Share

02: Bagong Pangarap

last update Last Updated: 2022-10-22 00:03:14

Dahil natuon na ang panahon at atensiyon ni Bea sa pag-aasikaso sa mga gawaing-bahay at sa mga kapatid ay hindi na niya namalayan ang mabilis na paglipas ng mga araw. At kasabay niyon ay paglamlam ng nadaramang inggit sa mga kapatid noon.

Kaya parang hindi pa siya makapaniwalang magpapasukan na naman dahil parang ilang tulog lang ang ginawa niya ay nagkakagulo na naman ang mga kapatid niya isang madaling-araw sa pagsusuot ng kanilang mga uniporme.

At dahil mayroon nang isang nasa first year highschool at dalawang elementary na ga-graduate sa magkasunod na taon ay napilitan nang huminto sa paglalako ng pagkain ang kanilang nanay dahil hindi na sumasapat ang kinikita nito sa pagtitinda upang humanap ng ibang pagkakakitaan.

Hanggang sa mapagpasyahan na lang nito na maglabada sa ilang mga nakilala noong naglalako pa ito.  At isinasama siya nito para may makatulong at mabilis na makatapos at makarami. At kung walang labada ay suma-side line ng pagluluto sa ilang may maliliit na handaan na isinasama rin siya para may makatulong. Dahil nagkakataong sa ibang napapasukan nila y bukod ang ibinibigay na bayad at kung minsan may pauwi pang mga ulam kaya mas gusto niya kapag handaan ang pinupuntahan nila.

Pero ang pagkalibang niya sa pagtatrabaho ay nalambungan ng pagkayamot dahil kapatid niyang si Cristina, ang nag-iisang highschool. Dahil nagdadalaga na ay umiiral na ang kaartehan at dinapuan na ng hiya sa katawan, na kapag hindi pera ang ibinibigay na baon ay nagmamaldita na may kasama pang padabog-dabog. At walang ibang magawa ang nanay niya kundi pagbigyan ito, na ang katwiran ay sa umpisa lang daw iyon dahil wala pang gaanong kakilala. Kaya hindi niya napigilan ang palihim na pag-ismid dahil alam na niya ang mga ganyang ugali.

Hindi niya maintindihan ang kapatid niyang iyon sa pag-iinarte dahil noong siya ang nasa highschool ay kung ano'ng ibigay wala siyang reklamo makapasok lang sa eskwela. Na kung hindi lang malayo ang lakarin at maghapon ang klase ay tityagain niyang pumasok kahit walang baon. Lalo pa ngayon na mukhang nagkakaproblema ang may-ari ng sinasakang lupa ng kanilang tatay na pataas nang pataas ang interes sa mga pinapautang na mga binhi ng palay at pataba. Kaya halos wala ng natitira sa kinikita nito. Mabuti na lang at kahit papaano ay may nakukuha silang pangdagdag ulam sa sarili nilang tanim.

Idagdag pa na mayroon din silang kimikita ng kanilang nanay kahit papaano dahil marami-rami ang kumukuha sa nanay niya bilang tagaluto. Gaya ng araw na iyon ng martes, matapos maihatid sa eskwela ang kanyang mga kapatid ay mayroon itong bagong papasukan kaya isinama na siya para doon na sila tutuloy bago umuwi.

Suki raw nito sa meryenda ang pupuntahan nila na nasalubong nang minsang mamalengke ito ilang araw matapos huminto sa paglalako. Gusto raw ng babae na ang nanay niya ang magluto para sa magiging handa sa birthday ng anak.

Habang naglalakad ay hindi maipaliwanag ni Bea ang kabang nararamdaman. Na tila ba nae-excite siya na 'di niya mawari kaya ilang beses siyang nasaway ng kanyang nanay dahil para daw siyang kiti-kiti. Kaya pinilit niyang kalmahin ang sarili at bahagyang nagpahuli sa paglalakad para maigala ang paningin sa mga nadadaanan nila hindi niya alintana ang pagod o ang layo dahil bago sa paningin niya ang lahat ng nakikita.

Hanggang sa mapansin niyang isang mataas pader na lang nakikita sa bandang kaliwa niya na tila kasing haba na yata ng nilalakaran nilang side-walk. Nang matanaw niyang huminto ang kanyang nanay sa tapat ng isang security guard at tila nakipag-usap doon kaya halos patakbo na siyang lumapit sa nanay niyang naiwang mag-isa dahil umalis ang gwardya.

Nang makalapit siya sa kanyang nanay ay isang matalim na tingin ang isinalubong nito sa kanya na may kasama pang kurot sa tagiliran na mabilis niyang nailagan kaya lalong nagdilim ang mukha nito. Napansin niyang bumuka ang bibig nito tanda na sesermonan na siya pero naudlot iyon dahil sa muling paglabas ng gwardya na pinapapasok na sila. Pero may piapirmahan pa sa kanilang malaking notebook bago sila tuluyang makapasok sa maliit na rehas na gate sa bandang gitna malapit sa lugar kung saan pumasok ang lalaki.

Hindi niya alam kung gaano katagal na silang naglalakad at kung nasaan na sila dagil tila pare-pareho lang ang dinaraanan nila. Malalawak na lumang puro puno at halaman lang nakikita niya hanggang sa may matanaw siyang ilang naglalaking bahay.

"Wow! 'Nay! Ang ganda ng mga bahay dito, o!" hindi niya napigilang ibulalas habang palinga-linga. "Ang lalaki ng bahay! Sana ganyan din bahay natin!"

"Tumigil ka nga! Napaghahalataan kang taga-bukid sa inaasta mo," saway nito na may kasama pang kurot sa tagiliran na agad niyang nailagan kaya nakangusong nanahimik na lang siya pero nanatiling nagmamasid sa paligid. Hanggang huminto sila sa tapat ng isang kulay itim at mataas na gate, mas mataas pa sa kanya kaya hindi niya magawang silipin ang loob.

"Umayos ka, Bea! 'Wag kang magpakaignorante," bilin ng nanay niya bago ito lumapit sa gilid ng gate at pindutin ang kulay puting bagay na naroon. Nagulat pa siya ng ilang sandali lang ay biglang bumukas ang maliit na bahagi ng malaking gate at iniluwa ang isang babaeng tila kasing edad lang ng kanyang nanay. At inakala niyang may-ari ng bahay.

"Sino ho sila?" tanong nito sa nanay niya.

"Ako ho 'yong kinontrata para magluto. Pakisabi si Patreng," sagot ng nanay niya.

"Ah, sige. Sandali lang." Pagkatapos ay muli itong pumasok kasunod ang muling pagsara ng pinto.

Habang naghihintay ay lumapit siya sa kanyang nanay at 'di na napigilang bumulong.

"'Nay, sino 'yon? Akala ko iyon na 'yong may-ari ng bahay..."

"Kasambahay nila 'yon at tagabantay ng mga anak kapag kailangang umalis ng mag-asawa at walang magbabantay sa mga bata."

"Ah..." Napapatango-tango pa siya habang sinasabi iyon. Nang biglang may pumasok na ideya sa isip niya kaya muli siyang bumaling sa kanyang nanay. "Eh, 'Nay, bakit hindi na lang natin subukang maging kasambahay parang maganda ang sahod sa gano'n?"

"Kung pwede lang ginawa ko na. Paano naman ang tatay at mga kapatid mo? Maliliit pa sila at hindi pa kaya ang sarili. At ang tatay mo naman, walang makakatuwang sa bukid kapag anihan," katwiran nito. Magsasalita pa ulit sana siya pero naudlot iyon nang muling bumukas ang maliit na gate at sumilip ang kasambahay.

"Pasok ho kayo," sabi nito at niluwangan ang pagkakabukas ng gate kaya magkasunod na silang pumasok ng nanay niya at binaybay ang daanang may mga halaman sa magkabilang gilid. Bigla pa siyang napalingon nang muling tumunog ang gate at nakita niyang isinara ulit iyon. Pagkatapos ay mabilis na naglakad ang babae para mauna at binuksan ang pintong papasok ng bahay. Hindi na siya nagkaroon ng pagkakataon na magmasid-masid dahil hinawakan siya ng nanay niya sa kanang braso at mabilis na hinila sa tabi nito.

Pagpasok nila ay sala agad ang bumungad sa kanila na nasa gawing kaliwa at doon niya natanaw ang isang magandang babaeng nakaupo. Bago napadako sa nakabukas na malaking t.v. na pinatay nang makita sila kaya bigla siyang nakaramdam ng panghihinayang.

"Magandang umaga ho," magalang na bati ng nanay niya na agad niyang ginaya kasabay ng mabilis na sulyap sa direksyon kung nasaan ang kausap ng nanay nito. At 'di sinasadyang nagsalubong ang mga mata nila at nakita niyang ngumiti ito sa kanya kaya isang nahihiyang ngiti ang isinukli niya sa babae.

"Magandang umaga rin. Salamat sa pagpunta, Patreng. Maupo kayo," mabilis na sabi nito at nauna nang maupo sa pang-isahang upuan habang sila ng nanay niya ay sa mahabang upuan. 

Nang makaupo ay palihim siyang namangha dahil ramdam niya ang malambot na upuan. At naisip niyang kahit kasing laki lang ng inuupuan nila ng nanay niya ang maging higaan niya ay talagang matutuwa siya dahil sa lambot niyon ay hindi na siya magigising na masakit ang likod dahil sa kawayang sahig.

Habang iniisip ang bagay na iyon ay muli siyang napatingin sa kausap ng kanyang nanay. Palihim niya itong binibistahan dahil ang sabi ng kanyang nanay ay may mga anak na ito. Pero ang tingin niya ay halos magkasing edad lang sila dahil bata pang tingnan ang mukha nito. Mamula-mula ang mga pisngi at labi, pansin din ang makapal at mahabang mga pilik-mata, na napaisip pa siya kung tunay ba ang mga iyon. May katangusan ang ilong na hindi niya naiwasang ihambing sa ilong niyang sa tingin niya maliit at nangingintab ang itim at alon-alon nitong buhok na lagpas balikat ang haba na kumpara sa buhok niyang hanggang baywang ang haba na wala nang suklay-suklay dahil ilang hagod lang ng kamay ay ipupusod na agad para hindi makasagabal sa gawaing-bahay.

May kaputian rin ang babae kaya bumagay ang suot nitong berdeng bestida na bulaklakin na kung siya ang magsusuot pakiramdam niya ang magmumukha siyang katawa-tawa dahil sa balat niyang sunog sa sikat ng araw. At hindi rin nakaligtas sa mapanuri niyang mga mata ang makulay nitong mga kuko sa mga kamay at paa. Maging ang suot nitong manipis at kumikinang na kwintas. Nagulat pa siya nang muling magsalubong ang kanilang mga mata dahil ibig sabihin lang niyon ay pinagmamasdan din siya nito. Na mukhang napansin ng nanay niya na napapatingin sa kanyang direksyon ang babae kaya humawak ito sa kanang tuhod niya at marahan iyong pinisil-pisil.

"Ito nga pala ang panganay ko, si Bea. Isinama ko na rin para tulungan ako," sabi nito na nagpatango sa babae.

"Gano'n ba? Okay lang naman. So? Tara na sa kusina para mapag-usapan na natin kung ano ang gagawin," yaya ng babae at nauna nang itong tumayo kaya agad din silang sumunod pero biglang bumaling sa kanya ang babae kaya napahinto sila ng kanyang nanay sa paghakbang. "Maiwan ka na muna rito sa sala, iha, at manood ka na lang muna ng t.v. dahil pag-uusapan pa namin ng nanay mo kung ano'ng mga iluluto."

Naglakad ito pabalik ito na sinundan naman niya ng tingin. At doon niya nakitang binuksan nitong muli ang t.v. kaya bigla siyang nakaramdam ng excitement sa isiping makakapanood na rin siya ng palabas na naririnig lang niya kapag napapadaan sa ibang bahay.

Akmang babalik siya sa pagkakaupo nang hawakan siya ng kanyang nanay sa kaliwang braso at pinanlakihan ng mga mata. Kaya lihim siyang napanguso na agad ring napalitan nang pinipigilang ngiti ng muling magsalita ang babae na hanggang sa mga oras na iyon ay hindi niya pa rin alam ang pangalan.

"Hayaan mo na muna siya rito, Patreng at wala pa namang gagawin sa kusina dahil namimili pa ang asawa ko," sabi nito habang inilalapag ang hawak na remote ng t.v. sa maliit na salaming mesa na nasa harapan niya.

"Sige ho." Tanging nasabi na lang ng nanay niya at binitawan ang kanyang braso kaya dali-dali na siyang naupo at humarap sa t.v.. At dahil nakatuon na sa pinapanood ang kanyang pansin ay hindi na niya namalayan ang pag-alis ng mga ito.

Habang nanonood ay hindi niya mapigilang makaramdam ng paghanga at pagkainggit dahil sa magagandang ayos at suot ng mga artista. Maging ang malalaking bahay, magagandang damit at maraming pagkain. Kaya habang tumatagal siya sa panonood ay unti-unting umuusbong sa kanyang batang puso ang isang isipin. At bago matapos ang araw na iyon ay mayroon na siyang nabuong desisyon sa kanyang sarili.

Ang nanamlay niyang paligid ay tila lumiwanag at muling nagkaroon ng sigla dahil sa kanya puso at isip ay unti-unting nabubuhay ang bagong dahilan para hindi siya mawalan ng pag-asa. Dahil sa pagkabuhay ng isang makulay na pangarap. Ang pagiging isang artista para magkaroon din siya at ang pamilya niya ng malaking bahay at magagandang gamit.

Pero ang balak na iyon ay hindi na niya isinatinig dahil alam niyang kokontrahin lang siya ng kanyang nanay. Kaya nang gabing iyon habang kumakain sila ng naiuwing ulam at spaghetti mula sa handaan kung saan ang nanay niya ang nagluto ay hindi niya mapigilan ang sariling pangarapin na may malaki na siyang bahay at magandang damit. At dahil halos nakatulala na siya sa harap ng pagkain ay nakatikim na naman siya ng sermo mula sa kanyang nanay pero hindi na lang niya iyon pinansin dahil tila lumilipad pa rin ang isip niya hanggang sa makahiga na sila para matulog.

At hindi na niya namalayang nakatulog na siya sa gitna ng kanyang pangangarap.

Related chapters

  • Affair Of The Heart ( Love Series #1 )   03: Unos

    Dahil nakahanap na siya ng bagong dahilan para palakasin at muling buhayin ang nanamlay niyang paligid nang nahinto ng pag-aaral ay naging mabilis para kay Bea ang paglipas ng mga araw.Hindi na siya gaanong nakakaramdam ng pagkainip sa tuwing naiiwan siya sa bahay nila kapag wala silang labada o handahang pupuntahan ng kanyang nanay. At hindi na niya nararamdaman ang lungkot kapag natatapos siya sa mga gawaing-bahay dahil nauubos na ang oras niya sa pagpapantasya na isa na siyang sikat na artista at pinagkakaguluhan ng mga tao naa maging sa gabi ay nakakatulugan na niya. Ngunit ang inakala niyang magaang pakiramdam na dala ng kanyang pangarap ay nalambungan dahil sa isang malaking pagsubok na biglang dumating sa kanilang buhay. Isang malakas na kulog ang gumulantang sa kanilang lahat habang nahihimbing sa pagtulog isang madaling araw kasunod ang malakas at tuloy-tuloy na pagbuhos ng napakalakas na ulan. Kaya kahit inaantok ay napilitan na silang bumangon lalo pa at tila tinatangay n

    Last Updated : 2022-10-22
  • Affair Of The Heart ( Love Series #1 )   04: Unang Kudlit Sa Puso

    Dahil sa hindi inaasahang pagsalanta ng malakas na bagyo ay napilitang manatili sa evacuation center ang maraming pamilya at kabilang na ang pamilya nila Bea.Hindi mapigilang lihim na maghinanakit si Bea hindi lang sa panahon kundi pati na sa Itaas dahil ilang araw na lang ay sasapit na ang kanyang sixteenth birthday. Pero sa halip na masaya siyang namamasyal ay naroon siya at nakikipagsiksikan ng higaan sa ibang tao.Tanging karton lang ang naisapin sa hinihigaan ng ilang naroon habang sila ay may naisalbang isang kumot na naisilid pala ng nanay niya sa bayong. At iyon ang kanilang ginawang sapin sa malamig at mamasa-masang semento ng covered court.Gusto man niyang makiusyoso sa mga nagkakagulong mga tao kung saan naroon ang nanay at tatay nila ay hindi niya magawa dahil bukod sa kailangan niyang bantayan ang pwesto nila ay binabantayan din niya ang kambal at si Robert dahil inaapoy ng lagnat. Habang sumama naman sa mga magulang nila ay si Cristina at Manuel para kung may pinamimig

    Last Updated : 2022-10-22
  • Affair Of The Heart ( Love Series #1 )   05: Spark

    Hindi pa man nagtatagal na nakakaalis ang tiya at pinsan niya ay tila ba napakabagal ng paglipas ng oras dahil pakiramdam niya ay hindi nagbabago ang paligid kahit na alam niyang dumidilim na.At para malibang sa pagliligpit at pagsisilid ng mga damit sa dalang mga bayong para sa paghahandang umuwi kinabukasan mula sa evacuation center ay nagsimulang maglamyerda ang kanyang isip.Kahit na may panaka-naka pa ring pag-ulan ay nagpasya na ang kanyang mga magulang na umuwi dahil mas mabuti na raw na nasa sariling bahay kahit na hirap sila dulot ng bagyo ay makakakilos ang mga ito para gumawa ng paraan.Ilang sandali pa ay isang eksena kasama ang pinsang si JC - ang palayaw na ibinigay niya para sa lalaki na tanging siya lang ang nakakaalam - ang unti-unting nabubuo sa kanyang isip.Sa kanyang imahinasyon ay nasa loob sila ng eskwelahan at estranghero sa isa't isa. At ang una nilang pagtatagpo ay para bang itinadhana ng kapalaran dahil sa lawak ng eskwelahan ay bigla silang nagkabungguan n

    Last Updated : 2022-11-05
  • Affair Of The Heart ( Love Series #1 )   06: Muling Pagbalik

    Nang makuwi sila ng sumunod na araw ay halos manlumo sila nang tumambad sa kanila ang kubong tuluyan ng natanggal ang bubong kaya lahat ng gamit nila ay basang-basa.Kitang-kita ni Bea ang tila naiiyak na anyo ng kanyang nanay habang ang tatay naman niya ay napatiim-bagang.Walang imik na tuluyan na silang pumasok matapos pagmasdan ang naging lagay ng kanilang bahay. Pagpasok ay ipinatong nila ang mga bayong sa ibabaw ng mesa bago sinimulang ayusin at linisin ang buong bahay.Habang ang tatay nila ay nagpaalam na pupunta sa may-ari ng lupang sinasaka para magbakasakaling makahiram ng pera na tinanguan lang ng kanilang nanay."Magluto ka na muna, Bea. Tingnan mo kung may pwede pang gawing panggatong d'yan," utos ng nanay niya kaya natigilan siya sa pagsampa sa hagdan para sana tumulong na linisin ang kanilang tulugan."Opo." Tanging nasabi na lang niya bago nagtuloy sa kalanan tingna kung ano'ng naging lagay ng kanilang mga gatong pero pagkadismaya ang naramdaman niya nang makitang bas

    Last Updated : 2022-11-07
  • Affair Of The Heart ( Love Series #1 )   07: Galak (Part 1)

    Excited si John Carl sa pag-aayos ng kanilang mga pinamili sa loob ng kotse dahil muli silang pupunta ng kanyang mommy sa kapatid nito para maghatid ng mga grocery.At kahit pilit niyang ikala alam niya sa kanyang sarili kung bakit walang tigil sa malakas na pagkabog ang kanyang dibdib. Ang muling makita ang kanyang pinsan na si Bea."Anak, nailagay mo na ba diyan 'yong kalan pati 'yong mga tubig?" tanong ng mommy niya mula sa pinuan ng kanilang bahay."Opo! Nailagay ko na lahat!" pasigaw na sagot niya habang nasa isinasara ang trunk ng kotse."Okay! Magbibihis na 'ko! Magbihis ka na rin para makaalis na agad tayo!""Opo!"Pagkatapos ay naglakad na siya patungo sa pinto at halos patakbong umakyat ng hagdan para magtungo sa kanyang kwarto.Pagpasok ay nagtuloy siya sa banyo para maligo at habang naroon ay hindi na naman niya napigilan ang sariling isipin ang babae habang nakapikit at nakatayo sa tapat ng shower.Muling pumasok sa kanyang alaala ang mapula at makipot nitong mga labi na

    Last Updated : 2022-11-08
  • Affair Of The Heart ( Love Series #1 )   07: Galak (Part 2)

    ***Biglang naalimpungatan si John Carl ng tumalbog ang katawan niya sa kinauupuan."O, nagising ba kita, 'nak?" tanong ng mommy niya ng makitang umayos siya ng upo."Hindi naman po. Nasaan na po tayo?" usisa niya habang iginagala ang paningin na may kasabay pang paghikab pero wala siyang ibang makita kundi mga puno at lupa."Malapit na tayo sa lugar nila ate. Medyo mahirap lang dumaan dahil sa nagkalat na bato at mga putik kaya maalog ang sasakyan.""Hmm..." Tanging nasabi na lang niya at hindi na umimik.Mayamaya pa ay huminto na sila sa gilid ng maputik at mabatong daan kasunod niyon ay ang paghugot ng kanyang mommy sa susi ng kotse."Nasaan na tayo, mom?" muling tanong niya na napapahikab pa nang makitang binuksan na ng mommy niya ang pinto ng kotse."Nandito na tayo. 'Yong daan sa may bandang unahan natin ay daan papasok patungo sa looban kung nasaan ang bahay ng tita mo," sagot nito na tuluyan ng bumaba kaya sumunod na rin siya."Paano mo nalaman kung saan ang bahay nila, mom?"

    Last Updated : 2022-11-09
  • Affair Of The Heart ( Love Series #1 )   08: Pagpipilian (Part 1)

    Hindi pa man nagtatagal na nakakalabas si Bea nang marinig niyang muling nagsalita ang kanyang mommy."Bakit hindi na lang kayo sumama sa amin?" singit ng mommy niya sa pag-uusap ng kanyang tita at tito.Tila saglit na huminto ang kanyang paligid sa narinig at agad na nakaramdam ng pagkasabik sa isiping makakasama niya si Bea sa iisang bahay at madalas nang makikita.Kaya pigil ang hininga na hinintay niya ang magiging sagot ng mga ito."Nina, 'di ba nasabi ko na? Na hindi kami maaaring sumama. Bukod sa wala kaming ibang alam na pagkakabuhayan maliban sa pagtatanim ay nag-aaral pa ang mga bata," sagot ng tita niya habang nakatayo sa tabi ng asawa nito na walang imik na nakatingin sa kanila."Pero ang hirap ng lagay ninyo rito. Kahit hanggang makabawi lang kayo, pwede naman ulit kayong bumalik."Matapos iyong sabihin ng kanyang mommy ay nakarinig siya ng isang mahinang singhap na nagmula sa pintuan kaya mabilis iyang napalinhon doon. Maging ang kanyang mommy at ang mga magulang ay napat

    Last Updated : 2022-11-09
  • Affair Of The Heart ( Love Series #1 )   08: Pagpipilian (Part 2)

    Napapikit na lang siya habang hinihintay ang pagbagsak niya sa maputik na lupa pero ang sakit na inaasahan niya ay hindi nangyari dahil naramdaman niya na lang na tumama siya sa kung saan kasabay ng pagpulupot ng kung ano sa baywang niya.Dahan-dahan siyang dumilat para alamin kung ano iyon. At nang makita ang mukha ni JC na ilang pulgada lang ang layo mula sa mukha niya ay wala sa sariling napatitig siya sa mga ito. Pakiramdam niya ay bumagal ang oras habang magkahinang ang kanilang mga mata pero ng marinig niya ang tinig ng iba pang kapatid na bumababa sa hagdan ay doon lang siya natauhan at mabilis na napatuwid ng tayo.At ang mga kamay niyang nahawak sa matipuno nitong dibdib ay mabilis niya binawi."Sorry, hindi ko sinasadya," nahihiyang sabi niya habang hindi malaman kung saan ibabaling ang tingin."Ayos lang. Tara, kumain na tayo," yaya nito at tila walang nangyaring hinawakan siya sa kanang braso bago marahang hinila patungo sa direksyon ng mesa at dahil nauna ng maupo si Cri

    Last Updated : 2022-11-09

Latest chapter

  • Affair Of The Heart ( Love Series #1 )   19.2: Preparation

    JOHN CARLIlang araw nang napapansin ni John Carl ang unti-unting pagbabago kay Bea simula noong araw na ibinigay niya ang cellphone rito. Lalo na ang pagbabago sa ayos at pananamit nito, marunong na itong mag-ayos ng sarili at pumili ng nababagay na mga suot base sa okasyon o panahon kahit na wala pang isang lingo ang nakakalipas.Kaya hindi maitatangging litaw na litaw na ang kagandahang taglay nito at kahit pa morena ay pantay ang kulay ng kutis nito na tila kumikintab sa tuwing tinatamaan ng liwanag at kahit hindi niya hawakan ay alam niyang makinis iyon.At dahil sa nakikitang unti-unting pagbabago sa pinsan ay mas lalong tumindi ang nadarama niyang atraksyon para dito at isipin pa lang niya na makikita na ng iba ang gandang taglay nito sa oras na magsimula na ang pasukan ay umiinit na agad ang ulo niya.Nakikita niyang masaya ang mommy at kapatid niya sa nangyayaring pagbabago sa pinsan at inaamin niyang nagugustuhan rin niya iyon ay hindi pa rin niya maiwasang makaramdam ng ini

  • Affair Of The Heart ( Love Series #1 )   19.1: Preparation

    Kinabukasan matapos patayin ni Bea ang tumutunog na alarm clock na nakapataong sa drawer na katabi ng kanyang kama ay muli siyang bumalik sa paghiga ilang sandaling tumitig sa kisame para isipin ang lahat ng nangyari nang nakalipas na araw.Iniisip niya kung totoo ba ang lahat nang nangyari hanggang sa maalala niya ang tungkol sa kanyang bagong cellphone. Kaya bigla siyang napaupo at hinagilap ang cellphone sa ibabaw ng kanyang kama. Halos ihagis na niya ang kumot at unan para lang mahanap ang bagay na inakala niyang isa lamag panaginip hanggang sa makita niyang nadaganan iyon ng unan.Dali-dali niya iyong dinampot at inusisa sa takot na baka nadaganan niya iyon. At nakahinga lang siya nang maluwag ng masigurong wala iyong naging pinsala.Nakatitig pa rin siya sa cellphone nang bigla iyong umilaw at tumunog tanda mayroong nag-texr. At dahil wala pa naman siyang ibang itini-text ay nagtatakang tiningnan niya ang lumabas na pangalan.'John Carl,' bulong niya sa sarili nang mabasa ang na

  • Affair Of The Heart ( Love Series #1 )   18.2: Make A Plan

    “Number two ay ang mag-practice umarte, kumanta at sumayaw sa harap ng salamin para makita ko kung ano ang reaksyon ng mukha ko.”Isinulat niya ang lahat nang nabasa niyang sa tingin niya ay kailangan niyang tandaan kahit na alam niya sa kanyang sarili na hindi pa niya iyon matutupad, gaya nang pagsali sa mga reality show o ang pag-o-auditon.Hindi na niya matandaan kung ilan na ang mga nabasa niya dahil halos lahat ng nakasulat ay pare-pareho na lang, mapa-English man iyon o Tagalog.“Sana lang maintindihan ko kung ano ang mga nakasulat…” bulong niya habang tinitingnan ang mga pamagat ng mga lumabas na English article. Pero muli siyang napailing nang makita na halos lahat ng nabasa niya ay pare-pareho lang ang unang dapat gawin―ang maging maganda at maayos ang panlabas na hitsura at mag-practice sa pag-arte.“Okay, dapat kong simulan bukas ang pag-aayos ng sarili at ang mag-practice. Tapos ang susunod ay ang paghahanap ng mga lugar na mayroong mga audition para makapaghanda ako na pu

  • Affair Of The Heart ( Love Series #1 )   18.1: Make A Plan

    Matapos siyang turuan ni JC ay nagpaalam na itong babalik sa kwarto kaya naiwan na siyang mag-isa sa kusina. Ilang sandali rin siyang natulala dahil pakiramdam niya ay napakaraming nangyari sa kanya ng araw na iyon.Naroon ang pagpunta nila sa mall para mamili ng mga kailangan sa darating na pasukan, ang pagkakakilala nila ng kaibigan ni JC, ang sobrang hilo dahil sa byahe at pagkatapos ay ang isang hindi inaasahang regalo na natanggap niya mula sa kanyang tiya.Tila ba nananaginip siya dahil alam niyang hindi ganoon kasimple ang pagbili ng isang mamahaling gamit para lamang ibigay sa kanya.Bigla tuloy siyang nakaramdam ng pressure dahil sa regalong natanggap, ibig sabihin lang kasi noon ay kailangan niya talagang pagbutihin ang mga ginagawa para sa sarili at sa kanyang pamilya.Nang muli siyang mapatingin sa hawak na cellphone ay biglang sumagi sa kanyang isip ang naiwang pamilya sa probinsya at kalagayan ng mga ito.Hindi niya alam kung nagawa ba ng kanyang mga magulang na mapag-ar

  • Affair Of The Heart ( Love Series #1 )   17.3: Unexpected Gift

    Wala sa sariling napatingala siya rito at hindi sinasadyang nagsalubong ang kanilang mga mata. Hindi rin niya napigilan ang pagkawala nang isang mahinang singhap, pakiramdam niya ay saglit na tumigil ang oras habang magkahinang ang kanilang mga mata.Pakiramdam niya ay hinihigop siya ng mga mata ng lalaki at hindi niya magawang iiwas ang tingin. Maging ang kanyang paghinga ay unti-unting bumibilis kasabay nang panunuyo ng kanyang lalamunan kaya wala sa sariling ilang ulit siyang napalunok bago pinaglandas ang dila sa nanunuyong mga labi. Nakita niyang saglit dumako ang mga mata nito roon bago muling tumitig sa kanyang mga mata. Natauhan lang sila nang makarinig ng tunog mula sa kung saan kaya mabilis silang nag-iwas ng tingin sa isa't isa.Nanlalambot na napaayos iya ng upo habang hinila naman ni JC ang upuan na malapit sa kiaroroonan niya bago naupo.Hindi siya makatingin sa direksyon nito dala ng hiya at kaba kaya itinuon na lang niya ang pansin sa cellphone.Sakto naman na lumapit

  • Affair Of The Heart ( Love Series #1 )   17.2: Unexpected Gift

    Ni hindi niya namalayang nakapikit na siya habang sinisinghot ang amoy nito na kumalat sa loob ng kanyang kwarto.“Ayos ka lang ba?” usisa nito nang mapansing nakapikit siya kaya mabilis siyang napadilat habang sunud-sunod na napailing dahilan para mapahawak sa sariling ulo nang muling makaramdam ng hilo.“Ha? Ano? Ahm… Medyo masakit lang ang ulo ko,” napapangiwing dahilan niya na siya rin ang may kagagawan. “Gusto mo ba dalhan na lang kita ng lugaw dito?” suhestyon nito na akmang tatayo niya kaya mabilis niya itong hinawakan sa braso pero nang mapagtanto ang ginawa ay tila napapasong napabitaw siya roon.“’Wag na, kaya ko namang bumaba,” sagot niya kasabay nang pagtayo. Hindi na siya nag-abalang maghanap ng suklay at ginamit na lang ang mga daliri para ayusin ang magulang buhok. “Tara,” yaya niya at inunahan na ito sa paglabas ng sariling kwarto. Hindi na siya nag-abalang lumingon dahil alam niyang susunod na rin ito kaya tuluy-tuloy siyang bumaba ng hagdan at dumiretso sa kusina na

  • Affair Of The Heart ( Love Series #1 )   17.1: Unexpected Gift

    Nang nasa byahe na sila ay muli na naman siyang natahimik dahil ang hilong naramdaman niya kanina ay muling bumalik at mas lumala pa dulot ng kabusugan. Pakiramdam niya ay tila hinahalukay ang kanyang sikmura kaya kahit naririnig niyang may kumakausap sa kanya ay hindi na niya iyon magawang tingnan dahil sa tuwing ididilat niya ang kanyang mga mata ay para bang umiikot ang kanyang paligid.Dahil nanatiling nakapikit ay hindi na niya namalayang nakaidlip na siya at nagising lang dahil sa pagyugyog ng kanyang katawan. Halos ayaw pa niyang dumilat dahil tila umiikot pa rin ang kanyang paligid at pakiramdam niya na anumang oras ay lalabas ang lahat ng kanyang kinain.“Bea, kaya mo ba’ng tumayo?” tanong ng isang tinig malapit sa kanyang kaliwang tainga. “Halika, tulungan na kita.”Kahit hindi pa siya sumasagot ay naramdaman na niya ang paghawak nito sa kanyang kaliwang kamay kaya kahit bahagya pa ring nakapikit ay nagawa na niyang bumaba ng sasakyan.Ilang ulit muna siyang nanatiling nakay

  • Affair Of The Heart ( Love Series #1 )   16.2: Kilig-Bonding

    At habang naghihintay kay JC ay inutusan na sila ng tiya niya umorder ng gusto nilang kainin. Mabilis na dinampot ni Anne ang menu at nagsimula ng pumili habang siya ay inisa-isa muna ang mga nakasulat na ang ilan ay hindi pamilyar sa kanya.Pero pamilyar ang mga nakalagay na picture kaya umorder siya ng pancit malabon na pamilyar sa kanya at tempura na madalas niyang makita sa ilang mga palabas na napanood niya habang iced tea sa inumin na nakita lang din niya sa t.v..Nasa kalagitnaan sila ng pagkain ng dumating na si JC kasunod ang kaibigan nitong halatang nang-aasar dahil sa nakasimangot na mukha ng pinsan niya na tanaw mula sa kinauupuan nila. Siya ang unang nakakita sa mga ito dahil panay ang sulyap niya sa paligid.Hindi niya kasi maiwasang usisain at pagmasdan ang mga bagong nakikita sa paligid niya pero nagkunwari siyang hindi nakita ang mga ito at itinuon na lang ang atensyon sa kinakain.“Mom! Kanina pa kayo?” Narinig niyang tanong ni JC ng makalapit sa kinaroroonan nila.“

  • Affair Of The Heart ( Love Series #1 )   16.1: Kilig-Bonding

    Hindi alam ni Bea kung gaano katagal na silang bumabyahe at ang tanging nagsasalita ay si Anne Marie na kinukuwentuhan ang mommy nito ng kung ano-ano. Pero ramdam niya ang tension sa dalawang lalaki na magkatabi sa kanan niya na parehong walang kibo.Kaya hindi niya malaman kung ano’ng gagawin niya sa sitwasyong kinasasadlakan lalo pa at hindi lang ang tension sa mga katabi ang nararamdaman niya kundi maging ang malakas na pagkabog ng kanyang dibdib sa tuwing magdidikit ang mga balat nila ni JC.Idadag pa na hindi pa rin siya sanay sa pagbyahe at pagsakay sa mga sasakyan ay lalong tumindi ang hilong nararamdaman niya. Kaya mas pinili na lang niyang sumandal at pumikit habang paulit-ulit na lumulunok dahil sa naiipong laway sa loob ng kanyang bibig.“Okay ka lang ba, Bea?” Narinig niyang tanong ni JC sa tabi niya kaya saglit siyang dumilat para tingnan ito bago muling pumikit.“Medyo nahihilo lang ako. Hindi pa rin kasi ako sanay sa pagsakay sa kotse at pagbyahe,” sagot niya sa mahinan

Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status