Nang makarating sila sa bahay ay tahimik lang siya at naghahantay sa mga sasabihin ng binata. Nakaupo lang siya sa may sofa sa sala habang ito naman ay kumuha ng alak sa ref."I'm sorry because that's happened. I... I run away from our home. We had a family problem, so I left there and reasoned that I was married even though I was not. "Biglang lumambot ang puso niya rito at parang kinurot iyon dahil nalaman niyang may problema ito sa pamilya."So... if you met him again and he asked you about me or about us, please tell him that I'm your husband." Uminom ito ng alak at napabuga ng hangin. Tumayo siya at kinuha ang alak na hawak tiyaka umupo sa kandungan nito at niyakap."Okay, walang problema," bulong niya rito. Naramdaman niya ang pagyakap nito pabalik sa kaniya. They stay like that for a minutes before Xion lifted her and goes to her bedroom. Sa totoo lang ay parang sila ang mag-asawa dahil sa iisang kwarto na sila natutulog at ginagawa rin nila ang mga ginagawa ng mag-asawa.She's
Naging abala si Xion sa trabaho nang may malaking proyekto ang dumating. Hindi siya ang architect na kinuha dahil tumanggi siya. Pinasa niya iyon sa pinagkakatiwalaan niyang architect sa kompaniya niya. Ginagabayan niya pa rin ito at nagbibigay ng suggestion dahil isang kilalang entertainment agency ang gagawan nila ng design para sa building.Busy na siya paano pa kaya kung siya ang naging architect ng client nila. He will have no time for Aj if that's happened. Hindi niya na talaga kilala ang sarili dahil umaayaw na siya sa mga malalaking proyekto pag nalaman niya na magiging babad siya sa trabaho ng husto.Dati ay hanggang sa pag-uwi sa penthouse niya ay nagta-trabaho pa rin siya at gumagawa ng designs. Halos wala nga siyang kumpletong tulog lagi dahil perfectionist siya sa mga bagay bagay. Kailangan maayos at maganda ang resulta. All the meetings important or not, he is present all the time. He always listen to her employees so they can have a good work environment.That's why at
Napatingin siya salamin dahil sa magarang suot niya. Napilitan siyang mag-leave sa trabaho ng dalawang araw dahil sa party na aattend-an nil ani Xion. Pumayag na siya dahil nalaman niya rin na naroroon si Lloyd at naisip niya na rin na gusto niyang magkausap ang dalawa.Hindi niya pa alam ang side ni Lloyd kung bakit ito parang galit kay Xion kaya ayaw niya itong husgahan basta-basta.Nakasuot siya ng olive green na dress, may sleeves siya na see-through gaya ng gusto ni Xion. Ayaw kasi siya nito pagsuotin ng medyo revealing. Ito pa nga ang bumili ng damit na susuotin niya at ito mismo ang pumili.Naghihintay pa rin siya na kusa itong magsabi tungkol sa buhay nito. Hindi niya kasi sinabi na nagkausap sila ni Lloyd at nalaman niya na mayaman talaga ang binata."You ready?" Napalingon siya ng makapasok ito sa kwarto niya."Oo. Okay ba ang itsura ko?" tanong niya."Of course. You are beautiful, baby," nakangiting ani nito sa kaniya. Hinawakan naman siya nito sa kamay, umupo ito sad ulo n
Tahimik lang siya sa tabi ni Xion habang nakikinig sa mga pag-uusap ng mga nakapaligid sa kanila. Medyo nakaramdam siya ng out of place dahil talagang mga businessman ang halos ng tao rito. Pasimple siyang napatingin sa kabilang tabi ni Xion na si Alora, panay ang hawak nito sa braso ng binata at naiirita siya.Napabuga siya ng hangin at inalis ang tingin sa babae. Gusto niya sanang magpaalam dito para magbanyo pero mukhang na-busy na talaga ito sa mga kinakausap. Pasimple siyang naglakad palayo at tumungo sa cr dahil talagang naiihi na siya. Nang makapasok sa banyo ay dumeretso siya sa isang cubicle at doon umihi.Pagkatapos niya ay lumabas din agad siya at natigilan siya nang makita roon si Alora na nag-aayos ng makeup. Akala niya ay hindi siya nito papansinin pero nang makalapit siya rito para maghugas ng kamay ay tumingin ito sa kaniya sa salamin."Do you have a business?" tanong nito sa kaniya habang pinapasok sa pouch ang lipstick."Wala," deretsong sagot niya rito. Pinagpag niy
Day off ngayon ni Aj kaya naglinis siya ng buong bahay. Simple lang naman ang mga ginawa niya dahil hindi naman sobrang dumi ng bahay. Pagkatapos niya ay nagluto siya para sa tanghalian niya. Wala si Xion dahil may importante raw itong meeting buong araw at magiging busy, naiintindihan niya naman 'yon lalo na't alam niyang may kompanya ito.Hindi pa rin siya makapaniwala na mayaman ito. Baka nga kasing yaman nito ang asawa niya. Natigilan naman siya dahil naalala niya ulit ang contract husband niya. Pati si Francis din ay naalala niya bigla, matagal tagal na rin noong huli niya itong makausap.Hindi naman kasi siya nagte-text dito. nahihiya siyang mangamusta dahil baka busy rin ito. Nang matapos sa pagluluto ay kumain na rin siya at tinext si Xion para tanungin kung kumain na rin bai to. Napangiti naman siya nang nag-reply rin ito pero nawala iyon nang mabasa ang mensahe nito.From My Xion,- Not yet, baby. I'm so busy. Maybe later. Enjoy your lunch.To My Xion,- Kumain ka na! 'wag k
Hanggang sa makaalis sila ni Xion sa kompanya nito ay malalim pa rin ang nasa isip niya. Hindi mawala sa isip niya ang surname ng binata.Saan ko ba 'yon narinig?Sigurado siyang narinig niya na iyon kung saan hindi niya lang matandaan. Iwinaksi niya na lang ang nasa isip at tumingin sa daan, hindi niya alam kung saan sila papunta ngayon."Look, Alora is just a client. Napilitan lang ako kumain dahil hindi siya titigil sa kakakulit sa akin," biglang paliwanag nito na ikinatingin niya. Ngumiti naman siya ng tipid at tumango dito."Baby... can you please talk?" he said frustratedly. Nagulat pa siya dahil bigla nitong tinabi ang kotse at tiningnan siya."Ano ka ba, okay lang talaga," nakangiting ani niya. Inabot nito ang kamay niya at pinisil ng marahan."You rarely talk at me since you saw me with Alora." Hindi siya summagot at binaba ang tingin sa kamay nilang magkahawak. Ayaw niya kasing ipakita na nagseselos siya, wala naman kasi siyang Karapatan."And... how did you know where my of
Umalis siya sa lugar na 'yon at umuwi na lang. Punong-puno ang isip niya dahil sa sinabi ni Lloyd at sa ginawang paghalik nito sa pisngi niya. She knows that Lloyd was flirting to her and she doesn't like it. Pinipilit niyang intindihin si Lloyd dahil galit ito sa kay Xion kaya pati siya ay nadamay sa galit nito. Pakiramdam niya ay sinasadiya talaga siyang guluhin at asarin ni Lloyd.Nang makarating siya sa bahay ay nangunot ang noo niya dahil nakita niya ang kotse ni Xion na nasa garahe na. Pagkapasok niya ay nagulat siya dahil may bouquet ng bulaklak na nakalagay sa gitna ng lamesa ng living room."Baby... where did you go? I waited for you," he smiled and get the flowers. Siya naman ay natulala lang nang iabot nito sa kaniya ang bulaklak."K-kala ko ba may importanteng meeting ka?" gulat niyang tanong. Hindi pa rin siya makapaniwalang nandito na ito, parang halos dalawang oras pa lang ang lumipas simula noong magkahiwalay sila sa supermarket."Yes. The first one was done and the ot
Isang araw na ng mag-isa lang siya sa malaking bahay. Hindi naman totally mag-isa dahil sinusundo at hatid siya ng babaeng driver na dating naging driver niya noong wala rin si Xion. Ngayon niya nga lang ulit naalala ang contract husband niya. Hindi niya alam kung paano kinakausap ito ng binata.Medyo na-bothered din siya dahil gumagawa siya ng kasalanan sa likod ng asawa niya. Kahit hindi niya ito kilala pakiramdam niya kasalanan pa rin ang ginagawa niya dahil kasal pa rin sila kahit sa papel lang.Napabuga siya ng hangin at pinagpatuloy ang paglilinis ng lamesa. Nasa restaurant kasi siya at kasalukuyang naka-duty. Nagbigay na rin siya ng resignation letter. Nakapagdesisyon na siya na bumalik na lang sa pagbi-business dahil mas malaki ang kita roon.Ang bilis ng panahon at mag a-apat na buwan alakna siya roon. Malaki na ang ipon niya dahil idagdag mo pa ang sweldo niya sa contract husband niya na hindi niya nababawasan dahil sa sweldo niya sa restaurant at allowance pa sa living expe