Share

Kabanata 1128

Author: Crazy Carriage
Namutla ang mukha ni Nathaniel nang narinig niya ito at nagtanong, "Bakit? May nangyari ba?"

Nag-utos si James, "Pinalibutan ng tatlong libong mersenaryo ang Hope Villa District. Gusto kong pakilusin mo ang buong armed forces at suportahan ako. Ayaw kong manakit ng inosenteng tao, at ayaw ko ring hayaang makatakas ang kahit isang kalaban."

"Diyos ko…" Nang marinig ito, nabigla si Nathaniel at kaagad siyang nagbigay ng utos.

Narinig ang mga sirena sa buong headquarters ng Red Flame Army. Mabilis na nagtipon-tipon ang Red Flame Army at handa na silang kumilos. Pinakilos na ang mga convoy, armored car, at helicopter.

Kasabay nito, sa Hope Villa District…

Inagaw ng mga mersenaryo ang kontrol sa security room at pinatay ang lahat ng security guards.

Isang lalaking puno ng peklat ang mukha ang nagsasalita gamit ang loudspeaker, "Makinig ka, James. Pakawalan mo si Halvor Tuckson ngayon din at maghanda ka ng helicopter para sa'kin, kundi ay papatagin ko ang Hope Villa District.
Locked Chapter
Patuloy ang Pagbabasa sa GoodNovel
I-scan ang code upang i-download ang App

Kaugnay na kabanata

  • Ang Alamat ng Dragon General   Kabanata 1129

    Sa labas ng Hope Villa District… Pinalibutan ng tatlong libong armadong mersenaryo ang buong district. Pinatay ang lahat ng security guards maliban sa tatlo. Nakaluhod sila sa lapag nang may mga baril na nakatutok sa ulo nila. Hindi malayo sa kanila, isang pila ng convoys ang huminto. Libo-libong armadong sundalo ang alertong-alerto. Nakatayo ang isang lalaking naka-itim na jacket na puno ng peklat ang mukha malapit sa security room. Sa likod nila ay isandosenang kalalakihan na nakatutok ng RPG sa mga convoy. Lumapit si James. Kaagad na inabot ng isang sundalo ang bulletproof vest niya sa kanya. Gayunpaman, bahagyang kumaway si James at magalang na tumanggi. Lumapit siya kay Nott. "Tigil." Sumigaw si Nott habang may hawak na loudspeaker, "Kapag humakbang ka pa, magpapaputok kami." Huminto si James. Ilang sundalong may shield ang lumapit kay James para abutan siya ng loudspeaker. Bahagyang kumaway si James. "Hindi ko kailangan to." Habang nakatingin si

  • Ang Alamat ng Dragon General   Kabanata 1130

    Seryosong nagsabi si James, "Wala anong magagawa. Sa loob ng maikling oras, tinawagan ako ng maraming makapangyarihang tao para balaan ako laban sa pagpapalala ng sitwasyon at tanggapin ang hiling ng kalaban. Tulungan mo kong mag-isip, Maxine." Pinagtutuunan ng pansin ni Maxine ang insidenteng ito sa sandaling tinawagan ni James si Thea. Pagkatapos, dumating ang balita mula sa mga Caden. Pagkatapos itong marinig, nag-iisip siya ng paraan para tapusin ang tatlong libong mersenaryo nang kakaunti lang ang masasawi. Ngayon, may ideya na siya kung anong gagawin. "James, base sa pagkakaintindi ko, alam ng mga mersenaryo na'to na lalabanan nila ang Red Flame Army sa Capital. Ibig sabihin nito ay wala silang balak na makauwi nang buhay." "Malaking problema ito." "Tiyak na ibinubuwis nila ang buhay nila para sa pera. Bago magsimula ang labanan, subukan mong tanggalan ng motibasyon ang mga mersenaryo. Pangakuan mo sila na bibigyan mo sila ng pabuya basta't susuko sila. Kapag nan

  • Ang Alamat ng Dragon General   Kabanata 1131

    Habang dala si Halvor, tumayo ulit si James dalawampung metro mula kay Nott. Tinignan niya si Nott at ang ilan sa mga armadong mersenaryo sa harapan niya, pagkatapos ay nagsabi nang may malakas na boses, "Dinala ko na ang taong hinahanap mo, pero matatagalang dumating ang helicopter. At saka kailangan pa nitong magpa-gas at mas matatagalan pa ito dahil dun." Habang sinabi niya iyon, tinanggal niya ang posas ni Halvor at bahagya siyang tinulak. Nang nakahinga nang maluwag si Halvor, tumakbo siya. Napatid siya nang ilang beses bago siya nakarating sa tabi ni Nott. "Nasaan si Marion?" tanong ni Halvor. "Umalis na ba siya ng Capital?" Tinignan siya ni Nott pero hindi siya nagsalita. Tinignan niya ang oras. Siyam na minuto na ang lumipas. "Isang minuto na lang ang natitira, James. Magkakamatayan tayo kapag di ko nakita ang helicopter sa loob ng isang minuto." Narinig ang boses ni Nott. "Dalhin niyo rito," utos ni James. Hindi nagtagal, isang helicopter ang dumating mula sa

  • Ang Alamat ng Dragon General   Kabanata 1132

    Nakaupo si James sa loob ng helicopter, tinitignan niya ang oras at minamatyagan ang paligid niya. Halos dalawampung minuto ang lumipas. Lumipad na ang helicopter palabas ng bayan at lumitaw sa labas ng siyudad. Naniniwala si James na tapos nang madeploy ang Red Flame Army sa oras na ito. Alam niya rin na may mga satellite na pinapanood ang helicopter. Pagkatapos umalis ng helicopter, pumunta sa posisyon ang mga helicopter ng Red Flame Army at lumitaw sa langit sa ibaba ng Hope Villa District. May mga sniper sa bawat isang helicopter. Tinututukan na ang tatlong libong mersenaryo sa ibaba. Inobserbahan ng mga mersenaryo ang langit na napuno ng mga helicopter. Gayunpaman, hindi sila natatakot. Handa silang mamatay nang nagpunta sila rito, pero hindi rin sila nagpadalos-dalos. Basta't makakaalis nang ligtas si Nott, makakatanggap ng pera ang mga pamilya nila. Sa sandaling ito, sa loob ng villa district, isang sirena ang narinig. "Sa mga taong nasa labas, makikinig kayo. Su

  • Ang Alamat ng Dragon General   Kabanata 1133

    “Kamusta at maligayang pagdating sa midday news, mga manonood.“Ngayong tanghali, ang Red Flame Army ng Capital ay nagsagawa ng isang combat drill. Sa kalagitnaan ng combat drill, tatlong libong armadong sundalo ng Red Flame Army ang umarte na kalaban at pinaligiran ang Hope Villa District ng Capital.“Isa itong live fire drill. Sa kalagitnaan ng drill, kumilos ang buong Red Flame Army. natapos nila ang rescue mission sa loob lamang ng ,maikling oras.“Pakiusap at umantabay lang kayo sa aming follow-up report sa mga detalye ng drill.”…Isang balita ang kumalat sa buong Capital at pati sa buong bansa.Ngayong araw, lumabas ang Red Flame Army. Maraming mga convoy at tangke ang nagkalat sa mga kalsada, at ang buong siyudad ay sinara. Sa may kalangitan naman ay hindi mabilang na mga helicopter. Kahit ang mga combat aircraft ay inilabas. Nagdulot ito ng takot, ngunit pagkatapos nito, kaagad na kumalat ang balita. Pagkatapos ay napagtanto ng publiko na isa lang itong drill. Mabi

  • Ang Alamat ng Dragon General   Kabanata 1134

    Ngumiti si James at sinabi, “Alam ko na ang tungkol kay Mr. Lee ng matagal na panahon na, at sa wakas ay nakilala din kita ngayong araw na to.”Ngumiti ang Hari at nagtanong, “Ano ang magagawa ko para sayo sa pagkakataon na to?”“Maliit lang na bagay. Inatake ko lang naman ang Tuckson family sa pagkakataon na ito, at malamang ay may malaking bilang ng mga tao ang may kinalaman sa bagay na ito. Bukod dito, maraming mga mersenaryo ang lumitaw sa Capital at gamit pa nga ang sandata ng militar. May kakaiba tungkol sa bagay na iyon. Ikinalulungkot na baka may malaking pag-aaklas sa military region, kaya sinadya kong pumunta dito para ipaalam sa inyo,” sabi ni James. Tumango ang Hari at sinabi, “Inaasahan ko na iyon. Sige lang. Sumunod ka lang sa alituntunin pagdating sa may kinalaman sa bagay na ito. Oras na para maglinis at palitan ang mga tauhan. Sa katunayan, matagal ko nang gustong kumilos, pero wala akong mahanap na pagkakataon. Bukod dito, nag-aalala din ako na kapag kumilos ako l

  • Ang Alamat ng Dragon General   Kabanata 1135

    Sa labas ng Emperor’s Mansion…Isang military vehicle ang palapit.Lumabas ng sasakyan si James, at ang mga guwardiya sa pasukan ay sabay na sumaludo. Kinawayan niya ang mga ito bago dumiretso sa loob ng mansyon.Sila Maxine at Thea ay parehong nakaupo sa may bakuran.Ang kanilang relasyon ay gumanda na nitong mga nakalipas na mga araw. Nag-uusap na sila ng hindi nagiging malamig sa isa’t isa.Labis silang nag-aalala ngayong araw na ito. Nag-aalala sila na baka mawalan ng kontrol ang mga bagay sa panig ni James. Mabuti na lang, walang masamang nangyari.“James.”“Mahal.”Nung lumapit si James, sabay silang tumayo.Nilapitan sila ni James at umupo sa may upuan sa gazebo. “Thea, natapos mo na ang lahat ng paghahanda sa Cansington?” Tanong niya. “Oo,” tumango si Thea at sinabi, “Naibigay ko na ang utos sa mga elite ng God-King Palace para ibigay ang kanilang proteksyon ng palihim.”‘Magaling.” Nakahinga ng maluwag si James. “Ano ang susunod mong plano?” tanong ni Maxine.“U

  • Ang Alamat ng Dragon General   Kabanata 1136

    ”Masusunod.”Tumango ang lalaki, pagkatapos ay nagmamadaling umalis. Hindi na din nagtagal pa doon si Lucjan. Umikot siya at pumasok sa loob ng mansyon na nasa likuran niya.…Sa may Emperor’s Mansion, sinasaad ni James ang plano sa kanila Maxine at Thea. pagkatapos ng ilang mga deliberasyon, humantong din sila sa isang komprehensibong plano.Papatayin niya si Yaroslav Gabriel bukas ng gabi.Pagdating ng oras, dadalhin niya ang Blade of Justice at pamumunuan ang Red Flame Army sa kinaroroonan ni Yaroslav. Kaysa sa isama niya bito pabalik at ikuloong ito, papatayin niya na lang ito kaagad. May nakahanda na din na hahalili kay Yaroslav bago mangyari iyon. Pagkatapos nilang pag-usapan ang plano, sinabi ni James kay Madelyn ang tungkol dito. Pinadala na rin ni Madelyn ang lahat ng dokumento tungkol sa Gu Sect kay James. Ang mga dokumentong iyon ay naglalaman ng impormasyon tungkol sa Gu Sect na nakalap ni Yaroslav.Binuksan ni James ang mga dokumento at binasa ang mga ito ng ma

Pinakabagong kabanata

  • Ang Alamat ng Dragon General   Kabanata 3951

    Nais ni James na mag recruit ng mas maraming powerhouses upang tulungan si Sienna at dagdagan ang kanilang mga pagkakataong magtagumpay.Nakasakay sa Quiomars, bumalik si James sa Ecclesiastical Restricted Zone.Noong nakaraan, si Mateo ay nag set up ng isang malakas na formation upang bitag ang isang Acmean sa isang mapanganib na larangan ng digmaan sa loob ng Ecclesiastical Restricted Zone. Nabasag ang pormasyon sa panahon ng pakikipaglaban sa Acmean at ang lakas nito ay humina ng husto sa paglipas ng panahon. Bagama't ito ay nasira at humina, ang formation ay may kakayahang mabitag at pumatay sa isang makapangyarihang Acmean. Matapos matisod si Lord Samsong sa formation, hindi niya ito madaling nakatakas.Si James ay lumitaw sa gitnang rehiyon ng Ecclesiastical Restricted Zone, na isang isla. Nakatayo siya sa tuktok ng isang espirituwal na bundok at tiningnan ang nabasag na formation sa di kalayuan. Nakita niya si Lord Samsong na lumalaban sa natitirang lakas ng formation. Higit

  • Ang Alamat ng Dragon General   Kabanata 3950

    Si James ay hindi makapagpasya ng mga bagay sa kanyang sarili dahil ang kanyang mga aksyon ay lubos na makakaapekto sa maraming buhay. Ang isang maling desisyon ay maaaring humantong sa kapahamakan.Binigyan ni Sienna si James ng ilang alternatibong mungkahi. Ibinahagi rin ni Xerxes ang katwiran ni Sienna. Dahil maraming hindi tiyak na mga variable ngayon, hindi sila maaaring kumilos nang walang ingat habang ang kanilang mga kaaway ay nakatago sa dilim.“Okay.” Tumango si James, sang-ayon sa mga mungkahi nila. Sa kanilang kasalukuyang sitwasyon, pinakamahusay na nagpatuloy sila ng may pag iingat.Sabi ni James, “Alam na ng mga Watchers kung sino ako. Noong hinahabol si Xerxes, pumunta kami upang iligtas siya at nakipag laban ako sa ilang hindi kilalang nilalang. Kung hindi ako nagkakamali, ang hindi kilalang mga kalaban na ito ay ang mga Watchers the Greater Realms na naiwan sa Dark World."Ang kanilang trabaho ay pangunahing subaybayan ang aktibidad ng Dark World. Ang Dark World a

  • Ang Alamat ng Dragon General   Kabanata 3949

    Tinanong ni Xerxes, "Ano ang pangalawang plano?"Sinabi ni James, "Ang pangalawang plano ay isabatas kapag ang Dark World ay nagkakaisa. Kakailanganin nating hanapin ang natitirang Universe Seeds at pasiglahin ang mga ito. Pagkatapos, dapat nating pagsamahin ang mga ito upang bumuo ng isang mundo na kasing lakas ng Primordial Realm noong panahon ng kalakasan nito."Habang ipinaliwanag niya, unti unting naging malungkot ang ekspresyon ni James.“Hindi ko pa alam kung gaano kalakas ang mga Watchers na nagtatago sa Dark World at kung naabot na nila ang Acme Rank. Kung tayo ay kumilos ng padalos dalos, ang ating mga plano ay maaaring mabigo at ang ating mga nakaraang pagsisikap ay magiging walang kabuluhan.""Kung gayon paano mo pinaplano na isakatuparan ang mga ito?" Tanong ni Sienna.Ang mga bagay na ito ay masalimuot at hindi lamang isang salungatan sa pagitan ng mga pwersa. Maaapektuhan nito ang bawat naninirahan sa Dark World at ang labindalawang universe. Kung may mangyayaring h

  • Ang Alamat ng Dragon General   Kabanata 3948

    Ilang Epoch na ang nakalipas mula ng umalis si James sa Mount Malevolent Moon para pumasok sa Ecclesiastical Restricted Zone. Ang ilang Epoch ay maaaring mukhang matagal na ngunit maikli para sa isang makapangyarihang Panginoon tulad ni Sienna.Nagtataka siya kung si James ay nasa Ecclesiastical Restricted Zone noong huling dalawang Epoch."Oo." Bahagyang tumango si James.Hindi itinago ni James ang katotohanan kay Sienna at Xerxes dahil mukhang mapagkakatiwalaan sila sa kanya.Buo ang tiwala niya kay Sienna. Samantala, si Xerxes ay naging kaibigan din niya sa loob ng maraming taon at dumaan sa impiyerno at mataas na tubig kasama niya. Bukod dito, bumalik siya sa kanyang pamilya upang hanapin ang kanilang mga sinaunang aklat ngunit tinugis siya ng mga mahiwagang pwersa dahil kay James.“Nakita ko si Jabari sa Ecclesiastical Restricted Zone at nakilala ko rin ang dating may ari ng Ecclesiastical Restricted Zone. Isa siyang human powerhouse mula sa Primordial Realm Era…”Ibinuka ni

  • Ang Alamat ng Dragon General   Kabanata 3947

    Nagpalitan ng nalilitong tingin ang mga nasasakupan ni Sienna. Lahat sila ay nagpakatatag upang mamatay para sa Mount Malevolent Moon. Gayunpaman, ang mga tides ng labanan ay nabaligtad nang napakabilis. Isang Divine Cow ang nag iisang nanaig kay Thaine, isa sa mga panuntunan ng Nine Heavens ng Dark World.Sa labas ng Mount Malevolent Moon, sumugod si Xerses kay James. Ikinuyom niya ang kanyang mga kamao at sinabing, “Maswerte tayo na dumating sa oras, James. Kung hindi, ang Mount Malevolent Moon ay nawasak sa lupa."Nagtaka na tinitigan ni Sienna ang baka na nakatayo sa tabi ni James.Ang Divine Cow ay bumalik sa laki ng isang ordinaryong baka at tahimik na tumayo sa tabi ni James."Sino ito James?"Dahil sa pagtataka, gustong hawakan ni Sienna ang ulo ng baka. Gayunpaman, itinaas ni Quiomars ang kanyang ulo, inilabas ang kanyang mga ngipin at binigyan siya ng masamang tingin. Natakot nito si Sienna at mabilis siyang napaatras habang matamang pinagmamasdan ang Divine Cow.Utos n

  • Ang Alamat ng Dragon General   Kabanata 3946

    Hindi alam ni James ang dahilan ng labanan ngunit nakita niya na lumitaw ang mga tropa ng kaaway sa Mount Malevolent Moon. Ang Mount Malevolent Moon ay ang teritoryo ni Sienna at ang kanyang base.Dahil nakipaglaban na sila sa Mount Malevolent Moon, hindi magpapakita ng awa si James sa kanyang mga kaaway.“Ha. Isang matapang na pahayag.”Malungkot ang mukha ni Thaine. Siya ang namumuno ni Diabolic Welkin at may mabuting pakikitungo sa ilang Lords sa Nine Heavens. Walang sinuman sa Dark World ang nangahas na magsabi ng anuman tungkol sa pagpatay sa kanya.Ng marinig ni Quiomars ang utos ni James, umongal siya bilang pagsang ayon. Umalingawngaw sa langit ang boses niya at binasag ang kawalan.Natigilan ang mga nagsasalubong na hukbo sa ibaba nila at agad na bumagsak pabalik sa kani kanilang Lord.Utos agad ni Sienna, “Atras! Atras sa Mount Malevolent Moon." Matapos matanggap ang kanyang mga utos, mabilis na umatras ang mga tropa ng Mount Malevolent Moon.Sa sandaling iyon, kumilos

  • Ang Alamat ng Dragon General   Kabanata 3945

    Itinaas ng Eighth Stage Lord ang kanyang punyal at itinutok ito sa likod ni Sienna. Isang itim na liwanag ang lumabas mula sa punyal at tumagos sa katawan ni Sienna.Nagsimulang tumagas ang enerhiya ni Sienna matapos siyang saksakin at nabigo siyang harangan ang pag atake ni Thaine. Napalipad ang kanyang katawan habang tinamaan siya ng sibat ni Thaine. Sa puntong iyon, natukoy na ang labanan.Si Thaine ay lumutang sa langit at tumingin sa ibaba ng mapagpakumbaba.“Patayin silang lahat. Huwag hayaang makatakas ang sinuman."Si Thaine ay nagmukhang reaper, na nag-aanunsyo ng kapalaran ng mga tropa ng Mount Malevolent Moon.Si Sienna ay tinamaan ng isang palihim na pag atake at pagkatapos ay ibinato ng sibat ni Thaine. Ang kanyang katawan ay puno ng mga butas. Bumagsak siya mula sa langit at nahulog sa wasak na lupa sa ibaba.Sa kanyang cultivation rank, hindi madaling patayin siya. Walang sinuman sa larangan ng digmaan ang makakapigil sa kanya kung sinubukan niyang tumakas. Gayunpa

  • Ang Alamat ng Dragon General   Kabanata 3944

    Kung tutuusin, hindi niya tunay na pangalan si Thaine.Pagkatapos niyang maging isang Ika-siyam na Stage Lord at masakop ang Diabolic Welkin, isa sa Nine Heavens, pinalitan niya ang kanyang pangalan sa Thaine at tinukoy bilang Lord Thaine.Nakasuot ng itim na battle armor si Thaine at may hawak na sibat. Siya ay may napakalakas na enerhiya na naglalabas mula sa kanyang katawan. Nakatayo sa harap ng hukbo, mukha siyang nagbabantang demonyo.Sa sandaling iyon, si Sienna at Xerxes ay sumugod na palabas ng Mount Malevolent Moon kasama ang kanilang hamak na tropa. Ang mga ito ay matagal nang tagasunod nila na tumulong sa pagsakop sa Malevolent Land nang sama sama.Napatingin si Xerxes kay Thaine at sa kanyang hukbo sa likuran niya sa di kalayuan. Galit siyang ngumuso saka umungol, “G*go ka, Thaine. Kung gusto mong sakupin ang Mount Malevolent Moon, kailangan mong gawin ito sa aking patay na katawan!"Ang katawan ni Xerxes ay nagpakawala ng kahanga hangang aura. Kahit alam niyang hindi

  • Ang Alamat ng Dragon General   Kabanata 3943

    Alam na alam nina Sienna at Xerxes ang mga patakaran ng Dark World at alam nila na kailangan nilang mag alok ng mga pagpupugay sa Nine Heavens upang matiyak ang kanilang paghahari sa Malevolent Land. Kaya, nagpadala sila ng maraming kayamanan at mapagkukunan sa Nine Heavens upang mapanatili ang katatagan ng Malevolent Land. Sa kasamaang palad, ilang pwersa sa Nine Heavens ang tumanggi na ibigay sa kanila ang kapayapaan na gusto nila.Umupo si Sienna sa pinakamataas na upuan sa main hall ng Mount Malevolent Moon, nakasuot ng itim na damit. Solemne ang mukha niya. Samantala, tumabi sa kanya si Xerxes na parang bodyguard."Mas mainam na sumuko, Lord Sienna."“Sumasang ayon ako. Masyadong makapangyarihan si Thaine Machula. Isa siyang Ninth Stage Lord, na maraming tagasunod sa parehong stage. Bukod dito, mayroon din siyang malaking bilang ng mga Panginoon sa kanyang utos. Paano natin siya lalabanan?"“Payo ko na sumuko sa kanilang gusto. Walang kahihiyan sa pagsuko sa Dark World. Kung s

I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status