Elias's Point Of View."Anong mga hilig niyang gawin? May mga pagkain ba siyang gusto niyang kainin palagi? Anong paboritong kulay niya? May mga ayaw ba siya?" narinig kong sunod-sunod na tanong ni Jaz sa akin habang nandito kami sa kusina at nagluluto para sa umagahan, napansin kong nakatingin siya sa sala dahil nandoon si Ethan at naglalaro habang nanonood ng cartoon sa tv.Hindi ko naman maiwasang mapangiti dahil sa narinig, pinagpatuloy ko ang paghihiwa ng gulay para sa lulutuing sinigang. "Sa aming dalawa ni Bianca... mas close siya sa akin, noong una ay nagtataka pa ako pero ngayon ay naiintindihan ko na kung bakit," paliwanag ko. "Kahit madalas tahimik 'yan si Ethan, makulit naman siya at masiyahin. Magaling din sa school, matataas ang grades niya. Mahilig siya sa mga sasakyang laruan, at paborito niya ang kulay blue.... Wala naman siya ganoong mga ayaw, kinakain niya lahat pati mga gulay maliban nga lang sa okra at ampalaya."Narinig ko naman ang mahina niyang pagtawa. "Pareha
Dasha's Point Of View.Pero hindi pa rin ako tuluyang dapat magsaya kahit bumabyahe na kami dahil bago pa ako tuluyang magsaya ay kailangan ko munang makatakas sa truck nito nang walang nakakakita o nakakahuli sa akin. Ang sabi sa akin ni Benjamin, magkakaroon ng stop over bago kami tuluyang makarating kung saan kami pupunta dahil kailangang magpahinga ng mga driver ng truck.At kapag nasa stop over na kami, doon ako tuluyang tatakas dito sa truck.Pero hindi ko pa rin talaga maiwasang kabahan ng matindi, nahihirapan din akong huminga dito sa loob ng sako at dumagdag pa talaga ang kaba ko. Mabuti na lang din dahil hindi ni-lock ni Benjamin ang pintuan dito sa likod ng truck, sinisigurado niya talagang makakatakas ako nang maayos.Hindi ko alam kung ilang oras ang byahe namin, pero tahimik lang akong naghihintay sa stop over. Hindi ko rin magawang matulog dahil baka paggising ko ay umaga na at nandoon na kami sa lugar na pupuntahan namin. Masyado rin akong kinakabahan para makaramdam n
Jazz's Point Of View.Saktong kinabukasan ay ang pagdating nila Celaida rito sa Maynila galing sa El Nido Palawana para sa kanilang bakasyon, nasabi ko na sa call namin kahapon ang tungkol kay Ethan... napaliwanag na rin ako nang maayos ngunit halatang gulat pa rin siya sa impormasyong nalaman.Si Elias ang nagpaiwan sa condo ko dahil aalis ako ngayon para sunduin siya sa airport, magkahalong saya at lungkot ang nararamdaman ko habang nagmamaneho papunta. Kahit ako ngayon ay hindi pa rin makapaniwalang buhay ang anak ko... ang anak kong akala ko ay ilang tao na namatay na dahil sa kapabayaan ko.Totoo nga ang sinasabi nila, kahit na marami ka pang pera... Wala iyong magagawa para muling ibalik ang buhay ng taong mahal mo.Sa tuwing tinitignan ko si Ethan... nararamdaman ko talaga iyong pakiramdam na parehas na dugo lang ang nananalaytay sa amin, na kahit hindi na kami magsagawa ng DNA test ay alam kong lalabas na magtatay kami. Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin alam kung paano ko si
Elias's Point Of View.Nakakatuwang makita na isa silang pamilya. Si Jazz, si Celaida at ang minsan ko ring tinuring na anak na si Ethan. Kumakain kami sa almusal at kapansin-pansin ang luhang pinipigilan ni Celaida."You're my real Mom po?" tanong ni Ethan at nilingon ako. "Not Mommy Bianca?"Tumango ako bago ngumiti. "Yes, she's your real mother.""My real parents..."Muli akong tumango. "Yes.""What should I call you po if you're not my real Dad?" halatang naguguluhan si Ethan ng itanong niya iyon.Nilingon ko si Jazz bago magsalita. "Your real Dad and I were siblings, so you can call me Tito or Uncle.""I want to call you Uncle Dad!"Napatawa naman si Jazz sa narinig, maging ako ay napangiti rin. "Okay, I like that."Pagkatapos naming kumain ay muling natulog si Ethan kaya naman nagkausap-usap kaming tatlo nang maayos tungkol sa nangyari. Nang maipaliwang ko kay Celaida ang nangyari ay bakas na bakas ang lungkot sa kaniyang mga mata."Napakawalanghiya namna pala ng babaeng iyon,"
Dr. Naomi's Point Of View.Abala ako sa aking opisina ng marinig ko ang malakas na sigaw ni Selena sa laboratory, mabilis akong pumunta roon at lahat ng mga doctor ay pinipigilan siyang sirain ang mga kagamitan."Putangina naman, Reyes! Akala ko pa naman matalino ka! Kaya nga ikaw ang pinagkatiwalaan ko riyan sa station 2 dahil akala ko naman hindi ka tanga katulad ng iba!" galit niyang sigaw habang ang cellphone niya ay nasa kaniyang tainga, hindi naman ako umalis sa kinatatayuan ko at pinanood lang silang magkagulo. "Sinabi ko bang patayin mo ang babaeng iyon?!"Natiglan ako sa huli niyang sinabi, sinong pinatay?""Oo nga! Hindi nga ikaw ang pumatay, pero ikaw pa rin ang malalagot dahil sa katangahan ng mga tauhan mo riyan!" pagpapatuloy ni Selena, pawis na pawis na siya kakasigaw, lahat ng mga tao ay tahimik lang at hindi siya magawang lapitan dahil sa takot na baka sila ang mabuntungan ng galit "Unang-una sa bakit siya nakatakas?! Nakakaalala na ba siya?! Hindi ba't sinabi ko sa'
Celaida's Point Of View.Ganito pala ang pakiramdam maging isang Ina... Noong kinuha sa akin ng Mama ni Jazz ang anak namin, kahit alam kong magiging maayos ang buhay niya sa ibang bansa ay hindi ko pa rin maiwasang makaramdam ng lungkot dahil bilang babae, minsan ko ring pinangarap na magkaroon ng anak.Tapos kinuha pa sa akin.Kaya noong makilala ko si Jazz, noong nalaman kong siya ang naka one night stand ko at siya ang Tatay ng anak ko, at noong sinabi niyang wala na ang anak namin... Ang hirap-hirap paniwalaan, ayokong maniwala sa sinabi niya pero noong marinig ko ang mga hikbi niya... Napagtanto kong hindi nga siya nagbibiro.Masakit rin sa parte ko iyon dahil unang-una, kinabukasan pagkapanganak ko ay hindi ko man lang nakasama ang anak ko—ni hindi ko man lang nasabi kung gaano ko siya kamahal. Kaya naman ngayong nalaman kong buhay ang anak namin—kinuha ito at nalayo sa amin, magkahalong galit at saya ang nararamdaman ko."Mommy, you have to go to our school po," saad sa akin n
Dasha's Point Of View. "Ano bang nangyari sa'yo?" Natigilan ako sandali dahil sa tinanong niya, hindi ko alam kung paano ko ipapaliwanag iyon sa kaniya. "Ako ang unang nakakita sa'yo," pagpapatuloy niya. "Bago ako tuluyang nakalapit sa'yo nakarinig ako ng mga boses mula sa taas ng bangin, dalawang lalaki iyon at nag-uusap. Iyong sabi ng isa babain ka raw para tignan, hindi naman pumayag iyong isa dahil sigurado namang patay ka na... Kaaway mo ba iyong mga iyon?" Natahimik ako dahil sa narinig. Kung inakala nga nilang patay na ako... Ibig sabihin ay baka sabihin din nila kay Dr. Reyes ang nangyari, kapag nangyari iyon ay baka malalagay sa panganib si Benjamin. Shit. Bakit naman kasi nahuli pa ako? Nakakainis, sana pala ay naghintay ako ng tatlong oras bago ako tuluyang lumabas ng truck. Hindi sana ako nahuli, ano na kayang nangyari kay Benjamin? Sana naman ay maayos lang siya... "H-Hindi ko maipapaliwang sa'yo kung saan ako nanggaling," sabi ko, mas mabuti na na hindi ko
Bianca's Point Of View."What the fuck. She's dead?! Oh my God!" malakas kong sigaw. "Hindi pwedeng mangyari iyon, Selena! Anong katangahan ba ang ginawa ng mga tauhan mo?! Ang akala ko ba ay maayos ang lahat dahil iyon ang sinabi mo sa akin noong nakaraang pag-uusap natin?!""Noong nakaraan pa iyon," asar niyang sabi. "Nakatakas siya, hindi alam ng mga tauhan ng tarantadong Reyes na iyon kung paano nakatakas si Dasha. Basta noong nag stop over ang mga driver ng truck, doon nila siya nakita na tumatakas... Tumakbo si Dasha pero natamaan siya ng baril sa paa, napahiga siya at dahil sa takot, nahulog siya sa bangin dahil sa pag-atras niya.""Fvck," bulaslas ko pagkatapos niyang magsalita. "Elias will surely be going to kill us!" sigaw ko."What? Why? Natatakot ka ba sa Lawyer na iyon?""Alam niya na ang totoo, Selena," sambit ko. "Narinig niya kasi akong nakikipag-usap sa kaibigan ko, nadulas ako at nasabing hindi niya anak si Ethan... Narinig niya iyon at wala akong nagawa kundi ang sa
Dasha's Point Of View.Dahan-dahan kong dinilat ang mga mata ko ngunit purong kadiliman lang ang nakikita ko.Teka, nasaan ako?Pakiramdam ko ay nakaupo ako sa isang silya dahil nararamdaman ko iyon, pero wala talaga akong makita. Tangina, saan ba ako dinala ni Jazz? Ano bang nangyari?Pagkatapos kong inumin ang binigay niyang tubig ay inantok na ako, ano ba 'tong nangyayari?Nilibot ko ang tingin sa paligid at sigurado akong nasa labas lang ako dahil kitang-kita ko ang napakaraming stars sa langit, gusto ko sanang mamangha pero hindi ko maintindihan kung bakit biglang nandito na ako gayong ang huling pagkakatanda ko ay nasa sasakyan ako kasama si Jazz.Naku! Malilintikan na talaga sa akin ang lalaking iyon!Tatayo na sana ako mula sa pagkakaupo ng biglang bumukas ang mga ilaw, nanlaki ang mga mata ko ng makita ang buong paligid. Maraming puno sa paligid ko, at mayroong mga ilaw na nakasabit sa bawat puno, nandito ako sa gitna at sa buong paligid ay maraming tulips na paborito ko. Sa
Dasha's Point Of View.Hindi na ako nakapagpaalam pa kay Dawn, mabuti na lang dahil nandoon si Angela at paniguradong alam naman na niya ang gagawin niya."Ano bang nangyayari?" tanong ko kay Jazz, nandito na kami sa loob ng sasakyan niya at nagmamaneho na siya, nasa likod ng sasakyan niya ang dalawang box ng cupcakes. "Ipaliwanag mo ngang mabuti! Tignan mo ang suot ko, sa kakamadali mo hindi na ako nakapagpalit."Suot-suot ko pa rin kasi ang red dress na binigay sa akin ni Angela."May nag-order kasing costumer sa shop mo," mahinanong pagkuwento niya. "Tinawagan ako ni Marilyn dahil nga may emergency bigla iyong delivery boy niyo so pumayag naman ako dahil wala naman akong ginagawa, so ayon nga, pumunta na ako sa address ng recipient pero nagalit sa'kin. Ang sabi niya, nag request daw siyang kasama ka sa bigay noong binili niya kaya ito.""Ha? Bakit naman kailangang kasama ako?" naguguluhang saad ko. "Kilala ko ba recipient? Ano bang pangalan niya?""Hindi ko alam, hindi ko na inabal
Elias's Point Of View."Sinabi ko na kay Dasha na hindi ako makakapagsundo sa kaniya sa airport dahil may seminar ako," paliwanag ko kay Angela at nakita ko naman ang pagtango niya."Okay, ako na lang ang susundo sa kaniya. Mamaya pa namang gabi ang proposal, hindi ba?" Tumango ako. "Yeah, si Jazz na ang bahalang magpapunta kay Dasha sa mismong lugar dahil nga ang alam niya ay nasa seminar ako buong araw na 'to.""Ako na ang bahala!" si Jazz, bahagya pa siyang kumikindat-kindat sa akin. "Kapag nadulas ako baka masabi kong may kasama kang babae tapos sasamahan ko siyang puntahan ka."Hindi ko na lang pinansin ang sinabi niya at hinarap si Angela. "You can leave now, malapit nang makarating si Dasha," wika ko sa kaniya at tumango naman siya bago umalis.Nandito kami sa condo ni Jazz, as usual para na namang tanga ang kakambal ko."Excited na ako para mamaya, Elias," aniya."Subukan mo lang sirain ang araw na ito, Jazz... Kakalimutan ko talagang magkapatid tayo," pagbabanta ko sa kaniya
Dasha's Point Of View."Kailan ka pala babalik ng Maynila, Dasha?" tanong sa akin ni Kuya Peter, kumakain kami lahat ngayon sa mahabang lamesa rito sa bahay nila. At bilang pasasalamat sa amin ni Kuya Peter ay pinagluto pa niya kami ng hapunan."Kung ako sa'yo ay bukas na lang ng umaga, paniguradong mahihirapan ka kung ngayon," si Kuya Erickson."Iyon nga rin po ang plano ko," sagot ko.Nagsalita si Kael. "Ihahanda ko na lang para sa'yo iyong kwarto sa taas para makapagpahinga ka nang maayos, Ate."Tumango ako. "Sige, salamat."Nang matapos kumain ay umakyat na ako sa second floor ng bahay, sinabi kasi sa akin ni Kael na maayos na ang kwartong tutulugan ko. Pagkatapos ko ay nilagay ko na kaagad ang aking mga gamit sa kama at saktong pag-upo ko ay naramdaman ko ang pag vibrate ng cellphone ko, kaagad ko itong binuksan at nakita ang chat ni Elias.Elias:Hi, what are you doing? I missed you.Napakunot ang noo ko. Baka naman ginagago na naman ako ni Jazz?Dasha:Ikaw na ba 'yan, Elias?I
Dasha's Point Of View."Mabuti na lang talaga kaunti lang ang gamit namin dahil hindi tayo mahihirapan sa paglalakad pababa ng bundok," saad ni Kuya Peter habang aglalakad na kami pababa, nagtanghalian muna kami bago kami umalis sa bahay nila. Hapon na ngayon at mabuti na lang dahil maraming puno rito at mahangin kaya hindi masyadong mainit sa pakiramdam."Mabuti na lang din dahil alam ko ang short cutt sa bundok na 'to," si Kuya Erickson. "Hindi ako makapaniwalang tinatawid niyo pa ang dalawang ilog para lang makapunta ng bayan.""Kung alam lang namin ang short cutt, Erickson. Hindi na sana namin pinahirapan pa ang sarili namin," sagot ni Kuya Peter.Nagsalita si Kael. "Bihira lang kasi tayo pumunta sa bayan, Papa. Kaya hindi natin alam.""Bakit nga ba kasi sa bundok niyo pa naisipang tumira?" tanong ni Kuya Erickson na nagpatango sa akin."Oo nga po, bakit po?" tanong ko."Eh iniisip nga ng mga taong magnanakaw kami, hindi ba?" sagot ni Kuya Peter na nagpakunot sa noo ko. "Totoo nam
Dasha's Point Of View."Titulo po ng lupa niyo, pwede na po kayong bumalik sa bahay niyo kailan niyo man gustuhin," nakangiting saad ko.Narinig ko ang pagsingap ni Kael noong marinig ang sinabi ko, kaagad siyang lumapit sa Tatay niya upang kompirmahin ang sinabi ko at noong makita niya ang papel ay nakita ko ang pangingilid ng luha sa kaniyang mga mata. Mabilis na tumayo si Kuya Peter mula sa pagkakaupo at luapit sa akin upang mahigpit akong yakap, naramdaman ko ang pag-iyak niya."S-Salamat, Dasha! M-Maraming salamat!" wika niya habang yakap-yakap ako, hinimas ko naman ang kaniyang likod habang nakangiti."Sinabi ko naman po sa'yo, diba? Ayokong nandito kayo sa taas ng bundok dahil delikado... At may karapatan naman talaga kayo sa lupain niyo dahil sa inyo iyon," paliwanag ko at bumitaw siya sa pagkakayakap, pinupunasan na ang kaniyang luha habang nakangiti sa akin."Maraming salamat talaga, Dasha. Sobra-sobra ang tulong na ginawa mo sa amin," wika pa niya ngunit umilang lang ako ha
Elias's Point Of View."Ano kayang magiging reaction mo kapag nag no si Dasha?"Mabilis na kumunot ang noo ko sa sinabi ni Jazz, nandito kami ngayon sa isang sikat na bilihan ng bulaklak at balak kong mag-order ng mga tulips dahil iyon ang paboritong bulaklak ni Dasha, nakaupo kami sa bakanteng upuan habang naghihintay dahil may naunang nag-order kaysa sa amin."Si Joel na lang sana ang sinama ko rito," inis kong sabi dahil puro mga walang kwentang bagay na naman ang sinasabi niya.Narinig ko ang malakas niyang halakhak, may pahampas-hampas pa siya sa sahig at parang mahuhulog na sa kaniyang inuupuan.Pero alam kong kahit Joel o siya ang kasama ko rito, parehas lang naman silang mga isip bata. Baka sila talaga ang totoong magkakambal?"Patawa-tawa ka riyan, kakausapin ko talaga si Tita Cyla para hindi ka niya bigyan ng permission kapag kinausap mo na siya tungkol sa magiging kasal niyo ni Celaida," pagbabanta ko at mabilis naman siyang napalingon sa akin, nanlalaki pa ang mga mata."T
Dasha's Point Of View."Hello po, Kuya Erickson," nakangiting wika ko sa kaniya."Ikaw nga, Dasha! Anong ginagawa mo rito at bumisita ka?" aniya, nakangiti rin sa akin. "Halika, pumasok ka muna rito sa loob at gabi na, malamok diyan sa labas."Tumango ako at sinunod ang sinabi niya, walang pinagbago ang bahay niya, ganitong-ganito noong huli kong pagpunta rito. Umupo ako sa sofa bago magsalita."Hindi ba't sinabi kong babalik ako rito kapag maayos na ang lahat?" sagot ko at mas lalo namang lumawak ang kaniyang pagngiti, naupo siya sa harapan ko."Nabalitaan nga namin sa TV ang nangyari, salamat talaga sa'yo at nakakulong na ngayon ang Selenang 'yon," pagkuwento niya. "Ilang linggo ring naging chismis iyon dito, nagsilabasan din ang mga taong galit kay Reyes at sa mga ginagawa niya. Lahat ng tao ay sinasabing masaya silang nahuli na ng mga pulis ang mga taong iyon."Tumango ako. "Dapat nga po sana ay noon pa para hindi na sana dumami pa ang mga nabiktima nila.""Oo nga eh... Ilang taon
Elias's Point Of View.Sa totoo lang, wala akong alam na lugar na mahilig puntahan palagi ni Dasha. Dahil unang-una, noon, palagi lang naman siyang nasa mansyon, at kung lalabas man siya, para lang pumunta sa mall para mag-grocery o kaya naman mamasyal kasama si Angela."Matipid na tao si Dasha," ani ko dahil iyon ang pagkakakilala ko sa kaniya. "Alam kong impossibleng wala siyang mga lugar na gusto niyang puntahan... Pero matipid siyang tao, at alam kong sa tingin niya gastos lang iyon kaya mas pinipili niya na lang na manatili sa mansyon," dagdag ko. "At isa pa, madali lang siyang pasayahain, kahit na mga maliit na bagay ay nakakapagbigay na ng kasiyahan sa kaniya.""Oh... Bakit nahihirapan ka pang makaisip kung saan ka magpopropose? Kahit naman ano yatang gawin mo ay matutuwa ang babaeng iyon.""I know... But still, like I said a while ago, I want it to be memorable," wika ko."Natanong mo na ba si Angela? Bagay may mga alam siya kung anong magandang lugar na pwedeng maging venue n