Sinulyapan ni James si Francois at malamig na sinabi, “Mr. Cortez, kinukuwestiyon mo ba ang pagiging walang kinikilingan ng Solean medical conference? Sa napakaraming reporter at camera rito... Sa isang audience na may bilang na isang daang libo at sa milyun-milyong manonood na nanonood ng live ngayon, sinasabi mo babg nandaya ako?”“Mukhang nandaya ka. Paano matukoy nang tama ng isang batang tulad mo ang napakaraming halamang gamot gamit ang iyong pang-amoy sa napakaikling panahon? Kahit na binuksan mo ang iyong mga mata, walang paraan na nagawa mo ito nang napakabilis!"Hindi makapaniwala si Francois.Hindi siya makapaniwala na ang isang kabataang tulad ni James ay magkakaroon ng ganoong kahusayan sa medisina.Sinabi ni Delilah, "Dahil nagtanong ang kalaban tungkol sa pagiging patas ng kumpetisyon, gusto kong anyayahan ang hurado na mag-imbestiga kung may mali sa kanyang piring."Ibinigay ni James ang kanyang piring sa hurado.Matapos suriin ito, wala silang nakitang mali dito.
Narinig nina Lucas at Jonathan ang mga alingawngaw.Ang katulong sa tabi ni Thea ay ang chairman ng Majestic Corporation. Samantala, may mga tsismis na ang chairman ng Majestic Corporation ay ang Black Dragon.Ngunit, alam nila ang katotohanan.Ang tunay na Black Dragon ay si James, ang manugang ng mga Callahan. Nagkataon lang na magkaparehas sila ng pangalan.Bukod dito, ang Black Dragon ay kasalukuyang nakulong sa kanyang detention cell.Tumawag si Lucas sa istasyon ng pulisya, at sinabi sa kanya na si James ay nakakulong pa rin at hindi umaalis sa lugar."Umaayon ang ating plano." Napatingin si Lucas kay Jonathan.Tumango si Jonathan, at dumilim ang mukha. “Mula ngayon, wala nang Solean Doctor’s Association sa Sol. Samantala, ang National Doctor's Association of Goryeo ay magtatatag sa Sol. Sa loob lamang ng ilang taon, magkakaroon tayo ng ganap na kontrol sa medikal na merkado ng bansa. Sa ganoong paraan, makokontrol natin ang mga mamamayan ng Sol gamit ang gamot. Kung nasak
Patuloy ni Delilah, “Nakatanggap lang kami ng balita na may hindi nasisiyahan sa mga panuntunan sa kompetisyon. Ang lalaking iyon ay si Jonathan Harris ng Universal Hospital. Iimbitahan namin ngayon si Mr. Harris sa entablado."Nang marinig ito, umakyat si Jonathan sa entablado. Nakaharap sa madla at hindi mabilang na mga camera, nanatili siyang kalmado.Tanong ni Kevin, “Mr. Harris, mangyaring sabihin sa amin kung aling aspeto ng mga panuntunan sa kumpetisyon ang hindi ka nasisiyahan." Kinuha ni Jonathan ang mikropono mula sa staff at sinabing, “Labis akong hindi nasisiyahan sa mga tuntunin sa kompetisyon ng medikal na kompetisyon sa taong ito. Gaano ba tayo katagal kung isa-isa tayo? Iminumungkahi ko na lahat tayo ay makipagkumpetensya nang sabay-sabay.Napangiti si Delilah. "Ang mga tuntunin sa kumpetisyon ay itinakda ng isang grupo ng mga ospital. Hindi natin mababago ang mga ito dahil lang hindi ka sumasang-ayon.""Ganun ba?" Ngumiti si Jonathan at itinuro si Jay, na na
Napaharap sa hamon ni Jonathan, hindi natakot si Jay. Pinili niyang tanggapin ang hamon.Nang makita ito, isang pilyong ngiti ang sumilay sa mukha ni Jonathan na para bang ang kanyang masasamang pakana ay umabot sa isang crescendo."Ipapaliwanag ko sandali ang rules,” sabi ni Jonathan. “Isang libong halamang gamot ang ihahanda. Batay sa aming pag-unawa sa mga halamang gamot, malaya naming ihahalo at itugma ang mga ito upang lumikha ng lason. Matapos maubos ng kabilang partido ang lason, kailangan nating paghaluin at pagtugmain muli ang libong mga halamang gamot upang lumikha ng isang panlunas. Siyempre, pinapayagan kaming gumamit ng acupuncture at acupoint pressure therapeutic na paraan upang mailabas ang mga lason."Tumango si Jay.Nagpatuloy si Jonathan, "Upang matiyak ang kawalang-kinikilingan ng kumpetisyon, ipauubaya ko ang paghahanda ng mga halamang gamot sa Herbal Biotech."Agad namang inayos ni Jay.Hindi nagtagal, itinulak ang ilang istante sa entablado.Mayroong marami
Ang isa pa ay isang hindi kilalang doktor. Sino ang magtatagumpay? Sabik na pinanood ng mga madla ang mga kaganapan.Habang nakatingin kela Jay at Jonathan sa entablado, nagtanong si Thea, “Mr. Caden, mukhang ordinaryo ang mga halamang medisina na ‘yun. Pwede ba talaga gawing lason ang mga ito?”“Oo.”Tumango si James. “Kahit na hindi nakakalason ang mga halaman na ito, pwede itong gawing lason kapag pinaghalo. Sina Jay at Jonathan ay parehong mahusay na mga doctor. Ang lason na ginawa nila ay nakakamatay. Makikita natin kung kaninong antidote ang mas maganda.”Tumingin si Thea kay James at nagtanong siya, “Mr. Caden, sa tingin mo ba ay kaya mong manalo laban sa kanila sa isang kompetisyon?”Ngumiti ang sulok ng kanyang bibig. Nang makita ito ni Thea, agad niya itong naintindihan.Lumipas ang oras.Habang pinapanood ng mga manonood, masipag na gumagawa ng lason sina Jay at Jonathan base sa pagkakaalam nila sa bawat halaman. Mabilis na lumipas ang kalahating oras.“Time’
Dahil nakamamatay ang mga lason na ginawa nila Jay at Jonathan, ang mga sintomas nila ay lumabas agad nang inumin nila iot.Nakahiga sina Christine at Lucas sa entablado. Magkaiba ang kanilang mga sintomas. Mabilis na yumuko si Jay para tingnan ang pulso ni Christine para suriin ang kondisyon nito.Ganito rin ang ginawa ni Jonathan.May higit sa isang dosenang mga camera sa entablado.Ang bawat kilos nila ay recorded.Pagkatapos suriin ang kondisyon ni Christine, agad na kumuha ng ilang mga silver na karayom si Jay at hinarangan niya ang lahat ng acupuncture points at meridians ni Christine para pigilan ang pagkalat ng lason.“Sampung minuto.”Pagkatapos suriin ang kondisyon ni Christine, alam na ni Jay kung ano ang kanyang gagawin.Kailangan niyang gumawa ng gamot para ilabas ang mga lason sa loob ng katawan ni Christine sa loob ng sampung minuto. Kung hindi, mapupunta sa panganib ang buhay ni Christine.Kahit na aamin siya ng pagkatalo pagkatapos ng sampung minuto, ang kat
Gayunpaman, si Jonathan ay hindi isang ordinaryong doktor. Ang lason na ginawa niya ay mapanganib, at mabilis kumalat ang lason sa katawan. Walang oras si Jay para palabasin ito sa katawan ni Christine.Kung mas mabagal kumalat ang mga lason… Kung may oras pa siya, siguradong makakahanap siya ng antidote.Lumipas ang oras.Dalawang minuto na lang ang nanatili.Ang mga lason sa katawan ni Lucas ay halos wala na. Bumalik na ang kulay sa kanyang mukha.Nang makita na pinalabas na ni Jonathan ang mga lason sa katawan ni Lucas, alam ni Jay na talo na siya.Tumayo siya at sinabi niya, “Umaamin na ako sa pagkatalo. Hindi ko mahanap ang antidote sa natitirang oras na meron ako. Ibigay mo sa akin ang antidote.”Kung nagpilit siya at hinayaan niya an kumalat ang lason sa katawan ni Christine, mapupunta sa panganib ang buhay ni Chrstine.Nabigla ang madla. “Umaamin ng pagkatalo si Jay Fallon?”“Si Jay Fallon, ang henyo na doktor na may titulo ng Asclepius sa nakalipas na dalawampung ta
Sa entablado, tumingin si Jonathan sa mga mata ni Jay at tinanong niya, “Mr. Fallon, hindi ka ba sang-ayon sa mga sinabi ko?”Sumimangot si Jay. Dumilim ang mukha niya.Alam niya na galing si Jonathan sa Goryeo. Alam niya rin na minsan siyang isang mamamayan ng Sol na lumipat sa Goryeo. Gayunpaman, hindi niya inaasahan na may masamang intensyon ito sa pagsama ng Solean medical conference ngayong taon. Nasa ilalim siya ni Jonathan sa larangan ng paggawa ng lason at paggawa ng antidote. “Hoy, magsalita ka. Ikaw ang gumawa ng Solean Doctor’s Association at naniniwala ka na ang Solean Medicine ay awtentik dahil alng may nakuha kang mga kaalaman na mula sa Goryeon Medicine. Bibigyan kita ng pagkakataon para hamunin ako. Kapag natalo ka ulit, kailangan mo ipasara ang Solean Doctor’s Association o palitan mo ang pangalan at gawin mo itong Goryeon Doctor’s Association. Sana ay hindi ito sobra para sayo.”Sinasadya ni Jonathan na maging agresibo.“Dr. Fallon, tanggapin mo ang hamon ni