Maayos na ang kondisyon ni Henry. Ngayon, nakasalalay na ang lahat sa katawan niya para pagalingin ang sarili niya. Napakakumplikado ng katawan ng isang tao at may isa itong natatanging kakayahan—ang pagpapagaling sa sarili. Ayon sa teorya, kahit gaanong pa katindi ang sugat na natamo ng katawan ng katawan, papagalingin nito ang sarili nito. Gayunpaman, may limitasyon rin ito, at kapag nalagpasan ang limitasyon na ito, mawawala ang kakayahan ng katawan na pagalingin ang sarili nito. Nakatala ang kaalaman tungkol sa aspetong ito sa medical book na nakuha ni James. Mapapabilis ang pagpapagaling ng katawan gamit ng gamot para pakilusin ang sari-saring organs, cells, at dugo. "J-James, ayos lang ba si Henry? Magigising pa siya, di ba?" Umaasang tumingin si Whitney kay James. "Magiging ayos lang siya. Hindi siya mamamatay kahit na gustuhin niya pa hangga't nandito ako, kaya wag kang mag-alala." Tumango si James. Nakahinga nang maluwag si Whitney nang narinig niya ang mga sal
Ang Black Dragon lang ang sinusunod ng Black Dragon Army. Pagkatapos mamatay ng dating Black Dragon, nanatiling walang commander ang Black Dragon Army hanggang sa nakaakyat at nakuha ni James ang posisyon bilang bagong commander gamit ng mga narating niya. Lumapit ang Emperor, umupo sa sofa, at dumekwatro. Tinignan niya ang Blithe King nang may madilim na ekspresyon pero nagsabi nang nakangiti, "Bakit hindi? Hindi ba ako gustong makita ng Blithe King?" "Hindi naman…" Lumambot ang ekspresyon ng Blithe King, at nagtanong nang nakangiti, "Napakarami mong hinahawakan at baka napakarami ng ginagawa mo. Nagtataka ako bakit ka aalis sa Capital at pupunta sa Cansington." Nakangiting sumagot ang Emperor, "Malapit nang mangyari ang medical conference ng Cansington, at dahil payapa na ngayon ang borders, binigyan ko ang sarili ko ng dalawang linggong bakasyon. Gusto kong bisitahin ang Cansington at makita ang engrandeng taunang event ng Sol. At saka gusto kong makita ang ilan sa mga kai
Umuwi si James. Kasabay nito, sa private room ng isang bagong bukas na restaurant sa Transgenerational New City food street. Tinignan ni Quincy si Thea at nagtanong, "Anong nangyari kagabi, Thea? Bakit biglang namatay si Gavin? Paanong nabugbog si Zavier hanggang sa naospital siya? Nagtanong ako tungkol dito at narinig ko na nabasag ang lahat ng buto niya. At saka, ang pagkalalaki niya…" Huminto sandali si Quincy at bumulong, "Hindi na siya pwedeng magkaanak." "Ha? Totoo ba'to? Kanino mo naring to? Tama ba ang balita?" Nabigla si Thea at nagtanong. "Tama yun. Isa sa mga Watson ang nagpakalat nito." "H-Hindi ko alam." Bahagyang nagtaka si Thea. Alam niya na binugbog ni James si Zavier sa umaga pero hindi siya sigurado sa kung anong nangyari sa kanya sa gabi. Ang alam niya lang ay nagsumbong si James at nagpadala ng tao ang Blithe King. Pagkatapos nito, nanlaban si Gavin ss pang-aaresto sa kanya at binaril. "Wag kang magsinungaling sa'kin, Thea. Narinig ko na nagpadal
"Sabihin mo lang sa'kin kung anong meron. Hindi mo kailangang mag-alinlangan." "Mananatili kami sa Dragon Fountain Villa ng isang gabi. Bukas… magtatayo kami ng monument para sa Black Dragon sa labas ng siyudad para magpaalam sa kanya." “Pfft!”Umiinom ng tubig si James. Nang narinig niya ito, nabuga niya ang tubig at natawa. "Magtatayo kayo ng monument para sa Black Dragon? Sinong nag-isip ng nakakatawang ideyang to?" "S-Si Quincy." Medyo naiilang si Thea dahil natatakot siya na baka magalit si James. "K-Kasi ang Black Dragon ang boyfriend ni Quincy sampung taon ang nakakaraan," nagmamadali niyang paliwanag. Hinawakan ni James ang baba niya. 'Gusto nilang magtayo ng monumento para sa'kin?'Pero hindi pa ko patay,' naisip ni James. Gayunpaman, pinabayaan niya ito. "Sige, ingat ka." "Gusto kitang isama.""Sige," pumayag si James. Pansinin si Thea at hindi siya magiging ligtas kapag lumabas siya nang mag-isa. Hindi siya mapakali kaya mas mabuti kung sasama siya sa
Ang Dragon Fountain Villa ay isang sikat na leisure villa sa Cansington. Nakatayo ito sa Mount Dragon Fountain sa Cansington. Sa bundok na ito ay isang natural hot spring, isang sikat na lugar para sa mayayaman. Gumastos ng milyon-milyon si Quincy para rentahan ang buong venue at isagawa ang party na ito. Malaki ang binayad niya para imbitahan ang pinakasikat na celebrity ngayon, si Kian, para kumanta sa party. Pagkatapos marinig na kasama sa party ang libreng pagkain, matutulugan, at ang karanasan na marinig ang isang sikat na celebrity na kumanta, masiglang lumitaw ang mga dating estudyante ng Class Two. Ang mga hindi masyadong mayaman ay nagpunta para makakain at makainom. Ang mga nakakaangat naman sa buhay ay gustong gamitin ang pagkakataong ito na ipagmalaki ang tagumpay at kayamanan nila sa mga dati nilang kaklase. Ang mga magkakaklase sa first class ay dumating pagkatapos malaman na magtatayo sila ng monumento para sa Black Dragon, si James, na nasa klase nila. Med
Kahit na sampung taon na niya silang hindi nakikita, nakilala ni Thea ang ilan sa kanila sa ilang katangian nila. Samantala, hindi nila pinansin si James. Hindi sumali si James sa mga tao ng second class at sa halip ay tumingin sa higit dalawampung tao mula sa first class hindi malayo sa kanya. Nagbago ang mukha ng mga taong ito pero nakikilala niya pa rin ang ilan sa kanila. Tinignan niya sila, hinahanap niya ang mga dati niyang kaibigan. Noon, matataas ang mga grado niya at marami siyang kaibigan. Ang pangalan ng pinakamatalik niyang kaibigan ay Zion Loyd. Sa madla, nakita ni James si Zion na nakasuot ng pangkaraniwang kasuotan na mukhang pangmagsasaka. Lumapit siya at gustong bumati pero tumalikod siya sa kalagitnaan. Nakalimutan niya na hindi na siya ang James ng sampung taon ang nakakaraan kundi ang son-in-law ng mga Callahan. "Uy, Thea! Naaalala mo pa ba ako? Ako yung matabang lalaki noon, si Channing, yung nanligaw sa'yo dati." Kaagad na sumigla ang mga mata
Ang lahat ng apat na bodyguards ay may timbang na 90 hanggang 150 kilograms at may mga braso na mas makapal pa sa pangkaraniwan na bewang ng isang tao.Maraming tao ang natakot nang lumapit ang mga bodyguar na may naglalakihang mga muscles.Ang mga estudyante ng first class ay tuwang tuwa na nanood, habang ang mga second class naman ay iniwasan lang ang eksena.“Huwag kang gagamit ng dahas, Mahal.” Hinila ni Thea si James pabalik, nag-aalala na baka hindi mapigilan nito ang kanyang sarili mula sa pagbugbog sa mga ito at maagrabyado ang mga Xenos. Magiging isang malaking problema kapag nangyari yun.“Gagawin ko ang sinabi mo.” Nginitian ni James si Thea. Dumilim ang ekspresyon ni Channing habang pinapanood niya ang kanilang lambingan.Niligawan niya noon si Thea. Subalit, pangit ang mga grado niya noong high school, at ang kanyang pamilya ay hindi mayaman. Hindi siya bibigyan ni Thea ng pagkakataon.Ngayon, nakapagtayo na siya ng sarili niyang kumpanya at kumikita na ng pera.
Hindi umiwas si James. Sa halip, hinarang niya ang suntok.Nagbanggaan ang kanilang mga kamao.Crack!Umalingawngaw ang tunog ng nabasag na mga buto.“Argh!!!”Napasigaw dahil sa sakit ang bodyguard ni Quay. Binawi niya ang kanyang kamay, habang iwinagayway ito sa ere at nagtatatalon sa paligid. Nagulantang ang lahat. Mabilis na umatake si James at pinabagsak ang mga natitirang tatlong bodyguards gamit ng ilang mga galaw lamang. Sa isang iglap, ang mga bodyguards ay nakahandusay na sa sahig, habang sumisigaw dahil sa sakit.Masayang nilingon ni James si Thea. “Mahal, hindi naman kita napahiya, tama? Dati akong sundalo. Paano naman ako matatalo sa isang pangkaraniwang sibilyan na hindi pa nakakalaban ng isang tunay na martial artist?” Akala ni James ay pupurihin siya ni Thea.Subalit, bakas ang pagkadismaya sa mukha nito. Pinaalalahanan na siya nito na huwag labanan ang mga ito.“Sa tingin mo ba ay magaling ka na? Hindi ba’t sinabi ko sayo na huwag mong gawin to? Gaano