NASA kalagitnaan si Doreen ng kalmadong pagupit-gupit sa mga sketches ni Jim na ginawa niya noong dalawang linggong pananatili niya sa cabin nang marinig niya ang pagdating ng binata.
“Doreen? Where are you?! Why is the front door---“ kagyat natigilan ito nang bumungad sa entrada ng condo unit niya at makita ang ginagawa niya.
Alam niya na darating ito. Naitawag na ng security sa ibaba ng building ang pagdating nito kaya iniwan lang niyang nakabukas ang front door ng condo. Gusto kasi niyang makita agad nito ang ginagawa niya sa mga sketches nito. So what if she’s being such a drama queen?! She has the right to do this after what he did!
“What are you
WALANG ibang maisip puntahan si Jim kaya nagpahatid na lang siya sa driver niya sa bahay ng pinsan na si Johnny sa Novaliches. Pagdating niya ay agad na nahulaan ni Johnny na namumroblema siya. Sa kanilang magpipinsan, silang tatlo ng isa pa nilang pinsan na si Jackson ang mas malalapit sa isa’t isa. Pare-pareho kasi silang nagsilaki sa States bago nag-migrate dito sa Pilipinas noong teenagers na sila. “Bakit hindi mo kausapin ulit si Doreen, Jim?” untag sa kanya ni Johnny habang nag-iinuman sila nito sa may hardin ng bahay nito. “What the bloody hell does she want?! Goddamit! I asked her to marry me, didn’t I? I’m faithful to her! Bakit pa niya kailangang malaman ang lahat-lahat ng laman ng isip ko? Ang
DOREEN could not stop crying. Her eyes felt gritty and swollen but the pain filling heart could not find any other outlet. Nananakit na nga ang ilong niya at mga mata dahil sa kapapahid niya doon ng tissue. Nakabukas ang TV at nakasalang ang all-time favorite zombie movie niya na World War Z. But even watching Brad Pitt running away from zombies could not ease her pain. Sinubukan na rin niyang mamapak ng sangkaterbang chocolates na ayon kay Jannica ay siyang pinaka-mabisang gamot sa heartache. Wala pa ring epekto. Nakatutok sa TV screen ang mga mata niya pero hindi niya nakikita ang ipinapalabas niyon. Ang isip niya ang naglalakbay sa huling pag-uusap nila ni Jim. Kaya naman ganoon na lamang ang pagkasindak niya nang biglang magsalita mula sa gilid niya ang boses ni Nicole. Ni hindi niya naramdaman na bumukas ang pinto ng bedroom niya. “Doreen, may bisita ka. Papapasukin ko ba?&rdqu
ELEVEN YEARS AGO… “Is he still looking at me?” untag ni Joleen sa nakababatang pinsan niyang si Danieca. Magkaharap silang nakaupo nito sa isang mesa sa loob ng canteen ng Collegio de Fortuna. Nasa fourth year highschool siya sa naturang eskwelahan. Habang si Danieca naman ay nasa third year highschool doon din. Subalit kung siya ay doon na nag-aral mula pa elementarya, si Danieca ay ngayong taon lang pumasok doon. Dahil sa States ito nakatira noon kasama ng ina nito at nakakatandang kapatid na si Dylan. Until two years ago kasi ay divorced ang mga magulang ng
Kadalasan pa nga noon kapag naglalaro sila at natataya ang mga pinsan niyang sina Teree at Danieca, kusa itong lalapit sa mga iyon para magpataya para lang maipasa na agad ng mga ito dito ang pagiging taya. Pero pagdating sa mga pinsan niyang lalaki at sa kanya, competitive ito. Talagang kahit abutin ng kinabukasan hindi ito magpapahabol sa kanya o sa mga pinsan niya. Tipikal na spoiled rich kid ito. Parehong laging abala sa kanya-kanyang trabaho ang mga magulang nito. Sunod lahat ng layaw nito dahil iyon lang ang kadalasang kayang ibigay dito ng mga magulang nito. Hindi ang oras o atensyon ng mga iyon. Kaya marahil noong bata pa ito ay madalas itong dumikit sa kanila ng mga pinsan niya o kung hindi naman ay sa mga pinsan nito upang kahit paano ay maranasan ang magkaroon ng mga kapamilya kahit sa loob lang ng ilang maiikling oras.
Gusto niyang batukan ang sarili. Bigla kasing bumilis ang tibok ng puso niya nang ngitian siya nito. Isa iyong abnormalidad na hindi niya gusto ang ibig ipahiwatig.Kahit asar na asar siya kay Jake, aminado siya na gwapo at makisig talaga ito. Habang tumatagal ay tila mas lalo itong gumagwapo. Kung noon ay cute lang ito, ngayon hindi na sapat ang cute upang ilarawan ito. Subalit ngayon lang nangyaring nag-iba ang ritmo ng pagtibok ng puso niya dahil lang sa ngiti nito.With his half-Italian mother’s genes giving him his dark curls, even darker eyes and mysterious smile, he looks like a rogue angel out to break female mortal’s hearts. Mula naman sa ama nito ay minana nito ang katangkaran nito kaya halos umabot na ng six-two ang height nito. Hindi ito kasali sa anumang varsity team pero alam niyang mahilig itong maglaro ng basketball. Mayroon nga itong sariling basketbal
“Don’t come near him again, De Asis. I’m warning you.”Sa halip tumugon ay makahulugang ngumiti lang ito sa kanya. Saka siya pauyam na sinaluduhan. Pagkuwan ay tumalikod na ito at nagpatiunang lumakad palayo. Animo mga anino nitong kagyat nagsisunuran naman dito ang mga kabarkada nito.“Um, Joleen?” alanganin ang tonong tawag sa kanya ni Rowan.Tinapik-tapik naman niya ang kamay nito.“Don’t worry, titiyakin kong hindi ka na nila ulit mabu-bully,” paniniyak niya dito.“Iyon nga sana’ng itatama ko. Hindi naman nila ako binu-bully. Ang totoo, gusto lang nilang malaman kung pwede kong i-tutor si Orville sa darating na exams natin sa Physics.”Natigilan siya. Gilalas na nilingon niya ito saka hinabol ng tingin ang malayo nang grupo nina Jake.“Ano?! Pero
“Bakit hindi gayong ipinahiya mo ako sa harap ng buong school noong tuksuhin mo ako’t tawaging Babe Piglet?! Sino’ng matutuwa sa iyo pagkatapos nun? At gusto mo ba isa-isahin ko pa lahat ng pangalang ibinansag mo sa akin sa loob ng apat na taon?” Bumakas ang gulat sa anyo nito. “Iyon ba ang dahilan kaya mo ko inaaway? Pero, babe---“ “I said don’t call me babe!” singhal niya dito. “Okay, okay, easy! Huwag mo akong saksakin niyang tinidor mo. Tsk, hindi ba talaga pwedeng maging kalmado ka kahit minsan lang kapag kaharap ako?” anitong agad itinaas ang mga kamay at inginuso ang hawak niyang tinidor na naitaas pala niya’t naiamba dito nang wala sa loob niya.
Ngunit hindi pa man nagsisimulang manligaw si Jake kay Teree ay tinabla na agad siya nito. Dahil hindi diumano nito magugustuhan ang lalaking batid nitong kaaway ng paboritong pinsan nito.Kaya naman buo ang plano niyang kaibiganin na sa pagkakataong ito si Joleen. Kahit pa tutol ang kalooban niya sa ideyang iyon.Muli siyang napatingin kay Joleen. She is a pretty girl too. Pero hindi ito singganda ni Teree. She has dark straight hair reaching past her shoulders, dark brown eyes and pink full lips. Hindi na ito overweight tulad noong unang mga taon nito sa highschool na naging dahilan kaya ito naging tampulan ng tukso. Nalagpasan na nito ang weight problems nito. Pero hanggang ngayon, tila sensitibo pa rin ito sa anumang magpapa-alala ng dating problema nito doon.Although kung siya ang tatanungin, hindi naman nito dapat prinoblema iyon. Mas cute nga ito noong chubby ito
“I’ll make you happy. I promise. Just marry me, Joleen.” Hindi pa man lubos na nakakaupo si Joleen sa silyang hinila ni Jake para sa kanya nang dumating siya sa mesang ini-reserve nito para sa kanila ay ginulantang na siya nito sa seryosong pahayag na iyon. Kasabay ng pagsambit nito sa mga salitang iyon ay ang pagpapakita nito ng diamond ring na tangan nito sa kanang kamay at pag-aabot ng isang pumpon ng white chocolate tulips sa kaliwang kamay. Napabilis tuloy ang pag-upo niya dahil sa gulat. “Excuse me?!” gitlang bulalas niya nang salubungin ang tingin nito. “I said, marry me.” “No. Absolutely not! At kung iyan
Salubong ang mga kilay na humalukipkip si Joleen habang nakaupo sa sofa sa loob ng living room niya. Sa tabi niya ay nakaupo si Jake at isa-isang inilalabas ang mga laman ng paper bag na dala nito.“How about this movie? The Parent Trap? Maganda daw ito.Ito na lang ang panoorin natin,” suhestyon nito habang itinataas ang DVD na hawak nito.Iyon ang ikalawang linggo ng araw-araw na pagbisita nito sa bahay niya. At tulad ng mga nakaraang araw ay may bitbit na naman itong kung anu-anong pagkain, maternity clothes, vitamins at pregnancy books. Aakalin mong siya ang kauna-unahang babaeng nabuntis sa buong kasaysayan ng mundo kung kumilos ito. Naka-speed dial pa sa cellphone nito ang ob-gyne niya.Anumang iwas niya dito, walang saysay. Tila lahat ng nalalaman nito ukol sa mahigpit na pagbabantay sa loob ng basketball cou
Pakiramdam ni Joleen ay isa siyang astronaut habang naglalakad siya palabas ng private clinic ng kaibigan niyang ob-gyne na si Maricel. Mistula kasing lumulutang siya sa bawat paghakbang niya. Hati sa pagitan ng tuwa at pangamba ang damdamin niya. Kumpirmadong buntis nga siya.Magiging mommy na siya. Hindi na niya kailangan pa ng artipisyal na paraan para magka-anak na siyang naunang planong tumatakbo sa isip niya. Subalit kasunod ng kagalakan niya ay ang pangamba. Hindi sa kung paano niya bubuhayin ang anak niya. Wala siyang problema sa bagay na iyon.Kung hindi sa magiging reaksyon ni Jake sa sandaling malaman nito ang kalagayan niya. Ang magig
Nananakit ang ulo ni Joleen nang magmulat ng mga mata. Pakiwari niya ay may mga bandang tumutugtog ng maingay na rock song sa loob ng mga tainga niya. Umuungol na babangon na sana siya nang bigla siyang manigas sa labis na pagkagulat at panghihilakbot nang tumagos sa isipan niyang wala siya sa loob ng sariling kwarto niya.At higit sa lahat, wala din siya ni katiting na saplot sa katawan. She could also feel the soreness between her thighs. Patunay na lahat ng inakala niyang panaginip lang habang naggaganap kagabi ay tunay ngang nangyari at hindi parte ng halos gabi-gabi niyang pagpapantasya sa binata!Nag-iinit ang mga pisnging ib
Walang ideya si Joleen kung paanong mula sa engagement party nina Rowan at Deth ay napunta siya sa loob ng marangyang silid na kinaroroonan niyangayon. Wala rin siyang ideya kung bakit siya naroon. Maaalarma na sana siya lalo na nang maramdaman niya ang matitigas na braso ng lalaking buhat-buhat siya. Kung hindi lang niya nakita na si Jake ang may karga sa kanya.“I am nothing like Teree! Or Pauline or Danieca!” biglang anunsyo niya. Bigla kasi niyang naisip na baka nabibigatan ito sa pagkarga sa kanya kaya tila bahagyang nakangiwi ito.“Well, you certainly don’t look like your
“Wala namang misteryo sa pag-iwas ko o sa iniisip mong pag-iwas ko sa iyo noon, Joleen. Truth was, hindi ko sinadya iyon. Naisip ko lang na baka mailang ka kung makikipaglapit pa ako sa iyo noon. Kung tutuusin, ikaw nga ang mas naunang umiwas at nagtago sa akin noon,” sagot ni Jake. Saglit itong sumulyap sa malayo bago ibinalik ang tingin sa kanya at nagpatuloy sa pagsasalita.“Nag-iba ka ng eskwelahang papasukan gayong akala ko magkikita pa tayo kahit paano sa La Salle. Besides, bihira na rin naman akong umuwi ng Isla Fuego noon dahil nasa Manila na ako nakabase. Kaya hindi ko masasabing sadya ang hindi natinpagkikita noon.”Marahang napatangu-tango si Joleen. Kunsabagay, may punto ito doon.“Now you answer my question. Bakit hindi mo ako gustong maging kaibigan ngayon gayong si Rowan naging matalik na kaibigan mo sa kabila ng relasyon ninyo n
Ang kasiyahan ni Joleen para kay Rowan sa nagaganap na engagement party nito ay kagyat naging pag-aalala. Sapagkat habang kino-korner siya ng nobya nitong si Deth na buong paniwala niya noon ay bagay na bagay dito, na-realize niyang mali pala siya.Dahil isang baliw na nagtatago sa likod ng maskara ng isang mabait at matalinong babae ito! At sa malas, tila pati ang bunsong kapatid na babae ni Rowan na si Rainee ay idinamay na rin nito sa kabaliwan nito. But then again, malamang si Rainee ang nanghawa kay Deth. Dahil kahit noong sila pa ni Rowan, hindi na niya nakasundo ang selosang babae na hindi boto sa kanya para sa kuya nito.Matapos niyang makipagsayaw kay Rowan ay inaba
Subalit mistulang isang bombang pinasabog sa mismong harapan niya ang naging epekto niyon sa kabuuan niya. Pakiwari niya ay isang tagong pintong kinalimutan na niyang naroon sa loob ng puso at isipan niya ang walang kahirap-hirap na binuksan ng halik nito. Pintong pinaglagakan niya ng lahat ng damdamin niya para dito.Mga damdaming itinanggi niya kahit sa sarili niya na nararamdaman pa rin niya para dito. Dahil alam niyang patuloy lang siyang masasaktan kung bubusisiin niya iyon ng paulit-ulit. Kaya naman para protektahan ang sarili niya ay mas pinili na lamang niyang itago sa lihim na pintong iyon sa kaibuturan niya.But with just one touch of his lips against hers, that door was opened.“It’s
‘’Hey, Simoun! Whose car is that I saw in Menchie’s parking space? Binilhan mo ba siya ng bagong sasakyan---‘’nabitin sa ere ang tanong na nasa labi ni Joleen nang tuluyang makapasok sa opisina ng pinsan niya. Sapagkat nakaupo sa harap ng glass-topped table sa isang panig ng opisina ni Simoun ang lalaking kakikita lang niya noong isang araw sa mansyon ng pamilya nila. May tatlo pang ibang naroon at tila ka-komperensya nito at ng pinsan niya. Subalit sadyang sa mukha lang ni Jake natuon ang titig niya. He was wearing a b