Khaliyah POV
Tatlong oras akong pawisan, amoy alikabok, at halos magmakaawang kunin na ako ni Lord habang tinatapos linisin ang buong bahay ni Tito Larkin. Hindi ko alam kung paano ko kinaya, pero heto, tapos na rin ako sa wakas! Ang mga supot ng basura, nasa labas na. Ang mga kalat, nawala na rin. At higit sa lahat, ang sahig, hindi ko na rin alam kung pawis ko o tubig ang dahilan kung bakit ito kumikinang sa linis.
Pero kahit na ganyan, proud ako sa sarili ko! Isang prinsesang tulad ko na hindi sanay magwalis, hindi marunong humawak ng basahan at iniiwasan ang mabahong amoy ng basura, ngayon ay may achievement na!
Nakangiti pa akong naupo sa gilid ng sofa, hinihingal, habang pinagmamasdan ang paligid na malinis na nang biglang bumukas ang pinto ng kuwarto ni Tito Larkin. Napaayos agad ako ng upo at agad napatitig sa matipunong katawan niya na nakakagigil talaga.
Lumabas si Tito Larkin, nakapang-itaas na ngayon pero kita pa rin ang hubog ng katawan niya. “Anong amoy “to?” tanong niya habang nakakunot ang noo at inaamoy ang paligid.
Nanlaki ang mata ko. “Amoy? Uhm, mabango nga po, e?”
Tumingin siya sa paligid at pinagmasdan ang bahay. Medyo na-relax ang mukha niya pero may duda pa rin sa mga mata niya. “Seryoso ba ito, nalinis mo na ang lahat?”
Tumango ako habang pilit na pinipigil ang ngiti ko. “Opo! Tatlong oras din po akong nagtrabaho—”
Naputol ang sasabihin ko nang bigla siyang yumuko at dinampot ang basahan na nasa sahig. May bahid pa ng dumi. Inamoy niya iyon saglit bago ako tinignan ng matalim.
‘Ano ‘to? Bakit mukhang hindi mo nilabhan?”
“H-ha? Nilabhan ko naman po—’
“Saang parte? Sa tubig ulan?”
Napakamot ako ng ulo. “Uh… sa tingin ko, hindi ko po siguro na-kuskos nang maayos.” Ang baho naman kasi kaya diring-diri akong kuskusin.
Pinisil niya ang sentido niya. “At bakit ang lagkit ng sahig? Anong ginawa mo rito?”
Nagkibit-balikat ako. “Nag-map po?”
“Nag-map? Anong gamit mong panlinis?”
“Uh… dishwashing liquid? Kasi akala ko, kung nakakalinis ng plato, eh ‘di lalong nakakalinis ng sahig—”
Halos mahulog ang panga ni Tito Larkin. “Ano?! Khaliyah! Sinasabon mo ba ang sahig?!”
Hindi ko na napigilan ang pagngiti ko nang nahuli ko ang itsura niya, between galit at tulala. Para bang hindi niya maisip kung maiinis siya o tatawa sa katangahan ko. Pero ang mas nakakatawa, parang gusto niyang tumawa pero hindi niya magawa kasi masungit siya sa akin.
Huminga siya ng malalim at tumango-tango. “Fine. Hindi muna kita papagalitan kasi alam kong hindi ka pa magaling maglinis. Pero next time, huwag ka nang mag-imbento, okay? Puwede namang sabong panlaba ang gamitin mo sa susunod, tapos huwag masyadong maraming sabon para hindi malagkit, okay?”
Tumango-tango ako, pero ang totoo, hiyang-hiya ako sa katangahan ko. Minsan lang ako magpakapagod ng ganito na akala ko ay perfect na, marami pa palang mali.
Akala ko, makakapagpahinga na ako, pero ang masama, wala pang limang minuto matapos niya akong pagalitan, inutusan na naman niya ako.
“Magluto ka ng tanghalian. Nagugutom na ako.”
Napakurap ako ng ilang beses. “H-ha? Ako po?”
“Oo, ikaw. Nabasa mo naman siguro sa contract, nakalagay din iyan, basta lahat ng gawaing bahay ay ikaw na, ‘di ba?”
Nag-panic ang utak ko. Paano ko sasabihin sa kanya na ang tanging alam ko lang lutuin ay noodles at itlog? At kung minsan, nasusunog ko pa ang itlog?
Pinanood ko siyang maupo sa sofa at sumandal. Mukhang gutom na siya kaya hindi ako makahanap ng excuse para tumanggi. Kaya heto ako ngayon, nasa harap ng kalan, hawak ang isang tasa ng bigas habang iniisip kung paano ko ito iluluto nang hindi nagmumukhang lugaw o bato.
Pinagpapawisan na ako nang bumalik si Tito Larkin sa kusina. Nakita niyang hawak-hawak ko ang bigas habang nakatunganga sa rice cooker.
“Anong ginagawa mo?”
“Nag-iisip po kung paano magsaing…”
Napakapit siya sa batok niya na parang iniipon ang natitirang pasensya niya sa ulo niyang nag-iinit na talaga nang dahil sa akin. “Hugasan mo muna kasi!”
“Ha? Ba’t pa huhugasan? Di ba malilinis na ‘yan pag niluto?”
Muntik na niyang itapon ang hawak niyang baso ng tubig. “Khaliyah! Diyos ko, paano ka nabuhay sa mansion niyo?!”
Imbis na ako ang magsaing, siya na ang gumawa niyon, panuorin ko na lang daw siya para sa susunod ay alamko na ang gagawin ko.
Pigil na pigil ko ang tawa habang pinapanood siyang tuluyang mawalan ng pasensya sa akin. Pero hindi pa doon natatapos ang paghihirap niya.
Nang magprito naman ako ng itlog, napatalon ako sa unang tilansik ng mantika sa akin. Napasigaw tuloy ako.
“Ay! Ang init!”
Napasugod si Tito Larkin sa kusina. “Ano na naman nangyari?!”
“Nagwawala ang mantika! Tito Larkin, pigilan mo ‘to!”
Napailing na lang siya at siya na mismo ang nagprito ng itlog ko. Nakatayo ako sa likod niya, nakahalukipkip habang pinapanood siyang nagluluto. Mainit na kasing tanghaling tapat kaya medyo oily ang katawan ni Tito Larkin dahil sa pawis. Habang katabi ko siya, hindi ko mapigilang mapakagat-labi kasi mas hot siya sa malapitan. Parang ang sarap dilaan ng pawis sa katawan niya. Nakakagigil.
“Alam mo,” sabi niya habang hinihintay maluto ang itlog, “hindi ko alam kung sinusubukan mo lang ako o talagang wala kang alam sa buhay.”
Natawa ako. “Both?”
Napailing na naman siya, pero napansin kong nakangiti na siya nang bahagya. Siguro, kahit paano, naaaliw rin siya sa pagiging inutil ko sa bahay.
Sa huli, nakaluto rin kami ng simpleng pagkain, pero si Tito Larkin na ang halos gumawa ng lahat. At ako? Ako ang taga-abot ng mga rekado.
Hindi ko alam kung makakaligtas pa ako sa mga susunod na araw, pero isa lang ang sigurado ko, sulit lahat ng hirap basta kasama si Tito Larkin. Busog na busog ang mata ko sa masarap na si Tito Larkin.
Larkin POVPagkatapos kong mahimasmasan mula sa matinding hangover, napagdesisyunan kong ipa-tsugi na ang magarang sasakyan ni Khaliyah. Hindi puwedeng manatili ang kotse niya sa tapat ng bahay ko. Para itong kumikinang na signboard na nagpapahayag kung nasaan siya. Isang maliit na pagkakamali lang at siguradong matutunton siya ng ama niyang mayor o ng mafia boss na pinagpipilitan siyang ipakasal sa anak nito.Nasa sala si Khaliyah, nakahilata sa sofa na parang prinsesa sa mansiyon. Hinayaan ko na muna at alam kong napagod siya sa mga kamaliang ginawa niya sa bahay ko. Imbis kasi na mapadali ang buhay ko kanina, aba, mukhang naging pabigat pa siya. Pero, hindi, alam kong masasanay din siya kapag lumaon kaya kailangan kong tiyagain na turuan siya.Tumikhim ako at sinadyang lakasan ang boses. “Khaliyah, ‘yang sasakyan mo. Kailangang mawala na ‘yan dito ah.”Nilingon niya ako na para bang hindi pa niya lubos na nauunawaan ang sinabi ko. “Ha? Ano pong ibig mong sabihin?”“Hindi safe. Mala
Khaliyah POVPumasok na sa bank account ko ang perang pinagbenta ko sa mamahaling kotse ko. Halos hindi ako makapaniwala sa dami ng sero sa account balance ko. Sa totoo lang, bigay ni papa ang kotse na iyon, pero dahil matagal-tagal akong magtatago, gagamitin ko ang perang iyon para makapagtago ako ng mas matagal pa at para mabigay ko ang lahat ng need ni Tito Larkin para lang makapag-stay ako ng matagal rito.Hindi ito ang unang beses na nakahawak ako ng ganitong kalaking halaga, pero iba ngayon. Parang may kung anong kirot sa dibdib ko habang pinagmamasdan ang screen ng cellphone ko.Bukas ng umaga, pupunta na ang bumili para kunin ang sasakyan ko. Isang bahagi ng pagkatao ko ang parang gustong umatras, pero tapos na ang usapan sa bentahan. Wala nang atrasan dahil pumasok na sa bank account ko ang pera.Habang nag-aagaw ang liwanag at dilim, lumabas na si Tito Larkin sa kuwarto niya, wet look pa ang buhok dahil bagong ligo. Naka-simpleng puting t-shirt at lumang jeans siya na handa
Khaliyah POVMga anim na pares lang naman ang damit ni Tito Larkin, hindi naman din malibag o mabaho dahil nga siguro malinis siya sa katawan. Nang maisalang ko na lahat, naghanap ako ng sabon. Madali ko namang nakita dahil nasa malapit lang ito ng washing machine. Nilagay ko na ang sabon doon at saka ko na pinaikot ang mga damit doon.Habang umiikot ang washing machine, umupo ako sa isang lumang bangkito. Tinuloy ko na ang pag-inom ng kape habang tahimik ang paligid. Naririnig ko lang ang mahihinang kaluskos sa labas at ang tunog ng umuugong na washing machine. Sa totoo lang, sariwa ang hangin dito sa probinsya at masyado ring tahimik. Nakakapanibago pero siguro ay masasanay din ako.Maya maya, biglang bumukas ang pinto at pumasok si Tito Larkin, may bitbit na tatlong malalaking kahon.“Nandito na ako,” sabi niya sabay bagsak sa mesa ng isang kahon. Halos matumba ito sa bigat.Napakunot ang noo ko. “Ano ‘yan? ‘Yan na po ba ang mga grocery?”“Oo, grocery na natin ‘yan,” sagot niya hab
Khaliyah POVMaaga akong nagising dahil sa tunog ng makina ng sasakyan sa labas. Dumating na pala ang bumili ng kotse ko. Hindi na ako bumangon, si Tito Larkin na ang humarap sa kanila kasi ayaw na rin ni Tito Larkin na makita pa ako ng mga buyer.Nakahiga lang ako sa sofa, nakatingin sa kisame habang pinapakinggan ang usapan sa labas. Ang bigat sa pakiramdam. Parang may nabawas sa buhay ko. Mahal na mahal ko ang sasakyang ‘yon, pero wala akong magagawa. Kailangan ko ng bitiwan dahil hindi ko na rin naman siya magagamit dahil kailangan kong mag-ingat.Nang marinig kong bumukas ang pinto, tumalikod ako at pumikit, kunwari’y natutulog pa rin. Narinig ko ang buntong-hininga ni Tito Larkin. “Kung iniinda mo ‘yan, e ‘di sana hindi mo na binenta.”Hindi ako sumagot. Hindi ko alam kung paano ipapaliwanag na hindi ko ginusto ‘yon, pero wala akong choice. Narinig ko ang mahihinang yabag ng paa niya papunta sa kusina.“Ano, hindi ka kakain?” tanong niya matapos ang ilang sandali.Napabuntong-hi
Larkin POVKaninang umaga pa ako balisa. Hindi ko alam kung nagpa-paranoid lang o sadyang may pangit akong kutob. Pero hindi na ako nagdalawang-isip, hindi ko na hahayaan pang lumala ‘to. Kung gusto kong maiwas-kulong, kailangang gawin ko na agad ang plano kong ito.Kailangan nang asikasuhin kasal na ito.Walang ligawan, walang proposal, walang espesyal na selebrasyon. Kasal lang. Para lang malinis ang pangalan ko at hindi ako mapagbintangan ng kung anu-ano sa pagpatol kong tumulong kay Khaliyah. At para na rin sa paghihiganti ko rin sa Mayor na ama niya.Napagdesisyunan kong hindi na rin sa Mayor kami magpapakasal. Mali ‘yon. Mas delikado. Kung sakali kasing kakilala ng mayor dito sa Norzagaray ang mayor sa Maynila, baka isang maling galaw lang, matunton agad si Khaliyah at matapos ang lahat sa isang iglap. Kaya mas mabuting humanap na lang ako ng pastor. Mas simple. Mas tahimik. Mas mabilis pa ang proseso.“Tol, Larkin, sigurado ka na ba dito?” tanong ni Levi habang nagkakape kami s
Khaliyah POVPagdating namin sa LJS street, hindi ko inaasahan ang eksena sa tapat ng bahay ni Tito Larkin. Para kaming artista na may grand homecoming, pero hindi ito fans club, mga kapitbahay ito ni Tito yummy. At halatang may alam na agad sila sa nangyari.“Ayun na sila!” sigaw ni Aling Helen, ang may-ari ng tindahan sa kanto. Nung isang araw kasi ay pinakilala sa akin ni Tito Larkin ang lahat ng mga kakilala niya rito gamit ang mga picture na mayroon sa cellphone niya. Para raw incase may kulang sa bahay at need ko ng pagkain o sangkap sa pagluluto ay sa tindahan niya ako pupunta para bumili.“Hoy, bagong kasal! Magpakain naman kayo!” dagdag pa ni Aling Helen sabay tawa.Napahinto ako sa tapat ng gate habang si Tito Larkin ay napailing na lang. Lumipat ang tingin niya kay Levi, na nakangisi lang sa gilid. Alam kong siya ang tsismoso sa likod ng lahat ng ito. Sabi kasi ni Tito Larkin ay kahit pakiusapan niya si Levi, hindi mapigilan ang pagiging madaldal nito. Ayos lang naman, pero
Khaliyah POVSa totoo lang, hindi ko inaasahan na makakaya kong mag-prepare na ganito. First time ko ‘to, na ako ang naghagilap sa social media ng mga pinag-order-an kong pagkain. Pero dito na lang din ako naghanap ng pagkain sa Norzagaray, Bulacan, kasi para mas malapit na rin. Saka, hindi na Khaliyah ang name ng gamit ko sa social media, Liya Colmenares na, sinunod ko na sa surname ni Tito Yummy, na asawa ko na ngayon.Pero napangiti ako habang pinagmamasdan ang nakahilerang pagkain sa lamesa. Maliit na litson, fried chicken na pang-isandaang tao, pancit, spaghetti, menudo, seafood at isang malaking cake na may nakasulat pang Happy Wedding Liya & Larkin. Nang makita ni Tito Larkin ang lahat ng iyon, parang gusto na niyang mahulog sa upuan.Natulog pa naman siya sa kuwarto niya at pagkagising, heto na, naka-ready na ang mga pagkain.“Anong klaseng gastos ang pinaggagawa mong ‘to, Khaliyah?” singhal niya sa akin. Halos mapunit ang noo niya sa pagkakunot.“Ano, fifty thousand pesos lan
Larkin POVNapahirap kapag birthday mo at naghanda ka. Lahat ay luto at kilos mo. Umaga palang ay nasa palengke na ako para mamili ng mga pagkaing lulutuin ko. Namili ako ng pang-bobopis, sisig at pati na rin mani na masarap ilaga. ‘Yan ‘yung mga pulutan na masarap talagang kainin kapag umiinom.Nagluto lang ako ng pancit at spaghetti para sa mga bisitang pupunta na hindi naman din umiinom. Hapon palang, nagpuntahan na ‘yung mga kapitbahay kong marites, marisol at tolits. Sila ‘yung kauna-unahang kumain ng handa ko. Lahat kasi kami dito ay kapag may birthday-han ay wala ng imbita-imbita, automatic ay darating sila para lusubin ang handa mo. Okay lang naman, masaya nga kapag lahat ay magkakasundo, ang maganda naman sa mga ito ay may dala silang softdrinks, o kundi naman ay isang pileng na saging.Nung mag-agaw na ang liwanag at dilim, start na ng party. Sa probinsya, hindi talaga masaya ang birthday kapag walang tagayan. Sa harap ng bahay ko dito sa LJS Street, nag-iinuman kami ng mga
Khaliyah POVSa totoo lang, hindi ko inaasahan na makakaya kong mag-prepare na ganito. First time ko ‘to, na ako ang naghagilap sa social media ng mga pinag-order-an kong pagkain. Pero dito na lang din ako naghanap ng pagkain sa Norzagaray, Bulacan, kasi para mas malapit na rin. Saka, hindi na Khaliyah ang name ng gamit ko sa social media, Liya Colmenares na, sinunod ko na sa surname ni Tito Yummy, na asawa ko na ngayon.Pero napangiti ako habang pinagmamasdan ang nakahilerang pagkain sa lamesa. Maliit na litson, fried chicken na pang-isandaang tao, pancit, spaghetti, menudo, seafood at isang malaking cake na may nakasulat pang Happy Wedding Liya & Larkin. Nang makita ni Tito Larkin ang lahat ng iyon, parang gusto na niyang mahulog sa upuan.Natulog pa naman siya sa kuwarto niya at pagkagising, heto na, naka-ready na ang mga pagkain.“Anong klaseng gastos ang pinaggagawa mong ‘to, Khaliyah?” singhal niya sa akin. Halos mapunit ang noo niya sa pagkakunot.“Ano, fifty thousand pesos lan
Khaliyah POVPagdating namin sa LJS street, hindi ko inaasahan ang eksena sa tapat ng bahay ni Tito Larkin. Para kaming artista na may grand homecoming, pero hindi ito fans club, mga kapitbahay ito ni Tito yummy. At halatang may alam na agad sila sa nangyari.“Ayun na sila!” sigaw ni Aling Helen, ang may-ari ng tindahan sa kanto. Nung isang araw kasi ay pinakilala sa akin ni Tito Larkin ang lahat ng mga kakilala niya rito gamit ang mga picture na mayroon sa cellphone niya. Para raw incase may kulang sa bahay at need ko ng pagkain o sangkap sa pagluluto ay sa tindahan niya ako pupunta para bumili.“Hoy, bagong kasal! Magpakain naman kayo!” dagdag pa ni Aling Helen sabay tawa.Napahinto ako sa tapat ng gate habang si Tito Larkin ay napailing na lang. Lumipat ang tingin niya kay Levi, na nakangisi lang sa gilid. Alam kong siya ang tsismoso sa likod ng lahat ng ito. Sabi kasi ni Tito Larkin ay kahit pakiusapan niya si Levi, hindi mapigilan ang pagiging madaldal nito. Ayos lang naman, pero
Larkin POVKaninang umaga pa ako balisa. Hindi ko alam kung nagpa-paranoid lang o sadyang may pangit akong kutob. Pero hindi na ako nagdalawang-isip, hindi ko na hahayaan pang lumala ‘to. Kung gusto kong maiwas-kulong, kailangang gawin ko na agad ang plano kong ito.Kailangan nang asikasuhin kasal na ito.Walang ligawan, walang proposal, walang espesyal na selebrasyon. Kasal lang. Para lang malinis ang pangalan ko at hindi ako mapagbintangan ng kung anu-ano sa pagpatol kong tumulong kay Khaliyah. At para na rin sa paghihiganti ko rin sa Mayor na ama niya.Napagdesisyunan kong hindi na rin sa Mayor kami magpapakasal. Mali ‘yon. Mas delikado. Kung sakali kasing kakilala ng mayor dito sa Norzagaray ang mayor sa Maynila, baka isang maling galaw lang, matunton agad si Khaliyah at matapos ang lahat sa isang iglap. Kaya mas mabuting humanap na lang ako ng pastor. Mas simple. Mas tahimik. Mas mabilis pa ang proseso.“Tol, Larkin, sigurado ka na ba dito?” tanong ni Levi habang nagkakape kami s
Khaliyah POVMaaga akong nagising dahil sa tunog ng makina ng sasakyan sa labas. Dumating na pala ang bumili ng kotse ko. Hindi na ako bumangon, si Tito Larkin na ang humarap sa kanila kasi ayaw na rin ni Tito Larkin na makita pa ako ng mga buyer.Nakahiga lang ako sa sofa, nakatingin sa kisame habang pinapakinggan ang usapan sa labas. Ang bigat sa pakiramdam. Parang may nabawas sa buhay ko. Mahal na mahal ko ang sasakyang ‘yon, pero wala akong magagawa. Kailangan ko ng bitiwan dahil hindi ko na rin naman siya magagamit dahil kailangan kong mag-ingat.Nang marinig kong bumukas ang pinto, tumalikod ako at pumikit, kunwari’y natutulog pa rin. Narinig ko ang buntong-hininga ni Tito Larkin. “Kung iniinda mo ‘yan, e ‘di sana hindi mo na binenta.”Hindi ako sumagot. Hindi ko alam kung paano ipapaliwanag na hindi ko ginusto ‘yon, pero wala akong choice. Narinig ko ang mahihinang yabag ng paa niya papunta sa kusina.“Ano, hindi ka kakain?” tanong niya matapos ang ilang sandali.Napabuntong-hi
Khaliyah POVMga anim na pares lang naman ang damit ni Tito Larkin, hindi naman din malibag o mabaho dahil nga siguro malinis siya sa katawan. Nang maisalang ko na lahat, naghanap ako ng sabon. Madali ko namang nakita dahil nasa malapit lang ito ng washing machine. Nilagay ko na ang sabon doon at saka ko na pinaikot ang mga damit doon.Habang umiikot ang washing machine, umupo ako sa isang lumang bangkito. Tinuloy ko na ang pag-inom ng kape habang tahimik ang paligid. Naririnig ko lang ang mahihinang kaluskos sa labas at ang tunog ng umuugong na washing machine. Sa totoo lang, sariwa ang hangin dito sa probinsya at masyado ring tahimik. Nakakapanibago pero siguro ay masasanay din ako.Maya maya, biglang bumukas ang pinto at pumasok si Tito Larkin, may bitbit na tatlong malalaking kahon.“Nandito na ako,” sabi niya sabay bagsak sa mesa ng isang kahon. Halos matumba ito sa bigat.Napakunot ang noo ko. “Ano ‘yan? ‘Yan na po ba ang mga grocery?”“Oo, grocery na natin ‘yan,” sagot niya hab
Khaliyah POVPumasok na sa bank account ko ang perang pinagbenta ko sa mamahaling kotse ko. Halos hindi ako makapaniwala sa dami ng sero sa account balance ko. Sa totoo lang, bigay ni papa ang kotse na iyon, pero dahil matagal-tagal akong magtatago, gagamitin ko ang perang iyon para makapagtago ako ng mas matagal pa at para mabigay ko ang lahat ng need ni Tito Larkin para lang makapag-stay ako ng matagal rito.Hindi ito ang unang beses na nakahawak ako ng ganitong kalaking halaga, pero iba ngayon. Parang may kung anong kirot sa dibdib ko habang pinagmamasdan ang screen ng cellphone ko.Bukas ng umaga, pupunta na ang bumili para kunin ang sasakyan ko. Isang bahagi ng pagkatao ko ang parang gustong umatras, pero tapos na ang usapan sa bentahan. Wala nang atrasan dahil pumasok na sa bank account ko ang pera.Habang nag-aagaw ang liwanag at dilim, lumabas na si Tito Larkin sa kuwarto niya, wet look pa ang buhok dahil bagong ligo. Naka-simpleng puting t-shirt at lumang jeans siya na handa
Larkin POVPagkatapos kong mahimasmasan mula sa matinding hangover, napagdesisyunan kong ipa-tsugi na ang magarang sasakyan ni Khaliyah. Hindi puwedeng manatili ang kotse niya sa tapat ng bahay ko. Para itong kumikinang na signboard na nagpapahayag kung nasaan siya. Isang maliit na pagkakamali lang at siguradong matutunton siya ng ama niyang mayor o ng mafia boss na pinagpipilitan siyang ipakasal sa anak nito.Nasa sala si Khaliyah, nakahilata sa sofa na parang prinsesa sa mansiyon. Hinayaan ko na muna at alam kong napagod siya sa mga kamaliang ginawa niya sa bahay ko. Imbis kasi na mapadali ang buhay ko kanina, aba, mukhang naging pabigat pa siya. Pero, hindi, alam kong masasanay din siya kapag lumaon kaya kailangan kong tiyagain na turuan siya.Tumikhim ako at sinadyang lakasan ang boses. “Khaliyah, ‘yang sasakyan mo. Kailangang mawala na ‘yan dito ah.”Nilingon niya ako na para bang hindi pa niya lubos na nauunawaan ang sinabi ko. “Ha? Ano pong ibig mong sabihin?”“Hindi safe. Mala
Khaliyah POVTatlong oras akong pawisan, amoy alikabok, at halos magmakaawang kunin na ako ni Lord habang tinatapos linisin ang buong bahay ni Tito Larkin. Hindi ko alam kung paano ko kinaya, pero heto, tapos na rin ako sa wakas! Ang mga supot ng basura, nasa labas na. Ang mga kalat, nawala na rin. At higit sa lahat, ang sahig, hindi ko na rin alam kung pawis ko o tubig ang dahilan kung bakit ito kumikinang sa linis.Pero kahit na ganyan, proud ako sa sarili ko! Isang prinsesang tulad ko na hindi sanay magwalis, hindi marunong humawak ng basahan at iniiwasan ang mabahong amoy ng basura, ngayon ay may achievement na!Nakangiti pa akong naupo sa gilid ng sofa, hinihingal, habang pinagmamasdan ang paligid na malinis na nang biglang bumukas ang pinto ng kuwarto ni Tito Larkin. Napaayos agad ako ng upo at agad napatitig sa matipunong katawan niya na nakakagigil talaga.Lumabas si Tito Larkin, nakapang-itaas na ngayon pero kita pa rin ang hubog ng katawan niya. “Anong amoy “to?” tanong niya
Khaliyah POVUnang araw ko palang sa bahay ni Tito Larkin pero pakiramdam ko, para na akong pinaparusahan. Sa bawat sulok ng bahay, may kalat. Mga bote ng alak, nagkalat na papel at mga piraso ng pagkain sa sahig, parang dinaanan ng bagyo ang buong lugar. Napalunok ako. Hindi ko alam kung paano ko ito sisimulan.“Ano, Khaliyah? Tititigan mo lang ba ‘yan? Simulan mo na, para matapos agad,” bossy na sabi ni Tito Larkin bago siya pumasok sa kuwarto niya.Naiwan ako sa sala, nakatayo, hawak ang walis na parang hindi ko alam kung paano ito gamitin. Princessa ako sa amin pero pagdating dito sa probinsya, para akong namasukang ng pagiging kasambahay. Sabagay, parang ganoon na rin iyon. Alipin nga ang tawag sa akin ni Tito Larkin. Sa totoo lang, hindi ko rin gets kung bakit gusto niya akong alipinin, puwede naman kaming mag-hire ng kasambahay na babae. Pero, naisip ko rin na kung magkakaroon kami ng kasambahay na babae, baka maka-istorbo lang siya sa amin ni Tito Larkin. Mainam na rin na solo