"Di kasi ako makatulog Ate, namimiss kita. Kami lang dalawa ni Yaya Ana dito. Kasama din ba si Yaya Ana sa vacation?" ang makulit na tanong ni Emme.
"Oo, apat kayo si Yaya, Ikaw, Ate Amalia mo at si Joey. Kaya matulog ka na!" ang naiiritang sagot ni Chelsea. "Paano sina Papa at Mama, darating na sila next week tapos wala tayo sa bahay." ang makulit na tanong uli ni Emme. "Hey Emme, you make me mad your so annoying of asking. Nakaplano na ang bakasyon na ito.Sina Papa and Mama pati parents ni Ate Amalia mo ay kasama sila sa next trip natin for now tayo muna.
Huwag ka nang madaming tanong nilalamig na ako dito sa labas katatapos ko lang maligo sa pool at kailangan ko nang magbihis." ang pagalit na sagot ni Chelsea.
Tumahimik na si Emme, dahil alam niyang galit na ang Ate niya sa kakatanong niya. Natapos ang pag uusap nila at nakadama nang lamig si Amalia. Lumapit si Carlos at binigyan siya nang bathrob. "Wear this nilalamig ka na!" ang sabi ni Carlos."Yeah thanks, my sister calling me and ganyan talaga ‘yon pag makipag usap sa akin madaming tanong kaya minsan naiirita ako." ang sagot ni Chelsea.
"Oh really! Intindihin mo nalang ang sister mo kasi ganyan talaga ang mga kabataan." malalim na sagot ni Carlos. "Hey! what's wrong bakit namumula mata mo, umiiyak ka ba? ang tanong ni Chelsea. "Naalala ko lang ang stepbrother ko, nagkahiwalay kami noong ten years old siya at eight years naman naman. Siguro nasa thirty five years old na siya ngayon.Ilang taon din namin siyang hinanap pero hanggang ngayon di pa namin siya nakikita. Pero si Mommy ko di pa rin nawawalan nang pag asa.
Sumakay kasi kami nang barko at nalunod ang barko buti nalang nakaligtas kami ako, si Mama at Papa kaso nahiwalay sa amin ang kapatid ko." ang kwento ni Carlos kay Chelsea.
Naantig ang puso ni Chelsea sa mga kwento ni Carlos sa kanya hindi pala madali ang pinagdadaanan niya. Nalungkot siya sa ikinukwento ni Carlos sa kanya kaya nakadama siya nang awa dito.."So, ano mo siya older brother or younger brother? ang tanong ni Chelsea.
Sumagot si Carlos, "His my older brother, ako yong bunga nang pagtataksil ni Mama."
Ang malakas loob na confession ni Carlos kay Chelsea.
Biglang tumahimik ang paligid at natahimik din silang dalawa.
Natapos din ang kwentuhan nilang dalawa, at umakyat na sila para pumasok sa kani-kanilang kwarto. Inihatid muna ni Carlos si Chelsea, sa pintuan nang room niya bago siya pumasok sa kwarto naman niya.
"Good night Chelsea! Sabi ni Carlos kay Chelsea.. "Good night Carlos, thank you for tonight nag enjoy ako." sagot naman ni Chelsea. Kinilig si Chelsea, nang pumasok siya sa kwarto niya, di niya alam kung ano ang nadarama niya. Talagang may itsura si Carlos, pero naalala pa rin niya ang nakaraan kung saan nasaktan siya ng husto dahil sa ex-boyfriend niyang si Mateo, na walang ibang ginawa kundi mambabae at saktan siya.Flash back…
Nagflashback sa kanya ang mga araw na masaya silang magkasama at ang matinding pag-aaway nila dahil sa isang babae. "Mahal na mahal kita Chelsea, alam mo naman na hinding-hindi kita ipagpaplit sa ibang babae, subrang swerte ko na ikaw ang naging girlfriend ko." ang matatamis na pangako ni Mateo. "Alam ko naman ‘yon Mateo, sana lang totoo lahat ang mga sinasabi mo para walang problema." sagot ni Chelsea sa kanya. Halos magka edad lang sila ni Chelsea at Mateo, mga twenty years old sila that time at nagsimula ang relasyon nila as puppy love noong fifteen years old sila pareho. Nang isang araw may isang concern na isa sa mga kaibigan nila na ngsend sa kanya ng malalaswang video na kitang-kita si Mateo at ang babae. Grabe ang reaction niya, subrang nanginig siya sa nakita niya.
Di siya nakapagpigil sinugod niya si Mateo sa working place niya.
"Mateo, what the hell are you doing?" ang nanggagalaiting tanong ni Chelsea."Chelsea, what? Ano ba problema mo at di ka talaga makapaghintay dito pa talaga sa working place ko ikaw mag skandalo." ang nahihiyang sagot ni Mateo, dahil maraming tao ang nakatingin sa kanila. Nagtatrabaho si Mateo, sa isang restaurant as part time waiter dahil sa gabi may pasok siya. Dinumog sila ng mga tao sa pag aakalang may matinding nangyayari. "Lumabas muna tayo para makapag usap huwag dito kasi magagalit amo ko." ang kalmadong sabi ni Mateo. Hinila ni Mateo si Chelsea palabas. "Teka lang nasasaktan ako, at pwede ba bitiwan muna ako." ang nagpupumiglas na si Chelsea. "Cge sabihin muna gusto mong sabihin." ang galit na ding si Mateo. "What the hell Mateo, anong problema mo. Hindi ka marunong makontento at kailangan pa talaga ilihim mo sa akin na nakikipag kita ka sa isang babae at may video scandal pa kayo, halatang nag e enjoy ka sa ginagawa ninyo." ang galit na galit si Chelsea. "Wait, saan naman galing yang chismiss na yan. At sino may sabi sayo." ang nagtatakang sagot ni Mateo. "Ohhh! c'mon may proof ako dito, may ngsend sa akin ng video ninyong dalawa mga baboy kayo. Nasaan na yong sinabi mo na mahal mo ako at di mo ako ipagpapalit. Punyetang pangakong yan." ang subrang galit ni Chelsea kaya siya nakapagmura. "That was a mistake, hindi yan totoo or it's fabricated. It's not true Chelsea, believe me." ang explanation ni Mateo na may kasamang pagmamakaawa. "Go to hell Mateo!, anong fabricated pinagsasabi mo magsisinungaling ba ang video eh kita ang pamumukha mo, ito tingnan mo para mahimas-himasan ka." ang pagpapakita ni Chelsea sa ebidensiya.Hindi nakaimik si Mateo, nanlumo siya at nahihiya siya kay Chelsea, dahil alam niya sa sarili niya na totoo lahat ang sinabi ni Chelsea at 'yong proof na video. Natahimik si Mateo at biglang iniyuko niya ang ulo niya. "I'm sorry Chelsea, I was wrong at pumatol ako sa isang babae. Yan yong time na hindi mo ako sinipot sa date natin dahil sa marami kang dahilan. Kaya naisipan kung mag one night stand." ang sabi ni Mateo. "Hayop ka talaga Mateo! ang babaw nang dahilan mo para makipag one night stand ka. Talagang pinairal mo ang kalibugan mo. Magsama kayo ng babae mo, huwag na huwag ka nang magpapakita sa akin." ang galit na sabi ni Chelsea. "I'm sorry! akmang yayakapin ni Mateo si Chelsea pero sinampal nang malakas ni Chelsea si Mateo..pakkk! malakas ang pagkasampal niya na parang nabingi si Mateo.
End of Flash back..
Nagising si Chelsea, sa iyak niya at namalayan niyang tumutulo na ang luha niya. Di niya alam nakatulog pala siya sa kakaisip at naalimpungatan siya. Tumayo siya para uminom ng tubig. Bumalik uli siya sa kama niya at agad siyang nakatulog. Nagising siya kinabukasan na may kumakatok sa pinto niya.
It was Chelsea third day of staying sa Rio Grande Island. Naging masaya naman si Chelsea lalo na noong makilala niya si Carlos.Dingdong!dingdong!dingdong! may nagdoor bell sa kwarto niya. Pagbukas niya nang pinto ay si Carlos pala. "Oh! Carlos ikaw pala, ang aga mo naman. Good morning sayo! ang gulat na sagot ni Chelsea. "Hello Good morning, ah oo kasi pumunta ako sa baba para mag gym papawis ba. By the way sabay nga pala tayo magbreakfast kung ok lang sa iyo.!" ang sagot ni Carlos. "Oh talaga! Cge walang problema sa akin, magprepare lang ako." ani ni Chelsea.At Gumaling na si Ferdie, at ngsimula na siyang pumasok sa trabaho niya. Naging maayos naman ang recovery niya at tuloy-tuloy na naman ang trabaho niya. "Hello pogi, buti naman nakabalik ka na sa work mo. Kumusta ka na?" ang tanong ni Amalia. "Hello po Ma'am Amalia, ok na po ako naka fully recovered na po. Salamat po." ang sagot ni Ferdie. "Oh that's good, oorder nga pala ako ng food take out kasi dadalhin ko kay Emme, gusto kasi niya luto ninyo. Salamat" ang pahapyaw na sagot ni Amalia. "Ok po Ma'am, ah Ma'am maitanong ko lang po nasaan po si Ma'am Chelsea, di ko po kasi nakikita na magkasama kayo." ang tanong ni Ferdie. "Bakit pogi namimiss mo siya ano.! Haha, joke lang pinapatawa lang kita.
"Nasa bakasyon ang friend ko, nagbakasyon siya for fifteen days gusto daw niya makapagrelax. Di pa nga nagparamdam eh baka nagkajowa na yon doon sa isla haha.." ang tawang sagot ni Amalia.
"Ah ganun po ba, mabuti po at makapagrelax siya. Ah wala pa pala boyfriend si Ma'am Chelsea eh maganda naman siya at matalino." ang pagtatakang sagot ni Ferdie.
"Masyadong pihikan ang friend ko simula nung ngkahiwalay sila ng jowa niyang walang kwenta, biruin ba naman nakapag one night stand sa isang babae kasi daw ang dahilan niya wala sila time dahil palaging busy si Chelsea, which is napakababaw na rason." ang may pagkakagigil na sagot ni Amalia. "Oh talaga po, kawawa naman pala si Ma'am Chelsea. Sana mahanap na niya ang one true love niya soon." sagot Ferdie. "Sinabi mo pa pogi, sarap nga sampalin at tadyakan kaya lang ayaw na ni Chelsea nang gulo, alam ko kasi yong ugali ni Chelsea, may pagka strikta pero may pusong mamon naman yon, problema nga lang pag na inlove talagang todo kung magmahal na parang wala nang bukas.Ay ano ba yan ang chismosa ko talaga, cge na at alis na ako! sabi ni Amalia.
Nagpatawag nang meeting ang boss nila Ferdie para e inform sa kanila ang bagong assignment nang bawat isa sa kanila.
"Good morning everyone, gusto kung ipaalam sa inyo na ang isa sa branch ng seafood restaurant na nasa Rio Grande Island ay nangangailangan ng dalawang tao at napag isipan kung si Ferdie, at Michael ang e assign ko doon RIO SEAFOOD Restaurant, so hopefully pagbutihan ninyo ang inyong trabaho.May sarili kayong accommodation doon kaya wag kayo mag alala at ang step son ng may ari ng Resort ang nagrequest dahil medyo madami ang turista na dumadayo doon." ang sabi nang manager nila.
"Ok po Ma’am, pagbubutihan po namin ang pagtatrabaho doon." sabi ni Ferdie. "Mabuti naman Ferdie, aasahan ko iyan. E maintain ninyo ang magandang feed back nang mga customers at ng anak ng may-ari ng kompanya." ang sagot ng manager nila.Nakauwi nang bahay si Ferdie, at pagod na pagod siya. Siya ay nangungupahan lang sa Manila at napag isipan niya bisitahin ang kanyang mga magulang bago siya magtrabaho sa isla na ina sign sa kanya nang manager niya.
Pinalaki ng mag asawang Alvin Domingguez at Maria Domingguez si Ferdie ng isang mabait na anak.Walang anak ang mag asawa, pangingisda ang hanapbuhay ni Mang Alvin at dressmaking naman si Aling Maria, naninirahan sila sa isang maliit na isla na kunti lang ang mga residente. May sakit si Aling Maria sa kanyang kidney, kaya huminto muna siya sa pagtatrabaho niya at nung ngsimula nang magtrabaho si Ferdie, ay ayaw na niya na mahirapan ang mga magulang niya. Siya na ang nagsusustento sa mga kinikilala niyang mga magulang.
Kinabukasan bumayahe si Ferdie sa lugar nila sa probinsya. "Itay, Inay kumusta po kayo? Bulalas ni Ferdie at niyakap ni Ferdie, ang kanyang mga magulang niya.Mga dalawang taon na din ang nakalipas noong hindi siya nakauwi sa kanila. At miss na miss na niya ang kanyang mga kinikilalang mga magulang.
"Ferdie, kumusta? Ok naman kami. Mabuti nakapasyal ka sa amin ilang taon na din ang nakalipas namimiss ka na namin nang Itay mo." naiiyak na sabi ni Aling Maria. "Oo nga anak, kumusta naman ang naging buhay mo sa Manila, ok ka lang ba doon?" ang tanong naman ni Mang Alvin. "Huwag po kayong mag alala sa akin Inay at Itay, ok po ako dun at safe naman po doon at sa tinitirhan ko. Yong gamot po ninyo Inay, madami pa po ba? Kain po kayo nang mabuti para po mas lalo pa kayong lumakas." ang pag alalang sabi ni Ferdie. "Huwag kang mag alala sa akin Anak, sinunsunod ko ang mga payo mo sa tuwing nag uusap tayo sa telepono." ang sagot ni Aling Maria. "Kayo Itay, pumupunta pa rin po ba kayo sa laot?" ang tanong ni Ferdie sa kanyang Ama. "Pasensya ka na anak nakasanayan ko na talaga ang lumaot pero di na gaya nang dati na araw araw ngayon paminsan minsan nalang." ang sagot naman nang kanyang Ama. "Ok lang yon Itay para di naman kayo mainip sa bahay at may mapag abalahan kayo minsan." ang sagot naman ni Ferdie. "Oh! siya sige tama na yan, at maghanda na ako nang tanghalian natin para makakain na tayo" ang sabi ni Aling Maria.Nang nasa hapag kainan na sila, naikwento ni Ferdie, na may bago siyang location sa trabaho niya. Na magtatrabaho siya sa isang isla na ka branch ng restaurant na pinagtatrabahoan niya. Naitindihan naman yon ng mga magulang niya kaya naging masaya si Ferdie.Di inilihim ng mag-asawa kay Ferdie ang mga nangyari kung bakit nasa kamay nila ngayon si Ferdie, bata pa lang si Ferdie sinabi na ng mag-asawa na hindi sila ang tunay na mga magulang niya at naiintindihan naman niya iyon. Pero ang problema hindi niya maalala ang mga nangyari at nakaraan niya. Hindi na ngtanong-tanong si Ferdie sa mga magulang na kinikilala niya kung sino-sino ang Mama at Papa niya sapagkat hindi rin nila alam at wala silang maisagot sa kanya dahil napapad lang siya sa isla nila.Kinabukasan... "Inay at Itay, aalis na po ako mag ingat po kayo dito. Tawagan niyo po ako palagi at balitaan nyo po ako sa maging kondi
Makulit na sambat ni Amalia,"Tama plus maghahanap kami ng forever ni Ate Chelsea mo." Haha.. "Ayan ka na naman Amalia subrang kulit mo talaga sinisingit mo na naman ang mga lalaki sa usapan natin, wala tayong mahanap dito kasi isla to remember buti kung bar pinuntahan natin." ang depensa na sagot ni Chelsea. Kumain na sila habang may napansin si Emme na isang lalaki na ngseserve sa ibang table familiar sa kanya ang lalaki. Agad niya iyong tinawag. "Kuya Ferdie, ikaw ba yan? Andito ka rin sa Isla.” masayang naitanong ni Emme. "Emme, kumusta kayo? Oo andito ako na assign may kasama ako si Michael, katrabaho ko dalawa kami dito naassign need kasi nila ng tao dahil medyo dumami ang mga turista." ang paliwanang naman ni Ferdie. "Uy pogi, andito ka pala bakit di mo naman sinabi s
"Chelsea are you alright? Akala ko ba maliligo na tayo." ang sabi ni Carlos. "Ah yeah! tara na hinihintay na nila tayo." ang sagot naman ni Chelsea. Pumunta na sila dun sa falls at naligo sila kasama nila Amalia, at nang mga bata. Subrang nag enjoy sila lalo na sa nature ng lugar. Masaya ang maghapon nila sa pamamasyal, umuwi na sila sa resort mga 5:00 pm at dumeretso kaagad sa kwarto silang lahat dahil sa subrang pagod. Nang kinagabihan lumabas si Chelsea, para magpahangin at nakita niya si Ferdie, na nakaupo sa isang lugar na may upuan. Lumapit si Chelsea.. "Hey! Ferdie what are you doing here? Ang lalim nang iniisip mo ah! ang tanong ni Chelsea kay Ferdie. Nang biglang nagulat si Ferdie,"Ah! Chelsea, ikaw pala yan. Ah wala ok lang ako." ang sagot ni Ferdie. "Are you sure? Mukha ka
"Oohhhh..Sorry Carlos, napadami ata ang inom ko! ok lang ba kung ihatid mo na ako sa room ko. Hayaan na natin si Amalia diyan. Aakyat din yan maya-maya! ang mapang akit na sabi ni Chelsea. "Okey, gusto ko yan. Halika na kinarga ni Carlos si Chelsea papunta nang room niya. "Nung nasa pinto na sila nang room ni Chelsea, binaba siya ni Carlos. Thank you Carlos, goodnight." ang pabulong na sabi ni Chelsea kay Carlos.Bumulong si Carlos kay Chelsea, "pwede bang pumasok ako sa room mo? pagkasabi niya kay Chelsea nakatulog si Carlos, dahil nalasing din siya nakapatong ang ulo niya sa balikat ni Chelsea.Saktong napadaan si Ferdie, sa may bandang room ni Carlos at Chelsea, dahil may inihatid siya sa kabilang room, ng makita niya na nakapatong na yong ulo ni Carlos sa balikat ni Chelsea. "Oh! Ma'am Chelsea napaa
"Excuse me po Mam Chelsea, sabi po ni Mam Emme nasaan po banda ang toilet kasi po gagamit daw po siya." ang tanong naman ni Yaya Ana. "Oh! that way Yaya, go straight and turn left. May makikita kayong hallway doon sa pinakadulo andun yong toilet. Saka pakibilisan ninyo at malapit na tayo magboarding baka maiwan kayo."ang paliwanag ni Chelsea. "Ate Chelsea, pagdating po natin sa Manila ay dederetso na po ba kami ni Ate Amalia, sa bahay namin o dadaan pa kami sa bahay ninyo." ang usisang tanong ni Joey. Sumagot naman si Chelsea, “sa hapon kuna kayo ihahatid ng Ate mo, deretso muna tayo nang bahay namin. Gusto ni Mama at Papa na makita kayo, madami yon silang dala dahil nag out of the country sila galing sila sa Japan, may business meeting ata si Papa doon." ang paliwananag naman ni
Tumulo ang luha ni Chelsea, sa kwentong narinig niya kay Ferdie. Hindi niya akalain na ganun pala ang kwento nang buhay ni Ferdie. Mas swerte pa nga siya ipinanganak siyang mayaman. "Ma’am Chelsea, okey lang po ba kayo? Ito po tubig Ma’am, sensya na po na ikwento po namin sa inyo ang buhay ng anak ko at ng pamilya namin. Madami pa po ang pamilya ko na pinagdaanang hirap pero nanatili po kaming matatag at buo." ang dugtong ni Mang Arnaldo. "Okey lang po ako, sorry po nadala po ako sa kwento. Kumusta naman po ang pakiramdam ninyo Nay Maria? tanong ni Chelsea kay Aling Maria. "Ok naman ako iha! Maraming salamat sa pagdalaw ha! Salamat din sa tulong mo kay Ferdie. "Walang anuman po yon, nakikita ko kasing may busilak na puso si Ferdie. Magpahinga po kayo nang husto at magpalakas po para po makauwi na din
"Okey ka lang? Parang may malalim ka atang iniisip, pwede mo naman e share sa akin." ang halatang tanong ni Ferdie. Sumagot si Chelsea, "Ah wala never mind, ok lang naman ako. Sige na tulungan muna ang mga magulang mo na maghanda nang gamit para makauwi na kayo. Siya nga pala mag ingat kayo sa biyahe." ang ngiting sabi ni Chelsea. "Salamat, at kayo din mag ingat kayo." ang sagot ni Ferdie kay Chelsea.Nahahalata din ni Chelsea na malungkot ang mukha ni Ferdie.Naghanda na sila Ferdie at Itay niya para sa gamit nang kanyang Inay niya. "Ferdie! Nagpaalam ka na ba kay Chelsea? Alam na ba niyang aalis na tayo madidischarge na ang Inay mo? ang tanong ni Mang Alvin.Sumagot si Ferdie, "Opo Itay kanina po, sinabi ko sa kanya na pwede nang e discharge si Inay. Masaya naman po siya kasi po magaling na si Inay."
Nakauwi na sa bahay sila Ferdie, Mang Alvin at Aling Maria. Inayos ni Ferdie ang higaan nang kanyang Ina. Maliit lang ang bahay nila Ferdie, isang kubo-kubo lamang ito. Pero ni minsan hindi niya ikinahiya iyon sa mga kaibigan niya. Maliit ngunit masaya ang mga taong nakatira sa bahay. "Opo Itay, kasi tapos na po ang leave ko. Bukas po start na po akong magduty ko kaya mamayang hapon po ay babyahe na po ako patungo sa Isla apat na oras lang naman ang biyahe." ang sagot ni Ferdie.Nakalapag na ang eroplano sa Manila Airport. Tinawagan ni Chelsea si Carlos, kung nasa Airport na ba siya. "Hello! Carlos, saan ka na? tanong ni Chelsea. "Andito na ako sa parking, aakyat na ako diyan antayin nyo lang ako." ang sagot ni Carlos. "Hey! Chelsea I'm here, kumakaway-kaway si Carlos para makita siya nila
Nakangiti ang lahat habang wini welcome nila si Ferdie. Natuwa naman ang mga magulang ni Ferdie sa achievements na mayroon siya ngayon. Nagkaroon din ng magandang buhay ang kanyang stepfather si Mang Alvin. Pinapangako niya sa kanyang sarili na kung ano man ang tagumpay na meron siya ngayon ay kasama ang kanyang mga magulang umapon sa kanya hindi man sila kompleto pero naniniwala siyang masaya ang kanyang Inay ngayon dahil nasa mabuti na siyang kalagayan ngayon. “Kumusta sa bago mong trabaho anak?” Tanong ng kanyang ama. “Naninibago po ako Pa, hindi ko po akalain na makakaupo ako sa magarang upuan at magkaroon ng sariling opisina na dati ay nakikita ko lang sa mga palabas. Pakiramdam ko po nanaginip lamang ako, at sana hindi na ako magising, haha!” Nakangiting sabi ni Ferdie. “Deserve mo iyan anak, matagal din ang nakalipas na panahon na hindi ka namin nakasama ng iyong Mama, miss
“Nasaan na ba ang asawa mo Chelsea, dapat siya ang nandito kasi responsibilidad niya ang bantayan at alagaan ka, naabala pa tuloy si Ferdie. “Oh! Okay lang iyon Amalia, walang problema sa akin. Baka may importante lang ginagawa si Carlos kaya hindi siya naka attend sa engagement party mo.” Sagot ni Ferdie. “Pasensya ka na Amalia at Michael ha!, nasira ko tuloy ang engagement party nyo.” Malungkot na sabi ni Chelsea. “Asus, ano ka ba okay lang iyon kasi patapos na naman ang party, ang mahalaga ay okay ka na ngayon,” Nagpaalam naman sila Amalia at Michael na balikan muna nila ang ibang bisita. “Chelsea, okay ka lang ba?” tanong ni Ferdie. “Oo, okay na ako Ferdie. Salamat nga pala sa pagdala mo sa akin sa hospital. Nakakahiya sa iyo dapat si Carlos ang nagdalaga sa akin dito,” mahinang sabi ni Chelsea.  
Nabalitaan ng pamilyang Lee at Grande na patay na ang tunay na ama ni Carlos na si Benito. Nagpaabot naman ng pakikiramay ang bawat pamilya, tatlong araw lang binurol ang ama ni Carlos saka inilibing. Sinamahan naman ni Chelsea si Carlos sa paghatid sa kanyang ama sa libingan. Pagkatapos ng libing, nagsiuwian na ang nakilibing.. “Carlos, okay ka lang ba?” tanong ni Chelsea. Ngunit hindi sumagot si Carlos, tahimik lamang ito dinadamdam pa rin niya ang pagkamatay ng kanyang ama. “Sagutin mo naman ako Carlos, nag alala na ako sa iyo ilang araw ka nang hindi kumakain ng maayos. Palagi ka nalang tulala,” sabi uli ni Chelsea. “Pabayaan mo muna ako, gusto kung mapag isa. Ngayon ka pa ba, magpapakita ng concern at simpatya sa akin na kung kailan ako namatayan! Kaya huwag ka nang magpakitang tao Chelsea, ok lang ako.” Sagot niya. “Bakit ka ba nagagalit? Nagpapakita
Inutusan ni Benito si Carlos na tawagan si Ricky para papuntahin sa location na sinabi niya. “Hello! Carlos, nasaan ka ba ngayon. Hinahanap ka ng Mama mo pupunta raw kayo sa bahay ni Ferdie, hindi ka raw nagpakita kay Ferdie nakalabas na lamang siya ng hospital,” sabi ng Papa niya. “Pa, sorry! Masyado lang kasi akong busy. Inaasikaso ko din ang ipinataw na kaso ni Divina laban sa akin.” Sagot niya. “Ah! Ganoon ba, ano bang kaso na kinakaharap mo ngayon? Talagang binibigyan mo ako ng sakit ng ulo Carlos.” “Wala naman akong ginawa pa, masyado lang kasi silang paranoid at tinutulungan nila ang ex boyfriend ni Chelsea si Mateo. Siyanga pala pa, may sinend akong location sa iyo, may gustong makipagkita sa iyo,” sabi ni Carlos. “Ano ba iyan?” tanong ng kanyang Ama. Sumagot si Carlos, basta puntahan mo lang ang lugar na iyon.” Sagot ni Carlos. &
Nakita ni Carlos na hindi mapakali si Chelsea. “Chelsea, anong nangyari? Bakit hindi ko nakikita sila Mama at Papa, nag out of the country ba sila?” tanong ni Carlos. “Hindi mo ba alam na nawawala si Mama at Papa, mahigit tatlong araw na. Sa bagay masyado ka naman kasing busy sa trabaho mo o di kaya sa ibang bagay kaya hindi mo na alam kung anong nangyayari sa paligid mo,” sagot ni Chelsea. “Ano? Bakit ngayon mo lang sinabi sa akin?” gulat na tanong ni Carlos. “Carlos, kailangan ko pa bang sabihin sa iyo? Ni hindi na nga tayo nagkikita eh! “Sino ba ang may gusto na hindi muna tayo magkita, di ba ikaw naman! Kaya huwag mong isisi sa akin kung nagtatanong ako kasi may karapatan din naman akong malaman ang mga nangyayari sa pamilya natin dahil pamilya ko na rin sila.” “Okay na Carlos, kami nalang bahala maghanap kay Mama at
“Anthony, napapansin mo ba iyong itim na van na sumusunod sa atin?” kinakabahan na sabi na tanong ni Mrs. Lee. “Hindi naman, nasaan ba?! “Tingnan mo iyong van na itim? Itinuro ni Mrs. Lee, ang van na nakasunod sa kanila. Bigla itong nag overtake saka bumababa ang dalawang lalaki na nakamask, may dala itong baril. “Teka, anong gagawin ninyo sa amin?” takot na tanong ni Mr. Lee. “Manahimik ka huwag ka nang magtanong bumaba kayo, kung hindi pasasabugin namin ang ulo ninyo kung hindi kayo susunod sa sinasabi namin.” Sabi ng mga lalaki. Bumaba sila, pinasakay sila sa itim na van. Hindi nila alam kung saan sila dadalhin hanggang sa makarating sila sa isang bakanteng warehouse. Nakablind fold sila kaya hindi pa nila nakikita ang lugar.Tinanggal na ng mga lalaki ang nakatakip sa kanilang mga mata. Pinaupo silang dala
Hindi mapakali si Divina, sa nakita niya sa video na ipinasa ng isang hindi kilalang tao na nagsend sa kanya. Naggagalaiti siya sa galit dahil nakita niya doon si Carlos. “Hayop na Carlos, siya pala ang nag utos ng tao nagpapanggap bilang waiter para sadyaing sunugin ang restaurant ni Ferdie,” bulong niya sa kanyang sarili. “Ma’am Alcantara, may problema po ba kayo? “Wala, may ibibigay pala akong ebidensiya na nareceive ko ngayon lang.” “Sige po Ma’am mas mabuti po iyan para po macheck namin at agad na namin ma aksyonan ang kasong ito,” sabi ng imbestigador. Bumalik si Divina sa hospital para dalawin si Ferdie. “Kumusta si Ferdie, Michael?” tanong niya. “Ayon hindi pa rin nagigising concious pa rin. Sana nga magising na siya.” Sagot niya. “Sana nga kasi may kailangan akong iba
Naisip niyang paano na kaya magtatagumpay ang mga plano niya gayong alam na nang mga magulang niya na si Ferdie, ang matagal na nilang hinahanap. Nagring ang phone niya, hindi niya kilala kung sino ang tumawag sa kanya. “Hello, sino to? Sagot niya. “Kumusta anak? Nakikilala mo ba ako?” tanong ng lalaking kausap niya sa kabilang linya. “Who are you? Sorry ha! Kasi hindi kita kilala.” “Ako ito anak, ang iyong tunay na ama si Benito Gomez,” pakilala ng lalaki sa kabilang linya. “Ano? Gulat na gulat si Carlos sa narinig niya. Akala kasi niya patay na ang totoo niyang ama. Kaya naman hindi siya makapaniwala na buhay pa ang kanyang ito. “Alam ko anak naguguluhan ka pa, pero puwede ba tayong magkita para masabi ko sa iyo ang lahat,” paliwanag ng kanyang ama. “Sige po, kailan po ba tayo magkita?” “Bukas ng hapon, e message ko
Napasugod din sila Chelsea, Amalia at Divina sa hospital para alamin ang kalagayan ni Ferdie. “Ma, anong nangyari kay Ferdie?” tanong ni Chelsea. “Namasyal kasi kami ng Mama Gina mo, anak. Habang naglalakad kami may nakita siyang isang lalaki na dinudukutan niya iyong babae. Sinigawan niya ito para malaman ng babae na dinudukutan siya, dali-dali naman siyang lumapit sa lalaki. Hindi namin alam na may dala palang kutsilyo ang lalaki, sasaksakin na sana siya kaso niyakap siya ni Ferdie at siya ang nasaksak,” kwento ni Mrs. Lee. “Naku! Sana naman ligtas si Ferdie.” Sabi niya sa kanyang sarili. “Alam na ba ito ng mga magulang ni Ferdie?” tanong ni Amalia. “Hindi pa, ako nalang ang magpapaliwanag sa kanila. Puntahan ko muna sila, nasa 2nd floor lang naman sila sa hospital na ito,” sabi ni Divina. Pinuntahan nga ni D