"Sayang! Ganda pa naman sana kaso masyadong mailap sa tao".
"Feelingera talaga, kunwari dalagang Filipina, I bet sa gabi, daig niya la si Maria Ozawa""Truth! If I know, kaliwa't kanan ang sugar daddy niyan""Pre, tignan mo oh! Si Ellis pare! Sinubukan kong ligawan yan pero basged agad. Gusgo ko sanang magalit, kaso wala naman akong nabalitaan na pinalit niya sakin. Ganda niya talaga!"Ilan lang iyan sa naririnig kong bulungan habang naglalakad ako papunta sa gate. Uwian na pero nagkalat pa rin sila sa pasilyo. Okay lang sana kung yun lang ang ginagawa nila, kaso nagbubulungan pa at ang malala, dinig ko pa. Bakit ba kasi kung magbulungan sila e napakalakas.
Mas binilisan ko na lang ang paglalakad. Nang maratkng ang gate, agad akong pumara ng tricycle at sinabi kung saan ako bababa. Mahal ang pamasahe papunta sa bahay namin, bukod sa nasa tuktok na ng bundok, wala pang ibang bahay na nakatirik doon bukod sa bahay namin. Doble-doble tuloy ang binabayad kong pamasahe.
Halos apatnapu't limang minuto din ang byahe papunta sa amin at 200 pesos ang bayad. Nang makababa sa tricycle, ibinigay ko na ang bayad sa driver at nagpasalamat. Ang bahay namin ay napapaligiran ng bakod na gawa sa semento ang baba at itim bakal sa taas. Ang gate namin ay kulay itim din. Binuksan ko ang gate at agad na nakita si lola na nag wawalis sa bakuran. Si lolo naman ay nakaupo sa rocking, chair na gawa sa rattan, sa veranda. Kinawayan ako nila lolo't lola kaya kumaway ako pabalik. Binigyan ko din sila nang napakatamis na ngiti. Una akong lumapit kay lola na nasa bakuran lanb, nangmano ako sa kanya bago humalik sa pisngi."Apo ko, kamusta ang araw mo?" nakangiti si lola nang tanungin ako tungkol sa eskwela. Kahit na ang totoo'y nakakabagot sa school, ngumiti pa din ako kay lola at sknabing, "Okay naman po lola. Madami akong natutunan at excited na rin akong grumaduate ngayong taon" nasa ikaapat na taon na kasi ako ng kolehiyo sa isang community college sa bayan. Kinuha ko ang kursong agrikultura, malaki kasi ang lupang taniman nila lolo't lola, sabi nila sa akin nila yun ipapamana kaya agrikultura ang kinuha ko sa kolehiyo. "Mabuti naman. O siya, sige! Pumasok ka na, kumain ka na din. Bumaba sa bayan ang lolo, mayroong Jollibee sa mesa" natuwa ako sa narinig mula kay lola. Kaya pala naiba ang puwesto ng sasakyan ni lolo.Halos takbuhin ko ang daan papunta sa bahay. Nagmano ako kay lolo at humalik sa kanyang pisngi. "Sige na hija, alam kong gutom ka na" tumango ako at pumasok na sa loob. Nilagay ko ang bag ko sa upuan sa aking study table sa loob ng kuwarto ko. Kinuha ko din ang iPad bago pumunta sa kusina.Nakita ko ang isang balot ng spaghetti, large fries, dalawang burger steak at dalawang pirasong manok sa lamesa. Kumuha ako ng plato at nilagyan ito ng kanin mula sa kaldero, medyo marami akong nilagay dahil maraming ulam.
Susubo na sana ako ng kanin at burger steak nang marinig kong p sumigaw si lolo mula sa labas. "Hija, nag timpla kami ng gravy, nasa kaserola diyan!" sigaw ni lolo na nagbabasa ng diyaryo sa labas. "Sige po lolo!" Dali-dali akong kumuha ng bowl na paglalagyan ng gravy. Tinignan ko ang kaserola, halos kalahati pa ng kaserola ang lamang gravy. Pinuno ko ang maliit na bowl at nagsimula nang kumain.Binuksan ko ang iPad ko at pinanood ang Spirited Away, ilang beses ko na itong napapanood pero parang bago pa rin tuwing papanoorin ko. Buti na lang nagpakabit ng wifi sila lolo't lola. Ang mahal nga dahil nasa bundok kami pero ginastusan pa rin nila. Malakas ang signal ng wifi kahit nasa bundok kami, kaya naman madalas akon manood ng mga pelikula tuwing walang kailangang gawin na importante.Habang kumakain ay nanonood, narinig ko ang tahol ng aso namin na si Minchi, isang golden retriever."Minchi! Gusto mo nito?" sabay subo sa kanya ng piraso ng manok. Tumayo din ako para kunin ang kainan niya at lagyan ito ng dog food."Lola, lolo! Maglalakad-lakad po muna kami ni Minchin sa labas" alas tres na ng hapon. Alas dos ang uwian namim sa eskwela. Hindi na tirik na tirik ang araw kaya magandang maglakad-lakad. Malog ang simoy ng hangin at malinis din ang hangin, hindi gaya sa Manila.Hawak-hawak ang tali ni Minchin ay nagsimula na akkng maglakad paalis ng bahay habang nagmumuni-muni. Naaalala ko noon ang buhay ko sa Manila kasama ang mama at papa ko. Lumaki akong masayahing bata, madalas kong makalaro ang mga kaklase ko noon hindi gaya ngayon. Nagkng mabuting magulamg sa akin ang mama at papa ko, busy aila sa trabaho pero hindi nila ako nakakalimutang paulanan ng kanilang atensyon. Tuwing Linggo ay nagsisimba kami at kumakaim sa labas. Pumapasyal kami sa iba't ibang pasyalan, malayo man o malapit.
Sobrang saya ko noong lumalaki ako kasama ang mga magulang ko, pero mukhang may galit yata sa amin ang tadhana.
Noong araw ng graduation ko sa elementarya, sobrang saya ko, lalo na nang mga magulang ko. Proud na proud sila nang sabitan nila ako ng ilang medalya. Pumasyal kami sa paborito kong kainan, sa Jollibee. Nang araw din na iyon ay nagpunta kami sa Enchanted Kingdom, bilang regalo nila sa akin. Gabi na nang matapos kami sa pamamasyal. Pauwi na kami noong mga oras na iyon, sa pagkakaalala ko ay natutulog ako sa likod ng sasakyan hanggang sa magising ako sa malakas na tunig at puwera na tumulak sa akin kaya nalaglag ako sa sahig n sasakyan. Nawalan ako ng malay, pagkagising ko, wala na ang mga magulang ko. Nabunggo daw kasi sila sa isang truck, mabuto na nga lang daw at hindi ako natamaam sa likod. May ilan akong galos na nakuha ko daw sa aksidente. Wala akong paki sa mga sugat ko, ang laman lang ng isip ko ay ang katotohanang wala na sina mama at papa. Hindi ako makausap at halos hindi rin ako kumain. Hanggang sa dumating sina lolo at lola sa hospital. Kinuha nila ako at dinala sa isang tahimik na probinsya. Nanirahan kami ng maayps dito sa bundok, at hanggang ngayon, hindi ko pa rin alam kung nasaan ang bangkay ng magulang ko. Tinanong ko iyon kanila lola pero ang sabi nila ay sa Manila daw sila inilibing, nagtataka nga ako kung bakit ni isang beses ay hindi namin sila dinalaw. Masyado bang malayo ang probinsya na ito sa Manila? Siguro, kapag naka-graduate na ako sa kolehiyo ah susubukan kong dalawin ang puntod nila mama at papa. Baka nagtatampo na sila sa akin. Baka sabihin nila, ang kaisa-isahang anak nila ah hindi pa sila madalaw sa kanilang puntod.Pinunasan ko ang butil ng luha na pumatak mula sa aking mga mata. Tumingin ako kay Mochi na mariing nakatitig sa akin, nakikisimpatya.Nilaro ko si Minchin para mawala sa isip ko ang malungkot na alala sa aking magulang. Tuwang-tuwa ang aso sa pakikipaglaro ko sa kanya.Patuloy kong nilaro si Minchin hanggang sa makarinig ako ng ingay sa hindi kalayuan. Napakadalang na makakita ako ng ibang tao sa bundok, malaking porsyento kask ng lupain ay pag-aari ng lolo at lola. Nakalayo na ba ako ng sobra?Dala ng aking kuryosidad, sinundan ko ang pinanggagalingan ng tunog. Para kasing may hindi magandang nangyayari. Hindi kaya tunog yun ng isang hayop na pinupuluputan ng ahas?Dinig na dinig ko na ang ingay ng mga daho na natatapakan o nadadaganan ng kung ano man.Sa likod ng isang napakalaking puno, kitang kita ko ang dalawang lalalaking... nagsusuntukan? Hindi ko alam kung mabagal ako o talagang mabilis lang silang kumilos. Halos hkndi ko masundan ang mga galaw nila, pero sigurado akong nagkakasakitan sila.Parehong walang pang-itaas ang dalawang lalaki. Ano ba kasing ginagawa nila? Trainin ba ang ginagawa nila? Boksingero ba sila? O sadyang nagkaimitan lang at nauwi sa suntukan? Anong gagawin ko? Pipigilan ko ba sila? Baka mapatay nang isa ang isa pa.
Hindi pa man ako nagdedesisyon ay kusa nang gumalaw ang katawan ko patungo sa dalawang lalaki. Patuloy la din sila sa pagpapalitan ng suntok, marahil ay hindi pa nila ako napapansin dahil masyado silang tutok sa isa't isa.
Takot man sa nangyayari, itinuloy ko na lang ang paglapait sa kanila. Di ko inaasahan ang paglapit biglaan nilang pag gulong papunta sa puwesto ko. Napatid yata sila sa sanga ng isang puno.Naghiwalay ang dalawa at napahiga sa bandang paanan ko. Dinungaw ko sila sa paanan ko, agad akong nahiya sa puwestk nila. Buti na lamang at naka shorts ako at hindi palda. Pero para makasigurado, tjnignan ko ang suot ko. Isang itim na oversized t-shirt, puting sapatos at denim short. Medyo okay naman pala.
"What are you.." naputol ang dapat sana'y sasabihin ko nang magulat dahil sabay kaming tatlo na nagsalita."Who are you?" pareho nilang tanong."...doing?" pagtatapos ko sa tanong ko.Tumayo silang dalawa at pinagpagan ang katawan nila. Napatakip ako nang mata ko nang humarap sila sa akin. Wala kasi silang suot ma damit, ayaw kong makita ang tihan nila na mabato."Tsk!" hindi ko alam kung sino sa kanila ang gumawa nun.
Bago ko pa man tanggalin ang takip sa mga mata ko, nadinig ko ang mabilis na yabag papaalis sa kjng saan ako nakatayo. Nang matanggal ko na ang takip sa mata ko ay wala na sila sa harapan ko. Tinignan ko sa likod si Minchi, nabitawan ko na kasi ang tali niya nang puntahan ko ang dalawang lalaki.
Nagulat ako nang makitang galit ang aso ko. Hindi kaya's nagagalit siya kasi nakikitang nag-aaway yung dalawang lalaki? Siguro nga!
"Bad yun diba Minchin?" muli naging masaya ang aso nang kausapin ko. Sinadya ko pang panipisin ang boses nang kausapin si Minchin. Gustong gusto niya kasi kapag bini-baby talk siya.Hindi ko na lang inintindi ang nagyari kani-kanina lang at naglakad na lang ako pabalik sa bahay namin.Pag uwi sa bahay ay nakita kong natutulog si lolo at lola sa kuwarto nila kaya naman pumunta na lang ako sa kuwarto ko at nag aral ng ilang lesson na maaaring talakayin bukas. Ayaw ko kasing mawala sa honor list, kaunti na lang ay ga-graduate na ako, ngayon pa ba ako babagsak?
Alas-sais na ng gabi nang matapos akong mag-aral at gumawa ng ilang take-home activity. Tinugnan ko ulit sina lolo at lola sa kanilang kuwarto, napangiti ako nang makitang mahimbing silang natutulog.
Pumunta ako sa kusina para mag saing at magluto nang ulam. Matapos mag saing, habang hinihintay itong kumulo ay sinimulan ko nang lutuin ang ulam. Nagluto ako ng anim na fried chickem at pinirito ko din ang hinanda ni lolang shanghai sa refrigerator.
Pagkalipas ng isang oras ay hinanda ko na ang lamesa at saka tinawag si lolo at lola. Natuwa sila nang makitang maayos na ang lahat, kakain na lang. Bago magsimulang kumain ay hinanda ko muna ang kakainin ni Minchin, para naman sabay-sabay kaming apat na kakain.
Kinuha ko ang ice cream sa ref, may vanilla at rocky road flavor, nilabas lo iyon pareho at niligpit ang mga plato na ginamit namin. Huhugasan ko ang mga ito pagkatapos. Sa ngayon ay kakain muna kami ng ice cream. Kumuha alo ng maliliit na bowl at kutsara, pati na din ang ice cream scoup.
Nilagyan ko ng ice cream ang aming mga bowl at nagsimula na kaming kumain ng ice cream. Pero bago ko sila hinayaang kumain ng ice cream ay pinainom ko muna sila ng gamot nila, matanda na kasi si lolo at lola, malakas pa silang pareho pero matanda na. Umiinom na sila ng maintenance medicine na nasa prescription ng doctor sa bayan. Buwan-buwan silang nagpapa check-up para siguraduhing maayos ang health nila at wala silang kahit anong karamdaman.
Pasulyap sulyap ako kanila lolo at lola. May gusto kasi akong itanong, isang tanong na ngayon ko pa lamang isasatinig.
"Lolo? Lola?" panimula ko. Sobra akong kinakabahan dahil nga ngayon ko lang bubuksan ang topic na ito. Wala akong ideya sa kung ano ang magiging reaksyon nila lolo at lola. Mula din ng dalhin nila alo sa poder nila ay hindi nila nabanggit ang tungkol sa bagay na ito. Noon ay naiintindihan ko kung bakit ayaw nilang pag-usapan ang bagay na ito, dahil nga sariwa pa ang memoryang ito at marahil na rin sa maaaring epekto nito sa akin.
"Ano iyon apo? May gusto ka bang sabihin?" si lolo ang sumagot sa akin pero batid kong ang atensyon nilang dalawa ay parehong nasa akin.
"May gusto po kasi akong itanong" pinipilit kong huwag tumingin sa lamesa at tumingin lang sa mata nila.
"Ano iyon hija?" si lola na kumakain pa rin ng ice cream. Pati si lola ay kumakain pa din. Ako na lang yata ang hindi. Hindi pa ako tapos, halos kalahati pa mg bowl ang ice cream ko, pero nahihirapan na kasi akong lumunok dahil sa sobrang kaba.
"Baka naman gusto niyang sumali sa paligsahan ng magaganda. Iyon yata ang beauty pageant na narinig natin sa bayan kaninang umaga" sumingit si lola sa usapan. Magsasalita na sana ako kaso naunahan niya ako. Lalo tuloy akong kinabahan. At isa pa, anong beauty pageang naman ang sinasabi ni Lola? Hindi ko naman hilig ang mga ganong patimpalak.
"Iyon ba hija? Aba'y sige! Sumali ka. Napakaganda mo hija, siguradong mananalo ka! Huwag kang mag-alala., maghahanap tayo ng magaling na mananahi para maganda angisusuot mo sa beauty pageant na iyon" lumakas na ang boses ni lolo dahil sa tuwa. Gusto ba nila akong sumali sa mga ganyang bagay? Nakakatawa dahil parang handa ma siyang maglabas ng pera at humanap ng mananahi.
"Tama ang lolo mo, apo. Napakaganda mo, siguradong sa bayan na ito, wala nang mas gaganda pa sayo" gatong pa ni lola. Sa school ay ilang beses na akong inalok na maging muse ng kung anong organisasyon, nminsan nga ay inalok din akong maging opisyan na representante na school. Peri ang lahat ng iyon ay tinanggihan ko. Hindi ko kasi talaga gusto ang mga ganong ganap.
"Hindi po lolo, lola" natahimik sila at nag-isip dahil sa sinabi ko. Magsasalita na sana ako para sabihin na ang tanong ko pero muli akong natigil nang magsalita si lolo.
"Baka naman may lakad kayo ng mga kaibigan mo? Saan ba ang punta ninyo, ano namang gagawinmo doon? Papayag naman kami basta't ipapangako mo na ligtas sa pupuntahan mo at ligtas ka mula sa kapahamakan" napahugot ako ng hininga, ni minsan ay wala akong sinabi sa kanila tungkol sa kaibigan ko dahil wala naman akong kaibugan sa school o kahit saan man. Iniisip yata nila na marami akong kaibigan kahit ang totoo'y wala. Pero mabuti na iyon kesa mag-alala pa silakapag nalamang wala akong kaibigan.
"Oo, hija. Papayag kami ng lolo ko. Basta't huwag mong pababayaan ang sarili mo sa kumg saan man kayo pupunta. Alam mo namang ikaw nalang ang meron kami" bahagya akong nakaramdam ng lungkot dahil sa sinabi ni lola. Alam ko naman na ako na lang ang pamilya nila, ganoon din naman ako sa kanila.
"Ano ba iyon hija?" tanong ni lolo, nahalata na siguro nila na hindi iyon ang pakay ko. Huminga ako ng malal bago nagsalita.
"Lolo? Lola? Hindi po ba natin pupuntahan ang puntod nila Mama at Papa?" hindi ko kinaya ang kaba, napatingin ako sa lamesa habang kinakalikot ang kamay ko na nakapatong sa hita ko. Halos isang minuto ako sa ganoongposisyon bago ako muling huminga ng malalim.
Nanlaki ang mara nang makita ang emosyong namamahay sa kanilang mata. Hindi ko inaasahan ang ganitong reaksyon mula sa kanila. Labi akong nagtaka sa nakitang emosyon na nakikita ko sa mga mata nila. Bakit? Nalilitong tanong ko sa sarili ko. Hindi ko maintindihan. Niloloko lang ba ako ng mga mata ko? Hindi eh! Pero bakit? Bakit ang emosyong nakikita ko sa mga mata nila ay...
GALIT?
Kinabukasan, laman pa din ng isip ko ang naging reaksyon nila lolo at lola. Kakaiba kasi yung galit na nakita ko sa mga mata nila. Tinanong ko sila kagabi kung bakit ganoon ang naging reaksyon nila ang sabi nila, nagagalit daw sila dahil kinuha ang kanilang anak sa ganoong paraan, nakakagalit daw kasi ang aksidente, ani pa nila'y yung truck driver ang may kasalanan. Nagagalit daw sila kasi dahil sa kapabayaan ng truck driver, namatay ang mga magulang ko at naging malaki ang epekto ng aksidente sa akin noong bata pa ako. Yun daw ang kinakagalit nila. Naniwala naman ako, kung sa anak at apo ko din yun mangyari, magagalit din ako sa gumawa nun sa kanila. Pero iba ang pakiramdam ko sa galit nila lolo at lola, parang kakaiba, parang meron silang alam na hindi ko alam at yung katotohanan na tinatago nila sa akin ay ang dahilan ng galit nila. Hindi na ako nag tanong pa ulit, hindi ko na din inusisa ang dahilan kung bakit labis na lamang na galit ang nararamdaman nila
"Apo, sigurado ka ba na kaya mo na iyan? Baka mapahamak ka sa daan" kumportable na akln nakaupo sa driver's seat ng sasakyan ko nang biglang lumitaw ang pigura ni lolo sa bintana at sa likod niya ay si lola. Kahapon lang binili ang sasakyang ito. Binilhan ako nila lolo at lola nang sarili kong sasakyan para hindi na ako mahirapan sumakay pauwi at pumunta sa kung saan ko man naisin. Gusto ko na kasin gamitin agad itong sasakyan para mabilis akong masanay na manehuhkn ito. Limang araw ko na ring pinagpapraktisan ang kotse ni lolo kaya tingin ko ay kaya ko na."Kaya ko po ito, lolo. Mag-iisang linggo na akong nag-eensayo ng pagmamaneho. Medyo gamay ko na ito. Hindi naman sobrang layo ng bayan, nasa kalahating oras lang naman ang biyahe papunta sa bayan. Kaya ko na ito, lolo, lola. Huwag na po kayong mag-alala" alam kong papayagan nila ako, talagang nag-aalala lang sila kaya medyo nagdadalawang isip sila pero alam kong sa huli, pagbibigyan pa rin nila
"Apo, sigurado ka ba na kaya mo na iyan? Baka mapahamak ka sa daan" kumportable na akln nakaupo sa driver's seat ng sasakyan ko nang biglang lumitaw ang pigura ni lolo sa bintana at sa likod niya ay si lola. Kahapon lang binili ang sasakyang ito. Binilhan ako nila lolo at lola nang sarili kong sasakyan para hindi na ako mahirapan sumakay pauwi at pumunta sa kung saan ko man naisin. Gusto ko na kasin gamitin agad itong sasakyan para mabilis akong masanay na manehuhkn ito. Limang araw ko na ring pinagpapraktisan ang kotse ni lolo kaya tingin ko ay kaya ko na."Kaya ko po ito, lolo. Mag-iisang linggo na akong nag-eensayo ng pagmamaneho. Medyo gamay ko na ito. Hindi naman sobrang layo ng bayan, nasa kalahating oras lang naman ang biyahe papunta sa bayan. Kaya ko na ito, lolo, lola. Huwag na po kayong mag-alala" alam kong papayagan nila ako, talagang nag-aalala lang sila kaya medyo nagdadalawang isip sila pero alam kong sa huli, pagbibigyan pa rin nila
Kinabukasan, laman pa din ng isip ko ang naging reaksyon nila lolo at lola. Kakaiba kasi yung galit na nakita ko sa mga mata nila. Tinanong ko sila kagabi kung bakit ganoon ang naging reaksyon nila ang sabi nila, nagagalit daw sila dahil kinuha ang kanilang anak sa ganoong paraan, nakakagalit daw kasi ang aksidente, ani pa nila'y yung truck driver ang may kasalanan. Nagagalit daw sila kasi dahil sa kapabayaan ng truck driver, namatay ang mga magulang ko at naging malaki ang epekto ng aksidente sa akin noong bata pa ako. Yun daw ang kinakagalit nila. Naniwala naman ako, kung sa anak at apo ko din yun mangyari, magagalit din ako sa gumawa nun sa kanila. Pero iba ang pakiramdam ko sa galit nila lolo at lola, parang kakaiba, parang meron silang alam na hindi ko alam at yung katotohanan na tinatago nila sa akin ay ang dahilan ng galit nila. Hindi na ako nag tanong pa ulit, hindi ko na din inusisa ang dahilan kung bakit labis na lamang na galit ang nararamdaman nila
"Sayang! Ganda pa naman sana kaso masyadong mailap sa tao"."Feelingera talaga, kunwari dalagang Filipina, I bet sa gabi, daig niya la si Maria Ozawa""Truth! If I know, kaliwa't kanan ang sugar daddy niyan""Pre, tignan mo oh! Si Ellis pare! Sinubukan kong ligawan yan pero basged agad. Gusgo ko sanang magalit, kaso wala naman akong nabalitaan na pinalit niya sakin. Ganda niya talaga!"Ilan lang iyan sa naririnig kong bulungan habang naglalakad ako papunta sa gate. Uwian na pero nagkalat pa rin sila sa pasilyo. Okay lang sana kung yun lang ang ginagawa nila, kaso nagbubulungan pa at ang malala, dinig ko pa. Bakit ba kasi kung magbulungan sila e napakalakas.Mas binilisan ko na lang ang paglalakad. Nang maratkng ang gate, agad akong pumara ng tricycle at sinabi kung saan ako bababa. Mahal ang pamasahe papunta sa bahay namin, bukod sa nasa tuktok na ng bundok, wala pang ibang bahay na nakatirik d