To my Dorinda darling,
Araw-araw ko inaabangan ang mga liham mo. Huwag ka nang mangamba, hindi na ako nagtatampo sa iyo. Aaminin ko, nagalit ako nang sumira ka sa pangako mo na patuloy mo akong susulatan para maibsan man lang ang pangungulila natin sa isa’t isa. Subalit napagtanto ko rin na hindi ako dapat magalit. Bagkus dapat ay unawain ko na mahirap din para sa iyo ang kalagayan natin.
Labis ang aking kagalakan nang matanggap ko ang liham mo. Naibsan ang aking pangungulila sa iyo. Ang tanging hiling ko na lamang ay sa susunod na buhay natin, hindi na natin ulitin ang mga pagkakamaling nagpahiwalay sa mga landas natin. Sa susunod na buhay natin, ikaw at tanging ikaw na lamang ang aking pipiliin. Maghihintay ako hanggang mabura ang hinanakit mo sa akin at muli kitang aalukin ng kasal. Hanggang sa aking huling hininga, pagsisisihan ko ang aking karupukan at kahinaan.
&n
NATUKLASAN ni Doreen na ang isang karelasyon ni Marlon ay isang matrona na nakabase sa Japan. May-ari ng isang restaurant at may asawa. Iyong isa namang matrona ay nakatira sa Davao City. Asawa ng isang retired Army general at may-ari ng jewelry shop at bridal boutique. At iyong gay naman ay taga-Guam, isang sikat na fashion designer. Kaya pala sa tuwing mawawala ng ilang araw at ilang linggo si Marlon para sa diumano ay business deals nito, laging may pasalubong ito na galing ng Japan, Davao o Guam. Doon pala sa bahay ng mga sugar mommies at sugar daddy ng lalaki nagpupunta ito. Natuklasan lang niya ang lahat ng iyon nang mapilitan si Marlon na umamin. Iyon ay matapos niya itong komprontahin nang makatanggap siya ng pictures nito at ng sugar
KAUSAP ni Doreen ang pinsan na si Riri sa cellphone habang papasok siya sa Aseron Tower Three, ang building na kinaroroonan ng condominium niya. Kababalik lang sa bansa ni Riri kasama ang asawa nito na si Johnny. The two were back from their honeymoon. Kung honeymoon nga ba na matatwag ang trip ng dalawa sa Italy dahil kasama ng mga ito ang mga magulang at ang six-months-old baby ng mga ito. They postponed their honeymoon before because Riri was already pregnant when they got married. “Pero sa totoo lang, natatakot na talaga ako,” frustrated na sambit ni Doreen. Isinuklay niyang muli sa buhok ang mga daliri saka pinindot ang button sa elevator. Nasa tenth floor ang unit nila ng isa pa niyang pinsan na si Nicole. “Bakit? Akala ko ba sabi mo wala naman siyang ginagawang nakakatakot o pagbabanta sa iyo?” takang tanong ni Riri. Tungkol kasi kay Marlon ang pinag-uusapan
“Ang problema, hindi naman nila pwedeng basta arestuhin na lang si Marlon kung wala naman siyang masamang ginagawa. Mamaya ay ma-viral na naman ang pamilya natin at sabihin ulit ng mga trolls na porket senator na si Lolo Donato ay ginagawa nating private army ang mga pulis,” ani Doreen. Lola Donato Aseron was not really her grandfather. Tiyuhin ng dad niya si Lolo Donato. “Ugh! I hate those trolls!” bulalas ni Riri. “Me too. At hindi rin ako sigurado na si Marlon nga iyong nananakot sa akin sa phone or if he knows that strange man na nakita ni Nicole. Marlon’s a lying cheat but I don’t believe he wants to harm me. Pero sobrang nai-stress na talaga ako,” wika ni Doreen. “Sana lang mabilis na mahanap nina Dad ang nanggugulo na iyon para makabalik agad ako dito.” “Yes, I hope so too. If you need
“TINAMBANGAN ng mga terorista ang platoon nila sa Cagayan habang naghahatid sila ng relief goods sa isang baryo. Tatlong buwan siyang hostage ng mga terorista. They knew he was a Winter and they wanted our family to pay twenty-five million pesos for his release but the military was strictly against it. Their policy was never to deal with terrorists.” “Oh, my god!” hindik na hindik na sambit ni Doreen. Parang nauupos na kandilang bumagsak siya sa sahig. Tears filled her eyes and she covered her face with her two hands as she sobbed. It felt like her whole body was shattered in a million pieces. “He’s alive, Doreen. He’s still alive. They got him out. He’s physically okay now,” ang maagap na pah
WALA sa log cabin si Jim nang dumating doon kagabi sina Doreen at ang bago niyang bodyguard na si Carmela. Ayon kay Jannica ay ngayong araw pa lang daw ang balik ni Jim sa cabin. Karaniwan ay sa condo nito sa Manila daw ito nagpapalipas ng gabi sa tuwing nagpupunta ito sa monthly therapy session nito sa isang psychiatric clinic sa Manila. Nag-inat si Doreen at wala sa loob na napasulyap sa suot na wristwatch. Napabulalas siya nang makita ang oras. Lampas alas-otso na. Sa sobrang pagkawili niya sa pinanonood na zombie series sa Netflix ay nawala na sa isip niya ang plano niyang pagluluto ng hapunan nila. Napatili siya sa inis sa sarili. Ano na ang kakainin nila ng binata? Paano na ang plano niyang pagpapasikat dito? Paborito ni Jim ang luto niya ng sinigang na baka at pesang lapu-lapu. Kaya nga kaninang umaga ay pinilit niya si Carmela na bumili sila ng mga ingredients na gagamitin niya. Kasehodang magsuot pa sila ng dis
“Pero, Jim---“ “Insulto para sa akin kung babayaran ninyo ako para protektahan ka, Doreen. We may not be together anymore but you’ll always be important to me.” Nahigit ni Doreen ang hininga. Sa nakita niya na sinseridad sa asul na asul na mga mata ng lalaki ay hinayaan na niya ang sariling tangayin ng kasabikan niyang mayakap ito. She tightly hugged him. She basked in the familiar warm feel of his hard chest and shoulders. Dumoble pa ang katuwaan niya nang maramdaman niya ang alanganing paglapat ng mga braso nito sa likod niya. Ramdam niya ang inisyal na pagka-asiwa at tensyon nito pero unti-unti rin iyong naglaho kaya hindi na niya iyon binigyang pansin. Labis-labis ang pangungulila niya rito. Pangungulilang itinago niya sa pinakasulok ng dibdib niya para hindi siya lumpuhin ng lungkot sa pagkawala nito sa buhay niya. Tila siya electronic device na nasaksak
“DOREEN! Nasaan ka na?!” ang pabulyaw na bungad ni Indy sa tainga niya nang sagutin ni Doreen ang tawag ng pinsan. “Um, I really can’t say, Indy! Gustuhin ko man, hindi pwede,” napangiwing sagot niya. Nawala sa isip niya na sabihin sa pinsan ang tungkol sa pansamantalang pagtatago niya. At dahil alam din nito ang tungkol sa stalker at death threats na natatanggap niya, malamang hindi ito magkandaugaga sa pag-aalala sa biglang pagkawala niya. “Is someone holding you hostage?! My god! I’m calling the police. Don’t put down the phone. Mati-trace nila ang GPS---“ “Calm down, Indy. Hindi ako hostage. I’m with my bodyguard at pansamantala kaming nagtatago habang iniimbestigahan kun
HABANG nagdi-dinner si Doreen ay umiinom naman ng beer si Jim. Magkaharap sila sa pabilog na four-seater wooden dining table sa loob ng kitchen na siya na ring dining room sa cabin ng lalaki. Busog na raw ang lalaki kaya tumanggi itong saluhan siya sa pagkain. But he still kept her company while she eats. Nagkwentuhan sila tungkol sa lahat ng mga taong kakilala nila. Pinag-usapan din nila ang tungkol sa pagkuha niya ng condo unit at pagbukod sa bahay ng ama. He asked her about her work as a kindergarten teacher. And she asked him about his work at Wintry Security Firm. Subalit ang isang bagay na hindi nila pinag-usapan ay ang nakaraan nila. Kapwa sila umiiwas na mapunta roon ang direksyon ng usapan. Para bang may tahimik silang kasunduan na bawal muna nilang ungkatin ang naging katapusan ng relasyon nila. They talk as if they were just two friends who lost touch with each other and were now reconnecting.&n
“I’ll make you happy. I promise. Just marry me, Joleen.” Hindi pa man lubos na nakakaupo si Joleen sa silyang hinila ni Jake para sa kanya nang dumating siya sa mesang ini-reserve nito para sa kanila ay ginulantang na siya nito sa seryosong pahayag na iyon. Kasabay ng pagsambit nito sa mga salitang iyon ay ang pagpapakita nito ng diamond ring na tangan nito sa kanang kamay at pag-aabot ng isang pumpon ng white chocolate tulips sa kaliwang kamay. Napabilis tuloy ang pag-upo niya dahil sa gulat. “Excuse me?!” gitlang bulalas niya nang salubungin ang tingin nito. “I said, marry me.” “No. Absolutely not! At kung iyan
Salubong ang mga kilay na humalukipkip si Joleen habang nakaupo sa sofa sa loob ng living room niya. Sa tabi niya ay nakaupo si Jake at isa-isang inilalabas ang mga laman ng paper bag na dala nito.“How about this movie? The Parent Trap? Maganda daw ito.Ito na lang ang panoorin natin,” suhestyon nito habang itinataas ang DVD na hawak nito.Iyon ang ikalawang linggo ng araw-araw na pagbisita nito sa bahay niya. At tulad ng mga nakaraang araw ay may bitbit na naman itong kung anu-anong pagkain, maternity clothes, vitamins at pregnancy books. Aakalin mong siya ang kauna-unahang babaeng nabuntis sa buong kasaysayan ng mundo kung kumilos ito. Naka-speed dial pa sa cellphone nito ang ob-gyne niya.Anumang iwas niya dito, walang saysay. Tila lahat ng nalalaman nito ukol sa mahigpit na pagbabantay sa loob ng basketball cou
Pakiramdam ni Joleen ay isa siyang astronaut habang naglalakad siya palabas ng private clinic ng kaibigan niyang ob-gyne na si Maricel. Mistula kasing lumulutang siya sa bawat paghakbang niya. Hati sa pagitan ng tuwa at pangamba ang damdamin niya. Kumpirmadong buntis nga siya.Magiging mommy na siya. Hindi na niya kailangan pa ng artipisyal na paraan para magka-anak na siyang naunang planong tumatakbo sa isip niya. Subalit kasunod ng kagalakan niya ay ang pangamba. Hindi sa kung paano niya bubuhayin ang anak niya. Wala siyang problema sa bagay na iyon.Kung hindi sa magiging reaksyon ni Jake sa sandaling malaman nito ang kalagayan niya. Ang magig
Nananakit ang ulo ni Joleen nang magmulat ng mga mata. Pakiwari niya ay may mga bandang tumutugtog ng maingay na rock song sa loob ng mga tainga niya. Umuungol na babangon na sana siya nang bigla siyang manigas sa labis na pagkagulat at panghihilakbot nang tumagos sa isipan niyang wala siya sa loob ng sariling kwarto niya.At higit sa lahat, wala din siya ni katiting na saplot sa katawan. She could also feel the soreness between her thighs. Patunay na lahat ng inakala niyang panaginip lang habang naggaganap kagabi ay tunay ngang nangyari at hindi parte ng halos gabi-gabi niyang pagpapantasya sa binata!Nag-iinit ang mga pisnging ib
Walang ideya si Joleen kung paanong mula sa engagement party nina Rowan at Deth ay napunta siya sa loob ng marangyang silid na kinaroroonan niyangayon. Wala rin siyang ideya kung bakit siya naroon. Maaalarma na sana siya lalo na nang maramdaman niya ang matitigas na braso ng lalaking buhat-buhat siya. Kung hindi lang niya nakita na si Jake ang may karga sa kanya.“I am nothing like Teree! Or Pauline or Danieca!” biglang anunsyo niya. Bigla kasi niyang naisip na baka nabibigatan ito sa pagkarga sa kanya kaya tila bahagyang nakangiwi ito.“Well, you certainly don’t look like your
“Wala namang misteryo sa pag-iwas ko o sa iniisip mong pag-iwas ko sa iyo noon, Joleen. Truth was, hindi ko sinadya iyon. Naisip ko lang na baka mailang ka kung makikipaglapit pa ako sa iyo noon. Kung tutuusin, ikaw nga ang mas naunang umiwas at nagtago sa akin noon,” sagot ni Jake. Saglit itong sumulyap sa malayo bago ibinalik ang tingin sa kanya at nagpatuloy sa pagsasalita.“Nag-iba ka ng eskwelahang papasukan gayong akala ko magkikita pa tayo kahit paano sa La Salle. Besides, bihira na rin naman akong umuwi ng Isla Fuego noon dahil nasa Manila na ako nakabase. Kaya hindi ko masasabing sadya ang hindi natinpagkikita noon.”Marahang napatangu-tango si Joleen. Kunsabagay, may punto ito doon.“Now you answer my question. Bakit hindi mo ako gustong maging kaibigan ngayon gayong si Rowan naging matalik na kaibigan mo sa kabila ng relasyon ninyo n
Ang kasiyahan ni Joleen para kay Rowan sa nagaganap na engagement party nito ay kagyat naging pag-aalala. Sapagkat habang kino-korner siya ng nobya nitong si Deth na buong paniwala niya noon ay bagay na bagay dito, na-realize niyang mali pala siya.Dahil isang baliw na nagtatago sa likod ng maskara ng isang mabait at matalinong babae ito! At sa malas, tila pati ang bunsong kapatid na babae ni Rowan na si Rainee ay idinamay na rin nito sa kabaliwan nito. But then again, malamang si Rainee ang nanghawa kay Deth. Dahil kahit noong sila pa ni Rowan, hindi na niya nakasundo ang selosang babae na hindi boto sa kanya para sa kuya nito.Matapos niyang makipagsayaw kay Rowan ay inaba
Subalit mistulang isang bombang pinasabog sa mismong harapan niya ang naging epekto niyon sa kabuuan niya. Pakiwari niya ay isang tagong pintong kinalimutan na niyang naroon sa loob ng puso at isipan niya ang walang kahirap-hirap na binuksan ng halik nito. Pintong pinaglagakan niya ng lahat ng damdamin niya para dito.Mga damdaming itinanggi niya kahit sa sarili niya na nararamdaman pa rin niya para dito. Dahil alam niyang patuloy lang siyang masasaktan kung bubusisiin niya iyon ng paulit-ulit. Kaya naman para protektahan ang sarili niya ay mas pinili na lamang niyang itago sa lihim na pintong iyon sa kaibuturan niya.But with just one touch of his lips against hers, that door was opened.“It’s
‘’Hey, Simoun! Whose car is that I saw in Menchie’s parking space? Binilhan mo ba siya ng bagong sasakyan---‘’nabitin sa ere ang tanong na nasa labi ni Joleen nang tuluyang makapasok sa opisina ng pinsan niya. Sapagkat nakaupo sa harap ng glass-topped table sa isang panig ng opisina ni Simoun ang lalaking kakikita lang niya noong isang araw sa mansyon ng pamilya nila. May tatlo pang ibang naroon at tila ka-komperensya nito at ng pinsan niya. Subalit sadyang sa mukha lang ni Jake natuon ang titig niya. He was wearing a b