"Napilitan na lang kasi akong sumama sa kanila love kasi ako lang mag-isang naiwan sa dorm kasama ko naman dito ang kaibigan kong si Harry, andito lang kami sa sulok nag-iinuman," ani oa niya"Wala pala akong ka alam-alam nandiyan kana pala sa bar!!""Tinawagan kita kanina love kaso hindi nagri-ring ang phone mo. 'Wag ka naman magalit oh. Wala naman akong ginagawang masama dito. Nag-iinuman lang kami dalawa ni Harry"Ilang saglit pa ng pag video call namin ni Troy ay dumating ang iba pa niyang kasamahan na may mga kasama na itong mga babae. Na siyang narinig ko sa aking pagtawag ang boses ng mga babae malapit lang kay Troy."Bakit may naririnig akong boses ng babae diyan! Umamin ka nga Troy!"Ano ba love sa mga kasamahan ko iyan love. Maniwala ka naman sa akin oh,"At habang sa kalagitnaan ng pag-uusap at pagtatalo namin ni Troy sa video call ay may babae na lang na bigla biglang humalik sa kaniyang pisngi na siyang hindi ko inaasahan na mangyaring makita Nagulat ako ng sobra sa akin
"Bakit nagmamadali kang patayin ang phone Troy? Tama ba itong iniisip ko ngayon o baka sadyang nagkakamali lang ako kagaya nu'ng dati," bulong ko pa sa aking sarili sabay huminga ng malalim habang napapaisip."Naniniwala ako sa iyo Troy, alam kong hindi mo ako lolokohin. Na pagkamalan man kita noon subalit isang pagkakamali ko lang Naman iyon. Alam kong hinding hindi mo ako lolokohin at ipagpapalit sa ibang babae. Malaki ang tiwala ko sa iyo Troy kaya't kampanti ako sa aking sarili, " sabi ko pa sa aking sarili sabay ngumiti habang nakaharap sa salamin. Hindi ko na lamang inisip pa iyon at ibinaliwala ko na lamang. Mas nanaig pa rin talaga ang aking puso kesa sa aking isip kung kaya't ginawa kong alisin ang aking mga pagdududa kay Troy.Matapos kong mag breakfast ay pumunta agad ako sa Department Store upang mamili ng mga grocery at kakailanganin na gamit lalo pa at kakalipat ko pa lamang sa aking apartment. Siguradong marami akong gamit na kailangan pang bilhin.Nang matapos akong m
Habang hawak-hawak ko ang litrato ni Troy "Pa sabi-sabi ka pa na ako lamang ang mamahalin mo na ako na itong gusto mong makasama sa huli. And damn! You promised to me that you will marry me after you've finished your contract but what the fuck! You just broke my heart and trust on you!" Galit na pagsabi ko sabay itinapon ko ang kaniyang larawan sa sahig dahilan upang itoy mabasag.Halos sobrang kalat ng aking kwarto ng gabing iyon dahil parang nababaliw at naloloka na ako at tila wala na sa aking sarili. Wala rin akong tulog ng gabing iyon at halos iyak lang ako ng iyak na walang tigil sa pag-iiyak. Samantalang masaya at maliagaya si Troy doon sa Singapore kasama ang babae niya. Hindi ko talaga mkakalimutan ang gabing ito sa buong buhay ko. Gabi na kung saan ay nasaktan ako ng lubusan. Gabi kung saan nasira ang lahat ng pangarap ko sa kanya. At gabi kung saan pinadama niya ulit sa akin ang sakit na kaniyang ipinaramdam sa akin noon.Kinabukasan araw ng Linggo kung saan tulala lamang
Hindi niya kasi alam na dumating na ako sapagkat sa kaniyang akala ay sa susunod na buwan pa ang aking pag-uwi rito ng Pilipinas.Matapos kong mag-dinner sa bahay na ako lang mag-isa ay agad na nag-ayos ako ng aking sarili para sa aking pagpunta ng M.K's Bar. At dahil sa ito ang kauna-unahang pagkikita namin ulit ni Mike dalawa ay pinaghandaan ko talaga ang aking sarili na maging presentable kapag makita niya ako o kapag nasa harapan niya na ako.Nagsuot ako ng red dress na labas ang aking likod at siyang napaka-sexy kung titignan. Naka Pony tail ang ayos ng buhok at tsaka naka 3 inches flat hills.Pagdating ko sa labas nang M.K's Bar at pagbaba ko pa lang ng aking sasakyan ay ka pansin-pansin agad na ako ang sentro ng mga tao sa labas. Tila agaw pansin ako ng lahat dahil sa aking naging ayos ngayong gabi. Habang lumalakad ako papasok nang bar ay tila parang mga magnet ang mga mata ng lahat sapagkat sinusunod ako ng kanilang mga tingin.'Yung iba ay binabatukan na lamang ng kani-kani
"I can't believe why he cheating on me Mike. Ginawa ko naman ang lahat-lahat subalit nagawa niya pa rin akong lokohin, pagtaksilan at ipagpalit sa ibang babae. Wala naman sana akong pagkukulang na nagawa sa kanya, wala rin akong mling ginawa sa kanya even lying or cheating I didn't. Kasi nga tapat aking nagmahal sa kanya ngunit sa isang iglap lamang ay nasira ang lahat at humantong sa isang masakit na paghihiwalayan," dagdag ko pa habang unti-unting nawawala sa aking sarili dulot sa labis na emosyon na aking inilalabas ngayon.Agad naman na tumayo si Mike at inagaw sa akin ang baso. "Enough Kristina nawawala kana sa iyong sarili. Tama na iyan, stop blaming yourself dahil wala kang pagkukulang na ginawa. You don't deserve him marami pang ibang lalaki diyan na mas deserving para sa iyo Kristina," palakas na boses na pagsabi niya sabay hinawakan ang aking mukha at sabay na tinitigan. "Nandito pa ako na naghihintay lamang sa iyo Kristina, na naghihintay lamang na magawa mong buksan ang iy
It was Saturday in the morning kung saan sinimulan ko na ang pagpapatayo ng building. Alam kong malaki ang puhunan ko sa project na ito subalit pinaghandaan ko naman ito nang maiigi.Hihintayin ko na lamang ang 2 months estimated bago matapos ang pagpapatayo ng aking building that soon to be "K Restaurant."Sabado nang hapon kung saan kakauwi ko lang galing mall nang tumawag sa akin si Mike para sa kaniyang pagbabalak na pumunta sa aking bahay."Hi Kristina busy ka ba ngayon?" Tanong ni Mike galing sa kabilang linya."Oh hi Mike, ikaw pala iyan. Um, bakit naman?" Tanong ko pa sa kanya habang nabigla sa kaniyang pagtawag."Um, anyway pasensya kana pala kung ngayon lang ako tumawag ulit sa iyo kasi maraming inasikaso sa Bar," ani pa ni Mike na tila nagdalawang isip sa kaniyang sinasabi.Napabuntong hininga naman ako."No it's okay. Actually naiintidihan kita kasi alam kong busy person ka," sabay lapag ng aking bag sa sofa at tsaka umupo habang tinatanggal ang sintas ng aking suot na sap
Napakagat labi siya habang tinititigan ang aking liig kasabay ng pag-iisip patungkol sa aking pagkilos ngayon. "Just nevermind. By the way kukunin ko lang muna sa loob ng sasakyan ang mga binili kong pagkain at nang sa ganoon ay makakain na nga tayong dalawa."Well, mabuti pa nga," wika ko sabay pinag-cross ang aking magkabilang bisig.Mayamaya lang ay pumasok na kami ni Mike sa loob pagkatapos ay kumain kami agad ng hapunan.Pagkatapos naming maghapunan ay nagpahinga muna kami habang nakaupo sa sofa at nanonood ng movie. Ilang saglit lang ay inilabas ko na ang aking homemade mango float upang maging panghimagas namin ni Mike.Habang kumakain ng dessert, mango float si Mike. "Wow the taste, the flavor of your homemade mango float is so delicious. Ikaw ba talaga ang gumawa nito?" Palakas natanong ni Mike habang lasap na lasap ang sarap sa kinakain niyang mango float.Napatigil naman ako sa pagkain sa huling sinabi niya. "Oo syempre, ako kaya ang gumawa niyan. Bakit hindi ba obvious?" A
Mayamaya pa ay biglang umimik si Mike at tumayo sa kaniyang kina-uupuan habang nagpapaalam na sa akin siya'y umalis na lalo pa at gabi na nga. "Um, anyway Kristina parang malalim na yata ang gabi at baka maiistorbo ko na ang iyong oras sa pagtulog. Siguro ay kailangan ko na lang na umuwi. Total mag-aalas dyes na nang gabi and for sure ito ang oras ng iyong pagtulog," saad pa ni Mike sabay dampit ng kaniyang jacket sa sofa."Mag-aalas dyes na ba? Hindi ko na yata na malayan ang oras. By the way uuwi kana ba talaga?" Ani ko pa sabay tiningnan siya sa kaniyang kinatatayuan."What do you mean? Um, kasi baka makakaistorbo na ako sa iyo. Malalim na kasi ang gabi at baka matutulog kana. So, I decided na umalis na lang," wika pa ni Mike na tila may pag-aalinlangan pa. "So, anyway I have to go. Mauna na ako Kristina and have a goodnight," dugtong pa niya sabay ngumiti sa akin ng kunti.Pa alis na sana si Mike palabas ng bahay ng bigla ko siyang tinawag kung kaya't bigla siyang napahinto sa kan
Ilang oras ang pananatili ko rito dahil sa paghihintay ko sa paglubog nang araw at mayamaya lang din ay tila nagsisimula nang lumubog ang araw.Habang nakatitig ako sa ilog ay may napansin akong isang anino ng lalaki na naka-refelect sa tubig. Nagtaka ako kung kaya't dahan-dahan akong lumingon.At paglingon ko ay hindi ko inaasahan na makikita si Troy na siyang nakatayo sa aking likuran.Nabigla ako at nagulat lalo pa alam kong hindi pa siya nakagising mula sa kaniyang mahabag pagkawala ng malay at iyon nga ay nagpapagaling pa siya. Subalit ngayon ay nandito siya sa Laguna mismo sa aking harapan na siyang labis kong ipinagtaka."Na istorbo ba kita?" Mahinahon na tanong ni Troy habang may ngiti sa kaniyang mga labi.Napatigil naman ako habang tulala lang dahil sa hindi makapaniwala na nandirito siya ngayon."Nandito ako para humingi muli nang patawad at pasensya sa iyo Kristina. It's been a long time na hindi tayo muli nagkausap since the accident happened," wika pa ni Troy sabay hawak
"And I was surprised nang matuklasan kong your ex-girlfriend Savannah ay siya pa lang kinaaabalahan mo. At gusto mo pa bang malaman ang mga further information na natuklasan ko?" Sabay pinukol ko siya ng masamang tingin habang napatawa ako ng kunti kahit alam ko namang napipilitan lamang ako."I saw you and your ex-girlfriend Savannah na naghahalikan at gumagawa ng kababuyan! Gusto mo pa bang malaman ang lugar at panahon? It was Sunday in the afternoon at San Carlos St. Kung saan nagawa niyo pang mag renta ng isang private house para magawa niyo lang ang mga kababuyan niyo ni Savannah! Gusto mo rin ba na malaman kung paano ko iyon nalaman? Obviously sinundan ko si Savannah sakay ng kaniyang sasakyan at hindi ko inaasahan sa aking buhay ang aking makikita at matutuklasan doon! And now tell me, iba ka ba sa lahat ng lalaki Mike? Matino ka ba katulad ng pagkakasabi mo noon sa akin?"Natulala naman si Mike habang hindi alam ang kaniyang sasabihin at ipapaliwanag sa akin. Mayamaya pa ay hu
"Diyos ko 'wag naman sana magkatotoo itong iniisip ko ngayon. Sana ay mali lang ako ng iniisip 'wag naman sana umabot pa sa puntong magkakaroon ulit ako ng trauma. Ikaw na lamang ang bahala," bulong ko pa sa aking sarili sabay huminga ng malalim habang balisang balisa na.Ilang saglit pa ay nakita kong pumasok sa isang private house si Savannah kung kaya't pinahinto ko na lamang ang aking sasakyan lalo pa at makikita nila ang aking pagpasok doon.Humanap muna ako ng magandang pagtaguan ng aking sasakyan upang hindi nila ito makita. At nang makahanap na ako ng magandang lugar na pagtaguan ng aking sasakyan at agad akong tumungo sa entrance ng private house na pinasukan ni Savannah.Wala namang ka tao-tao ang lugar na ito pero bakit naririto ngayon si Savannah. Ano naman ang gagawin niya rito, imposibli naman na pupunta siya rito ng mag-isa. Siguro ay may taong nag-aantay sa kanya sa loob ng private house na ito.Mayamaya pa ay napaisip ako sa aking gagawin upang makapasok sa loob ng h
Mayamaya pa ay um-order na sila Savannah kasama ang dalawa pa niyang kaibigan na hindi ko kilala.Pinagmamasdan ko lang sila habang sila'y abala sa pakikipag-kwentuhan sa isat-isa.Ilang saglit pa ay dumating na ang kanilang order. Um-order sila ng aming specialty na main dish which is Spicy buttered chicken."Wow it looks like delicious!" Sabi pa ng isa sa mga kasamahan ni Savannah.Nang magsimula na silang kumain ay biglang tumayo si Savannah sa kaniyang kina-uupuan at sabay nagpatawag ng isang waiter.Sa paraan pa lang ng kaniyang pagkilos at reaksyon sa kaniyang mukha na makikita ay halatang may hindi ka nais-nais diri.Agad naman na pumunta ang isa sa mga waiter ko at hinarap si Savannah."Yes ma'am what can I do for you?" Mahinahon na pakikipag-usap ng waiter sa kanya."Yet the food is so delicious but what the f*ck ! It's very spicy which I hate it and I don't like to eat!" Reklamo pa ni Savannah sabay napataas ang tono ng kaniyang boses."Nako I'm sorry for that ma'am but your
Kahit na may problema akong kinakaharap ngayon sa relasyon namin ni Mike ngunit bigla ko na lamang itong nakalimutan dahil sa aking excitement na naramdaman nang marinig ko ang pangalan ni Troy.Bago ako tumungo nang ospital ay dumaan muna ako sa mga bilihin ng mga prutas upang dalhin kong pasalubong para kay Troy doon sa ospital.Pagkatapos nu'n ay agad na dumiritso ako sa ospital. Pagpasok ko sa loob ng kaniyang kwarto ay tila nagtaka ako kung bakit wala rito ang Mommy ni Troy o mga kamag-anak niyang pweding bumantay sa kanya subalit kailangan talaga na may taong babantay sa kanya rito.Hindi ko na lang iyon pinagtuunan ng pansin at baka lumabas lang ng kwarto at may inasikaso pa.Dahan-dahan akong lumapit sa higaan ni Troy at dahan-dahan na inilapag sa mesa ang aking dalang prutas para sa kanya.Habang nakatayo ako sa kaniyang tabi ay dahan-dahan kong hinawakan ang kaniyang maamong mukha. Pinagmamasdan ko siya ng mabuti habang mayroong tuwa sa aking mukha na makikita."Hindi na ako
Sa hindi ko inaasahan na mangyari ay makikita ko si Mike sa daan na sakay din ng kaniyang sasakyan na siyang patungko sa San Carlos St. Which is labis kong ipinagtaka.Hindi kasi nagpaalam sa akin si Troy na may lalakarin siya ngayon ngunit nakasanayan niya naman ang magpaalam sa akin bago siya tumungo sa ibang lugar. Maliban na lang sa araw na ito ay wala talaga siyang pasabi sa akin na pupunta pala siya ng San Carlos St. Sa hindi ko alam na dahilan."Wait? San Carlos St.? Ano naman ang gagawin ni Mike doon at bakit hindi siya nagsabi sa akin patungkol sa kaniyang pagpunta sa lugar na iyon?" Pagatatakang tanong ko sa aking sarili habang napapaisip ng husto.Balak ko sanang sundan si Mike subalit naipit ako sa traffic lalo pa at rush hour na kung kaya't hindi ko na lang nagawa ang aking balak na sundan siya roon.Tinawagan ko siya sa kaniyang cellphone subalit hindi niya naman sinasagot. Ang labis na ipinagtataka ko lamang ay kung bakit alas singko na nang hapon ay pupunta pa siya sa
"Nako wala iyon. Although meron naman siyang naging girlfriend before but never ni isa sa kanila ay may binaggit siyang pangalan at ipinakilala sa amin na girlfriend niya bukod sa iyo. Ikaw lamang ang babaeng narinig namin na binaggit niya at ipinakilala sa amin na girlfriend niya," wika pa niya sabay huminga ng malalim habang napatingin sa malayo.Tila hindi naman ako makapaniwala sa aking nalaman. Ngunit ipinadama lamang ni Troy sa akin na napaka-espesyal ko pa lang tao para sa kanya. Hindi ko lubos na akalain na kahit wala na kami ni Troy ay nanatili pa rin pala akong espesyal na tao para sa kanya.Ang dating Troy na kilala ko na maraming babae at nakarelasyon ko noon ay siya rin pala ang magpapadama sa akin ng ganitong kasarap na pakiramdam.Hindi ko na muna sinabi at ipinagtapat sa Mommy ni Troy gayon din sa kaniyang pamilya ang totoong status sa relasyon namin ngayon.Hindi ko ipinagtapat sa kanila na matagal na kaming wala ni Troy at ngayon ay may iba na akong boyfriend sa kasa
Paulit-ulit man na sakit ang kaniyang ginawa sa akin noon lalo na ang traumang ibinigay niya sa akin. Ngunit nanlalambot pa rin pala itong puso ko pagdating sa kanyaAt kanina sa aking mga sinabi na hindi ka nais-nais para kay Troy ay nadala lamang ako sa aking emosyon at galit sa kanya. Dahil paulit-ulit na sumasagil sa aking puso ang kaniyang kasalanang ginawa sa akin noon. Ngunit hindi ko aakalain na mas titimbang pa rin talaga ang aming masayang napagdaan noon at kung paano kami nagmahalan noon.Patuloy lang ako sa pag-iyak hanggang sa nakaupo akonm sa sahig dulot ng labis na sakit dito sa aking puso.Gusto ko sana na yakapin si Troy nang mahigpit dahil sa matagal akong nangulila sa kanya subalit pilit kong pinipigilan ang aking sarili na maging malambot sa kanya. Mahirap man ngunit kailangan ko iyong gawin at kailangan kong ipakita sa kanya na wala nga siyang papel dito sa aking buhay. Na wala na akong pakialam sa kanya at wala nang natitirang pagmamahal pa.Gusto kong ipakita sa
"Tama na siguro ang nagkita tayo kanina, wala ng dahilan pa para muli tayong magkita ulit o magkausap man lang. Masaya na ako ngayon sa piling ni Mike at magiging masaya na rin ako para sa iyo Troy," pangiting sabi ko pa sabay huminga ng malalim.Mayamaya pa ay pinutol ko na ang aking pag-iisip patungkol kay Troy at napagdesisyonan ko na lamang na magbihis upang ako'y makatulog na.Magbibihis na sana ako ng mga sandaling iyon ng may narinig akong kaka-ibang ingay sa labas ng aking kwarto na siyang umagaw sa akin ng atensyon. Kung kaya't hindi ko naituloy ang aking pagbibihis at napag-isipan ko na muna na lumabas ng aking kwarto upang tignan ito.Lumabas ako ng kwarto na nakatapis lamang ng tuwalya habang napapaisip sa ingay na aking narinig kanina.Nang makalabas ako ay tila biglang huminto ang ingay na aking narinig. Tila parang wala namang kaka-iba rito kung kaya't bumalik na lang ako papasok sa loob ng aking kwarto. Hanggang sa isang beses ay may narinig akong may parang bumukas ng