Share

CHAPTER 3

Author: bitchymee06
last update Last Updated: 2021-09-15 11:34:13

Wearing a sexy black tulle overlay with plunging V neckline and double thigh-high slit dress. I walked into the hall with my hand on Joseff's arm.

"Why are you with him?" Shiela asked on the earpiece that I was wearing.

"Hindi ko na naman siguro kailangang ipaliwanag," patagilid kong bulong habang inaayos ang suot kong maskara.

I am also wearing a Venetian style black and gold masquerade ball mask covered with black satin. Embellished with gold lace, braided trim, black beads and black satin rose on the side.

"That controlling motherfvcker," puno nang panggigil niyang sambit sa linya.

"Focus on our mission, Shiela." I looked where she was and gave her a death glare.

Inirapan niya naman ako at saka naglakad pagtungo sa isang waiter.

"Your dress is too revealing Babe," Joseff whispered while gritting his teeth.

Napahinga ako nang malalim 'tsaka tumingin sa kanya. "I'm sorry, biglaan din kasi ang auction party kaya hindi na ako nakabili ng ibang damit," mahinahon kong paliwanag sa kanya habang naglalakad kami papunta sa pwesto na gusto ko.

"Target spotted. 180 degree north," Shiela mentioned on the line.

Pasimple akong sumulyap sa direksyong itinuro niya habang umuupo kami sa silya ni Joseff. And there I saw Shane, wearing a silver sequin offshoulder backless dress, happily talking to a man.

Wait...

His built was familiar.

"Be ready. The auction will start in 10mins," Shiela informed.

Inalis ko ang paninitig ko sa lalaking kausap ni Shane at nagfocus sa dapat kong gawain.

"Who invited you here?" kuryosong tanong ni Joseff habang nakaakbay ang kanyang isang braso sa upuan ko.

"Aycxe asked me to be here in her place," I answered then simply lowered my body.

Mabilis at maingat kong kinuha mula sa itaas ng aking hita ang itinago kong maliit na tube na naglalaman ng lason.

"The waiter's coming to her," muling sambit ni Shiela 'tsaka tumingin sa 'kin mula sa pwesto niya.

"Anu-ano ba ang io-auction nila rito?" Joseff asked again.

Ininom niya ang champagne na kinuha niya mula sa waiter na dumaan at inabala ang sarili sa pagsususuri sa paligid.

"Jewelries and paintings," sagot ko at pasimpleng inangat ang suot kong heels upang kuhanin ang isang maliit na karayom na inilagay ko roon.

"Phase 1, done."

Tiningnan ko ang target na ngayon ay naliligo na sa iba't ibang klase ng alak dahil sa aksidente kunong pagkatapon sa kanya ng waiter.

I smirked and stilled when my eyes bore into the guy she's talking earlier. Matalim ang mga titig na ibibigay niya sa aking diresyon habang suot-suot ang itim niyang maskara.

Hindi naman siguro. Guni-guni ko lang ito.

"What the fvck! Sophia, move now!"

I was taken back when I heard Shiela's voice on the line.

Damn it!

Muli kong itinuon ang aking paningin sa target na ngayon ay naglalakad na patungo sa CR. Dali-dali akong tumayo at humarap kay Joseff.

"I'm just going to pee. Sandali lang ako." Mabilis ko siyang tinalikuran. Hindi na hinintay pa ang kanyang sagot.

Agad kong itinusok ang karayom sa aking hawak na tube upang daluyan ito ng lason.

"Fvckyou, Sophia. Kapag talaga pumalpak tayo ngayon ay ikaw ang ihaharap ko kay Aycxe," pagmamaktol ni Shiela sa linya.

"Chill ka lang. You better fix-fix the waiter na para maka iskapo tayo agad after," I whispered as I walked towards the target's direction.

Asta nang isasara ni Shane ang pinto ng banyo nang mabilis ko 'tong itulak kasabay ng aking pagpasok. I pinned her on the door as I locked it with my other hand.

Nanlaki ang kanyang mga mata nang nakita ang aking mukha bagamat nakasuot pa rin ako ng maskara.

"P-Poisoner," stammering, she called my alias.

I smiled devilishly as I run the needle on her face. I could see how her throat moved in fear.

"Nice. Hindi ko inaasahan na makikilala mo ako agad sa aking ayos," I spoke then stared coldly into her eyes.

"P-Please have mercy at me. I-I'm sorry, hindi ko na uulitin. Pakiusap," umiiyak na pagmamakaawa niya habang nanatiling naninigas sa kanyang pagkakatayo, takot na mapatusok ang karayom kong hawak.

I laughed evilly at what she said. "Darling, you seemed to have forgotten the rules," I said and then leaned on her ear. "Obey, never betray," I announced emotionless and stabbed the needle I was holding around her neck.

Inilayo ko ang aking sarili at pinanuod siyang mapaupo mula sa kanyang pwesto habang hawak ang leeg niya. She looked at me with her pleading eyes, but I just smirked and looked at my watch.

Three...

Two...

One...

"Done," I informed in the line as I saw how her mouth foamed because of the poison I injected.

"You little b*tch she asked for mercy." Shiela mocked on the line.

"Where ba nabibili 'yon?" I asked then rolled my eyes before opening the door.

Mahina nalang kaming tumawa pareho sa linya.

"Let's call this a night." Then she ended the line.

Pasimple ko namang tinanggal ang earpiece sa aking tainga at ipinasok ito sa aking bag habang naglalakad ako pabalik sa lamesa namin ni Joseff.

Nangunot ang aking noo nang napansin ko na wala siya roon. Inilibot ko ang aking paningin sa paligid ngunit hindi ko talaga makita ang kanyang presensya.

Where the hell is he?

Muli sana akong lalakad upang hanapin si Joseff nang lapitan ako ng isang waiter.

"May nagpapabigay po," magalang na sabi niya kasabay nang pag-abot sa 'kin ng isang nakatuping papel.

Nagkaroon man ng konting kaba sa aking dibdib ay nagawa ko pa ring huwag magpakita ng anumang emosyon.

Simpleng tango lang naman ang ibinigay ko sa waiter at saka siya naglakad palayo sa akin. Marahan kong binuksan ang papel at gano'n nalang ang pagtangis ng aking bagang nang mabasa ang mensaheng nakasulat.

Want to see your so called boyfriend my soon to be wife?

Meet me at the parking lot. Take care.

Wala mang nakalagay na pangalan kung kanino ito nagmula ay may ideya na ako.

Siya talaga ang nakita ko kanina.

I crumpled the paper and took a deep breath.

I am done playing. I mentally thought as I take my steps away from the hall.

TAMAD kong inilibot ang aking paningin nang nakarating ako sa parking area. Waiting for someone or something to pop out of it. Tulad nang inaasahan ko ay isang sasakyan ang umilaw mula sa kanan. I am not dumb to know what it means.

Naglakad ako patungo roon hanggang sa tumambad sa akin ang pamilyar niyang sasakyan.

Napakabilis naman niyang magpa-ayos ng sasakyan.

I heard the passenger door clicked when I finally reached his car. Wala naman akong nagawa pa kun'di buksan 'to at pumasok.

"Where is he?" agad kong tanong pagkasara ko ng pinto ng kotse habang ang aking paningin ay nasa unahan.

"Masyado ka naman 'atang in love sa boyfriend mo at hindi mo matiis na wala sa 'yong paningin ng sobrang tagal," baritonong wika niya.

I tsked and glanced at him. "Ang hindi ko matiis ay ang makasama ka Mr.Laqueza, kaya kung maaari ay sabihin mo sa akin kung nasaan ang boyfriend ko," malamig kong sabi habang walang buhay na nakatitig sa mga mata niya.

His lips rose with amusement. "Does your father knew that you are killing people?" he asked blankly.

Ang natitira kong emosyon ay tuluyan nang nawala pagkatapos n'yon. Mas malamig at walang buhay ko siyang tiningnan at nginitian kumpara kanina.

"Don't you know that I don't care about the guy you just mentioned?" I fired back in flat tone and turned my gaze in front again.

"Okay, let me change the question then. Does your boyfriend knew who you really are wife?" he asked, hiding the playfulness in his tone.

I looked at him sharply and pulled the needle from my dress. I was about to stabbed him with that, but he manage to held my hand quickly before it even reached him.

Galit ko siyang tinitigan habang wala naman akong mabasang emosyon sa kanya.

"Mukhang nakakalimutan mong ako ang nakakaalam kung nasaan ang lalaking iyon," he said with sense of warning in his tone.

"What do you want?" nagngingitngit kong tanong habang nanatili siyang nakapigil sa aking kamay.

"Fvck!" I hissed when he pulled my hand and threw the needle that I'm holding.

Matalim ang mata ko siyang tiningnan.

"Marry me," he said simply.

Pagak akong tumawa kasabay nang aking pag-iling dahil sa 'di makapaniwalang pagkamangha.

"Walang wala ka na bang babae na mahanap para d'yan sa gusto mo?" inis kong usisa.

"I want you not them, Sophia," pagdidiinan niyang wika.

"I DON'T FVCKING CARE," agad kong balik na sagot sa mas madiin na tono.

"Sabihin mo 'yan sa akin pagkatapos kong patayin ang tinuturing mong nobyo," malamig na banta niya.

I shut my eyes and breath deeply before I opened it again. "Why me?"walang gana kong tanong 'tsaka sumandal sa upuan.

"No particular reason. I just want you to be my wife," he answered quickly.

I couldn't help, but laughed sarcastically. "Mr. Laqueza don't you know that a man was marrying a woman because of love?" pagpapakita ko ng punto sa kanya.

"Then I'll love you," usal niya na para bang napakadali lang n'yong gawin.

Natigilan naman ako at nasamid sa sarili kong laway bago tumingin sa kanya nang 'di makapaniwala.

I'm expecting it to be a joke, but seeing his serious face I think it's not.

Saang planeta ba nanggaling ang isang ito?

"Kahit mahalin mo ako kung hindi naman kita mahal ay wala ring silbi 'yon," sabi ko nang nakabawi sa pagkatameme.

"How can you say you don't love me?" he asked seriously.

"Dahil I'm in a relationship plus the fact na hindi naman kita knows," taas kilay kong sagot sa kanya.

Umaandar na naman pagka-conyo ko dahil sa kalokahan. My ghosh!

"Kilalanin mo ako kung gano'n at hiwalayan mo ang boyfriend mo," napakadaling saad niya.

Inis ko naman siyang siniringan. "What do you think of me Mr. Laqueza? Tulad ng tatay ko na basta-basta nalang nang-iiwan ng relasyon?" seryoso at malamig kong panghahamon na tanong.

Nakita ko ang pagkakatigil niya habang nakatingin sa akin.

"I don't know what's your relationship with my father. Kung kanegosyo ka ba niya o ano. But I don't give a damn. 'Wag niyong guluhin ang tahimik kong buhay." Itinutok ko sa kanyang leeg ang isa ko pang karayom na tira.

Alam kong hindi niya inaasahan ang galaw kong iyon pero nanatili s'yang kalmado sa kabila ng lahat.

Hindi ba siya takot mamatay?

"Now, tell me, where's my boyfriend?" I asked and stared sharply at him.

He even manage to smirked and smiled after. "Inside your car," tipid na sagot niya habang hindi inaalis ang tingin sa 'kin.

"Don't ever show yourself to me again. Because I swear, I'll kill you right at that moment," malamig na pagbanta ko 'tsaka inilayo ang hawak kong karayom.

Pinanuod niya lang naman ang paglabas ko ng kanyang sasakyan. I am closing his door when he spoke suddenly.

"Be sure that all your needles have a poison next time," he uttered right before the door finally closed.

I stiffened in my place while staring at his tinted window shield.

How did he know?

Napakurap-kurap ako at napalayo nang buhayin niya ang kanyang sasakyan. Tulad noon ay muli siyang bumusina bago 'yon pinaandar paalis.

Then, why did he tell me about Joseff when he already knew that the last needle don't have a poison?

Sinadya niya bang ipaalam sa akin 'yon?

Related chapters

  • ATRÓMITOS ORGÁNOSI 1: POISONER   CHAPTER 4

    "Manang?" pagtawag ko habang naglalakad ako paibaba ng hagdanan."Oh, hija ang aga mo 'atang nagising." Sumalubong siya sa 'kin habang may hawak na sandok sa kanyang kamay.Nasisigurado kong kasalukuyan siyang nagluluto ngayon. Tipid akong ngumiti at inayos ang suot kong sling bag."Dadalaw muna po ako kay Mommy," pilit siglang usal ko.Malungkot na ngumiti si Manang sa 'kin at marahang hinaplos ang balikat ko."It's been five years, Manang," pahina kong sambit."Magiging maayos din ang lahat, hija." Pagpapalubag loob niya sa akin 'tsaka ako ginawaran nang matamis na ngiti.Huminga ako nang malalim at malamlam na tumingin sa matanda. "Sana nga po, Manang." Pagpapalakas ko rin sa sarili ko."Sige na. Umalis kana at baka abutan ka pa ng traffic. Napaka mainitin pa naman n

    Last Updated : 2021-09-15
  • ATRÓMITOS ORGÁNOSI 1: POISONER   CHAPTER 5

    My head was spinning that bad when I got out from my private space because of too much alcohol that I've taken. May ilan sa staff ko ang lumalapit upang bigyan ako ng tulong ngunit paulit-ulit ko lang silang nginingitian at itinataboy."I can handle," I said everytime someone came over.Nagpatuloy ako sa paglalakad hanggang sa tuluyan na akong nakalabas ng bar. Ramdam ko ang pananatili ng nag-aalinlangan nilang tingin sa akin kaya naman nilingon ko sila at muling nginitian."I'm fine. Get back to your work." I ordered and they obeyed quickly.Sumandal muna ako sa aking sasakyan nang narating ko ito upang hanapin ang susi sa bag ko. Sa gitna ng aking paghahanap ay nahagip ng paningin ko ang telepono ko. Bigla kong naalala na pinatay ko nga pala iyon kanina pagkatapos naming mag-usap ni Joseff.&nbs

    Last Updated : 2021-09-15
  • ATRÓMITOS ORGÁNOSI 1: POISONER   CHAPTER 6

    The sunlight hitting my face woke me up from a deep sleep. Napabalikwas ako nang pagbangon ng hindi pamilyar na kwarto ang bumungad sa aking paningin.I closed my eyes when my shoulder hurts because of my sudden action. Doon muling pumasok sa isip ko ang mga nangyari kagabi. Pasimple kong tiningnan ang aking sarili sa pag-iisip na may kalokohan siyang ginawa sa 'kin. Nakahinga naman ako nang maluwag dahil 'to pa rin ang suot kong damit."Fvck!" pagmamaktol ko kasabay nang paghawak sa aking ulo dahil sa hangover."Napakaaga naman nang pagmumura mo," a baritone voice echoed in the room.Agad kong iniangat ang aking paningin sa direksyon ng pintuan. Walang emosyon siyang nakatayo habang may hawak na tray sa kanyang kamay.Hindi ko man lang narinig o naramdaman ang pagpasok at pagbubukas niya ng pinto."Who are you?" malamig kong tanong habang nakatitig sa mga ma

    Last Updated : 2021-09-15
  • ATRÓMITOS ORGÁNOSI 1: POISONER   CHAPTER 7

    We are heading outside when all the gunshots stopped. Hindi na ako nagulat nang bumungad sa aking paningin ang kanyang sirang harapan gano'n na rin ang ibang nakahalandusay niyang tauhan.Knowing Rose bombs, imposibleng walang mapinsala sa taglay na lakas ng mga 'yon.The people who were lying at the floor are not dead. Nagkataon lang na may pampatulog ang mga balang dumaplis sa kanila kaya wala na talaga silang pagkakataong manlaban.Mukhang napasok na naman ni Shiela ang bahay ko. Tsk!Ilang hakbang pa nga ang ginawa namin bago madatnan ang natitirang apat na tauhan ni Laqueza at mga kaibigan kong sina Aycxe, Rose at Shiela na magkatutukan ng baril. They looked at me instantly when they felt our presence.Mabilis na pinasadahan ng tingin ni Aycxe ang kabuuan ko. Nakita ko ang pagkapanatag sa kanyang mga mata gano'n na rin ang iba kong kasamahan."You istorb

    Last Updated : 2021-09-15
  • ATRÓMITOS ORGÁNOSI 1: POISONER   CHAPTER 8

    "What is he doing here?" asar kong tanong habang nakatingin sa lalaking kinaiinisan ko.Pagkatapos nang matahimik kong linggo ay 'eto na naman ang lalaking sisira ng araw ko. Pasimple namang umangat ang kilay niya at prenteng naupo sa bakanteng couch na nakahiwalay sa aking mga kasama.I am now here at our HQ, in our meeting room to be exact because Aycxe called us for an announcement. Halatang inis din si Rose at Shiela sa kabila nang malamig na paninitig kay Laqueza."Sit." Simple at maawtoridad na pag-uutos ni Aycxe.Umirap ako at tumabi sa aking mga kasama."Tinawag ko kayo rito upang pag-usapan ang gagawain nating laban sa Ktinódis," Aycxe stated that made our gaze focused on her."Kung ganoon ay anong ginagawa ng lalaking 'yan dito?" walang emosyon kong usisa kasabay nang pagtingin sa gilid kung sa

    Last Updated : 2021-09-15
  • ATRÓMITOS ORGÁNOSI 1: POISONER   CHAPTER 9

    "Gg," usal ko nang nakarating sa parking lot ng bahay.Napatampal nalang ako sa aking noo habang pinagmamasdan ang isang Lamborghini. Hindi ko magawang matuwa bagamat isang mamahaling sasakyan ang nasa aking harapan.Sino ba naman kasing mag-iisip bumili ng Lamborghini kung ang dami-daming humps sa kalsada?Napahinga nalang ako nang malalim at napailing."Magpapagawa muna siguro ako ng sariling daan bago ko magamit 'to," bulong ko at saka pumasok ng bahay.Agad akong napatigil dahil sa pangalawang pagkakataon ay naabutan ko na naman ang ama ko na prenteng nakaupo sa sofa."Why are you here?" walang emosyon kong tanong at nagpatuloy sa paglalakad patungo sa hagdanan.Tawagin na akong bastos pero hindi ko talaga gusto ang presensya niya."Bakit sumali ka sa organisasyon?"

    Last Updated : 2021-09-15
  • ATRÓMITOS ORGÁNOSI 1: POISONER   CHAPTER 10

    (WARNING: SPG! KABAHAN KA NAMAN KET KONTI WAG PAHALATANG EXCITED)"Are you just doing this because you are drunk?" the deep voice of him spoke.Gamit ang pumupungay kong mata ay tiningnan ko siya. My body was half lying on the lower side of his bed habang nakatayo naman siya sa bandang tuhod ko at unti-unti tinatanggal ang kanyang pang-ibabaw na damit.I smirked and rolled my eyes inspite of my drunken state. "I maybe drunk, but I knew what I am doing. I am 26years old for pete's sake," I mumbled and watched how his hot abs plastered on my sight.Nakita ko ang pag-igting ng kanyang panga kasabay nang pagbakat ng ilang ugat sa kanyang leeg.Wow.Slowly, he bent over his body against mine. "Stop me," he said, holding eye contact with me. Amoy ko ang mabango niyang hininga sa kabila nang pagpipigil sa kanyang tono

    Last Updated : 2021-09-15
  • ATRÓMITOS ORGÁNOSI 1: POISONER   CHAPTER 11

    Nagising ako sa masarap na aromang nanunuot sa aking ilong. Marahan kong binuksan ang mga mata ko at agad na nilibot ng tingin ang paligid. Napansin ko rin na naka-oversized na tshirt na ako ngayon marahil ay binihisan niya ako kagabi.Oh yeah right. I just let my cherry pop last night.Mabagal akong bumangon at agad na napaigik sa pagsidhi ng kirot ng buo kong katawan lalung-lalo na ang pagkababae ko. Pakiramdam ko ay nasagasaan ako nang malaking truck kahit dambuhalang etits naman ang pumasok sa akin.I took a deep breath and forced myself to stand up. "Fvck!" I cursed as I shut my eyes tight.Napaupo akong muli sa kama dahil hindi ko talaga magawang tiisin ang kumikirot kong alaga. As on cue the door suddenly opened. Agad

    Last Updated : 2021-10-20

Latest chapter

  • ATRÓMITOS ORGÁNOSI 1: POISONER   FINALE

    Minahal ko ang isang babae na hindi ko aakalaing mamahalin ko. It all started when she seduced me by her game. Para akong isang nilalang na nagayuma sa kanyang mga haplos at paninitig. Pilit kong nilabahan ang atraksyon na nararamdaman ko dahil alam kong laro lang para sa kanya ang lahat, bukod doon ay may babae na akong balak ligawan. Ngunit siguro nga ay talagang mapaglaro ang tadhana, bumigay ako sa kanya nang nakulong kami sa isang elevator. Sa isang madilim at makitid na lugar ay nakuha ko ang pagkababae niya na lubos kong ikinagulat. Is she still playing with me?Alam ko kung gaano kahalaga para sa mga babae ang kanilang puri kaya sobra ang pagkalito ko no'ng panahon na 'yon. Imposible na ibigay niya ang kanyang sarili sa akin para lang sa larong gusto niya. Is she attracted to me somehow?Hindi ko alam kung bakit natuwa ako sa isiping 'yon na dapat ay iniignora ko dahil inilaan ko na ang aking sarili sa isang babae.- - -I am seriously driving my car with Ashley on the passe

  • ATRÓMITOS ORGÁNOSI 1: POISONER   CHAP 32

    Farro laughed and clapped his hands joyfully as he watched me begged. "Hindi ko inaasahan na kusa kang luluhod sa harapan ko. Napakadali mo naman 'atang sumuko, bomber?" pangungutya niya.Hindi ako nagsalita pa. Hinayaan ko siyang umimik nang umimik. "What are you doing, Rose?" asar na tanong ni Aycxe sa linya."Please... ako na lang. Huwag niyo siyang idamay rito," muli kong pakiusap.Nilaro ni Farro ang kanyang panga gamit ang kanyang daliri at sinenyasan ang kanyang tauhan na ilapit si Jairon sa puwesto niya.Nanatili akong nakaluhod at bagsak balikat na nanunuod sa nangyayari. Nagkatinginan kami ni Jairon, kita ko sa kanyang mukha ang pagtutol sa ginagawa ko."Alam mo ba na pinagawa ko pa sa eksperto ang bomba na ito?" pagtukoy ni Farro sa nakakabit na bomba kay Jairon.Naglakad siya patungo sa 'kin at yumukod para hawakan nang mahigpit ang panga ko. "Para lang sa 'yo," dagdag niya at padaskol na pinakawalan ang mukha ko."Itali niyo 'yan!" gigil na utos niya sa kanyang tauhan.

  • ATRÓMITOS ORGÁNOSI 1: POISONER   CHAP 31

    Ngayon ko lubos na naiintindihan ang padalos-dalos na kilos ni Sophia noon. Sino'ng hindi agad susugod kung mahal mo sa buhay ang nakataya? Pilit kong ikinalma ang sarili ko habang inihahanda ang mga kagamitan ko. Natawagan ko na rin ang mga kasamahan ko para maging maayos ang pagbuo namin ng plano.Traydor ang kalaban ko, magdala man ako o hindi ng kasama ay alam kong pahihirapan pa rin nila ako. Kinakain man ng kaba at takot ang sistema ko ay pilit kong iwinaksi 'yon. Alam kong hindi agad nila gagalawin si Jairon dahil s'ya ang gagamitin nilang pain sa 'kin. Gano'n sila maghiganti, gano'n sila kumilos, ipinapadama ang kabrutalan nila.Naagaw nang pagtunog ng door bell ang atensyon ko. Sinuri ko muna ang aking tablet na nagkokonekta sa camera para masigurado na mga kasama ko 'yon at hindi kalaban. Agad naman akong lumabas nang nakita ang mga imahe nila sa screen.Seryosong paninitig ang sinalubong namin sa isa't isa sandaling pumasok sila sa bahay ko. Hindi na ako nagtataka na kasam

  • ATRÓMITOS ORGÁNOSI 1: POISONER   CHAP 30

    I am ready to end my life. Isang hakbang lang ay tuluyan na akong mahuhulog sa malalim na ilog, gano'n nalang ang gulat ko nang may malakas na p'wersang humila sa 'kin pabalik at ikinulong ako sa isang matipunong katawan."Fvck! Damn it!" a familiar voice exclaimed."J-Jairon?" utal na pagtawag ko.Kumalas s'ya sa 'kin saka nag-aalalang sinuri ang kabuuan ko. "Are you okay?" he asked worriedly.Lalo akong naiyak. Mahina ko s'yang hinampas sa dibdib at itinulak. "Why are you here? Why did you stop me?" Muli niya akong kinabig at mahigpit na niyakap. "Bae, this is not the solution to all your problems," he murmured as he kept kissing my head.Pilit akong nagpumiglas ngunit mahigpit akong nakakulong sa braso niya. "Let me die, Jairon. I don't deserve to live," pumipiyok kong sambit sa gitna nang paghagulhol ko."Ssshhh. I get it, you're emotionally stressed. Please, rest, Quennie. Stop thinking this shit."Nanghihina akong tumigil sa pagkalas ko sa kanya at umiyak nalang nang umiyak. "

  • ATRÓMITOS ORGÁNOSI 1: POISONER   CHAP 29

    Nagising ako sa isang puting silid. Ilang sandali ko munang prinoseso ang lahat at marahang inilibot ang paningin ko sa k'warto. I saw my friends standing on the corner, tanging si Sophia lamang ang nakaupo sa isang bakanteng upuan. Siguro ay kararating niya lang ngayong umaga rito sapagkat wala s'ya kagabi. Bagay na naiintindihan ko dahil sa sitwasyon niya. Pare-pareho silang nakatungo na tila may mga malalalim na iniisip.Hindi rin nakaligtas sa 'kin ang nanay ko na naka-ub-ob sa gilid ng higaan ko. Nanghihina kong ipinatong ang aking kamay sa tiyan ko at mariing napapikit.Are you still there?"Anak," bulong na tawag ng aking ina. Marahil ay nagising siya sa ginawa kong pagkilos.Mabagal kong ibinaling ang atensyon sa kanya, sa kanila. Lahat sila ay nakamasid sa 'kin habang bakas ang kalungkutan sa kanilang mga mata."L-Ligtas s'ya hindi ba?" garalgal kong usisa.Walang sumagot sa 'king tanong, awtomatiko akong napapikit at tahimik na napaluha."Isa na namang nilalang ang hindi ko

  • ATRÓMITOS ORGÁNOSI 1: POISONER   CHAP 28

    "How did this happen?" nanghihina kong tanong sa mga kasama ko."Planado na nila ang lahat buhat palang no'ng umalis ang tatay mo papuntang Singapore," panimula ni Aycxe sabay abot sa 'kin ng kanyang cellphone.Nagngitngit ang ngipin ko nang nakita ang litrato. May nakalagay na malaking K, senyales ng kanilang grupo, sa kalsada kung sa'n sumabog ang sinasakyan ni Daddy. May kasama rin na mensahe ang litrato na s'yang nakapagpamuhi sa 'kin ng todo.You messed up with my business, now it's time to repay you. -Farro"Bakit hindi mo ipinaalam sa 'kin ang pagkilos mo mag-isa?" malamig na usisa ni Aycxe.Kinain ako ng pagsisisi dahil sa paglilihim ko noon. Hindi ako nakasagot sa tanong ni Aycxe bagkus ay nanghihina akong napaupo sa sahig. Mabilis na umalalay sa 'kin sina Noella, Shiela at Sophia—kung nasaan ang asawa niya ay iyon ang hindi ko alam.Tahimik akong napaluha. "Kasalanan ko... kasalanan ko ang lahat.""Walang may gumusto nito, Rose. Stop blaming yourself," Sophia said while tapp

  • ATRÓMITOS ORGÁNOSI 1: POISONER   CHAP 27

    "What happened to my father?" namamawis kong tanong sa kabila nang panlalamig ng katawan ko.Hindi ako agad sinagot ni Aycxe kaya mabilis ko s'yang nilapitan at hinawakan sa balikat."Tell me... what happened to my father?" nakikiusap kong tanong.Malungkot niya akong tiningnan. "Sumabog ang sinasakyan ng Daddy mo," namamaos niyang usal. Para akong naupos na kandila nang narinig ko iyon. Ilang beses kong pinaulit-ulit sa 'king utak ang sinabi niya. Nananaginip lang ako, hindi ba?"H-He's safe right?" I barely managed to ask with my shattered voice.Marahan s'yang tumungo para iwasan ang paningin ko. "I am sorry to tell you. He's... dead on the spot."Tuluyan na akong nabuwal sa 'king tayo. Napasalampak ako sa buhanginan, mabilis na umalalay sa 'kin ang mga kasamahan ko pati na rin si Jairon pero hindi ko sila pinagtuunan ng atensyon.Pagak akong tumawa habang nagtutuluan ang mga luha ko. Ilang beses akong umiling at mariin na napapikit."You're joking right?" pumipiyok kong sambit.

  • ATRÓMITOS ORGÁNOSI 1: POISONER   CHAP 26

    Kinabukasan ay ramdam ko ang kaibahan ni Jairon, para siyang hindi mapakali o anuman. "Natatae ka ba?" usisa ko nang hindi na ako nakatiis sa itsura niya. Daig niya pa 'yong na-eebak kung mamawis ng todo. Nasa condo ko na ulit siya pagkatapos n'yang magbihis sa kanyang bahay. Kasalukuyan akong nag-aayos ng 'itsura ko sa salamin habang kunot-noong pinagmamasdan ang maya't maya niyang pagkuskos sa kanyang kamay.Mabilis s'yang umayos ng tayo saka tumingin sa 'kin. Tipid niya pa akong nginitian at umiling."I am just... excited," he said.My lips twitched because of that. "Malimit naman tayong mag-date, ngayon ka pa nangiba," kibit-balikat na sambit ko.He just laughed 'though it seems like he forced to do it. "Don't mind me. Just continue fixing yourself."Pinaikutan ko s'ya ng mata at itinuloy ang pagtatali ko sa aking buhok. Naglagay ako ng kaunting powder sa mukha saka lipstick bilang pagtatapos ng gayak ko."Let's go." Tumayo ako at hinigit ko ang inihanda kong mini bag.He looked

  • ATRÓMITOS ORGÁNOSI 1: POISONER   CHAP 25

    Hindi katulad noon ay masaya kaming naghapunan ng pamilya ko. Mayroon man sa aking loob na nalulungkot sapagkat malimit kong maalala si Quenevere ay ipinagsawalang bahala ko muna 'yon.Sa unang pagkakataon ay napagdesisyunan kong magpalipas ng gabi sa bahay namin. Nagpunta ako sa kwarto ko at marahang pinasadahan ng tingin ang paligid. Walang nagbago.Iyon ang una kong napansin. Ang mga m'webles, kama at iba pang bagay ay hindi man lang naibo sa kanilang mga lugar. I sighed and laid down on my bed. Tulala kong tiningnan ang kisame habang inaalala ang mga masasayang kulitan namin ni Quenevere noon. Ilang saglit pa ay narinig ko ng tatlong katok mula sa pintuan. Mabagal itong bumukas hanggang sa nakita ko ang imahe ni Daddy. He stared at me then roamed his eyes around my room. Tipid s'yang ngumiti bago naglakad papasok, palapit sa 'kin.Bumangon ako at saka pinagmasdan ang kanyang kilos. He sat on my side as silence envelop the two of us. "Ilang taon na rin pala ang nakararaan..." Pa

Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status