Share

Kabanata 1043

Author: Crazy Carriage
Nag-aalalang tumingin si Maxine kay James at sinenyasan niya siya.

Niluwagan ni James ang kanyang mga kamao.

Huminga siya ng malalim at nilunok niya ang kanyang galit.

"Sigurado ka ba? Kung ganun, bakit ang narinig ko na nakaranas ng Energy Deviation ang lolo ko dahil sa may umatake sa kanya habang nagkucultivate siya? Hindi ba iyon ang dahilan kung bakit may pinatay siyang mga tao na mula sa pamilya?" Kalmadong nagtanong si James.

"Oh, ganun ba? Ngayon ko lang narinig ang tungkol sa bagay na ito." Nagtatakang sumagot si Tobias.

"Talaga bang hindi mo alam? Malamang nandoon ka noong nasira ang cultivation base ng lolo ko at noong pinalayas siya tatlumpung taon na ang nakakaraan. Hindi ba niya sinubukan labanan ang desisyon o ipaliwanag ang kanyang sarili?" Tumingin si James sa mga mata ni Tobias at nagtanong.

Sumagot lamang si Tobias, "Nandoon nga ako noong nangyari iyon. Subalit, hindi nagpaliwanag ang lolo mo. Ni hindi siya nagsalita. Kasunod nun, pinalayas siya at itinapon
Locked Chapter
Patuloy ang Pagbabasa sa GoodNovel
I-scan ang code upang i-download ang App

Kaugnay na kabanata

  • Ang Alamat ng Dragon General   Kabanata 1044

    "Gawin mo kung anong gusto mo, pero huwag kang magmamakaawa sa mga Caden na tulungan ka kapag nasangkot ka sa malaking gulo. Hindi kami nandito para linisin ang kalat mo."Nanindigan si Tobias sa hindi pagtulong kay James. Pinaalalahanan din siya ni Maxine, "James, tandaan mo na hindi ka dapat magpadalos-dalos.""Alam ko. Kailangan kong isipin ang mahabang labanan na darating… Oo nga pala, kailangan ko ang tulong mo para gumawa ng plano.""Hindi pwede."Bago pa makasagot si Maxine, agad na kinontra ni Tobias ang ideyang ito. “Kinalulungkot ko na hindi ka matutulungan ni Maxine sa bagay na ito. Ang pagtulong niya sa’yo ay maaaring ituring na desisyon mula sa mga Caden, na magiging dahilan upang masangkot kami sa labanan sa politika.”“‘Yun ba ang iniisip mo?”Ngumisi si James at sumagot, “Mula noong sandali na niligtas mo ako, nasangkot na ang mga Caden sa gulong ‘to. Hindi na maaaring tumayo lang sa isang tabi ang pamilya mo bilang mga inosenteng manonood. Kung hindi, hindi mas

  • Ang Alamat ng Dragon General   Kabanata 1045

    "James, ito na ang pagkakataon mo. Hindi mabilang ang nilalaman na mga martial arts skills ng silid-aklatan ng mga Caden. Kasama dito ang pinakamalakas na sword technique sa mundo, ang Thirteen Heavenly Swords. Kapag natutunan mo 'yun, kaunti lang ang tao na kaya kang hadlangan."Tuwang-tuwa si Maxine habang masaya siyang nakikipag-usap kay James. Malaki ang tiwala ni Tobias sa potensyal ni James. Sa kabila ng nararamdamang sama ng loob sa kanya ni James, pinayagan pa rin niya si James na bisitahin ang silid-aklatan ng pamilya. Hindi ito ang unang pagkakataon na narinig ni James ang tungkol sa Thirteen Heavenly Swords. Naging interesado siya sa sword technique na ito. "Sige. Sasamantalahin ko ang pagkakataon na ito upang magtingin." "Kung ganun, sasamahan kita doon.".Tumayo si Maxine at sumenyas siya kay James na umalis kasama siya. Tumayo si James at sumunod siya kay Maxine papasok sa malawak na bakuran. Pagkatapos nilang maglakad ng mahabang oras, nakita niya ang isa

  • Ang Alamat ng Dragon General   Kabanata 1046

    Gaya ng inaasahan sa Grand Patriarch ng mga Caden.Maging si Tobias ay hindi nararamdaman ang kanyang True Energy, ngunit agad itong napansin ni Bennett noong sandaling nagkita sila.Hindi tinago ni James ang katotohanan mula sa Grand Patriarch.Hula din niya na alam ito ni Bennett at nagkaroon siya ng magandang relasyon sa kanyang guro, na si Spencer.“Nahuli ako at dinala ako sa mansyon ng mga Blithe. Nakilala ko ang isang senior martial artist sa piitan ng mga Blithe na nagngangalang Spencer. Kaunti na lang ang natitira niyang oras kaya pinasa niya sa’kin ang kanyang True Energy pagkatapos niyang malaman na mula ako sa mga Caden.”“Ganun ba.”Nanlaki sa gulat ang mga mata ni Bennett noong narinig niya ito. Bumuntong-hininga siya. “Hindi ko inakala na mauuna siyang mamatay kaysa sa’kin. Dahil patay na siya, alam mo ba kung sino ang eighth-rank grandmaster sa Blithe family?”Wala siyang ideya kung sino ito at pinili niya na huwag itong pag-isipan ng matagal.Tumingin si Bennet

  • Ang Alamat ng Dragon General   Kabanata 1047

    ”Tapos ka na bang basahin ang manual?” Ang tanong ni Bennett.Tinuwid ni James ang kanyang sarili at tumingin siya kay Bennett na may masayang ngiti sa kanyang mukha. Tumango siya at sinabing, “Oo, tapos na ako.”“Ngayon, sabihin mo sa’kin kung anong natutunan mo pagkatapos mo itong basahin ng isang beses.”Nag-isip sandali si James at binuka niya ang kanyang bibig. “Napakalalim ng swordsmanship technique na ito. Hindi lang ito isang simpleng technique at maaari itong hatiin sa dalawang bahagi. Ang una ay swordsmanship, at ang pangalawa ay tungkol sa paggamit ng enerhiya upang kontrolin ang espada. Ang susi dito ay ang kumilos ng napakabilis. Kailangan napakabilis ng swordsmanship ng isang tao upang madagdagan ang bilis nito. Ang espada ang nagsisilbing medium para sa True Energy upang maging Sword Energy ito. Ang Thirteen Sword Realms ang kumakatawan sa Thirteen Sword Energies.”Pinaliwanag ni James ang pagkakaintindi niya sa mga technique na nakasulat sa libro.Hindi nagawang in

  • Ang Alamat ng Dragon General   Kabanata 1048

    Walang ibang ginawa si James kundi sanayin ang sword technique sa nakalipas na sampung araw.Ang kanyang dedikasyon ay nakaintriga kay Tobias. Palihim niyang pinanood si James ng ilang araw at napansin niya ang mabilis na pagkatuto ni James. Na-master na ni James ang First Sword Realm sa loob ng wala pang sampung araw."Walang duda na may talento sa martial arts ang batang ito. Kinailangan ko ng ilang taon para lang ma-master ang First Sword Realm, pero inabot lang siya ng sampung araw." Bahagyang nababahala si Tobias tungkol sa mabilis na pagkatuto ni James.Tahimik siyang umalis pagkatapos niyang obserbahan si James ng ilang oras.Kinailangan ni Tobias na magnilay ng mag-isa bilang paghahanda para sa nalalapit na Mount Thunder Conference.Isang pigura ang lumipad sa likod-bahay sa ilalim ng kadiliman ng gabi.Mabilis na kumilos si James habang tuluy-tuloy siyang nagsagawa ng ilang pambihirang sword technique.Matapos magsanay ng bawat galaw ng isang beses, umupo siya para magp

  • Ang Alamat ng Dragon General   Kabanata 1049

    Sa patnubay ni Bennett, na-master ni James ang First at Second Sword Realm ng Thirteen Heavenly Swords. Sa madaling salita, opisyal na siyang nakarating ng ikaanim na rango dahil dito. Isa siya sa ilang mga tao na nagawang magkaroon ng ganitong klaseng lakas sa kanyang edad. Walang humpay na pinasalamatan ni James si Bennett.Kinaway ni Bennett ang kanyang kamay at malumanay na sinabi, “Tama na yan. Mabuti pang umalis ka na. Ang hihilingin ko lang sayo ay bisitahin mo lang ako kung may oras ka.”Wala nang sinabi pa si James. Lumingon si siya at umalis. Nananatili siya sa likod-bahay ng mansyon ng mga Caden noong nakaraang buwan at hindi man lang lumibot sa harap ng bakuran. Sa nakalipas na buwan, wala siyang ideya tungkol sa nangyari sa labas ng mundo.Nang makaalis siya sa likod-bahay at nakarating sa harapan, nakarinig siya ng mga taong nag-aaway. Tumingin siya sa direksyon kung nasaan ang away.Maraming tao ang nagkumpulan sa labas ng isang kwarto. “Maxine, alam mo ba

  • Ang Alamat ng Dragon General   Kabanata 1050

    ”Kalokohan ‘to!” Sumigaw ang elder Caden.Nakakabingi ang kanyang malakas na boses. Niyanig nito ang lahat na para bang kulog ito.Maging si Maxine ay nagulat sa sigaw niya.Tumingin si James sa elder at kalmadong sinabi na, “Anong kailangan mo?”Tumalim ang mga mata ng elder. “Ayon sa mga patakaran ng aming pamilya, ang pinakamagaang parusa para sa mga papasok sa silid-aklatan ng walang permiso ay ang pag-alis sa kanilang cultivation base at ang pagpapalayas mula sa ating pamilya. Nakasaad sa mas mabigat na parusa na ang mga lalabag ay papatayin.”“Subukan mo siyang patayin kung kaya mo.” Nagdilim ang ekspresyon ni James at binalik niya ang masamang tingin ng elder.Hinila ni Maxine si James sa isang tabi at bumulong siya, “James, hayaan mo na lang ako. Nilabag ko ang mga patakaran ng pamilya sa pagpasok ko sa silid-aklatan. Hayaan mo na lang sila na parusahan ako.”“Mabuti naman inamin mo ang mga kasalanan mo. Dahil alam nating lahat ang kasalanan mo, ako ang sisira sa cultiva

  • Ang Alamat ng Dragon General   Kabanata 1051

    Itinayo ni James si Maxine mula sa sahig.Matapos nila maglakad ng ilang metro palayo, bigla sila nakaranig ng galit na nagsasalita. Nakaramdam si James ng malakas na puwersa na palapit sa kanya. Sa lakas ng puwersang ito, kinilabutan siya.Itinulak niya palayo si Maxine at itinaas ang mga kamay paharap sa panganib na parating.Boom!Nagpang abot ang dalawang puwersa at ang naging resulta nito ay malakas na pagsabog.May natirang puwersa mula sa pagsabog na naganap at nagdulot ng pinsala sa mga disipulo ng Cadens kung saan napaatras sila. Ang mga walang True Energy ay napahiga sa sahig at sumuka ng dugo.Naramdaman ni James ang lakas ng puwersa mula sa mga palad niya na dumaloy sa buo niyang katawan. Namanhid ang mga braso niya, at napaatras siya ng ilang metro. Dagdag pa dito, kumulo ang Blood Energy niya kung saan dumaloy ito pataas sa kanyang lalamunan. Pinilit niyang tiisin ang sakit habang nilulunok niya ang sarili niyang dugo.Nakatayo si Tobias sa sahig habang tinitignan si Jame

Pinakabagong kabanata

  • Ang Alamat ng Dragon General   Kabanata 3945

    Itinaas ng Eighth Stage Lord ang kanyang punyal at itinutok ito sa likod ni Sienna. Isang itim na liwanag ang lumabas mula sa punyal at tumagos sa katawan ni Sienna.Nagsimulang tumagas ang enerhiya ni Sienna matapos siyang saksakin at nabigo siyang harangan ang pag atake ni Thaine. Napalipad ang kanyang katawan habang tinamaan siya ng sibat ni Thaine. Sa puntong iyon, natukoy na ang labanan.Si Thaine ay lumutang sa langit at tumingin sa ibaba ng mapagpakumbaba.“Patayin silang lahat. Huwag hayaang makatakas ang sinuman."Si Thaine ay nagmukhang reaper, na nag-aanunsyo ng kapalaran ng mga tropa ng Mount Malevolent Moon.Si Sienna ay tinamaan ng isang palihim na pag atake at pagkatapos ay ibinato ng sibat ni Thaine. Ang kanyang katawan ay puno ng mga butas. Bumagsak siya mula sa langit at nahulog sa wasak na lupa sa ibaba.Sa kanyang cultivation rank, hindi madaling patayin siya. Walang sinuman sa larangan ng digmaan ang makakapigil sa kanya kung sinubukan niyang tumakas. Gayunpa

  • Ang Alamat ng Dragon General   Kabanata 3944

    Kung tutuusin, hindi niya tunay na pangalan si Thaine.Pagkatapos niyang maging isang Ika-siyam na Stage Lord at masakop ang Diabolic Welkin, isa sa Nine Heavens, pinalitan niya ang kanyang pangalan sa Thaine at tinukoy bilang Lord Thaine.Nakasuot ng itim na battle armor si Thaine at may hawak na sibat. Siya ay may napakalakas na enerhiya na naglalabas mula sa kanyang katawan. Nakatayo sa harap ng hukbo, mukha siyang nagbabantang demonyo.Sa sandaling iyon, si Sienna at Xerxes ay sumugod na palabas ng Mount Malevolent Moon kasama ang kanilang hamak na tropa. Ang mga ito ay matagal nang tagasunod nila na tumulong sa pagsakop sa Malevolent Land nang sama sama.Napatingin si Xerxes kay Thaine at sa kanyang hukbo sa likuran niya sa di kalayuan. Galit siyang ngumuso saka umungol, “G*go ka, Thaine. Kung gusto mong sakupin ang Mount Malevolent Moon, kailangan mong gawin ito sa aking patay na katawan!"Ang katawan ni Xerxes ay nagpakawala ng kahanga hangang aura. Kahit alam niyang hindi

  • Ang Alamat ng Dragon General   Kabanata 3943

    Alam na alam nina Sienna at Xerxes ang mga patakaran ng Dark World at alam nila na kailangan nilang mag alok ng mga pagpupugay sa Nine Heavens upang matiyak ang kanilang paghahari sa Malevolent Land. Kaya, nagpadala sila ng maraming kayamanan at mapagkukunan sa Nine Heavens upang mapanatili ang katatagan ng Malevolent Land. Sa kasamaang palad, ilang pwersa sa Nine Heavens ang tumanggi na ibigay sa kanila ang kapayapaan na gusto nila.Umupo si Sienna sa pinakamataas na upuan sa main hall ng Mount Malevolent Moon, nakasuot ng itim na damit. Solemne ang mukha niya. Samantala, tumabi sa kanya si Xerxes na parang bodyguard."Mas mainam na sumuko, Lord Sienna."“Sumasang ayon ako. Masyadong makapangyarihan si Thaine Machula. Isa siyang Ninth Stage Lord, na maraming tagasunod sa parehong stage. Bukod dito, mayroon din siyang malaking bilang ng mga Panginoon sa kanyang utos. Paano natin siya lalabanan?"“Payo ko na sumuko sa kanilang gusto. Walang kahihiyan sa pagsuko sa Dark World. Kung s

  • Ang Alamat ng Dragon General   Kabanata 3942

    Ang Divine Cow ay napagod.Noong nakaraan, siya ang tagapag alaga ng bundok ng Ecclesiastical Restricted Zone, na may napakataas na cultivation attainment at malapit nang maabot ang Acme Rank. Siya ay sapat na mapalad na nakaligtas sa labanan noong Primordial Realm Era.Gayunpaman, naabutan siya ng kakaibang kapangyarihan, at nasira ang kanyang isip. Ngayong naalis na ang kapangyarihan sa kanyang katawan, muli siyang bumalik sa kanyang katinuan. Siya ay parehong pisikal at mental na pagod. Nang tumila na ang alikabok, bumagsak siya sa lupa para magpahinga, kahit na ayaw gumalaw ng kalamnan.Ipinakalat ni James ang Sigil Formation at naglakad patungo sa baka. Ang kanyang kalaban ay nagpakita ng matinding lakas sa simula ng laban, ngunit ang kanyang aura at sigla ay mahina na ngayon. Lumapit si James at isang banayad na liwanag ang sumilay mula sa kanyang palad. Ang liwanag ay naglalaman ng Life Power.Ang Life Power ay lumubog sa katawan ng baka at mabilis na pinasigla ito, na mulin

  • Ang Alamat ng Dragon General   Kabanata 3941

    Gayunpaman, ang Sigil Formation James cast ay malalim at mahusay na pinatibay. Kahit na ang Divine Cow ay nagtataglay ng makapangyarihang lakas ng Ninth Stage Lord, hindi siya makalaya.Ang Divine Cow ay galit na galit at nagpupumiglas ng ligaw sa pagsisikap na makatakas. Isang malakas na pagsabog ng enerhiya ang lumabas sa kanyang katawan. Nagsimulang masira ang formation na itinayo ni James.“Ganyan ang kapangyarihan! Ang taong ito ay hindi tutumba ng hindi lumalaban,” Ungol ni James. Napaatras siya at nagpatuloy sa pagpapalakas ng pormasyon. Ang isang layer ay dumami sa 10,000 mga layer sa isang sandali.Agad na nag set up si James ng Sigil Formation na may 10,000 layers. Bagama't makapangyarihan ang Divine Cow, hindi siya nakatakas sa sampung libong-layer na Sigil Formation.Si James ay nag hover sa labas ng formation, binibigyang pansin ang Divine Cow. Inilabas niya ang ilan sa kanyang Zen sa pormasyon at ginamit ito para masusing suriin ang Divine Cow. Hindi nagtagal, lumitaw

  • Ang Alamat ng Dragon General   Kabanata 3940

    Sa larangan ng digmaan ng Ecclesiastical Restricted Zone, mayroong isang halimaw.Ang halimaw ay isang baka. Kung anong klaseng baka iyon, walang ideya si James.Ang kakayahan ng halimaw ay lubhang nakakatakot. Naabot na nito ang sukdulan ng Ninth Stage Lord Rank. Kahit si Morangorin ay natakot dito. Makatakas lang si Morangorin dito.Nakakita si James ng maraming lihim mula sa Ecclesiastical Restricted Zone. Marami siyang susunod na gagawin. Kailangan niya ng malakas na katulong. Kung kaya niyang patahimikin ang baka, malaking tulong ito sa kanya.Nag isip siya sandali.Nag iisip siya ng paraan para makabangon ang baka.Ng magkaroon siya ng ideya, muli siyang pumasok sa Ecclesiastical Restricted Zone.Dahil siya ang naging master ng Ecclesiastical Restricted Zone, ang buong Ecclesiastical Restricted Zone ay nasa ilalim ng kanyang kontrol. Ang anumang panganib sa Ecclesiastical Restricted Zone ay hindi isang panganib sa kanya.Madali siyang nakarating sa sinaunang larangan ng d

  • Ang Alamat ng Dragon General   Kabanata 3939

    Sa labas ng Ecclesiastical Restricted Zone, tinitigan ni James ang zone sa unahan at nalungkot.Tinanong ni Jabari, "Ano ang susunod mong gagawin?"Sumagot si James, “Natupad na ang layunin ko sa pagpunta sa Dark World sa pagkakataong ito. Gusto kong umalis sa Dark World sa lalong madaling panahon at pumunta sa oras ng mundo sa labas. Gusto kong pumasok sa Chaos at hanapin ang natitirang mga Universe Seeds upang himukin ang pagsilang ng universe. Panghuli, pagsasamahin ko ang lahat ng universe at ipanganak ang isang kaharian na kasinglakas ng Primordial Realm.""Sasama ako sayo," Sabi ni Jabari.Pagkatapos sumulyap kay Jabari, tumingin si James kay Xulia, na nasa tabi ni Jabari at sinabing, “Dapat mo siyang ibalik sa mga Xaadsan. Pag-usapan natin ito pagkatapos matugunan ang mga gawain ng mga Xaadsan."“Nakuha ko.” Nagdilim ang mukha ni Jabari nang malamig niyang sinabi, "Panahon na para harapin ang mga sama ng loob na ito."Ng marinig iyon, hindi napigilan ni Xulia na hatakin an

  • Ang Alamat ng Dragon General   Kabanata 3938

    Si James ay may magaspang na pag-unawa sa mga detalye ng labanan sa Primordial Realm.Natutunan din niya dahil sa mga kapangyarihan ng Human Race sa panahon ng sakripisyo ng Primordial Realm Era, ang labindalawang uniberso ng labas ng mundo ay ipinanganak."Ngayong may kahalili na ang Human Race, maaari na akong magpahinga sa kapayapaan."Tumingin si Master Mateo kay James at ipinaalala, “Ang Primordial Realm ay nahawahan ng masamang kapangyarihan. Hindi na ito angkop para sa pag cucultivate. Kahit na nagawa mong mag cultivate, hindi ka makapasok sa Acme Rank. Kailangan mong lumikha ng isang bagong kaharian. Upang gawin ito, kailangan mong magtrabaho ng husto. Sa Primordial Realm, may mga espiya mula sa ibang lahi. Kaya, kailangan mong mag ingat. Bago tumaas ang kaharian, hindi ka maaaring malantad. Kapag ang mga espiya ay nagkalat ng impormasyon, ang mga powerhouse ng ibang lahi ay darating muli. Ito ay magiging isang sakuna para sayo."“Naiintindihan ko.” Tumango si James.Gayun

  • Ang Alamat ng Dragon General   Kabanata 3937

    Ang labanan sa pagitan ng mga lahi ay malupit.Ayaw maalala ni Master Mateo ang mga detalye nito.Gayunpaman, ito ay isang kahihiyan sa Human Race at ang Human Race ay hindi dapat kalimutan ang tungkol dito. Kailangan nilang tandaan ito."Ang Primordial Realm ay isa sa Greater Realm. Kasabay nito, ito ang pinaka nakakasilaw na kaharian sa mga Greater Realm. Ang pagpaparami ng Human Race ay masyadong malakas. Lumawak din ang laki ng Human Race sa Greater Realms. Nilusob pa ng Human Race ang ibang lahi at nagpakasal sa ibang lahi. Naging sanhi ito ng pagiging marumi ng bloodline ng ibang lahi.”"Kung magpapatuloy ito, ang Human Race ay magiging tunay na master ng Greater Realms balang araw.”"Gayunpaman, ito ay isang bagay na hindi gustong makita ng ilang karera.”“Kaya, ang Ten Great Race ay bumuo ng isang alyansa at nagsagawa ng isang lihim na pagpupulong. Sa pagpupulong, ang Ten Great Race ay umabot sa isang pinagkasunduan, na kung saan ay kumilos laban sa Human Race.”“Ang Ten

I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status