Share

Kabanata 51

Author: Crazy Carriage
last update Huling Na-update: 2022-11-07 16:23:08
Ang lakas niya ay higit sa maiintindihan ng pangkaraniwan.

Hindi lang iyon, isa rin siyang napakatalentadong doktor.

Kahit kailan ay hindi niya naisip na magkakaroon ng ganito nakakatakot na pagkatao si James. Kaya pala walang ginawa ang Blithe King nang namatay si Trent. Ang taong pumatay kay Trent ay ang Black Dragon, isang taong hindi pwedeng hawakan maski ng Blithe King.

Kumalma lang si Charles nang umalis si James.

Basang-basa ng pawis ang buong katawan niya. Nanginig siya ulit nang nakita niya ang sugatang si Rowena na tumalikod para tumakas.

"Wag… Wag kang umalis. I-Iligtas mo ko. Dalhin mo ko sa ospital… May… May pera ako, babayaran kita."

Gustong mamatay ni Rowena kanina, pero ngayong wala na si James, bumalik ang kagustuhan niyang mabuhay.

Huminto si Charles nang nabanggit ang pera.

Tinimbang niya ang mga pagpipilian niya.

Sabi ni James ay iiwanan niyang buhay si Rowena bago siya umalis. Kung umalis siya at namatay si Rowena, wala siyang takas kung magpasya s
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

  • Ang Alamat ng Dragon General   Kabanata 52

    Hindi nagtagal, sumilip ang araw sa kalangitan at niliwanagan ang madilim na mundo. Pinatay niya ang mga patriarch ng The Great Four at nagbigay-galang sa mga kaluluwa ng pamilya niya sa pamamagitan ng pag-aalay ng mga ulo nila sa lolo niya. Sa kabilang banda, ngayon ay isang malaking okasyon para sa Cansington, maski sa pamantayan ng limang rehiyon. Wala pang opisyal na anunsyo para sa petsa ng pagpapasa ng titulo ng Blithe King pero nagpadala sila ng paalala na gaganapin ito ngayon hapon sa military base ng Cansington. Nagkagulo ang lahat dahil dito. Sinusubukan pa ring malaman ng mga mamamayan ng Cansington kung paano makakakuha ng imbitasyon sa okasyong iyon. Kasunod nito, isa na namang balita ang yumanig sa Cansington. "Magandang umaga. Ito ang Cansington News. Kagabi, ang sikat na tycoon na si Yves Frasier ay natagpuang patay sa bahay niya. Pati sina Jacob Zimmerman at Desmond Wilson ay natagpuan ring patay sa mga bahay nila. Namatay sila sa parehong paraan, nakatal

    Huling Na-update : 2022-11-07
  • Ang Alamat ng Dragon General   Kabanata 53

    Hindi alam ni Hector kung bakit takot na takot si Rowena. Gayunpaman, alam niya na nalaman na ni Rowena ang pagkatao ng pumatay sa ama nila. Ito rin ang taong pumatay sa iba pang patriarch. Isang pamilya ang naisip niya. Ang mga Caden! Isang pamilya lang ang may sama ng loob sa mga Xavier pati sa tatlo pang pamilya. Iyon ay ang mga Caden na nabura sampung taon na ang nakakaraan! Hindi na siya nagtanong o nagsabi ng kahit na ano, sa halip ay tumalikod siya para umalis. Habang nakahiga sa kama, nawalan ng pag-asa si Rowena. Ang gusto lang niya ay maibalik ang kapangyarihan ng mga Xavier. Ngayon, nalaman niya na wala siyang magagawa. Dapat niyang bilangin ang mga biyaya na buhay pa ang pamilya niya. "Nakakatakot ang Black Dragon. Sinusubukan niyang burahin nang tuluyan ang The Great Four. Pero naiintindihan ko. Base sa nangyari sampung taon ang nakakaraan, ang kahit na sino ay mahihirapan ring makalimot," malungkot na bulong ni Rowena. Kasabay nito sa isang military

    Huling Na-update : 2022-11-07
  • Ang Alamat ng Dragon General   Kabanata 54

    Bago ang succession ceremony ng Blithe King, pinatay ang tatlong natitirang patriarch ng The Great Four. Nagsanhi ito ng kaguluhan. Pagkatapos mag-alay ni James sa pamilya niya, bumalik siya sa House of Royals kung saan siya naligo at nagpalit ng damit. Pagkatapos ay tinignan niya ang oras sa phone niya. Ngunit, napansin niya na may ilan siyang hindi nasagot na tawag at hindi nabasang mga text. Alas-otso na ng umaga. Sa bahay ng mga Callahan. Umupo si Thea sa kama sa kwarto niya habang nakatitig sa phone niya. Gising siya buong gabi, pero hindi man lang siya tinawagan o pinadalhan ng text ni James. Pinilit niya ang sarili niya na huwag tawagan si James. Pagkatapos ng isang gabi, sumuko siya. Tinawagan niya si James nang ilang beses pero hindi pa rin siya sumagot. Pinadalhan niya siya nang ilang text. Hindi siya sumagot. Sobra siyang nag-alala. "Nasaktan ko ba ang damdamin niya kagabi? Masyado ba akong naging malupit sa mga salita ko?" Hindi napigilan ni Thea n

    Huling Na-update : 2022-11-07
  • Ang Alamat ng Dragon General   Kabanata 55

    “Jamie.”Naglakad papaharap si Thea at hinawakan ang kamay niya. Mukha siyang nagsisisi. "Pasensya ka na sa nasabi ko kagabi. Baka masyado akong naging malupit sa mga sinabi ko. Saan ka nagpunta?" "Nagpunta ako kela Henry." "Ang lakas ng loob mong magpakita rito, walang kwentang basura." Lumapit si Tommy nang taas noo habang naiinis na tinitignan si James. Pagkatapos ay tinignan niya ang kotse na walang plaka. Isa itong multi-purpose vehicle na may logo ng hindi pa niya nakikita noon. Mapangmata siyang nagsabi, "Hindi mo naman iniisip na sumakay rito papunta sa military region, tama? Nakakahya. At ikaw…" Tinuro niya si David. "Tignan mo ang kotse mo! Isa kang kahihiyan para sa'min!" Lumapit si Howard at tinignan ang mga kotse nina David at James. Malamig siyang nagsabi, "Nakakadiri. Wag na wag mong dadalhin ang mga kotseng to. Tignan niyo kung makakasakay kayo sa kotse ng iba. Kung hindi lang sinabi ni lolo na dapat pumunta ang lahat ng kamag-anak natin, hindi ko kayo gugustuh

    Huling Na-update : 2022-11-07
  • Ang Alamat ng Dragon General   Kabanata 56

    Sumakay si Gladys sa kotse, pero pinili nina Benjamin at ng iba pa na umuwi. Nagmaneho si James papunta sa military region. Nahabol nila kaagad ang mga kotse ng Callahan. Tumigil si James sa pagmamadali at dahan-dahang sinundan ang mga kotse. Isa mang second-rate family ang mga Callahan, mayaman pa rin sila. Ang lahat sa pamilya ay may isa o dalawang mamahaling kotse. Para tulungan ang mga Callahan na magpakitang-gilas, nagdala rin si Colson ng mamahaling kotse mula sa bahay niya para sumama sa mga hilera ng kotse. Isang magarang tanawin ang hilera ng mga mamahaling kotse. Nang may higit sampung kotse at kasabay ng mga tambol, isa nga itong masiglang okasyon. Ang banner na nangunguna sa mga kotse ay ang pangunahing parte nito. Napansin ito ng lahat. Maraming tao ang nag-record ng eksena at in-upload ito sa iba't-ibang social platforms na nakagawa ng ingay sa social media. "Ang galing ng mga Callahan." "Maraming importanteng pamilya sa Cansington na hindi nakakakuha ng imb

    Huling Na-update : 2022-11-07
  • Ang Alamat ng Dragon General   Kabanata 57

    Pamilyar sila sa mga imbitasyon. May iba-ibang klase ng imbitasyon. Ang mga inilabas sa publiko ay kadalasang mga simpleng pwesto, hahayaan lang nito ang mga dadalo na tumayo sa likod. Gayunpaman, iba ang isang espesyal na panauhin. Ang espesyal na panauhin ay may karapatang umupo sa harapan! Nagulat ang marami sa special guest invitation ni Lex. "Ang mga Callahan ay isang second-rate family lamang. Paano sila nakakuha ng imbitasyon na kagaya nito?" "Kaya pala gumawa sila ng eksena. Inimbitahan ang mga Callahan bilang espesyal na panauhin ng Blithe King." Patuloy ang mga komento tungkol sa bahay na ito. Malapit siguro ang mga Callahan sa Blithe King. Kung hindi, paano nila magagawang makuha ang imbitasyong ito? Ang mga espesyal na panauhin ay tunay na mga importanteng tao. Malinaw na hindi sapat ang pagiging mayaman. "Mister Callahan, ikaw pala yan. Kumusta ka na?" "Lex, kaibigan ko. Maraming taon rin tayong hindi nagkita. Wala ka pa ring kupas." Nang makita ang imb

    Huling Na-update : 2022-11-07
  • Ang Alamat ng Dragon General   Kabanata 58

    Ang pagbabago sa limang hukbo ay isang malaking insidente sangkot ang limang rehiyon. Ang lahat ng importanteng tauhan ng limang rehiyon ay kailangang dumalo. Dapat ay isa itong pribadong bagay na hindi nakikita ng publiko. Gayunpaman, dahil ang Blithe King ang uupo bilang commander-in-chief ng limang hukbo, naiiba ang okasayong ito. Ilang upuan ang ibinigay para sa publiko. May mga numerong nakasulat sa imbitasyon. Ang bawat isang numero ay may katumbas na upuan sa venue. Sa sandaling narinig nila na pwede na silang pumasok, ang lahat ay nagbigay daan para kay Lex. Dahil isa siyang espesyal na panauhin, ang upuan niya ay nasa harapan kung nasaan ang mga commander at iba pang military regions. Ang isang lalaking may katayuan niya ay dapat mauna. Anong nangyayari? Bahagyang nagtaka si Lex. "Bakit nakatayo ka lang diyan? Pasok ka na!" Natauhan si Lex nang may isang boses na tumawag sa kanya. Anong nangyayari? Ako ba ang dapat na mauna? Pagkatapos huminto nang ila

    Huling Na-update : 2022-11-07
  • Ang Alamat ng Dragon General   Kabanata 59

    Sinaluduhan lang ng lieutenant kanina si Lex, kaya bakit niya pinalayas si Lex sa sumunod na segundo? Natulala ang mga Callahan nang nakita nila ito, hindi nila alam kung anong gagawin. "Ang lakas ng loob mong mameke ng imbitasyon mula sa Blithe King. Pababayaan ka namin dahil unang beses mo pa lang ginawa ito. Kung hindi, bibitayin ka," malamig na sabi ng lieutenant. Hindi pinansin ni Lex ang nananakit niyang katawan. Kaawa-awa siyang tumayo at tinignan si Stefon. Malakas siyang nagsabi, "Stefon, tulungan mo ako. Personal na pinadala ng Western Border Patrol ang imbitasyon sa'min dahil sa'yo."Gustong maghugas ng kamay ni Stefon sa sandaling narinig niya na peke ang imbitasyon ni Lex. Kaagad siyang nagsabi, "Wag mo kong pagbintangan, Lex. Anong kinalaman ko sa pekeng imbitasyon mo?" Nataranta si Lex, lumingon siya sa paligid para manghingi ng tulong sa iba. Lumapag ang tingin niya kay Colson at kawawang naglakad papunta sa kanya. Hinawakan niya ang kamay ni Colson at nagmakaa

    Huling Na-update : 2022-11-07

Pinakabagong kabanata

  • Ang Alamat ng Dragon General   Kabanata 3850

    Sa Heavenly Court ng Human Realm, nakaupo si Jacopo sa pinakamataas na upuan ng hall ng Cumulus Palace. Marami sa mga powerhouse ng Human Race ang nagtipon sa loob ng hall. Bawat isa sa kanila ay may hawak na mahahalagang posisyon sa Heavenly Court."Kamahalan, ayon sa katalinuhan mula sa iba't ibang mga kaharian, maraming mga powerhouse mula sa iba pang mga universe ang lumitaw sa Human Realm na pumuwesto sa labas ng Mount Bane. Malamang na pumunta sila para makinig sa lecture ni James."Iniulat ng isang powerhouse ang kasalukuyang sitwasyon sa Human Realm.Hindi inaasahan ni Jacopo na magiging kilala rin ang pangalan ni James sa iba pang universe. Isang daang taon lamang ang lumipas mula noong ipahayag, ngunit ang mga powerhouse na ito ay lumitaw na sa loob ng Twelfth Universe.Bilang Lord the Twelfth Universe's Heavenly Court, ayaw ni Jacopo na hawakan ang lecture ni James ng basta basta dahil makakaapekto ito sa prestige ng Human Race ng Twelfth Universe.Matapos ipahayag ni J

  • Ang Alamat ng Dragon General   Kabanata 3849

    Malungkot na sagot ni Radomir. “Totoo.”“Nais kong maging isang Macrocosm Ancestral God para bigyan ka ng sapat na kapalaran at mga pagkakataon na maging pangalawang Macrocosm Ancestral God ng Twelfth Universe. Hindi ko inaasahan na naging Macrocosm Ancestral God ka na nang hindi ko napapansin. Bukod dito, napakarami mong naabot sa ranggo na ito. Ngayon ay lumaki ka na sa isang taong maaaring takutin ang Lord ng First Universe."Hindi kailanman ipinalagay ni Radomir na si Forty nine ay si James at vice-versa.Muli siyang nagsalita, “Ako ay siguradong pupunta at makikinig sa iyong lecture. Aalis na ako ngayon at hahayaan kang magpatuloy sa pakikipag usap sa iyong mga mahal sa buhay."Pagkatapos mag iwan ng ilang salita, umalis si Radomir sa hall.Ang pag uusap ay nagdulot ng pagkagulat sa lahat. Hindi nila alam ang pagsasanib ng mga universe at hindi nila alam na napunta si James sa First Universe. Bukod pa rito, wala silang alam tungkol sa kasalukuyang lakas ni James.Gaano kataa

  • Ang Alamat ng Dragon General   Kabanata 3848

    "Isang hindi pa naririnig ng Path?"“Chaos?”"Isang existence na higit sa lahat?"Ang lahat ay nagbulung bulungan nang may pagtataka, gustong malaman kung ano ang Chaos Path.Gayunpaman, hindi ito maipaliwanag ni James nang maayos.Sabi ni James, “Paano kung ganito? Lahat ng tao dito ay maaaring magpakalat ng mensaheng ito. Limang daang taon mula ngayon, magbibigay ako ng lecture sa Mount Bane. Ang sinuman mula sa Twelfth Universe na nakaabot sa Ancestral God Rank ay maaaring pumunta para sa aking lecture."Nagkaroon siya ng ilang karunungan ng bumisita siya sa Chessboard ng Langit at Lupa ng First Universe. Hindi nilayon ni James na itago ito sa kanyang sarili at nais niyang ibahagi ang kaalaman. Kung ang mga dumalo sa kanyang lecture ay sumunod sa kanyang mga turo, hindi magiging mahirap para sa kanila na maging Caelum Ancestral Gods. Baka sila ay maging Macrocosm Ancestral Gods.Kapag ang labindalawang uniberso ay pinagsama, ang mga paghihigpit ng langit at lupa ay malalampas

  • Ang Alamat ng Dragon General   Kabanata 3847

    Kaagad pagkatapos, isang lalaking mukhang kayumanggi na nakasuot ng itim na baluti ang sumugod sa hall. Agad siyang napaluha ng makita si James."Bumalik ka na sa wakas, James! Akala ko namatay ka sa Primeval Age! Na miss kita ng sobra!Nagmamadaling lumapit si Henry pagkaraang matanggap ang balita.Tuwang tuwa siya. Nang makitang malusog at malusog si James, nahirapan siyang magsalita ng maayos dahil sa pananabik.“Henry.”Tumayo si James, sinuntok ng mahina ang dibdib ni Henry at sinabing, "Long time no see."Napatingin si Henry kay James na namumula ang mga mata. “James.”Tinapik siya sa likod, hinikayat ni James si Henry. “Tama na. Kailangan mo ba talagang gumawa ng malaking kaguluhan dito? Ako ay ganap na maayos.”Nilamon ni Henry ang kanyang emosyon at huminga ng malalim. “Natutuwa akong bumalik ka. Parang may kulang sa buhay ko kung wala ka."“Umupo ka. Mas madaling magusap." Tinuro ni James ang isang upuan sa tabi niya.Pagkaupo ni Henry, marami pang pamilyar na mukha

  • Ang Alamat ng Dragon General   Kabanata 3846

    Nagpalipat lipat ang mga mata ni Carla sa pagitan nina James at Sienna. Puno ng pagtataka ang maganda niyang mukha.Bagama't hindi pa nakikilala ni Carla si James, narinig niya ang mga maalamat na kwento tungkol sa kanya. Si James ang taong responsable sa pagdadala ng kasalukuyang panahon ng kasaganaan para sa Human Race. Kung wala siya, ang Human Race ay mananatiling pinakamahinang lahi sa universe.Bukod dito, si Jacopo ay naging Lord of the Human Race sa Heavenly Court sa pamamagitan ng tulong ni James.Gayunpaman, sa pagkakaalam niya, si James ay dapat na patay na. Bakit buhay pa siya ngayon?“Bakit ka nag zone out na lang? Bilisan mong batiin ang Dad ko,” Sabi Jacopo.Bumalik sa katinuan si Carla at magalang na hinarap siya. "Kamusta ka naman, Dad?"Bahagyang tumango si James at tumugon. “Okay lang ako.”Naguguluhan, nagtanong si Jacopo, “Ano ang nangyayari, Dad? Sinabi ni Melinda na namatay ka sa Primeval Age at siya mismo ang naglibing sayo. Paanong buhay ka pa?"“Anong

  • Ang Alamat ng Dragon General   Kabanata 3845

    Pamilyar si Sienna sa personalidad ni James. Kumpyansa siya na unti unting maiinlove si James sa kanya pagkatapos nilang magbahagi ng pisikal na relasyon sa isa't isa. Kumikislap ang kanyang mga mata habang iniisip kung paano siya matutulog ni James.“Ano ang iniisip mo?” Ng makita ang nakakabighaning ekspresyon ni Sienna, nakaramdam si James ng lamig sa kanyang gulugod at alam niyang may binabalak siya.“Wala lang.”Nawala sa pag iisip si Sienna, hinila ang kamay ni James at sinabing, "Pumunta tayo sa Human Realm para makita ang mga anak mo at ni Thea."Mabilis na umalis ang dalawa. Sa susunod na sandali, nakarating na sa Human Realm. Sa taas ng langit ng Divine Dimension, mayroong isang napakagandang palasyo na itinayo sa Heavenly Court. Ang palasyo ay ang tirahan ng Heavenly Court's Lord, at tinawag itong Cumulus Palace.Nakaupo si Jacopo sa isang lotus position sa backyard garden ng Cumulus Palace at isang misteryosong aura ang lumabas sa kanyang katawan. Isang magandang babae

  • Ang Alamat ng Dragon General   Kabanata 3844

    Isang lalaki at babae ang lumitaw sa Chaos.Medyo malayo pa sila sa Twelfth Universe. Sa isang kisapmata lang ay nakarating na sila sa labas nito. Isang kumikinang na rehiyon ang lumitaw sa kanilang paningin at unti unting lumaki sa kanilang harapan. Unti unti, ito ay naging isang mabituing espasyo. Dumaan sina James at Sienna sa cosmic barrier at pumasok sa Twelfth Universe.“Sa wakas ay nakabalik na ako,” Nakahinga ng maluwag si James at sinabi, “Naisip ko na kailangan kong lumaban sa isang matinding labanan noong pinag uusapan natin ang pagpapaliban sa mga planong pag isahin ang lahat ng universe sa First Universe. Hindi ko inaasahan na makakauwi ako ng ganoon kadali."Proud na sabi ni Sienna, “Ano ang inaasahan mo kung kasama mo ako? Ang aking kasalukuyang lakas ay kapantay ng Omnipotent Lord. Bagama't Isa akong Eight Stage Lord, nag cultivate ako ng Dark Path. Ang Dark Power ay ang kalaban ng mga cultivator ng Illuminated World."Hindi maiwasan ni James na sumulyap kay Sienna.

  • Ang Alamat ng Dragon General   Kabanata 3843

    Galit na galit ang Omnipotent Lord.Si James ay dapat na patay na, ngunit siya ay muling nabuhay. Ang isang lalaking matagal nang namatay ay nabuhay muli at nagdulot sa kanya ng maraming problema.“Sino ang tinutukoy mo?” Isang boses ang nagmula sa loob ng hall. Agad nilunok ng Omnipotent Lord ang kanyang galit, tumayo at ngumiti ng maliwanag. "Anong nagdala sayo dito James?"Pagkatapos magsalita, iwinagayway ng Omnipotent Lord ang kanyang kamay upang paalisin ang iba pang mga powerhouse na natipon sa hall. Nabasa ng mga powerhouse ng Ancestral Holy Site at ng Macrocosm Ancestral Gods ng First Universe ang kanyang layunin at mabilis na umalis.Pumasok si James sa main hall at umupo. Nakahanap din si Sienna ng upuan sa tabi niya.Ang Omnipotent Lord ay hindi nangahas na maging kawalang galang kina James at Sienna. Hindi man lang siya naglakas loob na ipagpatuloy ang pag upo sa pinakamataas na upuan ng hall at agad na bumaba ng plataporma para maupo sa tabi ni James.Si James ay du

  • Ang Alamat ng Dragon General   Kabanata 3842

    Pagkatapos ng maikling talakayan, pinaalis ni James ang iba pang Universe Lords.Naghihintay si Quanesha kay James sa labas ng manor simula ng pumasok siya sa meeting kasama ang iba pang mga Universe Lord. Matapos silang paalisin ni James, lumingon siya kay Quanesha, na naghihintay sa labas ng manor.Tuwang tuwang tinawag niya ito, "Master."Si James ang kanyang master at marami siyang itinuro sa nakaraan. Kung wala si James, siya ay namatay sa simula ng pagkakabuo ng Thirteenth Universe."Pumasok sa loob bago tayo magusap," Sabi ni James habang inanyayahan si Quanesha sa manor.Pumasok si Quenasha sa hall ng manor, tumingin sa kanya ng magiliw, at sinabi, "Naiintindihan mo ba kung gaano kita na miss, Master? Palagi kong nais na ipaghiganti ka sa lahat ng mga taon na ito. Gayunpaman, ako ay masyadong mahina at maaari lamang itago ang aking poot sa aking puso."Napangiti si James. "Ako ay mabuti at buhay. Hindi ko inaasahan na aabot ka sa ganoong kataas na cultivation rank. Isa ka

DMCA.com Protection Status