Hindi na mabilang ni Akie kung ilang beses na siyang pinatawag ng amo sa silid nito. May uutusan siyang ipagtimpla ito ng kape, may ipapalinis ito na kung ano at pati ang pagtutupi ng brief nito ay pinapagawa pa sa kaniya. Wala naman siyang karapatang magreklamo dahil unang-una sa lahat ay kailangan niya ang trabahong ito, kaya heto siya at tahimik na lang na sinusunod ang inuutos ng amo.
"Are you done, Akie?" tanong ng amo niya. Nakaupo ito sa isang couch habang nakatingin sa ginagawa niyang pagtutupi sa mga briefs nito. Nakaupo siya sa kama nito at doon tinutupi ang mga bagay na iyon."Yes po, sir," sambit niya. Hindi siya makatingin sa amo dahil namumula ang pisngi niya. Ikaw ba naman kasi ang pagtupiin ng maraming briefs na ito at ang lalaki pa! Natatawa na nga lang siya sa isipan."Okay, good. Pagkatapos mo riyan ay masahihin mo ang balikat ko. Medyo masakit kasi."Sa sinabi ng amo ay napaangat ng tingin si Akie. Nagsalubong ang mga mata nila ng amo, napangiwi siya na wala sa loob, bagay na ikinakunot naman ng noo ng lalaki."What? Bakit ganyan ang reaksyon mo?" masungit na untag nito sa kaniya.Napakamot siya sa ulo niya at mapaklang natawa. "Sir, bakit po hindi na lang po kayo magpamasahe sa experto? Magbayad na lang po kayo kaysa naman ako pa ang gagawa," diretsang tanong niya sa amo na may halong pagrereklamo. Sa sinabi niya ay dumilim ang mukha nito. Nakagat niya ang pang-ibabang labi nang napagtanto ang sinabi niya.'Patay na!' "Inuutusan mo ba ako? Gusto mo bang tanggalin kita sa trabaho? Bakit ba mas marunong ka pa sa akin, eh, ikaw ang gusto kong magmasahe sa akin?" masungit at tila galit na wika ng amo niya.Napahigpit ang hawak ni Akie sa isang brief. Wala sa loob na inunat-unat niya iyon. Samantalang napatingin naman si Andrew sa ginagawa niya."Don't do that! Para mo na ring pinipiga ang pagkalalaki ko!" anito sabay turo sa kamay niyang nakapiga sa brief.Pinamulahan ng mukha si Akie at malakas na natawa sa sinabi nito."Bakit po, sir? Wala naman po ang oten niyo rito, ah? Hahaha!" sabay bilad niya sa brief sa harapan ng amo na umaaksyon pa na hinahanap ang oten nito roon. "Siguro po maliit kaya hindi ko makita rito!""Akie!" galit na sigaw ni Andrew. Napatigil si Akie sa pagtatawa at tila nawala ang pamumula ng mukha dahil napalitan iyon ng pagkaputla dahil sa galit na boses ng amo. Ngayon niya lang narinig na sinigawan siya nito. Kinabahan siya at hindi niya mapigilang kagatin ang pang-ibabang labi."S-Sorry po–"Padabog na tumayo ang lalaki at lumabas sa silid nito. Samantalang naiwan naman siyang nakaupo sa kama at nasundan na lang ito ng tingin."Eh, gaga ka naman kasi! Ang bunganga mo talaga, Akie!" pagalit na wika niya sa sarili.Mabilis niyang tinapos ang ginagawa para makalabas na siya kaagad ng silid ng amo. Pagkatapos mailagay ang mga tinupi sa lagayan nito ay nilisan niya ang silid ni Andrew."Nakakatakot siya. Para bang bipolar. Paiba-iba ang mood. Minsan nakakatakot tumitig parang kakainin ako ng buhay. Minsan naman bigla na lang magagalit. Malala yata anger issues niya," pagkausap niya sa sarili habang pababa siya ng hagdan.Sa nakalipas na taon na naging amo niya si Andrew ay alam na niya ang ugali nito. Minsan mabait, minsan naman galit."Oh, hija. Halika't tulungan mo akong magluto," salubong sa kaniya ng madrasta ni Andrew. Si Elizabeth. Mabait ito at parang hindi marunong magalit.Hinawakan nito ang braso niya upang igiya siya papasok sa kitchen."Ano po ang lulutuin natin, ma'am?" magalang niyang tanong sa ginang."Adobo. Paborito kasi iyon ni Andrew. Saka mainit ang ulo niya ngayon kaya need niyang kumain ng adobo," pahayag ng ginang na tatawa-tawa pa.'Ano naman ang connect ng adobo sa mainit na ulo ni Sir?' Bulong niya sa isipan.'Ah, siguro mainit ang ulo niya dahil sa sinabi ko? Hindi kaya maliit talaga ang ano niya?' Pilya niyang tanong sa isipan."Okay po, ma'am." Ngumiti ang ginang sa kaniya. Siya na ang pinahiwa nito ng mga rekado at manok. At ang ginang na ang nagluto ng adobo."Ilang taon ka na, hija?" Napabaling si Akie sa ginang. "Bente singko po." Tumango-tango ang ginang."Wala ka na bang balak na mag-aral ulit?" tanong nito ulit.Napabuntonghininga si Akie. Gusto naman sana niyang makapag-aral ng kolehiyo, pero mas nanaig sa kaniya ang kagustuhan na unahin muna ang mga kapatid niya. Naaawa na kasi siya sa Nanay Fatima niya dahil hirap na ito sa paglalabada para lang may makain sila. Nahiya naman siya sa Tiyang Melba niya kung doon na lang sila aasa palagi. Kapatid ng Nanay niya si Melba at ito na rin ang nagbibigay ng mga pangangailangan nila dahil wala naman itong sariling pamilya. Pero nahihiya na siya sa tiyang niya kaya nakiusap siya rito noon na ihanap siya ng mapapasukan na trabaho, kahit pangangatulong pa iyan ay ayos na sa kaniya. Ang mahalaga ay makatulong siya sa ina."Wala na po, ma'am. Ang mga kapatid ko po muna ang uunahin kong paaralin. Tama na po muna sa akin na may konting laman ang utak ko at hindi ako basta-basta malalamangan ng kapwa ko," nakangiti niyang sabi. Pero sa kaloob-looban niya ay gustong-gusto niya talagang mag-aral. Pero hindi muna sa ngayon.Nakitaan niya ng paghanga ang Ginang. Tila natuwa ito sa naging pahayag niya."Ang bait mo namang ate. Uunahin muna ang mga kapatid bago ang sarili, aw. . ." Tila hinaplos ang puso ng Ginang. "Hija, kung gusto mo na mag-aral sabihin mo lang, ha, dahil tutulungan kita," suhestiyon pa nito na ikinangiti niya."Salamat po, ma'am," senserong sabi niya.Nginitian siya ng Ginang. Muli itong bumalik sa ginagawa habang siya ay nakaupo lang sa silya at pinagmamasdan ito.Natutuwa siya sa ginang dahil likas na mabuti ang puso nito. Hindi man nito tunay na anak ang Sir Andrew niya pero itinuring pa rin nito na tila tunay na anak. Sa tuwing may media na lumalapit sa pamilyang Greyson upang humingi ng statement sa mga ito ay palaging sinasabi ng ginang na walang magbabago sa pagtingin nito sa binata kahit pa na wala siyang dugong nananalaytay sa mga ugat nito. Napapanood niya iyon sa balita. Kaya hangang-hanga siya sa ginang. Sana lahat ng tao ay may ganoong kaisipan. Hindi bitter sa kapwa at sa buhay."What's the menu, Ma?" Napatingin pa si Akie sa amo na bigla na lamang sumulpot sa likuran niya. Nasagi pa ng braso nito ang likod niya at hindi niya alam kung sinadya ba iyon ng binata o aksidente lang ang pagkasagi nito. 'Pero bakit naman kasi dikit na dikit siya sa akin samantalang malapad naman ang daan?' Tanong niya sa isipan. Lumapit ito sa hginang at hinalikan ang ginang sa noo.'Ang sweet naman!' Komento niya sa isipan."Oh, anak, ikaw pala. Nagluto ako ng paborito mong adobo! Hindi na naman kasi maipinta iyang mukha mo kaya alam kong ito ang magpapabalik ng ngiti mo!" anang ginang na halata ang tuwa sa mga mata."Thanks, Ma. I really appreciate it," seryusong saad ng binata. "Don't mention it! Sige maupo ka muna riyan. Malapit na ito maluto. Kakain tayong tatlo ni Akie," masayang sabi pa ng ginang."Okay, Ma." Nasundan na lang ng tingin ni Akie ang amo. Naupo ito sa isang silya katabi niya. Muli pa siyang napakislot nang masagi ng binti nito ang binti niya.Nang balingan niya ito ay sakto namang nakatingin ito sa kaniya kaya mabilis niyang binawi ang tingin sa amo.Ewan ba ni Akie pero sa tuwing makikita niyang nakatitig sa kaniya ang amo ay kinikilabutan siya. May kakaiba kasi sa mga titig nito at hindi naman siya manhid para hindi iyon maramdaman.Katulad na lang ngayon, gumalaw ang palad nito at nanlaki pa ang mga mata niya nang bumaba iyon sa ilalim ng lamesa . At unti-unti niyang naramdaman ang palad nito sa hita niya. Namawis si Akie at tila gustong maiyak. Nang tingnan niya ang binata ay nakatingin ito sa kaniya at nakangisi. Lalo pa siyang kinilabutan.'Manyak!' Sigaw niya sa isipan. Pero ang hindi niya maintindihan ay kung bakit hindi niya inalis ang palad ng amo na nakapatong sa hita niya. Inalis lang nito ang palad nang umupo na rin ang ginang sa silya at pinaghain silang dalawa ng amo."Kain na tayo!" untag sa kanila ni Elizabeth.Hindi maiwasan ni Akie na mailang lalo't katabi niya si Andrew. Ang binti nito na nasa ilalim ng lamesa ay sumasagi-sagi sa binti niya. At hindi na talaga niya nagugustuhan ang ginagawa nito. Pero hindi din naman niya magawang isumbong ang binata kay Elizabeth.Siguro napansin ng ginang ang pananahimik niya kaya't sinita siya nito."Hija, are okay? Hindi mo ba nagustuhan ang luto ko?" tila may halong pananamlay sa boses na iyon ng ginang.Mabilis namang umiling si Akie. Masarap ang luto ng ginang, nagugustuhan niya ito. Ang hindi niya nagugustuhan ay ang binti ng anak nito na walang tigil sa pagsagi sa binti niya! Tila ba inaasar siya nito."N-Nagustuhan po, ma'am. M-Masarap nga po, eh," utal niyang tugon na pilit pang ngumiti."Talaga? Masarap?" sabat naman ng binata sa tabi niya. Para bang may ibang ibig sabihin ito sa sinabi nito. Kagat ang labi na binalingan niya ito. Nakita niyang may ngiti itong sinusupil sa labi. Naaasar siya sa klase ng ngiting iyon.'Pasakan ko kaya ng adobo nguso nito?' Aniya sa isipan."Opo, masarap, sir," kaswal na tugon niya sa lalaki at iniwas ang tingin rito.Naku kung hindi lamang niya amo ang lalaking ito at kung hindi lamang niya kailangan ng trabaho ay nasuntok na niya ito!"Thanks, hija. Eat well," wika naman ng ginang.Tumango si Akie at ngumiti sa ginang. Nang matapos silang kumain ay naunang lumabas ng dining si Elizabeth dahil tumatawag daw ang asawa nitong si Daniel sa telepono. Nasa Mall kasi ang lalaki at may binibiling gamit.Naiwan siya sa dining kasama ang amo. Nagliligpit siya ng pinagkainan nila habang si Andrew ay nakaupo at nakamasid sa kaniya. Naiilang siya sa paninitig nito pero nilakasan lamang niya ang loob. Matapang niyang binalingan ang lalaki."Bakit mo po iyon ginawa?" magalang ngunit may halong inis na tanong niya sa lalaki.Ngumisi ito at tila nasisiyahan pa sa sinabi niya."Ang alin?" pagmamaang-maangan pa nito.Lalong nainis si Akie pero mas pinili pa rin niyang maging kalmado.'Alalahanin mo kailangan mo ng trabahong ito, Akie!' Aniya sa isipan."I-Iyong pagpatong mo ng kamay mo sa hita ko, at ang pagbangga mo ng paa mo sa paa ko, sir," saad niya. Nakipaglabanan siya ng titigan sa lalaki.Nawala ang ngisi nito sa labi at naging seryuso ang mukha. Muling nabuhay ang takot niya para sa amo. Tumayo ito mula sa kinauupuan kaya napakislot siya. Naglakad ito at lumapit sa kaniya. Ngayon ay nasa harapan na niya ito, at nakapamulsa."Gagawin ko ang gusto ko at wala kang magagawa. At sinimulan mo ako kanina kaya tanggapin mo ang ganti ko," anito na seryusong-seryuso."Isusumbong ko po kayo kay Ma'am kapag inulit niyo pa iyon. Hindi po maganda para sa akin ang ginagawa niyo, sir. Hindi po porket kailangan ko ng trabaho ay gaganituhin niyo ako," seryuso rin niyang pahayag sa lalaki."Isumbong mo ako kung gusto mo, Akie. Sana naisip mo rin ang ginawa mo kanina. Sa tingin mo ba'y maganda sa pandinig ko ang sinabi mo? That's the reason why I did that to you. Nang dahil sayo, nanakit ang puson ko. Kasalanan mo iyon."Napatanga siya sa sinabi ng amo. Wala naman siyang ginawa rito maliban sa nangyari kanina sa silid nito. Bakit ito magagalit kung hindi naman totoo ang sinasabi niya?Minsan kasi talaga ay matabil ang dila niya, bigla na lang may lumalabas na salita na hindi naman niya gustong sabihin.Napabuntonghininga si Akie."Pasensya na po kayo sa nasabi ko, sir. Huwag po kayong magalit lalo na kung hindi naman po totoo iyon," wika pa niya. Pero umigting lang ang mga panga ng lalaki sa sinabi niya.Akmang magsasalita pa sana siya pero tumalikod na ang binata. Lumabas ito ng dining. Muli naman niyang binalikan ang naudlot na gawain. Habang naghuhugas siya ng pinggan ay napapaisip siya't napapailing."Parang iyon lang gaganti talaga. Tse! Kung hindi lang kita amo, Sir Andrew, baka tiniris ko na ang maliit mong oten!""What did you say?" Napalundag pa si Akie nang marinig ang boses ni Andrew.Nabitawan niya ang pinggan at napaharap sa pinanggalingan ng boses na iyon."S-Sir-" Napalunok siya ng sunod-sunod nang makitang dumilim ang anyo ng lalaki."Hinahamon mo ba ako babae?"Nanlaki pa ang mga mata ni Akie ng bigla nitong kalasin ang sinturon at ibaba ang pantalon na suot. Napatingin siya sa hita nito. At tumambad sa paningin niya ang malaki, maugat at galit na galit nitong k*****a."Ngayon mo sabihin na maliit, Akie!"Wala sa sariling na napa-sign of the cross si Akie. At mabilis na tumakbo palabas ng dining.Nilagpasan niya si Andrew na nakapamewang habang nakasaludo ang pagkalalaki nito."Come back here!" tawag nito sa kaniya.Ang lalaki ay hindi kaagad makatakbo dahil nakababa ang pantalon nito. Kinailangan pa nitong itaas muli ang pantalon at galit siyang hinabol. Pero mabilis siya. Nakarating siya sa sala, at nang makita niya si Elizabeth na nakaupo sa sala at nanonood ng tv ay mabilis siyang lumapit dito at naupo sa tabi nito."Oh, hija, bakit hingal na hingal ka?" aniya ng ginang. Pinahid pa nito ang namuong pawis sa noo niya."A-Ah. . . wala po, ma'am. Nag-jogging po kasi ako," palusot niya rito.Bigla namang dumating si Andrew. Ang lalaki ay pormal na naglalakad at nakatingin ito sa kaniya. Umiwas siya ng tingin. Nanood siya ng palabas sa tv at nagpanggap na hindi ito nakikita.Hindi maalis-alis sa isipan niya ang nakita niya kanina. Para tuloy siyang kakapusan ng hininga. Hindi naman kasi niya intensyon na magsabi ng ganoong salita. 'Jusko, Akie! Nakakita ka ng malaking sawa na sa tanang buhay mo ay ngayon mo lang nakita!' Sigaw ng isipan niya.Lalo tuloy siyang natatakot sa amo. Paano na lang kung bumalik na sila sa America? Baka ano ang gawin nito sa kaniya. Pero naisip niyang hindi naman siguro gagawa ng ikakasira ng pangalan nito ang binata. At isa pa, mahal nito ang Tiyang Melba niya kaya naniniwala siya na hindi nito magagawa sa kaniya ang mga iniisip niya ngayon."Faster, Akie! You are going to waste my precious time!"Nanggagalaiting sigaw niya sa babae. Kanina pa ito sa loob ng silid nito pero hindi pa rin lumalabas. Naiinis na siya. Ano ba kasi ang ginagawa nito sa loob?Kulang na lang ay tadyakan niya ang pintoan ng silid nito para lang bumukas iyon."I hate late! Fuck it!" inis pa niyang bulong.Hindi nagtagal ay narinig niya ang pag-click ng lock mula sa loob.Aba't naglo-lock pa talaga! Hiyaw ng isipan niya.Pero hinintay niyang bumukas iyon, ngunit lumipas lang ang ilang segundo ay hindi pa rin iyon nagbubukas. Sa inis niya ay muli niyang tinangka na katokin ang pinto, pero muntikan pa siyang mapabuwal sa kinatatayuan ng bumukas iyon at bumungad sa kaniya ang pawis na pawis na dalaga."Damn it!" hawak ang dibdib na wika niya dahil sa pagkagulat."Pasensya na, Sir, natagalan. Nagbanyo pa kasi ako!" anang dalaga na pawisan.Napabuga ng hangin si Andrew at mabilis itong tinalikuran."Let's go!" masungit na turan niya. Naramdaman niyang su
Panay ang pabaling-baling ni Andrew sa dalagang nakabukas ang bibig habang mahimbing na natutulog. Sakay sila ng kotse papunta sa Pangasinan. Naiinis siya sapagkat tinulugan siya nito kaya wala siyang makausap ngayon. Pakiramdam niya tuloy ay napanis na ang laway niya. Hindi niya napigilan ang sarili at napapairap siya sa hangin habang nagkandahaba-haba pa ang nguso.Napabulong na rin siya at bakas sa tono ng pananalita ang pagkainis."Wala man lang makausap! Mabuti pa ang iba diyan ang sarap ng tulog, samantalang ako? Panis na ang laway ko!" Panay ang irap niya sa hangin. Pero matutuluyan na lang yata lahat-lahat ang mga mata niya sa pagtirik ay walang pakialam ang dalaga. Hanggang sa bigla na lamang niya itinigil ang kotse sa isang tabi dahilan upang mapasubsob ang dalaga sa unahan. Nanlaki ang mga mata nito sa gulat, hawak-hawak rin nito ang sariling dibdib."Anong nangyari?!" tila wala pa sa sarili na tanong nito sabay tingin sa kaniya.Napangisi si Andrew. Nagdiriwang ang isipan
Pagkatapos ng mahaba-habang biyahe ay nakarating rin sa wakas sina Andrew at Akie sa Bolinao, Pangasinan. Ipinarada ni Andrew ang kotse niya sa ilalim ng isang malaking puno dahil hindi iyon makapasok sa daan na patungo sa bahay ni Akie. The place is breathtakingly beautiful, tahimik at buhay na buhay dahil sa luntiang paligid, at sagana ito sa magagandang tanawin. Preska rin ang hangin. Well, isa lang naman ang Pangasinan sa pinakamagandang lugar sa Pilipinas."Ando!"Napabaling si Andrew sa lalaking tinawag ni Akie. Nakangiti ito at patakbong sinalubong ang dalaga. Magkamukha ang dalawa kaya sa tantiya ni Andrew ay kapatid ito ng dalaga."Ading!" Nagyakapan ang dalawa at bakas ang pagka-miss sa isa't isa. "Tara sa bahay, Ading. Kanina ka pa hinihintay ni Inang!" anang lalaki at inakbayan si Akie. Tumalikod ang mga ito at naglakad. Naiwan si Andrew na napasimangot, mukhang nakalimutan yata ng dalaga na kasama siyang pumunta sa lugar na ito. Tiningnan na lang niya ang mga ito na mas
Bolinao falls,Nakasuot ng trunk shorts na kulay blue si Andrew at walang pang-itaas na damit habang palangoy-langoy sa malamig na tubig na nanggagaling sa falls. Ang lamig ng tubig at ang linaw niyon kaya naman maraming turista ang pumapasyal sa lugar. May mga naliligo rin gaya niya, may iba na abala naman sa pagkuha ng mga litrato sa paligid. Mahilig siya sa dagat, mahilig lumangoy. Sa katunayan nga ay pabalik-balik siya sa Palawan noon dahil iyon talaga ang paborito niyang lugar sa Pilipinas. Mayroon siyang rest house doon na pinamana sa kaniya ng amang si Romano, doon rin siya nagpapalamig ng ulo kapag medyo stressed siya sa trabaho.Pero ngayon, mukhang magiging paborito na rin niyang lugar ang Bolinao. Marami kasing magagandang tourist spot sa lugar, marami kang mapapasyalan."Kuya Andrew!" napabaling siya sa batang lalaki. Kapatid ito ni Akie. Nasa gilid ito ng pampang at naglalaro ng mga bato."Hey," nakangiti niyang tugon sa batang si Alexis. Ito iyong bunso sa lahat na magka
"Tagay pa, Mang Isko!" Kinuha ni Andrew ang isang puting gallon na may laman na lambanog at sinalinan niya ang baso ni Mang Isko at pati na rin ang kaniya. Gusto niya lang sana magpahangin kanina pero nakita niya itong kubo na may karatola na 'Lambanog for sale'. Nang una ay hindi siya pamilyar sa inomin na ito, pero nang maka-usap niya ang may ari at pinatikim sa kaniya ang lasa nito ay kaagad siyang um-order ng dalawang gallon. At heto siya ngayon, nakalahati na niya ang laman ng isang gallon and he wants more of it. Ang matanda ay naiiling na lang habang nakatitig sa binata. Kung si Mang Isko ay sanay na sa lambanog, pero ang binata ay sa tingin nito ay hindi sanay sa ganoong inomin.Ayaw niya sana itong pagbigyan kanina dahil ang lambanog na stocks niya ngayon ay medyo may katagalan na at malakas na ang tama niyon kapag iinomin at tiyak na iikot talaga ang mundo mo kapag tinamaan ka ng ganitong inumin. Hindi katulad ng bagong ani na medyo matamis pa ang lasa at hindi ganoon kat
Habang nasa biyahe pabalik ng Manila ay walang imikan sina Andrew at Akie. May pagkakataon na hinuhuli ni Andrew ang mga mata ng dalaga sa pamamagitan ng kaniyang mga titig ngunit masyado itong naging mailap. Napabuntonghininga siya ng malalim. Alam niya kung bakit naging mailap si Akie sa kaniya, iyon ay dahil sa nangyari nakaraang araw. "Galit ka ba?" tanong niya sa dalaga na hindi ito binalingan. Sa kalsada kasi ang atensyon niya habang ito naman ay nakatingin sa labas ng bintana, nakatulala. Magmula nang umusad ang sasakyan ay wala na itong imik hindi katulad ng magpaalam ito sa ina at mga kapatid na todo ito sa pag-ngiti at pagsasalita bagay na siyang ikinaiinis niya. Kung umakto kasi ito ay parang hindi siya nakikita.Muli siyang napabuga ng hangin nang hindi man lang ito nagsalita. Nagsimula na siyang mairita."Will you please talk to me, Akie?" mariin at may pagbabanta niyang untag dito.Subalit katulad kanina ay wala siyang natanggap na sagot."Fuck!" Galit niyang hinampas an
Pumunta si Andrew sa bahay ng kapatid na si Damien upang magpaalam na bukas na ng umaga ang alis nila pabalik ng America. Wala nang nagawa ang ina niya o maging ang ama dahil sa pinal niyang desisyon. Hindi siya pumayag sa paki-usap ng ina na iwan si Akie sa mansion ng Greyson, at ang dalaga rin ay hindi pumayag sa nais ng ginang bagay na pinasasalamat niya. Pero ang hindi alam ng dalaga ay ang binabalak niyang mangyari.Pinapasok siya ng guard sa gate nang makilala siya nito.Kumatok siya sa pinto ng bahay ng kapatid, katabi lang ng bahay ng kapatid ang bahay ng ina. Ilang dipa lamang ang layo niyon sa isa't isa. Nang lumabas kanina ng library ang ina ay kaagad rin siyang sumunod rito. Nakita niya pa ito na papasok sa silid ni Akie. Naalala niya ang dalaga ngunit naagaw ang atensyon niya nang bumukas ang pinto at sumungaw si Trina. Ang dati at peke niyang asawa."Hi!" bati niya rito.Bumakas ang pagkailang sa itsura nito, ngunit nginitian pa rin siya. "K-Kuya." utal nitong sabi.Nap
Kahit anong pagpigil ang gawin ni Elizabeth kay Andrew na huwag isama ng binata si Akie pabalik ng America, ay sa huli walang nagawa si Elizabeth dahil sa katigasan ng ulo ni Andrew. Kulang na lamang ay maglumpasay ang binata sa sahig nang tangkain ng ginang na ilayo si Akie at dalhin sa Baguio; sa pinsan ni Damien na si Drix, nang araw rin na pumunta si Andrew sa bahay ng kapatid nito.Ang nangyari pa ay nagkasamaan ng loob ang binata at ang ginang. Pero dahil desido si Akie na sumama sa amo ay iyon rin ang pinanghahawakan ni Andrew kaya hindi siya pumayag sa gustong mangyari ng madrasta. Sakay ng private airplane pabalik ng America, ay hindi maiwasang isipin ni Andrew ang ginang. Alam niyang nagkasamaan sila ng loob dahil kay Akie pero may sarili na siyang desisyon at katulad nga ng sinabi niya sa ginang, hindi siya sanay na may nangunguna sa mga desisyon niya sa buhay.Napabuntonghininga na lamang si Andrew, kapagkuwan ay binalingan ang dalaga sa kabilang upuan, mahimbing itong na
Panay ang tingin ni Carla sa isang gwapong lalaki na kakapasok lang sa loob ng bar na pinagtatrabahuhan niya. Matikas ang pangangatawan nito, matangkad at sobrang guwapo. Alam niya rin na mayaman ito. Pero wala siyang pakialam sa kung ano man ang estado nito sa buhay—kung mayanan ito o mahirap, basta ang alam niya, crush niya ito. Tinatawag niya ito kanina pa at tinatanong ng kung anu-ano pero hindi siya nito pinapansin."Kahit anakan mo na lang ako," pilyang bulong niya sa sarili. Ang ganitong klase ng lalaki ang gusto niyang maging tatay ng anak niya. Anak lang naman ang gusto niya. Wala siyang balak na guluhin ang buhay nito o ano pa man. Matagal na niyang gustong magkaroon ng anak pero wala siyang lalaki na napipili na bigyan ng kanyang pagka-birhen."Tangina, eh. Trenta na ako pero birhen pa rin. Hindi kaya ang kunat ko na? Por dios, ayaw kong mamatay na hindi nakakatikim ng malaking hotdog!" Napasampal siya sa noo sa naiisip.Tinawag siya ng amo nila kaya kaagad siyang napalap
Tuloy ang kasiyahan sa mansion Sebastian—sa venue kung saan naroon ang mga bisita. Naghagis na rin ng bouquet si Akie at sa lahat ng mga babaeng sumali ay si Suzette ang mapalad na nakasalo sa bouquet, syempre naghiyawan ang mga tao, at hindi lang iyon dahil mas malakas humiyaw at tumili si Suzette. Nang maghagis naman ng garter si Andrew, syempre hindi si Enton ang nakasalo dahil hindi naman ito sumali. Ibang bisitang lalaki ang nakasalo, pero dahil ipinanganak nga talagang pilya itong babaeng si Suzette, inagaw nito sa lalaki ang garter at pinilit iyon kay Enton."Kami ang susunod na ikakasal!" malakas na tili ni Suzette sabay na tumakbo papunta kay Enton na umakmang aatras nang napagtanto ang gagawin ng babae, pero huli na ang lahat dahil para ng tuko na lumambitin ang dalaga sa katawan nito."Oh, bebe, tayo na ang ikakasal!""Shut up! Umalis ka nga sa katawan ko!" pilit na pinaalis ni Enton ang dalaga sa katawan nito, pero para na yatang magnet ang babaeng dumikit sa katawan niya.
January 22, 2024 The Garden Wedding Sebastian's Mansion It was a wonderful and glorious day for a wedding. Ang paligid ay puno ng magagandang tanawin— sa hardin na pagdarausan ng kasal nina Andrew at Akie. It's simple yet breathtakingly beautiful. A venue that has a long and expansive table with a different kind of flowers on the top and side of it, at sa itaas ay mayroong ilang chandelier papunta sa pinakadulong bahagi ng lamesa na nakasabit sa luntiang halaman na sinet-up ng magaling na organizer. Mayroon na rin plate and glasses na nakahanda sa ibabaw niyon. Ang pahabang table ay sapat para sa bilang ng pamilya Greyson mula sa asawa hanggang sa mga anak. Sa kabilang banda naman ay may isa pang pahabang lamesa na para naman sa mga ninong, ninang at ilang bisita. Everything is ready. Lahat ay nasasabik na masaksihan ang pag-iisang dibdib nina Akie at Andrew. Naroon na silang lahat at nakahanda nang lumakad sa red carpet na nakalatag sa bermuda grass patungo sa altar. Mayroon din
TRUE love doesn't care about the past, it cares about the future. Tama nga naman na hindi na pagmamahal ang nararamdaman ng isang tao kung patuloy siyang bumabalik sa nakaraan, kundi galit siya o sadyang hindi maka move on. Patuloy na tumitingin ng maling nagawa o ginawa ng taong mahal o minahal nito kaya imbes na pagmamahal ang mararamdaman nito ay napapalitan na ng galit. When you say mahal mo ang isang tao, nandoon na lahat. You are willing to sacrifice everything for the people you loved, kahit pa masaktan ka. Ipaglalaban mo siya, ipagtatanggol sa lahat ng gustong manakit o sumira sa kaniya. Kung minsan pa nga'y ubos na ubos kapag tayo'y nagmahal. Iyon bang walang tinitira sa sarili dahil gusto lamang natin iparamdam kung gaano natin sila ka mahal. It doesn't care anymore, right? Dahil nga mahal natin ang taong iyon kaya handa tayong gawin ang lahat para sa kaniya. Iyon ang nagagawa ng love. Because love is powerful at kayang pabaliwin ang isang taong nagmamahal at kaya nitong ga
"NASAAN ang pasyente, Sir?"Salitang nagpakunot sa noo ni Andrew.Pasyente raw!Napabaling siya sa magkabilang gilid niya. Walang pasyente. Pero siya ang nakasakay sa stretcher at prenteng nakahiga. So ako ang pasyente?"Mr. Sebastian, mukhang wala yata kayo sa inyong huwisyo. This is a Delivery Room at tanging pinapapasok ko lang dito is 'yong babaeng manganganak na. So, hindi naman ikaw 'yong manganganak, syempre." Makahulugan siyang tiningnan ng Doctor ni Akie. "Where is your wife? Bakit ikaw ang nandito imbes na siya ang dapat?"Oh my fuck!Realizing his stupidity, napangiwi si Andrew at dali-daling bumangon at tila napapasong bumaba sa stretcher."M-my wife. . . Oh God what have I done! Iniwan ko siya sa bahay!" natataranta niyang sabi na napapakamot din sa kaniyang ulo. "I need to go back to my house!"Napatawa at napailing sa kaniya si Doc. Santos. Sa isip-isip ng Doctor ay nasobrahan sa pagkataranta ang binata kaya imbes na isakay ang asawa sa ambulance ay ito ang sumakay at
1 and ½ months later. . .Isa't kalahating linggo na ang lumipas matapos mangyari ang trahedya, pero pakiramdam ni Akie ay kahapon lang ito nangyari. Nailibing na ang bangkay ni Miguel Cortez sa L.A at si Jack ang nag-asikaso ng labi nito na dinala pa sa nasabing bansa. Humingi ng patawad sa kanila si Jack sa kung ano mang ginawa ni Cortez sa kanila. Si Jack ay pinatakas ni Enton matapos siyang bawiin ng binata rito. Hindi na rin sila nagsampa pa ng kaso kay Jack dahil sa kabila ng pagiging loyal nito kay Cortez ay nagawa pa siya nitong iligtas. Si Enton nama'y bumalik sa L.A at may mga importante itong aasikasuhin.Napatanaw sa kalangitan si Akie. May namuong luha sa gilid ng mga mata niya habang hinahaplos ang tiyan na may kalakihan na. Sa susunod na linggo ay kabuwanan na niya. Baka nga hindi na dumating ang due date niya't tuluyan na siyang manganak. Medyo nahihirapan na nga siyang gumalaw-galaw ngayon. Nag-i-exerise rin naman siya dahil iyon ang payo sa kaniya ng OB niya."Bakit
PATULOY sa pakikipagpalitan ng bala ang kampo nina Andrew at Cortez, pati na rin ang mga pulis. Si Andrew ay walang takot na susugurin ang mga kalaban kahit na may mga balang nagliliparan sa ere. Si Enton nama'y buong lakas din na lumalaban kahit na may tama na ito ng bala sa kabilang binti. Habang si Cortez nama'y natatarantang utos nang utos sa mga tauhan nito na ubusin na ang lahat ng kalaban at nag-utos na rin sa tauhan na tumawag ng susundong chopper para tumakas. Ang hindi nito alam ay wala nang dadating pa na chopper dahil pinalilibutan na sila ng mga pulis. Balak din ni Cortez na bago ito umalis ay papatayin niya muna si Andrew.Nang magtagpo naman sina Enton at Andrew sa gitna ng labanan ay nagpasya si Enton na magpalit sila ni Andrew ng mascara. Nangako siya kay Akie na siya ang bahala kay Andrew kaya tutuparin niya ang sinabi niya sa dalaga. Nang una ay hindi pumayag si Andrew, pero sa huli ay pumayag din ito. Mas okay raw iyon para malito si Cortez sa kanilang dalawa kung
"DAMN that idiot!"Malakas ang boses at gigil na bulyaw ni Cortez habang mahigpit ang pagkahawak nito sa bote ng whisky. Naroon siya sa isang bahay sa Pampanga kung saan niya dinala noon si Akie dahil nilusob ng mga tauhan ni Enton Delavin ang hotel na tinutuluyan niya. Now he needs to hide para na rin makapag-isip ng bagong plano kung paano ulit dukutin si Akie."Ang lakas ng loob ng Delavin na iyon na patumbahin ang mga tauhan ko. He will pay for it!" Kumuyom ang kamao niya lalo pa nang maalala si Jack. "Isa pa ang lalaking iyon. He betrayed me. Akala ko pa naman hindi niya magagawa na ako'y lokohin, but I'm wrong! He fucking betrayed me! I will kill him!" Malakas niyang inihagis sa pader ang whisky dahilan upang mabasag ang bote. Pagkatapos ay kumuha siya ng panibagong bote.Pumasok naman ang isa niyang tauhan sa silid kung nasaan siya naroon na may hawak na telepono. Sa tingin niya ay may tawag na para sa kaniya. Nagsalin siya ng alak sa baso bago nagsalita."Who is it?" tanong n
DINALA sa pinakamalapit na Hospital sa Pampanga si Akie. Dahil sa sinapit nito mula kay Cortez ay kinailangan itong tutukan ng doctor lalo't dinugo ito at may posibilidad na manganib ang kaniyang ipinagbubuntis. Unconscious ang dalaga sa mga sandaling iyon at naroon naman si Jack na nakabantay sa kaniya sa loob ng silid, habang ang matandang si Cortez naman ay hinihintay na gumising ang dalaga para papirmahin na sa mga documents. Gusto na niyang malipat sa kaniya ang lahat pero dahil wala pang malay ang babaeng iyon ay maghihintay muna siya. Naghihintay si Cortez ng tawag ni Jack mula sa hotel na tinutuluyan nito sa Pampanga. Ayaw nitong bisitahin si Akie sa hospital at baka manggigil lang siya sa dalaga at mapatay niya ito. May tiwala naman ito kay Jack na hindi nito hahayaan na makatakas ang dalaga, at isa pa ay marami siyang tauhan na nakabantay sa hospital kaya kung patatakasin man ni Jack ang dalaga ay wala pa rin itong kawala. But he's sure that Jack won't betray him dahil hind