Reen
TAHIMIK lang ako, habang nakikiramdam sa driver ko— este, sa gwapo pero wirdo kong kasama rito sa sasakyan.
Hindi ko alam kung saan niya 'ko dadalhin ngayon, pero kahit monggolord ang lalaking ito ay nasa mukha o itsura naman niya na mapagkakatiwalaan siya.
Sana nga ay hindi ako nagkakamali. Wala naman siguro siyang gagawing masama laban sa akin? Hindi naman yata niya ako pagkakaperahan— ibebenta sa kung kanino lang, or whats!
Bakit pa kasi ako nakakilala nang ganitong klaseng lalaki? My gosh talaga! Ang laki niyang sakit sa ulo.
Buhat nang umalis kami sa bahay na inuupahan namin ni Liller, at pilit niya 'kong pinasakay sa kotse niya, ay
Reen KUSA akong nagising mula sa mababaw na pagkakaidlip nang maramdaman kong tila may pares ng mata na nakatingin sa akin. Hindi ako nagkamali. Dahil nang idilat ko ang aking mga mata, ay mukha ng lalaking mokong ang bumungad sa akin. "Aalis na tayo." Mabilis akong nagtaka nang lumapit siya kung saan ako nakahiga, matapos niyang sabihin iyon. Agad na nanlaki ang mga mata ko, nang bigla niya 'kong buhatin! "Ano ba? Bitiwan mo nga ako—" "Tatah
Reen SINAMAHAN ko si Asher hanggang makarating kami sa unit na kanyang pagmamay-ari. Sa totoo lang, ay hindi ko alam kung paano ko siya aaluin upang kahit papaano, ay maibsan ang sama ng loob na nararamdaman niya dahil sa nangyari sa kanila ng daddy niya. Simula nang magkakilala kami, ay ngayon ko lang siya nakitang ganito. Tila wala sa kanyang sarili, at malalim pa sa dagat ang iniisip. Mabuti na nga lang, ay hindi kami naaksidente habang bumabyahe papunta rito. Mula pa lamang kasi sa byahe ay hindi na siya kumikibo, para bang mayroon itong mabigat na dinadala, dahil panay ang pagbuga niya nang hangin kanina. "Okay ka na ba?" Nakaramdam ako ng
Asher Wala sa sarili nang lagukin ko ang alak na laman ng basong hawak ko. Napangiwi ako, nang gumuhit sa ‘king lalamunan ang pait nito. F*ck! Napatitig ako sa bote na nasa harapan ko, nang makita kong ubos na ang laman nito. I would have taken another wine, but I was shocked to notice that the most important woman in my life had suddenly bowed. D*mn! “Reen?” I said as I gently tapped her. I took a deep breath when she answered me with a soft grunt. Oh, f*ck! She's drunk. “Yo
Reen "NAKALIGO KA NA PALA." Mabilis akong napatingin sa gawi kung saan nagmula ang tinig na nagsalitang iyon. "Uhm, o-ou, saka— hiniram ko na rin pala ito," Tinuro ko ang T-shirt na suot ko, pati na ang short na nakuha ko sa kanyang kabinet. Nakialam na ako, at hindi na inabala ang sarili ko na magpaalam pa sa kanya kanina dahil wala akong lakas ng loob na kausapin siya matapos maalala ang mga nangyari kagabi. Letse naman kasing ka-abnormalan ito! Mukhang lumabas tuloy na ako pa ang dinamayan niya nang samahan ko siyang umino. Bakit nga ba ginawa ko 'yon? "Okay ka lang ba?"
Reen HINDI ako mapakali buhat nang dumating kami ni Asher dito sa isang mamahaling restaurant. Yes, this are expenserve. As in, hindi pang poorest persons! Kahit hindi ako aral na tao at kahit na mahirap lang ako, ay alam ko naman kung ano ang pang mayaman sa pang mahirap na lugar. Nakasisiguro ako, na hindi ito kainang pangmadla. 'Pagkat ito'y isang pribadong lugar na hindi mapupuntahan ng kung sino lang. Napahinga ako nang malalim, nang mapansin ko na bukod sa aming dalawa ni Asher ay wala ng ibang customer na narito. Buong akala ko kanina ay normal lang na madalang ang pumap
Reen "YES, KUYA. DARATING AKO SA BIRTHDAY NI MARO." "Ayaw mo ba talagang sunduin kita riyan?" tanong nito mula sa kabilang linya. "Uh, h-hindi naman sa ayaw. Pero— 'wag na," Huminga ako bago muling magpatuloy sa pagsasalita. "Kaya ko naman ang mag-isa. Parang hindi mo naman ako kilala niyan, Kuya. Minsan, mas lalaki pa nga ako sa 'yo," Mahina akong tumawa matapos sambitin iyon. "Sure. Nagbabakasakali lang naman ako dahil nag-aalala ako sa 'yo. Anyway, mag-iingat ka. Message mo ako kapag nasa byahe ka na n'yon," bilin niya. "Shore, Kuya," masigla kong sabi. "Sige na, ha? Patayin ko na 'to. Pauwi kasi ako sa tinutuluyan ko, eh!" dagdag ko.
Reen "HI! GOOD EVENING." Mabilis akong natigilan sa paghakbang habang papasok sa loob ng bahay na aking tinutuluyan, nang isang bati mula sa kaibigan kong si Liller ang sumalubong sa akin. Hindi ako kaagad nakapagsalita, sapagkat hindi ko inasahan na ngayon pala siya darating dito. "Oh, bakit parang nakakita ka ng multo riyan?" Napakurap-kurap ako matapos marinig ang sinabi niyang 'yon. "Uhm, n-nandito ka na pala. Akala ko kasi— bukas pa ang dating mo?" sabi ko. "Kaya pala mukhang gulat na gulat ka, eh."
ReenISANG malalim na paghinga ang aking napakawalan habang nagre-reply sa mensahe ni Kuya Marv sa akin.Bukas na ang kaarawan ni Maro. Kaya ito, tamang remine na naman sa akin si Kuya.Teka, remine? Remines? Ah, bahala nga 'yan!Napahikab ako matapos kong mai-send sa kanya ang tinipa kong mensahe. Alas-tres na ng hapon. At papasok pa lang ako sa trabaho pero ang enerhiya ko ay pang uwian na.Ewan ko ba pero wala talaga ako sa mood ngayon. Para bang mas gusto ko na lang humiga sa maghapon. Paano ba naman, simula kagabi ay hindi na nagparamdam sa akin ang Asher na 'yon. Kahit isang text lang, wala.
Reen "Zabi, tama na ang paglalaro. We're going to eat," sabi ko habang nag-aayos ng mga kasangkapan na aming gagamitin para sa 'ming tanghalian. Napangiti ako nang maramdaman na huminto ang anak ko mula sa paglalaro. I am blessed to have an obedient and submissive child. Ewan ko, pero tila natutunaw ang puso ko habang pinagmamasdan siyang papalapit sa akin. "Mommy, where's Daddy? Hindi ba siya magla-lunch kasabay natin?" mahinang tanong niya habang nakatitig sa mga mata ko. "No, baby. Hindi natin makakasama si Daddy sa araw na ito, marami kasi siyang aasikasuhin dahil ilang linggo na 'yon hindi nagpapakita sa kumpanya nila, marami siyang kailangan
Two months later Reen NAPANGIWI ako nang maamoy ang isang matapang na pabango mula sa aking katabi. Badtrip! Ang sama-sama pa naman ng pakiramdam ko buhat kanina nang magising ako. Pinilit ko lang talagang pumasok, 'pagkat kailangan na kailangan ako rito sa opisina ngayong araw. Wala kasing nais pagkatiwalaan ang kaibigan ko kundi ako lang. Nandito ako ngayon sa isang conference room, kasama ang ilang board of directors at ang boss ko— si Morgan. Katatapos lang ng meeting nila pero hindi pa rin sila nagsisikalasan! My goodness, kalalaki nilang tao mga tsismoso. Sumama ako kay Morgan nang lumuwas ito sa Manila. Ginawa
ReenInis na inis ako sa sarili ko dahil kahit gusto ko siyang awatin ay wala akong magawa. Hindi ako makalaban, lalo nang maramdaman ko ang halik nito sa aking leeg, hanggang sa bumaba iyon sa 'king dibdib. Hindi ko alam pero tila napako ang aking atensyon sa mga ginagawa niya sa akin.Pinagmasdan ko siya habang ginagawa ang kanyang ibig sa 'king katawan. Hindi ko tuloy napigilan ang sarili kong alalahanin ang mga nangyari sa amin noon. Lalo na, ang unang gabi na pinadama niya sa akin ang kaligayahang tulad nang pinararamdam niya sa 'kin ngayon.Napatalon ang aking puso dahil sa galak, nang maramdaman ko ang pamilyar na kanyang malalim na halik nang muli niya 'kong halikan sa 'king mga labi.Aminado ako na mayroo
Reen RAMDAM na ramdam ko ang tensyon at hiya habang inaanunsyo ng Daddy ni Morgan na ako ang nais nitong maging sekretarya ng anak niya para sa kumpanya na pamamahalaan nito. Hindi ko maiwasang makaramdam nang takot at pagkabahala habang iniisip ang tungkol doon. Una sa lahat, wala akong alam sa pagtatrabaho sa mga kumpanya o opisina dahil wala pa naman talaga akong tinatapos kundi highschool. Pangalawa, masyadong mayaman ang magiging amo ko samantalang ako ay isang hamak lamang. Pangatlo, baka hindi ko iyon mapanindigan. Ma-disappoint ko sila. Hindi ko yata kakayanin ang kahihiyan na iyon! Sa sobrang kaba ay napabuga ako nang hangin. Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko, para akong nilalamig na naiinitan na ewan. Hindi ako mapakali mula sa 'king inuupuan. Hanggang sa m
Reen HINDI ko alam kung ano ang magiging reaksyon ko sa harapan nito. Kahit mahal ko pa siya, gusto ko na lang umalis ngayon dahil sa tuwing nakikita ko siya'y nasasaktan lang ako lalo. Huminga ako't nilakasan ang aking loob. Buong tapang kong pinutol ang pakikipagtinginan sa kanya. Bahagya akong yumuko saka pilit na hinakbang ang aking isang paa. Bibilisan ko sana ang paglalakad nang makalagpas sa kanya, pero bigla na lamang akong natigilan dahil sa paghawak nito sa 'king braso. Agad na namilog ang aking mga mata dahil sa kanyang ginawa. Lalo, nang buong lakas ako nitong ibalik kung saan ako kanina nakatayo. Napalunok ako nang muling magtama ang aming mga mata. Magsasalita sana ako pero hindi ko na tinuloy
Reen "ASHER . . ." Ramdam ko ang biglaang pag-init ng magkabilaang sulok ng aking mga mata. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko sa mga oras na ito, dahil tila naghalo-halo na ang aking nararamdaman. Litong-lito ako. Ewan, pero para bang huminto ang aking mundo. Nawalan ako ng pakialam sa lahat, maliban sa isang pares ng mata na nakatitig sa akin ngayon. Oh God . . . Pigil ko ang aking emosyon habang patuloy na nakatingin sa kanya. Hindi ko alintana ang paligid, maging kung ano ang ibig sabihin nang malalim niyang mga tingin. Galit siya sa akin? Hindi ba't dapat ako ang nakararamdam niyon, sapagkat siya ang ikakasal hindi ako? Ako dapat ang gumagawa ng mga ginagawa ni
Reen PASADO alas-singko ng hapon nang tawagan ako ni Morgan upang impormahan na malapit na siya sa gate ng inuupahan naming bahay ni Liller. Mabuti na lang pala ay inagahan ko ang pag-aasikaso sa 'king sarili kanina, kung hindi ay siguradong maghihintay siya sa akin nang matagal. Sobrang strict talaga niya sa oras. Alas-sais pa dapat kami magkikita, pero pasado alas-singko pa lamang ay narito na siya. Ewan ko ba, bago sa 'kin ang ganito dahil sanay ako sa Filipino time. Kung sa bagay, magiging president at CEO nga pala siya ng kumpanya nila. Bukod doon, tagapagmana siya. Kaya big deal talaga ang pagdidisiplina nito sa kanyang sarili.
Reen "ANONG KADEMONYOHAN ANG GINAWA MO?" Wala akong tiwala sa Ivo na ito. Kaya hindi ko maaaring pigilan ang sarili ko upang makapagtimpi sa walang kwentang tao na katulad niya. "Hindi mo ba talaga nage-gets?" Ngumisi ito sa harapan ko, tila nanunudyo at nang-iinsulto. "Maganda ka lang, pero tunay na tanga." Mabilis akong napaluha dahil sa sinabi niya. Kanina pa ako nasasaktan, higit sa sinabi niyang ikakasal na si Asher. Alam ko na hindi ko 'to dapat nararamdaman. Pero hindi ko maiwasan. Sumuko ako. Sinuko ko siya. Pilit ko siyang kinalimutan. Naging okay ako. At akala ko okay na talaga ako. Pero hindi.
Reen "Oh, Buknoy. Huwag mong kakalimutan 'yung bayad nito, ah? Gaigs ka patay ka talaga sa 'kin!" "Ou na, Ate Mureng! Ulit-ulit ka naman, eh!" "Maganda nang sure tayo! Aba'y syempre, seryoso dapat sa negosyo. Osiya, mag-ingat sa pag-drive, okay? Ebike lang ang dala mo kaya 'wag ka makipagsabayan sa mga naka-car or naka-motor. Respeto sa nakayayaman sa 'yo, ha?" Bahagya akong natawa nang mapakamot sa ulo si Buknoy. Sa dalawang taon ko rito sa Cebu, halos gano'n na rin katagal nang makilala ko siya dahil kay Morgan. Tauhan kasi ito sa bahay nila. At para gumaang ang trabaho ko dahil nag-aaral nga ako, siya ang nag-provide ng ebike para magamit ni Bu