Pagkatapos marinig ang mga salita ni James, tumaas ang tono ni Lex sa gulat at nanginig ang katawan niya. "Ano…" Isa itong bagay na hindi niya kailanman naisip noon. "Totoo ba to, James?" Walang kaalam-alam ang mga taong nakatayo sa pinto sa nangyayari at tumingin sila kay Lex habang nagtataka sa reaksyon niya. "Lolo, mag-usap tayo banda roon." Hinila ni James si Lex paalis at pinagaan ang loob niya, "Lolo, nangangako ako na totoo ang sinabi ko. Nakapag-ayos na ako. Pwede mong ipagdiwang ang birthday party mo sa House of Royals kung gusto mo, Lolo. Ang pagdaos mo ng eightieth birthday doon ay ang unang hakbang ng mga Callahan para maging isang maimpluwensyang pamilya kapag kumalat ang balita sa buong Cansington." Pagkatapos ng sandaling pagkasabik, kumalma si Lex. Tumingin siya kay James. "Alam mo ba kung anong klase ng lugar ang House of Royals, James? "Maraming taon itong itinayo, at napakaraming mayayamang pamilya ang sinubukan itong bilhin. Ang ilan pa ay gusto
Hindi gusto ni James na maging sikat. "Kilala mo ang Blithe King, di ba? Noon may away sila ng commander ko, ng Black Dragon. Pipigilan niya ang birthday celebration mo kapag nalaman niya na sa Black Dragon ang House of Royals. Magiging malaking problema to kapag nangyari yun." Nanginig si Lex nang marinig niya ito. Hindi niya kayang galitin ang Blithe King. Kuntentong-kuntento si James sa reaksyon ni Lex kaya nagpatuloy siya, "Basta't walang sasabihin si Lolo, walang makakaalam nito. Pwede mong sabihin na ang House of Royals ay pagmamay-ari ng isang matagal mo nang kaibigan. Tiyak na magiging magandang imahe to para sa mga Callahan."Nag-isip ng plano si James para kay Lex. Dahil matalino si Lex, alam niya dapat kung paano ito aayusin. Tinapik ni Lex ang balikat ni James. "Tama ako na hinayaan kitang ikasal sa mga Callahan, James. Ito ang pinakamagandang desisyon ko sa buong buhay ko! Hindi ko naisip na magkakaroon ako ng engrandeng selebrasyon sa edad na walompu. Magsasa
Pinagdudahan rin ni Lex si James. Maniniwala siya kung isa lang itong pangkaraniwang lugar, pero ang House of Royals ang pinag-uusapan nila. Ang sikat na House of Royals sa Cansington. Kailangan niya itong kumpirmahin ng personal. Personal na pinaandar ni Howard ang kotse. Nagpunta sina Lex, Tommy, Megan, Wendy, at ang asawa niyang deputy captain ng specialized police unit sa House of Royals sakay ng kotse. Mula sa West Cansington si Brody at bihira siyang bumisita sa Cansington. Pero narinig niya rin ang tungkol sa House of Royals. Usap-usapan na isa itong engrandeng mansyon na hindi maibenta kahit sa halagang sampung bilyong dolyar. Wala itong paraan para mabili kahit na mayroon kang pera. Hindi nagtagal, dumating sila sa hindi mataong lugar sa Cansington. May bundok sa harapan nila. Maganda ang nakapaligid na bundok at malinis ang hangin sa paligid. Nakatayo ang villa sa paanan ng bundok. Mula sa malayo, makikita ang isang garden, mga golf course, mga swimmin
"Bw*sit, James! Paanong naloko niya si Lolo? Bakit niya pinaniwalaan si James? Iniisip ba talaga ni Lolo na pwede siyang magdiwang ng birthday niya sa House of Royals?" Reklamo ni Megan. Namula ang mukha ni Lex sa kahihiyan. 'Paanong nangyari to? Sinabihan ako ni James na pwede kong gawin ang birthday celebration ko sa House of Royals at mapupuntahan ko ang venue nang maaga.'"Sigurado ba kayo sa sinasabi niyo? Alam niyo ba kung sino ang nagbigay sa'kin ng permiso na magdiwang ng birthday ko sa House of Royals?" Itinuwid niya ang likod niya at pinagalitan ang mga gwardiya. "Lumayas ka na, tanda!" Itinaboy siya ng mga security guard. "Oh, anong nangyayari rito?" Isang lalaking nakasuot ng suit at kurbata ang lumapit habang nakahawak ang mga kamay niya sa baywang ng isang balingkinitang babae. “Mr. Xenos.”Marespetong yumuko ang mga security guard. Ang taong lumitaw ay ang manager ng Goodview Villa District at ang amo ng mga security guard. Nakakamangha ang pinagmulan n
Bilang deputy captain ng specialized police unit, bihasa si Brody sa pakikipaglaban, at ang walang laban sa kanya ang mga security guards.Subalit, hindi siya nangahas na lumaban dahil sa isang miyembro ng Xenos family ang nag-utos sa pambubugbog.Ang mga Xenos ay kasapi ng Five Provinces Business Alliance. Ang Five Province Business Alliance ay parang isang pamilya—kapag naagrabyado mo ang isa sa kanila ay katumbas na din ng pagkalaban sa lahat ng mga kasapi ng business alliance.Natatakot siya na agrabyadohin ang mga ito. Nagmakaawa ang mga kalahan habang binubugbog sila. Lumapit si Zack, tumingin sa ibaba, at tinapakan si Lex. “Narinig ko na napakayabang mo, tanda. Gumawa ka pa nga ng pekeng imbitasyon para makapunta sa succession ceremony ng Blithe King. Ngayon, sinusubukan naman niyang ipagdiwang ang kanyang kaarawan sa Goodview Villa District? Layas. Babaliin ko na yang mga matanda mong binti kapag nakita pa ita dito uli.” Pweh!Dinuraan ni Lucy si Tommy at arogante
Winasiwas kaagad ni Lex ang kanyang tungkod pagpasok ni James sa pinto.Subalit, madali lang itong naiwasan ni James. “Anong nangyari, Lolo? Bakit galit na galit ka?”“Walang kwentang basura!” Bakas ang galit sa mukha ni Lex. Wala na siyang mukha na maihaharap sa mga tao at binugbog pa siya ng mga security guard dahil pinaniwalaan niya ang sinabi ni James. Ang insidenteng ito at mas nakakahiya kaysa sa tinapon siya palabas ng heneral ng isang military region.Tumayo si Lex, dinuro ang ilong ni James, at pinagalitan ito, habang sinasabi, “Walang kwenta! Balak mo bang ipahiya ang aking pamilya?”“Simula ngayon ay hindi ka na son-in-law ng mga Callahan, James!” “Wala kang konsensya! Pinakain ka namin, kinupkop ka namin, pero ang ginawa mo lang ay ipahiya ang aming pamilya!” Pinagalitan at nilait siya ng mga miyembro ng pamilya. Subalit, makikita sa mukha ni James na naguguluhan siya. “Ano ba ang nangyari, Lolo?” Tanong niya ng nakasimangot. “Ang kapal din naman ng mukha
Ang Five Provinces Business Alliance ay may kinatawan sa bawat siyudad ng limang probinsya.Ang pinuno ng bawat pamilya ay miyembro ng konseho ng business alliance. Meron ding pamilya mula sa Cansington na sumali sa Five Provinces Business Alliance—ang mga Watson. Ang mga Watson ay isa sa Great Four ng Cansington pero may mas maraming ari-arian kaysa sa kanila. Kilala sila bilang isa sa pinakamagaling na sambahayan sa Cansington. Ang mga miyembro ng konseho ng Five Provinces Business Alliance, na si Gavin Watson, ay nasa isang pagpupulong nung bigla itong makatanggap ng tawag mula sa presidente. Galit ang presidente habang kausap niya ito sa phone habang pinapaliwanag niya ang buong sitwasyon. Kaagad na tinawagan ni Gavin ang mga Xenos at personal na dinala si Zack, ang nobya nito, at ilang dosenang security guard na bumugbog sa mga Callahan para humingi ng tawad.Sa may villa ng mga Callahan, ang mga miyembro ng pamilya ay hindi pa din kumakalma pagkatapos ng pangyayari.
Lumapit si Brody at sinipa si Zack.Isa siyang specialized police unit officer at kaya naman may malakas siyang sipa.Gumulong ng mga ilang beses si Zack sa lupa.Subalit, hindi siya nangahas na magreklamo at muling bumangon para lumuhod. Nagging arogante si Tommy at lumapit ng kampante. Lumapit siya at yumuko sa harapan ni Lucy. Pagkatapos, hinawakan niya ang baba nito para itaas ang ulo nito.“Naaalala mo ba na dinuraan mo ang mukha ko, Lucy?” Sabi niya ng may hindi maitago na kayabangan.Nanginig si Lucy sa takot at nagmakaawa, “T-Tommy, nagkamali ako. Pakiusap, patawarin mo ko.”“Security!”Lumapit ang dalawang security guards ng mga Callahan at tinanong, “Mr. Tommy, may kailangan kayo?”“Gulpihin sila!” Tinuro ni Tommy ang mga security guards na nakaluhod sa lapag at inutos.“Masusunod.”Ang dalawang security guards ay hinimas ang kanilang mga kamao at sinimulang bugbugin sila Zack at ang mga security guards, na nakaluhod pa din sa lupa. Umalingawngaw ang mga ungol s
Kahit na si Lord Samsong ay isang Ninth Stage Lord, nanatili siyang kalmado. Sa halip na isang walang katulad na powerhouse, ang kanyang kilos ay parang isang ordinaryong tao sa sandaling iyon.“Forty nine?” Nagulat si Lord Samsong.Alam ni Lord Samsong ang halos lahat ng powerhouse sa Nine Heavens at Ten Earths. Gayunpaman, si forty nine ay isang hindi pamilyar na pangalan.Hindi niya maramdaman ang cultivation rank ni James, kaya alam niyang si James ay isang nakakatakot na powerhouse. Napagpasyahan ni Lord Samsong na si James ay malamang na isang Ninth Stage Lord, o hindi bababa sa, isang Seventh Stage Lord. Malamang na nilinang niya ang isang pambihirang Supernatural Power, na pinipigilan ang iba na maramdaman ang kanyang cultivation rank.Anuman ang katotohanan, maliwanag na si James ay isang walang katulad na powerhouse.Lahat ng mga Lord na naroroon ay nakatutok kay James. Walang sinuman sa kanila ang nakakaramdam ng cultivation rank ni James, ngunit may nakita silang mah
Si Quenby Jerneja ay isa sa Eight Lords ng Mount Bajuergh.Kanina pa siya naghihintay sa paanan ng Mount Bajuergh at ilang tao na ang nag sign up. Gayunpaman, karamihan sa kanila ay pangkaraniwan. Hindi man lang nila kakayanin ang pwersa sa labas ng Ecclesiastical Restricted Zone, pati na ang pagpasok sa kailaliman nito.Sa sandaling lumitaw si James, alam ni Quenby na siya ay isang makapangyarihang tao.Ang Bundok Bajuergh ay isang bulubundukin na binubuo ng walong bundok.Maraming buhay na nilalang ang nagtipon sa isang hall ng palasyo sa ibabaw ng isa sa mga bundok na ito.Umupo sa pinakamataas na upuan ang isang lalaking nasa edad singkwenta anyos. Nakasuot siya ng puting robe na may nakaburda na tatlong itim na bituin. Ito ay walang iba kundi si Lord Samsong, ang pinuno ng Triple Star Welkin. Nag utos siya ng maraming pwersa.Siya ay may mahaba, itim na buhok at makapal at mahahabang kilay, kaya medyo kakaiba ang itsura niya. Bilog ang kanyang mukha at naglalabas siya ng nap
Matapos ilabas ni Lord Samsong ang balita, nakakuha ito ng atensyon ng maraming Dark Lords.“Gusto ni Lord Samsong na makipagsapalaran sa Ecclesiastical Restricted Zone. Ito ay isang magandang pagkakataon upang makapasok sa pinakamalalim na bahagi ng Ecclesiastical Restricted Zone at makakuha ng ilang mga biyaya.""Kahit na walang anumang gantimpala, ito ay magiging isang magandang pagkakataon upang makipagsapalaran sa lugar kung tayo ay pipiliin."Tinalakay ng maraming makapangyarihang nilalang ang bagay na ito."Gayunpaman, mayroong isang kinakailangan upang mag-sign up. Si Lord Samsong ay nagre recruit lamang ng mga powerhouse sa Lord Rank's Fifth Stage at pataas.""Bakit pupunta si Lord Samsong sa Ecclesiastical Restricted Zone?""Ito ay isang restricted area, at kahit isang Ninth Stage Lord ay maaaring mamatay doon."“Marahil ay natutunan ni Lord Samsong ang ilang mga lihim tungkol sa Ecclesiastical Restricted Zone. O baka naman may gusto siya doon?"“Si Lord Samsong ay
Umalis si James sa Malevolent Land at nagmamadaling pumunta sa lugar na pinakamalapit sa Ecclesiastical Restricted Zone.Ang Ecclesiastical Restricted Zone ay matatagpuan sa junction ng Boundless Welkin at ng Triple Star Welkin.Nakarating siya sa isang kakaibang lugar. Ito ay matatagpuan sa isang malawak na hanay ng bundok. Walang nilalang ang nangahas na lumapit sa bulubunduking ito, dahil ang kakaibang kapangyarihan sa lugar ay makakahawa sa kanila. Wala sa mga nahawahan ng kapangyarihang ito ang may magandang wakas.Ang ilan ay nakaligtas ngunit kalaunan ay naging tiwali. Mayroon ding ilang mga kaso kung saan ang ilang mga tao ay nahawahan ng kapangyarihan ng Ecclesiastical Restricted Zone at ang kanilang kapangyarihan ay dahan dahang naubos. Sa huli, sila ay naging mga mortal nang walang anumang kapangyarihan at namatay.Napakaraming tsismis at misteryo tungkol sa Ecclesiastical Restricted Zone.Ang Ecclesiastical Restricted Zone ay matatagpuan sa isang malawak na hanay
“Agad akong tinambangan pagka-unsealing ng notes niya. Parang masyadong kakaiba.”Nagkaroon ng ilang pagdududa si Xerxes.Sino ang nag iwan ng mga talang ito at naglagay ng seal sa mga ito? Bakit siya inatake at tinugis pagkatapos niyang buksan ang seal?Ganun din ang mga tanong ni James. Iniba niya ang paksa at nagtanong, "Kung gayon, sa tingin mo, anong uri ng existence ang mga nilalang na umatake sayo? Saan sila galing?”Bahagyang umiling si Xerxes, hindi rin alam ang mga sagot.Pagkatapos ng maikling pag isipan ito, sinabi niya, "Mayroong dalawang posibilidad. Ang isa ay bahagi sila ng pwersa na naglabas ng balita ng Acme Path sa nakaraan. Pangalawa ay ang mga nilalang na ito ay mula sa mga restricted areas na ito. Ang mga restricted area ng Dark World ay puno ng misteryo."Tumango si James, sang ayon sa sinabi ni Xerxes.Tanong ni Sienna, “Kung gayon, ano ang dapat nating gawin ngayon?”Nag isip sandali si James at sinabing, “Wala pa kaming naiintindihan, kaya mahir
Gusto ni James na makita si Xerxes at magtanong pa.Gayunpaman, hindi niya ito minamadali dahil nagpapagaling pa si Xerxes. Umupo siya sa isang bato sa looban sa labas ng silid ni Xerxes.Lumapit si Sienna at sumama sa kanya. "Ano sa tingin mo ang bagay na ito?"Ang ekspresyon ni James ay hindi pangkaraniwang taimtim.Nakipaglaban siya sa mga hindi kilalang nilalang. Kahit na siya ay mas malakas kaysa sa kanila, sila ay napaka kakaiba. Wala silang mga natatanging aura at magiging mahirap na kalaban sa isang matinding laban.Inilabas ni James ang itim na ambon na nahuli niya ng subukang bumalik sa mist form ng kanyang kalaban.Tanong ni Sienna, “Ano ito?”Napatingin si James sa nakatatak na itim na ambon sa kanyang palad at dahan dahang sinabi, “Nahuli ko ito noong nakikipaglaban ako sa nilalang sa Unknown Region. Hinampas ko siya at bumalik ito sa isang itim na ambon, kaya mabilis kong kinuha ang ilan doon. Sa kasamaang palad, hindi ko ito mapag aralan sa Dark World. Pag
Ang ungol ni James ay parang ungol na kulog. Nakakabingi, at nanginig ang buong paligid.Pinagmasdan niya ang kanyang paligid, patuloy na lumilingon sa iba't ibang lugar habang nakaalerto.Sa sandaling iyon, tahimik na lumitaw ang isang anino sa likuran niya. Ng maramdaman ni James ang presensya niya, huli na ang lahat. Isang matalim na talim ang tumusok sa kanyang katawan.Ng mabutas ang kanyang katawan ay mabilis itong kumilos at nilaslas ang anino sa kanyang likuran. Nabasag na naman ang anino.Ang kalaban ay nag iwan ng bakas ng itim na ambon at agad na sinamantala ni James ang pagkakataon at kinuha ang isang dakot nito.Napatingin siya sa itim na ambon sa kanyang kamay, na tila buhay at patuloy na nagpupumilit na kumawala. Malamig na suminghot si James, itinaas ang kamay at tinatakan ang itim na ambon.Sinuri ni James ang itim na ambon at nakitang may katulad itong aura sa ambon sa paligid niya.Sa kasamaang palad, wala siyang mahanap na anumang mga pahiwatig tungkol s
Ibinahagi ni Xerxes ang mga lihim na natuklasan niya.Ng marinig ito ni James ay napaisip ng malalim. Pagkaraan ng ilang sandali, nagtanong siya, "Hindi naman siguro posibleng napatay ang tatlong daang Dark Lord at Yukia, di ba?"Paano kaya namatay si Yukia?Ang Dark Strife ay nangyari bago nabuo ang Ninth Universe. Gayunpaman, lumitaw si Yukia sa Twelfth Universe at sinamahan siya ni Henrik sa kanyang mga paglalakbay sa ibang mga universe.Gayunpaman, hindi pa nakita ni Henrik ang kanyang mukha. Kung namatay si Yukia, sino ang taong lumitaw sa Twelfth Universe?Bukod dito, paano maiiwan ng ninuno ni Xerxes ang mga tala kung lahat ng tatlong daan sa kanila ay nabura?Nagtanong si James, “Maaasahan ba ang impormasyong nakuha mo?”Umiling si Xerxes at sinabing, “Hindi ako sigurado. Ito ang impormasyong nakita ko sa mga tala na iniwan ng aking ninuno. Sa kasamaang palad, ang mga tala ay hindi kumpleto at napakagulo. Lahat ng sinabi ko sa iyo ay kung ano ang natutunan ko pagkatapos
“Paano ito naging sanhi ng pagsiklab ng Dark Strife? Bakit nakipag away si Yukia sa tatlong daang Ninth Stage Lords?"Sinabi ni Xerxes, “Ang Acme Path ay isang mito at hindi pa napatunayan. Nakatago daw ito sa loob ng Unknown Region. Wala talagang nakakaalam kung nasaan ito. Noon, may kumalat ng balita na nagbukas na ang Acme Path."Ang Dark World ay nag eexist ng maraming taon. Sa mga mahabang taon na ito, maraming powerhouse ang bumangon. Ang tatlong daang Ninth Stage Lord na iyon ay isinilang sa Dark World sa mga taong ito.”"Ang Ninth Stage Lord Rank ay ang pinakamataas na cultivation rank. Matapos marinig ang Acme Path at isang bagong cultivation rank, maraming powerhouse ang natural na gustong tumawid sa Acme Path at pumasok sa Acme Rank.”"Gayunpaman, ang Acme Path ay isang pagsasabwatan lamang.”"Ang utak ay nagpakalat ng tsismis tungkol sa Acme Path para hikayatin ang mga nakatagong Ninth Stage Lords sa Dark World na lipulin sila."Ng marinig ito ni James ay lalong natar