Pauwi na kami ni Dannie pero hanggang ngayon ay iniisip ko pa rin ‘yong sinabi ni nanay.“Anastasia, are you listening to me?”Ano kayang mga dahilan niya.“Hey, are you okay?”Anong meron sa apelyedong Walton at gano’n na lang si nanay kung itago ito.“Anastasia,”Napatingin ako kay Dannie ng yugyogin niya ako.“Kanina pa kita tinatawag hindi mo ba ako naririnig? Ayos ka lang ba? May masakit ba sayo?” nag-aalalang sunod -sunod na tanong ni Dannie.Napabuga ako ng hangin at umiling sa kaniya.“Ayos lang ako Dannie. May iniisip lang ako,” sabi ko naman.“Sigurado ka? Ano bang iniisip mo at kanina ka pa ganiyan simula ng umalis tayo sa opisina. May nangyari ba sa opisina kanina na hindi ko alam?” tanong na naman niya.Ang dami niyang tanong. Hindi ko alam kung hormones ko lang ito pero naiirita ako kay Dannie pero pinipigilan ko lang ang sarili ko dahil baka masungitan ko na naman siya, wala pa naman ako sa mood manuyo ngayon.“Dannie ayos lang ako at kung ano man itong nasa isip ko lili
DANNIE’S POV Nagising ako ng makaramdam ako ng lamig. Napahawak ako sa ulo ko ng sumakit ito at naalalang uminom ako. Minulat ko ang mata ko at hahanapin ko sana si Anastasia pero natigilan ako ng makita kong ang himbing ng tulog niya habang nakasandal sa side table ng kama namin. At nakaunan ako sa mga hita niya. Sa sahig kami natulog. Marami ba akong nainom? Dahan-dahan akong bumangon para buhatin siya at ihiga sa kama nang maging komportable ang pagtulog niya. Humiga rin ako agad dahil masakit ang ulo ko. Napangiti ako ng isiksik niya ang ulo niya sa kili-kili ko tulad ng lagi niyang ginagawa. Nakapikit ako habang hinahaplos ko ang kunting umbok na sa tyan niya at natulog na ulit. Maaga akong nagising, bumaba ako agad para magkape at maalis ang hangover ko. “Ang aga mo yata nagising ngayon?” tanong ni Jea ng makababa ako at dumeritso dito sa kusina. “Coffee for hangover please,” utos ko kay Jea. Natawa naman siya, “Sige inom pa, tapos kinaumagahan may hangover ka,” sabi
DANNIE’S POVAng gaan ng pakiramdam ko habang nagmamaneho dahil magkahawak ang kamay namin ni Anastasia.Ang saya-saya ko dahil nalaman na namin mula sa doctor niya kung anong gender ng baby namin.5 months na si baby kaya nagpasya na kaming malaman kung babae ba o lalaki ang magiging anak namin.Kagagaling lang namin sa doctor niya at ngayon ay nagdecide akong dumeritso sa mall para mamili na ng mga gamit ni baby.Exited na akong makita ang baby namin.Sa katunayan, palihim na rin akong nag-iisip kung anong ipapangalan namin sa kaniya.“Dannie, hindi ito ang way pauwi sa bahay,” sabi ni Anastasia ng mag left-turn ako diretso lang kasi ang daan pauwi sa bahay.Hindi ko pala nasabi sa kaniya na gusto ko ng mamili ng gamit ni baby.“Sa mall tayo pupunta, mamimili na tayo ng gamit ni baby,” masayang sabi ko.“Ang aga naman yata Dannie?” tanong niya.“I’m excited,” nahihiyang sabi ko.Narinig ko naman ang mahinang hagikhik niya.“Ako rin naman exited pero mukang mas excited ka kaysa sa aki
ANASTASIA’S POVLate akong nagising dahil sobrang bigat ng pakiramdam ko. Akala ko’y tapos na ako sa paglilihi pero biglang bumalik ang pagkahilo ko araw-araw tuwing gigising ako kaya ko na mismo ang nagpasya na huwag na ulit pumasok sa trabaho.Wala na si Dannie sa tabi ko at sa palagay ko ay pumasok na siya sa trabaho dahil mag-aalas nwebe na pala ng umaga. Sinulyapan ko lang ‘yong pagkain na nasa side table ko at pumikit ulit dahil inaantok pa ako.Nagising ako ng tumunog ang cellphone ko dahil may tumatawag. Inabot ko ito at sinagot ng hindi tinitignan kung sino ang tumatawag.Hinintay kong magsalita ang nasa kabilang linya habang nakapikit.“Tasia si sir Dannie may kausap na babae sa office niya halos magdadalawang oras na,” mabilis na sabi niya sa kabilang linya.Napatayo ako bigla pero humiga ako ulit ng makaramdam ng hilo.Binosesan ko naman kung sino ‘tong tumawag kaya hindi pa ako nagsasalita.“Hoy Tasia,” sabi na naman niya.Si Blessy ang nasa kabilang linya. Kalian pa nagin
DANNIE’S POVKanina pa ako pabalik balik dito ng lakad. Paano nalaman ng mga magulang ko ang tungkol kay Anastasia at sa baby namin.“Dannie, can you please stop walking, nakakahilo ka alam mo ba ‘yon,” iritabling sabi ni grandma.Nandito rin siya sa opisina ko dahil tinawagan ko siya agad pagkatapos ko makusap ang parents ko na pupunta daw ngayon dito para pag-usapan ‘yong nalaman nila tungkol kay Anastasia at sa baby namin.“Grandma, how did they know about them?” tanong ko kay grandma na nakaupo sa sofa.“I don’t know, nagulat rin ako ng tumawag ka sa akin at sinabi mo ‘yan sa akin. Hindi naman ako nagkwekwento sa parent mo kapag dinadalaw nila ako sa bahay o dumadlaw ako sa kanila,” sabi naman ni grandma.Sino naman kaya ang nagsabi sa mga magulang ko.“Dannie iho relax, umupo ka nga para kang ‘di manganak-nganak na pusa dyan,” suway niya sa akin.Umupo na rin ako dahil napagod na ako kakalakad.Ang lakas ng kabog ng dibdib ko, kinakabahan ako sa kung anong kayang gawin ni Mommy sa
ANASTASIA’S POVNakakapagtaka dahil alas-dyes na ng gabi ay wala pa rin si Dannie.Hinahaplos ko ang tyan kong medyo malaki na dahil 6 months na si baby.Pinagpatuloy ko na lang ang pag-aayos sa mga gamit ng baby namin ni Dannie dahil ngayon lang nila dineliver ‘yong inorder naming mga furnitures para sa kwarto ng baby namin habang hinihintay ko si Dannie na dumating.Hindi naman siya nagtext na malalate siya ng uwi tulad ng nakasanayan kapag marami siyang dapat taposin sa opisina ay tumatawag siya o nagtetext sa akin para sabihin na malalate siya ng uwi. Pero ngayon maghapon siyang hindi tumawag o nagtext man lang.Sana mali na naman ako ng kutob.Napabuntong hininga ako ng matapos na ako sa pag-aayos ng magiging kwato ng baby namin.Dapat ay masaya ako ngayon dahil nabuo at naayos ko na ang dream room ko para sa baby girl namin.Opo, babae po ang baby namin ni Dannie kaya super girly ng design ng kwarto ng anak namin.Sumandal ako sa pintuan ng kwarto ng anak ko at pinagmasdan ko ang
Hindi ako nakatulog ng maayos sa kakaisip kay Dannie at sa Honey niya. Nakatalikod ako magdamag kay Dannie akala niya sinusumpong na naman ako kaya hinayaan niya akong natulog na nakatikod sa kaniya pero nakayakap siya sa akin.Gising na ako pero hindi ako bumangon para ipaghanda siya ng agahan ng mga gagamitin niya. Nagpanggap akong tulog ng maramdaman kong bumangon siya.Humalik siya sa noo ko at sa tummy ko bago tumayo sa higaan namin.Sana hindi ko na lang narinig ‘yong mga sinabi niya sa kausap niyang si Honey kagabi. Edi sana hindi ako ganito ngayon parang mababaliw ako kakaisip kung sino si Honey niya.Narinig kong bumukas ang pintuan dito sa kwarto namin kaya minulat ko na ang mga mata ko. Umayos ako ng higa at para akong tangang nakatitig sa kisame.Ilang minuto ang nakalipas bumukas ulit ang pintuan kaya pumikit ako. Naririnig kong may inaayos siya dito sa gilid ko. Nang matapos ay pumasok na siya sa banyo.Minulat ko na naman ang mata ko at nakita ko sa gilid ng side table n
Nanatili ako sa loob ng comfort room. Inhale exhale ginagawa ko ‘yan hanggang sa narelax ko ang sarili ko.Nanggigigil ako na parang gusto kong magwala sa sobrang sakit.Tumayo ako at pumunta sa harapan ng salamin. Nakita ko ang sarili kong luhaan. Mapait akong napangiti.Pinunasan ko ang mga luha sa mukha ko at naghilamos. Pero pagpikit ko ay naaalala ko na naman ‘yong Nakita ko kanina.“CRASH!”Hindi ko napigilan ang sarili ko na suntukin ‘yong salamin.Tinitigan ko ang kamay kong may bubog at dumudugo.Bakit hindi ko maramdaman ‘yong sakit sa kamay kong patuloy na dumudugo.Bakit mas nangingibabaw ‘yong sakit na nandito sa puso ko.Nakarinig ako ng sunod-sunod na katok. “Anastasia what happened there? Are you okay?” kinakabahan na tanong ni Selena na lola ni Dannie.Siguro ay plinano niya ito na ayain akong kumain dito sa labas para makita ko at marealize ko na hindi ako karapatdapat sa apo niya.Binuksan ko ang pinto at nagulat siya ng makita ang kamay kung dumudugo.“Anastasia, an
Masayang naglalaro sa parke si Adah, Atarah at Taniel habang pinagmamasdan sila sa ‘di kalayuan ng kanilang ina na si Anastasia nang biglang may batang tumakbo palapit sa kanila. Tumigil ang bata sa kanilang harap at hindi umiimik. Nagtitigan sila ni Taniel dahil magkamukang magkamuka sila. Ang dalawang batang babae naman ay nagpapalitan ng tingin kay Taniel at sa kararating lang na bata sa kanilang harapan. Napatayo naman si Anastasia sa kinakatayuan niya sa pagkabigla at agad na lumapit sa kanilang apat. Umupo siya upang magpantay sila ng batang nasa harap niya na kamukang kamuka ng anak niyang si Taniel, oo tinanggap niya ng buong puso ang anak ni Honey sa kabila ng ginawa nito sa kanila. Walang kasalanan ang bata, ‘yan ang laging sinasabi ni Anastasia sa kaniyang asawa. “Hi handsome,” maalumanay niyang bati sa kamukang bata ni Taniel. Ngumiti ang bata sa kaniya at mas lalong pumogi ang batang lalaki. “Hi po,” magalang niyang sagot kay Anastasia. “Where’s your mother, littl
Fixed marriage? Uso pa ba 'yon? Hello? Mag twenty-twenty three na? I can't still believe that I am on this situation right now. Eto ako, nakaupo, nakaharap sa salamin. I am wearing my red dress now na mas nakaka paaninag sa aking kulay. Naghahanda papunta sa isang sikat na restaurant dito sa Quiapo Manila. Naghahanda para makapagkita kami ng aking hindi pa nakikilalang mapapangasawa. Oo, ikakasal na ako sa taong di ko pa nakikilala. Ni litrato niya man lang ay hindi ko pa nakikita. May kumatok sa pintuan ko ng tatlong beses bago bumakas ito. Bumungad si Mommy. “Are you ready baby?” masayang tanong niya sa akin. “Yes po mom” masayang sagot ko rin. Pero ang totoo, masaya nga ba ako? Sabagay wala naman akong kasintahan na masasaktan pag kinasal ako wala na akong balita sa kaniya. “We will wait you outside baby.” paalam niya bago lumabas ng kwarto ko. --Sa loob ng Restaurant- "Hi, ija come here!" bati ng isang napakagandang ginang sa akin, Katabi niya din ang asawa nito. Kaibig
Nagising ako dahil bigla akong nakaramdam na hindi ako makahinga ng maayos. Sinulyapan ko ang mga kasama ko dito sa loob ng hospital room ni Adah at mahimbing silang natutulog lahat. Nakahiga sa sofa isang si Atarah samantalang nakaupo namang tulog si Yhael.Naalala kong last na ‘yong gamot ko kaninang tinake ko kaya nagmamadali akong lumabas at hinanap ang family doctor namin.Nakahawak ako sa pader habang naglalakad patungo sa office niya. Pero hindi ko na talaga makayanan kaya natumba na ako at bago ako pumikit ay may nakita akong isang pamikyar na muka. “John,” ani ko bago nawalan ng malay. Nagmulat ng mga mata si Yhasy at napagtanto niya na nangyari na ang hindi niya inaasahang pangyayari. Sa kanyang panaginip, nakita niya ang mukha ng kanyang kaibigang si John na siyang yumao dahil sa malubhang sakit. Nalungkot siya nang mapagtanto niya na hindi na nila mabubuo ang kanilang mga pangarap para sa kanilang mga kinabukasan.Ngunit nang pagsapit ng umaga, natuklasan ni Yhasy na
Mabilis naman akong nakarating sa pinaka malapit na Mall. Pumasok na ako agad. Naglakad lakad muna ako sa loob ng Mall. Nang biglang may tumawag. Unknown number. Tinitigan ko muna bago ko sinagot. "Sino naman kaya ito? Kabago-bago ng number ko ah!" Nagitla naman ako ng magsalita ang tumawag sakin "Hello it's me Yhael. I get your number to Atarah. I don't know where you is so I get it to her" ani niya. Umirap na naman ako sa hangin. Atarah. Magbabayad ka talaga! "Then?" tanong ko. "I'm here. Where are you?" tanong niya. Nag-isip naman ako kung ano ang gusto kong kainin. At nagliwanag ang mga mata ko ng maisip kong… "Kita na lang tayo sa Jollibee!" ani ko. Kahit pilit kong itago ang saya ko ng banggitin ko ang Jollibee hindi ko mapigilan eh.Kaya binaba ko na ang tawag niya. After how many years makakakain na rin ulit ako. Ganado akong naglakad papunta sa Jollibee. Nauna akong makarating doon sa kanya pero ilang minuto lang ay dumating na rin siya. "Let's go! Ikaw na
"Y-you!" Malakas na sigaw niya sakin. Inirapan ko lang siya. "Anong you! ka jan! You know her? You know each other?" Nagtatakang tumingin sakin at ibinalik sa lalaking nasa harap ko. "No!" sabay na sagot namin. "Huh? Why you act like that!?" Tanong niya sa lalaking nasa harap namin. "Siya ang bestfriend niyo ni Adah?" At tinuro pa ako "Ummm" tango-tangong sagot ni Atarah. Tulala siya habang nakatingin sakin. "What the!" ani niya. "Atarah! I want to eat dessert! If youre done talking to that man. Let's go!" ani ko. Nauna na akong naglakad pero ng makatapat ako sa lalaking iyon.Bumulong ako sa kanya. "Very Nice meeting you again Yhael" malambing pero sarcastic tone. Nakita ko naman ang pagkagitla niya tulad kahapon. "Hahaha" Siya yong Nambadtrip kahapon habang hinahanap ko ang ballpen ko. Napatakip ako sa bibig ko. "My ballpen!" lumingon ako kay Atarah at patungo na siya sakin pero kasama niya 'yong Yhael. Hinintay ko silang makalapit.Tumingin ako sa watch ko and its al
Bumangon akong masigla. Dahil sapat na sapat ang tulog ko. Kahit 'di ko nahanap iyong ballpen ko. Sabi naman kasi sakin nila Adah at Atarah na tutulungan nila akong hanapin iyon. Iniiwasan ko rin namang wag masyadong mag-isip at magdibdib para 'di umatake itong pesteng sakit ko. Baka tuluyan akong mag Homeschooling. Pagkatapos ko maligo at magpalit bumaba na ako. Isinama ko na mga gamit ko sa pagbaba. Nakapalit na rin naman ako eh. Pagkababa ko. "Good morning!" ani ko. "Good morning, too! Ang aga natin ah?" Nakangiting bati sakin ni Atarah. 'Di ko na lang siya pinansin. At umupo sa isa sa mga upuan dito sa kusina. Sakto namang pababa na si Adah. "Good morning! Wow! Ang aga natin Yhasy ah?" bungad ni Adah. "Tsk!" Bakit ba ang big deal sa kanila na maaga akong nagising at bumangon? Nakakabadtrip lang! "Easy Yhasy." Nakaharang pa ang kamay niya sa mukha ko. Inirapan ko lang si Adah. Pumunta siya sa sala at may inayos Tsaka bumalik dito sa kusina at nagpaalam naman itong mali
"Asan na ba 'yon?" Nawawalan na ng gana kong sambit dito sa ilalim ng punong tinambayan ko kanina. Kanina pa ako rito. Pagkatapos namin mag-usap ni lolo kanina. Dumeretso ako sa klase ko. Pagkatapos naman ng klase ko dumeretso na ako dito. Four (4) pm kami pinalabas at mag si-six (6) pm na. Andito pa rin ako. Mag dadalawang oras na ako rito kakahawi sa mga dahon at sa mga malilit na sangang narito. Wala pa rin. Hindi ko makita. "What are you doing?" "Ay kabute!" napatalon ako sa gulat nang may biglang magsalita sa likod ko. Napahawak ako sa dibdib ko. bumibilis na naman 'yong tibok niya. Iba na naman nararamdaman ko. Pabigat ng pabigat. "Kabute?!" Nakataas isang kilay niyang tanong. Naitakip ko naman ang isang kamay ko sa bibig ng maalala 'yong sinabi ko. Inalis ko rin lang ito. Dahil hindi ako makahinga lalo. Iba na talaga nararamdaman ko. "Tss! K-Kung 'di mo kasi ako ginulat 'di ko mabubulalas 'yon sayo 'no! Umft!" Salabong ang kilay ko ng sabihin ko ito. Pinipilit maging mat
Nahulog ko 'yong ballpen kong nilalaro ko. Nang biglang tumunog 'yong cellphone ko. Kinuha ko ito sa bag ko. At walang ganang pinindot ang 'answer'.Itinapat ko naman ito sa tainga ko. Hinintay kong mag salita ang sa kabilang linya. Unknown number eh. "Hello?" Hindi ko mabosesan ang nagsalita sa kabilang linya. Kaya hindi pa rin ako kumikibo. "Can I speak to Ms. Yhasy Lee?" 'John??' Pinatay ko ka-agad. In-off ko na rin para 'di na siya makatawag pang muli. Kinabahan ako doon ah. Kinalma ko muna ang sarili ko. At nang maramdaman kong ok na ako. Tsaka ako tumingin sa relo ko. 4 minutes na lang. Mag s-start na ang klase ko. Dali-dali akong bumaba at patakbong naglakad. Papunta sa building ko. Nasa labas pa lang ako ng building ko. Nang maramdaman kong nahihirapan akong huminga. Kaya tumigil ako at umupo sa mga bench doon. Habol ko na naman ang paghinga ko. 'Yhasy naman kasi. Bakit lagi mong nakakalimutan'g ang bilis mo mapagod?' Sabi ko sa sarili ko. Kinuha ko agad sa bag ko 'y
Pagkatapos ng pagpapakilala ko. Nagdiscuss na si Ma'am. Pero di ako masyadong naka-concentrate. At kung bakit? Ang kulit nitong katabi ko +_+.Kinukulit ako simula nung magdiscuss si Ma'am.Like: kamusta na raw ako? Magkwento raw ako ng mga karanasan ko simula nang nag-college ako, kung may Boyfriend daw ba ako?, at maramiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiii pang iba. Pero ni isa sa mga sinabi niya wala akong sinagot. Iniirapan ko lang siya.'HayI wish. Matapos na magdiscuss si Ma'am para makaalis na ako rito.' After 11 years. "That's all for today. Goodbye class!" 'SA WAKAS!' ngiti-ngiti akong lumabas ng classroom. Napatigil ako sa paglalakad ng may tumabi sakin. At nawala ang ngiti saking labi nang.. "Sabay tayo maglunch? =)" 'Naman! "Sorry kasabay ko mga bestfriends ko" "Bestfriend mo rin naman ako ah?" 'Ang lakas ng loob mo sabihin yan John!' " Noon 'yon. Hindi na ngayon! Di mo natatandaan yang sinabi mong yan sakin noon John?" Biglang lumungkot mukha niya. At yumuko. "I have t