Anna Luisa
Pagkatapos ng pangyayari na yun ay lubhang nag-aalala sila Catriona at Yuri sakin at napag-alaman nilang wala akong kain ng umagahan. At totoo naman ang sinabi nila.
Nakalimutan ko kasing kumain. At maya-maya pa'y nagdesisyon na silang umuwi. At kinabukasan heto na ako ngayon ay nakahanda na para sunduin ng Kuya ni Aera.
Di ako nakatulog kaiisip sa Hacienda Bonifacio dahil gusto kong makita itong muli. Madaling araw ngayon at kasalukuyan kong pinipindot-pindot ang cellphone ni Aera may nakita akong mga larawan rito.
Napakamoderno na talaga ng taon na to. Maging ang mga larawan ay nasa cellphone na lamang. Di katulad sa taon namin na tanging pagpinta na lamang upang ikaw ay may larawan.
Hanggang sa may kumatok sa pinto, batid kong si Kuya na ni Aera ito. Kaya agad kong binuksan at di nga ako nagkamali ang Kuya nga ni Aera ito paano ko nalaman? Nakita ko sa mga larawan sa cellphone ni Aera.
"Hi, little sis tara na." nakangiting bungad nito sakin. Wala man akong maintindihan sa mga tinuran niya ay tumango nalang ako dahil ayoko ng humaba pa ang usapan.
Pagbaba namin sa unang palapag. Iginiya na ko papunta sa "basement" doon raw nakaparke ang kanyang sasakyan.
At ng makarating kami roon ay agad kaming sumakay at agad na umalis. Habang nasa biyahe di ko maiwasang mamangha sa sasakyan na ito. At tsaka ako napabaling sa Kuya ni Aera, may pagkakahawig siya kay Lawrence ang isa sa mga pinsan ko.
At agad akong napaiwas ng mapansin niya ang pagtitig ko.
"Nakakapanibago ka sis, ang tahimik mo naman yata. Samantalang noon buong buhay napakarami mong kwento." nagtatakang sabi nito sakin. Kaya namutla ako. Mahahalata na kaya niya na hindi ako ang kapatid niya? Paalisin na kaya niya ako sa condo na pagmamay-ari ng kapatid niya? Kung ganun saan ako maninirahan wala akong alam sa taon na ito.
"Oy sis, okay ka lang ba? Namumutla ka? Kumain ka ba bago kita sunduin?" nag-aalalang tanong niya kaya napalingon ako sakanya at napatango. Nakalimutan ko ulit kumain kanina dahil kakaisip sa Hacienda Bonifacio. "Ano? Bakit di ka kumain oh siya titigil tayo sa isang Carinderia doon tayo kakain." sabi niya sakin. Kaya tumango nalanga ko at binaling ang paningin sa bintana ng sasakyan na ito.
Maya-maya pa'y tumigil kami sa tapat ng isang tahanan, at may mga nakalabas ito na mga ulam at kanin. Mukhang dito kami kakain pagbaba namin ay agad kaming pumasok sa loob at naupo sa isang lamesa. Nagpaalam naman yung Kuya ni Aera na bibili lamang raw siya ng pagkain.
Maya-maya pa'y bumalik na siya dala ang mga ito hanggang sa..
"Oy pare." sulpot ng isang lalaki sa tabi ng Kuya ni Aera. Nakangiti at mukhang masaya na nakita muli ang Kuya ni Aera.
"Rafael? Ano't nandito ka?" natatawang sabi ng Kuya ni Aera. Umupo ang lalaki sa isang bakanteng upuan habang ako ay nanatiling walang pakialam sakanila. Kumain na lamang ako ng pagkain na binili ng Kuya ni Aera.
"Papunta ako sa Poblacion Indang." sabi nito sa Kuya ni Aera.
"Hala parehas pala tayo pre doon rin ang punta namin may Hacienda kasi dun ang angkan namin." nakangiting sabi nung Kuya ni Aera.
"Ay oo nga pala bat ko nakalimutan yun?" natatawang sabi nung Rafael sa Kuya ni Aera.
"Ikaw talaga pre, naikwento ko na sayo noon diba na may hacienda ang angkan namin." naiiling na sabi ng Kuya ni Aera.
"Pasensya na Azrael, makakalimutin ata ako." natatawang sabi nung Rafael at tsaka ito napabaling sakin. "Sino siya pre? Chicks mo?" natatawang sabi nito sa Kuya ni Aera habang nakatingin sakin.
Chicks? Ano yun?
Binatukan naman siya ni Kuya Azrael. Magkukuya na ako. Dahil puro na lamang ako Kuya ni Aera masyadong mahaba. Napakamot naman sa ulo si Rafael.
"Kapatid ko yan. Siya si Aenna Rana Bonifacio yung kwinekwento ko sayo na kapatid ko." sabi ni Kuya Azrael kay Rafael.
Aenna Rana Bonifacio buong pangalan ni Aera buti naman sa wakas ay batid ko na.
"Ay ayan ba si Aenna na tinatawag niyong Aera.." nakangiting sabi ni Rafael at nilingon si Kuya at muling binalik sakin ang tingin. "..eh bakit di kayo magkamukha, maganda kapatid mo samantalang ikaw ang panget mo pre bakit ganun." natatawang sabi ni Rafael kaya binatukan siyang muli ni Kuya.
Bahagya naman akong natawa dahil medyo naintindihan ko sinabi niya. Kaya napalingon sila sakin.
"Tamo pre, natawa rin kapatid mo." pagbibiro pa ni Rafael.
"Aera si Rafael Cadavedo kaibigan ko. Parehas lang kayo ng pinapasukan at parehas kayo ng taon sa kolehiyo. Tamad lang talaga pumasok to kaya di mo nakikita." nakangiting sabi ni Kuya.
"Ikinagagalak kong makilala ka Ginoong Rafael." nakangiting sabi ko sakanya. Kaya nagulat naman si Rafael.
"Ang galang naman ng kapatid mo. Ginoo raw." natatawang sabi ni Rafael kay Kuya.
"Hayaan mo na nantitrip lang yan." sabi ni Kuya kay Rafael at muli na silang nagkwentuhan.
Maya-maya pa ay muli silang nag-usap at nanatili akong kumain ng binili ni Kuya marami-rami kasi ito ag nagugutom talaga ako.
"Pre, nakabus kasi ako pwede bang sa inyo na sumabay. Lintik ang siksikan sa bus eh." rinig kong sabi ni Rafael.
"Eh di ba may kotse ka naman bakit nagbus ka pa?" takang tanong ni Kuya.
"Tinatamad ako magdrive. Di ko naman akalaing punuan ang bus." sabi naman ni Rafael kay Kuya.
"Oh siya dahil parehas naman tayo ng pupuntahan sumabay ka samin doon ka sa tabi ko sa driver seat. At si Aera sa likod upang makatulog siya at makapagpahinga." sabi ni Kuya kay Rafael kaya napatango naman si Rafael at sandaling nagpaalam na kukunin ang gamit niya sa bus. Kaya naiwan naman kami ni Kuya sa tapat ng pinagkainan namin.
"Nabusog ka ba Aera?" tanong ni Kuya sakin.
Tumango naman ako at ngumiti. Maya-maya pa ay dumating na si Rafael dala ang gamit niya.
Agad na kaming sumakay sa sasakyan. Nasa likod na ko kanina kasi ay nasa tabi ako ni Kuya. At ngayong kasabay namin si Rafael ay siya na katabi ni Kuya.
Umupo ako sa likod sa malapit sa bintana at pinagmasdan ang daanan hanggang sa di ko namalayang nakatulog. Nagising na lamang ako sa pagtunog ng kung ano sa bulsa ko. At ng magmulat ako ay agad ko itong kinapa. Cellphone ko pala ito, napatingin ako sa unahan tulog na pala si Rafael habang si Kuya ay patuloy na nagmamaneho.
Napatingin ako sa orasan sa cellphone. Itinuro rin sakin ni Catriona at kung paano ito titingnan.
Alas sais na pala ng umaga. Medyo maliwanag na ang paligid ngunit lamang pa rin ang dilim.
Sinagot ko naman ang tawag ng mabasa kong si Catriona ito.
"Oy bessy, ingat kayo sa biyahe. See you on Monday." bungad niya sakin.
"Salamat bessy, ingat ka rin diyan. Kita na lamang tayo sa Lunes." sagot ko sakanya.
Marami pa kaming napagkwentuhan hanggang sa kusa na niyang ibinababa. At muli akong nakaramdam ng antok kaya natulog ako muli.
Nagising na lamang ako sa pagtapik sakin. At pagmulat ko bumungad si Kuya napalingon naman ako sa unahan mukhang wala na si Rafael. Nilingon ko naman ang labas, nandito na pala kami.
"Narito na tayo sa Hacienda Bonifacio." nakangiting sabi ni Kuya at bumaba ng sasakyan. Naiwan naman akong nakasilip sa bintana na nakatingin sa karatula ng Hacienda Bonifacio.
At sa di ko malamang dahilan nakaramdam ako ng matinding kaba.
To be continued..
Anna LuisaPagkababa ko ng kotse ni Kuya ay namangha ako dahil sa ibang postura ng hacienda, hindi na ito mukhang makaluma at napalitan na rin ang mga desinyo. Naglakad ako papasok dahil nandun na si Kuya, namangha ako sa dami ng mga bulaklak at halaman na naririto.Kaya di ko maiwasang lumapit sa mga isa sa mga bulaklak, at ang nakaagaw ng atensyon ko ay ang sampaguita na mabango ang halimuyak nito.Hinawakan ko ito at pinagmasdan. Napakabango talaga nito, meron kasi sa aming tahanan at sa hacienda nito noon, buti naman na hanggang ngayon meron pa.Kumuha ako ng isa yung may tangkay at inilagay sa tenga ko, at napangiti ako dahil si Juancho ang naglalagay nito sa aking tenga, at pakiramdam ko ay ako na ang pinakamagandang babae..Nagpaikot-ikot ako sa paligid at ngumiti ng sobrang tamis dahil naramdaman ko na naman ang kagandahan na naramdaman ko noon..
Anna LuisaNung araw na yun, ay di na kami nakapag-usap pa ni Ethan dahil saglit lang daw siya dahil may pupuntahan pa raw siya. Kaya heto ako at tinitiis ang kaingayan nina Alonika at Julia.Wala naman akong ganang, pinagmasdan ang pag-aaway nila sa harap ko. Pabalik na kami sa Manila at kasama tong dalawa kong pinsan dahil doon na raw sila mag-aaral sa pinapasukan ko.Kaya natitiyak kong magugulo ang buong taon ko sa pag-aaral ko dahil sa dalawang to, at sabi ni Kuya ay sa condo ko raw titira tong mga to, nung una gusto kong umangal pero wala akong magawa dahil, wala daw tutuluyan ang magkapatid sa Manila.Habang nasa biyahe ay patuloy ang bangayan nilang dalawa, at laging napipikon si Julia kay Alonika."Julia, ang ingay niyo." saway ni Kuya sakanila. Kaya natigilan ang dalawa at nanahimik nalang.At ako naman ay napalingon sa labas ng
Anna LuisaPagkatapos nung araw na yun ay balik na ulit sa dati, lagi ko ng kasama pumasok sina Yuri, Catriona at ang dalawa kong pinsan. Pero madalas ay may mga senaryo akong nakikita sa isip ko, parang yung mga ginagawa ni Aera noon at hindi ko maintindihan kung bakit ginugulo ako ng mga senaryo na iyon, nakakasabay na rin ako sa pagnag-uusap sila pero kadalasan talaga ay wala akong maintindihan. Kaya nanahimik lang ako kadalasan.Nasa kantina kami ngayon at kumakain ng tanghali, kasama ko rito sina Catriona at Yuri, at hinihintay namin sina Alonika at Julia dahil hindi ba ang klase nila."Ah! Catriona at Yuri, aalis muna ako magbabanyo lang." pagpapaalam ko sakanila. Kaya napatingin sila sakin."Sige balik ka agad ah." sabi ni Catriona sakin kaya tumango ako at tsaka tuluyang lumabas ng kantina, ilang linggo na ko dito, kaya me
Anna Luisa"Aera puro nalang bagsak ang grades mo." sigaw niya sa akin, oo sa akin. Bakit nila ako sinisigawan di ko sila kilala? Oo konektado kami pero di ako si Aera, ako si Anna Luisa. Pero ako nga ba talaga si Anna Luisa."Okay sorry, bakit kasi kailangan ko pa pumasok diba? We're rich I think that was enough." sagot ko, huh? Ako ang sumagot. Paano? Hindi ako si Aera. Hindi ako siya."Aera, makinig ka naman samin. Ginagawa namin to para sa future mo." sigaw ni Mommy sa akin, huh? Bat ako? Hindi ako si Aera."Future ko? Wow! Patawa ka mommy, eh ginagawa niyo nga yan para sa mga sarili niyo." natatawang sagot ko? sakanila. Eto ba ang ugali ni Aera eto na ba?Hanggang sa maramdaman ko ang pagtapik sakin ng kung sino.Napabalikwas ako ng bangon, at bumungad sakin sina Alonika at Julia.
Maxwell Di pa rin ako makapaniwala na kaklase ko tong babae na nakita akong wala sa sarili kanina sa gitna ng kalsada, actually accidentally ko lang siyang nakita dun. Saktong padaan ako, and eto pa gumulat sakin magkaklase pala kami at hindi ko man lang siya kilala. Paano kasi mas madalas ako tumambay sa tambayan ng tropa kaysa pumasok sa klase? Napapasa ko naman grades at exam ko kahit di ako pumasok.Buong klase ay di ko maiwasang mapatingin kay Aera, ang ganda niya kasi. At nalaman ko sa mga kaklase na tumatalino daw itong si Aera, lagi raw kasi yun tulog dati sa klase.Matapos ang klase ay naisipan kong pumunta na sa tambayan, mukhang nandun na si Rafael at Ethan. Oo barkada ko sila, pero iilan lang nakakaalam dahil di naman nila kami nakikita na magkakasama."Oh pare, akala ko ba di ka papasok?" bungad ni Rafael sakin, habang si Ethan naman ay tulala sa gilid. Kaya
EthanIlang taon na siyang wala, pero patuloy pa rin akong minumulto ng nakaraan, at sa bawat araw na nagdaan wala akong ibang maisip kundi siya lang. Siya lang ang kahinaan at kalakasan ko.At dahil wala na siya, wala na rin ang lakas ko.Nandito ako ngayon sa isang barr, nagpalusot lang ako kina Maxwell na may kikitain ako kahit wala. Gusto ko kasing mapag-isa. Lalo na't naalala ko si Eunice kay Aera. Alam kong mali, na kinaibigan ko siya dahil lang naalala ko si Eunice sakanya. Pero wala na nagawa kona, kinaibigan ko na siya.Honestly, I like her attitude and personality. Pero sa tuwing magkasama kami pakiramdam ko si Eunice ang kasama ko.Hanggang sa.."Oh, Ethan. Lagi ka nalang nandito sa barr di mo pa rin ba nakakalimutan yung babaeng yun?" sulpot ni Aljean sa tabi ko at timungga ang alak na dala niya.Yes kilala ko
EthanDi ako makapaniwala sa nangyari kay Aera, nagulat talaga ako ng marinig ko sa labas kanina na may binully na naman ang means girl."Ate, kasya ba sayo yung uniform?" tanong ni Alonika kay Aera, nasa labas kasi kami ng cr. Bale si Aera lang nasa loob para magbihis."Oo, Alonika. Salamat sa uniporme na eto." sagot pabalik ni Aera sakanya.Nagulat nga ako ng makita ko silang magkakasama sa table nila Maxwell at Rafael. At itong si Rafael ay clingy dun kay Julia. Oo kilala ko siya, taga doon rin kasi ako sa Poblacion Indang. Yung dalawa lang nilang kasama ang di ko kilala.Pero di yun ang priority ko ngayon, mahalaga sa akin ngayon ang kalagayan ni Aera, nalate ako ng pasok dahil nga marami nainom ko kagabi. At etong si Rafael, mukhang nadaya kami ni Steven kagabi.At nagtext sakin si Steven na papasok na rin siya, para
Anna LuisaHabang nandito kami sa ilog paraiso, ay di ko maiwasang malungkot na ganto at napunta ako sa gantong sitwasyon.Bat sa dami-daming pwede kong mabalik ay eto pang lugar na to?"Bakit titig na titig ka ate, sa ilog na yan?" tanong ni Alonika at tumabi sakin, nandun kasi sila sa damuhan at kumakain habang ako ay narito sa malapit sa pangpang kung saan kadalasan kaming nakaupo ni Juancho hanggang lumubog ang araw."Alam mo ba Alonika, eto ang pinakamagandang pwesto upang panoorin ang paglubog ng araw." sabi ko sakanya habang nakatitig sa ilog na patuloy ang pag-agos. Ganun pa rin naman yung kinang at kulay nito, oo marami ng nagbago sa taon na ito. Pero etong ilog paraiso, nanatili ang kinang at kagandahan nito sa madaling salita walang nagbago sa lugar na ito."Oo alam ko ate, kasi naikwento nila Lola na simula daw
1910"Anna Luisa, ano bang ginagawa mo diyan?" tawag ni Charles sa asawa niya na di niya alam bakit ang tagal sa banyo. Kaya agad na lumabas si Anna Luisa."Charles, balikan natin sila Ina gusto ko ipakilala si Elizabeth sa kanila." sambit ni Anna Luisa sa kanyang asawa.Kaya ningitian siya ni Charles."Masaya ako na naisipan mong magpakita sa inyo." nakangiting sambit ni Charle kay Anna Luisa, at niyakap ito."Dahil kahit bali-baliktarin ko man ang mundo ay mga magulang ko sila. At karapatan nilang makilala ang kanilang apo." nakangiting saad ni Anna Luisa sa asawa."Tiyak kong matutuwa silang makita ang kanilang apo, na napakabibo at kulit." natatawang sambit ni Charles kaya nagtawanan nalang sila mag-asawa.Sampung taon na halos ang lumipas sim
Anna Luisa"Handa ka na bang malaman ang dapat itama ng nakaraan sa kasalukuyan?" bungad sa akin ng matanda. Kaya tumango ako sakanya."..kung ganun oras na para magkita kayo ni Aera." saad niya kaya gulat na napatingin ako sakanya.At tsaka siya nagkumpas ng isang spell at lumabas sa harapan ko si Aera. At nakatingin siya sa akin."Ate Anna Luisa?" tawag niya sakin ng makita ako.Magsasalita na sana ako ng unahan ako ng matanda kaya di na ko nagsalita pa, baka magalit eh."At dahil narito na kayo parehas kumapit kayo sakin at dadalhin ko kayo sa sinasabi kong naging pagkakamali ng nakaraan sa kasalukuyan." sabi niya samin, kaya sabay kaming humawak ni Aera sakanya.Kaya napapikit kami ni Aera, at sa pagmulat namin ng mata ay isang pamilyar na senaryo ang nakita namin..
Anna LuisaPagpunta namin sa gate ng Hacienda ay saktong nandun na ang kotse nila Julia kaya agad kaming lumabas para sunduin sila. Pagbaba nila ay agad kaming nagngitian.."Julia, pwede bang mauna ka na sa loob?" pakiusap ni Kuya sakanya kaya agad naman siyang pumayag at nauna sa loob.Ng maiwan kami sa labas ay mahinang napatili si Alonika, at ganun nalang ako gulat namin ng biglang bumaba ang isang lalaki, sino naman ito?"Bakit nagtitili ka diyan? Bakit di pa kayo pumapasok?" sunod-sunod na tanong nito kay Alonika."Ay bakit bawal ba tumili, pwede ba umuwi ka na muna sa inyo bukas ka nalang pumunta dito magpapahinga na rin kasi kami." sabi ni Alonika doon sa lalaki."Oo nga Clyde iho, mas mabuti pang umuwi ka muna. Bukas na lamang tayo muling magkita." nakangiting sabat ni Tita.
Anna LuisaNg makabalik kami mula sa paglilibot sa mga pasyalan dito sa Poblacion Indang ay nagpasya kaming humiwalay ni Ethan sa mga kasama namin at pag-usapan ang dapat naming pag-usapan."Aera, gusto ko magsorry dahil hinayaan kitang umalis ng di man lang tayo nakakapag-usap." panimula at basag niya sa katahimikan."Nabasa mo ba yung liham?" tanong ko sakanya. Kaya tumango siya, senyales na nabasa niya nga."Kaya nga nandito ako sumama sa Kuya mo, para lang sundan ka at magsorry sayo ng paulit-ulit." sinserong saad niya. Kaya malungkot akong napatingin sakanya..Ako dapat ang humingi ng tawad sayo, dahil anumang oras ngayon ay bigla akong maglalaho para harapin ang tadhana ko sa nakaraan."Di mo kailangang huningi ng tawad sa akin, dahil wala kang kasalanan. Naiintindihan ko na ganun an
RafaelSabi nila Azrael ay mamayang gabi raw ang dating nina Alonika at Julia kaya napagpasyahan naming gumala muna sa napakagandang lugar ng Poblacion Indang. At kasama namin ang maligalig na si Aljean, btw kasama niya mga barkada niya na sina Charm at Rica para humingi ng tawad sa nagawa nila kay Julia, para kasing yung ginawa nila ang tuluyang nagtulak kay Julia na umalis ng bansa at sa ibang bansa magpatuloy ng pag-aaral."Bakit ang ganda-ganda rito?" namamanghang sambit ni Catriona, habang nakatingin sa Plaza ng Poblaciong Indang, ang Indang Town Plaza ang isa sa historical landmark dito sa lugar na ito.Napakaganda tingnan ng plaza, sunod naman kaming dinala sa Bonifacio Shrine di kalayuan sa hacienda ng mga Bonifacio.Napakatayog at ganda nito, palatandaan na dito nagmula ang isa sa mga bayani ng Pilipinas.Matapos naming magpunta sa mga magag
Anna LuisaLumipas ang Lunes at medyo bumubuti na ang panahon, senyales na pwede ng bumiyahe sila Kuya Azrael bukas.Kaya eto kami ni Lara at nasa labas ng mansyon upang libutin ang halamanan dito sa Hacienda. Hanggang sa nagpasya kaming umupo sa damuhan rito at tsaka nagkwentuhan."Lara, nais ko lamang malaman mo na masaya ako nakilala kita. At gusto kong ikaw ang magsabi sakanila ng totoong kwento ni Anna Luisa.." nakangiting sabi ko sakanya dahilan para mapalingon siya sa akin na puno ng pagtataka."A-anong ibig sabihin mo, Ate Anna Luisa?" takang tanong niya sa akin."Ikwekwento ko sayo ang katotohanang natuklasan ko sa pamamagitan ng lumang orasan na ito, gusto kong malaman mo at ikwento sa iba na si Anna Luisa ay di nagpakamatay at di natagpuan ang bangkay niya sa Ilog paraiso, tulad ng maling bersyon ng kwento ng ukol sa aki
RafaelNung saktong pauwi na ako nung biyernes ng hapon ay bigla akong kinausap ni Alonika, na baka raw gusto kong sumunod o sumama sa kanila papunta kay Julia. Siyempre nung una natuwa ako, pero naisip ko na baka ipagtabuyan niya lang ako kaya tumanggi ako.Kaya eto ako ngayon, nasa bahay at nakatambay. Nandito nga pala sila Ethan, Maxwell at Steven, nakipag-ayos na rin ako sa dalawa, dahil naguguilty talaga ako na iniwasan ko sila."Talagang di ka sumama kay Alonika para makita si Julia?" di makapaniwalang sabi ni Maxwell sa akin, kaya sinamaan ko siya ng tingin."Baka kasi ipagtabuyan niya lang ulit ako, kaya di na ko sumugal." sagot ko sakanya. Kaya nagtinginan sila at tsaka nagtawanan, nasa ganun kaming sitwasyon ng biglang dumating si Azrael.Naks naman kumpleto kami."Oh, Azrael. Buti naman nakarating ka at
Ang KatotohananAnna LuisaDi natapos ang araw na to na di ko nababasa ang libro ng kasaysayan. Tulog na si Lara kaya ako nalang naiwan sa sala, gabi na rin kasi kaya naiintindihan ko siya.Patuloy ako sa pagbabasa ng napakakapal na libro ng kasaysayan dahil di ko matagpo-tagpuan ang sinulat ng paslit na ako sa libro na ito. Nagulat ako ng kumidlat ng napakalakas, dahilan para makaramdaman ako ng takot.Ang higpit naman ng hawak ko sa lumang orasan na nakuha ko sa isang baul sa taas, dahil malakas ang kutob na ito ang magiging susi para makabalik ako sa taong 1897.Habang lumalalim ang gabi, ay lalo ako nakakaramdam ng takot at kaba.Nakailang pahina ng biglang isang pahina ang pumukaw ng atensyon ko. Kaya agad ko itong binasa."Kasaysayan ng isang Anna Luisa Bonifacio, ang panibagong Anna Luisa ay tatawaging
Anna LuisaNgayon ay Linggo, at napagpasyahan naming ipagpatuloy ni Lara ang pagbabasa sa talaarawan ko."Mahal na talaarawan ngayong araw ay di maganda ang araw na ito, dahil ngayong araw ay nalaman naming nasa Maragondon, Cavite sina Tiyo Andres at Tiyo Procopio. Kaaraawan ko ngayon pero di ako masaya dahil kanina lamang ay nalaman naming napaslang na sina Tiyo Andres at Tiyo Procopio. Kaya narito kami at nagluluksa sa kanilang pagkawala." -10 Mayo (1897)Eto yung eksaktong araw na nangyari ang masamang paninitig ni Sarah sakin. Eto yung araw na di ko na alam ang mg sumunod na ng nangyari, pero ng dahi