Kabanata 3
Justice
"Ate Iris!" Madali akong tumakbo sa aking kapatid. I cannot see clearly, masyado nang natatakpan ng mga luha ang aking paningin.
Yumakap ako sa kanya. She's crying too!
"Ate, don't leave us.. Huwag ka nang umalis, please?" I looked at her. Pulang pula ang ilong niya galing sa pag-iyak.
Hinaplos niya ang aking buhok.
"Catherine, I'm sorry but I have to.. Ayokong makulong sa buhay na hindi ko naman ninais! I don't want to have any regrets!" She said to me..
"Ate Iris," kumalas ako sa kanya at saglit na pinunas ang mga luha. "Kaya mo talagang iwan kami? Ako?"
Hindi siya nakapagsalita.. I caught her gripping hard. Hindi niya kaya!
"Ate, hindi ka pwedeng umalis! Paano si papa? Ate, galit lang siya!"
"No he's not!" Bumaba ang kapatid ko at pumantay sa akin. "Tinakwil na niya ako Catherine!"
"Eh saan ka titira? Saan ka mamumuhay?"
Ngumiti siya ng tipid sa akin at siya na mismo ang nagpunas sa mga luha kong hindi matigil-tigil sa pag-agos.
"D'eondre..."
"Catherine, Cath...."
"Argh!" Napabalikwas ako nang higa. I squinted my eyes just to see my cousins and friends. What the hell happened?!
"Anong nangyari sayo, Catherine? Naabutan ka na lang ni Earl na walang malay." Inabutan ako ni Shine ng isang basong tubig.
Walang malay? Tinignan ko muna saglit ang laman ng baso bago ininom.
"I'm sorry. Tingin ko ay nakalimutan nanaman ni Cath na uminom ng gamot.." Nilingon ko si Martha na ngayon ay nakayuko na.
Hindi ako makapagsalita. What happened? I can't remember anything. Hindi ko maalala kung paano nagsimula ang umaga ko, tanging ang pagpapaalam ko lang kina Kuya Zach ang naaalala ko.
"Cath, okay ka lang? Naaalala mo pa ba kami?" Hinawakan ni Dominic ang balikat ko bago ibigay sa akin ang isang puting tableta.
"Take that.. Umuwi ako sainyo para kunin yan, you forgot to bring your med." Ani Martha.
Tumango na lang ako at ininom ang aking gamot. I can't believe it. Nangyari nanaman ang pinaka-ayaw kong mangyari sa akin.
Ang makalimot.
"Iwan muna namin kayo." Ani Shine at umalis kasama ang iba naming kaibigan.
I am now with my cousins. Pinagmamasdan ko silang dalawa at alam kong nahihirapan sila sa lagay ko ngayon.
"Cath can you please talk?" Pakiusap ni Marth sa akin, "hindi mo naman nakalimutan kung paano magsalita, diba?"
"May natatandaan ka ba sa nangyari?" Tanong ni Dominic sa akin.
Umiling ako. Ni isa ay wala akong matandaan. Dammit!
"Mas mabuti pa siguro kung hindi ka na sasama sa D'eondre.."
"No!"
Kapwa silang nagulat sa bigla kong pagsigaw. I want to go there! Gusto kong makita kung paano siya naghirap doon! Gusto kong makita ang lugar na pinagpalit niya sa amin!
"Cath?" Pinilig ni Dom ang kanyang ulo, para bang nagtataka siya sa kinikilos ko.
Tumayo ako sa pagkakahiga at inayos ang aking suot. "Wala namang importanteng nangyari kanina diba? I will still go, sayang naman ang pagpapaalam ko kina Kuya."
"But how about you? Paano kung makalimutan mo nanaman-"
Hindi na naituloy ni Martha ang pagsasalita.
"That will never happen again, okay?" Sabi ko na lang.
Matapos ang diskusyon ay napagdesisyunan naming umuwi, kasabay ko ang aking mga pinsan. Nasa likod ako ng tricycle samantalang nasa loob naman sila. I refused Dominic's offer, aniya'y dapat daw ay siya ang nasa labas dahil lalaki siya. I wanted to be alone and I want to think for awhile kaya tinanggihan ko ang kanyang gusto.
My brothers will get furious kapag nalaman nila na sa D'eondre ang tungo ng roadtrip namin. After what happened five years ago. I doubt na papayagan nila ako kung sakaling malaman nga nila.
Matagal-tagal na rin na panahon na hindi ko siya napapaginipan tapos ay ito nanaman. Bakit? Anong ibig sabihin ng panaginip na iyon?
Iris Imperial is my sister. Siya ang pangatlo sa panganay. She's my only bestfriend back then. But she died. Sa lugar na iyon. Five years ago. Fuck.
Hindi ko na namalayan ang luhang tumutulo na pala sa aking pisngi. Sa sobrang pagmamahal ko sa aking kapatid ay minsan ko nang pinili na kalimutan siya.
But I wasn't able to forget her. I wasn't.
Bumalik ako sa huwisyo nang huminto ang tricycle at nakita ko ang pagbaba nila Martha at Dominic, tinanaw ko ang malaking mansyon malapit sa subdivision na tinutuluyan ng mga pinsan ko, bumaba na rin ako.
"Bayad po.." Ani Dominic."Bakit ka bumaba?" Kunong noong tanong ni Martha.
Nagkibit balikat ako. "I want to walk."
May araw pa naman.
"Baka maabutan ka ng mga kapatid mo niyan or si Uncle." Nag-aalalang saad ni Martha.
"They won't." Tipid na ngiti lang ang ibinigay ko sa kanila at nauna nang umalis.
Wala ako sa sarili na naglalakad. Bakit ang tagal ng Lunes? Gusto ko nang makapunta sa lugar na iyon!
Habang naglalakad ay pilit ko pa ring inaalala ang nangyari kanina. Some events are blurry. Hindi ko masyadong mapunto kung talagang nangyari nga iyon o parte lang ng panaginip ko.
"I'm going insane!" Marahan kong pinukpok ang aking ulo.
"Catherine?"
Napatigil ako sa paglalakad nang makita ko ang aking boyfriend. Anong ginagawa niya dito sa lugar ko? Shit!
"S-Sean? W-What the hell are you doing here!?"
Mabilis kong kinain ang distansya sa aming dalawa at hinila siya paalis sa gitna ng daan. Baka makita kami! Sikreto lang ang aming relasyon kaya kinakabahan ako!
"Where did you go? You're not replying nor answering my calls!" Singhal niya sa akin.
"I-I...."
"Ano? Itutuloy mo pa ba ang pagpunta niyo sa lugar na iyon?"
Tinignan ko siya sa mata at dahan dahang tumango, napapikit ako nang makarinig ako sa kanya ng iilang mura.
"Ano ka ba naman, Catherine! Gusto mo talagang mapahamak ka, ha?"
"Mapahamak? Why are you so negative?! You used to be so supportive! What happened now?! Why can't you just trust me on this, Sean?"
Sinuntok niga ang konkretong poste ng ilaw.
"T@ngin@! You know that I'm just protecting you! Dahil ayokong may mangyari sayong masama! Bakit hindi ka pa natrauma sa nangyari sa kapatid mo, ha? Ano? Gusto mo ring mamatay sa lugar na iyon? Gusto mo rin bang mabaril--"
I slapped him! Alam kong sa puntong ito ay nangingilid na ang luha ko sa galit. Bakit niya pinaalala? Bakit niya kailangang ipaalala?!
Saglit akong nagsisi sa ginawa ko. Kitang kita ko ang pamumula ng pisngi ni Sean, nag-igting ang kanyang bagang.
"You choose, Catherine.. our relationship or that trip!" Mariin niyang wika.
Napaawang ang labi ko. Ganoong kababaw?! "Sean, this is nonsense."
"Hindi, Catherine, mamili ka!"
"Don't make me choose!" Kahit ako ay tumataas na rin ang tono ng pananalita.
Ramdam ko ang pagkagulat sa kanyang ekspresyon.
"Nahihirapan ka talagang mamili? Yung relasyon ba natin... kasing importante lang ng roadtrip na 'yan?"
"Sean.." Sinubukan ko siyang lapitan pero umatras siya. "Sean.."
Nilagpasan niya ako. Paulit-ulit kong tinawag ang pangalan niya. No! I can't lose him! Ayoko lang talagang mamili dahil determinado akong puntahan ang lugar na iyon.
Lulugo-lugo akong pumasok sa kabahayan. Hindi na ako na supresa nang maabutan ko si Kuya Tyler, nandoon kasi ang sasakyan niya sa labas at tingin ko'y tanging siya lang ang nandito ngayon.
"Kuya.." Pinilit kong ngumiti.
Tumayo siya mula sa couch at niyakap ako ng mahigpit nang kumalas siya ay agad dumapo ang kanyang tingin sa aking mga mata.
"Are you okay?" Tanong ng kapatid ko. Sa simpleng buka lang ng bibig niya ay lumalabas na ang kanyang dimple sa kanang pisngi.
Umiling ako.. "Ate Iris..." Basag na sabi ko sa pangalan ng aking kapatid.
He pulled me for a tight hug. This is just too painful to bear.
"Catherine, let's just forget about what happened to her. Hindi niya magugustuhan na nagkaka ganyan ka.."
Malayong malayo ang Tyler na kausap ko sa Tyler na lagi akong inaasar at binubully.
Umiling ako at pinunasan ang luha. "But Kuya, I failed to stop her.."
"Shh." Hinalikan ni Kuya Tyler ang aking buhok. "Hindi, Catherine, okay? Hindi."
Gumaan ang loob ko nang ngitian ako ng aking kapatid. I am sorry because I will soon break your trust on me. I just want to give justice for her death.
Kabanata 4 Sage Acosta Today is our trip. Namili kami ng mga kailangang gamit kahapon, I didn't get a chance to see Sean, pina text ko nga kay Martha pero aniya'y wala daw reply. "Ang tagal mo kuya!" Nakahalukipkip ako sa tapat ng pinto ni Kuya Kurt na ang tagal tagal mag bihis. I'm not late. I'm just excited. "Easy, little girl." Naramdaman ko ang pag-akbay sa akin ni Kuya Zach. He's wearing his usual office attire suit. Ngumuso ako. Ang gandang lalaki talaga nitong mga kapatid ko. Si Kuya Tyler ay nauna na sa baba, kanina nga ay nagulat ako nang may kagat-kagat siyang tinapay habang bumababa sa hagdan. Kuya Tyler is the most balahura sa aming lahat. "Ehh si Kuya Kurt ang tagal! Papapogi pa ata." Sumbong ko kay Kuya Zach. Tinupi niya ang sleeves patungong siko. "Late ka na ba?" "Nagmamadali lang yan! Gusto makita crush niya!" Parehas kaming napatingin sa baba ni Kuya Zach dahil sa sigaw ni Kuya Tyler. Wow ha! Bato ko sayo mga boxers mong nakakalat sa kwarto, e! Biglang b
Kabanata 5 Dementia Pumatak ang isang butil ng luha ko. Pagkatapos non ay marahan niyang binitawan ang aking baba at tinalikuran ako. My lips are shaking from fear, hindi ko alam kung anong kasunod ng lahat na ito. Marahas kaming hinawakan ni Shine ng mga armadong lalaki at walang awang kinaladkad palayo sa kagubatan. I can't even walk properly! Pakiramdam ko ay naubos ang lahat ng enerhiya sa aking katawan matapos lahat ng nangyari. Bahagya kong nilingon si Shine at nakita kong napako ang titig niya sa walang buhay na si Leana na nilagpasan namin. Hindi ko maiwasang na tignan iyon. I saw blood. Everywhere. Napalayo ako nang tingin nang mapagtanong nananatiling nakadilat ang mga mata ni Leana. Patuloy naming sinusundan si Sage, he's walking like nothing happened. Like he didn't kill anybody. Normal na ba ang pagpatay sa lalaking 'to? I remember seeing his name sa mga papeles na binabasa ni papa. Who's Sage Acosta? "Bilisan niyong maglakad!" Padarag na sabi ng lalaki at mas lalo
Kabanata 6 Dead I was left alone with this guy in front of me. Iniwan kami ng isang lalaki para tawagin yung Paco. Nakatitig lang siya sa akin at hindi ko naman matagalan ang dilim ng titig niya. Ang dami daming tanong na bumabalot sa akin. Why am I here? Who's this guy? Bakit ako nakatali? Bakit ang dami kong sugat at bakit maputik ang paanan ko? Isa pa, nasaan ang mga pinsan at kaibigan ko? Sa mga tanong na 'yon ay isa lang ang sumasagi sa isipan ko. I forgot to take my meds. Siguro ay maraming nangyari at hindi ko na matandaan dahil nakalimutan kong uminom ng gamot! Curse this Dementia! Bakit kasi meron pa ako nito? "Cathryn diba?" Biglang nagsalita yung Sage ata. "C-Catherine.." Pagtatama ko. Inilibot ko ang tingin ko. Nasa kubo pala ako. Tingin ko ay kailangan kong makatakas dito! Humalukipkip siya at bumuntong hininga. Lalong humubog ang muscles niya sa ginawa niyang aksyon. "So you have a Dementia?" Nagtaas siya ng kilay. Tumango ako. "Wala kang natandaan sa kahapo
Kabanata 7 Traitor Marahan akong tumayo at itinaas ang aking dalawang kamay, I bit my lip so I won't feel the pain. Alam kong sa puntong ito ay may sugat ako sa aking tuhod, bumagsak ba naman ako sa bato bato, e. Any minute would be my death, hindi ko alam kung bakit hanggang ngayon ay hindi niya pa ipinuputok sa akin ang kanyang baril. I'm praying to God that I need to wake up from this nightmare pero mukhang nasa realidad nga talaga ako. "Hindi ko ipinapahintulot ang ginawa mong pag takas." His voice is screaming death! He's a living demon! I'm shivering from fear. I cannot speak well. Heck, hindi ko nga alam ang mga salitang dapat na masasabi ko, I am with a demon right now, hindi ko alam kung paano ako napunta dito o kung ano na ang mga nangyare noong saglit na nakalimot kong uminom ng gamot. Pero sa mga nakita ko kanina parang ayoko na lang alalahanin pa. "I-If you would tell me what happened to my cousins, hindi na ako tatakas." Sabi ko na lang, I really am dying to know
Kabanata 8 Stubborn "Go to somewhere, Shine! I hope you rot in hell! Traydor ka!" Sigaw ko at wala na akong pake kung pagtinginan ako ng mga tao dito. This woman! Humalukipkip siya at tinaasan niya ako ng kilay para bang ang taas taas ng tingin niya sa kanyang sarili. "Just thank me, Catherine. Hindi ka namatay gaya ng mga pinsan mo." Namilog ang aking mga mata sa narinig. No, that is not true. Buhay pa ang mga pinsan ko! "Liar!" "Ano naman ang mapapala ko kung magsisinungaling ako?" Matalim ko siyang tinignan. She was a good friend of mine! Akala ko lang pala. Kahit ilang taon mo na palang kaibigan ang isang tao ay dapat hindi mo pa rin siya pinagkakatiwalaan ng lubos. Trust no one. "Bakit mo nagawa 'to?" Tuluyan nang bumagsak ang luha sa aking mga mata. "Dahil trabaho ko 'to." Aniya at tinalikuran ako. Gustong gusto ko siyang sabunutan! Gusto ko siyang sampalin pero ang gusto kong saktan ngayon ay ang sarili ko! I want to remember everything! Nasaan na sina Martha at Domin
Kabanata 9MemoriesBakit ba ako ang sinasama ng isang 'to, wala akong ibang maramdaman kundi ang pagka-irita, gustong-gusto ko na magpalit ng damit ang dumi dumi ko na! Sage wants me to be his apprentice for this and for heaven's sake! Wala akong alam sa mga ganitong bagay!"Sht" I muttered na agad kong pinagsisihan dahil tinignan niya ako nang matalim. What? May mga malalaking gagamba dito!Lumayo kami nang bahagya sa kanilang kuta, what is he going to catch anyway? A wild snake? A frog? Ano kaya?"Hoy" Untag niya sa akin, napatingin ako sa kanya. He is holding a rope at gusto atang ibigay sa akin, "Get this."Natataranta kong kinuha ang lubid mula sa hawak niya, pinaatras niya pa ako ng unti at pinapunta sa likod ng puno habang hawak hawak ang lubid."Drop it when I tell you to drop it, okay?" He carefully said the instruction to me like I'm an infant. The hell?Tumango na lang ako sa kanya, Ano bang meron dito, ano bang huhulihin namin? Wala akong ideya."You need to learn all of
Kabanata 10Boyfriend Itinali ko ang aking buhok dahil sa pagod. I've been serving for almost an hour na! Nakakapagod, walang sawang lagay ng ulam sa tasa at kanin, ako lang! Inispot'an ko nang tingin ang dalawang pinsan ni Sage na nagbabasketball sa may court, silang dalawa lang ang naglalaro doon. Napailing ako, parang mga tanga."Kumain muna kaya kayo?" Tawag ko sa dalawa at itinaas ang hawak kong serving spoon.Tumango sila Arkin sa akin at nag thumbs up pa. I bit my lowerlip, I already missed my brothers.I have been here for two days at hanggang ngayon ay nagugulat ako kung bakit hindi pa ako natatagpuan nila Kuya, this is just Deond're right? Bakit parang napakalawak nito at hindi nila ako makita?"Earth to Catherine?"Eros snapped his fingers in front of me, sa gulat ko ay muntik ko na siyang mabato ng serving spoon!"Kumain ka na?" Tanong ko at kinuha ang taas upang mag-iwas ng tingin sa kanya."I'm done, ikaw? Kanina ka pa riyan."Tumango ako. Siguro ay okay na itong may na
Kabanata 11Flowers"Para namang normal na bagay na sayo ang pagpatay." The way he said those words seems like it is normal to him, to kill someone.I saw his jaw clenched, kung hindi ko siguro siya talagang kilala ay baka nanginginig na ako sa takot. Pero, kilala ko nga ba talaga siya?"I am a rebel, Catherine." Mariing wika ni Sage sa akin, not leaving my eyes.Tumango ako. Alam ko naman iyon, pero nakakapagtaka at bakit iba ang turing niya sa akin kaysa sa mga ibang bihag. Dahil ba may sakit ako?"You don't want me to get involve in any of your transactions, tama ba?" Kasi may Dementia ako diba?"Hindi ko alam kung sino ka pa, malay mo anak ka pala ng presidente?" Ani Sage at pinilig ang ulo."I am not, okay?" Gusto ko rin kasing maranasan ang ginagawa ng ibang bihag, kaso nakakapagtaka dahil pag nilabas na sila dito ay hindi na sila bumabalik. "What happened to the others?""Nakuha ko na ang mga ransom-" Pinutol ko siya sa pagsasalita."Oh eh bakit sa akin wala? Call my brothers!
"Pose a little more Catherine Louisse" Napailing na lang ako habang kinukuhanan ni Dread ng bagong litrato. Hinawi ko ang maikli ko nang buhok ngayon, I always maintain this kind of haircut. Iyong hanggang balikat lang. "Dread, tama na ito! They are already looking at us." Medyo nahihiya kong sabi. "Of course they will look! You're so beautiful!" Mabilis akong pinamulahanan ng mukha. Paano kasi, he wants me to do a pose behind the fountain. Wala naman akong makitang maganda sa view na 'yon kundi isang ordinaryong fountain lang. Hinayaan ko na lang si Dread at ginawa kung ano ang gusto niya. Sa bawat pag click niya ay pagpapalit ko rin ng pwesto. He is a professional photographer here in Australia. "You look so good!" Puri niya pa sa akin. Matapos ang iilang shots ay tinakpan ko ang aking mukha. "Tama na yan! Tama na!" Tawa ng tawa si Dread habang pinapakita sa akin ang mga kuha ko at pilit sinasabi na ang gaganda daw ng mga iyon. Of course, maganda! Camera niya yung ginamit e,
"Kuya! Kailangan kong tawagin ang mga nurse, shit! You're awake." I couldn't understand Eros' panicking face. Nagmamadali siyang lumabas sa kuwarto ko upang mag eskandalo sa hospital para tumawag sa mga doctor. I slowly sat myself, tang ina. Ang sakit ng katawan ko. "Mr. Acosta! Huwag po muna kayong umupo! May mga nakakabit pa po sa inyo. Aalisin lang po namin." Pigil sa akin ng isang babaeng nurse. Seryoso ko siyang tinignan at sinunod ang utos niya. I don't want to have an argument with her, nilibot ko ang mga mata ko sa buong paligid ng kwarto. "Nasaan si Catherine?" Tanong ko kay Eros."Oh, yeah right!" Mistulang nagulat ang mukha nito at hinanap ang kanyang cellphone sa kanyang bulsa. "I'll just text her, kasama siya nila Spade para sa isang interview." Tumaas ang isa kong kilay. What interview? Nang natapos na si Eros sa pagtitipa ay muli niyang binalik ang tingin sa akin. "She is a very kind girl. Sila mismong magkakapatid, kinausap si Karl Daniel to make an interview f
Kabanata 40 ( This is it. Thank you. pov na po ni baby sage ang next )GoodbyeMalabo na ang mga mata ko habang patakbong nililisan ang hospital. Hindi ko maipaliwanag ang sakit na nararamdaman ko ngayon, para akong sinasaksak ng paulit-ulit.Dama ko ang mga yapak ni Ace na nakasunod sa akin pero wala akong pakialam. I just want to get away. To leave. To cry and to ask myself, anong mali ako? Anong ginawa ko?Ayaw na niya ba sa akin?Nang makalabas ako ng hospital ay saktong nakita ko sina Kuya kasama ang ibang mga Acosta. Huminto silang lahat. Tinignan ako na may nagtatanong na reaksyon."Catherine!" Hinablot ni Ace ang braso ko sabay napatigil nang makita kung sino ang mga nasa harapan ko."What happened?" Biglang lumapit sa amin sina Kuya.Umiling ako. Pilit na pinahid ang mga luhang kahit na alisin ko ay halata pa din na umiyak ako. "Wala, wala. Okay na siya. Gising na si Sage.""Then why are you crying?" Si Priston ang nagsalita, "Bakit ka tumatakbo paalis? Bakit wala ka doon?""
Kabanata 39Leave"Catherine, take this." Inabot sa akin ni Kuya Tyler ang isang puting tableta.Ngumiti ako sa kanya at kinuha 'yon. This is my second time that I will take this. Hindi ko alam kung bakit minsan ay nagkakahalo halo na ang mga alaala ko. Bigla na lang sumagi sa akin na magpapaalam daw ako sa mga kapatid ko para sa roadtrip namin sa Deon'dre.Tapos ilang minuto ay babalik ako sa kasalukuyan. Noong naalimpungatan ako nung isang araw nga ay hindi ko agad nakilala si Kuya Tyler. Natatakot ako.Kaya napagdesisyunan nila ang paglipad namin sa Australia. Doon daw mas matututukan ako, doon daw mas gagaling ako. Hindi ko naman iyon matanggihan. It's getting worse day by day. Hindi ko alam kung bakit palala ng palala ang Dementia ko."Salamat, kuya." Pagpapasalamat ko sa kanya dahil sa pag-aalaga sa akin.Humakbang si Kuya Ty palapit. Nagtaka ako sa kanyang ginawa. Tinignan niya ang mga mata ko na para bang may gusto siyang malaman sa mga 'yon."Are you okay?" Tanong niya sa aki
Kabanata 38End I sighed as I place the flowers near the gravestone. Naramdaman ko agad pagyakap sa akin ni Kuya Kurt. Ngumiti ako ng tipid.Pagkatapos ng lahat, ito na ang naging resulta. I was happy and sad at the same time. Ang daming nagbago. Ang daming nawala."Masaya kaya siya?" I asked my brother."Masaya na siya." Aniya at naramdaman ko ang halik niya sa sentido ko.I hope. Hinawakan ko ang bawat letra na nakaukit sa lapida niya. Ito na siya. Ito na siya ngayon.Iris Jane Imperial.I did not blame her for everything. For telling false informations, for lying, for being the part of the chaos. I did not blame her. Marahil ay ang naramdaman niya ay masyadong bago sa kanya kung kaya't lumalim ito.. pero nauwi sa mga desisyon na nakakaapekto ngayon.Huling sulyap pa ang ginawa ko bago kami tumalak ni Kuya KM sa sasakyan kung saan naghihintay sina Kuya Ty at Kuya Zach.Napag-alaman kong tinawagan ni Kuya Glenn si Kuya Zach at sinabi kung nasaan ako. Kuya Zach was the one who sent
Kabanata 37ShootHindi ko na makilala ang sarili kong ama. Masyado nang marami ang mga impormasyon na nasa utak ko, hindi ko na kinakaya ang lahat ng aking nakikita. He used to be our hero. Pero bakit ganito? Bakit bigla siyang naging masama?Bakit niya dinadala ngayon ang sakit na naramdaman niya noon?He even wants to kill me earlier. Hindi ko alam kung seryoso siya doon pero napakasakit sa akin na marinig sa sarili kong ama na lalasunin niya ako.Hindi ko rin matanggap ang ginawa niya. Sinakop na siya ng galit kung kaya't nakagawa siya ng krimen noon. How can he sleep everyday knowing he took Lisanna Acosta's life.Tahimik lang ako habang pinagmamasdan si daddy na para bang may kausap sa kanyang cellphone. Hindi ako maka-isip ng paraan kung paano ako makakatakas sa mga kadenang nakapulupot sa akin."Let him." Narinig kong sabi nito at tinignan ako gamit ang kanyang malalamig na mata. "He is coming for you."Agad rumehistro ang gulat at kaba sa akin. He's pertaining to Sage right?
Kabanata 36Hemlock Mabilis kong inalis ang mahihigpit na pagkakatali kay Sage. He looks so weak! Parang ilang araw nang hindi pinapakain! Nanatili ang seryoso niyang mga tingin habang kinakalas ko ang kanyang tali."Bakit ka nandito?" Tanong niya sa akin.Tinignan ko siya. "Hindi ko rin alam."Nang maalis ko na nang tuluyan ang tali ay bigla niya akong hinigit para yakapin ng mahigpit. I closed my eyes just to feel his touch! I missed him!Hindi ko na maiwasan na maiyak sa sitwasyon namin ngayon. There's no way out. Walang nakakaalam kung nasaan kami."Binugbog nila si Kuya Zach.." simula ko, "We were supposed to go to Deon'dre nang bigla kaming harangin ng mga sasakyan.""Nakarating ba kayo ng Tresta?"Umiling ako. "It was... too late. Walang may alam kung nasaan ako."Umigting ang panga ni Sage, tapos ay hinalikan ang noo ko."I-Ikaw? Paano ka nakarating dito? Spade told me that you followed us.""Yes. Nang malapit na ako sa subdivision niyo ay may limang lalaki ang humarang sa a
Kabanata 35FavorHalos mapaupo ako sa lupa sa mga nalaman ko. Ate Iris is not dead? Paano? Kasinungalingan ba ang lahat ng sinabi ni Daddy? Hindi ba totoo na nagbaril si Ate? Pero kung hindi nga totoo 'yon ay hindi rin totoo ang sinabi ni Sage sa akin?He said that my Ate was dying that time. Sinabi niya na sinubukan niyang alisin ang pulburang ebidensya na nagpakamatay ang kapatid ko.Pero ano ito? Anong buhay siya?"Catherine!" Humahangos na takbo sa akin ni Kuya Zach.Niyakap niya ako ng mahigpit. Alam kong kahit siya ay hindi makapaniwala sa mga nangyayari. Bakit nga ba nangyayari ito sa amin? Hindi ko alam."K-Kuya... bakit ganyan?" I asked out of nowhere and in between my sobs.Mahigpit lang akong niyayakap ng kapatid ko at pilit na pinapatahan."Shh. Everything will be okay. Shh."Okay? Kailan nga ba ang huling beses na naramdaman kong maayos ang lahat? Hindi ko na matandaan.Simula nang mapunta ako sa Deon'dre ay lahat ng mga nabuo ng pangyayari ay parang kumalas nanaman. Par
Kabanata 34TraceMabilis ang mga naging aksyon ng mga tao ng mga Acosta sa Kuya ko. The two men kicked my brother's knee. Tapos ang isa naman ay tinutukan siya ng baril."Wag!" I shouted."Anong wag, Catherine? Ama siya ng nagtangkang sunungin ang lugar na ito!" Sigaw sa akin ni Cielo."No, it's okay." Ani Spade sa likod ko. "Mag-isa lang siya."Sumunod naman agad ang tatlong lalaki at pinakawalan ang kapatid ko. He's still groaning in pain dahil sa pagkakasipa sa kanya.Agad ko siyang dinaluhan, bakas sa kanyang mukha ang pagkakagulat sa akin."Anong ginagawa mo dito, Cath? K-Kinuha ka ba nila ulit?""Kuya.. hindi.. Mababait sila, Kuya." Iling ko agad.Gusto kong ipamukha sa kapatid ko na mali ang mga pinapakain sa amin ni Dad. Na hindi naman talaga masasama ang mga Acosta, ang mga balita sa mga dyaryo noon ay hindi naman talaga totoo.Si Ace ang lumapit sa amin, he lend a hand to my brother. Tinitigan muna iyon ni Kuya Zach bago tumayo."I'm Ace. Cousin of Sage." Pakilala niya sa k