Naiintindihan ni Trevor ang paghihirap ng mga empleyado. Tinuro niya si Thea sa tabi niya at nag-anunsyo, "Kayong lahat, siya ang bagong chairman ng kumpanya, si Thea. Siya na ang may hawak sa Pacific Group mula sa araw na'to. Wag kayong mag-alala. May pero na ang Pacific Group at kaagad naming ibibigay ang sahod ng lahat." "Ano? Si Thea?" "Hindi ba nagtatrabaho si Thea sa Eternality? Bakit siya nagpunta sa Pacific Group?" "Totoo ba ang sinasabi mo, Mr. Trevor?" Nakatitig kay Thea ang mga empleyado. "Oo, totoo ito. Ibibigay sa lahat ang tatlong buwang sahod niyo na hindi naibigay noon. Higit pa roon, nagpasya ako na bigyan ang lahat ng dagdag na kalahating buwan ng sahod bilang kumpensasyon. Nangangako ako na magtatrabaho na ang lahat araw-araw at baka pa nga mag-overtime pa kapag bumalik ang sigla ng kumpanya! Tiyak na dodoblehin ko ang sahod ng lahat." Natuwa ang lahat na marinig ang balita. Lumapit si Quill at yumuko. "Ikinagagalak kitang makilala, Ms. Callahan. Ako
Hindi naapektuhan ng pagra-rally ng mga tao ang mood ni Thea.Sa kanyang pananaw, hindi kailangan ng isang kumpanya ang mga ganitong klaseng tao.Hindi siya makikiusap sa kanila na manatili kung gusto nilang umalis.Para sa mga piniling manatili, bibigyan niya ang mga ito ng pinakamagandang sahod na maaari para sa kanila.“Ms. Callahan, ipapasyal na kita sa buong pabrika.”Inimbitahan siya ni Trevor sa loob ng pabrika.“Ama, Lolo!” Sa wakas ay nagkaroon na din ng pagkakataon si Quinton an lapitan sila. Naguluhan siya nang makita niya si Thea.“Lolo, anong nangyayari dito? Paano naging chairman ng kumpanya si Thea na mula sa Eternality?”“Ang Pacific Group ay ang buhay ko, at hindi ko maatim na mahulog ito sa kamay ng ibang tao. Hindi naman ibang tao si Thea. Ang kumpanya ay tiyak na lalago sa mga kamay ni Thea.” Paliwanag ni Trevor.“Titiyakin ko na mahihigitan ko pa ang inaasahan niyo sa akin, Granduncle.”Pumasok ang grupo sa loob ng pabrika.“Ms. Callahan, ang kagamitan n
Pwede ka na din magbukas ng isang restaurant sa may food street.Kahit na sinong malaking negosyo ay pwedeng magtayo ng kanilang store doon at pwedeng magpakasasa sa maraming benepisyo.Ang one-time fee para makasiguro ng pwesto sa Transgenerational New City, tulad ng sa food street, ay masyado din malaki. Hindi nila pinangarap na makapasok sa loob ng Transgenerational New City.“Seryoso ka ba, Ms. Callahan?” Nasabik si Quinton.“Susubukan natin. Pwede naman mangyari yun o hindi.” Sa totoo lang, hindi kampante si Thea.Noong nasa Eternality pa siya, naghahanda na siya na at nagtatrabaho para palawakin ang negosyo para paatasin ang kwalipikasyon ng kumpanya at makakuha ng pwesto sa Transgenerational New City. Hindi siya ganun kasigurado sa tiyansa dahil mas mababa ang Pacific Group kaysa sa Eternality.Subalit, pangarap niya iyon.Pangarap din ito ng lahat ng bawat negosyo.Ang makapasok sa Transgenerational New City ay nangangahulugan na magkakaroon ka ng proteksyon mula sa T
Tanghali na nang matapos ni Thea ang transfer process at ang paglibot sa pabrika ng Pacific Group.Magkasamang umalis sila James at Thea.Nakasakay kami ni Thea sa electric motorcycle.“Mahal, huwag muna tayong sa bahay. Kumain tayo sa labas para mag-celebrate.” Niyakap ni Thea si James habang nakaupo ito sa likuran.Ang malakas na hangin ang gumulo sa kanyang makintab na itim na buhok.Binaon niya ang kanyang ulo sa balikat ni James para hindi siya tangayin ng hangin.“Sige.”Sang-ayon si James sa ideya niya.Matagal na din nung huli silang kumain ni Thea ng sila lang.“Gusto mo bang kumain tayo sa Gourmand?”Umiling si Thea at sinabi, “Ayoko. Sa tuwing pupunta ako sa Gourmand, palagi akong sinasalubong ni Bryan ng personal na para akong isang prominenteng tao.”“Haha… Kasi naman, isa ka nang maimpluwensyang tao ngayon! Sino pa ba ang lalapitan nila para makakuha ng pabor kung hindi ikaw?”“H-hindi, hindi naman ako ganun! Dahil ito…” Nag-alangan si Thea.“Hmm? Dahil ito s
Nahumaling si Zavier sa kagandahan ni Thea.Marami na siyang nakitang magagandang babae sa ibang bansa. Gamit ang kanyang pagkatao at pinagmulan, pati mga sikat na artista ay nakarelasyon na din niya.Gayunpaman, wala na siya sa edad para maglaro pa.“Akin ka, Thea.” Inunat niya ang kanyang kamay papunta kay Thea, na nasa labas ng bintana, at tinikom ang kanyang kamay. Pagkatapos, binawi niya ang kanyang kamay at nilapit ito sa kanyang dibdib ng amy mapagmahal na ekspresyon.Samantala, si Thea ay walang kaalam-alam na isa na pala siyang target..Uminom siya ng wine, at namula ang kanyang mukha, na naging dahilan para lalo siyang maging kaakit-akit. Humaling na humaling si James sa kanya.Maganda siya. Talagang napakaganda.Nakaupo si James sa kabilang panig ni thea at nakatingin sa nakakaakit nitong mukha. May hawak itong wine glass at naglalabas ng isang nakakabighaning aura. Lalong nahumaling si James sa kanya sa kakatingin lang sa kanya. “Anong tinitingin tingin mo dyan?”
Napagalante ni Zavier.Binigyan niya sila ng mga regalo, mamahaling kotse, at isang villa na nagkakahalaga ng daan-daang milyong dolyar.Tuluyan na niyang napasakamay ang mga Callahan sa kanyang ginawa.Kaagad na naging tulay si Gladys para kay Zavier. Nilabas niya ang kanyang phone at tinawagan si Thea, at sinabihan ito na umuwi na kaagad.Kararating lang nila James at Thea sa may sinehan.Sa loob ng sinehan, nakaupo ang dalawa sa may komportableng couple seat.Magkahawak silang dalawa ng kamay at sumandal si Thea sa balikat ni James.Nakatanggap siya ng tawag at hindi mapigilan na sumimangot habang sinasabi, “Mahal, mukhang hindi na natin matatapos ang pelikula.”“Ano? Bakit naman?” Tanong ni James. “Hindi ko alam kung ano ang nangyari, pero tinawagan ako ni Nanay at sinabihan ako na bumalik na kaagad ng bahay. Mukhang importante,” sabi ni Thea.“Bumalik na tayo kung ganun. May oras pa naman tayo sa susunod.”“Sige!” Tumango si Thea.Maagang umuwi ang dalawa.Hinatid ni
Si Thea ay isang napakagandang babae na talagang hinahabol ng maraming lalaki. Patuloy na kinatok ni Gladys ang pinto.Sa loob ng kwarto, hindi sumasagot sila Thea at James.Hindi nagtagal, wala na silang naririnig mula sa labas. Umalis na marahil si Zavier.Nakahinga ng maluwag si Thea matapos niyang marinig na wala nang tao sa labas. Tinignan niya si James, at namula ang maganda niyang mukha hanggang sa kanyang leeg.“Anong problema, Thea? Masama ba ang pakiramdam mo?” Tanong ni James matapos na maramdaman na may kakaiba sa kinikilos ni Thea.“W-Wala… Ayos lang ako. Mahal, tara…gawin na natin. Ibibigay ko na ang sarili ko sayo.” Niyuko ni Thea ang kanyang ulo, nilakasan ang kanyang loob, at sinabi.Kahit na asawa niya ito, nakaramdam pa din siya ng hiya habang sinasabi ang bagay na ito. Sa kanyang puso, hindi niya mapigilan na makaramdam ng hiya.Nanginig ang katawan ni James matapos niyang marinig ang sinabi nito.Ito na ang araw na hinihintay niya.Kailanman ay hindi p
Lumabas ng kwarto si Thea at nakahinga ng maluwag dahil wala na si Zavier.“Ikaw na bata ka!”Kaagad siyang pinagalitan ni Gladys ng makalabas si Thea ng kwarto.“Ano naman ang maganda kay James? Galing sa isang mayaman na pamilya si Zavier na may ari-arian na nagkakahalaga ng isang daang bilyon! Siya ang anak ni Gavin at ang magmamana ng negosyo ng kanilang pamilya sa hinaharap!”“Nay, may iba pa akong gagawin. Lalabas muna ako!”Nagmamadaling lumabas ng bahay si Thea.Pagkatapos niyang umalis, tinawagan niya si James sa phone at sinabi, “Mahal, pupunta muna ako sa Longevity Pharmaceuticals para hingan si Yuna ng mga order para makapagsimula na uli sa paggawa ang Pacific Group.”Tumango si James. “Sige.”Naglakad si James palabas ng kwarto dahil abala naman si Thea.Nang makalabas siya ng kwarto, si Gladys, na nasa may sala, ay kaagad siyang pinigilan, “Hanggang dyan ka lang!”“Nay~”Naiilang na lumapit si James.Naglabas si Gladys ng isang card at nilagay ito sa lamesa. P
Pinaguusapan ito, ang ibon ay naging kumpyansa muli."Kapag nalampasan ko ang Acme Rank, susukuin ko ang lahat ng restricted zone ng Dark World.""Ikaw ba ay isang buhay na nilalang sa labas ng mundo o ang Dark World?" Tanong ni James."Wala iyan sa pinaguusapan," Sabi ng ibon, "Ang Dark World at ang Illuminated World are halos magkapareho.""Kilala mo ba si Yukia Dearnaley?" Sinubukan ni James na magtanong, "Noon, ng lumitaw ang Acme Path sa kaibuturan ng Dark World, 300 Ninth Stage Lords ang gustong makipagsapalaran sa hindi kilalang rehiyon ng Dark World para makapasok sa Acme Path, alisin ang seal sa dulo ng Acme. Path, kumuha ng higit na kapangyarihan at sa huli ay tumawid sa Acme Rank. Lumapit si Yukia at pinigilan silang pumasok. Pagkatapos, nakibahagi siya sa isang matinding labanan laban sa kanila. Ng maubos ang magkabilang panig, lumitaw ang isang misteryosong pwersa at pinatay silang lahat."Tanong ni James. Matagal na niyang hinahanap ang mga sagot sa tanong na ito.“
Rumble!Sa larangan ng digmaan, yumanig ang lupa at yumanig sa lugar ang tunog ng pagsabog. Lumingon si James at nakita niya ang isang napakalaking halimaw na papalapit sa kanya. Ang mga paa ng hayop ay parang mga haligi ng langit. Sa bawat hakbang niya, nadudurog ang lupa, at nalikha ang malalim na mga bitak.“Siya na naman…”Namutla ang mukha ni James.Iyon ang halimaw na humahabol sa kanya kanina. Alam niya kung gaano kalakas ang halimaw. Kahit na sa kanyang buong lakas, hindi man lang niya nagawang saktan ang hayop. Nawalan ng lakas ng loob na lumaban, tumakas na lang siya at nawala nang walang bakas. Sa susunod na sandali, lumitaw siya sa hanay ng bundok sa likod ng larangan ng digmaan at tumayo sa tuktok ng isang bundok.Ang larangan ng digmaan ay tila may ilang uri ng mga paghihigpit na humadlang sa hayop na umalis sa larangan ng digmaan. Kaya, hindi humabol ang halimaw.“Nakakatakot ang halimaw na iyon...” Isang boses ang nagmula sa likuran ni James.Lumingon si James at
“...”Nawalan ng masabi si James.“Seryoso ka ba?”“Oo naman. Bakit ako magsisinungaling?” Galit na sabi ng ibon.Nagtanong muli si James, “Paano ang Omniscience Path? Walang paraan upang higit pang umunlad sa Third Stage ng Omniscience Path. Nagkataon lang na tumawid ako sa Fourth Stage. Ngunit pagkatapos maabot ang stage na ito, hindi na ako makakapagpatuloy pa. Ano ang dapat kong gawin sa kasong ito?""Ito..." Nauutal na sabi ng ibon.“Hindi mo alam?” Napatingin sa kanya si James.“Kalokohan.” Inis na sinabi ng ibon na mayabang, “Walang hindi ko alam sa mundong ito. Ang Omniscience Path lang ang gusto mong malaman? Iyon ay isang piraso lamang ng cake. Sino ang nagsabi na ang Third Stage ang pinakamalayo na maaari mong puntahan? Ito ay dahil hindi mo pa nahahanap ang tamang landas."Ng marinig ito ni James ay naintriga.Maging si Yukia Dearnaley ay nagsabi na ang Omniscience Path ay may dead end, ngunit narito ang ibong ito na nag aangkin ng iba."Ano ang dapat kong gawin u
Si James ay nakatagpo ng maraming bagay sa kanyang buhay sa kanyang landas ng pag cucultivate. Gayunpaman, nang lumingon siya at makita ang maraming mabangis na anino na nag aabang ng kanilang mga kuko at umaakyat patungo sa kanya, nagkaroon siya ng takot sa kanyang buhay. Kaagad, tumakas siya mula sa lungsod sa kalangitan.Tila napipigilan ng isang Formation Restriction, ang mga anino ay tila hindi makaalis sa lungsod. Ng makitang aalis na si James, tumigil sila sa kanilang paglalakad at hindi na siya hinabol pa.Ng maramdamang hindi siya hinahabol ng mga anino, nakahinga ng maluwag si James."Tulad ng inaasahan sa isang restricted area... Nakakatakot..."Tinapik ni James ang ulo niya.Siya ay muling nagpakita sa sinaunang larangan ng digmaan, ngunit ang halimaw ay wala kahit saan. Inilibot niya ang paningin sa paligid at sinubukang hanapin ang ibong nakasalubong niya kanina ngunit wala siyang nagawa. Nagtaka ito sa kanya.“Niloloko ba ako ng mga mata ko? Hindi ito dapat... Wala
Hindi nakaiwas ang halimaw sa mga pag atake ni James sa halip ay sinalubong sila ng direkta. Ang halimaw ay hindi nasaktan. Kasabay nito, napaatras si James ng isang malakas na pwersa at ang kanyang braso ay nanlambot."Hindi ito maaaring mangyari!"Nagmura si James.Nagmamadali siyang umiwas at lumipad ng diretso, umaasang maakit ang hayop patungo sa kanya. Samantala, ginamit ng ibang mga Lord ang pagkakataong ito para makatakas.Ang halimaw ay sumugod muli kay James. Sa sinaunang at mahiwagang larangang ito, si James ay patuloy na tumakas, habang ang halimaw ay walang tigil na humahabol. Napakalaki ng halimaw at kahit saan ito dumaan ay nawasak. Maging ang walang laman ay puno ng mga bitak at bitak.'Ano ang dapat kong gawin?'Nagpanic si James.Hindi niya maalis ang halimaw, at hindi rin niya mailabas ang hayop sa Ecclesiastical Restricted Zone. Pagkatapos ng lahat, ang labas ng mundo ay ganap na mawawasak kung malantad sa isang mabangis na hayop.'Ang halimaw na ito ay tila
Kahit na ang Fifth Stage Lords ay hindi magagapi sa anumang paraan, gayunpaman ay nakakatakot sila. Sa labas ng mundo, isa lamang sa kanila ang makakapagpuksa sa mga universe na may mababang ranggo. Ngayon, natalo sila ng isang bugso ng hangin.Ng bumagsak sa lupa, bumulwak sila ng isang bibig ng dugo. Bago pa man sila makapag react, sinugod sila ng halimaw at sinubukan silang yurakan ng napakalalaki nitong paa. Ng makita nila ito, nagmamadali silang tumakas.Ng makitang ang kanilang pinagsama samang lakas ay hindi man lang makakamot sa hayop, hindi pinansin ni Lord Samsong ang mga tumatakas na Lord at nagmamadaling tinungo ang Light of Acme. Nais niyang samantalahin ang pagkakataong ito upang alisin ang Light of Acme.Rumble!Isang matinding labanan ang sumiklab.Maaaring salakayin ng halimaw ang mga kaaway nito gamit ang anumang bahagi ng katawan nito—ang sungay, buntot at maging ang kaliskis. Nang walang paraan upang lumaban, ang mga Lord ay nagmamadaling tumakas.Si James nam
Ang mga nakakuha ng Chaotic Treasures ay nagmamadaling umatras sa likuran at tinitigan ang anomalyang nasa harapan nila. Isang bitak ang lumitaw at ito ay napakalalim na kahit isang Zen ay hindi makapasok dito. Bumuhos ang itim na evil energy at ito ay umakyat sa langit at tumagos sa paligid, na lumikha ng nakakatakot na eksena.“Anong nangyayari?”"Mukhang may nagising."“Dapat may natutulog sa kailaliman. Ang aming pagdating ay pumukaw sa kanila mula sa kanilang pagkakatulog.”Sabi ng marami.Napatingin si James sa bitak sa ibaba niya.Roar!Biglang umalingawngaw ang dagundong ng isang halimaw sa buong rehiyon. Pagkatapos, nagsimulang lumitaw ang mga bitak sa lupa.Si James at ang iba ay nagmamadaling umatras sa likuran at nakarating sa tuktok ng isang bundok sa likuran nila. Nabasag ang lupa at isang napakalaking nilalang ang lumitaw mula sa loob nito. Ang ulo nito ay milyon milyong metro ang taas, kung saan mayroong isang sungay na nagpapalabas ng itim na liwanag. Nakakatak
Si Lord Samsong ay nakipagsapalaran nang mas malalim sa kailaliman kasama ang iba pang mga Lord.Ang lugar na ito ay puno ng panganib at puno ng natitirang aura ng isang labanan mula sa napakatagal na panahon ang nakalipas. Ang kapangyarihan dito ay sobrang nakakatakot na ang isang ordinaryong Lord ay maaaring mapatay. Gayunpaman, dahil ang mga naroroon ay makapangyarihang mga Lord, madali nilang nalampasan ang mga panganib na ito. Sa pagtawid sa rehiyon, nakarating sila sa isang sinaunang guho.Sa tuktok ng isang bundok sa kailaliman ng Ecclesiastical Restricted Zone, maraming buhay na nilalang ang nakatayo na nakatingin sa malayo. Sa di kalayuan ay isang bakanteng lupain na puno ng mga labi ng isang labanan. Ang lahat ng uri ng magulong kapangyarihan ay patuloy na kumikislap.Ng makita ito, maging si James ay natigilan. Ano ang nangyari dito na humantong sa paglitaw ng napakaraming skeletal remains? Naramdaman pa niya ang presensya ng maraming Chaotic Treasures. Kaagad, natukso si
May mga gusali sa bawat taluktok. Gayunpaman, karamihan sa kanila ay naging isang tumpok ng mga durog na bato. Bukod pa riyan, ang ilan sa mga bundok ay gumuho at ang hangin ay tumagos sa isang battle aura na matagal ng nag eexist.Swish!Ng dumaan ang grupo sa tumpok ng mga durog na bato, isang nagniningning na Sword Energy ang lumabas mula sa loob ng isang bitak at sinugod ang Lords. Gayunpaman, madaling pinalihis ni Lord Samsong ang pag atake. Kaswal niyang iwinagayway ang kanyang kamay at isang Sword Energy ang nagkatawang tao at tumama sa isang bulubundukin sa di kalayuan.Dumagundong!Sa isang iglap, yumanig ang lupa at tuluyang nawasak ang rehiyon.Habang binabagtas nila ang mga tambak ng mga durog na bato, ang ilang hindi kilalang kapangyarihan na nag eexist na noon pa man ay patuloy na lumalabas at umaatake sa kanila. Gayunpaman, dahil silang lahat ay makapangyarihang Lord, hindi sila naapektuhan ng mga kapangyarihang ito.“Dyan! Ano iyon?”Sa sandaling iyon, isan