Abala ang lahat sa gaganaping welcome party nila Ferdie, imbitado ang mga dating katrabaho niya sa Seafood Restaurant kasama na ang manager niya si Ms. Dy. Busy naman sa pamimili ng mga damit sila Chelsea, para sa susuotin nila sa party. Nabalitaan naman iyon ni Carlos, kaya may plano na naman siyang masama.
Habang naisipan naman na bisitahin nila Ferdie at Divina si Mateo sa kulungan.
“Mateo, may dalaw ka lumabas ka muna,” sabi ng pulis na nagbabantay sa kanila.
“Kumusta ka na Mateo?” tanong ni Ferdie. “Okay lang naman ako, iba na ata ang kasama mo ngayon. Hiwalay na ba kayo ni Chelsea?” usisang tanong naman ni Mateo.
“Ah! si Divina Alcantara pala, siya ang kaibigan ko. Divina siya naman si Mateo, ex boyfriend ni Chelsea,” pakilala ni Ferdie.
“Yes, I know him,” sagot ni Divina. “Ah! Oo, naalala na kita. Ikaw iyong nag ut
Dali-daling niligtas ni Ferdie, ang kanyang mga magulang. Habang ang iba ay kanya-kanya namang ligtas sa kanilang sarili at pamilya. Nailabas ng safe ang kanyang mga magulang bumalik siya sa loob para tingnan kung sino pa ang nandoon. Nakita niya si Amalia na kasama si Chelsea, nakahandusay sa sahig. Tinawag niya ito, nagising naman si Amalia at inalalayan niya palabas. Binalikan niya si Chelsea, na walang malay. Agad na dumating ang ambulansiya, paglabas niya nakita niyang umiiyak si Divina. “Divina, nasaan si Kyle? Tanong niya. “Huhu! Please help Ferdie, I didn’t see Kyle,” iyak nang iyak si Divina. “Wait! Babalik ako sa loob hahanapin ko siya,” sabi naman ni Ferdie. “Please! Ferdie, hanapin mo siya ibalik mo siya nang ligtas sa akin, hindi ko makakayanan na mawala siya sa akin, siya lang ang nagpapalakas sa akin,” hindi mapigilan ang iyak ni Divina. &nbs
“Hindi ko matatanggap Ferdie, na wala na ang anak ko. Hindi ko kaya, Huhuhu!” hindi na tumitigil ang luha ni Divina sa pag agos. “Naiintindihan kita, kaya gusto kung tulungan mo rin ang sarili mo. Sa tingin mo ba magiging masaya si Kyle, kung nakikita ka niyang araw-araw kang magluluksa sa pagkamatay niya. Isipin mo rin siya, hindi ka niya papababayaan tutulungan ka niyang makabangon at mas maging malakas pa,” paalala ni Ferdie sa kanya. Sa kwarto ni Carlos kung saan nakaconfine. “Salamat sa Diyos, nagising ka na anak,” alalang sabi ni Mrs. Grande. “Ma, anong nangyari? Bakit ka umiiyak?” tanong ni Carlos. “Anak, huwag kang mabibigla sa sasabihin namin. Magpakatatag ka lang,” sabi ni Mr. Grande. “Pa, ano sabihin po ninyo sa akin,” tanong ni Carlos. “
Araw na nang libing ni Kyle, ang lahat ay nagdadalamhati sa huling araw niya lalo na si Divina. “Anak..hindi ko kaya na iwan muna ako. Please! Bumalik ka na kay Mommy. Huhuhu!” grabe ang iyak ni Divina at lahat na nadoon ay naiyak na rin. Lumapit si Ferdie, para yakapin siya. nakita naman iyon ni Chelsea at nakadama siya nang lungkot pati na ang selos. Lumapit din si Carlos, para makita niya sa huling pagkakataon ang kanyang anak. Matapos ang libing ay nagsi uwian na sila sa kani-kanilang bahay. “Kawawa naman si Divina anak nuh! Grabe talaga ang pagmamahal niya sa kanyang anak. Nakarelate ako sa kanya kasi iyan din ang nangyari sa akin noon. Ang sakit mawalan ng mahal sa buhay lalo na ang anak, kasi galing sa sinapupunan namin kayo kaya napakahirap na basta nalang siya kunin sa amin ng Diyos,” naiyak si Aling Maria nung nagkuwento na siya. “Huwag ka nang mag
“Naiintindihan ko na Ferdie, huwag tayo basta-basta humusga kay Carlos kasi wala tayong sapat na ebidensiya,” sagot uli ni Chelsea. “May nakalap na kami na ebidensiya pero kailangan mas madaming ebidensiya na magdidiin sa kanya para matapos na ang kasamaan niya,” sabi ni Ferdie. Pumunta si Carlos sa bahay ng pamilyang Lee, nakainom ito. “Ma, Pa nasaan si Chelsea? Bakit wala siya sa bahay? Alam niyo po ba kung saan siya nagpunta?” lasing na lasing na si Carlos. “Carlos! bakit lasing ka na pumunta dito? Wala si Chelsea dito hindi namin alam. Hindi naman tumawag kung nasaan siya ngayon, tinatawagan namin ngunit walang sumasagot,’’ sagot ni Mrs. Lee. “Carlos, ano na naman ito nag away na naman ba kayo? Paulit-ulit na lang.” sabi ni Mr. Lee. “Wala kayong pakialam kung nag away man kami ng anak ninyo o hindi. Buhay na namin ito kaya labas
“Ah kaya naman pala, si Ferdie pala ang dahilan kaya marunong ka nang mangisda ngayon,” nakangiti si Amalia habang nakatingin siya kay Ferdie. “Pare, sama ka naman sa akin manguha tayo ng panggatong para makagawa tayo ng apoy,” sabi ni Michael. “Sige, papunta na ako.” Sagot ni Ferdie. “Friend, matanong ko lang bakit nga pala Lovers Quarrel kayo ni Ferdie, may nangyari ba?” tanong ni Amalia. “Meron lang kaming di pagkakaintindihan nainis siguro siya sa sinabi ko. Alam mo naman na dati pa umiiwas na sa akin si Ferdie,” sagot ni Chelsea. “Hindi ko rin naman masisi si Ferdie, Chelsea kasi tama naman ang ginawa niya. Alam naman kasi natin na may asawa ka na. Mag hiwalay na kasi kayo ni Carlos para free ka na kay Ferdie. Huwag ka kasing magpakamartir sa lalaking iyon,” sabi ni Amalia. Hindi na nagsalita si Chelsea, alam kasi niyang may punto rin naman si Amal
“Salamat sa paghatid mo sa akin Richard,” nakangiting sabi ni Emme. “Walang anuman po Ma’am Emme, salamat din po sa treat ninyo sa amin,” sagot naman ni Richard. Nakangiti si Emme, habang papasok siya sa bahay nila. Nakangiti naman si Richard, pauwi sa kanila. May kung anong di mapaliwanag na nadarama nila sa isa’t isa. Sa camping, maaga sila nagising kaya nanguha sila ng isda sa may lawa. “Naalala ko dati nung sinama mo ako sa probinsiya ninyo, hindi pa ako marunong manguha ng isda pero simula nung natuto na ako ay mas gusto ko nang manguha ng isda pag nasa dagat ako,” nakangiting sabi Chelsea. Nakatingin lang sa kanya si Ferdie habang pinapanood siya na nagsasalita na nakatingin sa may lawa. “Hello! Ferdie, nakikinig ka ba sa akin?” tanong ni Chelsea. Nakita kasi niya nakatitig lang sa kanya si Ferdie. “Ah! Sorry, a
“Pare, puwede ba tayong mag usap muna sa condo ko importante lang” sabi ni Michael kay Ferdie. “Bakit Pare? May problema ba, sabihin mo sa akin!” sagot ni Ferdie.Nasa condo na sila ni Michael. “Pare, nagsinungaling ako kanina kay Amalia, hindi naman talaga klasmit ko sa haiskul ang tumawag kundi ang ex wife ko si Tanya,” sabi ni Michael. “Ano? Paano niya nalaman ang number mo? Ano na gagawin mo ngayon at sasabihin mo kay Amalia?” tanong ni Ferdie. “Hindi ko alam Pare, baka ang anak ko ang nagbigay ng number ko sa kanya. Hindi ko alam kung paano ko sasabihin kay Amalia ang tungkol kay Tanya, tulungan mo naman ako Pare. Tiyak na magagalit sa akin si Amalia pag nalaman niyang nagsisinungaling ako sa kanya. Isa pa naman sa mga rules namin na walang lihiman,” takot na sabi niya. “Naku! Problema nga iyan Pare, ano kaya ang puwede nating gawin na hindi n
“Pare, may tumawag ba sa iyo,” takot na tanong ni Ricky. “Wala naman Pare, bakit may tumatawag ba sa iyo?” tanong ni Mr. Lee. “May tumawag kasi sa akin kanina, hindi ko naman kilala kung sino siya. Pero ngtataka ako kasi parang ka boses siya ni Benito,” kwento ni Ricky. “Ganun ba! Sino naman kaya iyon?” nagtatakang tanong ni Anthony. “Hindi ko rin masabi kung sino Pare, kasi noong isang araw may inabot sa akin ang kasambahay namin isang package tapos na curious ako kung anong laman, pagbukas ko bumungad sa akin ang mga litrato ni Benito. Wala naman akong idea kung sino ang nagbigay nun kasi sabi ng kasambahay namin ay inabot lang ng delivery man ang package. Ang problema hindi niya masayado namukhaan ang delivery kasi nakasumbrero at nakashade,” kwento uli ni Ricky kay Anthony. “Hindi ba nakita ng kasambahay mo
Nakangiti ang lahat habang wini welcome nila si Ferdie. Natuwa naman ang mga magulang ni Ferdie sa achievements na mayroon siya ngayon. Nagkaroon din ng magandang buhay ang kanyang stepfather si Mang Alvin. Pinapangako niya sa kanyang sarili na kung ano man ang tagumpay na meron siya ngayon ay kasama ang kanyang mga magulang umapon sa kanya hindi man sila kompleto pero naniniwala siyang masaya ang kanyang Inay ngayon dahil nasa mabuti na siyang kalagayan ngayon. “Kumusta sa bago mong trabaho anak?” Tanong ng kanyang ama. “Naninibago po ako Pa, hindi ko po akalain na makakaupo ako sa magarang upuan at magkaroon ng sariling opisina na dati ay nakikita ko lang sa mga palabas. Pakiramdam ko po nanaginip lamang ako, at sana hindi na ako magising, haha!” Nakangiting sabi ni Ferdie. “Deserve mo iyan anak, matagal din ang nakalipas na panahon na hindi ka namin nakasama ng iyong Mama, miss
“Nasaan na ba ang asawa mo Chelsea, dapat siya ang nandito kasi responsibilidad niya ang bantayan at alagaan ka, naabala pa tuloy si Ferdie. “Oh! Okay lang iyon Amalia, walang problema sa akin. Baka may importante lang ginagawa si Carlos kaya hindi siya naka attend sa engagement party mo.” Sagot ni Ferdie. “Pasensya ka na Amalia at Michael ha!, nasira ko tuloy ang engagement party nyo.” Malungkot na sabi ni Chelsea. “Asus, ano ka ba okay lang iyon kasi patapos na naman ang party, ang mahalaga ay okay ka na ngayon,” Nagpaalam naman sila Amalia at Michael na balikan muna nila ang ibang bisita. “Chelsea, okay ka lang ba?” tanong ni Ferdie. “Oo, okay na ako Ferdie. Salamat nga pala sa pagdala mo sa akin sa hospital. Nakakahiya sa iyo dapat si Carlos ang nagdalaga sa akin dito,” mahinang sabi ni Chelsea.  
Nabalitaan ng pamilyang Lee at Grande na patay na ang tunay na ama ni Carlos na si Benito. Nagpaabot naman ng pakikiramay ang bawat pamilya, tatlong araw lang binurol ang ama ni Carlos saka inilibing. Sinamahan naman ni Chelsea si Carlos sa paghatid sa kanyang ama sa libingan. Pagkatapos ng libing, nagsiuwian na ang nakilibing.. “Carlos, okay ka lang ba?” tanong ni Chelsea. Ngunit hindi sumagot si Carlos, tahimik lamang ito dinadamdam pa rin niya ang pagkamatay ng kanyang ama. “Sagutin mo naman ako Carlos, nag alala na ako sa iyo ilang araw ka nang hindi kumakain ng maayos. Palagi ka nalang tulala,” sabi uli ni Chelsea. “Pabayaan mo muna ako, gusto kung mapag isa. Ngayon ka pa ba, magpapakita ng concern at simpatya sa akin na kung kailan ako namatayan! Kaya huwag ka nang magpakitang tao Chelsea, ok lang ako.” Sagot niya. “Bakit ka ba nagagalit? Nagpapakita
Inutusan ni Benito si Carlos na tawagan si Ricky para papuntahin sa location na sinabi niya. “Hello! Carlos, nasaan ka ba ngayon. Hinahanap ka ng Mama mo pupunta raw kayo sa bahay ni Ferdie, hindi ka raw nagpakita kay Ferdie nakalabas na lamang siya ng hospital,” sabi ng Papa niya. “Pa, sorry! Masyado lang kasi akong busy. Inaasikaso ko din ang ipinataw na kaso ni Divina laban sa akin.” Sagot niya. “Ah! Ganoon ba, ano bang kaso na kinakaharap mo ngayon? Talagang binibigyan mo ako ng sakit ng ulo Carlos.” “Wala naman akong ginawa pa, masyado lang kasi silang paranoid at tinutulungan nila ang ex boyfriend ni Chelsea si Mateo. Siyanga pala pa, may sinend akong location sa iyo, may gustong makipagkita sa iyo,” sabi ni Carlos. “Ano ba iyan?” tanong ng kanyang Ama. Sumagot si Carlos, basta puntahan mo lang ang lugar na iyon.” Sagot ni Carlos. &
Nakita ni Carlos na hindi mapakali si Chelsea. “Chelsea, anong nangyari? Bakit hindi ko nakikita sila Mama at Papa, nag out of the country ba sila?” tanong ni Carlos. “Hindi mo ba alam na nawawala si Mama at Papa, mahigit tatlong araw na. Sa bagay masyado ka naman kasing busy sa trabaho mo o di kaya sa ibang bagay kaya hindi mo na alam kung anong nangyayari sa paligid mo,” sagot ni Chelsea. “Ano? Bakit ngayon mo lang sinabi sa akin?” gulat na tanong ni Carlos. “Carlos, kailangan ko pa bang sabihin sa iyo? Ni hindi na nga tayo nagkikita eh! “Sino ba ang may gusto na hindi muna tayo magkita, di ba ikaw naman! Kaya huwag mong isisi sa akin kung nagtatanong ako kasi may karapatan din naman akong malaman ang mga nangyayari sa pamilya natin dahil pamilya ko na rin sila.” “Okay na Carlos, kami nalang bahala maghanap kay Mama at
“Anthony, napapansin mo ba iyong itim na van na sumusunod sa atin?” kinakabahan na sabi na tanong ni Mrs. Lee. “Hindi naman, nasaan ba?! “Tingnan mo iyong van na itim? Itinuro ni Mrs. Lee, ang van na nakasunod sa kanila. Bigla itong nag overtake saka bumababa ang dalawang lalaki na nakamask, may dala itong baril. “Teka, anong gagawin ninyo sa amin?” takot na tanong ni Mr. Lee. “Manahimik ka huwag ka nang magtanong bumaba kayo, kung hindi pasasabugin namin ang ulo ninyo kung hindi kayo susunod sa sinasabi namin.” Sabi ng mga lalaki. Bumaba sila, pinasakay sila sa itim na van. Hindi nila alam kung saan sila dadalhin hanggang sa makarating sila sa isang bakanteng warehouse. Nakablind fold sila kaya hindi pa nila nakikita ang lugar.Tinanggal na ng mga lalaki ang nakatakip sa kanilang mga mata. Pinaupo silang dala
Hindi mapakali si Divina, sa nakita niya sa video na ipinasa ng isang hindi kilalang tao na nagsend sa kanya. Naggagalaiti siya sa galit dahil nakita niya doon si Carlos. “Hayop na Carlos, siya pala ang nag utos ng tao nagpapanggap bilang waiter para sadyaing sunugin ang restaurant ni Ferdie,” bulong niya sa kanyang sarili. “Ma’am Alcantara, may problema po ba kayo? “Wala, may ibibigay pala akong ebidensiya na nareceive ko ngayon lang.” “Sige po Ma’am mas mabuti po iyan para po macheck namin at agad na namin ma aksyonan ang kasong ito,” sabi ng imbestigador. Bumalik si Divina sa hospital para dalawin si Ferdie. “Kumusta si Ferdie, Michael?” tanong niya. “Ayon hindi pa rin nagigising concious pa rin. Sana nga magising na siya.” Sagot niya. “Sana nga kasi may kailangan akong iba
Naisip niyang paano na kaya magtatagumpay ang mga plano niya gayong alam na nang mga magulang niya na si Ferdie, ang matagal na nilang hinahanap. Nagring ang phone niya, hindi niya kilala kung sino ang tumawag sa kanya. “Hello, sino to? Sagot niya. “Kumusta anak? Nakikilala mo ba ako?” tanong ng lalaking kausap niya sa kabilang linya. “Who are you? Sorry ha! Kasi hindi kita kilala.” “Ako ito anak, ang iyong tunay na ama si Benito Gomez,” pakilala ng lalaki sa kabilang linya. “Ano? Gulat na gulat si Carlos sa narinig niya. Akala kasi niya patay na ang totoo niyang ama. Kaya naman hindi siya makapaniwala na buhay pa ang kanyang ito. “Alam ko anak naguguluhan ka pa, pero puwede ba tayong magkita para masabi ko sa iyo ang lahat,” paliwanag ng kanyang ama. “Sige po, kailan po ba tayo magkita?” “Bukas ng hapon, e message ko
Napasugod din sila Chelsea, Amalia at Divina sa hospital para alamin ang kalagayan ni Ferdie. “Ma, anong nangyari kay Ferdie?” tanong ni Chelsea. “Namasyal kasi kami ng Mama Gina mo, anak. Habang naglalakad kami may nakita siyang isang lalaki na dinudukutan niya iyong babae. Sinigawan niya ito para malaman ng babae na dinudukutan siya, dali-dali naman siyang lumapit sa lalaki. Hindi namin alam na may dala palang kutsilyo ang lalaki, sasaksakin na sana siya kaso niyakap siya ni Ferdie at siya ang nasaksak,” kwento ni Mrs. Lee. “Naku! Sana naman ligtas si Ferdie.” Sabi niya sa kanyang sarili. “Alam na ba ito ng mga magulang ni Ferdie?” tanong ni Amalia. “Hindi pa, ako nalang ang magpapaliwanag sa kanila. Puntahan ko muna sila, nasa 2nd floor lang naman sila sa hospital na ito,” sabi ni Divina. Pinuntahan nga ni D