Jazz's Point Of View."Ano ng balita? Nahanap na ba nila siya, Jazz?" narinig kong tanong sa akin ni Celaida sa kabilang linya, alam kong nag-aalala rin siya sa pagkawala ng babaeng 'yon, sinabi niya rin sa aking kahit maikling panahon lang sila nagkakilala, tinuring niya ng kaibigan si Dasha.Malakas akong napabuntong hininga at alam kong alam niya na ang sagot sa kaniyang tanong. "Hanggang ngayon ba wala pa ring lead kung sino ang kumuha sa kaniya? Hindi ba dapat ianunsyo na ang pagkawala niya kahit sa TV para mapabilis ang paghahanap?" muling sabi niya."Si Madame Valencia ang decide na huwag na muna, kasi paniguradong magiging laman na naman iyon ng social media at kung anu-ano na naman ang masasabi nila," giit ko. "Baka rin gawing dahilan iyon ng mga manloloko para magsamantala. At isa pa, iniisip din nila ang kaligtasan ni Dawn.""Sabagay... Si Atty. Macini? Anong aksyon ang ginagawa niya? Hindi ba't tinutulungan mo siya?""Oo, hindi ba't sinabi ko sa'yo na nakakatanggap ng mga
Jazz's Point Of View.Dahil sa kabang nararamdaman ko ay mabilis kong pinindot ang end ng call namin. Kaagad kong tinabi ang aking cellphone at umupo sa dulo ng kama ko, tulala at hindi alam ang gagawin.Narinig ko ang pagtunog mula ng cellphone ko at nakitang tumatawag ulit si Elias. "Damn it, anong gagawin ko? Ang tanga ko naman kasi bakit ko ba na send iyon?" asar na sabi ko sa sarili habang pinapanood lang na tumunog ang cellphone ko.Paano ko ipapaliwanag kay Elias iyon? Sabihin ko na lang ba sa kaniya ang totoo?Pero hindi naman ganoon kadali iyon, pero paano ko ipapaliwanag iyon? Alam kong iniisip niya ngayon na mukha akong stalker! Well... Totoo naman pero for my own good reasons din naman iyon.Sa huli, napagpasya kong sagutin ang tawag niya dahil mukhang kung hindi ko pa sasagutin ang tawag niya ay magfifile na siya ng warrant of arrest sa akin para puntahan ako rito sa condo."E-Elias... Napatawag ka," kinakabahang sabi ko, sa isip-isip ko ay tinatawag ko na lahat ng santo
Jazz's Point Of View.Ilang minutong namayani sa amin ang katahimikan, pagkatapos noon ay narinig ko ang kaniyang boses."What the hell are you talking about... I don't even know your mother.""Well, hindi ko naman talaga siya nanay dahil galing ako sa bahay ampunan. Alam ko na iyon simula bata pa lang ako," sagot ko. "Ang hindi ko lang talaga maintindihan ay bakit parang tinatago niya sa akin na may kapatid ako, base rin iyon sa pagkakarinig ko sa kausap niya. Narinig ko rin na tinawag niya iyong kausap niya ng Sir... Hanggang ngayon ay hindi pa rin alam ni Mamita na alam ko na ang totoo.""You're saying that I'm your twin, what's your proof?"Napangiti ako ng marinig iyon, alam kong tatanungin niya ang tungkol sa bagay na iyon. Isa siyang lawyer, hinding-hindi ko siya makapaniwala sa isang bagay hangga't wala akong pinapakita sa kaniyang proweba.Nilabas ko ang isa ang envelope at pinakita sa kaniya ang siblings dna test naming dalawa at nagpapakitang magkapatid nga talaga kami. "S
Dasha's Point Of View.Nagpatuloy ang buhay ko sa impyernong lugar na 'to, habang tumatagal ay mas lalo lang bumibigat ang dibdib ko dahil sa takot na hindi na ako makaalis pa rito... At isa pa, naawa rin ako sa mga taong nandito. Binubulag sila ni Tita Selena at pinagtatrabaho, pinapaniwala nila ang mga inosenteng tao rito sa mga maling bagay.Kapag talaga nakalabas ako ng lugar na 'to, sisiguraduhin kong makukulong ang lahat ng taong may kinalaman sa mga kalokohang ito.Malakas akong napabuntong hininga bago pinagpatuloy ang pagbubungkal ng lupa na tataniman ng mga halaman. Bukod sa pagbubuhat namin ng mga troso, iyong lupang pinagtanggalan ng mga puno ay tinataniman naman namin.Hindi ko rin maintindihan kung anong halaman itong tinatanim namin, ang sabi lang ng mga guards ay itanamin namin itong mga kulay itim na buto. Lahat naman kami ay pare-parehas ang nakuha, pero iba ang pakiramdam ko, may parte sa akin ang nagsasabing illegal na halaman ito.Grabe naman ang kagustuhan nilang
Dasha's Point Of View.Hindi ako matahimik habang nasa likod kami ng truck, iniisip ko yung sinabi ng mga lalaki kanina. Bakit naman inutos ni Tita Selena na magturok ulit? Alam niya na bang hindi ako tinatablan no'n?Mas lalo akong nakaramdam sa kaba dahil sa mga iniisip, sana nga hindi niya pa alam dahil mawawala ang katiting na pag-asa kong makakaalis pa sa lugar na 'to. Hindi ako mapakali at halatang nararamdaman na iyon ni Emma pero hindi lang siya nagtatanong, wala akong malay noong tinurukan ako ng kung anong gamot pero ngayon na may malay na ako... hindi ko maiwasang pangilabutan habang iniisip iyon kahit na wala pa naman.Nang makabalik kami sa impyernong tinutuluyan namin ay hindi nila kami dinala sa mga kulungan namin."S-Saan daw tayo dadalhin?" mahinang bulong ko kay Emma habang naglalakad kasabay nila, may ideya na ako kung saan ngunit gusto kong makumpirma iyon.Nakita ko naman ang pagngiti niya. "Sa clinic, tuturukan daw tayo ng vitamins," sagot niya na nagpawala ng k
Dasha's Point Of View.Limitado lang ang naging pag-uusap namin ni Dr. Naomi, ang sabi niya ay baka makahalata ang mga taong nagbabantay. Nilagyan niya lang ako ng band aid sa may braso ko para magmukhang may tinurok siya sa aking kung ano. Tinanong ko rin siya kung tinuturukan niya ba ng AQW3 iyong kasama ko ngunit ang sabi niya ay hindi raw, totoong vitamins ang tinuturok niya dahil sinabi niya sa aking may masamang madudulot ang palagiang pagturok ng AQW3.Dapat daw ay AQW3 ang tinuturok niya dahil iyon ang utos ni Tita Selena ngunit ang sabi niya, kapag iyon ang tinurok niya ay maaring magkaroon ng problema sa mga taong matuturukan kaya palihim niyang tinuturukan ang mga ito ng vitamins para lumakas ang kanilang kalusugan.Natuwa naman ako ng sabihin niya iyon, kahit alam niyang delikado ang ginagawa niya ay pinagpapatuloy niya pa rin. Hindi ko naman hahayaan na mapunta lang sa wala ang mga ginagawa niya dahil handa akong tumulong kahit ano pa ang kaniyang plano.Pagdating ko sa c
Jazz's Point Of View.Hindi pa rin mahanap si Dasha.Sa bawat araw na lumilipas ay nagiging abala kami ni Elias sa pagtrack kung kanino ba talaga nanggaling ang huling death threat na natanggap ni Dasha.Muli kong kinuha ang death threat na nakapatong sa center table, litrato iyon ni Dasha habang naghihintay sa mall na kung saan magkikita sana kami. Sa likod ng litrato ay nakasulat ang katagang "one mistake, and it will make you lose everything."Nakuha ang death threat na iyon sa flower plot sa labas ng shop ni Dasha, si Angela ang nakapansin noon, isang araw ang lumipas ng mawala si Dasha. At hanggang ngayon ay nagsstand by kami kung nagpapadala pa ba ng death threats pero hanggang ngayon ay wala pa naman."Pakiramdam ko talaga pamilya ni Samuel ang may kagagawan nito," sambit ko at mabilis naman akong sinamaan ng tingin ni Elias na nasa harapan ko lang at may kinakalukot sa kaniyang laptop."I told you, hindi ka dapat nagbabanggit ng pangalan lalong-lalo na kung wala ka namang sapa
Jazz's Point Of View."What?" tanong niya sa kabilang linya."Hindi ba sinabi ko sa'yong may kikitain ako ngayong araw kaya busy ako?" sabi ko. "Nandito na nga ako sa restaurant na kung saan magkikita kami ng kabusiness partner ko, tapos nakita ko ang future wife mo at si Selena Valdez... Nandito sila sa vip area at nag-uusap."Namayani sa amin ang ilang sandaling katahimikan, akala ko nga nabwisit siya sa sinabi kong future wife pero muli siyang nagsalita. "Hindi ko alam na close sila... Wala rin namang nababanggit sa akin si Bianca. At wala rin akong alam na pwedeng maging dahilan kung bakit sila magkausap ngayon.""Malay mo business?""I don't know... Cosmetics ang business ni Bianca habang si Mrs. Valdez naman ay isang real estate company. Ano namang pag-uusapan nila?""Hindi ganyang business ang sinasabi ko. Alam mo na dapat ang tinutukoy ko," pagkaklaro ko at muli naman siyang natahimik. "Tulad nga ng sinabi mo, hindi sila close. Kaya sobrang weird na makitang nag-uusap sila nga
Elias's Point Of View."Umalis ka rito! Ayokong makita ang mukha mo! Naiinis ako sa'yo!" Mas lalo akong kinabahan sa sinabi ni Dasha, damn it. Ganito ba talaga kapag buntis? Palagi na lang siyang irita sa akin! At ayoko noon! Due date niya na next month. Malaki na ang kaniyang tiyan at sobrang excited na akong makita ang aming second baby girl. Simula noong nalaman kong buntis siya, nagbawas-bawas na ako ng mga gawain sa trabaho... Work from home lang din ako dahil gusto ko talagang nandito lang ako sa bahay at nababantayan siya. Wala ako noong unang beses siyang nagbubuntis kaya naman ayoko talagang mawala'y sa tabi niya."D-Dasha... Baby, please. Wala naman akong ginawa, diba? Huwag ka ng magalit sa akin," pagpapakalma niya sa akin ngunit inirapan niya lang ako at pumasok sa aming kwarto. Kaagad akong sumunod."Bakit nandito ka pa?! Hindi ba't pinaalis na kita?!" sigaw niya ulit ng makita akong sumunod, umupo siya sa kama at nanlilisik ang mga matang nakatingin sa akin.Alam ko na
Dasha's Point Of View.Kung sino man ang lintik na tumatawag sa akin ng ganitong kaaga, sisiguraduhin kong malilintikan talaga.Nakapikit pa ang aking mga mata ngunit kinuha ko na ang aking cellphone na nasa gilid lang naman, nang makuha ko iyon ay kaagad kong sinagot ang tawag."Please... Ang aga-aga naman bakit kailangang tumawag ng ganitong oras?" naiinis kong sabi.Kaagad kong narinig ang malakas na pagtawa ni Jazz sa kabilang linya. "Anong maaga sa 7AM? Napaka-OA, Dasha ha? Ba't ba laging mainitin ang ulo mo? Huwag mo sabihing buntis ka na?"Inis akong tumayo mula sa pagkakahiga at dumiretso sa balcony, wala naman si Elias ngayon dahil maaga siyang umalis, may emergency daw kasi sa law firm niya."Oo, buntis nga ako," inis ko pa ring sagot at narinig ko naman ang malakas niyang pagsigaw."Totoo ba?!" gulat na gulat siya. "Magkakaroon na ako ng panibagong pamangkin?!""Oo nga, ang kulit? Paulit-ulit?" sabi ko at malakas na bumuntong. "Pero huwag ka munang maingay, ikaw pa lang ang
R18+Dasha's Point Of View."T-Teka lang naman, Elias," nanghihina wika ko habang nararamdaman ko ang paghalik niya sa aking leeg. Parang siyang tigreng gutom na gutom na gusto ng kumain. Naramdaman ko naman ang pagtigil niya, tumayo siya ngunit nanatili siya sa aking ibabaw."What?" tanong niya, ang mga mata ay nakatingin sa akin.Napalunok ako. "E-Eh ano eh..."Shit naman, Dasha! Honeymoon niyo 'to oh?!Narinig ko naman ang panlalaki niyang pagtawa. "Why? Are you shy?" tanong niya na mas lalong nagpamula sa aking mga pisngi. Ni-hindi ko siya magawang sagutin dahil totoo naman ang sinasabi niya. Narinig ko muli ang pagtawa niya. "We already make love once... Nakita mo na ang lahat sa akin, bakit nahihiya ka pa?"Doon ako nagkaroon ng boses para magsalita. "Iba naman 'yon, lasing ako noon," sabi ko. "Wala ako sa katinuan noon dahil sa alak, ni-hindi ko na nga maalala kung gaano kalaki 'yang sa'yo."Nakita ko ang pagseryoso niya bigla. "Sino ba ang mas malaki sa amin?"Nanlaki ang mga
Dasha's Point Of View.Sa dalawang buwan na lumipas, naging busy kami ni Elias dahil sa papalapit na kasal namin. At ngayon nakatayo na ako sa labas ng simbahan, suot ang off shoulder wedding gown, handa ng pakasalan si Elias. Masasabi kong worth it lahat ng pagod na pinagdaanan namin dalawa, mula sa mga nangyari noon, hanggang sa pag-aayos ng mga kailangan para sa kasal namin. Masasabi kong worth it ang lahat.Nakita ko ang dahan-dahan pagbukas ng malaking pintuan sa aking harapan, sunod kong narinig ang pagtugtog ng isang pamilyar na musika, ang Valentine by Jim Brickman at Martina McBride. Kasabay ng bawat indayog ng kanta ay ang dahan-dahan kong paglalakad papasok sa panibagong pahina ng aking buhay.Tatlong beses na akong kinasal sa buong buhay ko, at ito na ang pang-apat. Totoo nga ang sinasabi nilang iba talaga ang pakiramdam kapag parehas niyong mahal ang isa't isa.Nakangiti akong tumingin sa mga bisita ng aming kasal, ang mga taong mahal ko. Sa kaliwang banda ng mga upuan, n
Dasha's Point Of View."Why are you still awake?"Napalingon ako kay Elias ng marinig ko ang sinabi niya, nandito na ako sa balcony ng aming kwarto, mahimbing na ang tulog ng anak namin pag-akyat namin rito. Malalim na rin ang gabi at alam ko namang pagod ako dahil galing ako sa byahe noong pauwi ako galing Bacolod... Pero sa hindi ko malamang dahilan, hindi ako dinadalaw ng antok."Hindi ako makatulog eh," ani ko. "Ewan ko, masyado siguro akong masaya."Hindi naman marami ang ininom namin kaya naman nasa katinuan pa rin naman ako. Ayokong mag-inom ng marami dahil babalik na rin kami sa Maynila kinabukasan.Naramdaman ko ang pagtabi niya sa akin, kakatapos niya lang maligo at amoy na amoy ko ang natural niyang panlalaking amoy."Masaya rin ako," narinig kong sagot niya habang pinagmamasdan namin ang kalangitan."Coincidence lang bang maraming bitwin ngayong gabing nagpropose ka o talagang planado 'to?" curious kong tanong habang pinagmamasdan ang napakagandang langit.Narinig ko ang p
Dasha's Point Of View.Nang matapos kaming kumain ng hapunan ay dumiretso na sa kanilang mga kwarto sina Mama, Papa, Lola, Tita Cyla, at Tita Elysa. Kasama rin nila sina Dawn at Ethan na pinatulog na namin, habang kami ay naiwan sa sala at nagkwekwentuhan pa rin habang umiinom ng alak.Magkatabi kaming dalawa ni Elias sa couch, sa gilid namin ay nandoon sina Angela at Joel. Sa harapang couch naman ay nandoon si Jazz mag-isa, pagod daw kasi sa byahe si Celaida kaya naman hindi na ito makakasama sa amin, nakapagpalit na ako ng pantulog na damit para komportable akong kumilos."Huwag niyong painumin ng marami 'yan si Jazz," wika ko. "Baka kapag narinig ni Celaida ang mga corny jokes niya ay biglang maturn off bigla."Nagtawanan sila habang si Jazz naman ay inirapan ako. "Baka i-kwento ko kung paano ka umiyak noong nag-inuman tayo noon."Tinawanan ko na lamang siya."Nga pala, Dasha. Kamusta ang Bacolod?" tanong sa akin ni Angela.Sumandal ako sa couch at sumagot. "Maayos naman ang naging
Dasha's Point Of View.Totoo nga ang hinala ko, na ang gabing muli akong alukin ng kasal ni Elias ang gabing hinding-hindi ko kakalimutan. Inaasahan ko naman na mangyayari 'to, pero ngayon, na yakap namin ang isa't isa habang nanonood ng fireworks at napakaraming bitwin sa kalangitan, masasabi kong para itong isang panaginip na impossibleng mangyari.Pero possible pala... At masaya ako. Na pagkatapos ng lahat ng naranasan ko, pagkatapos ng mga maling akala ko, pagkatapos ng mga pananakit sa akin ng mga taong minsan ko ring minahal... Masaya akong uuwi pabalik sa taong alam kong ako lang ang mahal. Masaya akong bumalik sa buhay ni Elias."Thank you, Dasha," narinig kong wika niya, napalingon ako sa kaniya ngunit nanonood lamang siya sa fireworks ngunit bakas na bakas sa mukha niya ang labis na saya, bahagya pang may luhang tumutulo sa mata niya.Yumapos ako sa kaniyang bewang at nagsalita. "Bakit ka naman nag tha-thank you riyan?""Because you bring back the colors in my life..."Nanat
Dasha's Point Of View.Dahan-dahan kong dinilat ang mga mata ko ngunit purong kadiliman lang ang nakikita ko.Teka, nasaan ako?Pakiramdam ko ay nakaupo ako sa isang silya dahil nararamdaman ko iyon, pero wala talaga akong makita. Tangina, saan ba ako dinala ni Jazz? Ano bang nangyari?Pagkatapos kong inumin ang binigay niyang tubig ay inantok na ako, ano ba 'tong nangyayari?Nilibot ko ang tingin sa paligid at sigurado akong nasa labas lang ako dahil kitang-kita ko ang napakaraming stars sa langit, gusto ko sanang mamangha pero hindi ko maintindihan kung bakit biglang nandito na ako gayong ang huling pagkakatanda ko ay nasa sasakyan ako kasama si Jazz.Naku! Malilintikan na talaga sa akin ang lalaking iyon!Tatayo na sana ako mula sa pagkakaupo ng biglang bumukas ang mga ilaw, nanlaki ang mga mata ko ng makita ang buong paligid. Maraming puno sa paligid ko, at mayroong mga ilaw na nakasabit sa bawat puno, nandito ako sa gitna at sa buong paligid ay maraming tulips na paborito ko. Sa
Dasha's Point Of View.Hindi na ako nakapagpaalam pa kay Dawn, mabuti na lang dahil nandoon si Angela at paniguradong alam naman na niya ang gagawin niya."Ano bang nangyayari?" tanong ko kay Jazz, nandito na kami sa loob ng sasakyan niya at nagmamaneho na siya, nasa likod ng sasakyan niya ang dalawang box ng cupcakes. "Ipaliwanag mo ngang mabuti! Tignan mo ang suot ko, sa kakamadali mo hindi na ako nakapagpalit."Suot-suot ko pa rin kasi ang red dress na binigay sa akin ni Angela."May nag-order kasing costumer sa shop mo," mahinanong pagkuwento niya. "Tinawagan ako ni Marilyn dahil nga may emergency bigla iyong delivery boy niyo so pumayag naman ako dahil wala naman akong ginagawa, so ayon nga, pumunta na ako sa address ng recipient pero nagalit sa'kin. Ang sabi niya, nag request daw siyang kasama ka sa bigay noong binili niya kaya ito.""Ha? Bakit naman kailangang kasama ako?" naguguluhang saad ko. "Kilala ko ba recipient? Ano bang pangalan niya?""Hindi ko alam, hindi ko na inabal