar?’Habang nag-aalala siya. Patuloy na naghanap si Darryl. Nakarinig siya ng nagch-cheer galing sa isang kwarto na nadaanan niya.“Dali, ilagay niyo na ang taya niyo. Malaki o maliit. Wag kayong mag alinlangan.”“Malaki sakin!”“Maliit sakin!” sabi nila.Nang marinig niya ito, naglakad si Darryl papunta sa kwarto para mas makita niya ang nangyayari. Nakita niya ang isang grupo ng mga guard na nagtitipon at masayang nagsusugal.Kumunot ang noo ni Darryl. Halata naman na ang lugar na ito ay kung saan na
‘Forever Green Palace? Nandito kaya si Quincy?’ sa isip ni Darryl. Hindi niya mapigilang hindi magpadalos-dalos at naglakad nang tahimik nang hindi nagdadalawang isip.Noong pumasok siya, ang unang bagay na lumitaw sa harapan ng mga mata niya ay isang malaking hardin. Ang hardin ay kakaiba at maganda. Sa likod nito ay isang magarang kwarto.Isang dosenang guard ang nakaluhod sa hardin. Lahat sila ay mukhang nag-aalala habang nakaluhod at pawis na pawis ang noo. Wala ni isa sakanila ang nagtatangkang huminga. Halata naman na pinaparusahan sila.Isang babae na nakasuot ng bistida ang nakaupo sa upuan sa harapan ng mga guard, ang isang binti niya ay nakapatong sa kabilang binti. Ang babaeng ito ay mga nasa 20 na edad, ang mukha niya ay sobrang ganda at may eleganteng aura.Habang patagong nag oobserba si Darryl, nakita niya ang ang babae na nilabas ang isang leather na sinturon. Ang mayabang nitongg mukha ay nakatingin sa mga guard.“Hindi masaya ang prinsesa niyo ngayong araw. Inuut
“Hoy, lalaki! Hindi ka magsusulat para sambahin ang kagandahan ko?” inangat ni Prinsesa Evergreen ang kanyang kamay at hinampas ang leather belt sa katawan ni Darryl habang nagsasalita siya.Slap!Isang malakas na tunog mula sa belt ang narinig at isang kulay dugo na marka ang biglang nakita sa balikat ni Darryl.Hindi niya mapigilan huminga nang malalim. Nagalit siya.‘Dumaan lang ako. Kailan ko siya nasaktan?’Sa sandaling ‘yon, parang sasabog na ang galit ni Darryl pero pinigilan niya ito.‘Hindi ko pa nahahanap si Quincy at hindi ko pa rin nakukuha ang Dragon Essence. Kapag gumanti siya sa Prinsesa, siguradong mapapansin siya ng mga guard. Sa parehong oras, ang plano ko na maghanap sa palasyo ay maaapektuhan din.’ Sa isip niya.Sa sandaling ‘yon, napansin ni Prinsesa Evergreen ang titig ni Darryl. Naging malamig ang ekspresyon ng mukha ni Prinsesa Evergreen bago niya pagalitan si Darryl, “Bakit mo ako tinititigan!”Inangat niya muli ang kanyang leather belt. Napansin niya a
Nakaupo si Prinsesa Evergreen sa upuan at tinitigan nang mayabang si Darryl. “Hindi mo ko kailangang pasiyahin, alam mo ba ‘yon? Mas maraming kapalit kapag nagalit ako.”‘Pasiyahin ka?’Nang marinig niya ‘yon, natigilan si Darryl. Gusto niyang umiyak.‘Sa tingin niya ba kaya kong mag acrobatics?’Noong naisip ‘yon ni Darryl, ngumiti siya. Tiningnan niya si Prinsesa Evergreen at ngumiti, “Kamahalan, paano kita mapapasaya?”Nang makita niya ang pag-aalala sa mukha ni Darryl, natuwa si Prinsesa Evergreen. Tumayo siya sa upuan at nakangiting sinabi, “Gawin natin ‘to. Maglaro tayo. Ikaw ang magiging war stallion ko!” tinuro niya ang sahig. “Lumuhod ka. Sasakyan kita.”‘Ano? Gusto niyang lumuhod ako at maging kabayo na sasakyan mo?’ naisip ni Darryl. Makikita mo sa mukha niya ang pangangamba.Malapit nang mapuno ang galit ni Darryl. Gusto na lang niyang tumakbo at umalis. Kapag umalis siya, walang makapipigil sakanya pero kapag nagpakita siya, mas mahihirapan siyang pumasok ulit sa pa
Sa likod ni Darryl, si Ambrose ay may malawak na ngiti, tinitingnan si Darryl na puno ng kaligayahan sa kanyang mga mata.Pagkatapos, sa ilalim ng titig ng libo-libong tao, pumasok ang mga babaeng ikakasal. Agad, umalingawngaw ang mga hiyawan at palakpakan sa paligid. Maraming lalaki ang tila inggit.Ang walong babaeng ito ay napakaganda!Si Debra, Yvette, Yvonne, Monica, Aurora, Shannon, Quincy, at Lily. Hawak-hawak nila ang kamay ng isa't isa habang lumalakad patungo sa entablado.Higit pa rito, bawat isa sa mga ikakasal ay mataas ang katayuan. Ilang mga ito ay mga emperatris, ilan ay mga pinuno ng sekta. Masasabi na si Darryl ay namumuhay sa pangarap ng maraming lalaki.Ang kanilang mga magagarang kasuotan ay nagpapakita ng kanilang kahusayan. Sa sandaling iyon, kapag sila ay magkasama, tila sila'y mga anghel na bumaba sa mundo ng mga tao. Ito ay isang visual na kasiyahan.Sa madaling salita, ang kasal ay umabot sa rurok kung saan sila ay ipinahayag bilang mag-asawa. Ang malal
Lalo na si Magaera. Pinalisan niya ang pawis sa kanyang noo. Sa wakas, siya ay nabawasan na ng kaba. Sa totoo lang, dati niyang winasak ang fairy soul ng prinsipe. Ito ay kaparusahang kamatayan.Makikita kung gaano sila kaseryoso sa kanilang mga pagkakamali, wala nang ibang sinabi ang Matandang Ninuno. Tiningnan niya ang lahat at sinabing seryoso, "Sige, ipapahayag ko na ang isang mahalagang bagay."Habang ako ay nagme-meditate, maraming bagay ang nangyari. Gayunpaman, hindi maaaring walang hari ang Godly Region kahit isang araw. Napagdesisyunan kong italaga si Darryl Darby bilang bagong Heaven Emperor."Si Darryl ay mabait at may kaalaman. Tumulong siya sa pagtatanggol laban sa fiend race. Nagtrabaho siya ng mabuti para sa Godly Region. Siya rin ang naging guro ni Aurin, ang Royal Master. Higit pa siyang karapat-dapat sa tungkulin."Wow!Sa kanyang mga sinabi, ang buong bulwagan ay nag-ingay. Subalit, agad na lumapit ang mga opisyal at Immortals kay Darryl at binati siya. Tama an
Ano ang...?Nagulat si Emperor Aurelias. Tinitigan niya ang Ancient Ancestor na may hindi makapaniwala.Imposible. Siya mismo ang sumira sa kaluluwa ng Ancient Ancestor. Paano ito nabuhay pa?Sa wakas, bumalik sa kanyang katinuan si Emperor Aurelias. Sinabi niya, "Ikaw..." Sobrang gulat siya na hindi na niya kayang ituloy ang kanyang sasabihin matapos banggitin ang isang salita.Tahimik na tinitigan siya ng Ancient Ancestor na walang anumang ekspresyon sa kanyang mukha. Dahan-dahan itong nagsalita, "Ang iyong sinira dati ay isa lamang sa aking mga kopya. Aurelias, hindi pa rin nagbabago ang iyong ugali paglipas ng maraming taon. Ako’y lubos na nadismaya sa iyo.""Haha!" Pagkarinig nito, sa una'y nagulat si Emperor Aurelias, pagkatapos ay malakas itong tumawa. "Tama na ang iyong mga sermon. Kahit paborito mo ang Nine Heaven Emperor, patay na siya. Sa iyong puso, hindi ako kailanman makakapantay sa kanya. Hindi mo ba ito nagustuhan? Ano ang gagawin mo tungkol dito?"Pagkatapos ay i
Whew!Huminga ng malalim si Darryl at dahan-dahang nagsalita, "Narito tayo sa Bundok ng Sealed Fiend, maraming mandirigma ng lahi ng fiend ang namatay dito. Ang aura dito ay talagang kaaway. Pinagsama ang aura at ang Immortals Trap Formation, dapat ay makaya itong pigilan siya sa loob…”Subalit bago pa siya makatapos sa kanyang sasabihin, sumigaw nang malakas si Emperor Aurelias. Sumabog ang kanyang enerhiya at tinamaan nito ang Immortals Trap Formation.Slam!Sa malakas na ingay, sinalanta ni Emperor Aurelias ang ilang haligi ng bato. Agad na nahina ang kapangyarihan ng formation. Ginamit ni Emperor Aurelias ang pagkakataon upang makawala.Ano ba 'yan!Nang makita ito, nanginig sa gulat si Darryl. May ganung kalakas na kapangyarihan si Emperor Aurelias na hindi siya mapigilan ng Immortals Trap Formation.Nagbago rin ang ekspresyon ni Magaera. Punong-puno ng kaba at seryosidad ang kanyang mga mata.Sa sandaling iyon, tinitigan sila ni Emperor Aurelias. "Mga batang ito. Mamamata
Si Magaera ay ang magpapaain kay Emperor Aurelias doon. Sa tamang sandali, si Darryl ay mag-a-activate ng Immortals Trap Formation at siya'y mabibitin sa loob nito.Kumuha rin si Darryl ng Divine Dragon Jade upang magpadala ng senyales kay Shandy. Binigay ni Shandy kay Darryl ang Divine Dragon Jade, at palaging dala niya ito.Tahimik na nagtago si Darryl sa gilid at nag-antay pagkatapos magtayo ng formation.Slam! Slam! Slam!Hindi nagtagal, narinig niya ang labanan sa kalapit na kalangitan, kasunod ang pagdating ng dalawang pigura.Ito ay sina Magaera at Emperor Aurelias.Kung saan sila naroroon, may nabubuong madilim na mga ulap at ang hangin ay bumubugso dahil sa kakilakilabot na surge ng enerhiya.Natutuwa at nasisiyahan si Darryl nang makita ito.Sa oras na iyon, nakikipaglaban si Magaera kay Emperor Aurelias habang sinusuri ang paligid. Nalaman niyang nasa lugar na ang formation nang hindi niya makita si Darryl.Sa kanilang naunang kasunduan, kapag naitayo na ang formati
Nagulat ang tinaguriang Emperor Aurelias nang marinig ang sinabi ni Darryl, pero pagkatapos ay ngumiti siya at sinabi, "Walang duda na ikaw ng Royal Master." Hindi nakakapagtaka na mataas ang tingin sayo ni Prince Aurin dati pa. Agad mong nalaman ang nangyayari. Kakaiba!"Pagkatapos, itinaas niya ang kanyang mga kamay at pinunasan ang kanyang mukha, naipakita ang tunay niyang pagkatao.Si Magaera pala ito.Ano ba 'to!Nang makita ni Darryl si Magaera, agad siyang na-shock. "Paano ka nakalabas mula sa chaotic void?"Sa oras na iyon, talagang na-shock si Darryl. Tama ang kanyang hula na ang Emperor Aurelias sa harap niya ay isang peke. Maraming tao ang pumasok sa isip niya, pero hindi niya inaasahang si Magaera ito.Mas nakakagulat pa ay ang kakayahan ni Magaera na makatakas sa chaotic void.Tumawa ng bahagya si Magaera. "Kung madali mong ako mahuli sa chaotic void, paano pa ako magiging isang Lord General?"Naginhawa si Darryl at unti-unti siyang kumalma pagkatapos marinig ang s
"Pupuntahan ko siya ngayon sa Imperial Sky Palace."Handang umalis si Empress Heidi patungo sa Imperial Sky Palace, ngunit pinigilan siya ni Magaera."Mahal na Reyna, huwag maging padalus-dalos," seryosong sabi ni Magaera. "Kung pupunta ka doon ngayon, mahuhulog ka lang sa kanilang patibong.""Kaya ano..." Ang makikita sa magandang mukha ni Empress Heidi ay puno ng inis. Sabi niya nang may pag-aalala, "Ano ang dapat nating gawin?" Sa kasalukuyang sitwasyon, wala na siyang maisip na solusyon.Huminga nang malalim si Magaera, para bang gumawa siya ng malaking desisyon. "Kung nais mong kalabanin si Emperor Aurelias, kailangan mo ng tulong mula sa iba.""Sino?" Mabilis na tanong ni Empress Heidi.Nagkaroon ng kumplikadong ekspresyon si Magaera. Sabi niya, "Darryl Darby!""Ano?"Inaasahan ni Empress Heidi na banggitin ni Magaera ang pangalan ng isang Immortal. Hindi niya inaasahang banggitin ni Magaera ang pangalan ni Darryl. Nagulat siya at tiningnan si Magaera. "Darryl Darby? Gust
Boom!Nang marinig ng mga guwardiya sa paligid ng Imperial Sky Palace ang ingay, agad silang tumakbo patungo roon.Agad silang nag-init ang ulo nang makita si Magaera sa kalangitan."Si Panginoon General.""Ano ang ginagawa niya? Hinahamon ba niya si Kanyang Kamahalan?"Habang nag-uusap ang mga guwardiya, isang gintong ilaw ang suminag ang dali-daling lumipad mula sa Imperial Sky Palace, bumangga kay Magaera sa kalangitan.Isang pigura na nakabalot sa ginintuang dragon robe ang nagpapakita ng malakas na awtoridad at kayabangan. Siya si Emperor Aurelias."Magaera?" Nang makita si Magaera, hindi nagbago ang ekspresyon ni Emperor Aurelias. Sabi niya na may kalmado, "Akala ko nasa chaotic void ka pa rin. Hindi ko inakalang ligtas kang babalik. Magaling."Maraming kailangang gawin sa Godly Region ngayon. Kailangan ko ng tamang tao na tutulong sa akin."Akala ni Emperor Aurelias na nandoon si Magaera para tulungan siya.Tumawa si Magaera, hindi ipinapakita ang respeto. "Tulong? Hin
Aba!Ang matinding enerhiya ang nagpahina kay Dax; hindi siya makagalaw, lalo na sa pag-iwas sa atake. Nakatingin lamang siya kay Romeo habang papalapit ito.Nabigla at nagalit din si Chester. "Tumigil kal!"Subalit, hindi pinansin ni Romeo. Sa halip ay pinabilis pa niya ang kanyang galaw."Ikaw—"Natakot si Circe nang makitang handa nang patayin ni Romeo si Dax. Gusto sana niyang pigilan ito pero mukhang huli na. Hinugot niya ang kanyang espada at inilagay ito sa kanyang leeg sa kawalan ng pag-asa."Sige. Kung gusto mo talagang maghiganti, hindi ko na rin gustong mabuhay." Masakit para sa kanya itong sabihin.Nakita niya ang pagkawasak ni Archfiend Antigonus ng kanyang mga mata. Si Circe ay lubos na nasaktan. Naging miyembro siya ng Holy Saint Sect. Noong una, inakala niya na mag-isa na lamang siyang tatanda. Hindi niya alam na si Romeo, ang kanyang batang kapatid, ay maging host ng katawan ni Archfiend Antigonus.Bago pa man siya magkaroon ng kagalakan dito, naghanap na ito