Beranda / Romance / Alethea Armani (Borrowed Husband) / Chapter 1 The first meeting,the first kiss

Share

Alethea Armani (Borrowed Husband)
Alethea Armani (Borrowed Husband)
Penulis: y. E

Chapter 1 The first meeting,the first kiss

Penulis: y. E
last update Terakhir Diperbarui: 2024-10-29 19:42:56

Chapter 1(The first meeting,the first kiss)

"Ate sure kanaba talaga na magpapakasal kana?" Hindi maiwasan ni Alethea ang mag alala sa ate niya, alam niyang stressed ito these past few days dahil narin sa nalalapit nitong kasal.

Weekends are family day, kailangan nilang mag-ipon ipon sa bahay ng mga magulang kahit pa lahat sila ay may mga kanya kanyang trabaho na.

Adira just rolled her eyes on her.

She is the eldest daughter.

Apat silang magkakapatid na babae at isang bunsong lalaki.

Adira is the eldest, sunod siya Alethea, si Arielle, at ang bunsong babae si Arianna at ang nag iisang lalaki naman si Lexus.

"No, I don't want to get married sa lalaking hindi ko pa kilala"

She rolled her eyes, at halata ang pagka disgusto sa ideya.

For almost four years ay hindi narin nag boyfriend ang ate niya, nung i-open ng daddy niya ang tungkol sa kasal ay ok lang dito noong una,pero ngayon ay halata ang pag ayaw nito.

Maraming rason ito para hindi sila magkita ng future groom, at naaawa lang siya dito.

When they were growing up, mahigpit na turo ng daddy nila na dapat ay maging responsible sila lalo na ang ate niya na panganay na siyang nakaatang ang mas maraming responsibilidad mula pa nung pagkabata ay dala na nito ang bigat ng pagiging Armani.

"I thought nakita mo na ang picture niya?"nakakunot noong tanong niya.

"Yes but it's just a picture, ayoko pang magpakasal lalo na sa lalaking hindi ko naman mahal."

Nakaramdam siya ng lungkot para sa ate niya.

She didn't deserve this, she did everything for the company.

But the strong wall will be build by a strong pillar ang ate niya at mapapangasawa nitong anak din ng business partner ng daddy niya. At kasama sa organization na kinabibilangan ng ama.

They're just helping her father para makabalik sa org.

Adira is a free spirited woman, matalino at independent ito.

Na hinahangaan niya dito

Unlike her na mahina, at bobo kumpara sa mga kapatid niyang babae.

"Kung pwede lang sana kitang matulungan ate.."

Kinuha nito ang isang picture na nasa envelope.

"Well this is him" at tinapat nito ang picture sa mukha niya.

Nagulat siya.

"Ate siya ang papakasalan mo? Ang gwapo " bulalas niya dito.

Bahagya naman itong natawa sa reaksyon niya.

Nakasulat sa likod ng picture ang pangalan nito , Lucas Raccini

"Yes my lovely sister he is the guy,you can have him if you like him" she wink,napakagat labi siya.

Mukha itong modelo.

Matangos ang ilong at mapungay ang mga mata nito.

May problema ba ang ate niya sa mata?

"And that day will be my doomsday,I am not ready to get married I want to enjoy my life"tila nagda-drama pa ito habang hinahataw ng unan ang isa pang unan.

Tiningnan niya ang ate niya, well sa tingin niya ay ayaw talaga nito.

" Alam mo ate swerte ko, dahil hindi ako ang naging panganay, haha! But my advice to you enjoy your last day of being single ate dahil in the next few week ay magiging Adira Raccini kana"

Umiling iling ito.

" I will enjoy every minutes and every second.. Thea dahil hindi ko alam kung magiging masaya pako once na makasal ako sa isang lalaking di ko man lang nakita, And you know I'm so happy dahil wala si mom, at dad ngayon dahil kung nandito sila.. di ko magagawa ang lahat ng gusto ko before wedding hu! God is good to me!! "Nag flying kiss pa ito.

She try to contact her Ate Adira at sumasagot naman ito sakanya noong bago palang ito mapunta sa islang pagbabakasyunan nito ngunit bigla nalang hindi na niya ito makontak and it makes her anxious.

Kung bakit hindi sumasagot ang ate niya sa mga tawag niya.

The days gone by so fast.

("Hello Thea,")

it was Kenneth kahit papaano ay gumaan ang pakiramdam niya.

"Hey Kenneth how are you?"

("Ahm, ito were a bit busy., Ahm do you have your lunch?".)

"Ah, yeah, how about you?"

("Ito kakatapos lang kumain")

"Oh, ok.."

("Are you at your parents house?")

"Yes why?".

("Nothing, ahm. You will stay there until tomorrow right? Sunday")

"Yes, I am"

("Oh, ok are your parents there?")

"No, they're in Italy"

("Oh ok")

She got bored to their conversation she likes Kenneth but these are the things she hates about him.

Napabuntong hininga siya paano ba niya ito magiging boyfriend?

Did she have to make her first move?

Kenneth is slow gwapo sana ito he's a flamboyant at yun ang gusto niya dito but he is a shy type at hindi niya alam kung paano siya nito maliligawan alam niyang gusto siya nito and it's too obvious.

Humiga siya at tumitig sa kisame.

Nilapag niya sa bedside table ang cellphone at may tinamaan ang kamay niyang papel kaya kinuha niya iyon at nagulat siya

It was Lucas Raccini's picture while he was smiling handsomely.

Like he was smiling at her at napangiti siya.

"Bakit ganyan ka nakatingin sakin? Nagagandahan ka no? Bakit ganyan ka ngumiti? Parang nang aakit ka"

Nabura ang ngiti niya when she realize what she was doing

"Damnit! What was I thinking? Alethea you're crazy?!"

At binalik niya sa drawer ang picture nito.

Naalala niyang kinuha pala niya iyon ng ibigay sakanya ng ate Adira niya.

A day before the wedding

"Arianna, any call from ate?" Kinakabahan niyang tanung sa kapatid niya.

"Naku ate Thea, hindi namin makontak si Ate Adira''pati ang mga kapatid ay nai-stress narin.

Hindi na siya makapag focus bukas na ang kasal ng ate niya ngunit hindi parin ito nagpapakita.

"Shit.! Paano ba to?" Na i-stress siyang isipin na wala pa ang ate niya.

Hindi rin niya matawagan ang magulang dahil nasa Italya ang mga ito.

At hindi makaka attend ng wedding dahil nagkasakit ang lola nila at kailangan operahan , so as a representative ng pamilya ay dapat nandoon silang tatlong babae susuporta sa kasal ng ate niya.

Pero hanggang ngayon ay walang tawag ang ate niya.

Hindi rin niya mabanggit sa daddy niya ang problema.

Alam niyang matagal ng plano ang arrange marriage na yun.

Nakasalalay ang kumpanya ng daddy niya sa kasal na iyon.

Kaya hindi pwedeng i cancel.

Tadtad na ng mensahe at miscalled niya ang ate niya.

Naiinis na siya dahil mabilis lang na lumilipas ang oras at hindi pa nila makontak ang ate niya.

Nang biglang may unregistered number na tumatawag sakanya kaya naman sinagot niya agad.

("Thea?") Boses iyon ng ate niya.she sounds husky na tila ba kagigising lang nito.

"My gosh ate sa wakas kanina kapa namin tinatawagan, ate bukas na ng umaga ang kasal mo nasan kanaba?!" Nakasigaw niyang tanong stressed na siya dahil sa ate niya.

("I'm sorry") hingi ng paumanhin nito.

"It's ok ate basta umuwi kana-"

("I can't")

"What? What do you mean you can't?"

She raised her voice.

("I'm in the middle of nowhere")

Napamura siya sa hangin.

"Ate are you kidnapped?!" Pati dalawang kapatid niya ay napatayo mula sa kinauupuan.

("No.. no, remember when we last talk, I.. I go to the beach and I drunk my heart out, because of frustrations, and then merong lalaking nakipag usap sakin and he ask me, what was my problem and then I told him, and we drink and when I woke up nasa gitna na ako ng karagatan, I.. I don't know where I am")

Natuptop niya ang bibig," gosh ate tatawag ako ng police-"

(" Stop, Alethea.. I.. I can't.. I don't want to be married.. I.. like this guy kaya naman sasama muna ako sakanya.. can.. you please attend the wedding for me..? ")

Ilang segundo din bago tuluyang rumehistro sakanya ang sinabi ng ate niya at nanlalaki ang mata niya ng marealize.

" What ate no! "She almost shout dahil sa sinabi ng ate niya.

(" Please.. please after I got home ay, aayusin ko lahat but for now please... Thea... Please hindi ako makakauwi at ayaw kong masira ang plano ni daddy sa kumpanya I know it's all my fault kaya I swear, hindi pa makakabalik agad sila dad kaya hindi nila malalaman na ikaw yan, lalo na sa side ng lalaki matutuloy ang kasal.. babalik ako before bumalik sila dad at papalitan kita just please stand for me.. habang wala pa ako")

Nanlulumo siya sa mga nangyayari.

Wala siyang maisip na gawin. Pero siguro ay kailangan niyang magtiwala sa ate niya, marami itong ipinaliwanag sakanya na hindi daw malalaman ng groom at for business matters naman kaya alam nitong wala naman pakialamanan because she already read the contract kaya siguradong sigurado ito.

("Please Thea just this one, I'm so sorry I really am, Lucas Raccini is a good man I already saw his profile he was one of the outstanding Bachelor in the society and most importantly he is the son of tito Lucas mapagkakatiwalaan siya, so please just bare with babalik ako promise ok,? ")

" B-but Ate".

(" Ilove you Thea, thank you ")

At nawala na ito sa kabilang linya.

Tulala siya buong maghapon.

Hindi siya nakatulog ng nagdaang gabi.

Hindi niya alam ang gagawin sumasakit ang ulo niya sa mga nangyayari.

At nagiisip kong paano bukas?

Hanggang saan ba ang alam ng lalaki na yun sa ate niya?

Hindi niya natanong ang ate niya tungkol dito.

Paano kung kagaya ng ate niya meron ding picture si Lucas kay Ate Adira? Nakakahiya oras na malaman nitong hindi siya si Adira.

Napaka lakas ng tibok ng puso niya habang naglalakad sa aisle papunta sa altar ng simbahan.

Habang naghihintay ang matangkad na lalaking naka white tuxedo.

Malayo palang ay kita na niya ang itsura nito.

Siguro kung makikita ito ng ate niya ay baka magbago ang isip nito.

Dahil gwapo na sa picture mas lalo na pala sa personal.

Napalingon siya sa dalawang kapatid na kasalukuyang nakaupo at nakatingin sakanya.

At nag sign up pa ang mga ito na kaya niya!

Inirapan niya ang mga ito, mula sa kinauupuan.

At tumingin sa lalaking mapapangasawa dapat ng ate niya.

Kinakabahan siya halos pakiramdam niya ay lalabas ang puso niya sa ribcages niya habang nagmamartsa halos lahat kasi ng mata ay sakanya nakatingin.

Nakangiti at may mga paghanga.

Ngunit di niya ma appreciate yun sa mga oras nato ang kaba at takot na nararamdaman niya.

At nagpapasalamat siya dahil walang magulang sa both side ang naka attend ng kasal.

Hindi ito ang pangarap niyang kasal at sana magpakita lang ang ate niya habang di pa huli ang lahat.

Matiim ang titig nito sakanya na tila ba pinag aaralan ang mukha niya.

And she look at him, kiming ngiti ang binigay niya dito.

Di siya makangiti ng maayos sa kaba pakiramdam niya ay nakangiwi siya embes na nakangiti.

Inilhad nito ang kamay sakanya pagdating niya sa altar, at tinanggap naman niya ang kamay nito.

Alam niyang ramdam nito ang panlalamig ng mga kamay niya parang yelo sa kaba at mahinang pinisil nito sa kamay niya.

Bahagya siyang napalingon dito, dahil sa ginawa nito.

At nagsimula na ang seremonya ng kasal parang nabibingi siya, hindi sa boses ng pari kundi sa kaba ng dibdib niya.

Napatingin siya sa lalaking kaharap, matiim ding nakatitig ito sakanya kaya naman nag iwas siya ng tingin.

"And you may kiss the bride" saka lang siya parang natauhan.

Saka parang nagaaway ang utak niya, dahil nawala sa isip niya na meron palang ganung eksena sa kasal.

Lumapit sakanya ito.

At inangat ang veil na nakaharang sa mukha niya.

She is not ready..

And he looked at her,, intently he lowered his head para magpantay ang mukha nila.

Her breathing became hard para na siyang aatakihin.

She subconsciously steps back ngunit,

hinawakan nito ang panga niya papunta sa tenga niya, habang ang isang kamay naman nito ay nilagay nito sa bewang niya,and he gentle pulled her.

Until their lips meet.

This is the first time she experience a kiss bahagya pang gumalaw ang labi nito habang hindi niya maigalaw ang mga labi niya.

Nagpalakpakan ang mga tao.

Napakagat labi siya, habang nakatingin dito.

Kita niya ang paghinga nito at napatitig sa mga labi niya.

At ng bitawan nito ang bewang niya ay humarap sa mga tao, napabaling siya sa dalawang kapatid na akala mo talaga tunay na kasal niya iyon.

May payakap yakap pa ang mga ito.

" Ate Thea, paano yan isasama ka pala niya"bulong sakanya ni Arianna.

Para hindi siya mahalata.

Kakatapos lang ng reception ng kasal nila. Simple lang ang pagdaraos ng reception dahil narin siguro sa business lang ito at hindi tunay na kasal.

Hindi rin sila ng groom nagpakita na sa reception ng kasal.

" Hindi ko alam ang gagawin ko, tatakas naba ako? "Bulong din niya sa mga ito takot na may makarinig sakanila.

" Naku ate wag mong gagawin yan anu kaba, gusto mo bang biglang umuwi sila daddy? Malalaman nila ang totoo pakisamahan mo muna siya hanggang bumalik si Ate Adira. "Warning ng kapatid niya si Arielle.

Tiningnan niya ang bunso nila si Arianna.

At she kissed her in her forehead.

" Arianna, Arielle take care of yourself ok? Stay in our house always, dahil mas maganda ang security doon, I already talk to your body guards at sila na bahala sa pag uwi niyo."

" Yes ate"

" Opo ate"magsabay na sagot ng dalawa.

Arielle is 20 while Arielle is just turn 18,at kakagaling lang nito sa depression.

" Ate.. huh? Baka ikaw ang ma fall dun ang gwapo panaman"pilyang sabi ni Arianna.

Inirapan niya ito.

" Hay naku mananagot talaga ito sakin si Are Adira"

Napakagat labi siya wala na talaga siyang choice.

Pagkatapos ng reception ay sinundo na siya ng sasakyan nito, at wala na siyang magawa kundi sumama.

She will be spending the night with him in a 5star Hotel.

At kinaumagahan ay flight naman papunta sa isang Isla kung saan sila magha-honey moon.

Pagpasok palang sa hotel ay mabigat na ang mga paa niyang ihakbang.

Kahit siguro ganito ka gwapo ang lalaking asawa niya hindi parin niya kayang makatabi ito matulog.

She like Kenneth pero hindi siya nito niligawan, puro lang ito palipad hangin.

At kahit minsan ay hindi niya pa naranasan ang seryosohang relasyon dahil puro lang siya manliligaw pero wala siyang sinasagot.

At ang nasa harap niya ay lalaking hindi niya kilala pero n*******n agad siya sa unang pagkikita pa lang nila.!

Binuksan ng bellboy ang pinto ng kwarto nila. At inabot ang card kay Lucas binaba nito ang mga gamit nila sa loob na ng kwarto.

Inabutan naman ng tip ni Lucas ang lalaki at tuwang tuwa ito bago umalis.

Tinitigan siya nito.

At inilahad ang kamay"I'm Lucas"

Sumandal ito sa pinto.

Tinanggap naman niya ang kamay nito.

"I'm A-Ali just call me Ali." Hindi niya maituloy ang pangalan dahil hindi naman talaga siya si Adira.

Kailangan niyang mag go with the flow muna.

Sa ngayon kailangan maging kaswal siya dahil hindi naman talaga sila mag asawa parang wala lang personalan trabaho lang.

"Ali.. hmm. Medyo malayo yata ang nickname mo sa real name mo"

Napakagat labi siya.

'patay!'

sigaw ng utak niya.

Ngunit nagulat siya ng bigla nitong hawakan ang baba niya at iangat ito.

"Stop doing that, Ali. Stop biting your lips" awtomatikong tinanggal niya ang pagkakakagat niya sa labi.

He just smirked at her bago naunang pumasok.

'..bakit kailangan hawakan niya pa ako? Mukhang siya yata ang hindi professional... '

Napaawang ang mga labi niya pagpasok.

"W-what is this?"hindi siya makapaniwala.

"A bed.."

"I-I mean.. I thought we will be staying in a two bedroom suite?"

" Why? is it stated in the contract?"napalingon siya dito.

She didn't know about the content of the contract at ang ate niya lamang ang nakabasa ng kontrata kaya naman ito siya ngayon walang kaalam alam kung paano niya sasagutin ang tanong nito na hindi mahahalata ni Lucas na hindi siya si Adira.

" Oh.. my gosh I'm sorry I forgot"

yun lang at tumalikod siya kunwari para ayusin ang gamit.

Hindi niya ito tinitinganan.

" I.. I just need to wash."at nagmamadali umalis bitbit ang mga gamit na pambihis.

Gusto niyang suntukin ang ding ding ng banyo dahil sa inis, napamura pa siya ng paulit-ulit dahil ng tiningnan niya ang damit na nasa loob ng bag niya ay puro mga nighties, over large na mga sando niya at mga cycling.

Ilan lang din ang bra, at isang piraso lang ang t-shirt.

Inaalala niya kung anong sinabi niya sa dalawang kapatid na babae na ilagay sa bag niya.

....

"Ate! Ilalagay ko ba mga pantulog mo?"

" Ate panty?"

Halos sabay na tanong ng dalawa.

.....

At dahil occupied siya ng mga oras na iyon ay hindi na niya napagtuonan ng pansin ang mga sinasabi ng mga kapatid.

Ni hindi niya maalala ang mga sinabi ng mga ito dahil sa akala niya makakauwi pa siya ng apartment niya hindi niya akalain na deretso na pala.

Kaya wala siyang choice instead of nighties ay nag cycling nalang siya at over large niyang sando ngunit nakasuot parin siya ng bra wala siyang choice.

Lumabas siya mula sa banyo, at nagulat siya dahil nasa harap niya ito.

Tiningnan siya nito mula ulo hanggang paa, nakaramdam siya ng pagkailang sa itsura niya.

Napakagat labi siya.

Akmang tatalikuran niya ito ng hawakan siya nito sa braso.

" I told you.. to stop biting your lips in front of me."

Bulong nito, amoy niya ang alak sa hininga nito.

He was drinking.

" Ahm.. Mr. Raccini can you please let me go? "Kahit kinakabahan ay pinilit niyang umakto na wala lang, kahit ang totoo ay nangilabot ang batok niya.

He smirked again at binitawan siya nito.

" Sleep well.. Mrs. Raccini "

Umalis siya at nagpunta sa kama.

Parang hinahabol siya sa bilis ng kaba ng dibdib niya.

Nahiga siya sa kama.

Hinintay niya si Lucas pero inabot nalang siya ng antok ay hindi pa ito bumabalik.

LUCAS POV

Lucas was looking at her beautiful face, he can't believe his eyes na ganito pala kaganda ang babaeng napangasawa.

He sat in the edge of the bed like his mom always tell him.

"Armani's daughter are beautiful anak, all of them"

and that's true seeing Ali from the first time in the church makes his heart flutters and he can't understand why, the way her eye balls move her lips and how she bit it.

Everything in her is so perfect in his eyes.

He smirked.

He will try his very best for her to fall for him.

**End of chapter 1**

Bab terkait

  • Alethea Armani (Borrowed Husband)   Chapter 2(The conversation)

    Chapter 2Ramdam ni Thea ang mainit na hangin na tumatama sa ulo niya.Habang nakasiksik siya sa isang mainit na bagay.Ramdam niya ang lamig ng air-conditioning kaya naman dumikit pa siya lalo dito. Nakapikit ang mga mata niya, the warmth that keep her body to stay in that position.Siniksik pa niya ang katawan, ngunit tila nagising siya ng maramdamang ang pagkabig sakanya papalapit lalo dito.Napamulat siya ng mata, just to realize na nakayakap pala siya kay Lucas.While he was still sleeping peacefully.Napakagat labi siya.Hindi niya maalala kung paano sila napunta sa ganung posisyon.At anung nangyari nung nagdaang gabi, bakit katabi na niya si Lucas.Dahan-dahan niyang tinanggal ang braso nito na tila bakal na nakayapos sa bewang niya."Raccini" bulong niya dito."Raccini!" Ulit niya ng hindi pa ito magising.Napasuklay siya ng buhok at hindi makapaniwala na nakatabi agad niya ito sa pagtulog isang gabi palang. Umungol ito."Hm.. why?" Paos nitong tanong. "Take off your hands

  • Alethea Armani (Borrowed Husband)   Chapter 3(The strange feelings)

    Chapter 3Nasa labas pa ito at tila may kausap sa cellphone habang siya ay nakahiga sa sofa at nanonuod ng television.Nang pumasok si Lucas. Napadaku ang tingin nito sa orasan sa ding ding mag aalas dyes na. "It's getting late, let's sleep"Habang nilo-lock nito ang pinto.Napatitig siya sa likod nito. Bakit ba napaka kaswal nitong makipag usap sakanya?Halos ilang araw palang silang magkakilala.Ngunit binalik din niya ang atensyon sa pinapanood. Ng haharap na ito. "ok good night"Hindi man lang niya tinapunan ito ng tingin. Ramdam niya ang titig nito sakanya. "You sleep inside the room and I will be sleeping here" anunsyo nito. Nagulat siya ng bigla itong umupo sa may paanan niya.At kampanteng sumandal sa sofa. "No, Lucas hindi ka kasya dito, the sofa is small you should sleep in the bed," sinenyasan niya pa ito. Na tila langaw na binubugaw.Her brows raised. "Then let's go to bed" bumaling ito sakanya.Umiling naman siya. "We are not a real couple to share a bed Mr. Racci

  • Alethea Armani (Borrowed Husband)   Chapter 4(Jealousy)

    Chapter 4She was tired nakakapagod pala ang maglunoy maghapon sa ilog.Her shirt is already wet ngunit wala narin siyang pakialam pareho naman sila ni Lucas. Hawak ni Lucas ang kamay niya habang pabalik sila ng bahay.It's so normal for him but not for her.Napabuntong hininga nalang siya. Habang nakatingin sa likod nito.At nauna na siyang nagbihis. At dating gawi ay nakaupo siya sa sala habang nanonood ng TV.Lucas sat beside her at bahagya lang niyang nilingon ito.May hawak itong isang malaking sitsirya habang kumakain na para bang walang kasama. "Lucas hindi mo yan mauubos" puna niya sa pagkaing hawak nito favorite panaman niya ang cheese flavor. "Yes I can" hindi man lang siya nito tinapunan ng tingin.Bigla siyang dumukot mula sa pagkain nito at deretso sa bibig niya.She missed this. "What are you doing Mrs. Raccini?"Rinig niyang sabi nito ngunit bahagya lang niyang nilingon ito and she smile. "Well I want that too Mr. Raccini"Tukoy niya sa pagkain nito.But Lucas didn

  • Alethea Armani (Borrowed Husband)   Chapter 5(The first lovers quarrel)

    Chapter 5She was amazed by the place napakaganda nito.Merong iisa lamang na Hotel na nakatirik sa pinaka gitna ng isla.At sa tingin niya ay nasa sampung palapag.Isang mahabang infinity pool, at may mga slides.Sa bandang sea side naman ay may mga tent.At may mga taong nagsu-swimming.Meron itong Zipline, mountain climbing , sky diving, kayaking at marami pang iba.Meron ding stage na tila ba may event tuwing gabi. Pinakilala ni Lucas ang mga piloto ng helipad.Named Noah,at Seth Raccini, pinsan ni Lucas and they are also handsome nasa lahi yata ng mga ito ang mga gwapo. Sila ang may ari ng resort."Beautiful" nakangiting sabi ni Seth sakanya habang pinagmamasdan ang kabuoan niya." Thanks" nahihiya niyang sagot.Ngunit inakbayan siya ni Lucas " Yes, beautiful Seth so take your eyes off her baka madukot ko yan" sarkastic na banat ni Lucas dito.Natawa naman si Noah." Hi, I'm Noah, miss gorgeous "Inilahad nito ang kamay sakanya.Tinanggap naman niya ang kamay nito ngunit inagaw

  • Alethea Armani (Borrowed Husband)   Chapter 6 (The stubborn suitor)

    Chapter 6"Well I will claim my price later, pagod na ako" tumayo ito at niligpit ang mga kalat nila."No, Lucas ang daya mo hindi pa ako nakakabawi""You will never win against me baby," he smirked." Napaka ungentleman naman,hahanap nalang ako ng kalaro sa labas" nakaingos niyang sabi at tumayo." Where do you think you're going lady?" He sounds like her dad."Well, sa labas hahanapin ko si Seth at makikipag laro ako sakanya" but before she reached the door ay pinulupot na nito ang braso nitong tila bakal ni hindi niya nahawakan ang seradura ng pinto.Ramdam niya ang pag angat ng katawan niya sa ere."Lucas put me down!""Not a chance"Binuhat siya nito na parang sako at inihagis siya nito sa kama.And what he did left her speechless.He crawled above her."Well, may utang kapa saking isa diba?"Her breathing became heavy while looking at him.He looked so hot she tried to push him but his chest was so hard.Kinuha nito ang dalawang kamay niya and pinned it above her head.Nanlalaki

  • Alethea Armani (Borrowed Husband)   chapter 7(when he loses his patience)

    Chapter 7She told the DJ what her song at nag ok sign naman ito.Sumilip siya sa backstage at nakita niya si Lucas na nakikipag tawanan pa sa babaeng yun.At lalo siyang naiinis.Walang tigil talaga ang babae sa paglalandi kay Lucas and she's getting on her nerves.Her heart is tightened looking at Lucas at ang magandang babaeng katabi nito."Ma'am anu po ang susuotin niyo dito pili nalang kayo," magiliw na sabi ng bakla sakanya."Ahm.. can I borrow some of this?"Mga damit at costume. "Yes ma'am instructions din po ni Mr. Seth"Napangiti siya, parang tinutulungan din siya ni Seth.She changed her clothes, wearing a bra at pinatungan lang niya ng mahabang see through na long sleeve white polo na bukas ang ilang botones at nag tuck in siya, kita ang bra niya sigurado pag natamaan ng liwanag.She was wearing a ripped jeans na maong shorts na mas maiksi kesa sa usual niyang ginagamit, kita at hantad na hantad ang mahaba at makinis niyang legs, her beautiful body, nilugay din niya ang bu

  • Alethea Armani (Borrowed Husband)   Chapter 8 SPG(To forget everything)

    Chapter 8 "Lu-lucas.." she starts to protest pero wala siya magawa dito. When he open the door ay binitawan muna siya nito ngunit ng makapasok sila ay bigla nalang siya nitong hinalikan, and this time mas mapusok ang mga halik nito.He grabbed her butt at binuhat siya nito paharap, habang hindi pinuputol ang halikan niya.Hindi na niya napansin na nakapasok na pala sila sa banyo sinandal siya nito sa tiles ng banyo and kisses her ceaseless.He doesn't want to break those kiss, at ramdam niya ang pagbukas ng shower at pagtama ng malamig na tubig sa balat niya.Naghiwalay saglit ang mga labi nila, he removed his shirt at bumalik ito sa paghalik sakanya na tila ba sabik na sabik his hand began to move, inside her dress mainit ang kamay nitong binabay bay ang kurba ng katawan niya, at rinig niya ang pagkasira at paglaglagan ng butones ng suot niyang polo,Lucas already undressed her without breaking his kissed she was drowning,in his kiss,his hands travel in her back at naramdaman nalang n

  • Alethea Armani (Borrowed Husband)   Chapter 9 SPG (Lucas dream)

    Chapter 9His eyes were focused on the bedsheets na meron pang blood stain, tila nahintatakutan ito sa nakita." you, bleed babe"he looked at her with disbelief habang nanlalaki ang mga mata nito. She chuckled." of course I'm a virgin Lucas"she rolled her eyes.He looked like a puppy na mukhang guilty na guilty. Kinabig siya nito at masuyong hinalikan sa noo. Tumaas ang kilay niya."I'm sorry.,"he really sounds apologetic."sorry for what happened last night--?"lalo niyang tinarayan ang itsura. "of course not, babe I'm sorry for hurting you, but what happened last night was the best!I feel like in heaven everytime., I come inside you my body feels like craving for more it's so addictive"He bit his lips na tila naiimagine parin nito ang nangyari sa kanila nang nagdaang gabi pati rin naman siya she can still remember it at hindi rin niya malilimutan.Because she can't turn back the time at hindi na niya pwedeng bawiin ang lahat saka nalang niya iisipin ang future. Her eyes widen

Bab terbaru

  • Alethea Armani (Borrowed Husband)   Chapter 50

    Chapter 50 (The End)Naka akbay sakanya si Lucas habang hinahatid nila ng tanaw ang papalayong sasakyan ng pinsan at ex nito.Napalingon siya kay Lucas"Did you feel disappointed?"Salubong ang kilay niya at plano niyang sikmuraan ito kung sasagot ito ng alanganin sakanya."What do you mean disappointed?" Nangunot ang noo nito." Because you can't go near her dahil hindi ako pumayag na makuha niya ang lupa mo"Natawa ito ng malutong at napakamot sa batok na tila hindi makapaniwala sa sinabi niya.Ngunit nagulat siya ng bigla siyang buhatin nito ala bridal style."Lucas!" Tinampal niya ito sa braso, ngunit tumawa lang ito lalo.At buhat buhat siya habang paakyat ng hagdan."Babe, you're supposed to be heavy., because your pregnant bakit ang gaan mo parin?" Nangunot ang noo nito na tumigil parin sa gitna ng hagdan."What do you mean, I'm light? Lucas I am already gaining weight, ano kaba? "Naka irap niyang sabi dito" No babe alam ko ang timbang mo"Naiiling nitong sagot na tila alam na

  • Alethea Armani (Borrowed Husband)   Chapter 49

    Chapter 49(Unexpected Ex)Nagising siya kinaumagahan ngunit wala na si Lucas sa tabi niya kaya naman naghilamos at bumaba siya but she didn't find her husband sa kusina."Asan, sir Lucas nyo?" Tanong niya sa isang katulong na nasalubong."Ahm, nasa garden po ma'am kausap po yung mga bisita niya"She nodded and smile" Thank you "at nagtungo siya sa garden but she froze nang makita niya na dalawang babae ang bisita ni Lucas the first woman looks familiar and the other one ay hindi niya kilala.The first one ay pamilyar dahil nakikita niya na itong dating dumadalaw kay Lucas sa office nito but the second one.Lucas was smiling at her at ganun din ang babae from her position ay hindi niya masyadong marinig ang kwentuhan ng mga ito. From Lucas ay bumaba ang tingin niya sa babaeng naka upo sa tabi ni Lucas.She has an angelic looks maamo ang mukha at magandang babae din ito ngunit nagulat siya when that woman tapped Lucas in his legs.Her breathing became hard at nakaramdam siya ng inis

  • Alethea Armani (Borrowed Husband)   Chapter 48

    Chapter 48 (He's mad again)"Oh, are you threatening me Mr. Meleses?"nakataas ang kilay niyang tanong dito."are you threatened by me? Please if you are then you should stop this nasty business of yours and join me in my business" Hugo walk towards hanggang halos nasa harap na niya ito.He was wearing a poker face habang pinapalibot ang tingin sa kabuoan ng shop niya."this place didn't fit to your beauty, Ms. Armani if you will accept the position I will give you a chance to be with me, not just here and out of the country, I will rent a whole hotel if you want just work for me, Ms. Armani." Hugo take a dress na naka hanger at look at it mockingly." I'm sorry, Mr. Meleses but this is my dream job, and my dream business"" Yeah I know, but this is just a useless dream, Ms. Armani sayang ang talent mo, why didn't you just join me instead marami kapang hindi alam, I know I can handle you properly and give you only the best""Thanks Mr. Meleses but , sorry I'm not planning on giving up

  • Alethea Armani (Borrowed Husband)   Chapter 47

    Chapter 47 (near to end(⁠つ⁠≧⁠▽⁠≦⁠)⁠つ)After spending almost two months in the Island ay bumalik na sila ni Lucas and she forgot about her questions again kaya naman hinayaan na niya because baka hindi naman talaga iyon big deal and they stay in the house tatlong buwan narin ang tiyan niya ang ate Adira already gave birth to a healthy baby boy named Mikael"Babe, please tell Marco and Adira congratulations""Yeah, babe sure.." and she smiles lumapit sakanya si Lucas at naupo sa harap niya he leaned in her belly at hinalik halikan."Baby..? How are you our little precious?"Napangiti siya halos araw araw ay ganito ang ginagawa ni Lucas pagkagising palang nila sa umaga kinakausap nito lagi ang tiyan niya."Babe..anong ipapangalan natin sa baby? It should be mixed if our names"Napalingon siya dito at napaisip."Maybe,, Thea and Lucas .. Thelas?"Napahagikgik siya sa suhestiyon nito.At maging ito ay natawa din."Babe.. what do you think..? Kulit pa nito " Lucas, I wanted first to know t

  • Alethea Armani (Borrowed Husband)   chapter 46

    Chapter 46 ( Forevermore)Same feeling, she was so nervous but she was so happy.Walking in the aisle while Lucas is waiting for her at the altar.This time she is holding her dad's arm.Lahat ng taong nakatingin sakanya at makikita ang kasiyahan sa mga mukha at paghanga.Binuhos niya ang lahat ng idea niya sa wedding gown na design niya.It was a designed aimed at the modern bride with a bit of a daring side dahil mahaba ang v-neck nito na halos lampas na ng dibdib niya ang baba niyon, ngunit natatakpan ng net design na maraming Swarovski crystal it was sleeveless na hapit sa bewang niya at pabukas naman ang design pababa like a balloon style. And she was wearing a pearl necklace na mahaba din abot hanggang sa gitna ng dibdib niya.At criss cross design naman ang sa likod exposing her bare back. It was actually very sexy. She made sure the gown will make her a fashion-forward bride who exudes confidence and isn’t afraid to show off her sexy side.Everyone was mesmerized by her bea

  • Alethea Armani (Borrowed Husband)   chapter 45

    Chapter 45(cryptic thinking)"Babe.. please don't test my patience, I wanted to eat with you dahil gusto kong nakikita kang kumakain at hindi nagpapalipas ng gutom"" Then, we can eat each other"biro pa niya dito.Nangunot naman ang noo nito." Stop joking around babe, c'mon""Basta ayoko, "pakiramdam kasi niya ay iba ang pakiramdam ng sikmura niya at lalong wala siyang gana sa pagkain "What the..?"Nagiba ang tono ni Lucas na tila ba naaasar na it so fun teasing him lalo na at mukhang hanggang sa mga panahong ito ay hindi parin nagsi-sink in sa utak nito ang sinabi niya. Natatawa siya sa itsura ni Lucas wala siyang narinig na tugon dito kaya naman napalingon siya dito Lucas stood up at dumiretso sa refrigerator.Tumayo naman siya at dahan-dahang naglakad she needs to take her phone because she needs to confirm it to ate Adie "Gotcha!"ngunit bigla siyang binuhat ni Lucas bago pa siya makaabot sa sala. "Lucas stop,!" "Ok,, kung ayaw mo mag hapunan ako nalang ang mag hahapunan, and

  • Alethea Armani (Borrowed Husband)   chapter 44

    Chapter 44 (his secret and her surprise)"You think Lucas was hiding something from me?" " Well girl obviously"Simone rolled his eyes on her magkasama sila ngayon sa isang restaurant to have their lunch, hindi na niya kinakaya dahil napapadalas na ang pag uwi ni Lucas ng late sa gabi at nagsisimula na siyang kabahan.And he never explained anything to her lagi lang nag oovertime ito.At matutulog na sila ng sabay na parang wala lang.Napatulala siya habang nakatitig lang sa pinggan niya."Do you trust him?""Huh?" Napa angat siya ng tingin kay Simone."I'm asking you do you trust Lucas?""Yes of course..""Then why are you making that face?""I,.I don't know..""Then why don't you ask him straight? Kesa namo-mroblema ka diyan''" Simone.., that's not easy.. I don't want him to get mad at me. "" Then why are you doubting him? "She sighed heavily hindi niya alam kung anong isasagot niya kay Simone kaya naman napakagat labi niya at napayuko." I wanted to ask him but I'm afraid it wil

  • Alethea Armani (Borrowed Husband)   Chapter 43

    Chapter 43(The design)Lucas open the car door for her, and he smiles ngunit hindi na umabot sa mga mata nito at sobra siyang nagi-guilty after she got out ay kinuha nito ang gamit niya.He was asking her kung mamimili sila at tinanggihan niya ito kanina kaya hindi na ito nagsalita after.Ngunit hawak parin siya nito sa kamay patungo sa pinto ng bahay and he opened the door at nang makapasok na sila ay tinalikuran siya nito at hinarap ang pinto. And he locked it, ngunit niyakap niya ito sa likod."I'm sorry babe.. I'm sorry.." nangilid ang mga luha niya.Walang ibang inisip si Lucas ngayon kundi siya but she needs to give back to him at napaka dali lang naman ng request nito for her to stay with him hanggang matapos lang ang kasal nila.But Lucas didn't respond and he removed her hands at hinarap siya."I will just bring your clothes in our room" ngumiti ito at binitawan siya binitbit nito ang bag niya at umakyat sa second floor.Napalunok siya sumama nga ang loob sakanya ni Lucas.S

  • Alethea Armani (Borrowed Husband)   Chapter 42

    Chapter 42 ()"Alethea!" Nagulat siya pag gising niya kinaumagahan ng bigla siyang salubungin ni Wendy ng yakap.Dahil kagigising lang she was curious kung anong nangyari Lucas walks papunta sa dalawang lalaki na prenteng prente na ang pagkakaupo habang nagkakape."Good morning Ali..!" It was Noah who was beaming."Good morning Ali!" Bati din ni Seth sakanya at bahagyang ngumiti. She gently pushed Wendy. "What happened?" Nakataas ang isang kilay niyang tanong dito.But Wendy just smile at her at nilingon si Seth na umiinom ng kape and when she glance at him ay nag iwas ng tingin ito.Bumalik ang tingin niya kay Wendy mukhang nagkabati na ang mga ito.,and she nod while she looks at her questionably.Napangiti siya ng maunawaan and they walk papunta sa table ng mga ito.Dumiretso siya sa coffee maker at gumawa ng dalawang kape para sa kanila ni Lucas, Lucas was just staring at her nakasunod ito sa bawat galaw niya kaya natatawa siya dito.Pagkagawa ng kape ay naupo siya sa tabi nito a

DMCA.com Protection Status