"Oo na kuya Darck. Wala na naman na akong mapagpipilian pa.""That's good," sabay ngisi niya."Ngayon, nagkita pa lang tayo ulit, pero mukhang talk kita ngayon, Zinnia. Paano na 'yan ahh, sumuko ka na lagi ka naman talo pagdating sa akin." Nakakalokong tugon niya."Anong talo, aba ede wow, kuya Darck. Alam naman natin pareho na kahit na kailan at kahit isang beses lang, wala ka pa naman panalo sa akin. Kaya, Ikaw ang dapat sumuko hindi ako." Sanay na ako sa ganito, dahil mula noon, magkaribal din kami. Pero, ni isang beses hindi niya naman ako nagawang pabayaan noon. Kung may nang aapi nga sa akin, lagi siyang nandito sa tabi ko para ipagtanggol ako, kasama niya lagi si Dave. Pareho naman silang loko loko noon, hindi lang 'yan dahil mahilig sila sa basag ulo. Minsan nga napapatawag ng principal ang mga parents nila. Ngunit, kahit isang beses lang hindi ko pa nakita ang parents ni kuya Darck."Hmm, kuya Darck, kumusta ka pala?" "I'm okay, how about you, Zinnia?""Ako, syempre ayos la
Masaya naman ako ngayon, dahil sa wakas nakasama rin namin ang Daddy nila. Inakala ko talaga kanina, hindi siya makakasama dahil, maaga silang lumakad ni kuya Ruan at ng mga kaibigan niya. Ano kaya ang importanteng bagay ang nilakad nila. Isa pa asan na kaya sila, bakit hindi man lang kasama ni, Youtan."Love, pagkatapos nito, may gagawin ka pa ba?" "Hmmm, sa ngayon wala naman kaya siguro mamaya wala rin. May sasabihin din ako sayo mamaya pag-uwi natin sa mansion.""Ano 'yon love, pwede naman dito diba bakit sa mansion pa?""Kung dito natin pag-usapan ang bagay na 'yon. Hindi kita masosolo, kaya mamaya na lang, okay? Excited ka naman baby, ehh, hahahah.""Kalokohan mo talaga ehh, nohh. Solo solo ka diyan, hindi ka sa akin makaka-score nohh, matapos mo akong puyatin kagabi, tapos may balak ka na naman na pupuyatin ako mamayang gabi? Halerrr, manigas ka....""Baby, naman ehh, parang 'yon lang. Sige na, para sa atin din naman 'yon. Tingnan mo ang mga bata, kung makatingin sa atin, agre
Hindi ko na pinatagal pa ang walang kwentang pinag-uusapan nila. "TAMA NA!!!!" malakas kong sigaw. Pakiramdam ko pinagtitinginan kami ngayon ng lahat ng taong naririto. "PWEDE BANG TAMA NA??? HINDI NIYO MAN LANG BA NAISIP ANG MGA BATA??? MGA MASASAMA NA ANG LUMABAS SA BIBIG NIYO!" "Kuya Simon, Eina, Tita Wena, please ilayo niyo po rito ang mga anak ko." Tanging pakiusap ko sa kanila at agad naman silang sumunod."Tama na, okay? Hindi naman kayo magkakaayos kung ganyan ang trato niyo sa isa't isa, bakit parang puro galit ang nilalabas niyo???" Huminga ako nang malalim sabay alis sa harap nila."Zinnia!... Zinnia!..." tawag sa akin ng asawa ko, pero hindi ko na nilingon pa.Biglang sumama ang loob ko sa kanila ganon rin ang pakiramdam ko. Hindi 'to makabubuti sa sanggol na dinadala ko. Dahil siguro sa stress kaya ganito na lang bigla. Habang naglalakad ako papalayo sa kanila may humawak sa kamay ko."Baby, I'm sorry it's all my fault.""Ok lang, unahin na lang muna natin ang mga anak
"Love, sabihin mo na." Hindi ako mapakali kung ano ang gusto niyang sabihin. Gusto ko na rin malaman kung ano. Pakiramdam ko kasi, parang may kakaiba. Sobrang importante siguro kaya pinapatagal pang sabihin. Gusto niya kami lang dalawa ang mag-usap. Tulog naman na ang mga bata ehh, ang tagal tagal pa niyang lumabas sa Cr."Love! Bilisan mo nga diyan!""Wait lang, I'm doing something there!" "So sinisigawan mo na ako!?""No, ano kasi, hindi mo maririnig ang sinasabi ko kung hindi ako sisigaw. Nakasara kaya ang pinto!" "Bilisan mo na kasi!""Oo na! Ito na nga oh!" Tagal tagal lumabas kanina pa naman siya diyan sa loob. Hmmp, ang sarap tirisin. Pasalamat siya mahal ko siya, kung hindi hay naku naman, ewan na lang talaga."Hmmm... I'm done.""Ohh, tapos? Ano naman ngayon, huh?" Pagtataray ko, basta naiinis ako sa kanya, argh! super inis."Baby, wala naman akong ginagawa ohh, ang tagal Kasi mabuksan ng zipper ko. Kaya, natagalan ako sa loob, sorry na, baby.""Saang zipper ba?""Sa panta
Maaga akong nagising pero, wala na sa tabi namin ng mga anak ko ang Daddy nila. Masyado nga talaga siyang maaga sa pag-alis. Napagdisisyunan kong bumaba upang magluto para sa mga anak ko. Subalit nang nakarating ako sa kusina, naroon na sina Tita Wena. Malugod nila akong binati nang magandang umaga. Tanging ngiti sa labi lamang ang ibinigay ko. Tumulong ako sa kanila upang matapos agad ang mga gawain. Ilang oras lang, rinig ko ang mga boses ng mga bata na patungo rito sa ibaba. Ipinaghain ko agad sila nang pagkain. Nakangiti silang bumati nang magandang umaga sa akin, sabay bigay nang matamis nilang ngiti. Malalim akong napatingin sa ibaba nang hinanap nila sa akin ang Daddy nila."Babies, eat your breakfast." Tanging salita na lumabas sa bibig ko sabay ngiti ko. Upang hindi nila maramdaman ang nararamdaman ko ngayon, nakangiti akong umupo sa tabi nila. Nakatitig ako sa mga anak kong masayang kumakain. Ngunit, ramdam ko ang lamig at pananabik sa asawa ko habang ang ulan ay marahan
Pumunta kami sa lugar kung saan nakatira si Darck. Hindi man ako sigurado, kailangan ko pa rin puntahan para malaman ko ang totoo. Ngayon lang ako nagkaroon nang pagkakataon kaya, hindi ko na palalagpasin 'to. Nakangiti kaming sinalubong ni Kuya Simon ng isang yaya. Ang Yaya ni Alexios. Malugod niya rin kaming pinapasok sa bahay nila. Ngunit, bumabalot sa bahay na 'to ang katahimikan. Tila'y, walang tao rito. Kaya naman siguro sabik na sabik si Alexios sa tuwing nakikita ko siya sa labas. Dahil pala, ganito ang bahay. Ibig sabihin wala siyang nakakalaro rito. Naging pribado pa la siyang bata. Pero, kahit na ganon, natuto pa rin si Alexios nang tamang pakikisama sa ibang tao."Nandito po ba si Darck?" "Ahm, pasensya na po ma'am. May nilakad po kasi si Seniorito malaki at napaka-importanteng business po. Mga tatlong araw rin po siyang wala rito.""Po? Ganon ba? Ahmm, si Alexios?""Ahh, ang batang Seniorito, nasa kwarto niya. Ayon na naman nag-iisa na naman siya ngayon. Ang hirap nga p
"Mommy, lets play naman po.""Yes, tita sumali ka naman po sa amin.""Mom... Please..." pagpapa-cute ng mga bata habnag niyuyog ako at hinihila."Pero, babies, busy ang mommy. Look, nagluluto si mommy for your snack. You want some fried chicken right?""Yes, mom." Sky said with a low tone. "Ohh, come on, babies. Don't worry, pagkatapos ko magluto, kakain tayo at maglalaro. Ano gusto niyo ba mga anak? hmm?" "Yes, mommy..." natutuwang sambit nila.Napatingin ako Kay Alexios na nakatitig sa laruan, kung saan Ang isang bata ay may kasamang pamilya. Alam ko na 'to, wait nga lang."Hmm, Alexios, dapat laging nakangiti, okay? Isa pa, pwede mo naman akong tawagin na mommy, kung 'yon ay gusto mo," sabay ngiti ko. Sa kalagayan ng bata ngayon, ayaw kong maramdaman pa niya ang laging nag-iisa because I feel it already, noon pa."Yeheyy, yes, po. Mommy..."Nababalot ang tuwa sa tono ng boses ni Alexios. Napapaisip tuloy ako ngayon, kung na saan na ang mommy niya at kung sino. I hope Makilala ko
"Hey! What are you doing huh??? Ako ba pinapahiya mo sa harap ng iba!" "Darck, ano ka ba walang ginagawang masama sayo ang kaibigan namin. So, don't act like that. Hindi ka naman pinahiya ni Steve. Sadyang Ikaw lang talaga ang nahihiya sa mga ginawa mo!" Prince said."Oh, wow! Baka gusto mong pati ikaw at ang company mo idamay ko???""What? What are you talking about, Darck. Hindi mo pwedeng idamay ang mga kaibigan ko." I said."Really??? Huh??? Then, tell them to keep on quiet. Dahil, mukhang silang mga lamok at bubuyog na umaalingawngaw!""Hoy! Darck! Ang talas talaga ng bibig mo noh?? Pwede bang umayos ka naman, nakakahiya ang mga ginagawa mo!" madiin na boses ni Ruan, habang malalim na nakatingin sa mga mata ni Kuya Darck."Ok, stop. This is not good okay? Tama na, let's go." I said. When I was driving my car. Hindi ko maiwasan ang pagmasdan ang mga tubig na tumutulo galing sa kalangitan. Ramdam ko ang lamig, habang naiisip ang aking mag-ina. I know 3 days lang ako mawawala. But
"Hindi ko alam. Hindi ko na alma kung ano ang gagawin ko. Hindi ko na alam kung sino ang dapat kung paniwalaan. Siguro nga nagkamali ako. Pero, hindi ko kasalanan ang lahat ng 'to. Gusto ko lang maging masaya. Gusto kong makasama nang matagal ang anak ko at ang pamilya ko. Pero sa mga nalaman ko, sa mga narinig ko. Parang pakiramdam ko ngayon wala akong pamilya. Dahil puso panloloko ang nangyari ehh. Bakit ganun bakit parang ang daya ng lahat. Steve, kilala kita dahil sikat ka, pero hindi ko inaasahan na sasabihin niyo na asawa kita. Hindi ko alam na lubos at sobra sobra pa pala ang lahat." Hindi ko mapigilan ang mga luha ko. Dapat hindi ako umiiyak sa harap ng anak ko. Kailangan kong maging malakas, ngunit paano ko gagawin. Kung sa puntong 'to tila'y may mga punyal ang tumarak sa puso ko. Halos madurog at maguho na ang mundo ko."I'm sorry, it's all my fault. Still Zinnia, kailanman hindi kita sinisi at hindi kita sisisihin. Nawala ako sa tabi mo. Malaki ang naging pagkukulang at kas
JOYCE or ZINNIA POV.Hindi ko lubos maintindihan kung ano ang nangyayari. By the way, nandito ako ngayon sa tapat ng anak ko. Balot na balot ang buong katawan ko, dahil hindi maaaring hindi. Sobrang nasasaktan ang damdamin ko habang pinagmamasdan na walang lakas ang anak ko. Kahit ako ay unti-unting nang hihina. Lalo na hindi ko gusto ang nakikita ko ngayon. I'm just hoping na maging maayos lang ang pamilya ko, na maging masaya lang kami. Pero, nang dumating sina Youtan, tila'y nagbago ang lahat. Bakit kasi, pinipilit nila ang sarili nila sa akin, kahit hindi ko naman sila lubos na nakikilala. Gusto kong sumigaw, pero hindi ko magawa. Ang aking mga luha, ay hindi man lang tumitigil sa pagbuhos. Pakiramdam ko, walang wala na ako. Kung alam ko lang na ganito lang din ang mangyayari sa ana ko, hiniling ko na lang sana . Na sana ay ako na lang ang tinutukoy nilang namatay na at kailan man hindi na babalik pa. "Anak, hindi ko maintindihan kung bakit ginawa sa atin ng dad mo ito. Si daddy
"Ano bakit ang tahimik niyo haa! Sabihin niyo sa akin ngayon, pinagloloko niyo lang ako! Wala ba kayong ibang magawa! Josh! Ipaliwanag mo sa akin ngayon ang lahat lahat! Ito ba ang dahilan huh? Bakit sinabi mong maayos lang ang lahat, sa tuwing tinatanong ko sayo na parang wala akong maalala. Bakit ka nagsinungaling sa akin, pwede mo naman sabihin ang totoo diba? Gagawin ko rin naman ang lahat para umintindi. Pero, bakit??? Bakit ganito ang malalaman ko ngayon, ang sakit sa dibdib." "Please, Joyce, calm down...." "How??? Paano ako kakalma! Ang sakit niyo! Mga sinungaling!" Tumalikod siya sa amin at akmang aalis na. "Joyce... Wait.." I shout. Napahinto naman siya, ngunit hindi lumingon sa amin. Maya-maya pa, may isang Yaya ang natatarantang biglang dumating na tila'y naguguluhan at hindi alam kung ano ang kanyang gagawin. "Ma'am, ang bata po, dumudugo ang ilong...." Natatakot na boses niya. "Ano????" Tila'y nadagdagan ng sakit ang nararamdaman ko ngayon. Paanong dumugo ang
"Josh, what are you talking about?""Simple lang naman, Prince. Ito talaga ang hinihintay kung mangyari. At hindi nga ako nagkamali, natupad din ngayon." Tumayo siya at ngumiti sa amin."Alam niyo, natutuwa ako sa inyo. Ginagawa niyo ang lahat para kunin ang mahahalagang bagay sa buhay niyo. Ginagawa niyo ang lahat para ipaglaban ang mga mahal niyo sa buhay. Isa sa mga pagsisising nangyari sa buong buhay ko ang lumayo sa inyo. Nang una, akala ko mahaharap ko ang lahat lahat. Inakala kong magiging maayos lang, pero hindi pala. Ilang taon akong naging mag-isa sa ibang bansa. Hindi ako nakabalik agad dito sa inyo dahil gusto kong pagsisihan ang lahat. Pakiramdam ko noon, parang isa akong duwag na nagtatago at tinatakasan ang lahat. Simula nang na wala sa akin ang mga mahal ko sa buhay, inisip ko noon na lahat ng nagmamahal sa akin at minamahal ko ay iiwan lang din ako sa huli. Kaya, lumayo ako upang palawakin ang utak ko. Pero, sa kasamaang palad, parang naging isa lang akong malaking du
"Oh, ayan na sa wakas umandar din." Biglaang saad ni Prince, dahilan na nawala ang imahinasyon ko.Inumpisahan ko naman ulit ang pagmamaneho. Mabuti na lang, bumilis ang andar ngayon. Pero, sa dami dami na pinagdaanan namin ngayon. Hindi malayong gabi na kami makakarating kung saanna paroroon si, Josh kasama ang asawa ko at ang anak ko. "Oo nga pala noh, nakalimutan na natin kumain, kaya naman pala ang hapdi ng tiyan ko.""May gana ka pa bang kumain, Alexander? Nakaka-pagod, kaya na kaka-tamad kumain ngayon. Siguro, sa sunod ka na lang kumain, pagkatapos ng lahat.""Alam ko.""Alam mo Alexander, ang sarap bumalik sa nakaraan. Ang walang problema, walang kahit na anong ganitong sakit sa ulo na dapat isipin. Kung maaari nga lang, pipiliin ko talaga ang bumalik sa dating maayos, tahimik at masaya kasama ang kapatid ko. Kung hindi lang sana nangyari ang trahedyang 'yon, kasama ko pa sana ang kapatid ko ngayon." Masyadong kumirot ang puso ko. Ngunit, hindi na ako umimik pa at patuloy na l
"Baby, don't cry, nandito lang naman si Mommy, hinding hindi ka pababayaan ng Mommy. Sorry baby, busy ang Dad, kaya wala siya rito now. I love baby." Hinalikan ko ang anak ko sa kanyang noo at pisngi. Pakiramdam ko talaga na gawa ko na rin ito sa iba noon pa."Baby, matulog na ahh, kailangan nang magpahinga nang maaga ang baby, para madaling tumangkad at palaging healthy." Saad ko pa sabay halik sa noo niya ulit.Mabuti na nga lang at madaling tumahan ang anak ko ngayon. Inilapag ko siya ng dahan-dahan sa kama. Ang bait bait niya talagang tingnan.Habang lumilipas ang segundo, minuto, at oras. Tila'y may kung anong takot ang bumabagabag sa damdamin ko. Habang tumatagal parang mas lalong bumibigat. Pakiramdam ko, may darating na kung ano o kung sino. Subalit, hindi ko ito matukoy. Nakakaramdam ako nang takot, kaba at kung ano ano pang nagiging dahilan ng pagkabahala ko. Mahirap intindihin kaya mahirap din itong sabihin. Maya-maya pa, biglang tumunog ang pintuan, dahilan na bigla rin ak
RUAN POV. Kahit anong mangyari ang tanging nasa isip ko lamang ngayon ay ang mabawi ang kapatid ko at ang pamangkin ko. Minsan na kaming naghiwalay, paulit-ulit pa na nangyari, and now kailangan ko siyang ibalik. Wala mansiya sa kanyang pag-iisip, ede ipapaalala ko sa kanya kung sino siya. Sa mga sinabi kanina ni, Josh. Tila'y totoo ang lahat, hindi na bigyan ng oras ang kapatid ko, hindi ko siya naipagtanggol. Sa mga oras na kailangan niya ako, hindi ko siya na samahan, pero hindi naman ibig sabihin nito ay hindi ko na siya mahal bilang kapatid ko. Kanina pa kami pabalik balik, parang naglalaro lang kami sa araw na ito, ang dami daming humahadlang sa mga kailangan namin gawin. Ang sakit sakit sa ulo, gulong gulo ang isipan ko. Halos hindi ko na nga alam kung ano ang uunahin ko. Si Tita Lorna, nagbago ang itsura niya. Ano kaya ang nangyari sa kanya, dati naman hindi siya ganun. Sino ba ang may gawa no'n sa kanya, nang una ko siyang makita ulit kanina, nagduda akong si, Josh ang may
Nang makarating kami roon, tila'y nagbago agad ang lahat. Parang may mali na rito, na wala pati ang mga bantay. Mas lalo lang binahidan ng pagtataka ang utak ko ngayon. "What's happening? Anong meron? Bakit ang tahimik rito?" Prince asked na may pagtatakang boses."Mag-iingat na lang tayo, baka mamaya may patibong lang dito." Tugon namn ni, Alexander."Wait, andiyan ang ale kanina, look ayon siya ohh... Ano kaya, ginagawa niya, mag-isa lang kaya siya diyan?" Sabay turo ni, Prince. Sabay sabay naman kaming napatingin roon. Sakto andoon nga si Tita Lorna. Naisipan kong bumaba sa kotse, tinawag pa nila ako ngunit hindi ko ito pinakinggan. Dali-dali rin akong lumapit kay Tita Lorna. Gusto ko siyang tanungin kung ano ang nangyari sa kanya. Dahil, hindi ko rin inaasahan na makikita ko siya muli, na nagkaganyan pa ang kanyang itsura. Malayong malayo ito sa dating siya. Tinawag ko siya, ngunit tumingin lang siya sa akin, then umakbang naan siya upang lumayo sa akin. Wala akong ibang magawa
Kanina pa kami palibot libot dito matapos kami g maghiwalay kanina ng mga kaibigan ko. Nagtataka ako, kung bakit walang katao tao, kahit alam ko naman na pinadara nga ni, Alexander ang lahat. Kung hindi talaga nakatakas nang tuluyan sina, Josh. Dapat ay narito sila ngayon. Habang patuloy akong naglalakad para magahanap, nagkasalubong kaming magkakaibigan. Nagkatitigan kaming lahat sabay iling ng mga ulo namin. Hindi nga nila nakita."Wala ehh, ano ba naman.""Pero, imposible, dahil pinasara ko na kanina pa ang airport, at wala naman balita sa akin na, may nakalabas na eroplano." Smabit ni, Alexander, sabay hawak sa kanyang makabilang bewang. "Mukhang naisihan tayo.""Ikaw Ruan, anong balita ng mga tauhan mo? I asked."Wala rin silang nakita.""Ano? Pinagloloko lang ba tayo dito." Alexander said."Hindi naman kaya, nagsinungaling sa atin ang ale kanina?" Prince said."Balikan natin siya." I said with my deep tone. Ang ayaw ko sa lahat, ang pinagsisinungalingan ako at pinaglalaruan ak