Tapos na kaming kumain lahat.
Nang mapansin ni Tita yung bitbit kong bulaklak ngumiti sya sa akin at lumapit. Nandito ako sa balcony nila at nakiupo sa upuan.Ang lakas kasi ng hangin dito!"Mabango ba ija?"-Tanong ni Tita wendyTumabi sya sa akin sa katabing upuan malapit sa akin."Opo tita."-Sagot ko."Alam mo bang binili at tinanim ng anak kong si Austin ang mga bulaklak na yan."-Paliwanag ni tita.Nagtataka ako ilan ba anak ni tita Wendy akala ko si henry lang anak nila kaya nagtanong ako kay Tita."Tita ilan po ba sila?"-Tanong ko sa kanya."Hindi mo pa pala sila kilala ako na magpakilala sa kanila para sayo bale anim silang lalaki si Austin Xavier Takahashi ang panganay namin yung ayaw bumaba, ang sunod si Wilver Russ Takahashi yung parang inaantok pa, sunod naman si Gunner Dylan Takahashi yung may hikaw sa tenga, sumunod naman sa kanya si Dash Wilder Takahashi yung chinito ang mata sunod si Vincent Parker Takahashi yung may silver sa leeg at ang bunso sa kanila ay si Henry Tyler Takahashi kilala mo naman na sya diba yung palangiti."-Mahabang pakilala ni Tita Wendy sa mga anak nya.Grabe! Naloka ako sa pangalan nila.Bunso pala si Henry!"Ang gwapo ng mga anakers ko, sobrang gwapo kasi ng tatay nila"-Sabi ni tita."Opo Tita."-Sagot ko.Biglang nagtanong sa akin si Tita Wendy."Sino type mo sa kanila tilly?"-Tanong ni Tita.Hala! Ano isasagot ko kay tita?"Tita wag po kayo magagalit sa akin wala po sorry."-Pag-amin kong sabi.Si Asher Liam Smith ang type ko gusto ko sana sabihin."Ano ka ba ija binibiro lang kita, alam kong wala sa kanila."-Misteryosong sabi ni Tita.Paanong alam nya?Maloloka na ako sa kanila promise!Grabe role ko dito sa kwento na itoPero ayos lang ako naman ang bida dito.Dumating si mom at lumapit sa amin ni tita wendy."Kumare kami ay aalis na salamat pala sa pag-imbita sa amin dito tara na anak."-Pasasalamat na sabi ni mom."Wala yun kumare! kayo pa ba ni Zachary at anak nyong si Marissa ano pa at magiging buo na tayo na pamilya soon."-Masayang sabi ni Tita Wendy."Kumare alis na kami."-Sabi ni mom. Nagbeso-beso silang dalawa at hinawakan ni mom yung kamay ko. Nakangiti si Tita Wendy at kumaway sa amin."Bye ingat kayo!"-Rinig kong sabi ni Tita.Bumaba na kami ni mom nang may nakita akong isang lalaki na tahimik na nakatingin sa amin ni mom. Ay Mali! sa akin lang sya nakatingin.Medyo malayo sya sa kinaroroonan nya hindi ko makita itsura nya dahil nandon sya sa madilim pero kita ko yung maskuladong katawan nya dahil na rin siguro sa siwang ng liwanag sa bintana nila dito.Sino naman yun!Hila na ako palabas ni mom dito sa main door nila Henry.Lumingon ako doon sa lalaking nakatayo kanina wala na sya doon.Nasaan na sya? Saan nagpunta yun?Bakit ko ba hinahanap naloloka na talaga ako sa mga nangyayari sa paligid ko.Dami kong tanong wala naman sumasagot sa akin. Nandito na kami ni mom sa labas.Hingal na hingal na ako para kaming tumakbo sa sport complex nito"Hintayin natin ang tatay mo dito sa labas sabay na tayong uuwi"-Sabi ni mom. Hinintay namin si Dad.Mga ilang minuto dumating na sya."Let's go nandyan na si Oscar."-Sabi ni dad.Dumating na yung van namin at lumabas na si Manong Oscar at pinagbuksan kami ng pinto.Pumasok na kami sa van nasa passenger seat si dad kami naman ni mom dito sa pangalawang upuan sinarado na ni mom yung pintuan ng van handa na kami sa pag-alis ng may kumatok sa window ng van pinabukas ni dad kay Manong Oscar yung bintana.Si Henry at may dalawa sa likod nya alalay nya ata!"Tito pinapabigay ni kuya kay Tilly."-Sabi ni Henry at inabot yung box na hawak nya.Sa akin? Bakit? Ang sweet naman? Teka sinong kuya ang sinasabi nya?Inabot kay Dad yung box na pahaba ang sukat."Sabihin mo sa kuya mo henry salamat aalis na kami."-Nakangiting sabi ni Dad.Ipapaandar na sana ni dad kay manong oscar itong van nang magsalita ulit si henry."Tito meron pa siya pinapabigay sa inyo."-Habol na sabi ni henry."Ano yun hijo?"-Tanong ni dad.Ang bait naman ng kuya nya sa amin."Mga bulaklak Tito nagustuhan po kasi ni Tilly."-Sagot ni henry.Lumingon si dad kay Manong Oscar."Oscar, kunin mo yung mga bulaklak at ilagay mo sa likod."-Utos ni dad."Sige po Sir."-Sabi ni Manong Oscar at lumabas.Kinuha doon sa dalawang alalay ni henry yung mga bulaklak at nilagay sa likuran."Sabihin mo ulit sa kuya mo salamat sa binigay nya sa anak ko."-Masayang sabi ni dad.Wow ang daming bulaklak!"Sasabihin ko po tito sa kanya."-nakangiting sabi ni henry.Ang bait nila sa akin hindi pa nga nila ako gaano kakilala."Iho kami ay aalis na."-Sabi ni dad."Sige po tito bye ingat kayo."-Sabi ni henry.Pagkatapos na pagpasok ni Manong Oscar yung mga bulaklak bumalik na sya sa unahan.Pinaandar na nya ang sasakyan nang magsalita si mom."Anak, wag ka sana magalit sa amin."-Sabi ni mom.Ano ibig nya sabihin? Magagalit? Sa kanila?"Katherine!"-Sabi ni Dad kay Mom.Sumasakit na yung utak ko kaya sinandal ko na lang yung ulo ko sa bintana nitong van."Sorry."-Sabi ni mom.Tumahimik na ang paligid. Nang magsalita si Dad."Anak ito na yung binigay ni Henry."-Sabi ni dad.Inabot sa akin ni dad yung box at hinawakan ko ito.Sa bahay ko na lang ito bubuksan.Inaantok na ako!Natulog na lang ako pahinga ko muna yung utak ko atska ko na iisipin yung mga iba na gumugulo pa sakin.Miss ko na si Asher hindi na ako makapaghintay na sagutin sya sa lalong madaling panahon."Anak gising na."-Sabi ni mom.Dinilat ko yung mga mata ko at nandito na kami sa mansion namin.Lumabas na ako at naglakad.Back to home!Nakikita kong pinapasok na ng mga tauhan ni dad yung bulaklak na bigay sa akin.Lumakad na ako at pumasok sa loob ng mansion namin.Kumpleto lahat ng mga bagay at medyo malaki sya ng konti.Basta yun na lang hirap I-describe!Umakyat na ako at pumunta sa kwarto ko.Pagpasok ko sa kwarto diretso higa agad ako sa may queen size bed ko.Kapagod ang araw ko ngayon kamusta na kaya si Autumn?Teka may nakalimutan ako yung bigay sa akin ng kuya ni henry.Pupunta sana ako para hanapin yung box na pahaba yung sukat.Nang makita ko sa nilalagyan ko ng mga bulaklak sa banda ng flat screen tv ko.Teka paanong nandito hawak ko ito kanina sa Van?Kinuha ko ito at pinagmasdan kahon na pink sya na may ribbon sa gitna.Binuksan ko ito at nakita ko ang kwintas na nakinang sa ganda. Hinawakan ko ito at pinagmasdan maigi. Heart yung pendant nya ang ganda nya sobra.Lumapit ako sa human size mirror koat sinuot ko ito.Bagay sa akin yung kwintas! Hawakan ko yung pendant na heart nang may napansin akong nakasulat doon.AXTYan ang nakalagay sa gilid ng heart na pendant na bigay sa akin.Ano naman ibig sabibin ng AXT?Kinaumagahan... May natanggap akong text sa cellphone ko sino naman kaya ito? 0919*******Good morning ^_^ Kita tayo sa mall ililibre kita dahil liligawan nga kita marissa-MylovemongAsherLah! Seryoso sya kailangan mag-ayos na ako ng sarili ko kailangan maganda ako kapag nagkita kami ni Asher ko. Teka kanino nya nakuha number ko siguro kay Autumn. Malungkot ako kasi wala si Autumn nagtext sya sa akin na aalis sya mga ilang linggo daw sya mawawala. Miss ko na sya agad yung bestfriend kong yun! Nagreply ako sa kanya na ingat at balik agad pagkatapos. Tumayo na ako at pumunta ako sa closet ko. Mamimili ako ng damit kinikilig talaga ako! Kapag tinanong nya na ako, Oo na sagot ko sa kanya. Ano bang susuotin ko ito ba o ito ang hirap pumili? Kaya pumindot ako sa button na malapit sa tabi ko. Naghintay ako sandali sa kanya. Nang bumukas ang pintuan ng kwarto ko. "Ma'am Tilly, bakit po?"-Tanong ni Lara sa akin. May mga yaya ako dito pero hindi ko sila gaano inuutusan ngayon lang. Ma
"Hindi nagbibiro lang ako."-Sagot ko. Tumahimik lang sya at pang biyernes-santo na ang mukha. Kumain na lang sya at hindi ako pinansin may topak na po sya. "Ikaw talaga Ash! Oo sinasagot na kita hindi naman ito mabiro tinitesting lang kita pogi."-Nakangiti kong sabi. Tumingin sya sa akin at parang nanalo sa lotto na ngayon ang mukha nya. Nagsalita na sya. "Walang bawian!"-Sabi nya. Masaya sya kasama ang swerte ko naman sa kanya ako na ang pinakamasayang babae dahil naging boyfriend ko ang isang Asher Liam Smith na ito. Kumain na kami marami ng nakatingin sa amin dalawa. Hindi na lang namin pinansin at kumain na lang. Pagkatapos kumain lumabas na kami sa jollibee. "Ganda? Dito ka lang sandali."-Sabi nya at umalis. Saan naman sya pupunta? Umupo ako sa nakita kong upuan. Nangalikot na lang ako ng cellphone ko at naglog in sa i*******m at tumingin sa news feed ko. Vinisit ko si Asher Liam Smith Shock!Official in Relationship to Miss Ganda 1 minute agoLagi na lang ako kinikil
"Dad magpapaliwanag ako!"-Sabi ko agad sa kanya. Masamang tingin ang pinukol niya sa akin. "Ikakasal ka na sa anak ni Hendrix!"-Galit na sabi ni dad sa akin. Tama ba narinig ko kay Dad?"Ikakasal ako? Dad naman, hindi ko kailangan yun! ayoko dad."-Hindi pagsang-ayon na sabi ko."Sa ayaw mo o gusto ikakasal ka na bukas naiintindihan mo ba yun! Ayusin mo ito Marissa at hindi ka na pwede lumabas at humawak na kahit na anong bagay na makapag-usap kayo ng boyfriend mong si Asher Liam Smith na isang babaerong lalaki! Marissa naman sa daming lalaki bakit sa isang Smith ka nakipagrelasyon kilala mo ako Marissa lahat gagawin ko kaya ikaw gumawa ng paraan para maghiwalay kayong dalawa kung ayaw mo makita ang boyfriend mo na palutang-lutang sa ilog ayusin mo ito!"-Mahabang sabi ni Dad. Sabi na nga pinaimbestigahan nya ako sana kahit ngayon lang Dad pagbigyan mo ako."Dad mahal na mahal ko si Ash hindi ko kaya makipaghiwalay sa kanya Dad naman!"-Iyak kong sabi kay Dad. Tumingin siya sa akin d
Nandito na kami sa tapat ng Venue. Pinagbuksan ako ng pintuan ng mga bodyguard ni Dad. Lumabas ako at tumingin sa paligid ang daming tao na pumapasok sa loob. "This way Ma'am kanina pa po naghihintay ang daddy mo sa loob."-Paliwanag ng tauhan ni Dad. Sumunod na lang ako sa kanila. Pinindot ng bodyguard ko yung button ng elevator. Nang makita ko sina Henry at ang mga kuya niya. Nakita rin nila ako pero hindi sila lumapit kumaway lang sa akin. "Teka lang kung gusto niyo mauna ayos lang saglit ko lang sila kakausapin."-Sabi ko sa mga bodyguard ko. Pero akala ko hindi lalapit sa akin sina Henry. "Naks naman Tilly ganda parin kahit simple lang suot kaya tinamaan sayo si kuya."-Bolang sabi ni Henry. "Oo nga tol para siyang birhen."-Puri sa akin ni Wilver. Himala hindi bagong gising. "Beautiful lady I know why he wants marry you."-Sabi ni Gunner sa akin. Kaloka si Gunner!"Akin ka na lang Tilly!"-Sabi ni Dash at kumindat pa sa akin. Binatukan sya nang sabay nina Henry at Vincent
Bumitaw yung mga kapatid ni Henry kila Ash at Austin. Lumapit ako agad kay Ash humawak ako sa kanya. Pinunasan nya yung mga luha sa mata ko at hinawakan ako ng marahan. Hinayaan ko sya na gawin yun. Natatakot ako kay Dad sa gagawin niya kay Asher. "Ang kapal ng mukha mo manggulo dito Iho!"-Galit na sabi ni dad kay Ash. Lalapitan niya sana si Ash pero humarang ako at nagsalita. "Dad wala syang kasalanan dito!"-Sigaw ko kay dad. Napatingin silang pito sa pagsigaw ko kay dad. Pero ang nagpagulat sa kanila yung pagluhod ko kay Dad na umiiyak. Lumambot expression ni Dad sa ginawa kong pagluhod sa kanya. "What's wrong?"-Narinig kong sabi ni Tita Wendy sa amin at nagulat dahil nakita nyang nakaluhod ako. "Anak hindi mo dapat gawin yan!"-Sabi ni mom. Pinapatayo ako ni Asher pero hindi ako nagpatinag hinawakan ko binti ni dad at nagmamakaawa sa kanya. "Tumayo ka na Ganda!"-Sabi ni Ash. Hindi ko sya pinansin. "Dad, pagbigyan mo ako sa gusto ko! Alam mo ba yun dad! lahat sinunod k
Minulat ko yung mata ko dahil sa ginawa nya. "Bakit Ash? Pwede naman."-Sabi ko sa kanya. Pero umiling sya at bumalik sa pwesto nya. Tumulo yung luha ko dahil sa ginawa niya."Don't cry."-Masuyo nyang sabi. Hinila ko sya bigla at hinalikan sa labi. Nagulat sya sa ginawa ko. Pero tumugon sya sa ginawa ko maingat nya akong hinalikan sa labi. Nadadala ako sa bugso ng damdamin ko. Pero humiwalay sya sa akin. "Hindi ako Marissa, hindi ako."-Iling niyang sabi sa akin.Nagulat ako sa pagtawag nya sa akin na Marissa laging Ganda tawag nya sa akin. Kaya nakakapanibago ang pagtawag nya sa akin. "Bakit humantong tayo sa ganito Ash?"-Tanong ko sa kanya. Umiiyak na ako sa harapan nya. "Sabing wag iiyak diba!"-biglang sigaw nya sa akin. Nagulat ako sa sigaw nya pero nakabawi rin. "Ayaw tumigil Ash ayaw nya tumigil sa pagbagsak kasi hindi nya rin kaya ang mga nangyayari."-Sabi ko. Umiyak ako ng malakas kaya natauhan si Ash at lumapit sa akin. "Sorry hindi ko sinasadya na sigawan ka ay
"Ayoko magkasakit ang magiging asawa ko."-Malumanay na sabi nya. Pinatayo nya ako sa damuhan at nilagyan niya ako ng jacket sa balikat ko dahil basang-basa na ako sa ulan. Hinayaan ko na lang sya sa ginawa nya. Sumunod na lang ako sa kanya. Pinagbuksan nya ako ng pinto sa sasakyan. Pumasok ako sa passenger seat at sya naman sa driver seat. Pagkapasok nya pinaandar nya yung sasakyan nya. Kinausap nya ako. "Sa mansion ka namin matutulog sabi ng Dad mo pero sa guest room."-Panimula nyang sabi. Dapat galit ako dito sa kasama ko pero hindi ko magawa. Hindi ko na lang sya kinausap at sinandal ang ulo sa bintana. Napagod na ako sa kakaiyak kaya pinikit ko ang mga mata ko. Tahimik ang paligid nagdadrive na si Austin hindi na nya ako kinausap pa. Nagising ako at tumingin sa paligid. Nandito na ako sa guest room. Kinapa ko sarili ko dahil iba na damit ko ngayon. Sino nagpalit sa akin? Si Austin? "Haaaaaaaaaaaaaaaaaaa!"-Sigaw ko. Nagsipasukan sina Henry at mga kuya nya dahil sa
Nandito na kami sa bagong bahay na binili ni Austin at may bodyguards dito na nagbabantay ng bahay.Asawa ko na sya at dito na kami titira dalawa. Medyo malaki sya pero ang ganda may swimming pool pa makikita dito. Pinaayos ni Austin yung mga gamit namin kay manang. Maganda sya kompleto sa gamit at may mga bulaklak akong nakikita sa bawat na makikita ko sa paligid. Mahilig rin ba sya sa bulaklak? Ako lang nandito may pag-uusapan daw sila ni Dad. Tungkol naman sa honeymoon pinag-iisipan pa ni Austin. Mag-uusap daw kami kung saan lugar. Nandito na yung mga gamit namin nasa itaas na nakalagay. White yung pintura ng ding-ding dito sa bahay na binili ni Austin. Walang maid dito gusto nya ako mag-aasikaso sa kanya wala ng iba lalo na asawa ko na daw sya. Marunong naman ako sa gawain bahay. Tinuruan na ako minsan ni Lara. Sobrang ganda ng bahay! May glass na makikita mo talaga yung swimming pool. Nakaupo ako dito sa couch at kumakain mag-isa at may center table dito sa harapan
"Doc pwede na ba ako magtanong sa kanya?"-Tanong nung babae sa nakaputi.Nakita niya na may lungkot sa mga mata ng doctor at nagtanong agad yung babae sa kanya."Bakit mo sinabi na birthday niya ngayon?"-Tanong nung babae sa kanya.Lumapit yung doctor sa pasyente niya at pinagmasdan ito natutulog."She never celebrate a birthday."-Sagot nung doctor sa babae.Tumayo yung doctor at narinig namin na nagsasalita ang pasyente niya habang natutulog."Austin."-Sabi nung pasyente na mahimbing ang tulog.Lumapit yung doctor sa babae at nagsalita."Tara sa labas may sasabihin ako sayo."-Seryosong sabi nung doctor sa babae.Sumunod naman ito at lumabas sila sa kwarto."Ano pala yung sasabihin mo sa akin?"-Sabi nung babae sa doctor.Nakita niya na malalim ang iniisip nito at tumingin sa kanya ng seryoso."Naniniwala ka ba na nagsasabi ng totoo yung pasyente ko?"-Tanong nung doctor sa babae."Hindi ko alam."-Sabi nung babae sa doctor.Lumakad yung doctor at sumunod ang babae sa kanya.Huminto yung
"Wife masarap ba luto ko?"-Tanong sa akin ni Austin.Tinikman ko ang luto ni Austin at nilasahan ito."Wow ang sarap naman."-Masaya kong sabi kay Austin.Ngumiti sa akin si Austin at pinagmasdan ako habang kumakain."Ate patikim ako nyan. Parang masarap pahingi ako."-Sabi ni Lexi at bumaba ng hagdanan namin.Tumayo ako at nilayo yung niluto ni Austin para sa akin."Lexi naman para sa akin ito! Kung gusto mo magluto ka. Balita ko magaling ka magluto. Bigay ito ng asawa ko."-Sabi ko kay Lexi at sumimangot.Lumapit siya kay Austin at nagsalita."Kuya luto mo ako! Mukhang masarap yun."-Sabi ni Lexi at niyugyog si Austin.Lumayo si Austin kay Lexi at nagsalita."Pagod ako Lexi. Ikaw na lang!"-Sabi ni Austin kay Lexi at ginulo ang buhok nito.Nagpapadyak siya at sumimangot sa akin.Tumawa naman ako ng malakas at nagsalita."Ikaw talaga Lexi! Tara kumain na tayo."-Masaya kong sabi sa kanila.Biglang lumiwanag yung mukha ni Lexi at lumapit sa akin."Yehey! I love you ate."-Sabi ni Lexi at nags
Nandito na kami sa bahay ni Lexi at nakita ko agad si Austin at niyakap ko ng mahigpit."What's wrong?"-Tanong niya sa akin.Humiwalay ako ng yakap sa kanya at hinampas ng mahina sa braso niya."Pinapakilig mo kasi si ate, kuya Austin! Jusko inaway ko pa yung mukhang beauty queen muna secretary! Ikaw kuya ha, Mahilig ka pala sa chicks!"-Sabi ni Lexi at kumindat kay Austin.Sinamaan ko ng tingin si Lexi at nagpeace sign siya sa akin."She's not my type! My wife is my everything. Lexi, nandon si baby Agustin sa itaas alagaan mo atska yung boyfriend mo pumunta dito hinahanap ka."-Sabi ni Austin kay Lexi.Namula naman ang pisngi ni Lexi dahil sa sinabi ni Austin kaya nagmadali umakyat si Lexi sa itaas."Ang cute naman ni Lexi kapag namumula yung pisngi niya. Ikaw! Bakit mo binili itong damit para sa akin? Akala ko ba ayaw mo ako magsuot nyan! Ano kinain mo?"-Sabi ko kay Austin at hinawakan ko ang noo niya.Hinawakan niya rin ang kamay ko at tumingin sa akin ng seryoso."Dati yun! Ayoko nam
Habang may ginagawa ako sa sala biglang nagsalita si Austin.Nagulat ako dahil naghubad siya ng damit niya at nagapron."Hubby ano ginagawa mo?"-Tanong ko kay Austin.Ngumiti siya sa akin ng matamis at hinila ako papunta sa kusina."Ipagluluto kita ng sisig dahil palagi na lang ikaw ang nagluluto sa akin."-Sabi ni Austin sa akin.Pinaupo niya ako sa upuan at masaya siyang nagsasayaw."Ano nakain mo?"-Tanong ko sa kanya.Huminto siya sa pagsayaw at tumingin sa akin."Hindi ba pwedeng ipagluto kita."-Sabi ni Austin sa akin.Tumawa ako sa reaksyon niya at nagsalita."No problem hubby. Tikman ko nga kung masarap magluto ang asawa ko."-Sabi ko kay Austin.Kumindat siya sa akin at mabilis na hinalikan ang noo ko."Kapag natikman mo luto ko makakalimutan mo lahat ng masasamang nangyari sayo."-Sabi niya sa akin at naghanda na para magluto.Tumawa ako dahil sa sinabi niya at masaya ko siya pinagmasdan."Paano kung hindi masarap luto mo?"-Tanong ko kay Austin.Tumingin sa akin si Austin at tumaw
Pinagbigyan ko ang asawa ko sa gusto niya at ang loko sobrang saya.Nagising na ako at umaga na ngayon tapos na ang aking birthday.Nagbihis ako ng damit at tumingin sa gwapo kong katabi.Ang sarap ng tulog niya kaya bumangon na ako sa higaan pero bago ang lahat hinalikan ko siya sa lips.Aalis na sana ako nang may humila sa braso ko at yumakap sa likuran ko."Ikaw wife ah! tsansing ka habang tulog ako. Bad wife."-Sabi ni Austin sa akin.Humarap ako sa kanya at pinitik ang noo niya."Ouch."-D***g ni Austin at hinawakan ang noo niya.Tumawa ako ng malakas at nagsalita."Ikaw nga dyan ang tsansing kagabi! Matutulog na tayo tapos may balak ka pa na pumunta ng langit. May romantic music ka pang nalalaman dyan."-Sabi ko kay Austin at hinampas ng mahina sa balikat niya.Siya naman ang tumawa ng malakas. Kung alam niyo lang bumabanat siya sa akin pagbigyan ko lang siya sa gusto niya."Para sweet! Tara na kumain na tayo nagpadeliver ako ng pizza."-Sabi ni Austin at binuhat ako."Kaya ko maglak
"Wife pansinin mo naman ako. Sorry na dahil hindi kita pinansin kasi basta tinatry ko hindi ka pansinin. palagi ka kasi tumatakbo sa isip ko. Sorry kasi ako may kasalanan kung bakit nalagay kayo sa panganib. Sobra nasaktan rin ako nung nawala ka halos mabaliw ako kakaisip at nabuo ang galit sa puso ko. I really guilty what happen to you and our son."-Sabi ni Austin sa akin at sinusuyo ako.Nandito ako sa pool at nakalubog ang paa sa tubig.Nakatingin lang ako sa malayo at tumingin na ako kay Austin."Ano yung nakita ko sa kwarto na perfume ng babae at yung damit may lipstick. Iiwan na talaga kita Austin kapag malaman ko na may babae ka talaga. Wala akong pakialam kung Yakuza ka, Ako ang papatay sayo tandaan mo yan!"-Galit na sabi ko at hinagis kay Austin yung damit na may lipstick sa manggas.Nakita ko nagtaka si Austin at nagsalita."Hindi naman sa akin ito Wife! Ano ba yan Wife nakita mo yung perfume."-Sabi ni Austin at tumawa siya ng malakasTumayo siya at pumasok sa bahay mga ilang
Dumating si Austin at halatang pagod kasi pawisan siya."Hubby ayos ka lang? Nagluto nga pala ako ng pagkain. Kumain na tayo."-Sabi ko kay Austin.Hindi niya ako pinansin at humiga lang siya sa sofa."Austin!"-Tawag ko sa kanya pero hindi siya sumagot.Lumapit ako sa tabi ni Austin at hinawakan siya nang bigla siya nagsalita."Tsk. Busog na ako ikaw na lang kumain."-Galit niyang sabi sa akinNagulat ako dahil nagalit siya sa akin tumayo siya at naglakad sa itaas.Bigla tumulo ang luha ko sa mata dahil galit sa akin si Austin.Kasalanan ko na sige pagod siya kaya kailangan niya magpahinga.Nagluluto ako ngayon ng pagkain namin ni Austin atska pinagtimpla ko ng gatas si baby Agustin.Nakita ko si Austin na bumaba sa hagdan at bagong gising."Kumain ka na. Nagluto ako ng paborito mo."-Sabi ko kay Austin.Hindi niya ako pinansin at umupo lang sa upuan at kumain ng tahimik.Nagtataka ako sa kinikilos niya ngayon at pakikitungo niya sa akin.Tumabi ako kay Austin at kumain na rin kasama siya
"Kumain ka na hubby?"-Sabi ko kay Austin habang nanonood siya ng tv dito sa bahay.Hawak niya si baby Agustin at ang himbing ng tulog ni baby.Kasalukuyan nagluluto ako ng breakfast at tumitingin sa mag-ama ko.Ang sarap sa pakiramdam dahil okay na lahat at masaya na kami sana hindi na matapos ito.Mahal na mahal ko si Austin at ngayon may baby na kami at ang gwapo pa."What are you thinking wife?"-Tanong sa akin ni Austin.Ngumiti ako at inasikaso ko na ang mga pagkain sa lamesa."Ang iniisip ko ay ikaw wala ng iba! Tara na kumain na tayo. Lapag muna si baby sa higaan niya."-Sabi ko sa kanya.Nakita kong pinatay na niya ang tv at nilapag niya si baby Agustin.Lumapit na siya sa akin at niyakap ako sa likuran ko."Tigilan mo ako Austin! Kumain muna tayo."-Sabi ko kay Austin.Humalik siya sa balikat ko at umalis na sa likuran ko at umupo na sa upuan."Parang naglalambing lang wife. Ikaw kung ano iniisip mo!"-Sabi sa akin ni Austin at tumawa.Namula naman ang pisngi ko dahil sa sinabi ni
"Alam mo ba matagal na kami magkasintahan ni lester nakilala ko siya sa japan dahil nag-ojt ako dito ng limang buwan. Nung una ayaw ko talaga sa kanya pero napamahal ako dahil sobrang bait niya at maalaga.Alam mo bang nasasaktan ako kasi gusto na niya magkababy na kami pero hindi ko siya magbigyan. Nung nalaman niya nabuntis ka kay Austin. Nagplano siya na kukunin niya sa sinapupunan ang anak mo kabayaran daw sa pagkakasala sa kanya ni Austin. Wala akong alam kung saan nagsimula ang lahat pero gusto ko talaga maikasal na kami ni lester at aalagaan ang bata. Sana mapatawad mo kami sa gagawin namin pagkuha sa anak niyo ni Austin."-Kwentong sabi nung babae sa akin.Hindi ko alam kung bakit ako umiiyak ngayon sa sinabi niya kung tutuusin dapat magalit ako dahil ilalayo nila ang anak namin ni Austin.Pero nagtaka ako kung bakit magkakilala sila ng asawa ko."Bakit mo kilala ang asawa ko?"-Tanong ko sa babae na umiiyak rin sa kwento niya.Tumingin siya sa akin at nagsalita."Matagal ko na