Napagdesisyunan nilang maidlip muna sa sobrang antok pagkatapos nilang magpamassage. Tapos after an hour kumatok na naman si Jane dahil lunch time na. Niyaya na rin nilang sumabay si Jane sa pagkain. "Nay Nita si Cris po ba saan maglulunch?" Tanong ni Jen habang natulong maghain sa mesa. "Pinahatiran ko na lang, gawa ng hindi ko alam kung anong oras siya makakauwe" sagot naman ni Nay Nita. "Anong uri po ba ng mga isda ang inaalagaan doon sa fish sanctuary?" Tanong naman ni Nadine. "Ah madami, may talakitok, lapu lapu, blue marlin at madami pang ibang masasarap na isda. Gusto nyo bang puntahan natin? Kaya lang magbabangka tayo kasi may kalayuan yun eh" pagpapaliwanag naman ni Nanay Nita. "Wag na po baka makaabala pa kami sa ginagawa nila" sabi naman ni Jen. "Saglit lang tayo, pakainin lang natin yung mga isda para magsilabasan at makita nyo, tapos alis na tayo, wag na lang natin tawagin si Cris sa ginagawa nila". "Pwede nga rin dun bumaba sa tubig kasi hindi naman kalaliman, pa
Natanaw na nila sila Nadine na nagsisimula ng magpakain sa mga isda, habang siya naman ay hinawakan ni Cris sa kamay na pilit naman niyang inaalis baka makita na naman siya ni Nadine. Na napansin naman ni Cris ang pag iwas niyang hawakan sya. Tumigil si Cris sa paglalakad at hinawakan ulit si Jen sa kamay at hinarap siya. "Ahm Jen, may itatanong lang ako sayo, pansin ko lang kasi simula ng dumating si Nadine, parang iniiwasan muna ako?" "Hindi naman, kaya lang kasi ayaw ko sanang makaistorbo sa inyo ni Nadine, moment nyo iyun eh" pagpapaliwanag ni Jen pero hindi sya makatingin kay Cris sa mata, ibinaling nya ang atensiyon doon kina Nadine na abala sa pagpapakain ng isda. Nagsimula ulit sila maglakad, at inalis ulit niya pagkakahawak ni Cris sa kanya, baka makita sila ni Nadine. "Gusto ko lang linawin sayo na kaibigan na lang talaga ang turing ko kay Nadine. Tsaka may iba na akong gusto, nag aantay lang ako ng tamang pagkakataon" sabi naman ni Cris. Malapit na pala sila sa
Habang si Jen ay kumakanta, si Nadine naman ay napasulyap sa kinaroroonan ni Paul. Biglang tungo ni Paul para matakpan nya mukha niya ng sombrero, at dahan dahan niyang inangat ulit mukha nya para silipin ulit si Nadine. Ngunit si Nadine ay nanatiling nakalingon sa kanya na para bang nangingilala at parang may sinabi kay Jen. Dali daling tumalikod si Paul at umalis bago pa siya nakita ni Jen. Nagpatuloy sila sa pagkanta, kasi ang inisip nila baka kamukha lang ni Paul. Nakatatlong bote yata sila ng beer bago nagyaya si Nadine na bumalik na muna sila sa room at magpahinga at parang may talab na ang ininom nila. At dahil nga sa ininom nila, habang naglalakad sila pauwe ay tawa sila ng tawa sa mga simpleng joke lang nila pareho. Kaya hindi nila napansin na nakalapit na sa likod nila si Paul. Natatakot siguro na baka may mambastos sa mga dinadaanan nila na mga lalaki doon. Kaya paglingon nila pareho ay napatigil sila sa pagtawa. Sabay sabi ng Paul! Si Paul naman na parang galit yun
Lumabas si Paul ng bahay at nakita si Jen at Cris. "Pare, aalis muna ako, pasensya na." Kumaway lang si Cris at saktong mulat ni Jen na nagitla pa at nasa harapan niya si Cris. "Kanina ka pa ba diyan?" "Oo" seryosong sabi ni Cris habang titig na titig kay Jen. Kumunot ang noo ni Jen at nailang sa inasal ni Cris. "Bakit may dumi ba sa mukha ko?" Tanong ni Jen. "Wala, bakit masama bang tingnan ka sa mukha?" Pabulong na sabi ni Cris habang nakahalumbaba din. Magkalapit na ang mukha nila pareho. Kaya si Jen na parating umiiwas ng tingin kay Cris ay malaya na niyang pinagmasdan ang mukha ni Cris nang malapitan. Pakiramdam niya naririnig ni Cris ang pagtibok ng puso niya. "Amoy alak yata hininga mo, uminom ba kayo?" Saad ni Cris na halos 1 inch na lang ang layo ng mga ilong nila. Tumango lang si Jen, dahan dahang inilapit ni Cris ang labi niya sa labi nito. Si Jen naman ay medyo nagitla kahit alam na niya ang mangyayari. Hinawakan ni Cris ang baba ni Jen habang marahan niyang
Tapos na rin sila kumain, habang ninanamnam nila ang wine kasama ang music. Si Paul naman ay halos lango na rin sa alak. At nakita pala siya ni Nadine pagpasok pa lang nila sa resto. Hindi lang siya nagpahalata na nakita niya si Paul. Parang tinablan si Paul sa kinakanta habang titig na titig kay Nadine. 'You have no right to ask me how I feel, you have no right to speak to me so kind' na hindi rin maiwasan ni Nadine na masulyapan si Paul. Hanggang sa lyrics ng kanta na 'well, I have learned to let you go, and if you lost your love for me, you never let it show. There was no way to compromise, so now were leaving separate lives'. Hanggang sa may kumakausap na kay Paul na dalawang lalaki na parang waiter. Medyo nag alala si Nadine kaya binulong niya kay Jen ang nangyayari kay Paul. Umalis naman agad ang dalawang lalaki kaya medyo kumalma din ang pakiramdam ni Nadine. Ang iniisip kasi niya baka mapaaway si Paul. Biglang nagsalita ang bokalista ng banda. "Good evening guys, pwede p
Nads, pwede ba tayo mag usap?" Tiningnan lang siya ni Nadine at walang sinabi, habang balik sa pagbabasa ng nasa phone niya. Umupo sa tabi niya si Paul. "Asan nga pala si Cris at si Jen?" "Nasa tabing dagat namamasyal" sagot naman niya. "Nads , alam ko mahirap paniwalaan ang sinasabi ko, kung ayaw mong maniwala okay naiintindihan ko basta sana payagan mo akong makalapit sayo para mapatunayan sayo na seryoso ako sa mga sinasabi ko." Tiningnan lang ulit siya ni Nadine, at pinagpatuloy ang pagbabasa ng nasa phone niya. "Ahm, kahit sana ngayong gabi lang at wala man lang akong makausap dito" dagdag pa ni Paul. Saka nakaimik si Nadine nang "bakit kasi pumunta ka pa dito, alam mong mag isa ka lang." "Dahil sayo at gagawin ko ang lahat bumalik ka lang sa akin". "Bakit naging sayo ba ako dati?" "Oo, nagpromise ka sa akin noong bata pa tayo na ako lang ang papakasalan mo di ba?" Napatawa na si Nadine sa sinabi ni Paul. "Hahaha, para kang bata, bumenta naman yung joke mo
TRIGGER WARNING "MATURE THEMES AHEAD" "Don't worry, I'll be gentle" usal ni Paul sa tenga nya. "Bakit mo ako tinali" pabulong na sabi ni Nadine. "Kasi gusto ko habang nasasarapan ka sa ginagawa ko, sasabihin mo sa akin at para sa bibig mo mailabas ang sarap na ipaparamdam ko sayo ngayong gabi." Pabulong ni Paul habang padampi dampi siyang hinahalikan nito sa d*d*. Napapaliyad siya at parang nakikiliti habang nag aalala niyang sinabi na baka dumating na sila Cris. "Relax nachat ko na si Jen para hindi umuwi." "Baliw ka talaga" habang napapasinghap siya sa ginagawa ni Paul. Hinahalikan siya ni Paul ng dahan dahan at pababa ng pababa, hanggang sa ibuka nito ang legs niya at dinilaan ang nasa pagitan ng legs nya. Napalakas ang ungol nya, at kagat labi dahil hindi niya maihawak mga kamay niya. Pati paa nya ay hindi alam kung paanong movement dahil sa sensasyon na nararamdaman nya. Sobrang sarap ng pakiramdam nya na hindi nya alam baka napalakas na ang pag usal niya ng Paul.Lalong
That night also between Cris and Jen..... Akbay akbay ni Cris si Jen habang binabaybay ang pauwi sa kanila. Doon na kasi sila magpapalipas ng gabi dahil nga andoon si Paul sa kwarto nila. Walang kaimik imik si Jen habang naglalakad, dahil natatakot siya sa maaaring mangyari sa kanya lalo na at masyado ng touchy si Cris sa kanya. "Parang ang lalim ng iniisip natin mahal ah" sabi ni Cris. "Mahal ka diyan, bakit sinagot na ba kita?" Pagtataray ni Jen. "Hindi pa, pero papunta din iyun doon." sabi ni Cris at hinawakan na naman ang kamay niya at hinalikan. "Basta ipangako mo sa akin doon ako matutulog sa guest room nyo ha." Sabi ni Jen. "Naku, wala na pala kaming guest room, kasi ginawa ng kwarto ni ate Jane iyun eh." "Hala saan ako matutulog?" "Eh di sa kwarto ko". "Naku, uwi na lang kaya ako." Pag aalala ni Jen. "Aabalahin mo pa yung dalawa dun, eh pwede naman nating gayahin." Pabulong na sabi ni Cris. "Heto na nga ang kinakatakutan ko sayo eh" pag aalalang sabi
"Babe naman eh, ayan ka na naman" sabi ni Nadine, pero may lambing na ang boses niya at babe na ang tawag niya kay Paul. "Babe ulitin mo nga ang sinabi mo? Ang sarap pakinggan ng boses mo lalo na pag malambing at lalo na pag naririnig ko na babe na ang tawag mo sa akin." ""Babe mahal na mahal kita, is that enough?" pabulong ni Nadine kay Paul. Niyakap siya ni Paul sabay sabi nang..."Babe sampalin mo nga ako?" "Hala, bakit?" takang tanong ni Nadine. "Kasi gusto kong malaman na lahat nang nangyayari sa atin ngayon ay totoo na at hindi kagaya dati noong andito tayo sa resort na eto. Pag uwi natin nag iba ka na." Ngumiti si Nadine sabay hinalikan siya nito. Ginantihan naman niya ito ng yakap at kinulong na niya ito sa mga bisig niya habang nakaupo lang sila sa kama na wala pang naisusuot na damit. "Babe naalala mo yung pumunta ka dati sa boarding house at isusuli mo nga ang backpack ko at tinawag mo akong babe?". Tumango lang si Nadine at ngumiti. "Gising ako nun, at baka pag hi
Para mas lalong romantic ang gabing iyun, binulungan ni Cris si Jen. Nagrequest sya ng isang love song mula kay Jen. Gusto ulit niya marinig ang magandang boses nito. Nawala kasi ang music after ng presentation, kaya muling nagpatugtog ulit at tumayo na si Jen para kumanta. "Ladies and gentlemen, good evening. I would like to serenade the beautiful couple, Nadine and Paul, with a song. And to you as well, mahal." nakangiting sabi ni Jen habang nakatingin kina Paul at Nadine. At syempre sa kanyang pinakamamahal na may kasamang irap sa huli, kaya napatawa na lang si Cris. Pati sila lola at Nay Nita napatawa sa inasal ni Jen, alam din nilang medyo jolly type ang kagaya ni Jen. Nagsimula na siyang kumanta, biglang napatayo silang lahat sa pagkabigla at hindi nila inaasahan na maganda ang boses ni Jen na pwede ng ilaban. At si lola napapalakpak at gandang ganda sa boses ni Jen. Si mama Emily naman napaiyak, iyun ata ang kanilang theme song ni mang Berto. Medyo luma na kasi ang piniling k
Biglang tumayo sila mama Emily at lola nang makita na nila sila Paul. "Andito na pala sila, pwede na ba tayong pumunta?" tanong ni mama Emily sa kanila."Anong oras na ba?" sabi naman ni Jen."Seven o clock na, tara na, mukhang ready naman na ang lahat. Lalo ka na babe" sabi naman ni Paul habang papalapit kay Nadine at ginawaran pa niya ito ng halik, sabay bulong nang "ang ganda mo talaga babe, parang mahihirapan ako nito"."Bakit""Kasi ang hirap pigilin ng nararamdaman ko sa tuwing katabi kita". "Eh, doon na lang ako matutulog mamaya sa kwarto nila lola, para hindi ka na mahirapan, ganun lang kasimple yun.""Wag naman ganun babe, parusa na ang gagawin mo sa akin eh." "Ewan ko sayo, hirap mong kausap" natatawang sabi ni Nadine, habang akbay siya ni Paul na naglalakad papunta sa venue. "Sila nay Nita at ate Jane?" tanong ni Nadine kay Paul."Andoon na yata, kasi mas malapit sila doon eh". Sakto at andoon na rin si nay Nita at Jane sa venue. Nakahanda na rin ang mesa nila. Halo
Hindi makapaniwala si Jen. Parang gusto niya kurutin ang sarili niya. Kaya para siyang natitigilan, sa isip niya, baka panaginip lang ito. Nakaluhod na si Cris, ang tagal niyang sumagot kaya naghihiyawan na ang mga tao. Kaya nang matauhan siya napaluha na siya bago sumigaw ng yes at napalundag pa siya sa tuwa. Hinalikan niya si Cris na halos ayaw na maghiwalay ng mga labi nila, parang wala na siyang pakialam kung maraming tao sa paligid. Kaya nagsigawan ulit yung mga tao sa paligid at may sumigaw nang, mga bata takpan niyo ang mga mata niyo. Kumakanta pa rin ang banda habang sinusuot ni Cris ang singsing kay Jen, at tuloy tuloy na umagos ang luha niya sa tuwa. Kasi kahit sa pangarap hindi pa niya naiisip ang ganitong pangyayari na para sa kanya. Si Nadine naman ay hindi maiwasang napaluha na din sa sobrang saya niya para sa kaibigan. Halos umayon lahat sa plano at panahon ang mga nangyari. Kahit sinong nakasaksi ay kinilig sa kanila. Lalo na at may music pa na nagpeperform. Kanina p
At eto na nga ang pinakaaantay nilang lahat. Hindi nila maitatanggi na lahat sila excited. At may kanya kanya silang rason kung bakit. Wednesday na ng umaga halos lahat abala. Sa bahay nila Paul ay nagluluto na si lola at mama Emily ng almusal. Si Nadine naman ay tumulong na din. Samantalang kina Jen at Cris naman ay halos tulog pa ang dalawa. Gawa nang sabi naman ni Cris ay gabi pa gaganapin ang pagpropose ni Paul kay Nadine. Kaya patanghali na sila aalis. Kina Paul naman ang instruction daw ni Cris ay dapat maaga sila at mauuna dapat sila. Para pagdating naman nila ni Jen, andoon na silang lahat. Napapatawa na lang si mama Emily at lola dahil alam nila ang lahat na double ang magpopropose na magaganap. Isinama na nila mama Emily si lolo kasi mabilis naman ang recovery nito. Nakakaupo na siya sa wheelchair. At maigi din ang simoy ng hangin sa dagat para kay lolo. "Ready na ba ang lahat? sabi ni Paul habang pinapaandar ang sasakyan. "Si lola po, asan na?" tanong ni Nadine kay M
Sa bahay naman nila Paul, Friday ng umaga pagkagising ni Nadine, andoon pa rin sa tabi niya si Paul. Nakayakap na naman ito sa kanya. Dahan dahan niyang inaalis ang kamay nito at babangon na sya. Lalong hinigpitan nito ang pagkakayakap sa kanya, kahit nakapikit pa ito. "Alam ko gising ka na, alisin mo nga kamay mo at babangon na ako. Bakit hindi ka pa pumasok ngayon? Okay naman na ako eh, kasi di ba sa Wednesday aabsent ka ulit at pupunta naman sa beach." "Baka kasi pag umalis ako, umalis ka na rin." sabi naman ni Paul. "Ah yun pala ang dahilan mo kung bakit ayaw mong pumasok. Magpapaalam naman ako pag aalis na ako eh. Tsaka hìndi naman pwedeng dito na ako tumira." "Pwede naman na dito ka na tumira" sabi naman ni Paul. "Bitawan mo na nga ako at ako'y naiihi na. Tutulong pa ako kay lola sa pagluluto ng almusal" ani Nadine. Napapangiti na lamang siya habang naglalakad papuntang cr. Ang isipan na ayaw na siyang paalisin ni Paul at takot nito na umalis siya, ay sobrang saya ni
Maagang nagising si Cris. Alam niyang sa canteen na si Jen nag aalmusal. Kaya nagluto na sya nang maaga para sabay na sila at huwag na sa canteen kumain si Jen.Pagkatapos niya magluto bumalik ulit siya sa kwarto para gisingin si Jen. Pinagmamasdan niya ito bago gisingin. Nakahubad pa rin ito at may kumot lang. Hinawi nya ang buhok ni Jen para mapagmasdan pa ito sa mukha habang tulog ito. Mahal na mahal niya ito at sigurado siya sa desisyon nya. Pakakasalan niya si Jen at sa palagay niya ito yung pinakatamang desisyon niya. Marami rin siyang nakarelasyon noon pero kahit minsan hindi sumagi sa isip niya ang kasal. Pero ngayon iba na, natatangi para sa kanya si Jen, pagkakita pa lang niya noon sa mall kay Jen, sinundan na niya ito at humanap ng timing para mapalapit siya. Kaya siya ang umabot ng napkin na nasa taas ng rack para lang makausap niya ito. Akala niya hindi na niya ulit makikita si Jen, kaya noong nakita niya ulit sa isang fastfood na kakain at andoon na siya, gumawa talaga s
Tinawagan ni Paul si Cris about sa suggestion ni Nadine. Si Cris naman ay kararating lang galing trabaho. Naligo muna siya at pupuntahan niya si Jen. Nadatnan niya doon si Jen na halos kararating lang galing trabaho din. Pag open pa lang ng pinto ni Jen ay hinalikan na nya ito. Hindi pa nga ito nakakabihis kaya nakurot na naman siya nito. "Ikaw talaga, parang hindi tayo nagkita ng isang buwan ah. Kakaalis mo lang dito noong isang araw eh" sabi ni Jen. "Eh anong gagawin, eh miss ko na agad ang mga labi mo eh." sabi ni Cris. Umupo si Jen sa sofa ng pabagsak at halatang pagod. "Mahal, mukhang pagod ka ah, gusto mo imassage kita?" paglalambing ni Cris. "Wag na, at masakit ka magmasahe eh" sabi ni Jen habang nakasandal sa upuan at nakapikit. "Eh lalambutan ko na lang, yun nga lang baka may ibang tumigas" pagbibiro ni Cris. "Iyun na nga sinasabi ko eh, kaya ayaw ko at iba na naman ang punta nun. Kunyari ipatatanggal mo na naman damit ko at lalagyan mo ng oil ang likod ko, tapos sa
Pagkaalis ni Victoria, pinapakiramdaman ni Paul si Nadine. Umupo ito sa tabi nya sa sofa. Samantalang si Mama Emily naman ang tumayo at may aasikasuhin daw muna sya. Inakbayan ni Paul si Nadine at tiningnan niya ito. Walang reaksyon ang mukha ni Nadine. Hindi mabasa ni Paul kung ano ang nasa isip nito. "Babe, sorry talaga. Akala ko kasi...." "Na ano? Anong akala mo? sabi naman ni Nadine, na parang may pinipigilan siyang sabihin pa. "Akala ko kasi, hindi na tayo magkakaayos, akala ko sa tuwing nakikita mo ako naaalala mo yung nakaraan natin. Na pakiramdam ko sa tuwing nakikita mo ako, paulit ulit ko sayong pinapaalala ang pananakit ko sayo dati. Pakiramdam ko na sa tuwing nakikita mo ako nasasaktan pa rin kita. Kaya minabuti ko na lang na lumayo." Mahinahon pero halos pabulong na lang na sabi ni Paul. "Kaya humanap ka ng 'hon'? tapos baka may 'mahal' pa na pupunta ulit dito, ano pa ba ang kulang? Sweetheart? Love? Darling? Sabihin mo na para hindi ako nabibigla" mahinang sabi