Twenty-oneNakahinga ako ng malalim nang makapasok ako ng matiwasay sa aking unit. Hindi ko na pinayagan si gago na ihatid ako dahil baka magkanda letche-letche pa ang ang lahat eh letche pa man din siya madalas."We're getting married soon?" Napailing na lang ako. Iba talaga ang sapak niya sa utak. Ako pa talaga ang ginawa niyang panangga niya.Ano na lang ang maipapaliwanag ko sa mga magulang ko once na malaman nila ang tungkol dito? Hindi nga ako pumayag sa alok ni Zeikko na magpanggap na kami para matulungan niya ako sa problema namin... pero gano'n din naman pala ang ending. Naku naman! Wala na talaga siyang magawang tama sa buhay ko. Ang laki talaga niyang pasakit.Nabaling ang tingin ko sa phone ko. Uh? Bakit tumatawag ang bruhang ito?"Bakit?" tanong ko pagkasagot na pagkasagot ko ng tawag.(Wala chine-check ko lang kung humihinga ka pa.)Hindi ko napigilan ang sarili ko na mapairap dahil sa sinabi niya.(Anyway, if you have time tomorrow, magpapasama sana ako.)"Saan?" tanong
Twenty-twoNang lumabas ang resulta ng tests ni Zeikko ay umuwi na rin ako, kita ko nga sa mga mata ni G*go na ayaw niya akong umalis pero wala itong nagawa. Ano siya gold? Tsk. Maayos naman ang resulta ng tests niya kaya lang kailangan niya munang mag stay sa hospital dahil under observation pa siya.May dumating ding mga pulis para kunin ang statement niya, napag-alaman ko na nadamay lang pala ito sa naging banggan ng bus at van, akala ko naman siya na ang nag cause ng aksidente eh. Madami namang nakisimpatya kay Zeikko online, may mga nanghusga sa kanya noong una pero nang maglabas ako ng article na pinayagan naman ni Chief ay bumango ang pangalan ni Zeikko.Kinabukasan maaga akong nagising dahil dadaan pa ako sa hospital para dalha ng pagkain si Zeikko na hindi ako tinantanan kagabi sa kakatawag niya. Sobrang galing talaga niyang mameste, tipong kailangan mong kalmahin ang sarili mo para lang hindi ka makagawa ng kasalanan.Simpleng almusal lang ang ginawa ko kaya naman mabilis na
Twenty-threePagkatapos kong masamahan si Zel sa pag s-shopping ay idinaan niya ako sa hospital kung saan ang demanding na si Zeikko ay ayaw payagan ang mga nurse na lumapit sa kanya hanggang wala ako sa tabi niya. Sobrang laki niyang perwisyo talaga. Ano siya baby na kailangan may guardian pa? Ugh!Kung wala lang talaga akong utang na loob sa kanya hindi ko siya pupuntahan eh. "Miss Krystal!"Mabilis akong lumapit kila Nurse Eli na nasa labas ng kuwarto ni Zeikko. "Anong nangyari?" tanong ko. "At anong ginagawa niyo rito sa labas?" dagdag tanong ko with matching salubong pa ang kilay. "Nilock po ni Sir Zeikko," saad ni Nurse Eli na mukhang stress na. "Sabi po niya kapag bubuksan namin idedemanda raw po niya kami, kaya hindi rin naming magawang buksan." Nilock? Seryoso ba ang g*gong ito? Feeling naman niya pagmamay-ari niya ang hospital kung umasta ito. Sakit talaga siya sa ulo. "May spare key kayo?" tanong ko. Inabot sa akin ni Nurse Eli ang hawak niyang susi, at hindi na ako n
Twenty-four"Baby naman, ako na nga itong may sakit pero ako pa itong pahihigain mo sa sofa? P'wede ka naman dito sa tabi ko kung gusto mo eh. Halika ka na huwag ka ng mahiya, forte ko pa man din ang pagyakap," saad nito habang taas baba pa ang kilay niya nang sabihin ko sa kanya na sa sofa siya matutulog at ako ay sa kama niya."Joke lang. Sinubukan ko lang kung papayag ka, kasi nga sabi mo handa kang isakripisyo o gawin ang lahat para sa akin, pero parang lata ka rin pala, maingay lang pero walang laman ang sinasabi," sarkastikong saad ko with matching taas kila pa.Nakita ko naman agad ang pagbabago ng expression niya at tila ba na realize niya ang sinabi ko. Ngumisi ako."Sige matulog ka na." Umupo ako sa sofa saka ko binuksan ang laptop ko.Hindi ko napigilan ang matawa nang makita ko si Zeikko na nanatiling nakatingin sa akin na tila ba sising-sisi siya sa nangyari. I really can't believe him."Oh bakit ka ganiyan makatingin?" taas kilay na tanong ko.Nakita ko ang marahas niton
Twenty-fiveHindi ko nagawang matulog nang maayos dahil sa natanggap kong message ni Kiel kagabi. What does he want from me? Why did he suddenly texted me? Sa ilang taon na wala kaming komunikasyon isama mo na rin ang mga buwan na lagi ko siyang tinetext'san o tinatawagan noon ngunit hindi siya kailanman nag reply... pero ngayon heto siya at nag text sa akin.Huminga ako ng malalim. "Baby, kanina ka pa bumubuntong hininga riyan," saad ni Zeikko na kasalukuyang inaayos ang kanyang kama. Lalabas na siya ngayon dahil sa pagpupumilit niya. Advice nga ni Zel na dumito muna sana siya kaya lang sa pagpupumilit nito wala na ring nagawa si Zel, pero magkakaroon pa rin siya ng mga check-ups. Ako na nga ang ginawa niyang guardian. Tsk."Bilisan mo na lang diyan ang dami mo na namang dada," pagtataray ko sa kanya."Luh Baby, nagtatanong lang naman ako eh," giit naman niya pero agad din siyang ngumiti nang balingan ko siya ng tingin. Kumindat pa ito. "Dugyot," pagmamaktol ko. Literal na siya l
Twenty-six"I already approved your work from home, Krystal."Napamaang ako dahil sa sinabi ni Chief. Work from home?"Order sa taas," pagkakwa'y saad ni Chief na tila ba nakita niya sa aking mukha na hindi ko na gustuhan ang sinabi niya.Paniguradong dahil na naman ito kay Zeikko. Siya lang naman ay may kakayahang gumawa ng ganito eh. Tipong lahat ay kaya niyang tumbasan makuha lang ang gusto niya."Pero kahit na work from home ka ng ilang araw, huwag mo pa ring kakalimutan ang duty mo. Sige p'wede ka ng umalis."I massage my temples out of frustration. I took a deep breath before I turn my back at her. Mukhang wala na rin naman na talaga akong magagawa dahil nga order nga raw sa taas."Sanaol!" saad ni Seca nang makita niya ako. Maging ang ibang kasamahan ko ay napapasanaol na lang din talaga.Marahas akong napabuntong hininga."See you soonest," pabirong pagpapaalam ko sa mga katrabaho ko. Tumawa naman sila.Dinala ko lang ang mga kakailanganin kong manuscripts maging ang mga draft
Twenty-sevenHindi ko alam kung ano ang takbo ng isip niya kung bakit naisipan niyang matulog dito sa unit ko, dahil kumpara sa bahay niya ay di hamak na magiging komportable siya roon kesa rito. "What are you eating? Is this your lunch? Krystal, this is not good for your health." At mukhang mag-aaway na naman ata kaming dalawa."Ang tawag dito ay cup noodles. Tsk," pagtataray ko saka ko siya inirapan."Okay. Whatever you say," saad nito sa tinig na nakakaloko. Ngumisi pa nga ito na akala mo naman kinagwapo niya ang ginawa niya. "Gusto mo ba? O baka naman hindi ka kumakain ng ganito?" Pinagtaasan ko siya ng kilay."Kumakain naman ako, basta ba subuan mo ako." Ngumisi ito ng nakakaloko na akala mo naman kinagwapo niya ito. "Huwag ka na lang kumain," pagtataray ko. Gagawin niya pa akong tagasubo. Ano siya gold?Narinig ko ang mahina niyang pagtawa sa halip na bwisitin ko pa lalo ang sarili ko sa kanya ay tinuon ko na lang ang atensyon ko sa cup noodles na nasa center table habang gin
Twenty-eightZEIKKOI couldn't stop staring at her. Kahit hindi niya ako kinakausap makita o makasama ko palang siya ay sapat na. Walang duda, sobrang mahal ko talaga ang babaeng nasa harapan ko ngayon.Sobrang haba ng panahon ang aking pinalampas para lang mabigyan siya ng sapat na oras para sa kanyang sarili. I did everything I can not to approach her ever since something happened between us. Inilayo ko ang aking sarili sa kanya dahil kung hindi ko iyon magagawa ay baka maging makasarili ako ng tuluyan para sa kanya.Krystal is not someone that I could easily take over. Dahil sa nakaraan nila ng kapatid ko, hindi magiging madali para sa akin na paamuhin siya. Lahat ay ginawa ko na para sa kanya, pero hanggang ngayon hindi ko pa rin siya maangkin. Bed her? No! That's the most stupid thing that I will do... I can bed her if she want to, buy forcing her? No! I love her more than the lust I feel.Sa ngayon, ang tanging magagawa ko lang para sa kanya ay mahalin siya kahit na alam kong sa
Sixty-two.KRYSTALKatatapos lang naming kumain ni Zeikko, at ngayon ay naglilibot kami sa labas kung saan sobrang daming tao ang nagsasaya. May mga naliligo sa pool, at nag-iinuman. Hawak ni Zeikko ang kamay ko na tila ba ayaw niya akong bitawan."ZEIKKO!"Nabaling pareho ang tingin namin sa lalaking tumawag sa pangalan niya. Oh! Andy Yu, isa sa pinakamagaling na racer ng bansa. Kilala rin siya sa pagiging womanizer nito at chick magnet, dahil sa tuwing may matipuhan siyang babae ay hindi ito titigil hanggang sa hindi niya ito makukuha. He never commit in love that's why he was called a jerk of those girls that he bed for fun. "Dude, long time no see ah! Siya yung chicks na pinagmamayabang mo?"Nakangiti niya akong binalingan ng tingin."Mukhang kilala niya na ako kaya hindi na ako magpapakilala pa," mahangin na saad niya saka pa ito kumindat sa akin."Tsk. Masyado ka pa rin talagang mayabang Yu," nakangising saad ni Zeikko na mas lalo pa akong inilapit sa kaniya."Dude kalma, hind
Sxity-one.ZEIKKOHaving her beside me is the best feeling that ever happened into my life. Being with her makes me so happy and I can't wish of anything now. Mawala na sa akin ang lahat huwag lang siya dahil siya ang nag-iisang buhay ko na matagal ko ng pinapangarap na maging akin."Zeikko, sigurado ka ba talagang hindi ka busy?"Hawak ko ang isang kamay niya habang ang isa kong kamay ay hawak ko sa pagmamaneho. We will going to the bachelor place again. I asked her to take a leave so we could spend more time together. I also canceled all my schedules for a week."Love, I can always make time for you. Huwag kang masyadong kabado, kiligin ka na lang at mas mahalin ako." Hinalikan ko ang likod ng kaniyang kamay saka ko siya saglit na binalingan ng tingin."Nagtatanong lang naman ako. Ayoko namang maging hadlang ako sa trabaho mo 'no. Baka mamaya may masabi na naman ang pamilya mo."Marahas akong napabuntong hininga dahil sa sinabi niya."Love, don't mind them. Ako nga wala akong pakeal
Sixty.KRYSTALI haven't felt this feeling before. I couldn't believe that I'm actually head over heals for him now. Yung pagmamahal na nararamdaman ko sa kaniya ay sobrang kakaiba, na hindi ko alam kung makaahon pa ako kung sakaling piliin niya akong iwan mag-isa."I'm sorry, Love."Hinalikan niya ang aking noo."Masyado ka kasing overthinker," pagmamaktol ko saka ko siya binabalingan ng tingin.Ipinatong ko ang aking baba sa kaniyang dibdib."Masyado kang walang tiwala sa akin." Pinanliitan ko siya ng mata saka ko bahagyang pinindot ang kaniyang ilong. "Sa akin ka pa talaga nagduda ah," dagdag ko sa isang mapang-asar na tinig.Hindi naman talaga maiiwasan ang pag-aaway sa isang relasyon, ngunit kung gusto niyo talagang tumagal kailangan niyong makipag communicate sa bawat isa. Kailangan mong ibaba ang iyong pride at piliin ang dapat at tama para masagip ang relasyon na gusto mong tumagal."It's not that I don't trust you, Love. It's just I'm not really confident." Hinaplos niya ang
Fifty-nineKRYSTALInalalayan ko si Zeikko na lumabas ng elevator nang marating namin ang unit floor niya. Nanatili kaming tahimik kahit na alam ko na sobrang dami niyang gustong sabihin ngayon. Nang makapasok kami sa unit niya ay pinaupo ko siya sa sofa."Kukuha lang ako ng ointment."Tinungo ko ang kusina at kinuha ang medicine kit niya. Pagbalik ko ay nakahiga na si Zeikko habang ang isang braso nito ay nakatakip sa kaniyang mga mata. Marahas akong napabuntong hininga."Zeikko," tawag pansin ko sa kaniya dahil nanatili itong nakahiga. "I need to treat your bruises," saad ko.Hindi pa rin ito umiimik kaya naman nag-umpisa na lang ako na gamutin siya. Dahan-dahan lang ang pagpahid ko ng ointment sa kaniyang gilid ng labi."After this aalis na ako," saad ko sa isang kalmadong tinig."You're leaving?"Now I finally get his attention. Tinanggal niya ang braso niyang nakaharang sa kaniyang mga mata. He is staring intently to my eyes as if he is finding an answer through it. Umayos siya n
Fifty-eightKRYSTALDalawang araw na ang nakakalipas simula nang magtalo kami ni Zeikko, hanggang ngayon ay wala pa rin akong natatanggap na text o tawag man lang sa kaniya. Tsk. Huwag niyang sabihin na galit pa rin siya hanggang ngayon, dahil mas galit ako sa kaniya.Ang lakas lang ng loob niyang tratuhin ako ng ganito eh siya na nga itong may mali sa aming dalawa. Ang kapal talaga ng mukha. Hanggang ngayon sa unit pa rin ako ni Zel tumutuloy dahil ayoko pang makita ang pagmumukha niya. Siguro good thing na rin na hindi niya ako kinokontak para kahit papaano ay makapag-isip naman ako."Krystal, totoo ba 'to?" Nakuha ni Seca ang atensyon ko. Bahagya kong ini-slide ang upuan ko para makalapit sa kaniya. Agad na nagtaas ang aking kilay nang makita ko ang mga litrato ni Zeikko kasama na naman ang Tiffany na iyon. "Ewan," aburidong sagot ko saka ako muling bumalik sa akong puwesto. Don't tell me kaya hindi niya ako kinokontak ay dahil abala siya sa lintang iyon? Aba nga naman oh! Go ku
Fifty-sevenKRYSTAL"Ayan ang sinasabi ko sa'yo!"Dinuro ako ni Zel na tila ba sobrang laki ng kasalanan ko. Nagdadrama na nga ang tao pero kung makapagsalita ito sagad pa sa buto. Wala talagang kasuporta-suporta ito."Bakit sa akin ka nagagalit? Hindi naman ako ang may kasalanan ah," pagmamaktol ko saka ako humiga sa sofa. Tinakpan ko ang aking mukha ng throw pillow."Paanong hindi ako magagalit? Eh engot mo nga!"Napamura ako ng malutong nang bigla niyang tinanggal ang unan na nasa mukha ko pagkakwa'y ipinalo niya ito sa akin."Zel naman eh!" pagmamaktol ko na para bang bata. "P'wede bang suportahan mo na lang muna ako ngayon? Kay Zeikko ka magalit, huwag sa akin.""Hoy! Magkakaganiyan ka ba ngayon kung nakinig ka sa akin? Hindi di ba? Magmamahal ka na nga kasi sa totoong meaning pa ng g*go, edi ano ka ngayon? Ngangey!"Hindi talaga nakakatuwa ang bunganga ng babaeng ito eh. Dapat pala dumiretso na lang ako sa bahay hindi sa unit niya. Tsk."Alam mo, sinasabi ko lang naman kung ano
Fifty-sixKRYSTAL"Krystal, are you okay?" tanong ni Kiel nang muli akong bumalik sa puwesto namin. Nagtaas ng bahagya ang kilay ko dahil hindi ko na makita ang mga gamit ni Chief. "Nasaan si Chief?" "She left hurriedly when someone called her from your company. She said that you can discuss it to me instead." Huminga ako ng malalim. "I actually don't know what to say right now because honestly I'm not the one who is in charge with this project. If you don't mind..." "Why are you two together?" Mariin kong naipikit ang aking mga mata nang marinig ko ang malamig at malalim na boses ni Zeikko. I almost forgot about him. "Love."Binalingan ko siya ng tingin. "We're online having a small talk, Zeikko. You don't need to worry about anything." Napakunot ang noo ko dahil sa sinabi ni Kiel. Nahihibang ba siya? Magsasalita palang sana ako nang kunin ni Zeikko ang kamay ko. "Let's go." Sa tono ng pananalita niya, mukhang hindi ito natutuwa. His eyes are now swearing... wait! Bakit t
Fifty-fiveKRYSTALSiraulo talaga si Zeikko, basta kamanyakan ang usapan ay super active niya, hindi nagpapahuli eh. Hanggang sa text ay nanlalandi pa rin ito.Pinalitan pa nga niya ang name niya sa phone ko eh. Z, Love: Love, gusto ko ng ice-cream.Me: Edi kumain ka.Z, Love: P'wede ka ba?Otomatikong nanlaki ang mga mata ko nang mabasa ko ang reply niya. I really can't believe this guy! Hindi ko napigilang matawa. Walang duda si Zeikko talaga siya.Z, Love: Love, kinilig ka naman na ata? Landian muna tayo. I'm bored.Impit akong napatili dahil putik! Hindi ko na makeri ang feels na ibinibigay niya. Para na akong batang kinikiliti ngayon. Grabe talaga ang lalaking ito."Uy! Okay ka lang?"Halos maibato ko ang aking phone dahil sa pagkakagulat nang biglang sumulpot si Seca."Oo okay lang," natatawang saad ko.Muli kong ibinaling ang atensyon ko sa phone ko. Napuno na agad ng message ni Zeikko ang phone ko, pero sa isang long message nabaling ang aking mga mata.Z, Love: Love, I love
Fifty-fourZEIKKO"Sir, diretso ba tayo sa opisina niyo?"Ipinikit ko ang aking mga mata at isinandal ang aking ulo sa aking kinauupuan. Ramdam ko ang bigat at pagkislot ng aking ulo dahil sa sakit nito."To her office."Saglit kong pinasadahan ang aking relo. Ilang oras na lang ay matatapos na ang shift niya. Wala naman na akong narinig pa mula kay Luis. I closed my eyes once again as I can't really bear the pain I feel anymore. "Sir, okay lang po ba kayo? Gusto niyo po bang dalhin ko muna kayo sa hospital?" "Don't bother. Just drive straight to her office," I said still my eyes closed.Muling natahimik ang loob ng sasakyan. I'd rather wait for her than to waste my time going to the hospital. Mawawala rin ito mamaya, at dahil lang siguro ito sa init. Huminga ako ng malalim. This is f*cking kill me. Nang marating namin ang office ay nagpaalam din agad Luis. I just asked him to drive me, kaya naman sumunod ito, ayoko naman na pigilan siya nang magpaalam siya dahil may pamilya rin s