Home / Romance / ARAW-ARAW KANG MAMAHALIN / Chapter 76.๐Ÿ’›

Share

Chapter 76.๐Ÿ’›

Author: SEENMORE
last update Huling Na-update: 2024-10-29 19:42:56
[Ang kwentong ito ay kwento na ng anak na panganay nina Maya at Tyler Montemayor na si Trevor Montemayor]

[Genesheya pov]

Tuwang-tuwa na yumakap ako kay Richard ng magtapat siya ng pag ibig sa akin. โ€œGusto din kita, Richard. Mabuti naman at pareho tayo ng nararamdaman.โ€ Madamdamin kong wika habang nasa bisig niya ako.

Ang tigas ng dibdib niya, mainit at ang bango-bango pa. Akala ko ay sa panaginip ko ay sa panaginip ko lamang siya mayayakapโ€”-

Natigilan ako ng makarinig ng malakas na katok sa pinto. Katok? Sandaling napaisip ako. Ibig bang sabihin ay nananaginip nga ako? Naitanong ko sa sarili ko.

Agad akong nagmulat ng mata. Halos maduling ako ng bumungad sa akin ang isang malapad na dibdib. Nanlaki ang mata ko, at biglang kumabog ng malakas ang dibdib ko ng maramdaman ko na mayroโ€™ng mainit na hininga na tumatama sa itaas nang ulo ko.

Gumapang ang kilabot sa aking katawan ng maramdaman ko na may binting kumikiskis sa hita ko. Naramdaman ko rin na mayroโ€™ng braso sa bewang ko. Sakto ng
SEENMORE

Thank you for GEMS po๐Ÿ’Ž

| 6
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP
Mga Comments (6)
goodnovel comment avatar
Kulot Mo Leysa
waos din si ninang maya ah gagawa talaga ng praan
goodnovel comment avatar
Annilene Tropico
ang ganda ng story thank you
goodnovel comment avatar
Pricilla Legarte
Super thank you!
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

  • ARAW-ARAW KANG MAMAHALINย ย ย Chapter 77.๐Ÿ’›

    [Genesheya pov]Iniwan nila kami ni kuya Trevor para makapag usap. Sa dilim ng kanyang mukha at pagkakuyom ng kanyang kamao ay pinili kong layuan na siya. Natatakot ako na baka bigla niya akong sapakin. Alam ko na galit siyaโ€” hindi, mas matamang sabihin na galit na galit siya sa akin.โ€œPlano mo ba ito, ha?โ€ Maanghang niyang tanong.โ€œH-Ha?โ€ Lumapit siya sa akin kaya naman napaatras ako, hanggang sa ma-corner ako at wala ng maatrasan pa. โ€œKu-kuyaโ€“โ€โ€œDamn you!โ€ Galit niyang bulyaw. โ€œStop calling me kuya, Sheya! Wag kang umarte na inosente ka dahil hindi mo ako madadala sa ganyan mo!โ€ Galit niyang bulyaw sa akin.Kusang pumikit ang mata ko ng makitang susuntukin niya ako. Akala ko ay tatama sa mukha ko ang kamao niya, pero sa pader tumama ang suntok niya, sa gilid ng ulo ko. Nag unahan sa pagtulo ang luha ko. Takot na takot ako, akala ko ay sasaktan niya ako.โ€œBakit ako pa, Sheya? Alam mo naman na ikakasal na ako, diโ€™ba?โ€ Napasabunot ito sa buhok. Bakas ang frustation sa mukha na tumingin

  • ARAW-ARAW KANG MAMAHALINย ย ย Chapter 78.๐Ÿ’›

    [Genesheya pov] Galit na galit si tatay ng malaman ang nangyari, si nanay naman ay walang patid ang pag iyak, samantalang si Gilo ay tuwang-tuwa dahil yayaman na daw ako kaya palagi ko na siyang mabibigyan ng baon. Ganunpaman ay nagpapasalamat si tatay dahil pinili ni kuya Trevor na pakasalan ako kahit na isang sabing pagkakamali lamang โ€˜yon. Ang hindi alam ni tatay ay napipilitan lang si kuya Trevor na panagutan ang nangyari sa amin. Nagtataka na tumingin ako sa kanya ng makita na magaan ang pag uusap nila ni tatay. Mukhang tanggap na agad ni kuya Trevor ang nangyari at wala na talaga itong tutol. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako, o matatakot. Oo, natutuwa ako dahil hindi na niya ako sinisigawan at inuutusan na gumawa ng paraan na mapigilan ang kasal, pero natatakot naman ako. Hindi ko alam kung ano ang magiging galaw o trato ko sa kanya dahil hindi ko naman alam ang dapat gawin ng may asawa. Saka hindi ko siya mahal. Tumingin ako kina tatay at ninong Tyler na seryosong nag uusap

  • ARAW-ARAW KANG MAMAHALINย ย ย Chapter 79.๐Ÿ’›

    [Genesheya pov] Gusto kong sabihin na โ€˜hintayin niya akoโ€™ pero hindi ko magawa dahil kapos ako sa paghinga dahil sa hingal. Nang huminto siya ay huminto din ako, katulad niya ay tumingala ako. Ganoโ€™n na lang ang pagkamangha ko ng makita ang mala-palasyong mansion sa gitna ng kagubatan. Hindi ako makapaniwala na may ganitong lugar rito. Akala ko ay katulad ng mga kubo o mga cabin lang ang tutuluyan namin, hindi naman pala. Nang buksan niya ang malaking tarangkahan ay rinig ang langitngit nito katulad ng tunog sa mga napapanood kong mga horror movies. Mukhang alaga naman ang mala-palasyong lugar na ito, dahil malinis ang paligid. Halatang alaga ang mga naggagandahang bulaklak at hindi mukhang ligaw lang. Maganda ang pintura at mukhang bago pa. Hindi man ang ako sinabihan na pumasok ni kuya Trevor, basta na lamang niya akong iniwan sa labas, kaya naman ako ay tumakbo papasok at sumunod sa kanya. Ang madilim na paligid ay biglang lumiwanag ng itapat nito ang isang hintuturo sa glow in t

  • ARAW-ARAW KANG MAMAHALINย ย ย Chapter 80.๐Ÿ’›

    [Trevor pov] Sinimsim ni Trevor ang basong may laman na alak habang nakatingin sa kontratang pinirmahan ni Genesheya, o mas kilala sa palayaw na Sheya. โ€˜Kasal na nga talaga akoโ€™ iiling-iling na muli akong sumimsim ng alak. Kung hindi lang dahil kay mommy at daddy ako hindi ako aalis kasama si Sheya at nagtungo na lang sana sa Paris kung nasaan si Xena, ang nobya ko talaga at balak na pakasalan. Limang taon na ang relasyon namin ni Xena. Pareho naming mahal ang isaโ€™t isa kaya tumagal ng limang taon ang relasyon namin. Isa itong international model at talagang kilala sa ibang bansa, kaya nga hindi na ito nakakabalik ng Pilipinas dahil sa hectic nitong schedule. Alam kong hindi gusto ng pamilya ko ang nobya ko. Wala akong makitang ibang rason dahil mabait at malambing si Xena. Kaya sa palagay ko kaya ayaw nila rito dahil limang beses na akong nag-propose rito, pero paulit-ulit din ako nitong tinanggihan. Kaya nang tanggapin nito ang alok kong kasal ay sobrang saya ko. Iโ€™ve been waitin

  • ARAW-ARAW KANG MAMAHALINย ย ย Chapter 81.๐Ÿ’›

    [Genesheya pov] Pagkatapos kong kumain ay nagligpit na ako. โ€œWAHHHHHHH!!!!โ€ Malakas kong tili ng may bigla na lamang na lalaki ang lumitaw sa harap ko. Sa sobrang takot ko ay nabato ko siya ng baso, pero maagap niya itong nasalo habang tumatawa pa. Tinaas ko ang bread knife at itinutok sa kanya. Nanginginig ang kamay ko sa takot, nagtatapang-tapangan lamang ako. โ€œS-Sino ka? M-Magnanakaw ka, no?โ€ Humawak ito sa dibdib at umaktong tila nasaktan. โ€œOuch, you hurt my feelings, beautiful lady. Sa gwapo kong โ€˜to, magnanakaw?โ€ Saglit na huminto ito sa pagsasalita at tumango-tango. โ€œMagnanakaw ng puso, pwede pa.โ€ Nakakainis naman ang magnanakaw na โ€˜to, nakuha pang tawanan ako! Saka anong magnanakaw ng puso? Pinasadahan ko ito ng tingin. Sabagay, gwapo ito. Matangkad at moreno. โ€œU-Umalis ka na, kung hindi ay tatawag ako ng pulis!โ€ Pananakot ko, pero imbis matakot at tinawanan na naman niya ako. Umupo pa ito sa upuang naroon at dumampot ng tirang hotdog at sumubo. โ€œNasaan si Trevor?โ€ Ngum

  • ARAW-ARAW KANG MAMAHALINย ย ย Chapter 82.๐Ÿ’›

    [Genesheya pov]Masaya ako, hindi lang dahil sa mabuti ang pakikitungo sa akin ng pamilya ni Trevor, kundi naipagpatuloy ko rin ang pag aaral ko. Next year ay magtatapos na ako sa course kong Accountancy. Ngayon pa lang ay napakasaya ko na dahil matutupad na ang pangarap ng magulang ko na makapagtapos na ako.Dalawang buwan na ang nakakalipas. Noong unang araw na nilipat ang gamit ko sa kwarto ni Trevor ay hindi na ito umuwi pa. Ang alam namin ay nasa Europe ito dahil sa business ng pamilya. Kung hindi nabanggit ni kuya Marshall na nasa Europe ito ay hindi ko pa malalaman. Pagkauwi ko galing unibersidad ay diretso ako sa cooking lesson namin ni mommy. Kinausap ko kasi si mommy na turuan akong magluto para madagdagan ang kaalaman ko rito. Alam ko naman na dalawang taon lang kami na magsasama ni Trevor, gayunpaman ay gusto ko pa rin na gawin ang ibang obligasyon bilang isang maybahay sa kanya. Ang maipagluto siya ng mga paborito niya, ay isang maliit lang naman na bagay.โ€œHmm, ang bango

  • ARAW-ARAW KANG MAMAHALINย ย ย Chapter 83.๐Ÿ’›

    [Genesheya pov] Iyak ng iyak si nanay habang isinasakay ang mga gamit ko sa sasakyan. Maging si tatay at Gilo ay bakas ang lungkot sa mukha. Si mommy ay iyak din ng iyak katulad ni nanay. Hindi naman ako mamatay pero kung makaiyak ang dalawa ay parang ililibing na ako bukas. Lumapit si tatay at hinawakan ako sa ulo. โ€œGenesheya, sa oras na kailangan mo kami ay tumawag ka o magmessage ka lang sa amin ng nanay mo at darating kami agad. Alam mo naman na walang malayo pagdating sa prinsesa namin.โ€ Yumakap ako kay tatay at sinubsob ang mukha sa kanyang dibdib. Mamimiss ko ang amoy nila ni nanay, syempre maging ang kakulitan ni Gilo sa akin. โ€œSheya, wag mo kalimutan ang bilin namin saโ€™yo ng mommy Maya mo, ha. Busugin mo sa pagmamahal si Trevor at alagaan mo siya.โ€ Matagal-tagal na paalamanan ang naganap. Ayaw pa nga ni mommy na umalis kami. Hindi pa naman sanay sina nanay at tatay na malayo sa akin. Sabagay, pwede naman nila akong tawagan o imessage or video call. Napapanisan na ako ng l

  • ARAW-ARAW KANG MAMAHALINย ย ย Chapter 84.๐Ÿ’›

    [Genesheya pov] Kanina pa ako nakatayo sa gate ng unibersidad habang hinihintay sina Chairmaine at Harold. Nang makita ko sila ay agad akong kumaway sa kanilang dalawa. Patakbo naman silang tumakbo palapit sa akin. โ€œHoy, ano bang ginagawa ninyong dalawa? At talagang lumipat pa kayo rito dahil sa akin.โ€ Hindi ako makapaniwala na talagang tutuparin nila ang pangako nila sa akin dati na kung nasaan akong unibersidad ay doโ€™n sila magtatapos. โ€œSheya, ako lang dapat ang lilipat eh. Pero itong si Harold ay nakigaya na rin.โ€ Umirap si Chairmaine sa binata. โ€œAba, nakalimutan yatang kasal ka na at may asawa. Parang aso pa rin na bubuntot-buntot saโ€™yo.โ€ โ€œAnong aso? Sa gwapo kong โ€˜to mukhang aso lang ako sa paningin mo?โ€ Nilagay ni Harold ang kamay sa ilalim ng baba habang naka-gesture ng pogi sign. โ€œSheya, bulag na yata ang isang โ€˜to, diโ€™ba gwapo naman talaga ako?โ€ Pagpapakampi nito. At nagtalo na naman ang dalawa sa harapan ko kaya napailing na lang ako. Hindi mahirap sa dalawa ang magpali

Pinakabagong kabanata

  • ARAW-ARAW KANG MAMAHALINย ย ย Chapter 154.๐Ÿ’™

    (Karla pov) Kitang-kita ko kung paano bugbugin ni Timothy at nang kakambal nitong si Marshall si Bane. Dumating din si Jelay, umiiyak itong nakayakap sa'kin. "Karla, thanks god you're safe. Sobra kaming nag alala sayo ni nanay." Nag aalalang sabi ni Jelay sa'kin. Maraming dumating na mga pulis, hinuli si Bane at ang mga tauhan nito. Nakahinga ako nang maluwag dahil naligtas din si Atty. bago pa ito tuluyang mapatay ng mga tauhan ni Bane. Naramdaman ko nalang ang pag angat nang katawan ko sa ere, si Timothy buhat niya ako. Sa bisig niya ay umiyak ako ng umiyak... halo-halo ang nararamdaman ko... Pasasalamat at pangungulila sa kanya. Hindi malubha ang lagay ko pero ang daming bumisita sa'kin. Hiyang-hiya ako sa magulang ni Timothy at hindi ko magawang tumingin sa kanila dahil sa labis na hiya sa nagawa ko sa anak nila. "Karla, iha... hindi mo kailangan na sisihin ang sarili mo. Biktima ka lang ng sarili mong ama." Wika nang mommy ni Timothy. "Sa katunayan ay natutuwa kami sa

  • ARAW-ARAW KANG MAMAHALINย ย ย Chapter 153. ๐Ÿ’™

    (Karla pov) Tatlong araw na ang nakakalipas simula nang iwan ko si Timothy. Walang araw na hindi ako tahimik na umiiyak at alam ni nanay ang lahat... Pinagtapat ko sa kanya ang lahat. Wala akong narinig na masakit na salita sa kanya, ito pa ang humingi ng tawad sa akin dahil kasalanan daw niya kung bakit ako nagkaro'n nang masamang ama. Tumawag sa akin si Sheya, binalita niya ang lahat sa'kin. Tahimik daw na inasikaso ang kaso. Nahuli na rin si Richard at nakakulong na. Ang magulang ni Richard na nagpalabas na patay na si Richard ay haharap din sa kaso. Malungkot at nasasaktan man ako ay masaya parin ako sa balitang nalaman ko. Kampante na ako dahil hindi na sila mapapahamak sa kamay ng ama at kapatid ko. Natigilan ako nang makita ang isang babae na naghihintay sa akin sa labas ng bago naming tinutuluyan ni nanay. Teka, ito 'yong atty. na nakita kong kasama ni Timothy sa elevator. Ano kaya ang kailangan ng babaeng 'to sa'kin? Nang makita niya ako ay agad siyang lumapit sa'kin. Nag

  • ARAW-ARAW KANG MAMAHALINย ย ย Chapter 152. ๐Ÿ’™

    (Karla pov)Wala akong ginawa kundi ang umiyak. Gustuhin ko man isuplong at sabihin sa mga Montemayor ang tungkol kay Richard ay pinangunahan ako ng takot. Oo, naduduwag ako. Binantaan kasi ako ng ama ko na isiswalat din niya kasabwat ako, sisiguraduhin daw nito na malalaman ni Timothy na kasama ako sa mga planong ginawa nito. Hindi ko na kayaโ€ฆ kinakain na ako ng konsensya ko. Narinig ko ang usapan ni Timothy at Sheya, natatakot ako dahil mukhang may balak na naman na masama si Richard kay Sheya. Nakakatakot si Richard, imbis na magbago ito at magpasalamat sa ikalawang buhay na binigay ng diyos ay nagagawa pa rin nito na gumawa ng masama.Tumingala ako sa harapan ng mansion nang mag asawang Trevor at Sheya.Hindi na kasi kaya ng konsensya ko. Hindi na ako makakain at makatulog ng maayos. Bahala naโ€ฆโ€œKarla!โ€ Nakangiting yumakap sa akin si Sheya ng makita ako. Niyaya niya akong umupo, pinaghandaan pa ako nito ng pagkain. Napansin ko na nanlalalim ang mata ni Sheya, mukhang hindi ito nak

  • ARAW-ARAW KANG MAMAHALINย ย ย Chapter 151. ๐Ÿ’™

    (Timothy pov) "Oh, Timothy, napadalaw ka." Nakangiting bungad ng ina ni Karla sa akin, agad ako nitong pinapasok sa loob. Mas masigla na ito kumpara no'ng una ko itong makita, siguro dahil na rin sa regular check up nito at patuloy na pag inom ng gamot. "Naku, iho, nag abala ka pa." Tila nahihiyang turan nito ng makita ang marami kong dalang groceries at lutong pagkain. "Hindi ito isang abala, nay." Ako na nagsalansan ng mga pinamili ko dahil ayaw ko itong mapagod. Pagkatapos ay agad kong tinanong ang ina ni Karla. "May problema ka ba, nay? Kayo ni Karla?" Oo, isa ito sa dahilan kung bakit ako nagpunta rito. Gusto kong malaman kung ano ang problema nilang mag ina. I know it was wrong because it's a family matter, but for me, when it comes to Karla, it's matter. Mahalaga sa akin ang nobya ko. Kung sakaling malaman ng nobya ko ang ginawa at magalit ito ay maiintindihan ko. I'm really worried. Hindi na ako mapakali dahil pakiramdam ko ay naglalagay ng pader sa pagitan naming dalawa si

  • ARAW-ARAW KANG MAMAHALINย ย ย Chapter 150. ๐Ÿ’™

    (Timothy pov) Hindi ko mapigilan ang mag alala dahil hindi sinasagot ni Karla ang mga tawag ko. I called may secretary to cancel all my appointments at nagmamadaling umuwi sa condo. Then I saw her, crying while holding her cellphone, mukhang hindi maganda ang pinag uusapan ng mga ito dahil mas lalong humaguhol ng iyak ang nobya ko. Rumehistro ang gulat sa mukha niya ng makita ako. "T-Timothy..." "What's wrong? May nangyari ba kay nanay?" Nag aalala akong yumakap sa kanya. Kilala ko si Karla hindi ito basta iiyak lang kaya alam kong may mabigat siyang dinadala. Pero imbis sagutin ako ay tumalikod ito sa akin at umiling. Bumuntong hininga ako. Kahit nanaig sa akin na alamin ang problema ay iginagalang ko kung ayaw man niyang sabihin sa akin ang problema niya. "N-Nagluto ako, hon. S-Sandali lang at maghahain ako ng pagkain." Nagpaalam si Karla na maghahain, tumango ako bago pumasok sa kwarto para magbihis. Ilang beses pa akong bumuntong hininga. Hindi ko talaga gustong makita na umii

  • ARAW-ARAW KANG MAMAHALINย ย ย Chapter 149. ๐Ÿ’™

    (Karla pov)Masaya kaming nagkukwentuhan ni Jelay habang kumakain sa isang fast food chain. Nagkita kaming dalawa at syempre nagkamustahan. Sinabi ko sa kanya na uuwi na ako sa bahay namin sa susunod na buwan. โ€œTeka, saan ka ba nagtatrabaho?โ€ Tanong sa akin ni Jelay. โ€œPara madalaw ka namin ni nanay. Boss mo ba si Timothy?โ€ Muntik na akong masamid sa tanong niya. Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin kasi sinasabi sa kanila ang totoo. Alam ko kasi na magagalit si nanay kapag nalaman niya na nakatira ako sa isang bahay kasama ang isang lalaki. Sino bang ina ang matutuwa na ang anak niyang dalaga ay mayroโ€™ng kasamang lalaki sa bahay. Hindi ko na nasagot ang tanong niya ng tumunog ang cellphone ko. Tumatawag ang ama ko. "Hindi mo ba sasagutin? Baka importante 'yan." Umiling ako kay Jelay. "Wrong number lang." Nang maghiwalay kaming dalawa ay saka ko binasa ang text messages na pinadala ng ama ko. Gusto nitong malaman kung may improvement na ba sa plano ko. Bumuga ako ng hangin. Mahal ko

  • ARAW-ARAW KANG MAMAHALINย ย ย Chapter 148. ๐Ÿ’™

    (Karla pov)Iyak ako ng iyak dahil walang balita kay Jelay. Hindi ito matagpuan at kahit ang mga kapulisan ay hindi ito natagpuan. Maging si nanay ay sobra ng nag aalala rito.โ€œMaโ€™am, sigurado ka ba na dito nakatira ang kaibigan mo?โ€ Intriga sa akin ng pulis na may pagdududa. โ€œOpo, mamang pulis. Tandang-tanda ko na iyan ang nakalagay sa ID ng kaibigan ko noong nagtatrabaho kami.โ€ Dagdag ko pa.Kumunot ang noo ni Timothy, ang pulis ay kunot din ang noo, nagtataka tuloy ako kung bakit parang nagtataka silang dalawa.โ€œMaโ€™am, ang lugar kasi na iyan ay isang exclusive subdivision, puro mayayaman ang nakatira sa lugar na โ€˜yan at iisang angkan langโ€ฆ ang angkan ng mga Herendes. Kaya imposible na riโ€™yan nakatira ang kaibigan mo.โ€ โ€œHon, hinawakan ni Timothy ang kamay ko. Alalahanin mong mabuti, sigurado ka ba na dito siya nakatira?โ€ Agad na tumango ako. โ€œOo, hon, sigurado ako. Kung gusto ninyo ay alamin ninyo sa dati naming pinapasukang pabrika, sigurado ako na mayroโ€™ng record si Jelay doon.

  • ARAW-ARAW KANG MAMAHALINย ย ย Chapter 147. ๐Ÿ’™

    (Timothy pov) Kumunot ang noo ko pagdating sa tapat ng pintuan ng condo ko. May nakita akong bulaklak at ilang regalo na para kay Karla. Naka-indicate ang pangalan ng nobya ko rito kaya takang-taka ako. Hindi kasi ako bumili ng bulaklak ngayon kay Karla dahil dumaan ako ngayon sa isang jewelry store para bilhan ito ng kwintas na mayroโ€™ng picture naming dalawa.Tiningnan ko ng masama ang katapat ng pad ko, ang condo unit ni Bane. Lumapit ako rito at malakas na kumatok. Pero imbis si Bane ay isang babae ang nagbukas rito.โ€œClare!?โ€ Gulat na gulat na bulalas ko. โ€œHi, Timothy!โ€ Agad na bati ng dalaga na nakangiti. โ€œPasa sa akin ba ang mga bulaklak na โ€˜yan?โ€โ€œBakit ikaw ang nasa unit ni Bane? Nasaan siya?โ€ Iniinis ako ng gag0ng โ€˜yon ah. Alam ko siya nagpadala nito kay Karla.โ€œSinong Bane?โ€ Tanong ni Clare. โ€œAh, siya ba โ€˜yong dating nakatira dito? Well, sa akin na ang unit na โ€˜to dahil ibinenta na ito sa akin.โ€ Ngumiti ito ng pilya. โ€œSi Bane ba talaga ang hinahanap mo, oh baka naman ako t

  • ARAW-ARAW KANG MAMAHALINย ย ย Chapter 146. ๐Ÿ’™

    (Karla pov) Sobrang saya ko dahil hindi na peke ang relasyon namin ngayon ni Timothy. Araw-araw ay dama ko ang pagmamahal niya sa akin. Wala siyang ginawa kundi ang suyuin ako, sabi nga nito ay 'liligawan niya ako ng pormal kahit kami na. "Salamat, Timothy," Pasalamat ko sa kanya ng abutan niya ako ng bulaklak. "Sabi ko naman sayo ay tama na e. Tingnan mo ang condo mo, malapit ng mapuno ng mga bulaklak." Dalawang buwan na matulin ang lumipas, tapos na ang agreement namin dalawa pero heto at masaya kaming nagpatuloy sa relasyon namin. "Kasalanan mo 'yan, hon. Hindi mo kasi tinatapon ang luma kong binibigay." Iiling-iling na sabi nito sa akin na ikinairap ko sa kanya. "Bakit ko itatapon, eh binigay mo sa akin lahat ng 'to." Sa totoo lang ay sinubukan kong sundin ang sinabi niya sa akin pero hindi ko talaga kaya. Bukod sa nanghihinayang ako ay gustong-gusto ko ang mga bulaklak na nakikita sa umaga. Hindi ako magsasawang titigan ang mga ito dahil galing ang lahat ng ito sa kanya. Kumu

DMCA.com Protection Status