"Anong ibig mong sabihin, 'Paano'?"Biglang tumayo si Sky at tumingin kay James, binibigkas ang bawat salita, “Magigingg pinakamakapangyarihan akong tao sa mundo, James! Hindi mo naiintindihan ang kahulugan ng mga salitang ito dahil hindi ka pa nakakaakyat ng mataas!“Gusto kong sundin ng mundo ang bawat utos ko. Hindi mo maiintindihan kung ano ang pakiramdam na tumayo sa pinakatuktok. Maaaring ikaw ang Dragon King, isa sa pinakamataas na awtoridad sa Sol, ngunit kailangan mo pa ring sumagot sa iyong mga nakatataas. Hindi mo magagawa ang gusto mo."Ngumiti ng mahina si James. Wala siyang pakialam sa pagiging pinakamakapangyarihang tao sa mundo at nais lamang niyang gugulin ang natitirang bahagi ng kanyang buhay kasama ang babaeng mahal niya. Nandito lang siya para patayin ang dragon dahil sa mga kasawiang nangyari sa daan."Kahit ano!" Umupo si Sky at sinabing, “Bakit ako nag-aaksaya ng hininga sa iyo? Hindi mo maiintindihan kung paano gumagana ang kapangyarihan at awtoridad."Pag
Kinurot ni Sky ang ilong niya at bumulong, “Gaano katagal na ba ng may huling tao na naparito?”Nagsalita si James, “Ang huling dragon-slaying expedition ay nangyari ng mahigit sa 1300 taon na. Sapagkat nasa gitna ito ng dagat, sa tingin ko wala pang tao na napunta sa lugar na ito ng mahigit sa isang milenyo. Suriin muna natin ang paligid. Baka may mga bakas ng aktibidad ng dragon.”Sinuri ni Sky ang paligid. Walang bakas ng buhay sa lugar na ito.“Dito.” Itinuro ni James ang daan sa harap niya at tumungo sa direksyon na iyon.Hindi nagtagal, nakakita sila ng mga buto ng isang hindi maipaliwanag na nilalang sa sahig. Ang ilan sa mga labi nito ay buo pa samantalang ang iba naman ay nakakalat.“Huh?”Nanigas si James bago nagtanong, “Bakit maraming mga labi dito sa parte ng islang ito?”Yumuko si Sky at sinuri ang mga labi at sinabi, “Ang mga labing ito ay hindi sa tao. Mukhang galing ito sa isang klase ng macrofauna. Pero may nakasalubong ba tayo na kasing laki nito? Bukod pa dito, baki
Tinitigan ni James ang nilalang sa harap niya.Sobrang nakakatakot ang nilalang na ito dahil hangin pa lang mula sa palad niya ay sapat na para tumalsik sila ni Sky. Marahil naabot na nito ang rurok ng Ninth Stair.Teka, sandali…Naabot na rin ni James ang rurok ng Ninth Stair. Kung mas malakas ang enerhiya ng nilalang na iyo kaysa sa kanya, marahil lumampas na siya sa Ninth Stair.Maaari kayang Ninth-rank?Matapos ito maisip, huminga ng malalim si James at tinitigan ang nilalang sa harapan niya.Nanatiling tahimik ang nilalang. Matapos titigan si James at Sky, bumalik ito sa kuweba.Tumingin si James sa likod niya kung nasaan si Sky. Matapos makita na may bakas pa ng dugo sa mga labi niya, nagtanong siya, “Okay ka lang ba?”“Okay lang ako.” Galit ang itsura ni Sky.Nakarating na siya sa Ninth Stair. Kahit na mas mahina siya kay James, hindi matanggap ni Sky na tumalsik siya sa Palm Energy ng hindi kilalang nilalang sa gitna ng kawalan. Gusto niyang maging pinakamalakas na indibidwal s
Hindi masamang tao si Sky. Base sa pag-uusap nila, napagtanto ni James na hindi imoral at sakim si Sky. Gusto lang niya maging pinakamalakas na indibidwal sa mundo.Nagsalita siya habang nakangiti, “Huwag kang mag-alala, kaya ko siguruhin ang kaligtasan ko kahit nawala akong laban sa nilalang na iyon.”Pagkatapos, tumungo siya sa kuweba.Hindi nagtagal, nakarating siya dito.Ang lagusan papasok ng kuweba ay may tatlong metro ang taas at dalawang metro ang lapad. Sapagkat madilim sa loob, wala siyang makita na kahit na ano.Maingat na tumawag si James, “Sir, nandiyan ka ba sa loob? May ilang mga katanungan ako…”Pero, walang sumagot.“Iisipin ko na payag ka na pumasok ako base sa katahimikan mo. Papasok na ako ngayon…”Sa oras na humakbang siya…Swoosh!Isang matinding Palm Energy ang maririnig, at isang makapangyarihang puwersa ang nagmula sa loob. Sapagkat alerto si James, nagawa niyang umiwas.Matapos ang atake, katahimikan muli.Hindi nagpadalos-dalos na pumasok si James. Nagtanong
Nasabik si Sky matapos niya banggitin ang dragon at pagiging imortal. Ang pangunahing layunin niya ay maging pinakamalakas na indibidwal sa mundo. Kung magiging imortal siya, magkakaroon siyang buhay na walang hanggan. Kung mangyayari ito, kaunting panahon na lang at matutupad na ang gusto niya.“Tama na.” Nag-aalala si James na baka hindi tumigil si Sky, kaya agad niyang pinigilan si Sky at sinabi, “Hindi tayo sigurado na isang milenyo na siyang nabubuhay. Alamin muna natin ang pagkakakilanlan niya.”Nagtanong si Sky, “Hindi nga tayo makalapit sa kuweba, hindi rin siya nagsasalita ng lenguwahe natin. Paano natin ito gagawin?”“Kumalma ka lang.” Sumenyas si James. Habang nakatingin sa mga buto sa sahig, nag-isip siya bago nagsalita, “Kung tama ang hula ko, ang tao sa loob ang may kagagawan ng mga labi dito. Tao nga naman siya. Sa oras na magutom siya, lalabas siya para kumain.”Umirap si Sky, “Hindi ba obvious naman iyon? Kahit ang ancient martial artist kailangan kumain. Bakit hindi m
Umirap si James at sinabi, “Anong malay ko?”Matapos ang panandaliang pag-iisip, naglabas ng phone si James at nirecord ang mga salita niya. Sapagkat kayang tumanggap ng signal mula sa satellite ang phone niya, makakapagpadala at tanggap siya ng mensahe mula sa kahit anong parte ng mundo. Kaya ipinadala niya ito sa Blithe King sa Cansington.“Blithe King, ikuha mo ako ng translator para alamin kung anong sinasabi niya.”“Masusunod.”Matapos matanggapa ang tawag ni James, inorganisa niya ang pagkuha ng translator.Matapos ang sampung minuto…Nakatanggap ng tawag si James mula kay Blithe King.“James, ito ay Old Ignobarian, isang lenguwahe noong nakaraang milenyo. Natulungan na kita alamin kung anong sinasabi niya base sa ipinadala mo sa akin. Pero, hindi ito ang tunay na sinasabi niya, mababaw na translation lang ito.”“Naaintindihan ko.”Ibinaba niya ang phone at binasa ang text na dumating mula sa Blithe King.[Sino kayo? Anong ginagawa ninyo dito? Naiintindihan ba ninyo ako? Hoy, kin
Hindi makausap ni James ang lalaking nagsasalita ng hindi maunawaang wika. Sa opinyon niya, dapat silang bumalik sa Sol at magdala ng mga translator dito para alamin ang misteryo ng isla. "Hindi pwede. Matatagalan tayo." Diretsong tinanggihan ni Sky ang suhestiyon niya. "Hindi natin siya kailangang kausapin. Ang kailangan lang nating malaman ay kung may mga dragong nakatira rito. Kung meron, uuwi tayo at pagtitipunin ang mga Solean martial artist para sa pagpatay sa dragon." Binanggit ni Sky ang mga naiisip niya. Pinag-isipan ito ni James at nagsabing, "Sige pala. Hihintayin kita rito. Mag-imbestiga ka na." Pagkatapos, umupo siya sa isang bato at nanahimik. Samanatala, umalis si Sky para hanapin ang dragon sa kawalan. Tumingin si James sa bukana ng kweba. 'Sino siya? Nabuhay na siya 1,300 taon ang nakaraan?' Pagkatapos mag-isip sandali, tumayo siya at nagpunta sa kweba. Ngayon naman, hindi inatake si James, at pumasok siya ng kweba nang walang galos. Nasa 300 squ
Sa sandaling napakalma na ni James ang sarili niya, tinangay na siya ng mga alon. Mabilis niyang pinakilos ang sarili niya palabas ng tubig. Fwoosh! Na parang isang ipo-ipo, lumipas siya sa ere at lumitaw limampung metro mula sa ibaba ng tubig. Gayunpaman, sa sandaling nakaalis siya sa tubig, naramdaman niya ang presensya ng isang nakakatakot na Palm Energy. "Bw*sit! Bakit ang bilis-bilis niya?" Tahimik na nagmura si James. Nagmadali niyang ginamit ang Invincible Body Siddhi. Sa sandaling gumana ang Invincible Body Siddhi, isang mala-ilusyong Palm Energy ang bumagsak papunta sa kanya. Kaagad na nabasag ang kulay tansong halo na bumabalot sa balat niya. Tumilapon na naman si James. Nang bumagsak siya sa dagat, sumuka siya ng dugo. Sa sandaling iyon, dumating si Sky. Nang nakita niyang nabasag ang Invincible Body Siddhi ni James at napalipad siya ng Palm Energy, napamura si Sky, "Anong ginawa niya para magalit ang nilalang na yun?" Pagkatapos, tumakas na lang siy
Maingat na nagtanong si James, “Iginagalang na elder, mayroon bang paraan para mabuksan ang seal ng Dark World, na dating kilala bilang Primordial Realm? Maaari kong lihim na tuklasin ang Greater Realms at ang Eternal Clan para makita kung kaya kong nakawin ang Eternal Light.""Ito ay walang saysay," Sagot ng Ursa, banayad na umiling. "Ang seal na ito ay ginawa sa pamamagitan ng pakikipagtulungan ng Ten Great Races' Overworld Outsiders. Hindi ito madaling masira. Kung pwede lang tanggalin, matagal na akong umalis. Bakit ako mananatili sa mundong ito?"Oh," Mahinang sagot ni James.Ang kanyang mga alalahanin ay makabuluhang nabawasan ng marinig ang balita. Ang seal ay hindi malalampasan, kaya ang mga buhay na nilalang ng Dark World ay hindi nakatakas at ang Overworld Outsiders of Greater Realms ay hindi rin makakarating.Sa madaling salita, ang kanyang kasalukuyang mga kaaway ay binubuo lamang ng mga Ursa na nakatayo sa kanyang harapan, kasama ang mga Tagamasid na nakatago sa mga an
Bahagyang natigilan si James.Kumbaga, ang Ten Great Races ay dapat na mga kasama.Sinabi na ni James na ang kanyang master ay mula sa Doom Race.Sa kabilang banda, ang nilalang na nasa harapan niya ay mula sa Ursa Race.Kahit na magkaibang lahi sila, dapat ay nasa iisang koponan sila. Sa teorya, ang isang powerhouse mula sa Doom Race ay tiyak na susubukan na tulungan ang Ursa na makabangon.Gayunpaman, binabalaan ng Ursa ang Doom Race na huwag makialam. Higit sa lahat, tila may bahid ng poot sa tono niya.“Bakit mo nasasabi ang mga ganyan, Sir? Kung alam ng aking Master na ikaw ay nasaktan, susubukan niyang tulungan ka. Ano ang ibig mong sabihin na hindi niya kailangan panghimasukan? Balak kong ipaalam sa aking panginoon at tulungan kang makabawi. Pagkatapos mong magamot ang iyong mga pinsala, makakabalik na tayo sa Greater Realms ng magkasama."“Hmph.” Malamig na umungol si Ursa."Maraming bagay ang hindi mo maintindihan. Bilang isang tao, hindi mo pa rin maiintindihan. Ang m
Nagsimulang mag bluff si James. Upang mapalapit sa Ursa at makakuha ng higit pang impormasyon, nais ni James na maalis ang kanyang bantay.Ang Omnipotent Lord ay tumayo sa isang tabi na may bahagyang pagsimangot.Medyo alam niya ang background ni James. Ang master ni James ay si Yukia, kaya kailan ito naging powerhouse mula sa Doom Race?Bagama't alam niyang nagsisinungaling si James, hindi siya inilantad ng Omnipotent Lord.Anuman ang ginagawa ni James, pareho ang kanilang layunin. Pareho silang nagsisikap na malaman ang higit pa tungkol sa Ursa.Alam ng Ursa ang tungkol sa Watchers sa Dark World. Gayunpaman, hindi pa siya nakipag ugnayan sa kanila noon at walang ideya kung saang lahi ang Watchers.Dahil ipinakita ni James ang Chaos Power ng Doom Race, nakumbinsi siya sa mga salita ni James.Bukod sa Doom Race, walang ibang lahi ang makakapag cultivate ng Chaos Power. Para magkaroon siya ng Chaos Power, siguradong may gabay siya ng isang powerhouse mula sa Dooms."Ikaw, umalis
Dinala ng Omnipotent Lord si James upang suriin ang mga pinsala ng Ursa. Gayunpaman, wala siyang intensyon na talagang pagalingin ang Ursa.Sa halip, nais ng Omnipotent Lord na maunawaan ang kanyang mga pinsala at magkaroon ng planong patayin siya.Sa hindi inaasahan, agad na nagalit ang Ursa pagkatapos na dumating ang Omnipotent Lord sa pormasyon at ipaliwanag na gusto niyang suriin ang kanyang mga pinsala.Isang nakakatakot na puwersa ang lumabas mula sa formation at inatake si James.Gustong patayin ng Ursa si James.Agad na nagbago ang ekspresyon ng Omnipotent Lord sa harap ng nakakatakot na pag atake. Gusto niyang tulungan si James na harangin ang pag atake ngunit wala siyang lakas.Agad naging seryoso ang mukha ni James. Sa mahalagang stage na ito, maraming ideya ang pumasok sa kanyang isipan. Sa huli, nagpasya siyang harangan ang pag atake.Itinaas niya ang kanyang kamay, hinimok ang lahat ng kanyang lakas at hinarap ang pag atake ng Ursa.Nahaharap sa isang Acmean, hind
Tumingin si Morangorin kay Quiomars at nagtanong, “Dati kang tagapangalaga ng bundok sa Ecclesiastical Restricted Zone. Dapat ay pamilyar ka sa labanan na naganap sa Primordial Realm Era. Hindi mo ba alam ang tungkol sa kanya?"Umiling si Quiomars at sinabing, “Nananatili lang ako sa Ecclesiastical Restricted Zone noon at hindi ko alam ang labanan sa labas. Itong Ursa ay hindi pa nakapunta sa Ecclesiastical Restricted Zone, kaya wala akong alam tungkol sa kanya o kung paano siya nasugatan."Bahagyang ikinaway ni James ang kanyang kamay at sinabing, “Hindi kailangan madaliin. Maaari nating malaman ang mga bagay na ito ng dahan dahan. Hindi ba sinabi ng Omnipotent Lord na kaunti lang ang Universe Seeds niya? Magiging mahirap hanapin ang lahat ng ito at aabutin ito ng maraming oras. Mayroon kaming higit pa sa sapat na oras upang malaman ang mga bagay bagay."“Sige. matutulog na ako. Sunduin mo lang ako kapag oras na para kumilos."Ibinaba ni Morangorin ang kanyang mga pakpak at lumipa
Ang Omnipotent Lord ay nakakuha ng mas malalim na pananaw sa ilang bagay mula kay Mila.Bahagyang naguguluhan siya kung paano niya nalaman ang mga bagay na ito samantalang siya ay ganap na walang alam.Kahit na sinubukan niyang magtanong tungkol sa pinagmulan ng kanyang impormasyon, tumanggi siyang magsalita tungkol dito.Sa kabila noon, lubos ang tiwala niya rito.Matapos malaman ang mga bagay na ito mula kay Mila, binisita niya ang powerhouse ng Ursa upang subukan siya. Sa paghusga sa kanyang reaksyon, alam ng Omnipotent Lord na talagang nasaktan ang Ursa. Nagtago siya sa loob ng formation para gumaling.Ito ay lalong nagpagulo sa Omnipotent Lord.Kung gusto niyang gumaling, ang paggawa nito sa isang lugar sa Chaos ay mas mabuti. Bakit siya pupunta sa universe, bibigyan siya ng mga payo sa pag cucultivate at tinuruan pa ang kanyang mga nasasakupan ng isang mahiwagang paraan ng pag cucultivate?Lahat ng uri ng pag aalinlangan ay bumaha sa kanyang isipan.Gayunpaman, wala siyan
Sinabi ni James, "Ngunit hindi pa rin kami sigurado kung gaano siya nasugatan at kung ano ang kailangan niya upang maibalik ang kanyang lakas."Sumagot si Yehosheva, “Hindi mo kailangang mag alala tungkol sa mga bagay na ito sa ngayon. Maaari nating malaman ang mga ito ng dahan dahan. Mas mahalaga na mahanap mo si Yahveh at Jehudi. Ang bawat dagdag na powerhouse na maaari naming irecruit ay magpapataas ng aming mga pagkakataong manalo.“Sige.” Tumango si James.Pagkatapos ng maikling usapan, umalis na si James.Napakadali para sa kanya na makahanap ng dalawang Macrocosm Ancestral God sa universe gamit ang kanyang kasalukuyang lakas.Mabilis niyang natagpuan si Yahveh at Jehudi ng walang labis na pagsisikap.Sa ngayon, natipon na ni James ang mga kandidatong nasa isip niya.Ang mga taong ito ang pinakamalakas na taong nakilala niya. Dahil lahat sila ay mula sa Ecclesiastical Restricted Zone, lahat sila ay mapagkakatiwalaan.Pansamantalang inayos ni James na manirahan sila sa loo
Pumunta si James sa Dark World at nakahanap ng ilang taong tutulong sa kanya.Ang mahiwagang ibon, Morangorin, ay isang pinakamataas na Nine-Power Macrocosm Ancestral God na malapit ng maabot ang Acme Rank.Bilang karagdagan, humingi siya ng tulong kay Yehosheva, isang powerhouse sa huling stage ng Ninth Stage ng Lord Rank, gayundin kina Jabari at Xulia, na parehong mga Ninth Stage Lord.Napakalakas ng kanyang koponan.Gayunpaman, ang kanilang kalaban ay isang Acmean. Kahit na siya ay nasugatan at wala sa kanyang kalakasan, magiging mahirap na patayin siya.Kailangang maging handa silang patayin siya.Hiniling ni James sa kanila na itago ang kanilang aura at magkaila. Pagkatapos, dinala niya sila sa Ancestral Holy Site.Kahit na ang Ancestral Holy Site ay teritoryo ng Omnipotent Lord, Mount Thea ang kanyang tirahan at nakapagtayo na siya ng formation sa paligid ng lugar.Sa loob ng main hall ng Mount Thea, nagtanong si Jabari, "Ano ang susunod mong plano, James?"Kaswal na iki
Mabilis na tumakas si Morangorin at halos hindi na siya masubaybayan ni James. Gayunpaman, nagpumilit si James at naabutan siya sa kailaliman ng Unknown Region.Hinawakan ni James ang mga pakpak ni Morangorin, sinampal ang kanyang ulo at pinagsabihan siya, "Sa tingin mo makakatakbo ka?"Sinabi ni Morangorin na hindi nasisiyahan, "Sino ang tumatakbo? Sa tingin mo tatakbo ako? Anong klaseng biro yan? Medyo nagsasanay lang ako. Paano kung makatagpo ako ng panganib sa hinaharap at hindi ako makatakbo ng mabilis? Sige na. Sabihin mo sa akin kung ano ang kailangan mo sa akin."Diretso sa punto si James, sinabi. "May isang Ursa mula sa Primordial Realm Era na nagtatago sa labas ng universe. Isa siyang ticking bomb at kailangan ko siyang alisin. Kailangan mo akong tulungan.”"Hindi ko magagawa."Agad na tumanggi si Morangorin na tumulong.“Nagbibiro ka ba, brat? Ang isang Ursa na nag eexist mula noong Primordial Realm Era ay tiyak na isang Acmean. Paano mo inaasahan na tutulungan kita? A