"Anong nangyayari? Hindi ba ayos lang ang lahat kanina?" "Ngayon ang birthday namin ng girlfriend ko. Balak naming kumuha ng marriage certificate ngayong araw. Anong nangyari?" Maraming tao ang nagreklamo habang umalis sila sa Department of Civil Affairs. Samantala, tuwang-tuwa si James. Mas masaya pa ang pakiramdam niya ngayon kumpara sa saya ng manalo sa labanan. Naglakad siya sa tabing-daan at sumakay sa kotse ni Henry. "Tara na, Henry." "Saan ka naman pupunta ngayon, James? Sa The House of Royals o sa clinic?" Humikab si James. "Sa clinic. Kailangan kong umidlip." Nag-inom siya hanggang hatinggabi kagabi at medyo nahihilo pa siya. "Sige." Nagmaneho si Henry papunta sa Common Clinic. Ngayong hindi siya nakakuha ng divorce, nagpunta si Thea sa kumpanya para ipagpatuloy ang pag-aayos sa negosyo ng kumpanya. Natulog si James hanggang tanghali. Sa labas ng Common Clinic, sa Nine Dragons Street—sa isang food stall. Nakataas ang paa ni James sa upuan at kumagat
"Nasa bahay ba si Lolo?" "Oo naman. Pero, hindi mo ba alam ang katayuan mo? Aso ka lang para sa mga Callahan. Kailangang mong gumapang kung gusto mong pumasok sa loob.""Sino yan, Megan?"Lumapit si Tommy at nakita niya si James sa pintuan. "Uy, James! Pambihira naman ang bisita natin," ngumisi siya. "Nandito ako para makita si Lolo. May pag-uusapan kaming mahalagang bagay," sabi ni James. "Hindi mo ba narinig si Megan? Aso ka lang para sa mga Callahan. Kailangan mong gumapang papasok kung gusto mong pumasok sa villa ng mga Callahan," mapangmatang sabi ni Tommy. Lumabas si Tommy para salubungin ang isang tao—nalabalik na ang nakababata niyang kapatid na babaeng lumipat sa North Cansington pagkatapos ikasal. Gusto niya siyang salubungin pabalik sa kanila nang personal. Si Wendy Callahan ay ang bunsong anak ni Howard at ang kapatid nina Megan at Tommy. Anim na buwan ang nakakaraan, ikinasal siya sa isang mayamang pamilya sa North Cansington na ang katayuan ay maikukumpa
Pagkatapos marinig ang mga salita ni James, tumaas ang tono ni Lex sa gulat at nanginig ang katawan niya. "Ano…" Isa itong bagay na hindi niya kailanman naisip noon. "Totoo ba to, James?" Walang kaalam-alam ang mga taong nakatayo sa pinto sa nangyayari at tumingin sila kay Lex habang nagtataka sa reaksyon niya. "Lolo, mag-usap tayo banda roon." Hinila ni James si Lex paalis at pinagaan ang loob niya, "Lolo, nangangako ako na totoo ang sinabi ko. Nakapag-ayos na ako. Pwede mong ipagdiwang ang birthday party mo sa House of Royals kung gusto mo, Lolo. Ang pagdaos mo ng eightieth birthday doon ay ang unang hakbang ng mga Callahan para maging isang maimpluwensyang pamilya kapag kumalat ang balita sa buong Cansington." Pagkatapos ng sandaling pagkasabik, kumalma si Lex. Tumingin siya kay James. "Alam mo ba kung anong klase ng lugar ang House of Royals, James? "Maraming taon itong itinayo, at napakaraming mayayamang pamilya ang sinubukan itong bilhin. Ang ilan pa ay gusto
Hindi gusto ni James na maging sikat. "Kilala mo ang Blithe King, di ba? Noon may away sila ng commander ko, ng Black Dragon. Pipigilan niya ang birthday celebration mo kapag nalaman niya na sa Black Dragon ang House of Royals. Magiging malaking problema to kapag nangyari yun." Nanginig si Lex nang marinig niya ito. Hindi niya kayang galitin ang Blithe King. Kuntentong-kuntento si James sa reaksyon ni Lex kaya nagpatuloy siya, "Basta't walang sasabihin si Lolo, walang makakaalam nito. Pwede mong sabihin na ang House of Royals ay pagmamay-ari ng isang matagal mo nang kaibigan. Tiyak na magiging magandang imahe to para sa mga Callahan."Nag-isip ng plano si James para kay Lex. Dahil matalino si Lex, alam niya dapat kung paano ito aayusin. Tinapik ni Lex ang balikat ni James. "Tama ako na hinayaan kitang ikasal sa mga Callahan, James. Ito ang pinakamagandang desisyon ko sa buong buhay ko! Hindi ko naisip na magkakaroon ako ng engrandeng selebrasyon sa edad na walompu. Magsasa
Pinagdudahan rin ni Lex si James. Maniniwala siya kung isa lang itong pangkaraniwang lugar, pero ang House of Royals ang pinag-uusapan nila. Ang sikat na House of Royals sa Cansington. Kailangan niya itong kumpirmahin ng personal. Personal na pinaandar ni Howard ang kotse. Nagpunta sina Lex, Tommy, Megan, Wendy, at ang asawa niyang deputy captain ng specialized police unit sa House of Royals sakay ng kotse. Mula sa West Cansington si Brody at bihira siyang bumisita sa Cansington. Pero narinig niya rin ang tungkol sa House of Royals. Usap-usapan na isa itong engrandeng mansyon na hindi maibenta kahit sa halagang sampung bilyong dolyar. Wala itong paraan para mabili kahit na mayroon kang pera. Hindi nagtagal, dumating sila sa hindi mataong lugar sa Cansington. May bundok sa harapan nila. Maganda ang nakapaligid na bundok at malinis ang hangin sa paligid. Nakatayo ang villa sa paanan ng bundok. Mula sa malayo, makikita ang isang garden, mga golf course, mga swimmin
"Bw*sit, James! Paanong naloko niya si Lolo? Bakit niya pinaniwalaan si James? Iniisip ba talaga ni Lolo na pwede siyang magdiwang ng birthday niya sa House of Royals?" Reklamo ni Megan. Namula ang mukha ni Lex sa kahihiyan. 'Paanong nangyari to? Sinabihan ako ni James na pwede kong gawin ang birthday celebration ko sa House of Royals at mapupuntahan ko ang venue nang maaga.'"Sigurado ba kayo sa sinasabi niyo? Alam niyo ba kung sino ang nagbigay sa'kin ng permiso na magdiwang ng birthday ko sa House of Royals?" Itinuwid niya ang likod niya at pinagalitan ang mga gwardiya. "Lumayas ka na, tanda!" Itinaboy siya ng mga security guard. "Oh, anong nangyayari rito?" Isang lalaking nakasuot ng suit at kurbata ang lumapit habang nakahawak ang mga kamay niya sa baywang ng isang balingkinitang babae. “Mr. Xenos.”Marespetong yumuko ang mga security guard. Ang taong lumitaw ay ang manager ng Goodview Villa District at ang amo ng mga security guard. Nakakamangha ang pinagmulan n
Bilang deputy captain ng specialized police unit, bihasa si Brody sa pakikipaglaban, at ang walang laban sa kanya ang mga security guards.Subalit, hindi siya nangahas na lumaban dahil sa isang miyembro ng Xenos family ang nag-utos sa pambubugbog.Ang mga Xenos ay kasapi ng Five Provinces Business Alliance. Ang Five Province Business Alliance ay parang isang pamilya—kapag naagrabyado mo ang isa sa kanila ay katumbas na din ng pagkalaban sa lahat ng mga kasapi ng business alliance.Natatakot siya na agrabyadohin ang mga ito. Nagmakaawa ang mga kalahan habang binubugbog sila. Lumapit si Zack, tumingin sa ibaba, at tinapakan si Lex. “Narinig ko na napakayabang mo, tanda. Gumawa ka pa nga ng pekeng imbitasyon para makapunta sa succession ceremony ng Blithe King. Ngayon, sinusubukan naman niyang ipagdiwang ang kanyang kaarawan sa Goodview Villa District? Layas. Babaliin ko na yang mga matanda mong binti kapag nakita pa ita dito uli.” Pweh!Dinuraan ni Lucy si Tommy at arogante
Winasiwas kaagad ni Lex ang kanyang tungkod pagpasok ni James sa pinto.Subalit, madali lang itong naiwasan ni James. “Anong nangyari, Lolo? Bakit galit na galit ka?”“Walang kwentang basura!” Bakas ang galit sa mukha ni Lex. Wala na siyang mukha na maihaharap sa mga tao at binugbog pa siya ng mga security guard dahil pinaniwalaan niya ang sinabi ni James. Ang insidenteng ito at mas nakakahiya kaysa sa tinapon siya palabas ng heneral ng isang military region.Tumayo si Lex, dinuro ang ilong ni James, at pinagalitan ito, habang sinasabi, “Walang kwenta! Balak mo bang ipahiya ang aking pamilya?”“Simula ngayon ay hindi ka na son-in-law ng mga Callahan, James!” “Wala kang konsensya! Pinakain ka namin, kinupkop ka namin, pero ang ginawa mo lang ay ipahiya ang aming pamilya!” Pinagalitan at nilait siya ng mga miyembro ng pamilya. Subalit, makikita sa mukha ni James na naguguluhan siya. “Ano ba ang nangyari, Lolo?” Tanong niya ng nakasimangot. “Ang kapal din naman ng mukha