Hindi alam ni Hector kung bakit takot na takot si Rowena. Gayunpaman, alam niya na nalaman na ni Rowena ang pagkatao ng pumatay sa ama nila. Ito rin ang taong pumatay sa iba pang patriarch. Isang pamilya ang naisip niya. Ang mga Caden! Isang pamilya lang ang may sama ng loob sa mga Xavier pati sa tatlo pang pamilya. Iyon ay ang mga Caden na nabura sampung taon na ang nakakaraan! Hindi na siya nagtanong o nagsabi ng kahit na ano, sa halip ay tumalikod siya para umalis. Habang nakahiga sa kama, nawalan ng pag-asa si Rowena. Ang gusto lang niya ay maibalik ang kapangyarihan ng mga Xavier. Ngayon, nalaman niya na wala siyang magagawa. Dapat niyang bilangin ang mga biyaya na buhay pa ang pamilya niya. "Nakakatakot ang Black Dragon. Sinusubukan niyang burahin nang tuluyan ang The Great Four. Pero naiintindihan ko. Base sa nangyari sampung taon ang nakakaraan, ang kahit na sino ay mahihirapan ring makalimot," malungkot na bulong ni Rowena. Kasabay nito sa isang military
Bago ang succession ceremony ng Blithe King, pinatay ang tatlong natitirang patriarch ng The Great Four. Nagsanhi ito ng kaguluhan. Pagkatapos mag-alay ni James sa pamilya niya, bumalik siya sa House of Royals kung saan siya naligo at nagpalit ng damit. Pagkatapos ay tinignan niya ang oras sa phone niya. Ngunit, napansin niya na may ilan siyang hindi nasagot na tawag at hindi nabasang mga text. Alas-otso na ng umaga. Sa bahay ng mga Callahan. Umupo si Thea sa kama sa kwarto niya habang nakatitig sa phone niya. Gising siya buong gabi, pero hindi man lang siya tinawagan o pinadalhan ng text ni James. Pinilit niya ang sarili niya na huwag tawagan si James. Pagkatapos ng isang gabi, sumuko siya. Tinawagan niya si James nang ilang beses pero hindi pa rin siya sumagot. Pinadalhan niya siya nang ilang text. Hindi siya sumagot. Sobra siyang nag-alala. "Nasaktan ko ba ang damdamin niya kagabi? Masyado ba akong naging malupit sa mga salita ko?" Hindi napigilan ni Thea n
“Jamie.”Naglakad papaharap si Thea at hinawakan ang kamay niya. Mukha siyang nagsisisi. "Pasensya ka na sa nasabi ko kagabi. Baka masyado akong naging malupit sa mga sinabi ko. Saan ka nagpunta?" "Nagpunta ako kela Henry." "Ang lakas ng loob mong magpakita rito, walang kwentang basura." Lumapit si Tommy nang taas noo habang naiinis na tinitignan si James. Pagkatapos ay tinignan niya ang kotse na walang plaka. Isa itong multi-purpose vehicle na may logo ng hindi pa niya nakikita noon. Mapangmata siyang nagsabi, "Hindi mo naman iniisip na sumakay rito papunta sa military region, tama? Nakakahya. At ikaw…" Tinuro niya si David. "Tignan mo ang kotse mo! Isa kang kahihiyan para sa'min!" Lumapit si Howard at tinignan ang mga kotse nina David at James. Malamig siyang nagsabi, "Nakakadiri. Wag na wag mong dadalhin ang mga kotseng to. Tignan niyo kung makakasakay kayo sa kotse ng iba. Kung hindi lang sinabi ni lolo na dapat pumunta ang lahat ng kamag-anak natin, hindi ko kayo gugustuh
Sumakay si Gladys sa kotse, pero pinili nina Benjamin at ng iba pa na umuwi. Nagmaneho si James papunta sa military region. Nahabol nila kaagad ang mga kotse ng Callahan. Tumigil si James sa pagmamadali at dahan-dahang sinundan ang mga kotse. Isa mang second-rate family ang mga Callahan, mayaman pa rin sila. Ang lahat sa pamilya ay may isa o dalawang mamahaling kotse. Para tulungan ang mga Callahan na magpakitang-gilas, nagdala rin si Colson ng mamahaling kotse mula sa bahay niya para sumama sa mga hilera ng kotse. Isang magarang tanawin ang hilera ng mga mamahaling kotse. Nang may higit sampung kotse at kasabay ng mga tambol, isa nga itong masiglang okasyon. Ang banner na nangunguna sa mga kotse ay ang pangunahing parte nito. Napansin ito ng lahat. Maraming tao ang nag-record ng eksena at in-upload ito sa iba't-ibang social platforms na nakagawa ng ingay sa social media. "Ang galing ng mga Callahan." "Maraming importanteng pamilya sa Cansington na hindi nakakakuha ng imb
Pamilyar sila sa mga imbitasyon. May iba-ibang klase ng imbitasyon. Ang mga inilabas sa publiko ay kadalasang mga simpleng pwesto, hahayaan lang nito ang mga dadalo na tumayo sa likod. Gayunpaman, iba ang isang espesyal na panauhin. Ang espesyal na panauhin ay may karapatang umupo sa harapan! Nagulat ang marami sa special guest invitation ni Lex. "Ang mga Callahan ay isang second-rate family lamang. Paano sila nakakuha ng imbitasyon na kagaya nito?" "Kaya pala gumawa sila ng eksena. Inimbitahan ang mga Callahan bilang espesyal na panauhin ng Blithe King." Patuloy ang mga komento tungkol sa bahay na ito. Malapit siguro ang mga Callahan sa Blithe King. Kung hindi, paano nila magagawang makuha ang imbitasyong ito? Ang mga espesyal na panauhin ay tunay na mga importanteng tao. Malinaw na hindi sapat ang pagiging mayaman. "Mister Callahan, ikaw pala yan. Kumusta ka na?" "Lex, kaibigan ko. Maraming taon rin tayong hindi nagkita. Wala ka pa ring kupas." Nang makita ang imb
Ang pagbabago sa limang hukbo ay isang malaking insidente sangkot ang limang rehiyon. Ang lahat ng importanteng tauhan ng limang rehiyon ay kailangang dumalo. Dapat ay isa itong pribadong bagay na hindi nakikita ng publiko. Gayunpaman, dahil ang Blithe King ang uupo bilang commander-in-chief ng limang hukbo, naiiba ang okasayong ito. Ilang upuan ang ibinigay para sa publiko. May mga numerong nakasulat sa imbitasyon. Ang bawat isang numero ay may katumbas na upuan sa venue. Sa sandaling narinig nila na pwede na silang pumasok, ang lahat ay nagbigay daan para kay Lex. Dahil isa siyang espesyal na panauhin, ang upuan niya ay nasa harapan kung nasaan ang mga commander at iba pang military regions. Ang isang lalaking may katayuan niya ay dapat mauna. Anong nangyayari? Bahagyang nagtaka si Lex. "Bakit nakatayo ka lang diyan? Pasok ka na!" Natauhan si Lex nang may isang boses na tumawag sa kanya. Anong nangyayari? Ako ba ang dapat na mauna? Pagkatapos huminto nang ila
Sinaluduhan lang ng lieutenant kanina si Lex, kaya bakit niya pinalayas si Lex sa sumunod na segundo? Natulala ang mga Callahan nang nakita nila ito, hindi nila alam kung anong gagawin. "Ang lakas ng loob mong mameke ng imbitasyon mula sa Blithe King. Pababayaan ka namin dahil unang beses mo pa lang ginawa ito. Kung hindi, bibitayin ka," malamig na sabi ng lieutenant. Hindi pinansin ni Lex ang nananakit niyang katawan. Kaawa-awa siyang tumayo at tinignan si Stefon. Malakas siyang nagsabi, "Stefon, tulungan mo ako. Personal na pinadala ng Western Border Patrol ang imbitasyon sa'min dahil sa'yo."Gustong maghugas ng kamay ni Stefon sa sandaling narinig niya na peke ang imbitasyon ni Lex. Kaagad siyang nagsabi, "Wag mo kong pagbintangan, Lex. Anong kinalaman ko sa pekeng imbitasyon mo?" Nataranta si Lex, lumingon siya sa paligid para manghingi ng tulong sa iba. Lumapag ang tingin niya kay Colson at kawawang naglakad papunta sa kanya. Hinawakan niya ang kamay ni Colson at nagmakaa
Matinding pinagsisihan ni Lex ang lahat. Pinagsisihan niyang sinadya niyang magtawag ng atensyon, nagpaputok pa siya sa labas ng military region. Ngayong hindi natuwa ang higher-ups, nawalan siya ng pagkakataong dumalo sa succession ceremony. Sa sandaling iyon, tumunog ang isang busina. Nakita ni Lex si James na papalapit sakay ng kotse. At naroon siya, nag-aalala na wala siyang mapagbubuntunan ng galit! Gamit ang tungkod niya, nilapitan niya ang kotse. Galit niyang tinapik ang tungkod sa lapag. "Wala kang kwenta! Hindi pa ba sapat ang ginawa mo? Umalis ka na!" Beep.Tinignan ni James ang nanggagalaiting si Lex at sinabihan siyang umalis sa dinaraanan niya. Nilabas ni Gladys ang ulo niya. "Papa, anong ginagawa mo? Anong nangyari? Bakit ka maalikabok? Oo nga pala, sabi ni James pwede siyang magmaneho papasok. Hindi ka na bata. Bakit di ka sumakay sa loob? Dadalhin ka namin papasok." Nagalit si Lex sa sinabi ni Gladys. Sinadya niya itong gawin dahil alam niyang hindi manin