Khaliyah POVMga anim na pares lang naman ang damit ni Tito Larkin, hindi naman din malibag o mabaho dahil nga siguro malinis siya sa katawan. Nang maisalang ko na lahat, naghanap ako ng sabon. Madali ko namang nakita dahil nasa malapit lang ito ng washing machine. Nilagay ko na ang sabon doon at saka ko na pinaikot ang mga damit doon.Habang umiikot ang washing machine, umupo ako sa isang lumang bangkito. Tinuloy ko na ang pag-inom ng kape habang tahimik ang paligid. Naririnig ko lang ang mahihinang kaluskos sa labas at ang tunog ng umuugong na washing machine. Sa totoo lang, sariwa ang hangin dito sa probinsya at masyado ring tahimik. Nakakapanibago pero siguro ay masasanay din ako.Maya maya, biglang bumukas ang pinto at pumasok si Tito Larkin, may bitbit na tatlong malalaking kahon.“Nandito na ako,” sabi niya sabay bagsak sa mesa ng isang kahon. Halos matumba ito sa bigat.Napakunot ang noo ko. “Ano ‘yan? ‘Yan na po ba ang mga grocery?”“Oo, grocery na natin ‘yan,” sagot niya hab
Khaliyah POVMaaga akong nagising dahil sa tunog ng makina ng sasakyan sa labas. Dumating na pala ang bumili ng kotse ko. Hindi na ako bumangon, si Tito Larkin na ang humarap sa kanila kasi ayaw na rin ni Tito Larkin na makita pa ako ng mga buyer.Nakahiga lang ako sa sofa, nakatingin sa kisame habang pinapakinggan ang usapan sa labas. Ang bigat sa pakiramdam. Parang may nabawas sa buhay ko. Mahal na mahal ko ang sasakyang ‘yon, pero wala akong magagawa. Kailangan ko ng bitiwan dahil hindi ko na rin naman siya magagamit dahil kailangan kong mag-ingat.Nang marinig kong bumukas ang pinto, tumalikod ako at pumikit, kunwari’y natutulog pa rin. Narinig ko ang buntong-hininga ni Tito Larkin. “Kung iniinda mo ‘yan, e ‘di sana hindi mo na binenta.”Hindi ako sumagot. Hindi ko alam kung paano ipapaliwanag na hindi ko ginusto ‘yon, pero wala akong choice. Narinig ko ang mahihinang yabag ng paa niya papunta sa kusina.“Ano, hindi ka kakain?” tanong niya matapos ang ilang sandali.Napabuntong-hi
Larkin POVKaninang umaga pa ako balisa. Hindi ko alam kung nagpa-paranoid lang o sadyang may pangit akong kutob. Pero hindi na ako nagdalawang-isip, hindi ko na hahayaan pang lumala ‘to. Kung gusto kong maiwas-kulong, kailangang gawin ko na agad ang plano kong ito.Kailangan nang asikasuhin kasal na ito.Walang ligawan, walang proposal, walang espesyal na selebrasyon. Kasal lang. Para lang malinis ang pangalan ko at hindi ako mapagbintangan ng kung anu-ano sa pagpatol kong tumulong kay Khaliyah. At para na rin sa paghihiganti ko rin sa Mayor na ama niya.Napagdesisyunan kong hindi na rin sa Mayor kami magpapakasal. Mali ‘yon. Mas delikado. Kung sakali kasing kakilala ng mayor dito sa Norzagaray ang mayor sa Maynila, baka isang maling galaw lang, matunton agad si Khaliyah at matapos ang lahat sa isang iglap. Kaya mas mabuting humanap na lang ako ng pastor. Mas simple. Mas tahimik. Mas mabilis pa ang proseso.“Tol, Larkin, sigurado ka na ba dito?” tanong ni Levi habang nagkakape kami s
Khaliyah POVPagdating namin sa LJS street, hindi ko inaasahan ang eksena sa tapat ng bahay ni Tito Larkin. Para kaming artista na may grand homecoming, pero hindi ito fans club, mga kapitbahay ito ni Tito yummy. At halatang may alam na agad sila sa nangyari.“Ayun na sila!” sigaw ni Aling Helen, ang may-ari ng tindahan sa kanto. Nung isang araw kasi ay pinakilala sa akin ni Tito Larkin ang lahat ng mga kakilala niya rito gamit ang mga picture na mayroon sa cellphone niya. Para raw incase may kulang sa bahay at need ko ng pagkain o sangkap sa pagluluto ay sa tindahan niya ako pupunta para bumili.“Hoy, bagong kasal! Magpakain naman kayo!” dagdag pa ni Aling Helen sabay tawa.Napahinto ako sa tapat ng gate habang si Tito Larkin ay napailing na lang. Lumipat ang tingin niya kay Levi, na nakangisi lang sa gilid. Alam kong siya ang tsismoso sa likod ng lahat ng ito. Sabi kasi ni Tito Larkin ay kahit pakiusapan niya si Levi, hindi mapigilan ang pagiging madaldal nito. Ayos lang naman, pero
Khaliyah POVSa totoo lang, hindi ko inaasahan na makakaya kong mag-prepare na ganito. First time ko ‘to, na ako ang naghagilap sa social media ng mga pinag-order-an kong pagkain. Pero dito na lang din ako naghanap ng pagkain sa Norzagaray, Bulacan, kasi para mas malapit na rin. Saka, hindi na Khaliyah ang name ng gamit ko sa social media, Liya Colmenares na, sinunod ko na sa surname ni Tito Yummy, na asawa ko na ngayon.Pero napangiti ako habang pinagmamasdan ang nakahilerang pagkain sa lamesa. Maliit na litson, fried chicken na pang-isandaang tao, pancit, spaghetti, menudo, seafood at isang malaking cake na may nakasulat pang Happy Wedding Liya & Larkin. Nang makita ni Tito Larkin ang lahat ng iyon, parang gusto na niyang mahulog sa upuan.Natulog pa naman siya sa kuwarto niya at pagkagising, heto na, naka-ready na ang mga pagkain.“Anong klaseng gastos ang pinaggagawa mong ‘to, Khaliyah?” singhal niya sa akin. Halos mapunit ang noo niya sa pagkakunot.“Ano, fifty thousand pesos lan
Khaliyah POVNgayon ang official na unang araw ng pagiging mag-asawa namin ni Tito Larkin. Well, para sa akin lang naman. Para kay Tito, isang kasunduan lang ito, isang pirmahan ng papel. Pero para sa akin? Legal na iyon. Asawa niya na ako sa mata ng batas, kahit hindi sa puso niya.Maaga pa lang, ginising na niya ako. “Gumising ka na, Khaliyah. Magluto ka ng almusal.”Napabalikwas ako ng bangon kahit puyat pa sa mga nangyari kahapon. Napakasimple lang ng tono ni Tito Larkin, pero sa loob-loob ko, kinikilig pa rin ako. Hindi ko nga alam kung bakit. Masungit naman siya. Palaging nakunot-noo kapag ako ang kausap. Pero ewan ko ba, parang lalo lang akong nawiwiling kasama siya kahit na lang napaka-cold at napakasungit.Habang nakatayo ako sa harap ng kalan, sinasabi ko sa sarili kong kaya ko ‘to. Fried rice lang ‘to, itlog, hotdog at ham. Hindi naman pang-master chef ang requirement. Pero habang niluluto ko ang fried rice, napansin kong kulang sa alat. Sinubukan kong tikman—ay, walang las
Khaliyah POVMaagang natapos ang paglilinis ko ng bahay. Sa totoo lang, parang unti-unti na akong nasasanay sa mga gawain dito, hindi na ako masyadong nagrereklamo, nagugulat na lang ako na nagagawa ko na nang maayos ang mga gawaing bahay, kahit minsan ay medyo nangangapa. Pero hindi ako puwedeng magpabaya, lalo na ngayon na simula na ng bago kong buhay, ang buhay na hindi ko pa rin lubos na maintindihan kung paano ko tatahakin.Habang inilalabas ko ang mga supot ng basura sa harap ng bahay ni Tito Yummy, saglit akong napatambay sa gilid. Pinagmasdan ko ang paligid, tahimik pa, mukhang abala ang lahat sa kani-kaniyang gawain. Magpapahinga sana ako saglit nang biglang may tumawag sa akin.“Liya, right?”Napatingin ako sa pinagmulan ng boses at nakita ko ang isang dalagitang halos ka-edad ko lang ata. Maganda siya, may mahaba at kulot na buhok at nakangiti siya sa akin na parang matagal na kaming magkaibigan. Napatango ako habang unti-unting napangiti rin.“Ikaw ‘yung kahapon sa isa sa
Khaliyah POVNakahinga ako nang maluwag nang maisara ko nang maayos ang gate at pinto ng bahay. Sinigurado kong naka-lock ang lahat bago ako sumama kay Beranichi papunta sa coffee shop sa may palengke. Minsan lang ako lumabas at gusto ko rin namang magliwaliw kahit saglit.Habang naglalakad kami sa kahabaan ng LJS street, hindi ko maiwasang mapansin ang mainit na pagbati ng mga tao sa akin.“Liya, ang aga mong gumala ngayon, ah!” bati ng isang tindera ng kakanin. Natatandaan ko na nandoon din ito kahapon sa handaan namin ni Tito Larkin.Napangiti ako at masayang kumaway. “Ngayon lang, Ate! Niyaya lang ako ni Beranichi.”Sunod-sunod ang mga pagbating natanggap ko. Parang biglang nagbago ang tingin ko sa lugar na ito. Dati, naiisip ko kasing parang mahirap ang pamumuhay sa probinsya dahil parang pala-away ang mga tao sa ganitong lugar, pero ngayon, parang gusto ko na rito. Hindi sosyal ang mga tao rito, pero may ibang klase ng saya at kapayapaan dito.“Ang dami mo nang kilala rito, ah,”
Larkin POVSa totoo lang, wala naman akong balak buksan ang cellphone ni Khaliyah. Hindi ako ganoong klaseng tao. Hindi ako seloso, pero oo may feelings na ako sa kaniya kahit pa paano. Hindi ako pakialamero, pero kasi nang umilaw ang phone niya habang naliligo siya, paulit-ulit iyon at halos sunod-sunod, at ako na lang ang nasa sala kaya hindi ko maiwasang mapatingin doon.Unang buzz, hindi ko pinansin. Ikalawa, sinulyapan ko lang. Pangatlo, napailing na ako. Pero nang umabot na sa lima ang notifications na hindi niya man lang nilalagyan ng lock screen, napabuntong-hininga na lang ako. Nang lapitan ko ang phone niya, napakunot ang noo ko sa nakita ko sa screen niya "Konsehal Rosales sent a message."Konsehal Rosales? Ng Manila?Pumikit ako saglit habang pinipigilan ko ang sarili na magalit. Pero mabigat na ang dibdib ko dahil hindi siya dapat nakikipag-usap sa alam niyang malapit na tao sa ama niyang mayor.Nilabanan ko ang sarili kong kunin ang cellphone niya. Pero nanaig ang kaba s
Khaliyah POVHalos makatulog na ako dahil sa takot na nararamdaman ko dahil sa pagkakita sa akin ng konsehal na kaibigan ni papa, pero dahil tumunog ang cellphone ko, nagising ako at napatingin sa screen ng phone ko.“Pa-uwi na ako, Khaliyah,” basa ko sa text message ni Tito Larkin.Napabangon tuloy agad ako kasi sure akong nagtipid na naman ang taong ito, tiyak na hindi pa siya kumakain ng lunch. Habang wala pa siya, makapagluto na ng tanghalian. Sakto rin, hindi kami nakakatapos ni Beranichi ng pagkain sa samgyupsal kanina dahil sa pagkakita sa akin kanina ni Konsehal Rosales.Hanggang ngayon, hindi pa rin ako makapaniwala. Isang konsehal na taga-Maynila—at kaibigan pa ng papa kong mayor ang may-ari pala ng samgyupsal na iyon. At ang masaklap, nakita pa niya ako. Minsan, pahamak na rin talaga ang pagsama ko kay Beranichi, dahil sa kakagala namin at napapalayo kami, heto, muntik na akong mapahamak. Sure akong naka-report na iyon sa papa ko, sure na sure ako doon.Pero ayoko munang is
Khaliyah POVBago pa man lumampas ang tanghali, sinundo na ako ni Beranichi sakay ng kaniyang motor. May bagong bukas daw na samgyupsal sa kabilang bayan at fifty percent off ang promo nila sa unang araw. Siyempre, hindi na ako nagpatumpik-tumpik pa. Matagal-tagal na rin mula nang huling makatikim ako ng samgyup at ngayong may promo pa? Aba, hindi puwedeng palampasin.“Sure ka ba, Bera na kahalati talaga ang bawas sa unang araw? Baka naman scam ‘yan, ha!” sabi ko kay Berancihi habang sumasakay sa likod ng motor niya.“Hoy, legit ‘to! May pa-opening banner pa nga eh, makikita mo naman mamaya, saka hindi ako mag-aaya kung hindi naman sure!” sagot niya sabay ngisi.“Sabagay, may tiwala naman ako sa ‘yo, kaya, sige, go na. Kahit ako na ang magbabayad sa kakainin natin,” sagot ko sa kaniya kasi tiyak na mura naman ang bill namin kung fifty percent lang ang bayaran.PAGDATING NAMIN doon, totoo nga—bago pa lang ang kainan na ito. May mga balloons sa labas, may red ribbon pa sa entrance at ma
Khaliyah POVPag-check ko ng record na nangyari kaninang umaga, nagulat ako. Kagabi kasi, sinadya ko ulit matulog ng walang suot na underwear. Palagi ko nang ginagawa iyon kasi nanghuhuli na talaga ako. Pag-check ko ng cctv, doon ko na nakitang bumukas ang pintuan ng kuwarto ko. Halos alas singko palang iyon ng umaga, tinignan ko pa ang itsura ko, matawa-tawa ako nang makita kong nakabukaka ako habang luwang-luwa ang hiwạ ko sa ibaba.Pumasok si Tito Larkin na nakagat-labi habang nakatingin sa pagkababaë kong nakabuyangyang. Nakita ko pa na nakangiti siya nang lumapit sa harapan ko.Doon, napangisi ako nang agad-agad ay nilabas niya ang wala pang buhay ng titë niya. Naka-boxer short na lang siya kaya isang labas lang niya ng ari niya, labas agad ito.Sa harap ko, habang tulog ako, doon niya nilaro ang sarili niyang pagkalalakë ko.Kitang-kita ko kung paano ito unti-unting tumayo at nanigas. Grabe, sobrang laki talaga ng titë ni Tito Larkin. Ang sarap nitong panggigilan kaya habang nan
Larkin POVSa wakas, hindi na kailangan magpakita ng buong katawan para lang makapasa sa work sa isang malaki at magandang bar na gusto kong pag-work-an. Talagang malas lang nung una kasi bakla ‘yung may-ari na napag-apply-an ko. Pero ngayon, hindi na, mukhang matino na ang may-ari, sana.Maaga akong dumating sa bar na napag-apply-an ko. Malaki ito, at mukhang malaki ang sahod ko kapag natanggap ako, saka parang hindi lang basta bar kundi para bang sosyal na tambayan ng mga bigating mga tao ‘to.Ako ang pinakaunang aplikante na dumating. Medyo madilim pa ang paligid, pero bukas na ang mga ilaw sa labas at reception area. May isang receptionist na babae, ngumiti pa sa akin at pinaupo ako sa lounge habang hinihintay ang mga interviewer. May kape sa gilid, pero hindi ko magawang uminom dahil sa kaba.Habang tumatakbo ang oras, unti-unti nang dumadating ang ibang staff. Yung iba mukhang sanay na sa lugar na ‘to, palakad-lakad lang, tapik-tapik sa likod ng isa’t isa, at may mga mukhang ist
Khaliyah POVPagdilat ng mga mata ko, sa trophy at korona agad na nasa table ang tingin ko. Napangiti ako, totoo nga talagang ako ang winner kagabi.Pagtingin ko sa oras, pasado alas-siyete na pala ng umaga. Hindi ko alam kung bakit parang mas magaan ang katawan ko ngayon. Siguro dahil nakatulog akong masaya kagabi. Nanalo kasi ako. Hindi lang basta nanalo, kundi ako ang title holder, ako ang queen ng gabi. At hanggang ngayon, parang panaginip pa rin ang nangyaring iyon.Napangiti ako habang nagsusuklay sa harap ng maliit kong salamin dito sa kuwarto. Pumasok ang amoy ng bagong lutong pandesal mula sa kapitbahay. Kahit medyo malayo iyon sa bahay namin ni Tito Larkin, abot pa rin hanggang dito. Gutom na rin ako at natakam na sa pandesal kaya bibili ako nun.Kaya naisip kong lumabas at bumili na rin pala ng asukal kay Aling Helen kasi naubos na ang asukal nang tignan ko ang lagayan sa may kusina. Hindi puwedeng magkape ng walang asukal kaya kailangan ko na rin talagang bumili.Paglabas
Larkin POVHumigpit ang hawak ko sa upuan habang unti-unting pinapapunta sa stage ang sampung kandidata. Isang malaking gabi ito, hindi lang para sa kanila, kundi para sa buong bayan. Lalo na para kay Khaliyah.Napalingon ako kay Beranichi na katabi ko sa front row. Pareho kaming hindi mapakali, kahit pilit naming ikinukubli. Pero si Khaliyah? Aba, tila ba kalmadong-kalmado lang. Wala kang makikitang kaba sa mukha niya. Nakaangat ang baba, diretso ang tingin, parang alam na niyang siya ang mag-uuwi ng korona ngayong gabi. Ang lakas ng dating niya sa stage, kahit magkakatabi na sila, nangingibabaw ang kagandahan niya.“So, ito na. Announce na natin ang best in Long Gown ngayong gabi!” ani ng host habang umiikot ang spotlight sa sampung kandidata. Napalunok ako ng laway. Pinilit kong hindi pumikit pero ang puso ko, parang tambol sa dibdib ko sa lakas ng kabog. Sa tagal ng katahimikan, parang gusto ko nang tumayo’t ako na ang magsabi ng pangalan ni Khaliyah!“Liya Colmenares!”Muntik pa
Larkin POVNasa harap na ulit ako ng audience matapos ang final look na ginawa ni Beranichi kay Khaliyah. Pakiramdam ko, pati tibok ng puso ko ay naririnig na ng buong mundo. Kinakabahan na kasi ako, baka hindi maganda ang maging sagot ni Khaliyah. Sana lang ay may laman talaga ang utak niya.Ilang sandali na lang at tatawagin na si Khaliyah para sa question and answer portion. Sa ngayon, parang wala pang magandang sumasagot ng maayos na tugma sa tanong. Nakatayo lang ako rito, nanunuod, tahimik, pero sa loob-loob ko, naglalaban ang kaba at tuwa. Hindi ko inasahang ganito pala ang mararamdaman ko habang pinapanood siya. Iba siya ngayong gabi. Ibang-iba.At sa totoo lang, biktima rin ako ni Beranichi, akala ko kasi ay magbabantay lang ako sa kanila ni Khaliyah, ‘yun pala, mabubulaga rin ako sa naisip niyang pakulo kasi isasabak pala niya sa contest si Khaliyah.“Candidate number ten, please step forward,” anunsyo ng host. At doon na lumabas si Khaliyah na suot ang isang bagong long go
Larkin POVHindi ko ma-gets nararamdaman ko ngayon, basta hindi ko maipaliwanag kung anong klaseng kaba ang nararamdaman ko habang nakaupo ako sa harapan kasama ng ibang mga manonood. Siguro, ayaw ko lang na mapahiya si Khaliyah, kawawa naman. Kasi naman, talent na ang ipapakita niya ngayon. Naiisip ko na baka magsabog siya, na baka kung anong ingay at galing niya nung umpisa, baka bigla namang bagsak niya sa talent portion.Nasa stage na ulit si Khaliyah ngayon. Hindi pa man nagsisimula ang tugtog, parang hinihigop na ng presensya niya ang buong lugar. Kalmado ang postura niya, taas-noo pa nga siya, pero may lambot pa rin naman siya sa kilos niya.Sa isip-isip ko, ito na ‘yung babaeng akala ko tahimik lang at mahilig maglako ng jam sa kalye namin. Pero, ngayon, parang ibang nilalang siya. Parang hindi si Khaliyah na matigas ang ulo, parang hindi si Khaliyah na pasaway, ngayon, para siyang isang reyna na hindi mo kayang tanggalan ng tingin dahil sa sobrang ganda.Nang maghanda na siya