Salamat po sa mga GEMS!
[Maya]MAS naging maasikaso at maalaga si Tyler simula ng magdalantao ako. Halos hindi na ito pumapasok para lang ibigay ang lahat ng gusto kong kainin o samahan ako sa pagpapacheck up ko. Kahit sa pagbabanyo ko nga ay nakaalalay siya sa takot na baka mawalan ako ng balanse at mapahamak kami ni baby.Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman kong saya simula ng malaman kong buntis ako sa magiging anak namin ni Tyler. Oo, marami pa akong pangarap, pero kaya kong isantabi ang mga iyon para sa magiging anak namin. Pinapangako ko na magiging mabuting ina din ako katulad ni nanay, at syempre ay magiging mabuting asawa din ako kay Tyler.Hinaplos ko ang may kalakihan ko ng tiyan habang hinihintay si Tyler dito sa parking lot ng Supermarket. Galing kami ng department store para mamili ng mga gamit ng anak namin na si Trevorβ yes, lalaki ang magiging anak namin. Tuwang-tuwa nga si Tyler dahil nakalalaki daw siya agad sa panganay namin. Pitong buwan na akong buntis ngayon, kaunting panahon na lang
[Maya pov]"Maya!" Lumapit si Vanjie sa akin ng makita ako.Nagulat ako dahil ang laki ng ipinayat ni Vanjie kumpara no'ng huli ko siyang nakita. Nabigla ako ng lumuhod siya sa harapan ko."Vanjie, tumayo ka nga ri'yan." Hinila ko siya dahil naiilang ako sa ginagawa niya. Hindi naman ako Diyos para luhuran niya."M-Maya... alam kong hindi naman tayo matagal nagkasama, o naging sobrang malapit na magkaibigan... P-Pero kakapalan ko na ang mukha ko. P-Please, tulungan mo ako. K-Kailangan ko ng pera para ma-operahan ang kapatid ko... siya na lang ang nag iisang pamilya na mayro'n ako kaya hindi ko kayang malaaa siya sa akin... N-Nagmamakaawa ako sa'yo, Maya... T-Tulungan mo ako." Bakas ang labis na paghihinagpis sa mukha na pagmamakaawa ni Vanjie habang puno ng luha ang mukha nito."W-Wala na akong iba pang malalapitan, Maya. I-Ikaw na lang ang kaisa-isang taong naisip ko na makakatulong sa akin, kaya pasensya ka na kung nagpunta lang ako dito para humingi ng tulong sa'yo."Kahit anong hil
[Tyler]PAGKATAPOS ng meeting ko with board directors ay agad na tumayo ako para maghanda sa pag uwi. Ang lahat ay halatang nagtataka habang nakatingin sa akin dahil hindi sanay ang mga ito na ako ang mauunang tumatayo pagkatapos ng meeting namin, hindi lamang 'yon, nagtataka din ang mga ito dahil malaki ang ngiting nakapaskil sa labi ko simula pa ng makita ako ng mga ito. Hindi ko masisisi kung bakit may pagtataka sila, dati kasi ay hindi naman ako ganito, palagi akong seryoso noon sa pagharap sa kanila, ni ang pagngiti ay hindi ko magawa. Pero ngayon na maisip ko pa lang si Maya ay hindi ko makontrol ang sarili ko na sumaya at masabik na umuwi, lalo na ngayon na dinadala nito ang aming anak.Hindi naman lingid sa kaalaman ng mga ito na mayron akong asawa, kaya nga ang iba sa kanila ay mayrong mapanuksong ngiti sa labi. Simula nang makita at maging asawa ko si Maya ay naging ganito na ako araw-arawβ palaging may ngiti sa labi at nagmamadaling umuwi nang bahay. Nasasabik palagi ang pus
[MAYA POV]PAGOD na pagod na ako. Gusto ko ng sumuko dahil sa ginagawang pagpapahirap sa akin ni Suzy, pero sa tuwing maiisip ko ang anak ko ay lumalakas ako at pilit na lumalaban kahit pa pakiramdam ko ay bibigay na ako.Tama, si Suzy ang nagpapahirap sa akin. Tauhan niya ang dumakip sa akin at dinala ako sa lugar na hindi ko alam. Simula ng magising ako ay wala na itong ginawa kundi saktan ako. Sobrang sakit na ng katawan ko at nanghihina na din ako. Sa tuwing sisipain niya ako at susuntukin ay agad kong niyayakap ang tiyan ko para protekhan ito mula sa kanya. Hindi ko hahayaan na maging ang aking anak na nasa aking sinapupunan ay madamay at masaktan. Hanggaβt kaya ko ay poprotektahan ko ang anak namin ni Tyler.βTyler, pakiusap βiligtas mo kamiβ Piping bulong nang puso ko habang tinatanggap ang pananakit sa akin."Ang tibay mo din, Maya, no? Hanggang ngayon ay buhay ka pa rin?" Sinabunutan ni Suzy ang buhok kong nanlalagkit na dahil sa dugong natuyo galing sa ulo ko na puro sugat ga
"PUNYΓTA KA, Fiona!!!"Napatigil ako sa pagwawalis ng marinig ko ang galit na sigaw ni kuya Gordon habang papalit sa akin."Nasaan ang pera, ha? Hindi ba't sinabi ko sa'yo na sa akin mo ibibigay ang kita mo sa pagtitinda?" Agad nitong hinawakan ang maliit kong braso ng mahigpit kaya napangiwi ako sa sakit."Kuya Gordon, noong nakaraang buwan pa kasi ang utang natin sa tindahan ni aling Nena kaya binayad ko munaβ" Pinigil ko ang sarili na huwag maiyak ng makatikim ako ng sampal mula sa kanya."TanΔ£ ina ka at sumasagot ka pa! Hindi ikaw ang masusunod ditong panget ka! Naiintindihan mo? Ako ang dapat sinusunod mo sa pamamahay na ito!" Nanlilisik ang mata na bulyaw nito."Hoy, Gordon, bitiwan mo nga ang pinsan mo!" Dahan-dahan na lumapit sa amin si lola Felly gamit ang kahoy na tungkod na napulot ko lamang sa tabi-tabi no'ng nakaraang linggo. "Bakit ba hindi ka magtrabaho ng sa gano'n ay hindi ka umaasa sa amin ng pinsan mo? Tigilan mo na ang kasusugal mo dahil bukod sa wala ka namang napa
[Maya/Fiona pov]"Ah, gano'n ba..." Ngumiti ako sa kanya. "Ang buti mo naman na kaibigan kasi inaalala mo pa rin siya hanggang ngayon." Nakakabilib ang katulad niya, hindi nakakalimot kahit na nasa kabilang buhay na ang kaibigan nito.Mas lalo itong naiyak sa sinabi ko. Gusto ko tuloy magsisi dahil pakiramdam ko ay ako ang dahilan kung bakit lalo itong umiyak."Ka-boses mo talaga si Maya..." Matagal-tagal itong nanatili sa aking harapan habang umiiyak. Ramdam ko talaga na nasasaktan siya."Death anniversary niya ngayon." Pagkaraan ay sabi nito. "M-Mabuti siyang tao. Dahil sa kanya ay buhay ang kapatid ko... P-Pero kapalit naman noon ay nawala siya at hindi na kailanman babalik pa!" Napakamot na lang ako sa ulo dahil lalong lumakas ang pag iyak niya. Napapatingin na tuloy ang mga tao sa pwesto namin. Baka mamaya ay isipin ng iba na sinasaktan o pinipilit kong bumili ang babaeng ito. Ganito pa naman ang tingin madalas ng grupo nila Eloy, katulad ko ay nagbebenta din sila Eloy ng sampag
[Maya/Fiona]Tatlong araw na simula ng alukin ako ng trabaho ng tatlong babae na nakilala ko lamang sa labas ng simbahan. Hindi ko gustong iwan si lola Felly mag isa dito sa bahay kaya naman nagpasya akong huwag tanggapin ang alok ng mga ito. Alam ko kasi na pababayaan lang ni kuya Gordon si lola. Hindi ako nag aalala dahil sa katandaan ni lola, nag aalala ako dahil baka atakihin ito ng asthma ng wala ako. Paano kung wala si kuya Gordon kapag nangyari 'yon?Pagkatapos kong ibenta ang lahat ng mineral water at sampong kahon ng sigarilyo sa gilid ng bangketa ay nagligpit na ako at naghanda para umuwi. Isa ito sa mga sideline ko, kailangan ko talaga ng dagdag kita dahil malilintikan ako kay kuya Gordon kapag wala akong naibigay sa kanya. Ayoko naman na kunin niya ang budget sa pangkain namin ni lola kaya marami akong sidelines na ginagawa. Saka ayokong masaktan, kotang-kota na ako sa pananakit ng pinsan ko. Gusto kong matulog sa loob ng isang buwan ng walang pasa sa pangit kong mukha. Pa
[Maya/Fiona pov]Muli kong tinawagan ang numero, sa pagkakataong ito ay boses na ng matanda ang sumagot sa akin."Hello po, pwede po bang makausap si aling Berta? Pakisabi po na ako si Fiona-" Agad na pinutol ako ng masayang tinig nito."Fiona, ikaw pala! Pinag-isipan mo na ba ang trabahong inaalok namin sa'yo?"Bumuga muna ako ng hangin at nag ipon ng lakas ng loob. "Aling Berta, a-ang totoo po niyan ay kailangang-kailangan ko ng pera. N-Nasa hospital po ang lola ko... ma-makikiusap sana ako na kung pwede ay magcash advance muna ako." Kakapalan ko na ang mukha ko. Para kay lola ay gagawin ko ang lahat."Pangako po, kahit habang buhay na akong magtrabaho ri'yan ay gagawin ko! Magsisipag po ako sa trabaho at sisiguraduhin ko na hindi kayo magsisisi na tinanggap niyo ako!" Desperadang saad ko."Magpunta ka sa address na ibibigay ko sa'yo. Sasamahan kitang makiusap kay Sir."Emosyonal ako, hindi dahil sa lungkot kundi dahil sa sinabi ni aling Berta. Akala ko ay madidismaya ito dahil hind
(Karla pov) Kitang-kita ko kung paano bugbugin ni Timothy at nang kakambal nitong si Marshall si Bane. Dumating din si Jelay, umiiyak itong nakayakap sa'kin. "Karla, thanks god you're safe. Sobra kaming nag alala sayo ni nanay." Nag aalalang sabi ni Jelay sa'kin. Maraming dumating na mga pulis, hinuli si Bane at ang mga tauhan nito. Nakahinga ako nang maluwag dahil naligtas din si Atty. bago pa ito tuluyang mapatay ng mga tauhan ni Bane. Naramdaman ko nalang ang pag angat nang katawan ko sa ere, si Timothy buhat niya ako. Sa bisig niya ay umiyak ako ng umiyak... halo-halo ang nararamdaman ko... Pasasalamat at pangungulila sa kanya. Hindi malubha ang lagay ko pero ang daming bumisita sa'kin. Hiyang-hiya ako sa magulang ni Timothy at hindi ko magawang tumingin sa kanila dahil sa labis na hiya sa nagawa ko sa anak nila. "Karla, iha... hindi mo kailangan na sisihin ang sarili mo. Biktima ka lang ng sarili mong ama." Wika nang mommy ni Timothy. "Sa katunayan ay natutuwa kami sa
(Karla pov) Tatlong araw na ang nakakalipas simula nang iwan ko si Timothy. Walang araw na hindi ako tahimik na umiiyak at alam ni nanay ang lahat... Pinagtapat ko sa kanya ang lahat. Wala akong narinig na masakit na salita sa kanya, ito pa ang humingi ng tawad sa akin dahil kasalanan daw niya kung bakit ako nagkaro'n nang masamang ama. Tumawag sa akin si Sheya, binalita niya ang lahat sa'kin. Tahimik daw na inasikaso ang kaso. Nahuli na rin si Richard at nakakulong na. Ang magulang ni Richard na nagpalabas na patay na si Richard ay haharap din sa kaso. Malungkot at nasasaktan man ako ay masaya parin ako sa balitang nalaman ko. Kampante na ako dahil hindi na sila mapapahamak sa kamay ng ama at kapatid ko. Natigilan ako nang makita ang isang babae na naghihintay sa akin sa labas ng bago naming tinutuluyan ni nanay. Teka, ito 'yong atty. na nakita kong kasama ni Timothy sa elevator. Ano kaya ang kailangan ng babaeng 'to sa'kin? Nang makita niya ako ay agad siyang lumapit sa'kin. Nag
(Karla pov)Wala akong ginawa kundi ang umiyak. Gustuhin ko man isuplong at sabihin sa mga Montemayor ang tungkol kay Richard ay pinangunahan ako ng takot. Oo, naduduwag ako. Binantaan kasi ako ng ama ko na isiswalat din niya kasabwat ako, sisiguraduhin daw nito na malalaman ni Timothy na kasama ako sa mga planong ginawa nito. Hindi ko na kayaβ¦ kinakain na ako ng konsensya ko. Narinig ko ang usapan ni Timothy at Sheya, natatakot ako dahil mukhang may balak na naman na masama si Richard kay Sheya. Nakakatakot si Richard, imbis na magbago ito at magpasalamat sa ikalawang buhay na binigay ng diyos ay nagagawa pa rin nito na gumawa ng masama.Tumingala ako sa harapan ng mansion nang mag asawang Trevor at Sheya.Hindi na kasi kaya ng konsensya ko. Hindi na ako makakain at makatulog ng maayos. Bahala naβ¦βKarla!β Nakangiting yumakap sa akin si Sheya ng makita ako. Niyaya niya akong umupo, pinaghandaan pa ako nito ng pagkain. Napansin ko na nanlalalim ang mata ni Sheya, mukhang hindi ito nak
(Timothy pov) "Oh, Timothy, napadalaw ka." Nakangiting bungad ng ina ni Karla sa akin, agad ako nitong pinapasok sa loob. Mas masigla na ito kumpara no'ng una ko itong makita, siguro dahil na rin sa regular check up nito at patuloy na pag inom ng gamot. "Naku, iho, nag abala ka pa." Tila nahihiyang turan nito ng makita ang marami kong dalang groceries at lutong pagkain. "Hindi ito isang abala, nay." Ako na nagsalansan ng mga pinamili ko dahil ayaw ko itong mapagod. Pagkatapos ay agad kong tinanong ang ina ni Karla. "May problema ka ba, nay? Kayo ni Karla?" Oo, isa ito sa dahilan kung bakit ako nagpunta rito. Gusto kong malaman kung ano ang problema nilang mag ina. I know it was wrong because it's a family matter, but for me, when it comes to Karla, it's matter. Mahalaga sa akin ang nobya ko. Kung sakaling malaman ng nobya ko ang ginawa at magalit ito ay maiintindihan ko. I'm really worried. Hindi na ako mapakali dahil pakiramdam ko ay naglalagay ng pader sa pagitan naming dalawa si
(Timothy pov) Hindi ko mapigilan ang mag alala dahil hindi sinasagot ni Karla ang mga tawag ko. I called may secretary to cancel all my appointments at nagmamadaling umuwi sa condo. Then I saw her, crying while holding her cellphone, mukhang hindi maganda ang pinag uusapan ng mga ito dahil mas lalong humaguhol ng iyak ang nobya ko. Rumehistro ang gulat sa mukha niya ng makita ako. "T-Timothy..." "What's wrong? May nangyari ba kay nanay?" Nag aalala akong yumakap sa kanya. Kilala ko si Karla hindi ito basta iiyak lang kaya alam kong may mabigat siyang dinadala. Pero imbis sagutin ako ay tumalikod ito sa akin at umiling. Bumuntong hininga ako. Kahit nanaig sa akin na alamin ang problema ay iginagalang ko kung ayaw man niyang sabihin sa akin ang problema niya. "N-Nagluto ako, hon. S-Sandali lang at maghahain ako ng pagkain." Nagpaalam si Karla na maghahain, tumango ako bago pumasok sa kwarto para magbihis. Ilang beses pa akong bumuntong hininga. Hindi ko talaga gustong makita na umii
(Karla pov)Masaya kaming nagkukwentuhan ni Jelay habang kumakain sa isang fast food chain. Nagkita kaming dalawa at syempre nagkamustahan. Sinabi ko sa kanya na uuwi na ako sa bahay namin sa susunod na buwan. βTeka, saan ka ba nagtatrabaho?β Tanong sa akin ni Jelay. βPara madalaw ka namin ni nanay. Boss mo ba si Timothy?β Muntik na akong masamid sa tanong niya. Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin kasi sinasabi sa kanila ang totoo. Alam ko kasi na magagalit si nanay kapag nalaman niya na nakatira ako sa isang bahay kasama ang isang lalaki. Sino bang ina ang matutuwa na ang anak niyang dalaga ay mayroβng kasamang lalaki sa bahay. Hindi ko na nasagot ang tanong niya ng tumunog ang cellphone ko. Tumatawag ang ama ko. "Hindi mo ba sasagutin? Baka importante 'yan." Umiling ako kay Jelay. "Wrong number lang." Nang maghiwalay kaming dalawa ay saka ko binasa ang text messages na pinadala ng ama ko. Gusto nitong malaman kung may improvement na ba sa plano ko. Bumuga ako ng hangin. Mahal ko
(Karla pov)Iyak ako ng iyak dahil walang balita kay Jelay. Hindi ito matagpuan at kahit ang mga kapulisan ay hindi ito natagpuan. Maging si nanay ay sobra ng nag aalala rito.βMaβam, sigurado ka ba na dito nakatira ang kaibigan mo?β Intriga sa akin ng pulis na may pagdududa. βOpo, mamang pulis. Tandang-tanda ko na iyan ang nakalagay sa ID ng kaibigan ko noong nagtatrabaho kami.β Dagdag ko pa.Kumunot ang noo ni Timothy, ang pulis ay kunot din ang noo, nagtataka tuloy ako kung bakit parang nagtataka silang dalawa.βMaβam, ang lugar kasi na iyan ay isang exclusive subdivision, puro mayayaman ang nakatira sa lugar na βyan at iisang angkan langβ¦ ang angkan ng mga Herendes. Kaya imposible na riβyan nakatira ang kaibigan mo.β βHon, hinawakan ni Timothy ang kamay ko. Alalahanin mong mabuti, sigurado ka ba na dito siya nakatira?β Agad na tumango ako. βOo, hon, sigurado ako. Kung gusto ninyo ay alamin ninyo sa dati naming pinapasukang pabrika, sigurado ako na mayroβng record si Jelay doon.
(Timothy pov) Kumunot ang noo ko pagdating sa tapat ng pintuan ng condo ko. May nakita akong bulaklak at ilang regalo na para kay Karla. Naka-indicate ang pangalan ng nobya ko rito kaya takang-taka ako. Hindi kasi ako bumili ng bulaklak ngayon kay Karla dahil dumaan ako ngayon sa isang jewelry store para bilhan ito ng kwintas na mayroβng picture naming dalawa.Tiningnan ko ng masama ang katapat ng pad ko, ang condo unit ni Bane. Lumapit ako rito at malakas na kumatok. Pero imbis si Bane ay isang babae ang nagbukas rito.βClare!?β Gulat na gulat na bulalas ko. βHi, Timothy!β Agad na bati ng dalaga na nakangiti. βPasa sa akin ba ang mga bulaklak na βyan?ββBakit ikaw ang nasa unit ni Bane? Nasaan siya?β Iniinis ako ng gag0ng βyon ah. Alam ko siya nagpadala nito kay Karla.βSinong Bane?β Tanong ni Clare. βAh, siya ba βyong dating nakatira dito? Well, sa akin na ang unit na βto dahil ibinenta na ito sa akin.β Ngumiti ito ng pilya. βSi Bane ba talaga ang hinahanap mo, oh baka naman ako t
(Karla pov) Sobrang saya ko dahil hindi na peke ang relasyon namin ngayon ni Timothy. Araw-araw ay dama ko ang pagmamahal niya sa akin. Wala siyang ginawa kundi ang suyuin ako, sabi nga nito ay 'liligawan niya ako ng pormal kahit kami na. "Salamat, Timothy," Pasalamat ko sa kanya ng abutan niya ako ng bulaklak. "Sabi ko naman sayo ay tama na e. Tingnan mo ang condo mo, malapit ng mapuno ng mga bulaklak." Dalawang buwan na matulin ang lumipas, tapos na ang agreement namin dalawa pero heto at masaya kaming nagpatuloy sa relasyon namin. "Kasalanan mo 'yan, hon. Hindi mo kasi tinatapon ang luma kong binibigay." Iiling-iling na sabi nito sa akin na ikinairap ko sa kanya. "Bakit ko itatapon, eh binigay mo sa akin lahat ng 'to." Sa totoo lang ay sinubukan kong sundin ang sinabi niya sa akin pero hindi ko talaga kaya. Bukod sa nanghihinayang ako ay gustong-gusto ko ang mga bulaklak na nakikita sa umaga. Hindi ako magsasawang titigan ang mga ito dahil galing ang lahat ng ito sa kanya. Kumu