Mga Bakas Mula Sa Kanyang Mga BisigBinubuhay ng aking gunita ang isang sandali na naghahabulan kami ng aking kapatid na babae sa paligid ni Ama at Ina habang sila ay nag-uusap, mapapansin doon ang malungkot na kaganapan. Sa paglalaro ay pinilit kong magtago sa mga bisig ni Ama upang di mahuli ng aking kapatid na babae, sa loob ng mga bisig na iyon nakita ko ang kabuuan ng larawan sa pagitan ng aking mga magulang, isang kabuuan ng paghihiwalay.HINDI ko lubos maunawaan pero alam kong kalungkutan iyon. Muli akong nilipad ng gunita ng hinabol ko si Ama habang palabas sa aming tahanan, nagmistulang tutang naghahabol at lumalaro sa isipan ko ang isang tanong, lumingon si ama at kinaskas ang aking ulohan at kinarga habang may binibigkas ng diko na matandaan kung ano, muli, ay nagpatuloy lumayo hanggang sa mawala ang kanyang pagkatao't imahe sa masikip n
Sandali Sa Iba Pang Mga SandaliMAGDIDILIM na nang siya'y makabalik sa kanilang tahanan, sumasabog sa kalangitan ang kahel na siyang tuluyang sumasakop sa patulog nang liwanag nang araw na iyon. Katulad ng dati, tahimik niyang binuksan ang kinakalawang na tarangkahan. Sa sobrang kalumaan nito ay di maiwasang makalikha ng ingay habang binubuksan, ngunit maingat pa rin niyang ginalaw ito at isinara pagkatapos. Sa loob ng kanilang tambalan mapapansin ang napag-iwanang garahe, nagtatayugang mga ligaw na damo at halata ang kalumaan ng bahay, tinatawag ito ng mga taga-roon na bahay ng kastila.Madalas din maging tampulan ng mga kwentong kahindik-hindik ukol sa mga pinamamhayan ng mga lamang lupa't mga kaluluwang namamahay dito. Gawa sa mga kahoy na bintana at butas-butas na kisame, mga inaamag na haligi at nagkakalumot na mga sahig at semen
BayrusNagsimula ang lahat ng makaramdam ako ng pangangati sa aking lalamunan at mawalan ako ng panlasa sa aking mga kinakain, nasundan ito ng pagtaas ng aking temperatura pagkalipas ng ilang araw at nang sumailalim ako sa isang pagsusuri nang pagpahid sa aking lalamunan at looban ng gilagid mula sa ilong, ilang araw ay nagpositibo ako sa isang nakamamatay na sakit mula sa isang uri ng BAYRUS.Naalimpungatan ako at ramdam ang hirap ng aking paghinga habang nakakabit sa aking bibig ang isang suwero, nakikita ko bahagya ang hamog na nililikha ng hangin mula rito na bumubuo sa harapan ng aking mga mata. Ramdam ko sa aking katawan ang sakit at kirot na madalas kong idaing, maging ang aking ubong tila walang katapusan. Habang sumasabay pa ang init ng aking katawan gawa ng lagnat. Inikot ko ang aking paningin, natanaw ko sa 'di kalayuan ang i
Mabuting PusoQuirino Province.Mataas ang puno ng isang prutas at maliliit ang mga sanga nang akyatin ito ng isang bata habang ang kanyang mga kasamahan ay nasa ibaba nito at naghihintay sa mga prutas na ibabato pagkapitas, nabali ang isang manipis na sanga ng maapakan niya ito, nahulog ang ilang prutas at dahilan upang siya ay mapalambitin. Mabilis umakyat si John at iniligtas ang kaibigan. Magiging sundalo daw si John paglaki nito dahil sa ito ay matapang at malakas, tukso ng mga kaibigan niya habang sila ay sabay-sabay na kumakain ng mga prutas at nagtatawanan patungo sa kanilang mga tahanan.Sittio Luuk Pandan, Bongao, Tawi-Tawi.12:30 AM of September 17,2019.(Buddy's Recall)Ramdam ko ang lamig ng gabi, mapapansin ang ilang mga kulisap na nagsasayawan sa ilaw ng posteng nakatirik sa loob ng aming kampo, sa ibaba nito ay a
Dagdag na kuwentoSERYE(Bonus Story)UMAGA ng sabado ay may natuklasan na namang bangkay ng tao sa di gaanong kalayuan mula sa amin, agad akong bumangon at tinawagan ang aking kaibigan na si Tonton upang mapuntahan namin ang nasabing bangkay. Pagdating namin doon ay pungkulan ang mga taong nakikiusyoso, naroon na ang mga taong barangay at mga pulis upang mag imbestiga.Tanaw namin ni Tonton mula sa aming pwesto ang nasabing patay, nakabuka ang dibdib nito at wala ang mismong puso. Nakaraang linggo lang ay may natagpuan ding bangkay sa kabilang barangay kung saan ito naman ay nakabigti sa puno ng niyog ni Mang Teban, pang walo na ang taong ito sa mga natatagpuang patay sa aming bayan.Ayon sa mga bali-balita ay sangkot daw sa ilegal na droga kaya pinatay, pero malabo ito dahil isa sa mga natagpuan ay isang pastor na kaibigang matalik pa man ng aking magul
About the AuthorIpinanganak siya noong Hunyo 18, 1983, nagkamuwang sa magulo at abalang lungsod ng Maynila. Nakapag-aral ng Elementarya at Hayskul sa Sta. Mesa sa Maynila. Taong 2000 ay nanirahan sa lalawigan ng Kabite. Nagtapos sa kursong Kriminolohiya at naging lisensiyadong Kriminologo, sa kasalukuyan ay may masayang pamilya, kapiling ang butihing may bahay at tatlong mga mabubuting mga anak. Naninirahan sa lungsod ng Dasmarinas. Nagsisilbi bilang isang Public Servant sa papel na tagapagpatupad ng batas. Sa kasalukuyan ay mayroon siyang lipon o koleksiyon ng mga tula at ito ang una sa dalawa niyang librong inilathala. Patuloy na magsusulat at ipakilala pa ang mga kuwento ng nakakarami sa pamamagitan ng malayang pagsusulat.Facebook Page: https://www.facebook.com/Manunudla-Blog-106343067862828/Wattpad: @manunudla
Halumaling PAWIS na pawis, tila nasa loob ako ng isang kubol na ‘di iniikutan ng kahit anong presensiya ng hangin, sumisiksik at pinipilit makisama sa kakayahan ng isang sisidlang limitado ang liwanag upang maaaninag nito ang kapaligiran at tila sabay-sabay umaangat ang hamog mula sa aming mga katawan. Lahat kaming apat na yaon ay nagkukumpulan sa sisidlan na iyon habang hawak ang isang palarang nakatupi nang pahaba at niluluto ang ilalim nito na siyang naglilikha ng puting usok sa ibabaw na tila diyamante para sa mga gaya kong hayok dito. Bawat isa sa amin ay nilalanghap ang bagayna yaon na parang mga biik kung humigop upang direktang ipasok ito sa mga utak namin na awang na at dapat nang lagyan ng krudo upang umandar ulit ang mundo. Tila, naghahapunan kami sa kawalan, pansamantalang gumagawa ng sariling mga teatro na kami ang siya
HaplosNAUNA pang magsiga ng kahoy si Mila bago pa ang tilaok ng mga tandang sa kanilang kapitbahay. Lumulutang ang usok ng mga panggatong upang lutuin ang aalmusalin ng kanyang mga kapatid. Pagkatapos magluto ay agad niyang isinaladsad ang mga bulaklak ng sampaguita na kanyang ilalako sa simbahan mamaya, Sariwa ang mga ito at mamasa-masa pa ng tubig buhat nang dalhin ito ni Mang Rudio kaninang alas-dos ng madaling araw. Agad din niyang ginising ang dalawang maliliit na kapatid upang maligo at maghanda sa kanilang pagpasok. Dinala ni Mila ang yupi-yuping takore upang isalin sa timba nang mamatay ang lamig nito at tinulungang maligo ang bunsong pupungay-pungay pa habang ang isa'y nag-aayos ng kanilang almusal. Sabay-sabay silang nagbitaw ng panalangin at kumain.Tatlo na lamang silang magkakasama sa kanilang munting barong-barong, ang kanilang
About the AuthorIpinanganak siya noong Hunyo 18, 1983, nagkamuwang sa magulo at abalang lungsod ng Maynila. Nakapag-aral ng Elementarya at Hayskul sa Sta. Mesa sa Maynila. Taong 2000 ay nanirahan sa lalawigan ng Kabite. Nagtapos sa kursong Kriminolohiya at naging lisensiyadong Kriminologo, sa kasalukuyan ay may masayang pamilya, kapiling ang butihing may bahay at tatlong mga mabubuting mga anak. Naninirahan sa lungsod ng Dasmarinas. Nagsisilbi bilang isang Public Servant sa papel na tagapagpatupad ng batas. Sa kasalukuyan ay mayroon siyang lipon o koleksiyon ng mga tula at ito ang una sa dalawa niyang librong inilathala. Patuloy na magsusulat at ipakilala pa ang mga kuwento ng nakakarami sa pamamagitan ng malayang pagsusulat.Facebook Page: https://www.facebook.com/Manunudla-Blog-106343067862828/Wattpad: @manunudla
Dagdag na kuwentoSERYE(Bonus Story)UMAGA ng sabado ay may natuklasan na namang bangkay ng tao sa di gaanong kalayuan mula sa amin, agad akong bumangon at tinawagan ang aking kaibigan na si Tonton upang mapuntahan namin ang nasabing bangkay. Pagdating namin doon ay pungkulan ang mga taong nakikiusyoso, naroon na ang mga taong barangay at mga pulis upang mag imbestiga.Tanaw namin ni Tonton mula sa aming pwesto ang nasabing patay, nakabuka ang dibdib nito at wala ang mismong puso. Nakaraang linggo lang ay may natagpuan ding bangkay sa kabilang barangay kung saan ito naman ay nakabigti sa puno ng niyog ni Mang Teban, pang walo na ang taong ito sa mga natatagpuang patay sa aming bayan.Ayon sa mga bali-balita ay sangkot daw sa ilegal na droga kaya pinatay, pero malabo ito dahil isa sa mga natagpuan ay isang pastor na kaibigang matalik pa man ng aking magul
Mabuting PusoQuirino Province.Mataas ang puno ng isang prutas at maliliit ang mga sanga nang akyatin ito ng isang bata habang ang kanyang mga kasamahan ay nasa ibaba nito at naghihintay sa mga prutas na ibabato pagkapitas, nabali ang isang manipis na sanga ng maapakan niya ito, nahulog ang ilang prutas at dahilan upang siya ay mapalambitin. Mabilis umakyat si John at iniligtas ang kaibigan. Magiging sundalo daw si John paglaki nito dahil sa ito ay matapang at malakas, tukso ng mga kaibigan niya habang sila ay sabay-sabay na kumakain ng mga prutas at nagtatawanan patungo sa kanilang mga tahanan.Sittio Luuk Pandan, Bongao, Tawi-Tawi.12:30 AM of September 17,2019.(Buddy's Recall)Ramdam ko ang lamig ng gabi, mapapansin ang ilang mga kulisap na nagsasayawan sa ilaw ng posteng nakatirik sa loob ng aming kampo, sa ibaba nito ay a
BayrusNagsimula ang lahat ng makaramdam ako ng pangangati sa aking lalamunan at mawalan ako ng panlasa sa aking mga kinakain, nasundan ito ng pagtaas ng aking temperatura pagkalipas ng ilang araw at nang sumailalim ako sa isang pagsusuri nang pagpahid sa aking lalamunan at looban ng gilagid mula sa ilong, ilang araw ay nagpositibo ako sa isang nakamamatay na sakit mula sa isang uri ng BAYRUS.Naalimpungatan ako at ramdam ang hirap ng aking paghinga habang nakakabit sa aking bibig ang isang suwero, nakikita ko bahagya ang hamog na nililikha ng hangin mula rito na bumubuo sa harapan ng aking mga mata. Ramdam ko sa aking katawan ang sakit at kirot na madalas kong idaing, maging ang aking ubong tila walang katapusan. Habang sumasabay pa ang init ng aking katawan gawa ng lagnat. Inikot ko ang aking paningin, natanaw ko sa 'di kalayuan ang i
Sandali Sa Iba Pang Mga SandaliMAGDIDILIM na nang siya'y makabalik sa kanilang tahanan, sumasabog sa kalangitan ang kahel na siyang tuluyang sumasakop sa patulog nang liwanag nang araw na iyon. Katulad ng dati, tahimik niyang binuksan ang kinakalawang na tarangkahan. Sa sobrang kalumaan nito ay di maiwasang makalikha ng ingay habang binubuksan, ngunit maingat pa rin niyang ginalaw ito at isinara pagkatapos. Sa loob ng kanilang tambalan mapapansin ang napag-iwanang garahe, nagtatayugang mga ligaw na damo at halata ang kalumaan ng bahay, tinatawag ito ng mga taga-roon na bahay ng kastila.Madalas din maging tampulan ng mga kwentong kahindik-hindik ukol sa mga pinamamhayan ng mga lamang lupa't mga kaluluwang namamahay dito. Gawa sa mga kahoy na bintana at butas-butas na kisame, mga inaamag na haligi at nagkakalumot na mga sahig at semen
Mga Bakas Mula Sa Kanyang Mga BisigBinubuhay ng aking gunita ang isang sandali na naghahabulan kami ng aking kapatid na babae sa paligid ni Ama at Ina habang sila ay nag-uusap, mapapansin doon ang malungkot na kaganapan. Sa paglalaro ay pinilit kong magtago sa mga bisig ni Ama upang di mahuli ng aking kapatid na babae, sa loob ng mga bisig na iyon nakita ko ang kabuuan ng larawan sa pagitan ng aking mga magulang, isang kabuuan ng paghihiwalay.HINDI ko lubos maunawaan pero alam kong kalungkutan iyon. Muli akong nilipad ng gunita ng hinabol ko si Ama habang palabas sa aming tahanan, nagmistulang tutang naghahabol at lumalaro sa isipan ko ang isang tanong, lumingon si ama at kinaskas ang aking ulohan at kinarga habang may binibigkas ng diko na matandaan kung ano, muli, ay nagpatuloy lumayo hanggang sa mawala ang kanyang pagkatao't imahe sa masikip n
Sa Aking Mga Mata“Hinahawi ako ng mga nagliliparang buhangin ng disyerto, napupuwing sa 'di maunawaang butil ng mga bago. Nagdidiliryo sa isang larawang di malinaw kung ano, sumasagwan sa tuyot na sapa at nangingisda ng sagot sa malamyang ilat."Mula sa mga mata ng isang bata.DUMAPO ang isang insekto sa nalalanta ng bulaklak matapos mapagod magsasayaw sa bombilya na nagbibigay ng liwanag sa tabi ng ataul. Hindi magarbo ang kabaong na nakalatag doon sa aking harapan, isang kulay puti na yari sa mumurahing kahoy at hindi pantay ang pagkakapintura at litaw dito ang hayagang pagmamadali. Sa ibabaw ng kabaong ay nakapatong ang isang garapon na pinaglalagyan ng iilang pirasong perang papel at barya na di mo man mabibilang pero alam mong di ito kalakihan. Mapapansin din dito ang isang mumunting ribon kung saan nakasulat ang aking ngalan, katangi
SapantahaWALA kang makikitang kakaiba o anumang espesyal sa kanya, lumalarawan tulad ng mga karaniwang bato na dinadaluyan ng tubig-tabang sa mga ilog kung saan-saan. Siya ay may katamtamang tangkad, may pagka kayumanggi ang kulay ng balat na gaya ng nakakarami. Di kapansin pansin sa anuman meron sa kanyang pisikal na kaanyuan at pagkatao. Tulad namin, isa rin siyang may pangarap at nagpapatuloy sa buhay ng mundong ito. Mula sa malawak na lupain ng Cagayan lumaki ang tulad niya, musmos na nabigyan ng magagandang alaala ng kanilang nayon, kabilang sa mga kilalang tribo ruon. Nagtapos siya sa Kolehiyo sa kurso na may kinalaman sa kompyuter, galing sa pamilya ng mga nagseserbisyo sa gobyerno, lumaki sa piling na isang retiradong pulis na ama at isang pampublikong Gurong Ina. Isacm siyang taong puno ng mga pangarap at nagnais na makabuo ng isang
Hanggang KailanKAGAYA ng nakasanayan, nauna na akong magising bago ko pa marinig ang ilang katok mula sa aming pintuan, alas- dos na ng madaling araw iyon nang tingnan ko ang aming orasan, pinagbuksan ko ang aking mister na halatang pagod na pagod at puyat na puyat mula sa magdamagang operasyon. Tinanong niya agad ang mga bata at sinabi kong maayos naman sila at mahimbing ang mga tulog. Inalis niya ang kanyang suot na jacket at umupo sa sala, kumilos ako upang ipagtimpla siya ng kape at gaya ng nakasanayan, ayaw niyang kumain, sadyang pagod lang siya.. Habang nagtitimpla, tinanong ko muli siya,"Bakit sa kabila ng ginagawa niyo eh kayo pa rin ang mali at kinakasuhan hindi ba kayo na nga 'tong nanghuhuli ng mga kriminal pero kayo naman ang idinidiin?"Eto yung natuklasan kong napasama ang grupo nila sa mga kinasuhan ng kanilang mismong hin