[Maya/Fiona pov]Pagmulat ko ng mata ay ang gwapong mukha ni sir Tyler ang bumungad sa akin. Sa aking pagkataranta ay biglaan akong napabangon sa sobrang pagkabigla. Paano ay napakalapit ng mukha ng amo ko sa akin. Tumatama na ang hininga niya sa mukha ko kaya naman naamoy ko ang mabango niyang hininga. Diyos ko! Nakakapanghina ang kagwapuhan nito! Agad na tinakpan ko ang aking mukha ng palad ko para itago ang pamumula ko. Alam kong pangit ako at walang karapatan na makaramdam ng ganitong kilig. Pero ano ang magagawa ko... hindi ko mapigilan ang sarili ko dahil kay sir Tyler."Fiona, kamusta na ang pakiramdam mo?" Saka lamang ako natauhan ng marinig ang boses ni sir Delvin na hindi ko napansin na nasa uluhan ko banda nakatayo. Bakas ang pag aalala sa mukha nilang lahat, lalo na kay Trevor."Momster, I thought you died na po." Umiiyak na yumakap sa akin si Trevor.Napa- signed cross ako ng wala sa oras dahil sa sinabi ng alaga ko. Baka kasi mabati at magkatotoo, eh ayaw ko pang mamat
[Tyler pov] Sa loob ng tatlong taon ay kinain ako ng lungkot, sakit, pangungulila. Hindi ko namalayan na napapabayaan at nababalewala ko na ang sarili kong anak. Palagi kong sinisisi ang sarili ko sa pagkawala ni Maya. Kung hindi ako naging pabaya ay baka hanggang ngayon ay buhay pa siya at kasama namin ni Trevor. Masaya sana kaming magkasama at buo ang pamilya namin. Kailan man ay hindi sumagi sa isip ko na sisihin si Trevor sa pagkawala ng mommy niya. Ang totoo ay hindi ko magawang harapin siya dahil pakiramdam ko ay ako ang dahilan kung bakit nawalan siya ng ina. Kaya sinabi ko sa aking sarili na hangga't hindi nahahanap kung sino ang dahilan sa pagkawala ni Maya ay hindi ko kayang humarap sa kanya... Subalit mali ako...Dahil sa ginawa ko ay hindi ko na namamalayan na nasasaktan ko na pala ang kawawa naming anak ni Maya. ang tanga ko dahil hinayan ko na isipin at maramdaman niya na hindi ko siya mahal. Nang marinig ko ang sinabi ni Fiona sa akin ay saka lamang ako natauhan...
[Maya/Fiona pov]Hindi ako tsismosa. Pero naku- curious ako kung ano ba ang kinamatay ng asawa ni sir Tyler. Kapag nagtatanong naman ako kila ate Mae at aling Berta ay wala naman silang malinaw na sagot sa akin. Ewan ko ba, hindi ko alam kung bakit gustong-gusto kong malaman ang lahat sa mag amang sina sir Tyler at Trevor. Maski ako ay hindi ko na rin maintindihan ang sarili ko. Nakikita ko minsan ang sarili ko na umiiyak na pala ng hindi ko namamalayan, lalo na kapag nakikita ko silang mag ama na parehong masaya. Ang puso ko naman ay parang lumulutang sa tuwa sa tuwing ngumingiti sa akin si sir Tyler.Isang buwan na akong nagtatrabaho sa mansion at sanay na sanay na akong kasama silang dalawang mag ama. Alam ko naman na yaya lang ako, pero inaamin ko na minsan ay nangangarap ako na sana ay ako na lang talaga ang mommy ni Trevor.Habang nakatayo ako sa harapan ng salamin at nakatingin sa aking repleksyon ay may mga tanong ako sa utak ko katulad ng... kung hindi ba ako ganito kapangit
[Maya/Fiona pov]'SUZY'Hindi ko alam kung bakit hanggang ngayon ay kumukulo ang dugo ko simula ng marinig ko ang pangalang iyon. Dahil siguro sa nalaman kong sinasaktan pala nito ang alaga ko. Kumuyom ang aking kamao.Hindi ako makakapayag na saktan pa nitong muli sinTrevor. Hangga't narito ako sa mansion na ito ay po-protektahan ko ito. Wala akong pakialam kung step-sister ito ni sir Tyler, sa oras na saktan niya si Trevor ay hindi ko alam kung ano ang magagawa ko sa kanya.Akala ko ay sa mga palabas ko lamang maririnig ang mga ganitong senaryo, hindi pala. Hindi pala pagmamahal ng isang kapatid ang nais ni Suzy kay sir Tyler. Ayon kina aling Berta at ate Mae ay makailang ulit ng nagtangka ang Suzy na 'yon na pikutin ang amo namin, mabuti na lang at napipigilan iyon ng dalawa.Habang hinihintay kong matapos sa paglangoy si Trevor kasama ang kanyang swimmer instructor ay nagpunta muna ako sa kwarto niya para ihanda ang tuwalya niya. Pagpasok ko ay naabutan ko si sir Tyler na nakatayo
[Maya/Fiona]Natigil ako sa pagkanta para patulugin si Trevor ng may kumatok. Akala ko ay si sir Tyler ito, pero hindi pala. Walang iba kundi si Suzy. Nang makita ito ni Trevor ay daig pa nito ang nakkita ng multo, agad itong nagtalukbong ng kumot."HOY, ikaw na pangit ka. Pwede ba na huwag mong mai-display-display 'yang mukha mo sa dining hall sa tuwing kakain kami. Nakakawalang gana ang kapangitan mo! Sukang-suka ako kanina dahil sa'yo! At isa ka pa!" dinuro nito si Trevor. "Wag kang sasabay sa amin sa pagkain! Ilang beses ko bang dapat sabihin sayo na hindi ka mahal ng daddy mo! Ikaw ang sinisisi niya kung bakit namatay ang mommy mo!"Naiwan akong tulala. Hindi ako makapaniwala sa mga narinig ko sa kanya. Nang tanungin ko si Trevor ay tama nga ako ng hinala... si Suzy pala ang nagtanim sa murang isip ni Trevor na hindi ito mahal ng daddy niya.Ang sama naman ng babaeng 'to! Pati ba naman ang isip ng bata ay lalasunin nito ang isip!"Momster, please take care, ha. Si tita Suzy po kas
[Suzy pov]"Damn you ugly bitch!! May araw ka rin sa akin!!!" Nagngingitngit sa galit na ibinato ni Suzy sa pader ng tinutuluyang kwarto ang hawak niyang cellphone. Nakita niya si Tyler na nakikipag usap sa ubod ng pangit na nanny ni Trevor. Hindi niya matanggap na ngumiti si Tyler rito!Simula ng palayasin siya ni Tyler noon ay hindi na bumalik ang magandang pakikitungo nito sa kanya, at kasalanan lahat iyon ni Maya.Nilabas niya ang pakete ng sigarilyo at kumuha ng isa at agad itong sinindihan. Kailangan niya ito para kahit paano ay kumalma siya. Sunod-sunod ang paghithit niya at pagbuga ng usok. Nagtataas-baba pa rin ang dibdib niya sa bwisit sa nanny ng anak ni Tyler. Hindi niya matanggap na babarahin siya kanina nito ng sagot. Mukha itong palaban, pwes, yari ito sa kanya. Bigla ang paggapang ng kilabot sa kanyang katawan ng maalala ang boses ng babae. Shit. kaboses pa ito nii Maya. Nang magkasalubong ang mata nila ng babaeng 'yon ay nakita niya si Maya sa rito sa kabila ng kapang
[Maya/Fiona pov]TAWA nang tawa kami nila aling Berta at ate Mae habang ginagamot ng mga ito ang mga sugat ko sanhi ng kalmot ni Suzy. Nakatikim man ako ng sabunot at kalmot ay ayos lang. Ang mahalaga ay napigilan namin ito sa plano nito.Oo, alam namin ang balak ni Suzy dahil bawat kilos nito ay nakabantay kaming lahat. Alam namin na nilalagyan niya ng droga ang pagkain at inumin na ibibigay niya kay sir Tyler. Kaya naman ginawa namin ang lahat para hindi ito magtagumpay. Ngayon pa nga lang na hindi pa ito ang step-mother ni Trevor ay nagagawa na nitong saktan ang alaga ko. Lalo na siguro sa oras na magawa nito ang plano nito.Wag na siyang aasa, noh! Hindi ako papayag na mapunta si sir Tyler sa iba, lalo na sa kasing sama ni Suzy. Mabuti na lang at nakapag-alibi kami kanina kay sir Tyler. Sinabi ni ate Mae na kaya bumangga ako kay Suzy at nadaganan ito dahil itinulak ako ni ate Mae. Ang babaw ng dahilan namin pero kataka-taka na tinanggap agad 'yon ni sir Tyler. Ni hindi nga nito in
[Maya/Fiona]“WHATS HAPPENING HERE?!” Dumagundong ang malaking boses ni sir Tyler sa paligid kaya natigil ako sa pagsabunot kay Suzy na nasa ilalim ko. Hindi na si Suzy makatayo, hindi na rin nito nakuha pang gumanti sa akin kaya naman ngayon ay puro na ito pasa at kalmot ko.Saka lamang ako natauhan ng ipalibot ni sir Tyler ang braso niya sa bewang ko at alisin ako sa ibabaw ni Suzy. Kulang pa! Iyon ang sigaw ng utak ko. Gusto ko pang saktan si Suzy at durugin ang mukha nito. Nag aapoy ang damdamin ko sa sari’t saring emosyon— galit at pagkamuhi! Saka lamang ako natauhan ng hawakan ni sir Tyler ang mukha ko at mataman akong tinitingnan sa mata. “Calm down, Fiona. Ano ba ang nangyayari rito, sa inyo?” Agad na tumayo si Suzy at yumakap sa bewang ni sir, kaya naman lalo lang akong nanggalaiti sa galit sa kanya. “K-Kuya, that woman hurt me without any reason! Baliw ang pangit na babaeng ‘yan! Palayasin mo ang babaeng ‘yan dito sa bahay dahil baka kung ano pa ang gawin niya sa anak mo!