More twists are coming. You'd enjoy the following chapters. You may also read the English version of this story which have been completed if you wanted to know more of Lily and Drew's story.
NAGDAAN ang malulungkot na araw. May kailangan asikasuhin si Orion na may kinalaman sa pamilya at siya na mismo ang humiling sa lalaki na iwan na muna siya nito. Walang mangyayari kung matatakot siya kay Kenneth o sa iba pa. Kailangan niyang labanan ang takot ngayon na mag-isa na lang siya.Tauhan ni Drew si Orion at ayaw niyang masanay sa buhay na alam niyang hindi kanya.
SINUNDO sila ng isang shuttle service sa isla para sila ihatid sa resort area. Hindi pa rin makabawi si Lily sa tunay na pagkatao ni Danica. “Ma’am Danica!” nabigla ang taong nakatoka sa pagdating nila sa isla. “Hi!” Nakalimutan nito ang pangalan ng binatilyo. “Nagsabi ako kay Daddy na uuwi ako ngayon.” “Yes po. Hindi ko lang inaasahan na magkakilala kayo ni Sir Kael.” Hindi iyon ang unang beses na nagpunta roon si Kael kaya pamilyar na rito ang lalaki. Pinasakay sila ng shuttle mula sa resort. “Augh!” usal ni Danica, at pagkatapos ay kinagat ang kuko. Ramdam ni Lily na kinakabahan ito na hindi niya maintindihan kung bakit. Hindi niya pa nausisa ang babae kung ano ang estado nito sa pamilya. Ang alam lang niya ay malaya ang kaibigan sa gusto nitong gawin. Well, at least, on her knowledge Danica is a carefree young woman. “Hindi ba alam sa inyo na interior designer ka?” usisa ni Kael na nawala ang pagkapormal sa babae. Hindi na nito napigilan na magtanong dahil kanina pa
“‘Tapos sasabihin mo sa ‘kin na magtatrabaho ka kay Kael. Niloloko mo ba ako? Pasusuwelduhin ko si Kael at pagkatapos ay ang kumpanya niya ang magbabayad sa ‘yo?” Kinakabahan si Lily sa galit na inaakto ng ama ni Danica. Kumapit siya sa braso ni Kael habang takot na takot. The man’s action triggered her. Naaalala niya kung paano magalit si Mr. Martin. Kasunod ang paghampas nito sa kanya ng dala-dala nitong tungkod o kaya naman ay kahit na anong bagay na makuha nito. “Please… stop…” Napayuko siya para tapusin ang panonood sa mag-ama. “Are you alright, Lily?” tanong ni Kael. Napapikit siya nang mariin. Dumiin ang kapit niya sa braso ni Kael. “Daddy naman, eh. Nakita mo na nand’yan ‘yong magiging boss ko. Nand’yan din ‘yong kaibigan ko. Bigyan mo naman ako ng kaunting hiya,” nakalabing sabi ni Danica. Naiiling na lang ang may-edad na lalaki. “Talagang ikaw na bata ka! Mag-uusap tayo mamaya,” wika nito bago sila hinarap. “Pagpasensiyahan n’yo na. Masyado kasing matigas ang
“I WANT these 2 autograph chairs for the pool area,” mungkahi ni Danica. Ipinakita nito ang magandang silya sa tablet na hawak kay Kael. Nagsisimula na silang maghanap ng mga kagamitan. Inilipat ni Kael ang tingin sa pool area at saka sa silya na nais nitong ilagay doon. “Hmmm… Gusto ko rin sana ng mga ‘yan, kaya lang ay hindi ba sila spacious sa pool area? Masyadong makipot ang gilid kaya ang nasa isip ko sana ay ‘yong tipong pillow lang if ever na gusto ng guest na mag-unwind dito sa lugar,” tugon ni Kael. “No! I want that in my pool! Ako ang magiging manager dito ‘pagdating ng araw kaya ‘yan ang gusto ko!” Ilan lang iyon sa palitan ng usapan ni Kael at Danica tungkol sa trabaho. Madalas na mapagbigyan niya ang tantrums nito dahil sa huli ay inaaprubahan ni Mr. Arvesso ang kagustuhan ng dalaga. Malapit na siyang maasar dahil sinisira nito ang trabaho niya. Nababago ang orihinal na plano kahit pa nga mayroon na silang napag-usapan. “You know what, Danica, how about do
‘DAN, please… talk to me, please. I didn’t do anything to that woman! Please trust me. Let’s talk!’ Iyon ang mensahe ni Brian, ang huling nobyo ni Danica. Matapos malaman na nadawit ito sa problema ni Lily ilang taon ang nakaraan, nakipaghiwalay siya sa lalaki. Their one-year relationship has been great until it was not. Siraulo ang barkada ng mga ito. Nakilala niya ang mga iyon noong minsan sa birthday ng lalaki, ngunit hindi niya akalain na may itinatagong baho ang grupo ng kanyang nobyo. Akala niya ay simple lang na ayaw nito kay Lily noong nagplano sila ng dalaga na bumuo ng partnership. Hindi niya akalain na may madilim na nakaraan pala ang dalawa sa isa’t isa. Nang kumalat sa school ang naganap noon kay Lily, nalaman niya na si Brian ang isa sa mga lalaking nagbigay ng mental abuse sa kaibigan niya. Wala siyang pagdadalawang-isip na nakipaghiwalay sa lalaki dahil tila ito lalaking nagtatago sa makapal na balat ng demonyo. Ngunit nitong mga nakaraan ay hindi niya nagug
MAAYOS na nagawa ni Lily ang trabaho niya. Pinilit niyang ilagay sa likod ng kanyang isip ang mga problema na iniwan sa Maynila sa loob ng dalawang buwan. May supplier si Kael para sa mga kagamitan kaya hindi sila nahirapan ni Danica sa pagpili ng ilang gamit at sa disenyo. Kung tutuusin ay hindi naman niya kailangan manatili doon nang buong dalawang buwan. Ngunit sa gulo ng kinakaharap ni Kenneth at ng mga kaibigan nito, mas ginusto niyang mag-stay. Malugod siyang tinanggap ni Mr. Arvesso at pinayagan siyang manatili hangga't gusto niya. Halos naging bakasyon niya rin ang lugar na iyon. Inilalaan ni Mr. Arvesso ang karamihan sa oras nito sa paglalakbay, pamamahala sa iba't ibang negosyo kabilang ang mga hotel, resort, at real estate. Iyon ang dahilan kaya nais nito na magtapos si Danica sa business course. Hindi pa nakikilala ni Lily ang kapatid ni Danica, ngunit ayon sa kanyang kaibigan, si Mr. Arvesso at ang nakatatandang kapatid nito na lalaki, na nagtatrabaho sa iba't iba
“KUYA Orion, saan sa palagay mo dadalhin ni Drew si Lily?” ani Danica kay Orion nang nakasimangot. Mas matanda si Orion sa kanya ng sampung taon. Tulad ng kanilang ama, tinatrato siya nito na parang isang prinsesa. “Hindi pala ‘yon ang tanong ko, bakit ka narito at bakit mo kasama si Drew Walton?” “Dahil boss ko Drew.” “You mean boss mo si Drew? Siya ba ang rason kaya nakabantay ka kay Lily? Noong nagkita tayo sa bookstore, basta mo na lang ako hindi pinansin at dedma na parang hindi mo ako kilala! Dahil dinedma mo ako, eh ‘di dedma ka rin!” Inirapan ito ni Danica. “Salamat sa pagre-report mo sa ‘kin about Lily these past weeks. Does she know that we’re siblings?” “Malamang hindi! Eh ‘di kung alam niya eh ‘di umalis siya rito sa resort. Isa pa, baka isipin niya na talagang nakipagkaibigan ako sa kanya noon. I'm worried this information could hurt her.” “It’s true though. At least ay nag-enjoy ka sa pakikipagkaibigan kay Lily at sa interior designing.” Orion patted Da
MGA halik sa labi ang gumising kay Lily sa kalaliman ng gabi. Base sa kanyang karanasan, naalarma siya roon, ngunit mabilis siyang nakabawi dahil pamilyar ang mga iyon at ang mabangong hininga na nagmumula sa salarin. "I thought I was dreaming," ani Drew habang nakangiti sa pagitan ng mga halik. Pumaloob ang kanyang mga daliri sa tsokolate at alon-alon nitong buhok. Pinagmasdan ang halatang nakabawi nang mukha nito matapos makatulog. Hatinggabi na, at ang silid ay nababalot ng kadiliman. “Akala ko rin…” Hindi niya akalain na nakalipat na siya sa ibabaw ng kama. Ang huling natatandaan niya ay ang pagkakatulog sa mga bisig ni Drew habang yakap-yakap siya nito, nalalanghap ang pamilyar nitong pabango. Lingid sa kanyang kamalayan ay maingat niya itong inilipat sa kama. Malamig sa kasalukuyan dahil pumapasok ang hamog ng hanging dagat mula sa labas. "I don't have any plans to let you go for a couple of days. How does that sound?" he asked, lifting her shirt to reveal her nak
Months before Lily and Drew’s wedding With Kael's assistance, Lily and Drew moved to a new home near Burnham's villa. Mas malaki ito sa luma nilang tirahan, ngunit binuksan na ni Lily ang kanyang puso na tumira sa mas malaking tahanan tulad ng nais ng kanyang asawa. Nakapagsimula na siyang magrehistro ng kanyang business sa tulong ni Danica na ngayon ay mas piniling magpunta sa resort nito sa Boracay para asikasuhin ang kabubukas lang na resort doon. Ayaw ni Drew na kunin ang serbisyo ni Kael, ngunit walang ibang mapagkakatiwalaan si Lily kung hindi ang lalaki kahit pa nga may naganap sa pagitan nito at Danica. “I accepted your dad's offer to lead the engineering team about his project in Melbourne, Australia,” pagbibigay-alam ni Kael kay Lily habang nililibot nila ang bago niyang tirahan na katatapos lang nito. “Hindi ako nagtanong sa kung ano ang naganap sa inyo ni Danica dahil bothered din ako sa kaso ni Carmela at Kenneth. Ano ba ang tunay na nangyari, Kael?”
KITA ni Lily mula sa bintana na seryoso ang pinag-uusapan nina Drew at Mr. Walton. Lumapit sa kanya si Danica. “By the way, sis. Heto ‘yong pinabili mo sa ‘kin,” anito at saka inabot ang supot sa kanya na dinukot mula sa bag. “Did you tell Orion?” Umiling si Danica. “Good! Kapag sinabi mo kay Orion sigurado ako na sasabihin niya kay Drew.” “Bakit nga ba ayaw mong sabihin kay Drew, eh, asawa mo ‘yon?” ani Danica na nakakunot ang noo. “Ayoko kasing ma-pressure siya. Isa pa, gusto ko munang makasiguro.” Umikot ang mata nito. Abala sina Lauren at Kori sa anak ng mga ito. Sina Orion, Finn at Brett ay kasalukuyang naroon sa tabi ng pool at nagkukuwentuhan kasama ng kanyang ama. Pumuslit si Lily sa silid nilang mag-asawa. Nakasunod sa kanya si Danica. Nitong mga huling araw ay sumasama ang pakiramdam niya sa umaga. Nagkaroon pa ng pagkakataon na hilong-hilo siya sa amoy ng sasakyan habang papasok at isinuka niya rin iyon sa opisina. Hinugot niya ang pregnancy
NATUKOY ng mga pulis si Keith, ang taong umatake sa bahay nina Drew at Lily, matapos lang ang ilang araw dahil sa mga mensahe na ipinadala nito sa cellphone ni Brian at sa dash cam ng sasakyan ng huli na nagkataong bukas ng oras na iyon at nakuhanan ang motor ni Keith at ang license plate nito. Binuksan muli ang kaso ni Carmela at nanghingi ng tawad dito si Faye matapos nitong makapagsalita ng hindi maganda sa nurse. Tulad ng nasa isipan ni Lily, pressured na ang babae sa publiko, sa korte, sa pamilya at sa trabaho nito sa ospital. Nagsinungaling naman talaga ito at nais nitong kunin ang atensiyon ni Kenneth. Tulad ng alam niya, malaki ang pagkakagusto nito sa doktor. Masyadong masalimuot ang mga naganap, ngunit nakuha ni Lily ang nais niya. Alam niya na katapusan na ng kampo ni Kenneth lalo na at may murder pa na nadagdag para kay Keith sa pagpatay kay Brian at paggamit ng ipinagbabawal na gamot. *** SIX MONTHS LATER… Lumipat ng bagong tirahan sina Lily at Drew. Hindi
PATULOY na nanginginig si Danica sa takot, lungkot, at sakit sa puso niya sa lahat ng nangyari sa araw na iyon, hanggang sa dumating si Kael, kasama si Faye. Lalo siyang naiyak dahil tila pinatotohanan ng mga ito ang sinabi sa kanya ni Lily. Akala pa naman niya ay nasa Hong Kong pa rin ang lalaki. Malakas ang kumpiyansa ng babae, para bang nakahanda ito sa giyera ano mang oras. Nagsipasukan ang mga ito sa loob ng bahay ni Lily para tingnan kung ano man ang laman ng USB na bigay ni Brian. Naiiyak naman siya habang nakaupo sa bench. Hindi siya makatingin kay Kael. Ang totoo ay ramdam niya na para bang may kakaiba sa inaakto nito. Para bang napapagod na ito sa oras na iyon. Nilapitan siya ni Kael habang naroon sila sa labas. “Are you alright, Dan?” Umiling siya habang naglalandas ang luha. “May masakit ba sa ‘yo?” Tumayo siya. Kailangan niyang alamin ngayon ang totoo. "All I want is the truth, Kael. Did you have a relationship with Attorney Faye?" Natigilan ang lala
[This chapter may be unsettling for some readers due to the uncomfortable situations encountered while uncovering the truth in the evidence.] “Ahhhhh!” Umalingawngaw ang sigaw nila ni Danica kasabay ng mga putok. Nahila siya ni Drew padapa. Nanginginig sa takot habang nanlalaki ang mata ni Lily na pumailalim sa kanyang asawa. Palibhasa ay alerto si Orion, nagawa nitong tumalikod para protektahan si Danica at saka tumalon sa pool ang mga ito, nagtago sa ilalim ng tubig. Nabasag ang mga vase, ang salamin at ang lahat ng nahagip ng mga bala. Matapos ang sandali ay narinig na lang ni Lily ang pagtigil ng mga putok kasunod ang papalayong motor. “Damn it!” mura ni Drew bago umupo. “D-Drew? Are you alright?” garalgal ang tinig na tanong ni Lily. “I’m fine!” “D-Danica!” Kinakabahan niyang tawag sa kapatid. “Orion!” Umahon mula sa kinatataguang tubig ng pool ang dalawa. “Kuya!” sigaw ni Danica matapos mapuna ang sumisirit nitong dugo sa braso. “Kuya Orion!
INAYA ni Danica si Lily na lumabas makalipas ang dalawang araw. Namimili sila ng mga damit nang mapag-usapan nila si Kael. “May gusto ka ba kay Engineer Kael?” tanong ni Lily sa dalaga. “Ha? Wala noh! Bakit mo naman naitanong?” tugon nito, namumula ang pisngi at halatang umiiwas. “Dahil hindi kita masisisi kuung sakali na magkaroon ka ng pagtingin sa kanya. Mabait si Kael, guwapo, at saka may maayos na buhay at relasyon sa pamilya nila… Higit sa lahat, gusto kong malaman kung kailangan ko bang protektahan ang damdamin mo. He’s still in love with Faye Burnham.” Natigilan ang kapatid niya sa pagkilos. “‘Y-yong abogada?” Tumango si Lily. “P-pero hindi ba’t may nobyo ‘yon? Magpapakasal na si Faye, ‘di ba? At saka, paano silang nagkaroon ng relasyon?” Hinaplos niya ang buhok ni Danica. Alam ni Lily na nagsisimula na itong makaramdam ng pagmamahal kay Kael kahit na i-deny nito ang lalaki. "Unfortunately, they have a history. Masyado lang metikuloso ang pamilya ni Lauren dah
KOWLOON, Hong Kong. Alas siyete ng gabi, ibinaba ng taxi si Kael sa tapat ng Artus Hotel. Dito siya itinuro ni Faye. Nakailang pag-aatubili siya bago niya naisip na tumuloy dito sa ibang bansa. Nagwagi ang isipan niya na kailangan niyang samahan ang dalaga—kahit ngayon lang. Nagpunta siya sa opisina at hinintay ang oras ng flight niya. Nang sumapit ang tanghali ay sinabihan niya ang sekretarya niya at ikansela ang lahat ng kailangan niyang gawin sa araw na iyon dahil kailangan niyang umalis. Hindi niya sinabi kung saan siya pupunta dahil sa tabil ng dila nito ay baka masabi pa nito kay Lauren na nangibang bansa siya. Dalawang palit ng damit lang ang dinala niya dahil wala naman siyang plano na magtagal dito sa ibang bansa. Kailangan niyang pilitin si Faye na umuwi sa Pilipinas dahil una, pakiramdam niya ay magtataksil siya kay Danica. Kaninang umaga nga ay iniwan niya ito nang tulog pa sa kanyang kuwarto. Hinayaan niyang magpahinga ang dalaga. Ikalawa, kapag nalaman ito
NALUNGKOT si Lily nang bawiin ni Carmela ang kaso. Nanatili ito sa bahay habang kasama ni Drew. Nais ni Danica na sorpresahin si Kael—na ang bahay sa tapat nito na bigay ng kanyang ama—ang lilipatan niya. Masaya siya dahil siya mismo ang magde-decorate o mag-aayos nito. Dumating ang ilang gamit at nagsimula siyang ayusin ang mga kasangkapan na inabot ng tatlong oras. Nang dumating ang alas-sais ay nakatanggap siya ng tawag kay Kael. Mula sa bintana sa kuwarto sa itaas ay pasimple niyang sinilip ang kabilang bahay at natagpuan ang lalaki mula sa silid nito, nakahubad. Nasamid siya sa nasaksihan. Napalunok din habang pinapasadahan ang mala-adonis nitong katawan. Hindi niya inaasahan na balewalang nagtanggal lang ito ng saplot. Hindi ba nito alam na posible itong makita ng kapitbahay? They are neighbors now, right? “Hello, lady! Have you already taken your dinner?” tanong ng lalaki sa kanya. Hindi na iyon bago sa kanya. Madalas siya nitong ayain na kumain sa bahay nito. Bas
MADAMI ang naganap sa kaso ni Carmela. It was chaotic. Ang hindi inaasahan at nakasama sa loob ni Lily ay biglang binawi ng babae ang kaso laban sa grupo ni Kenneth. Nabigla doon si Lily at lalo siyang nasaktan. Nais niyang umiyak sa sobrang sama ng loob. “I’m going to Faye’s office,” hiling niya kay Drew. Nakapahinga siya sa loob ng ilang araw at alam niya sa sarili na handa siyang harapin kung ano man ang problema. She needed to face this before she could truly accept it. “Babe… Hindi ko alam kung makabubuti sa ‘yo ang pagpunta sa opisina nila,” ani Drew na nag-aalala. “Drew! Gusto kong malaman kung bakit walang nangyari sa kaso! Ano ang mararamdaman mo kung ikaw ang nasa posisyon ko? Nananahimik ako nang kasama ka. Nakahanda na akong ipagpaubaya kung ano ang mga naganap noon dahil gusto ko ng peace of mind. Sila itong nangulit sa ‘kin! Binuksan ko ang sarili ko at inalala ang nakaraan ko na pinilit ko nang kinalimutan! At pagkatapos ay biglang aatras si Carmela? Naniwala