Nang nasa hapag kainan na sila, naikwento ni Ferdie, na may bago siyang location sa trabaho niya. Na magtatrabaho siya sa isang isla na ka branch ng restaurant na pinagtatrabahoan niya. Naitindihan naman yon ng mga magulang niya kaya naging masaya si Ferdie.
Di inilihim ng mag-asawa kay Ferdie ang mga nangyari kung bakit nasa kamay nila ngayon si Ferdie, bata pa lang si Ferdie sinabi na ng mag-asawa na hindi sila ang tunay na mga magulang niya at naiintindihan naman niya iyon. Pero ang problema hindi niya maalala ang mga nangyari at nakaraan niya. Hindi na ngtanong-tanong si Ferdie sa mga magulang na kinikilala niya kung sino-sino ang Mama at Papa niya sapagkat hindi rin nila alam at wala silang maisagot sa kanya dahil napapad lang siya sa isla nila. Kinabukasan... "Inay at Itay, aalis na po ako mag ingat po kayo dito. Tawagan niyo po ako palagi at balitaan nyo po ako sa maging kondisyon ninyo Inay. Bibisitahin ko po kayo dito every three months. Kahit dalawang araw po." ang paalam ni Ferdie sa mga magulang niya.Mahal na mahal ni Ferdie, ang mga magulang niya kaya swerte siya dahil nakilala niya sila at swerte din ang mga magulang niya dahil naipalaki nila itong mabait.
Bumalik na ng Manila si Ferdie dahil the next day na ang alis nila sa Rio Grande Island. Sa ikalimang araw ni Chelsea, sa bakasyon niya. Naging magaan na ang pakiramdam niya. Palagi na silang nagkakausap ni Carlos. Araw-araw na nagkakasabay sila sa pagkain tuwing breakfast. Naging close na sila sa isa't isa.. "So Carlos, bakit ka nga pala andito sa Rio Grande Resort?" ang tanong ni Chelsea. "Honestly Chelsea, ang step father ko ang may ari nang resort na ito. Simula noong nawala ang anak niya humito na siya sa pag manage ng kompanya na yong nag iisa niyang tagapag mana ay nawala kaya nawalan na siya nang gana. Kaya ako muna ang nag take in charge para tulungan si Papa unfortunately kasi hindi na talaga namin nakita ang tunay niyang anak.Kaya pansamantala ako muna ang ngpapatakbo ng resort na ito at iba pang company na pag mamay ari ng tunay na Ama ng half brother ko." ang kwento ni Carlos.
"So isa palang bilyonaryo ang ng iisang anak ng step father mo? ang sagot ni Carlos. "Definitely right, at hanggang ngayon umaasa pa rin si Mama na makikita niya ang anak niya kay Papa Ricky." ang sagot ni Carlos. "Oh! Grabe naman pala ang story ng family ninyo." ang napamanghang sagot ni Chelsea. "But Papa Ricky, don't treat me as his own child kasi nga anak ako ng ibang lalaki ni Mama." ang malungkot na sagot ni Ferdie. "Oh sorry to hear that Carlos, naiintindihan ko rin ang pinagdadaanan mo." ang sympatiyang sagot ni Chelsea kay Carlos.Nakarating na sa Rio Grande Island sila Ferdie at Michael, at ngduty sila kaagad kinagabihan dahil may isang malaking event sa Rio Grande Resort. Nag enjoy ang ibang customer at nasa bandang kaliwa ng table sila Carlos at Chelsea. At tinawag ni Carlos ang isang waiter.
"Waiter, can we have some one order of margarita and one order of tequila please." ang sabi ni Carlos sa isang waiter."Yes sir coming po." ang sagot ng waiter.
"Here's your one order of tequila Sir and one order of margarita Ma'am." ang maingat na pagbigay ng waiter.
"Ferdie! napatulalang sambit ni Chelsea, what are you doing here?" ang tanong naman niya. "Ah Ma’am dito po kami naassign ni Michael na isa sa kasamahan ko, kami po ang napili ni Ms. Dy, na maassign dito kasi kulang daw po kasi ng dalawang waiter dahil po madami pong mga turista na dumarating." ang sagot naman ni Ferdie. "Oh really! That's good. Buti at nakapagduty ka na, ok na ba yong pasa mo sa mukha? ang alalang tanong ni Chelsea. "Sa awa po ng Diyos, magaling na naman po. Noong isang araw lang po ako ngstart magduty tapos kanina pa po kami dumating dito at duty po kaagad." ang sagot naman ni Ferdie. Ehemm..ehemm.. "Oh! Sorry Carlos, pakilala ko nga pala sayo. Siya si Ferdie Domingguez, friend namin siya. Nakilala namin siya sa isang seafood restaurant sa mall malapit sa office namin. At siya ‘yong kumanta sa debut party ng kapatid ko.Nakuh ! subrang kulit kasi noon buti napapayag niya si Ferdie. By the way pinakilala ko nga pala sayo si Carlos Gomez, new friend ko na meet ko siya dito habang nagbabakasyon ako." ang patawang pakilala ni Chelsea.
"Magandang gabi po Sir, ako nga po pala si Ferdie Domingguez. Nice to meet you po." ang pakilala ni Ferdie kay Carlos. "Magandang gabi rin, I'm Carlos Gomez." ang matabang na sagot ni Carlos.Mukha siyang nagseselos kay Ferdie, dahil nakangiti si Chelsea, nang ipinakilala niya ito sa kanya na para bang matagal na silang magkakilala.
Umalis na si Ferdie, para magserve sa iba pang customer. Subrang busy ang Rio Grande Resort dahil dumagsa ang mga customers. Mabilis naman ang serving nila, at maayos naman ang takbo nang resort.Nag enjoy sila Carlos at Chelsea, pero nakainom na si Chelsea, kaya niyaya na niyang umakyat na sila Carlos, para ihatid siya dahil hindi na siya makalakad nang maayos. Inakbayan ni Carlos si Chelsea, at inakay papunta sa room niya. Nang nasa pinto na sila ni Chelsea.. "Subrang ganda mo talaga Chelsea, sana maging girlfriend kita." ang pabulong na sambit ni Carlos. "Shut up Carlos, di pa ako naka fully move on sa ex boyfriend kung mas masahol pa sa hayop. Yong siya pa ang may ganang mambabae, f*ck him.Sana mamatay na siya. Alam mo bang minahal ko siya nang husto tapos ano, gagantihan niya lang ako ng ganito.
Bakit Carlos pangit ba ako, hindi ba maganda ang katawan ko at kailangan pa niyang makipag one night stand sa isang pokpok na babae.
His an evil, I want to get rid of him, kaya lang ayaw kung ma skandalo ang pamilya ko dahil lang sa kahibangan ko sa isang lalaki. Enough Carlos." ang mangiyak-ngiyak na kwento ni Chelsea.
"Naiintindihan kita Chelsea, kaya pasensya ka na sa akin nadala lang ako at nagagandahan sa iyo. Sana maging tayo pag ok na ang puso mo." ang sagot ni Carlos. Pero di na narinig ni Chelsea, ang sinabi ni Carlos dahil bigla itong nakatulog sa balikat niya. Ipapasok na sana niya si Chelsea, nang biglang dumating si Ferdie."Sir ako na po magpapasok kay Ma'am kasi po trabaho din po namin na alagaan ang mga customer namin." ang sabi ni Carlos. "Ferdie ako na, wag kang makialam at isa pa waiter ka lang dito hindi ka chamber maid." ang mataas na tuno ni Carlos.Hindi na nakipagtalo si Ferdie, at tumawag siya nang chamber maid.. "Ok po, pero tatawag nalang po ako nang chamber maid. Hintayin nyo po muna ako." ang sabi ni Ferdie. Pagbalik ni Ferdie galing sa pagtawag ng chamber maid. Nakita niya akmang halikan si Chelsea ni Carlos, nang bigla siyang sumigaw at natulalang napatingin si Carlos, at nagising naman si Chelsea. "Hey! anong nangyari bakit nandito tayo sa pintuan ng kwarto ko. Cge na at papasok na ako. Pumunta ka na sa room mo Carlos, at ikaw naman Ferdie bumalik ka na rin sa trabaho mo. Sige guys good night." ang sabi ni Chelsea at siya ay pumasok na sa kwarto. Nagsibalikan na sila sa kanya-kanya nilang kwarto. Habang sila Ferdie ay di pa natapos sa pagliligpit dahil subrang tagal natapos ang event. Pang anim na araw na ni Chelsea sa Resort. Medyo masakit ang ulo niya dahil sa nakainom siya kagabi nang ilang shot. Nang biglang may nagdoorbell sa room niya, ang pag kakaalam niya si Carlos na naman. Binuksan niya ang pinto na naka night dress lang siya, wala siyang bra na bakat na bakat ang dibdib niya. Maaninag talaga ang hubog nang katawan niya. "Yes, bakit Carlos?" nagulat si Chelsea, dahil hindi si Carlos ang nagdoor bell kundi si Ferdie. "Ay, sorry po Ma'am. Naabala ko po ba ang tulog ninyo? Pinapahatid nga po pala ni Sir Carlos para po breakfast ninyo. Di daw po siya makasabay sa inyo sa breakfast kasi daw po may urgent meeting sila sa kabilang conference room." ang paliwanag ni Ferdie. "Ah ganun ba! Salamat pakipasok mo nalang. Pakisabi kay Sir Carlos mo na salamat nag abala pa siya." ang sabi ni Chelsea. Lumabas na si Ferdie. Napamangha siya sa katawan ni Chelsea na napakaganda na kahit hindi nakikita ang nasa loob pero bakat na bakat sa night dress na sinuot niya.@ "Hay! ano ba ito nagpapantasya na naman ako. Masyadong malayo agwat namin kaya di ako pwedeng magkagusto kay Mam Chelsea." ang sabi niya sa kanyang sarili. "Hoy! nag day dreaming ka na naman. Tulungan mo kaya ako at nahihirapan na ako dito. Nagpapatansiya ka naman sa mga babae dito, mag asawa ka na kasi." ang pasigaw na sabi ni Michael, na kasama niya sa work. Si Michael, ang malapit na katrabaho ni Ferdie, ngbibiruan sila kung minsan parang magbest friend na sila. May asawa na si Michael, at may isang anak na babae kaya ngtatrabaho siya ng mabuti para sa pamilya niya.Inaayos na uli nila ang set up nang restaurant dahil natapos na ang event kahapon. Ini organize nila ang pag aayos nang tables and chairs.
Pang ikapitong araw na ni Chelsea, sa Resort at inaasahan niyang darating sa Rio Grande Island ang kapatid niyang si Emee, ang Yaya Ana nila, Joey at si Amalia.
Tumawag siya kay Amalia, para e inform na siya na ang susundo sa kanila sa bayan. Binigay na niya kay Amalia ang location para hindi sila maligaw. First time lang din kasi nakapunta si Amalia, sa Rio Grande kaya di niya kabisado ang lugar.
"Amalia, saan na kayo banda? Lumapag na ba ang eroplano sinakyan ninyo? Paggaling ninyo sa airport sakay kayo ng barko papunta sa isla at dito na ako mag aantay sa inyo sa daungan nang barko." ang sabi ni Chelsea."Yes! Chelsea, pasakay na kami ng barko. Baka after an hour nasa isla na kami. Wait mo lang kami diyan." ang sagot ni Amalia.
Habang nasa barko… "Ate, excited na akong makita ang isla lalo na si Ate namiss ko na siya kahit minsan nag aaway kami hmpp!" ang sabi ni Emme.. "Ako nga din eh, excited na baka may makita akong Afam dun haha. Baka dun ko na makikita ang forever ko, malay natin!" ang patawang sagot ni Amalia. "Maganda kaya dun sa isla Ate? ang tanong naman ni Joey."Oo naman yon ang sabi ng Ate Chelsea mo. Malalaman natin yan pagdating doon, malapit na pala tayong dadaong." ang sagot ni Amalia sa kapatid niyang si Joey.
Dumaong na ang barko at super excited na silang makatungtong sa Rio Grande Island. Dali-dali silang bumaba at habang pababa sila, busy naman sa pagpipicture si Emme, sa lugar dahil subra talagang ganda na parang nasa paradise island. "Amalia! Andito ako banda punta kayo dito para sakay na tayo sa sasakyan na inarkila ko tapos deretso na tayo sa hotel ngpareserve na ako nang isang room pero may extend room siya para doon matulog si Joey, kasi lalaki siya hindi pwede isama sa isang room sa mga babae." ang sabi naman ni Chelsea. "Oo tama ka Chelsea, magandang idea yan. Saan ang venue natin bukas, pasyal kaagad tayo sa magagandang lugar dito ha!" ang excited na sabi ni Emme. "Eh, kaso di ko masyadong kabisado ang lugar seven days na ako dito pero di ko pa napasyalan ang mga magagandang lugar dito! Haha..patawang sagot ni Chelsea. "Ayy! Bakit ganun Ate. Di ka man lang ng enjoy nang todo dito sa loob nang seven days." ang pagtatakang sagot ni Emme. "Alam ko na kung bakit Emme, baka nakakita na yan nang boylet dito di lang niya sinasabi." ang pabirong sambat ni Amalia. "Hala! grabe naman kayo, eh sa kung ayaw kong mgbiyahe nang malayo mag isa nakakaboring kaya. Ngayong andito na kayo pwede na akong mamasyal para masaya di ba madami tayo."ang sabi ni Chelsea. Nakarating na sila sa Hotel at dumeretso agad sila sa kwarto kasunod nang kwarto ni Chelsea nasa room 144 sila. Pagkatapos nagtanghalian sila sa Rio Grande Seafood Restaurant. "Wow! pati restaurant subrang ganda. Siguro mas maganda pa ang mga tanawin dito." ang sabi ni Joey.Sumagot naman si Chelsea, "Oo naman Joey, wag kang mag alala sulitin natin ang seven days ninyo na bakasyon.Makulit na sambat ni Amalia,"Tama plus maghahanap kami ng forever ni Ate Chelsea mo." Haha.. "Ayan ka na naman Amalia subrang kulit mo talaga sinisingit mo na naman ang mga lalaki sa usapan natin, wala tayong mahanap dito kasi isla to remember buti kung bar pinuntahan natin." ang depensa na sagot ni Chelsea. Kumain na sila habang may napansin si Emme na isang lalaki na ngseserve sa ibang table familiar sa kanya ang lalaki. Agad niya iyong tinawag. "Kuya Ferdie, ikaw ba yan? Andito ka rin sa Isla.” masayang naitanong ni Emme. "Emme, kumusta kayo? Oo andito ako na assign may kasama ako si Michael, katrabaho ko dalawa kami dito naassign need kasi nila ng tao dahil medyo dumami ang mga turista." ang paliwanang naman ni Ferdie. "Uy pogi, andito ka pala bakit di mo naman sinabi s
"Chelsea are you alright? Akala ko ba maliligo na tayo." ang sabi ni Carlos. "Ah yeah! tara na hinihintay na nila tayo." ang sagot naman ni Chelsea. Pumunta na sila dun sa falls at naligo sila kasama nila Amalia, at nang mga bata. Subrang nag enjoy sila lalo na sa nature ng lugar. Masaya ang maghapon nila sa pamamasyal, umuwi na sila sa resort mga 5:00 pm at dumeretso kaagad sa kwarto silang lahat dahil sa subrang pagod. Nang kinagabihan lumabas si Chelsea, para magpahangin at nakita niya si Ferdie, na nakaupo sa isang lugar na may upuan. Lumapit si Chelsea.. "Hey! Ferdie what are you doing here? Ang lalim nang iniisip mo ah! ang tanong ni Chelsea kay Ferdie. Nang biglang nagulat si Ferdie,"Ah! Chelsea, ikaw pala yan. Ah wala ok lang ako." ang sagot ni Ferdie. "Are you sure? Mukha ka
"Oohhhh..Sorry Carlos, napadami ata ang inom ko! ok lang ba kung ihatid mo na ako sa room ko. Hayaan na natin si Amalia diyan. Aakyat din yan maya-maya! ang mapang akit na sabi ni Chelsea. "Okey, gusto ko yan. Halika na kinarga ni Carlos si Chelsea papunta nang room niya. "Nung nasa pinto na sila nang room ni Chelsea, binaba siya ni Carlos. Thank you Carlos, goodnight." ang pabulong na sabi ni Chelsea kay Carlos.Bumulong si Carlos kay Chelsea, "pwede bang pumasok ako sa room mo? pagkasabi niya kay Chelsea nakatulog si Carlos, dahil nalasing din siya nakapatong ang ulo niya sa balikat ni Chelsea.Saktong napadaan si Ferdie, sa may bandang room ni Carlos at Chelsea, dahil may inihatid siya sa kabilang room, ng makita niya na nakapatong na yong ulo ni Carlos sa balikat ni Chelsea. "Oh! Ma'am Chelsea napaa
"Excuse me po Mam Chelsea, sabi po ni Mam Emme nasaan po banda ang toilet kasi po gagamit daw po siya." ang tanong naman ni Yaya Ana. "Oh! that way Yaya, go straight and turn left. May makikita kayong hallway doon sa pinakadulo andun yong toilet. Saka pakibilisan ninyo at malapit na tayo magboarding baka maiwan kayo."ang paliwanag ni Chelsea. "Ate Chelsea, pagdating po natin sa Manila ay dederetso na po ba kami ni Ate Amalia, sa bahay namin o dadaan pa kami sa bahay ninyo." ang usisang tanong ni Joey. Sumagot naman si Chelsea, “sa hapon kuna kayo ihahatid ng Ate mo, deretso muna tayo nang bahay namin. Gusto ni Mama at Papa na makita kayo, madami yon silang dala dahil nag out of the country sila galing sila sa Japan, may business meeting ata si Papa doon." ang paliwananag naman ni
Tumulo ang luha ni Chelsea, sa kwentong narinig niya kay Ferdie. Hindi niya akalain na ganun pala ang kwento nang buhay ni Ferdie. Mas swerte pa nga siya ipinanganak siyang mayaman. "Ma’am Chelsea, okey lang po ba kayo? Ito po tubig Ma’am, sensya na po na ikwento po namin sa inyo ang buhay ng anak ko at ng pamilya namin. Madami pa po ang pamilya ko na pinagdaanang hirap pero nanatili po kaming matatag at buo." ang dugtong ni Mang Arnaldo. "Okey lang po ako, sorry po nadala po ako sa kwento. Kumusta naman po ang pakiramdam ninyo Nay Maria? tanong ni Chelsea kay Aling Maria. "Ok naman ako iha! Maraming salamat sa pagdalaw ha! Salamat din sa tulong mo kay Ferdie. "Walang anuman po yon, nakikita ko kasing may busilak na puso si Ferdie. Magpahinga po kayo nang husto at magpalakas po para po makauwi na din
"Okey ka lang? Parang may malalim ka atang iniisip, pwede mo naman e share sa akin." ang halatang tanong ni Ferdie. Sumagot si Chelsea, "Ah wala never mind, ok lang naman ako. Sige na tulungan muna ang mga magulang mo na maghanda nang gamit para makauwi na kayo. Siya nga pala mag ingat kayo sa biyahe." ang ngiting sabi ni Chelsea. "Salamat, at kayo din mag ingat kayo." ang sagot ni Ferdie kay Chelsea.Nahahalata din ni Chelsea na malungkot ang mukha ni Ferdie.Naghanda na sila Ferdie at Itay niya para sa gamit nang kanyang Inay niya. "Ferdie! Nagpaalam ka na ba kay Chelsea? Alam na ba niyang aalis na tayo madidischarge na ang Inay mo? ang tanong ni Mang Alvin.Sumagot si Ferdie, "Opo Itay kanina po, sinabi ko sa kanya na pwede nang e discharge si Inay. Masaya naman po siya kasi po magaling na si Inay."
Nakauwi na sa bahay sila Ferdie, Mang Alvin at Aling Maria. Inayos ni Ferdie ang higaan nang kanyang Ina. Maliit lang ang bahay nila Ferdie, isang kubo-kubo lamang ito. Pero ni minsan hindi niya ikinahiya iyon sa mga kaibigan niya. Maliit ngunit masaya ang mga taong nakatira sa bahay. "Opo Itay, kasi tapos na po ang leave ko. Bukas po start na po akong magduty ko kaya mamayang hapon po ay babyahe na po ako patungo sa Isla apat na oras lang naman ang biyahe." ang sagot ni Ferdie.Nakalapag na ang eroplano sa Manila Airport. Tinawagan ni Chelsea si Carlos, kung nasa Airport na ba siya. "Hello! Carlos, saan ka na? tanong ni Chelsea. "Andito na ako sa parking, aakyat na ako diyan antayin nyo lang ako." ang sagot ni Carlos. "Hey! Chelsea I'm here, kumakaway-kaway si Carlos para makita siya nila
"Okey sige bye! sabi ni Chelsea. "Ano yon! si Carlos, nanliligaw na ba sa iyo? usisa na tanong ni Amalia, kay Chelsea. "Hay! Naku, Chismosa ka talaga. Hindi ah! nag anyaya lang siya na magdinner kami mamaya at walang ibig sabihin yon." depensang sagot ni Chelsea. "Oh! Talaga lang ha! Baka ibang dinner na yan. Baka deretsong dinner date na yan haha" pang aasar na sagot ni Amalia kay Chelsea. "Bahala ka diyan kung anong iniisip mo basta para sa akin magkaibigan lang kami at yan lang yon wala ng ibang dahilan." ang matinding depensa ni Chelsea. Nag antay na sa parking lot si Chelsea. At tumawag na si Carlos. "Hello! Chelsea, sa
Nakangiti ang lahat habang wini welcome nila si Ferdie. Natuwa naman ang mga magulang ni Ferdie sa achievements na mayroon siya ngayon. Nagkaroon din ng magandang buhay ang kanyang stepfather si Mang Alvin. Pinapangako niya sa kanyang sarili na kung ano man ang tagumpay na meron siya ngayon ay kasama ang kanyang mga magulang umapon sa kanya hindi man sila kompleto pero naniniwala siyang masaya ang kanyang Inay ngayon dahil nasa mabuti na siyang kalagayan ngayon. “Kumusta sa bago mong trabaho anak?” Tanong ng kanyang ama. “Naninibago po ako Pa, hindi ko po akalain na makakaupo ako sa magarang upuan at magkaroon ng sariling opisina na dati ay nakikita ko lang sa mga palabas. Pakiramdam ko po nanaginip lamang ako, at sana hindi na ako magising, haha!” Nakangiting sabi ni Ferdie. “Deserve mo iyan anak, matagal din ang nakalipas na panahon na hindi ka namin nakasama ng iyong Mama, miss
“Nasaan na ba ang asawa mo Chelsea, dapat siya ang nandito kasi responsibilidad niya ang bantayan at alagaan ka, naabala pa tuloy si Ferdie. “Oh! Okay lang iyon Amalia, walang problema sa akin. Baka may importante lang ginagawa si Carlos kaya hindi siya naka attend sa engagement party mo.” Sagot ni Ferdie. “Pasensya ka na Amalia at Michael ha!, nasira ko tuloy ang engagement party nyo.” Malungkot na sabi ni Chelsea. “Asus, ano ka ba okay lang iyon kasi patapos na naman ang party, ang mahalaga ay okay ka na ngayon,” Nagpaalam naman sila Amalia at Michael na balikan muna nila ang ibang bisita. “Chelsea, okay ka lang ba?” tanong ni Ferdie. “Oo, okay na ako Ferdie. Salamat nga pala sa pagdala mo sa akin sa hospital. Nakakahiya sa iyo dapat si Carlos ang nagdalaga sa akin dito,” mahinang sabi ni Chelsea.  
Nabalitaan ng pamilyang Lee at Grande na patay na ang tunay na ama ni Carlos na si Benito. Nagpaabot naman ng pakikiramay ang bawat pamilya, tatlong araw lang binurol ang ama ni Carlos saka inilibing. Sinamahan naman ni Chelsea si Carlos sa paghatid sa kanyang ama sa libingan. Pagkatapos ng libing, nagsiuwian na ang nakilibing.. “Carlos, okay ka lang ba?” tanong ni Chelsea. Ngunit hindi sumagot si Carlos, tahimik lamang ito dinadamdam pa rin niya ang pagkamatay ng kanyang ama. “Sagutin mo naman ako Carlos, nag alala na ako sa iyo ilang araw ka nang hindi kumakain ng maayos. Palagi ka nalang tulala,” sabi uli ni Chelsea. “Pabayaan mo muna ako, gusto kung mapag isa. Ngayon ka pa ba, magpapakita ng concern at simpatya sa akin na kung kailan ako namatayan! Kaya huwag ka nang magpakitang tao Chelsea, ok lang ako.” Sagot niya. “Bakit ka ba nagagalit? Nagpapakita
Inutusan ni Benito si Carlos na tawagan si Ricky para papuntahin sa location na sinabi niya. “Hello! Carlos, nasaan ka ba ngayon. Hinahanap ka ng Mama mo pupunta raw kayo sa bahay ni Ferdie, hindi ka raw nagpakita kay Ferdie nakalabas na lamang siya ng hospital,” sabi ng Papa niya. “Pa, sorry! Masyado lang kasi akong busy. Inaasikaso ko din ang ipinataw na kaso ni Divina laban sa akin.” Sagot niya. “Ah! Ganoon ba, ano bang kaso na kinakaharap mo ngayon? Talagang binibigyan mo ako ng sakit ng ulo Carlos.” “Wala naman akong ginawa pa, masyado lang kasi silang paranoid at tinutulungan nila ang ex boyfriend ni Chelsea si Mateo. Siyanga pala pa, may sinend akong location sa iyo, may gustong makipagkita sa iyo,” sabi ni Carlos. “Ano ba iyan?” tanong ng kanyang Ama. Sumagot si Carlos, basta puntahan mo lang ang lugar na iyon.” Sagot ni Carlos. &
Nakita ni Carlos na hindi mapakali si Chelsea. “Chelsea, anong nangyari? Bakit hindi ko nakikita sila Mama at Papa, nag out of the country ba sila?” tanong ni Carlos. “Hindi mo ba alam na nawawala si Mama at Papa, mahigit tatlong araw na. Sa bagay masyado ka naman kasing busy sa trabaho mo o di kaya sa ibang bagay kaya hindi mo na alam kung anong nangyayari sa paligid mo,” sagot ni Chelsea. “Ano? Bakit ngayon mo lang sinabi sa akin?” gulat na tanong ni Carlos. “Carlos, kailangan ko pa bang sabihin sa iyo? Ni hindi na nga tayo nagkikita eh! “Sino ba ang may gusto na hindi muna tayo magkita, di ba ikaw naman! Kaya huwag mong isisi sa akin kung nagtatanong ako kasi may karapatan din naman akong malaman ang mga nangyayari sa pamilya natin dahil pamilya ko na rin sila.” “Okay na Carlos, kami nalang bahala maghanap kay Mama at
“Anthony, napapansin mo ba iyong itim na van na sumusunod sa atin?” kinakabahan na sabi na tanong ni Mrs. Lee. “Hindi naman, nasaan ba?! “Tingnan mo iyong van na itim? Itinuro ni Mrs. Lee, ang van na nakasunod sa kanila. Bigla itong nag overtake saka bumababa ang dalawang lalaki na nakamask, may dala itong baril. “Teka, anong gagawin ninyo sa amin?” takot na tanong ni Mr. Lee. “Manahimik ka huwag ka nang magtanong bumaba kayo, kung hindi pasasabugin namin ang ulo ninyo kung hindi kayo susunod sa sinasabi namin.” Sabi ng mga lalaki. Bumaba sila, pinasakay sila sa itim na van. Hindi nila alam kung saan sila dadalhin hanggang sa makarating sila sa isang bakanteng warehouse. Nakablind fold sila kaya hindi pa nila nakikita ang lugar.Tinanggal na ng mga lalaki ang nakatakip sa kanilang mga mata. Pinaupo silang dala
Hindi mapakali si Divina, sa nakita niya sa video na ipinasa ng isang hindi kilalang tao na nagsend sa kanya. Naggagalaiti siya sa galit dahil nakita niya doon si Carlos. “Hayop na Carlos, siya pala ang nag utos ng tao nagpapanggap bilang waiter para sadyaing sunugin ang restaurant ni Ferdie,” bulong niya sa kanyang sarili. “Ma’am Alcantara, may problema po ba kayo? “Wala, may ibibigay pala akong ebidensiya na nareceive ko ngayon lang.” “Sige po Ma’am mas mabuti po iyan para po macheck namin at agad na namin ma aksyonan ang kasong ito,” sabi ng imbestigador. Bumalik si Divina sa hospital para dalawin si Ferdie. “Kumusta si Ferdie, Michael?” tanong niya. “Ayon hindi pa rin nagigising concious pa rin. Sana nga magising na siya.” Sagot niya. “Sana nga kasi may kailangan akong iba
Naisip niyang paano na kaya magtatagumpay ang mga plano niya gayong alam na nang mga magulang niya na si Ferdie, ang matagal na nilang hinahanap. Nagring ang phone niya, hindi niya kilala kung sino ang tumawag sa kanya. “Hello, sino to? Sagot niya. “Kumusta anak? Nakikilala mo ba ako?” tanong ng lalaking kausap niya sa kabilang linya. “Who are you? Sorry ha! Kasi hindi kita kilala.” “Ako ito anak, ang iyong tunay na ama si Benito Gomez,” pakilala ng lalaki sa kabilang linya. “Ano? Gulat na gulat si Carlos sa narinig niya. Akala kasi niya patay na ang totoo niyang ama. Kaya naman hindi siya makapaniwala na buhay pa ang kanyang ito. “Alam ko anak naguguluhan ka pa, pero puwede ba tayong magkita para masabi ko sa iyo ang lahat,” paliwanag ng kanyang ama. “Sige po, kailan po ba tayo magkita?” “Bukas ng hapon, e message ko
Napasugod din sila Chelsea, Amalia at Divina sa hospital para alamin ang kalagayan ni Ferdie. “Ma, anong nangyari kay Ferdie?” tanong ni Chelsea. “Namasyal kasi kami ng Mama Gina mo, anak. Habang naglalakad kami may nakita siyang isang lalaki na dinudukutan niya iyong babae. Sinigawan niya ito para malaman ng babae na dinudukutan siya, dali-dali naman siyang lumapit sa lalaki. Hindi namin alam na may dala palang kutsilyo ang lalaki, sasaksakin na sana siya kaso niyakap siya ni Ferdie at siya ang nasaksak,” kwento ni Mrs. Lee. “Naku! Sana naman ligtas si Ferdie.” Sabi niya sa kanyang sarili. “Alam na ba ito ng mga magulang ni Ferdie?” tanong ni Amalia. “Hindi pa, ako nalang ang magpapaliwanag sa kanila. Puntahan ko muna sila, nasa 2nd floor lang naman sila sa hospital na ito,” sabi ni Divina. Pinuntahan nga ni D