Tinitigan ni James ang nilalang sa harap niya.Sobrang nakakatakot ang nilalang na ito dahil hangin pa lang mula sa palad niya ay sapat na para tumalsik sila ni Sky. Marahil naabot na nito ang rurok ng Ninth Stair.Teka, sandali…Naabot na rin ni James ang rurok ng Ninth Stair. Kung mas malakas ang enerhiya ng nilalang na iyo kaysa sa kanya, marahil lumampas na siya sa Ninth Stair.Maaari kayang Ninth-rank?Matapos ito maisip, huminga ng malalim si James at tinitigan ang nilalang sa harapan niya.Nanatiling tahimik ang nilalang. Matapos titigan si James at Sky, bumalik ito sa kuweba.Tumingin si James sa likod niya kung nasaan si Sky. Matapos makita na may bakas pa ng dugo sa mga labi niya, nagtanong siya, “Okay ka lang ba?”“Okay lang ako.” Galit ang itsura ni Sky.Nakarating na siya sa Ninth Stair. Kahit na mas mahina siya kay James, hindi matanggap ni Sky na tumalsik siya sa Palm Energy ng hindi kilalang nilalang sa gitna ng kawalan. Gusto niyang maging pinakamalakas na indibidwal s
Hindi masamang tao si Sky. Base sa pag-uusap nila, napagtanto ni James na hindi imoral at sakim si Sky. Gusto lang niya maging pinakamalakas na indibidwal sa mundo.Nagsalita siya habang nakangiti, “Huwag kang mag-alala, kaya ko siguruhin ang kaligtasan ko kahit nawala akong laban sa nilalang na iyon.”Pagkatapos, tumungo siya sa kuweba.Hindi nagtagal, nakarating siya dito.Ang lagusan papasok ng kuweba ay may tatlong metro ang taas at dalawang metro ang lapad. Sapagkat madilim sa loob, wala siyang makita na kahit na ano.Maingat na tumawag si James, “Sir, nandiyan ka ba sa loob? May ilang mga katanungan ako…”Pero, walang sumagot.“Iisipin ko na payag ka na pumasok ako base sa katahimikan mo. Papasok na ako ngayon…”Sa oras na humakbang siya…Swoosh!Isang matinding Palm Energy ang maririnig, at isang makapangyarihang puwersa ang nagmula sa loob. Sapagkat alerto si James, nagawa niyang umiwas.Matapos ang atake, katahimikan muli.Hindi nagpadalos-dalos na pumasok si James. Nagtanong
Nasabik si Sky matapos niya banggitin ang dragon at pagiging imortal. Ang pangunahing layunin niya ay maging pinakamalakas na indibidwal sa mundo. Kung magiging imortal siya, magkakaroon siyang buhay na walang hanggan. Kung mangyayari ito, kaunting panahon na lang at matutupad na ang gusto niya.“Tama na.” Nag-aalala si James na baka hindi tumigil si Sky, kaya agad niyang pinigilan si Sky at sinabi, “Hindi tayo sigurado na isang milenyo na siyang nabubuhay. Alamin muna natin ang pagkakakilanlan niya.”Nagtanong si Sky, “Hindi nga tayo makalapit sa kuweba, hindi rin siya nagsasalita ng lenguwahe natin. Paano natin ito gagawin?”“Kumalma ka lang.” Sumenyas si James. Habang nakatingin sa mga buto sa sahig, nag-isip siya bago nagsalita, “Kung tama ang hula ko, ang tao sa loob ang may kagagawan ng mga labi dito. Tao nga naman siya. Sa oras na magutom siya, lalabas siya para kumain.”Umirap si Sky, “Hindi ba obvious naman iyon? Kahit ang ancient martial artist kailangan kumain. Bakit hindi m
Umirap si James at sinabi, “Anong malay ko?”Matapos ang panandaliang pag-iisip, naglabas ng phone si James at nirecord ang mga salita niya. Sapagkat kayang tumanggap ng signal mula sa satellite ang phone niya, makakapagpadala at tanggap siya ng mensahe mula sa kahit anong parte ng mundo. Kaya ipinadala niya ito sa Blithe King sa Cansington.“Blithe King, ikuha mo ako ng translator para alamin kung anong sinasabi niya.”“Masusunod.”Matapos matanggapa ang tawag ni James, inorganisa niya ang pagkuha ng translator.Matapos ang sampung minuto…Nakatanggap ng tawag si James mula kay Blithe King.“James, ito ay Old Ignobarian, isang lenguwahe noong nakaraang milenyo. Natulungan na kita alamin kung anong sinasabi niya base sa ipinadala mo sa akin. Pero, hindi ito ang tunay na sinasabi niya, mababaw na translation lang ito.”“Naaintindihan ko.”Ibinaba niya ang phone at binasa ang text na dumating mula sa Blithe King.[Sino kayo? Anong ginagawa ninyo dito? Naiintindihan ba ninyo ako? Hoy, kin
Hindi makausap ni James ang lalaking nagsasalita ng hindi maunawaang wika. Sa opinyon niya, dapat silang bumalik sa Sol at magdala ng mga translator dito para alamin ang misteryo ng isla. "Hindi pwede. Matatagalan tayo." Diretsong tinanggihan ni Sky ang suhestiyon niya. "Hindi natin siya kailangang kausapin. Ang kailangan lang nating malaman ay kung may mga dragong nakatira rito. Kung meron, uuwi tayo at pagtitipunin ang mga Solean martial artist para sa pagpatay sa dragon." Binanggit ni Sky ang mga naiisip niya. Pinag-isipan ito ni James at nagsabing, "Sige pala. Hihintayin kita rito. Mag-imbestiga ka na." Pagkatapos, umupo siya sa isang bato at nanahimik. Samanatala, umalis si Sky para hanapin ang dragon sa kawalan. Tumingin si James sa bukana ng kweba. 'Sino siya? Nabuhay na siya 1,300 taon ang nakaraan?' Pagkatapos mag-isip sandali, tumayo siya at nagpunta sa kweba. Ngayon naman, hindi inatake si James, at pumasok siya ng kweba nang walang galos. Nasa 300 squ
Sa sandaling napakalma na ni James ang sarili niya, tinangay na siya ng mga alon. Mabilis niyang pinakilos ang sarili niya palabas ng tubig. Fwoosh! Na parang isang ipo-ipo, lumipas siya sa ere at lumitaw limampung metro mula sa ibaba ng tubig. Gayunpaman, sa sandaling nakaalis siya sa tubig, naramdaman niya ang presensya ng isang nakakatakot na Palm Energy. "Bw*sit! Bakit ang bilis-bilis niya?" Tahimik na nagmura si James. Nagmadali niyang ginamit ang Invincible Body Siddhi. Sa sandaling gumana ang Invincible Body Siddhi, isang mala-ilusyong Palm Energy ang bumagsak papunta sa kanya. Kaagad na nabasag ang kulay tansong halo na bumabalot sa balat niya. Tumilapon na naman si James. Nang bumagsak siya sa dagat, sumuka siya ng dugo. Sa sandaling iyon, dumating si Sky. Nang nakita niyang nabasag ang Invincible Body Siddhi ni James at napalipad siya ng Palm Energy, napamura si Sky, "Anong ginawa niya para magalit ang nilalang na yun?" Pagkatapos, tumakas na lang siy
Kahit na gustong umalis ni James sa dagat, hindi siya nagtangkang ipakita ang sarili niya. Napakatindi lang talaga ng lakas ng lalaking iyon. Kahit na nakarating na siya sa peak ng Ninth Stair, ang stage kung saan hindi na pwedeng mas dumami ang True Energy niya, at gamitin niya ang Invincible Body Siddhi, natalo siya sa sandaling nagsimula ang laban. Masyadong nakakatakot ang lalaking iyon. Nasa mahirap siyang sitwasyon. Pagkatapos ng ilang sandali nang hindi na niya makayanang pigilan ang paghinga niya dahil sa kawalan ng True Energy, wala siyang magawa kundi umalis sa tubig. Dahan-dahang sumilip mula sa dagat ang ulo niya habang sinuri niya ang paligid niya. Nang nakita niyang nakaalis na ang lalaki, nakahinga siya nang maluwag at lumangoy sa pampang. Nakarating lang siya sa pampang pagkatapos lumangoy ng isang oras. Umakyat si James sa isang bato at simpleng initsa ang Primordial Dragon sa tabi. Pagkatapos, humiga siya sa bato at nagpahinga. Pagkatapos magpahinga nan
Kinuha ng Omniscient Deity ang maliit na piraso ng papel na nakatali sa paa ng kalapati at binasa ito. Pagkatapos, tumayo siya at nagsabing, "Ano? Patay na si James?" Nabigla siya. Si James ay isang martial artist na nakarating na sa peak ng Ninth Stair. Siya ang pinakamalapit nang makarating sa ninth rank sa milenyong iyon. Ngayon, patay na siya. "Gloom!" sigaw niya. Fwoosh! Isang anyo ang mabilis na pumasok sa kwarto at lumuhod sa harapan ng Omniscient Deity. Ang lalaking nakasuot ng itim na balabal ay nagsalita nang may paos na boses, "Anong ipag-uutos niyo, Master?" "Nakatanggap ako ng balita na patay na si James. Hanapin mo kaagad si Sky. Gusto kong malaman ang buong detalye." "Masusunod." Tumango ang lalaki at nagmadaling umalis. Si Sky ang nagpakalat ng balitang patay na si James. Sa maikling panahon, kumalat na ang balita sa buong ancient martial world ng Sol at sa labas nito. Nalaman din ng ilang dayuhang pwersa ang balita. "Hahaha! Patay na si Jame
Inakala ng Omnipotent Lord na nasa ilalim niya si James. Gayunpaman, mula ng sumali si James sa Ancestral Holy Site at naging isang Protector, lalo siyang naging misteryoso. Ang isang kapansin pansing pangyayari ay ng harangin niya ang pag atake ng isang makapangyarihang indibidwal ng Ursa Race pagkatapos ay misteryosong nawala sa loob ng milyon milyong taon. Ang kanyang pag uugali ay naging dahilan upang ang Omnipotent Lord ay maging mas maingat sa kanya.Bumalik siya sa main hall ng Mount Ancestre."Shadow," Tawag niya.“Aking Lord.”Isang anino ang lumitaw ng wala saan at lumuhod sa isang tuhod.“Gusto kong bantayan mong mabuti si James. Isumbong mo sa akin kung may gagawin siyang kakaiba,” Utos niya."Naiintindihan," Sabi ng anino bago nawala nang walang bakas.Ang Shadow ay ang pinagkakatiwalaan ng Omnipotent Lord. Hindi alam ang tunay niyang pangalan at nacultivate niya ang kakaibang Hidden Path. Kahit na ordinaryo ang kanyang lakas, ang kanyang nakatagong kakayahan ay na
Sa isang kisapmata, ang mga inskripsiyong ito ay kumalat sa harap ni James tulad ng hindi mabilang na mga bituin sa malawak na universe. Ikinumpas ni James ang kanyang kamay at ikinalat ang mga sigil ng inskripsiyon, na pumasok sa nakapalibot na Chaos Space.Isang Formasyon ang nabuo. Ang Formation na ito ay sapat na upang bitag ang isang Nine-Power Macrocosm Ancestral God. Kahit na ang Nine-Power Macrocosm Ancestral God ay hindi magagawang basagin ang Formation kahit gaano pa niya subukan maliban kung pinagkadalubhasaan niya ang Formation Path at ang kanyang pag-unawa sa Formation ay umabot sa Nine-Power Macrocosm Ancestral God Rank.Matapos iset up ang unang Formation, ipinagpatuloy ni James ang pag set up ng iba pang Formation. Nahaharap sa isang Acmean, hindi niya mapabayaan ang kanyang bantay.Ipinagpatuloy niya ang pag set up ng mga Formation sa Chaos Space at pinagsama ang mga ito sa isa, na bumubuo ng isang convoluted at intertwined Superformation.Nanatili siya sa Chaos Sp
Lahat ng tao sa main hall ng Mount Thea ay tumingin kay James.Si Jabari ang unang nagsalita, nagtanong, “Sa panahon ng pakikipagtagpo mo sa Ursa, mararamdaman mo ang kanyang aura nang malapitan, tama ba? Nagawa mo bang sukatin ang kanyang lakas?"Bahagyang tumango si James at sinabing, “Oo. Nakatiis talaga ako sa atake niya. Hinimok ko ang lahat ng aking Chaos Power ngunit nasugatan pa rin. Sapat na iyon para ipakita kung gaano siya katatag. Gayunpaman, hindi ko ginamit ang Omniscience Path. Kung ginawa ko, maaaring nakapagtanggol ako laban sa pag atake ng hindi nagtamo ng anumang pinsala. Itutuloy natin ang dati nating plano. Kailangan nating mag set up ng isang formation para ma trap siya sa Chaos, kung gayon madali para sa atin na patayin siya nang magkasama."Matapos magkaroon ng pagkakataong suriin ang lakas ng Ursa, tiwala si James.Ang maikling pag uusap ay sapat para sa kanya upang tapusin na ang Ursa ay wala sa panig ng Human Race, ni hindi niya tinutulungan si Yukia.Si
Maingat na nagtanong si James, “Iginagalang na elder, mayroon bang paraan para mabuksan ang seal ng Dark World, na dating kilala bilang Primordial Realm? Maaari kong lihim na tuklasin ang Greater Realms at ang Eternal Clan para makita kung kaya kong nakawin ang Eternal Light.""Ito ay walang saysay," Sagot ng Ursa, banayad na umiling. "Ang seal na ito ay ginawa sa pamamagitan ng pakikipagtulungan ng Ten Great Races' Overworld Outsiders. Hindi ito madaling masira. Kung pwede lang tanggalin, matagal na akong umalis. Bakit ako mananatili sa mundong ito?"Oh," Mahinang sagot ni James.Ang kanyang mga alalahanin ay makabuluhang nabawasan ng marinig ang balita. Ang seal ay hindi malalampasan, kaya ang mga buhay na nilalang ng Dark World ay hindi nakatakas at ang Overworld Outsiders of Greater Realms ay hindi rin makakarating.Sa madaling salita, ang kanyang kasalukuyang mga kaaway ay binubuo lamang ng mga Ursa na nakatayo sa kanyang harapan, kasama ang mga Tagamasid na nakatago sa mga an
Bahagyang natigilan si James.Kumbaga, ang Ten Great Races ay dapat na mga kasama.Sinabi na ni James na ang kanyang master ay mula sa Doom Race.Sa kabilang banda, ang nilalang na nasa harapan niya ay mula sa Ursa Race.Kahit na magkaibang lahi sila, dapat ay nasa iisang koponan sila. Sa teorya, ang isang powerhouse mula sa Doom Race ay tiyak na susubukan na tulungan ang Ursa na makabangon.Gayunpaman, binabalaan ng Ursa ang Doom Race na huwag makialam. Higit sa lahat, tila may bahid ng poot sa tono niya.“Bakit mo nasasabi ang mga ganyan, Sir? Kung alam ng aking Master na ikaw ay nasaktan, susubukan niyang tulungan ka. Ano ang ibig mong sabihin na hindi niya kailangan panghimasukan? Balak kong ipaalam sa aking panginoon at tulungan kang makabawi. Pagkatapos mong magamot ang iyong mga pinsala, makakabalik na tayo sa Greater Realms ng magkasama."“Hmph.” Malamig na umungol si Ursa."Maraming bagay ang hindi mo maintindihan. Bilang isang tao, hindi mo pa rin maiintindihan. Ang m
Nagsimulang mag bluff si James. Upang mapalapit sa Ursa at makakuha ng higit pang impormasyon, nais ni James na maalis ang kanyang bantay.Ang Omnipotent Lord ay tumayo sa isang tabi na may bahagyang pagsimangot.Medyo alam niya ang background ni James. Ang master ni James ay si Yukia, kaya kailan ito naging powerhouse mula sa Doom Race?Bagama't alam niyang nagsisinungaling si James, hindi siya inilantad ng Omnipotent Lord.Anuman ang ginagawa ni James, pareho ang kanilang layunin. Pareho silang nagsisikap na malaman ang higit pa tungkol sa Ursa.Alam ng Ursa ang tungkol sa Watchers sa Dark World. Gayunpaman, hindi pa siya nakipag ugnayan sa kanila noon at walang ideya kung saang lahi ang Watchers.Dahil ipinakita ni James ang Chaos Power ng Doom Race, nakumbinsi siya sa mga salita ni James.Bukod sa Doom Race, walang ibang lahi ang makakapag cultivate ng Chaos Power. Para magkaroon siya ng Chaos Power, siguradong may gabay siya ng isang powerhouse mula sa Dooms."Ikaw, umalis
Dinala ng Omnipotent Lord si James upang suriin ang mga pinsala ng Ursa. Gayunpaman, wala siyang intensyon na talagang pagalingin ang Ursa.Sa halip, nais ng Omnipotent Lord na maunawaan ang kanyang mga pinsala at magkaroon ng planong patayin siya.Sa hindi inaasahan, agad na nagalit ang Ursa pagkatapos na dumating ang Omnipotent Lord sa pormasyon at ipaliwanag na gusto niyang suriin ang kanyang mga pinsala.Isang nakakatakot na puwersa ang lumabas mula sa formation at inatake si James.Gustong patayin ng Ursa si James.Agad na nagbago ang ekspresyon ng Omnipotent Lord sa harap ng nakakatakot na pag atake. Gusto niyang tulungan si James na harangin ang pag atake ngunit wala siyang lakas.Agad naging seryoso ang mukha ni James. Sa mahalagang stage na ito, maraming ideya ang pumasok sa kanyang isipan. Sa huli, nagpasya siyang harangan ang pag atake.Itinaas niya ang kanyang kamay, hinimok ang lahat ng kanyang lakas at hinarap ang pag atake ng Ursa.Nahaharap sa isang Acmean, hind
Tumingin si Morangorin kay Quiomars at nagtanong, “Dati kang tagapangalaga ng bundok sa Ecclesiastical Restricted Zone. Dapat ay pamilyar ka sa labanan na naganap sa Primordial Realm Era. Hindi mo ba alam ang tungkol sa kanya?"Umiling si Quiomars at sinabing, “Nananatili lang ako sa Ecclesiastical Restricted Zone noon at hindi ko alam ang labanan sa labas. Itong Ursa ay hindi pa nakapunta sa Ecclesiastical Restricted Zone, kaya wala akong alam tungkol sa kanya o kung paano siya nasugatan."Bahagyang ikinaway ni James ang kanyang kamay at sinabing, “Hindi kailangan madaliin. Maaari nating malaman ang mga bagay na ito ng dahan dahan. Hindi ba sinabi ng Omnipotent Lord na kaunti lang ang Universe Seeds niya? Magiging mahirap hanapin ang lahat ng ito at aabutin ito ng maraming oras. Mayroon kaming higit pa sa sapat na oras upang malaman ang mga bagay bagay."“Sige. matutulog na ako. Sunduin mo lang ako kapag oras na para kumilos."Ibinaba ni Morangorin ang kanyang mga pakpak at lumipa
Ang Omnipotent Lord ay nakakuha ng mas malalim na pananaw sa ilang bagay mula kay Mila.Bahagyang naguguluhan siya kung paano niya nalaman ang mga bagay na ito samantalang siya ay ganap na walang alam.Kahit na sinubukan niyang magtanong tungkol sa pinagmulan ng kanyang impormasyon, tumanggi siyang magsalita tungkol dito.Sa kabila noon, lubos ang tiwala niya rito.Matapos malaman ang mga bagay na ito mula kay Mila, binisita niya ang powerhouse ng Ursa upang subukan siya. Sa paghusga sa kanyang reaksyon, alam ng Omnipotent Lord na talagang nasaktan ang Ursa. Nagtago siya sa loob ng formation para gumaling.Ito ay lalong nagpagulo sa Omnipotent Lord.Kung gusto niyang gumaling, ang paggawa nito sa isang lugar sa Chaos ay mas mabuti. Bakit siya pupunta sa universe, bibigyan siya ng mga payo sa pag cucultivate at tinuruan pa ang kanyang mga nasasakupan ng isang mahiwagang paraan ng pag cucultivate?Lahat ng uri ng pag aalinlangan ay bumaha sa kanyang isipan.Gayunpaman, wala siyan