Sa kasamaang palad, masyado itong mahal para sa kanya. Kahit na binigyan siya ni Thea ng isang milyong dolyar, higit pa sa tatlong milyon ang halaga ng jade plate na ito.Maingat niya itong ibinalik sa lalagyan nito.Subalit, sa sobrang kaba at pag-iingat niya ay aksidente niyang tinamaan ang kabinet at hindi niya nahawakan ng mahigpit ang jade plate, na naging dahilan upang bumagsak ito sa sahig.Bang!Agad na nagkapira-piraso ang jade plate.“Ah…”Agad na natulala si Benjamin at tumayo siya sa isang tabi, napatitig siya sa nabasag na jade plate.Noong nakita ito ni Jasmine, nagdilim din ang kanyang mukha. Kinagalitan niya si Benjamin, “Sir, sinabihan na kita na mag-ingat ka. Kailangan mo kaming bayaran ayon sa halaga nito kapag nabasag mo ito.”“P-Pasensya na. Hindi ko ‘to sinasadyang mabitawan.”Paulit-ulit na humingi ng tawad si Benjamin."Makakatulong ba ang paghingi mo ng tawad? Tatlong milyon at walong daang libong dolyar ang halaga nito. Bayaran mo kami ayon sa hala
Lumapit si Cynthia at tinulungan niya si Benjamin na tumayo.“Uncle, ayos ka lang ba?” Nag-aalala siyang nagtanong.Binugbog nila si Benjamin hanggang sa mamaga ang kanyang mukha, at tumutulo ang dugo mula sa gilid ng kanyang bibig."Hindi, ayos lang ako." Umiling si Benjamin at sumagot. Ngumiti si Yuri. "Dahil sinabi ni Ms. Dawn na siya na ang magbabayad ng nasira niya, ayos na ang lahat."Pagkatapos, humarap siya kay Benjamin at sinabing, “Umalis ka na.”“James…” Tumingin si Benjamin kay James at nag-alinlangan siyang magsalita.May gusto sana siyang sabihin ngunit hindi niya magawang magsalita.Hindi na niya son-in-law si James dahil hiniwalayan na ni James si Thea.Tumingin si James kay Benjamin at humarap siya kay Cynthia.“Bakit ikaw ang magbabayad para sa kanya? Marami ka bang pera? May pera ang mga Callahan at hindi nila kailangan ang pera mo.” Ang sabi ni James.“James, hindi ba siya ang…” Napahinto si Cynthia noong bigla niyang naalala na hiniwalayan na ni James s
”Gumagawa ka ng gulo ng walang dahilan. Tinatamad akong makipag-usap sa’yo.” Nagsindi ng sigarilyo si James at hindi niya pinansin si Thea.Noong sandaling ito, dinala ni Yuri si Benjamin sa kanila.“Thea, nabasag ng tatay mo ang isang jade plate mula sa six hundred AD hanggang nine hundred AD period na nagkakahalaga ng three million eight hundred thousand dollars. Bibigyan kita ng discount. Three million and five hundred dollars na lang ang babayaran mo. Pagkatapos, pwede mo nang kunin ang tatay mo.”Galit na galit si Thea noong nakita niya ang bugbogsaradong mukha ni Benjamin habang kinakaladkad siya ng ilang maskuladong lalaki.Tumalikod siya at sinisi niya si James, “Anong ginagawa mo, James? Tutal nandito ka naman, bakit hinayaan mong bugbugin nila ang tatay ko?”Alam ni Thea ang kakayahan ni James. Walang laban kay James ang mga maskuladong lalaki na ito.Nasa Sovereign Antique Shop si James ngunit hinayaan niyang mabugbog ng husto ang kanyang tatay.“Kumilos na ako para t
Sa lounge area ng Sovereign Antique Shop.Naglalaro pa rin ng Plants Vs. Zombies si James, ngunit patuloy na sumusulpot sa kanyang isipan ang itsura ni Thea.Siguro nga tama si Cynthia tungkol sa kanya. Hindi niya hinayaan na siya ang magbayad at gusto niya na papuntahin nila Yuri si Thea sa shop para makita niya siya.Marami siyang gustong sabihin kay Thea, ngunit hindi siya makapagsalita noong muli niya siyang nakita.Pakiramdam niya ay hindi na niya ito kailangan pang sabihin.Magulo at komplikado ang kanyang damdamin.Hindi niya inasahan ang nararamdaman niya.Napakamaunawain din ni Cynthia at hindi na niya ginulo si James.Mabagal na lumipas ang oras.Paglipas ng sampung minuto, lumapit sa kanya ang ilang maskuladong lalaki na nakasuot ng itim na suit. Ang isa sa kanila ay may bitbit na itim na safe sa kanyang mga kamay.“Sir, dala na namin ang pinapakuha niyo.”Tumango si Yuri. “Sige.”Tumingin siya kay James at sinabing, “Mr. Caden, doon tayo sa opisina ko para buksa
Pinigil ni James ang kanyang paghinga.Nanood ding maigi si Cynthia.Gusto din niyang malaman kung ano ang nilalaman ng kahon na binili ni James sa halagang 100 milyon. Kasabay nito, gusto rin niyang malaman kung bakit nakay James ang susi na kailangan upang mabuksan ang kahon.Sa ilalim ng mga titig ni Cynthia, dahan-dahang pinihit ni James ang susi. Click!Umalingawngaw ang isang malakas na tunog. Bahagyang bumukas ang kulay tansong kahon. Napako ang tingin ni James sa kahon. Nasa loob ng kahon ang isang nakatuping kalatas. Maingat niya itong nilabas mula sa kahon.Gawa sa kakaibang materyales ang sinaunang kalatas na ito, na nakatulong upang mapreserba ito ng maayos. Kasabay nito, may kabigatan din ang kalatas na ito. Binuklat ito ni James at nilatag niya ito sa mesa. Napakalaki ng sinaunang kalatas na ito, umabot sa isang metro ang haba nito noong binuklat niya ito. "A-Ano 'to?" Tiningnan ni Cynthia ang mga larawan sa sinaunang kalatas at naguluhan siya. "I
Sa isang courtyard house sa Capital ng Sol.Ito ang mansyon ng Emperor, ang tahanan ng Emperor—ang pinuno ng Five Commanders at ang commander ng Red Flame Army.Nakabalik na sa Capital ang Emperor.Sa ilalim ng isang gazebo sa courtyard.Isang lalaking nakasuot ng itim na suit ang nakikipag-usap sa isang binata na nasa dalawampung taong gulang."Brother Caden, ilang taon tayong hindi nagkita. High school ka pa lang noong huli kitang nakita. Bakit ka naparito?" Ang lalaking nakasuot ng itim na suit ay ang Emperor. "Mr. Johnston, yung totoo, nakatanggap ang pamilya ko ng balita na natagpuan sa Cansington ang kahon na nahukay mula sa sinaunang libingan ng Prince of Orchid Mountain. Nalaman din namin ang nasa kamay ito ngayon ng isang miyembro ng pamilya ni Thomas. May dalawang rason kaya ako pinapunta dito ni Lolo. Ang isa ay upang kunin ang kahon, ang isa naman ay upang patayin ang natitirang miyembro ng pamilya ng traydor na si Thomas."Pinaliwanag ng binata ang kanyang motibo
Ngumiti ang Emperor at hindi na siya nagsalita.Di nagtagal, naglakad palapit sa kanila ang isang lalaki at babae. Ito ay sila James at Cynthia.Agad na tumayo ang Emperor at inunat niya ang kanyang mga braso upang yakapin si James.“James, ang tagal nating hindi nagkita!”Inangat ni James ang kanyang paa at sinipa niya ang Emperor at sinabi niya na, “Huwag ka nang magkunwari. Alam mo kung bakit ako nandito.”Agad na iniwasan ng Emperor ang sipa niya at umatras siya ng ilang hakbang.“Anong ibig mong sabihin, James? Hindi ko alam kung bakit ka pumunta dito.” Ang sabi ng Emperor ng may naguguluhang ekspresyon.“Ikaw si James?”Umalingawngaw ang isang boses.Narinig ni James ang boses at lumingon siya sa pinagmulan nito.Tumayo ang isang binata na nasa dalawampung taong gulang pa lamang. Nakasuot siya ng puting damit, na nakatingin ng masama sa kanya.“Sino ka?” Sumimangot si James.Tumingin si Bobby kay James at kalmadong nagsalita, “Ako si Bobby Caden.”Lalong nagsalubong
“Haha!”Tumawa si Bobby na para bang narinig niya ang pinaka nakakatawang biro sa buong buhay niya. "Anong sinasabi mo, James? Ang lakas naman ng loob mo na hingin sa'kin ang Moonlit Flowers on Cliffside's Edge. Ang mga Caden ang tagapangalaga ng Moonlit Flowers on Cliffside's Edge. Ikaw ang apo ng traydor sa pamilya ng mga Caden. Latak ka lang ng isang pamilya na karapatdapat lang mamatay. Dapat ka ring mamatay gaya nila!"Nagdilim ang mukha ni James. Dahan-dahan siyang naglakad palapit kay Bobby. Agad na lumapit ang Emperor at tumayo siya sa harap ni James. "Anong balak mong gawin, James? Alam mo ba kung sino siya? Isa siyang miyembro ng pamilya ng mga Caden at ang susunod na magiging pinuno ng mga Caden. Apo ka lang ng traydor ng mga Caden. Malaking kabastusan na ang hindi mo pagluhod upang batiin ang susunod na pinuno ng pamilya.""Umalis ka sa daanan ko," Sumigaw si James. Ang boses niya ay gaya ng isang malakas na kulog, dahilan para mabigla ang Emperor. Nahimasmas