Bawat gabi ay puno ng luha ang kanyang mga mata.Hindi siya mapakali na naglakad palabas ng kwarto.Sina Gladys, Benjamin, Alyssa, at David ay nasa sala.Kahit na ang mga sugat ni David ay hindi pa magaling, hinayaan na siyang lumabas ng hospital at nagpapagaling na siya sa bahay.“Thea…” Tinawag ni David si Thea at sumagot siya, “Bakit hindi mo sinabi sa akin ang tungkol sa divorce mo kay James? Kung sinabi mo sana ito sa akin, pinigilan sana kita.”Lumapit si Thea at umupo siya sa sofa na tila matamlay. Ang mukha niya ay walang emosyon.Tumingin siya kay David at tinanong niya, “Ano? ‘Wag mong sabihin sa akin na alam mo ang tungkol sa tunay na pagkakakilanlan ni James.”Umiling si David. “Hindi. Nangyari ito bago ako mapunta sa hospital at nahuli ng mga Watson. Noon, iniligtas tayo ni James, naaalala mo ba? Pagkatapos mong makatakas, bumalik siya para sa akin. Doon ko nakita na pinatay niya si Gavin at walang awa niyang binugbog si Zavier. Pagkatapos, dumating ang Blithe Kin
Sa opisina ng commander-in-chief sa military district ng Lavender Town sa Southern Plains…Suot ni James ang kanyang Black Dragon robe, nagbabasa siya ng mga dokumento. Knock! Knock! Knock! May mga katok na galing sa pinto.“Pasok.”Pumasok si Henry habang may hawak siyang file at binigay niya ito kay James.“Ang impormasyon na ito ay tungkol sa allied forces ng twenty-eight nations. Ang mga heneral at commander-in-chief ng campaign na ito ay nakalista doon.”Binuksan ni James ang file.Ang commander-in-chief ng allied forces ng twenty-eight nation ay isang five-star general na si Pablo Qadir ng Ishkabar.Si Pablo ay ipinanganak sa isang pamilya na may military background.Gayunpaman, sa oras na magulo sa Ishkabar noong dalawampung taon na ang nakalipas, ang pamilya niya ay inakusahan ng treason laban sa bayan. Kaya naman, parehong pinatay ang tatay at lolo niya.Siya lang ang nabuhay at naging isang karaniwang mamamayan.Umasa siya sa kanyang pagsisikap at naging isang s
May boses na tumunog, “Ang Black Dragon ay nagpadala ng mga tauhan niya sa twenty-eight nations para imbestigahan ang background ng mga namatay sa hijacking incident. Dahil mahusay ang mga tauhan niya, malalaman na rin nila ang tungkol dito.”Nagtanong si Pablo, “Ano ang dapat nating gawin ngayon?”“Mananatili tayo dito. Hayaan natin siyang mag imbestiga. Kapag mas marami siyang nalaman, mas mabuti. Kilala ko siya ng mabuti. Tagapagtaguyod siya ng kapayapaan. Kapag nalaman niya, pupunta siya dito at susubukan niyang ayusin ang problema ng hindi kailangan ng pakikipaglaban. ‘Yun ang oras na mamamatay siya.”“Naiintindihan ko.”Tumango si Pablo.Ibinaba niya ang phone call.Habang nakatingin sa mga heneral, inutos ni Pablo, “Narinig mo siya. Hindi tayo kikilos. Utusan mo ang mga tauhan mo na magpakabait. ‘Wag kayong gumawa ng bagay na hindi inutos sa inyo.”“Masusunod.”Tumango ang mga heneral.Kasabay nito, sina James, Henry, at Levi ay palihim na umalis ng Lavender Town at pum
Nangyari ang lahat ng biglaan.Walang oras si Levi para magreakt.Akala niya ay isang bluff lang ito ng twenty-eight nations. Kaya naman, nang atakihin nila ang Southern Plains City, hindi siya handa.Hindi siya sinisi ni James dito.“Dahil wala na tayong magagawa dito, bumalik na tayo ngayon.”Sumakay sa Jeep si James.Sumunod si Henry at Levi. Bumalik sila sa Lavender Town.Sa oras na dumating sila, tanghali na.Para mapigilan ang allied forces ng twenty-eight nations sa pag atake, nagsimula si James na maghanda sa pagdepensa sa bayan.Pagkatapos ng paghahanda, naghintay siya.Pagkatapos bumalik ni James sa Southern Plains, nagbigay ng atensyon ang mundo sa sitwasyon sa digmaan. Gayunpaman, lumipas ang mga araw, at walang nangyari. Ang twenty-eight nations ay hindi umatake, at hindi rin sila inatake ng Black Dragon.Maraming eksperto sa military mula sa buong mundo ang nag analyze ng labanan.Makalipas ang tatlong araw… Ang mga assassin na inutusan ni James na pumasok
“Mhm.” Tumango si James, "Ang lahat ng intelligence reports namin ay nakaturo sa iisang tao." "Sino?" Nagtaka sina Henry at Levi. "Ang commander-in-chief ng Red Flame army, ang Emperor." Seryosong bulong ni James. "Ano?" Napasigaw sila sa gulat. Sa pagkabigla, nagtanong si Henry, "Ang Emperor? Paanong nangyari yun? Isa siyang Solean. Sinasabi mo ba na plinano niya ang lahat ng to para mapatay ka?" "Sa tingin ko hindi lang yun ganito kasimple." May seryosong ekspresyon si James. Hindi pa rin niya alam kung anong balak ng Emperor. Ang alam niya lang ay kumikilos na siya. Noon sa insidente sa Mt. Thunder Pass, napilitan siyang sumugod sa isang patibong pagkatapos makidnap ni Henry at labanan ang elite fighters mula sa twenty-eight nations. Ang mastermind sa likod ng insidenteng ito ay ang Doctor King. Ang Doctor King, na nagngangalang Jonathan Harris, ay isa sa mga tao ng Emperor. Pinakita ng mga nahanap ni Ronald na sina Jonathan at ang iba pa ay pali
Nanahimik ang lahat. Pupuslit sila sa Southern Plains City, na mahigpit na binabantayan ng isang hukbo ng tatlong milyong tao, at papatayin ang mga general ng twenty-eight nations? Ito na siguro ang pinakanakakatakot na assassination mission na natanggap nila Nagkatinginan sila. Walang nagsalita ng kahit na ano. Habang tinitignan ang lahat ng naroon, humakbang si May paharap. "Sasama ako sa'yo, James." Lumaki si May sa Dark Castle at pinalaki nilang isang assassin. Sa buong buhay niya, nabuhay siya sa walang kulay na kalungkutan. Pagkatapos niyang sundan si James, naintindihan na niya ang ibig sabihin ng buhay. Si James ang nagbigay sa kanya ng lahat. Ngayon na may misyon si James, kailangan niyang tuparin ang mga tungkulin niya. Tumingin si James sa iba at nagtanong, "Meron pa bang iba?" Nag-aalangan ang mga assassin. Kahit na tapat sila kay James, napakadelikado ng kasalukuyang misyon. Halos wala silang tyansang makabalik nang buhay. Hindi nila gustong mam
Kampanteng nagsabi si Floyd, "Makakasiguro ka. May isang three-million-strong army na nandito. Kapag pumunta ang Black Dragon, masisiguro ko sa'yo na hindi siya makakaalis dito nang buhay.""Hindi ka pwedeng mabigo. Kapag nabigo ka, hindi mo na kailangang bumalik." Binaba ng kanilang linya ang tawag. Tumayo si Floyd. Binato niya sa lapag ang upos ng sigarilyo na hawak niya at inapakan niya ito. Pagkatapos, nagpunta siya sa conference room. Nagtitipon ang mga heneral ng twenty-eight nations sa kwarto. Naglakad si Floyd papunta sa kanila at kaagad silang tumayo. Sinenyasan sila ni Floyd na kumalma. Doon lang naupo ang mga heneral. Tinignan ni Floyd ang madla. "May balita mula sa boss. Naisiwalat ang hijacking incident. Alam na ngayon ng Black Dragon ang lahat." "Ano?!" Namula sila. Malamig siyang tinignan ni Pablo. "Nangako ka sa'min na perpekto ang plano. Kapag kumalat ang balita, mawawalan ako ng lugar sa Ishkabar." Hindi pinansin ni Floyd ang reklamo ni
Pinanood silang umalis ni James. Umalis lang siya nang nakasiguro siyang nakapasok na silang lahat sa gubat. Dahan-dahan siyang lumapit sa lungsod. Nakakita siya kaagad ng isang patrol team. Ang patrol ay binubuo ng limang convoy, isang armored car, isang emergency unit vehicle, at isang tangke. Nagtago si James sa likod ng puno sa tabi ng daan at naghintay na umalis sila. Pagkaalis nila, palihim niya silang sinundan. Gayunpaman, hindi siya makahanap ng pagkakataong makapasok sa patrol. Sa susunod na sandali, lumubog na ang araw. Dumami ang bilang ng patrol sa pagdating ng gabi. Dahil hindi siya makahanap ng pagkakataon, sumuko si James sa pagsunod sa patrol. Iniwasan niya ang mga sentry at lumapit sa lungsod. Sampung kilometro lang ang layo niya rito. Dumami ang bilang ng pwersa ng kalaban. May mga sundalo pa ngang nakapwesto sa barracks. Pinanood sila ni James habang nagtatago. Sa wakas, sa gitna ng gabi, kusang lumitaw ang isang pagkakataon. Nakahanap