Home / Romance / ARAW-ARAW KANG MAMAHALIN / Chapter 15.πŸ’œ

Share

Chapter 15.πŸ’œ

Author: SEENMORE
last update Huling Na-update: 2023-12-04 22:00:00
(Maya pov)

Iyak ako ng iyak habang hila ni Suzy ang aking buhok habang pababa kami ng hagdan. Gusto ko siyang gantihan pero pinigil ko ang sarili ko dahil baka lalong magalit sa akin si Tyler. Ayokong dagdagan ang galit niya sa akin dahil sa kasalanan na hindi ko naman ginawa.

"Lumayas ka na, Maya! Ang kapal naman ng mukha mo kung mananatili ka pa dito matapos mong nakawan si kuya!" Saka lamang ako binitiwan ni Suzy ng makarating kami sa maindoor ng mansion.

Hiyang- hiya ako dahil nakatingin na sa amin ang mga tauhan ng mansion. Naaawa din ako sa sarili ko dahil hindi ko man lang magawang ipagtanggol ang sarili ko. Ang masaklap ay wala akong magawa para labanan ang mga kasinungalingan na bintang sa akin ni Suzy na alam kong gawa- gawa lang niya.

Gusto kong tawagin ang pangalan ni Tyler para magmakaawa na pakinggan niya ako. Pero alam ko na wala akong laban dahil kapatid niya si Suzy at mas paniniwalaan niya ito.

Niyakap ko ang tuhod ko at umiyak ng umiyak. Naririnig ko pa si Suzy na ti
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP
Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Kulot Mo Leysa
ang ganda talaga ganyan nga papa tyler kilala muna cla at thank you di ka naniwala magawa sayo n maya yarn
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

  • ARAW-ARAW KANG MAMAHALINΒ Β Β Chapter 16.πŸ’œ

    [Maya pov]Isang buwan na akong pumapasok sa ekwelahan at hanggang ngayon ay hindi ko pa rin maitago ang excitement ko sa tuwing papasok ako. Nakakahabol na ako sa mga lessons dahil may tutor pa rin na nagtuturo sa akin araw-araw tuwing hapon pagkagaling ko sa school. Mababait naman ang mga kaklase ko sa akin kaya hindi na ako sobrang kabado tulad ng una. Namumula na nagyuko ako ng ulo ng halikan ako ni Tyler sa labi. Pitong buwan na kaming kasal pero hindi pa rin ako masanay- sanay sa tuwing ganito siya sa akin. Pero aaminin ko na kinikilig ako sa mga ginagawa niya. Hinintay muna niya ako na makapasok ako ng gate bago siya tuluyang umalis. Ganito ang routine niya araw-araw simula ng mag- aral na ako. Ihahatid niya ako at susunduin. Hindi lumalabas ng kotse si Tyler para hindi ito makita ng mga students at dahil sa pakiusap ko na rin. Ayoko na malaman nila na ako ang asawa ng isa sa pinakamayamang tao sa bansa. Ayoko kase na mag- iba ang trato nila sa akin kapag nalaman nila na asawa

    Huling Na-update : 2023-12-04
  • ARAW-ARAW KANG MAMAHALINΒ Β Β Chapter 17.πŸ’œ WARNING IMPLICIT WORDS‼️

    (Hannah pov)Abot langit ang ngisi namin ni Suzy habang binabasa ang mga hate comments para kay Maya sa halos lahat ng social media platforms.Oo, plano namin ang lahat. Dahil sikat at kilala na ako sa industriya ng showbiz at marami na akong fans at mga followers ay naging sisiw na lamang sa amin ang sirain ang imahe ni Maya sa lahat ng tao.Nagpatawag ako ng conference at nagtahi- tahi ng mga kasinungalingan. Itinodo ko ang aking pagda- drama para mas kapani- paniwala at mas maraming maniwala sa mga sinabi ko. Sigurado mas dadami pa ang mga magiging tagahanga ko at syempre ay dadami din ang mga taong makiki- simpatya sa akin. Gano'n naman ang mga tao ngayon, mga uto- uto at madaling maniwala. Sinabi ko sa interview sa akin na kinupkop ng pamilya namin silang mag- ina, binigyan ng trabaho, pinakain, at pinakitaan ng kabutihan. Pero sa bandang huli ay nagawa kaming nakawan ng ina ni Maya, hindi lang 'yon ang mga sinabi ko. Pinalabas ko din na nagpanggap na isang Gustin si Maya para maa

    Huling Na-update : 2023-12-04
  • ARAW-ARAW KANG MAMAHALINΒ Β Β Chapter 18.πŸ’œ Karma

    [Hannah pov]"ANO ANG IBIG MONG SABIHIN na na-cancel lahat ng shoots ko ngayong araw?!" Galit na tanong ko kay Percy. Namumula ako sa galit dahil pagdating namin sa shooting location namin ngayong araw ay walang katao- tao. Sanay akong hinihintay ng lahat simula ng mag- artista ako. Pero ngayon ay maski isang tao ay wala kaming nadatnan."M-Miss Hannah, ang totoo n'yan ay ito ang gusto namin sabihin sa'yo kanina ni Mr. Precy. L-Lahat ng shootings mo ay cancel, maging ang mga commercial shoots mo ay gano'n din." Paliwanag ni Vanjie..... Pinuntahan ko at kinausap ang management tungkol sa mga na-cancel kong mga projects, pero wala silang malinaw na sagot sa akin. Lahat sila ay tikom ang bibig. Lahat ng contract ko ay bigla na lamang na- terminate lahat. Maging sa kaliit- liitan na projects na mayro'n ako ay nawala."Waaahhhhh!!!!" Nagwawala ako sa labis na galit. Lahat ng mga gamit, props, at mga designers clothes at bags ko ay pinagtatapon ko. Hindi ko matatanggap na ganito nalang

    Huling Na-update : 2023-12-05
  • ARAW-ARAW KANG MAMAHALINΒ Β Β Chapter 19.πŸ’œ

    (Hannah pov)Oo, ako ang pumatay sa nanay ni Maya. Hinding-hindi ko makakalimutan ang gabing iyon... kasalanan niya naman kaya siya namatay. Kung hindi niya ako pinilit na sumama sa kanya ay hindi ko siya matutulak sa hagdan. Hindi ko matanggap na ang isang katulad niya ang aking ina... hindi ko matanggap na isang hampaslupa lamang ang taong nagluwal sa akin sa mundo.Tama... Magkapatid kami ni Maya. Fraternal twins kami kumbaga, kaya magkaiba ang aming mukha.Naalala ko pa ang tagpong naganap sa amin ng nanay ni Maya.Kaarawan ko ng araw na 'yon. Napagod ako sa pagbukas ng mga regalong natanggap ko mula sa aking mayayaman din na mga kaibigan. Sa edad kong sampo ay sunod ako sa layaw. Lahat ng gusto ko ay nakukuha ko. Binibigay nila sa akin ang lahat, mapa- sapatos man 'yan, damit, mga bagong labas na limited edition na mga laruan, basta name it 'at kanilang ibibigay sa akin iyon.Tumayo ako at binuksan ang pinto ng aking kwarto ng may kumatok. Umismid ako kay Maria. Tama, Maria lamang

    Huling Na-update : 2023-12-05
  • ARAW-ARAW KANG MAMAHALINΒ Β Β Chapter 20.πŸ’œ

    [Hannah pov]Katulad ng gusto ni Lolo ay nagpunta kami ni Lola sa Villa ng Montemayor. Tinaasan ko lang ng kilay si aling Berta at aling Mae ng makita ko na sobrang sama ng tingin nila sa akin. Hindi ko alam na dito na pala lumipat ng trabaho ang mga ito. Akala ba nila ay asensado sila kaya kung makairap ay wagas. Tskkk... kasambahay pa rin naman sila... hahaha... Mga basura at hampaslupa."Senyora Lina... Senyorita Hannah..." Halatang nagulat si Maya ng makita kami. Sabagay, sinong hindi magugulat kung nasa harapan niya mismo ang dahilan kung bakit naghirap siya ng maraming taon."Ano ang kailangan niyo sa akin?" Tanong ni Maya sa amin. Ng bumaling siya sa akin ay nakita ko na parang naiiyak siya. Alam ko na galit siya sa ginawa ko at mga pinagsasabi ko sa press conference pero wala akong pakialam. Kung hindi lang talaga dahil sa utos ni Lolo ay hinding-hindi ako pupunta dito. Hindi namin ni Lola matanggap na hihingi kami ng tawad sa mababang uri na katulad ni Maya.Lumaki akong hind

    Huling Na-update : 2023-12-05
  • ARAW-ARAW KANG MAMAHALINΒ Β Β Chapter 21.πŸ’œ

    [Tyler pov]Galit na galit ako sa mga nalaman ko. Nang magpasagawa akong muli ng malalim na imbestigasyon tungkol sa pamilyang Gustin ay hindi ko inasahan ang malalaman ko.Si Maya ay isa palang tunay na Gustin. Ang anak ni Mrs. Gustin na si Patrick ay lumayas noon para lumayo kasama ang nobya na si Maria. Pero hinanap ang dalawa ng mag- asawang Gustin ng magsimulang bumagsak ang mga negosyo nito. Nais gamitin ng mga ito ang sariling anak para isalba ang naluluging negosyo. Hindi pumayag si Patrick na ipakasal sa iba ng magulang dahil ikakasal na ito kay Maria na nagdadalantao na. Na-aksidente at namatay si Patrick. Ang sinisi ng mga Gustin sa pagkamatay ng kanilang anak ay si Maria na noon ay buntis. Sapilitan na kinuha ng mga ito ang isa sa kambal na si Hannah at naiwan si Maya sa ina. Dahil sa ayaw ni Maria na malayo sa isa pang anak ay namasukan ito bilang kasambahay sa mansion ng mga Gustin at tiniis ang pagmamalupit ng mga ito.Kuyom ang aking kamao kanina pa simula ng umalis ang

    Huling Na-update : 2023-12-06
  • ARAW-ARAW KANG MAMAHALINΒ Β Β Chapter 22.πŸ’œ

    [Tyler pov]"Good morning, Maya." Bati ko sa asawa ko kinaumagahan. Hinalikan ko siya sa ulo bago naupo. Nang mapasulyap ako kay Delvin ay masama ang tingin nito sa akin. Binalewala ko ang tingin niya dahil matagal na akong sanay. Halata naman na hindi niya ako gusto kaya nakapagtataka na narito ito ngayon sa mansion nakatira kasama ko. Naglayas na ito noon dahil ayaw dito. Ano kaya ang dahilan nito at naisipan na bumalik.Ako na ang naglagay ng pagkain sa plato ni Maya. Naririnig ko na kinikilig sa tuwa ang dalawang kasambahay na nakatingin sa amin, sina aling Berta at Mae, ito ang ipinasok ni Maya kamakailan lang dito sa mansion. Gusto ni Maya na makasabay itong kumain noong una palang pero mariing tumanggi ang dalawa."Nakapag- desisyon na ako na pwede ka ng pumasok ulit bukas sa University, Maya. Sana naman this time ay hindi mo iiwan ang cellphone na binili ko sa'yo. Call me asap when somethings happened, okay?" Sabi ko. Namilog ang mata ng asawa ko at napa- awang pa ang labi sa l

    Huling Na-update : 2023-12-06
  • ARAW-ARAW KANG MAMAHALINΒ Β Β Chapter 23.πŸ’œ SPG

    (Tyler pov)Hindi ko magawang alisin ang tingin ko kay Maya. Pinagsasawa ko ang mga mata ko sa ganda niya. Kung ito ay mabilis na nakatulog, ako naman ay hindi, naghahalo kasi ang pananabik ko at tuwa ngayon. Simula ng ikasal kami ay isang beses pa lang kaming nagsiping. At oo, inaamin ko na nasasabik akong maulit iyon. Pero sa ngayon ay magkakasya muna ako sa ganitong set-up namin. Ayaw ko siyang biglain, o pilitin sa bagay na ako lang ang may gusto. Pareho kaming nakatagilid ng higa at nakaharap sa isa't isa kaya nakikita ko ang kabuohan ng kanyang mukha. Kahit namumula ang pisngi at putok ang gilid ng labi ay hindi ito nakabawas sa ganda niya. Napatiim-bagang ako. Muling nabuhay ang galit ko para sa taong gumawa nito sa asawa ko. Sa oras na malaman ko kung sino ito ay magbabayad siya.Hindi ko na napigil ang sarili ko na haplusin ang kanyang mukha. Pangako ko sa sarili ko na gagawin ko ang lahat para protektahan siya. Mamahalin ko din siya hanggang sa huli at hindi na magmamahal pa

    Huling Na-update : 2023-12-07

Pinakabagong kabanata

  • ARAW-ARAW KANG MAMAHALINΒ Β Β Chapter 154.πŸ’™

    (Karla pov) Kitang-kita ko kung paano bugbugin ni Timothy at nang kakambal nitong si Marshall si Bane. Dumating din si Jelay, umiiyak itong nakayakap sa'kin. "Karla, thanks god you're safe. Sobra kaming nag alala sayo ni nanay." Nag aalalang sabi ni Jelay sa'kin. Maraming dumating na mga pulis, hinuli si Bane at ang mga tauhan nito. Nakahinga ako nang maluwag dahil naligtas din si Atty. bago pa ito tuluyang mapatay ng mga tauhan ni Bane. Naramdaman ko nalang ang pag angat nang katawan ko sa ere, si Timothy buhat niya ako. Sa bisig niya ay umiyak ako ng umiyak... halo-halo ang nararamdaman ko... Pasasalamat at pangungulila sa kanya. Hindi malubha ang lagay ko pero ang daming bumisita sa'kin. Hiyang-hiya ako sa magulang ni Timothy at hindi ko magawang tumingin sa kanila dahil sa labis na hiya sa nagawa ko sa anak nila. "Karla, iha... hindi mo kailangan na sisihin ang sarili mo. Biktima ka lang ng sarili mong ama." Wika nang mommy ni Timothy. "Sa katunayan ay natutuwa kami sa

  • ARAW-ARAW KANG MAMAHALINΒ Β Β Chapter 153. πŸ’™

    (Karla pov) Tatlong araw na ang nakakalipas simula nang iwan ko si Timothy. Walang araw na hindi ako tahimik na umiiyak at alam ni nanay ang lahat... Pinagtapat ko sa kanya ang lahat. Wala akong narinig na masakit na salita sa kanya, ito pa ang humingi ng tawad sa akin dahil kasalanan daw niya kung bakit ako nagkaro'n nang masamang ama. Tumawag sa akin si Sheya, binalita niya ang lahat sa'kin. Tahimik daw na inasikaso ang kaso. Nahuli na rin si Richard at nakakulong na. Ang magulang ni Richard na nagpalabas na patay na si Richard ay haharap din sa kaso. Malungkot at nasasaktan man ako ay masaya parin ako sa balitang nalaman ko. Kampante na ako dahil hindi na sila mapapahamak sa kamay ng ama at kapatid ko. Natigilan ako nang makita ang isang babae na naghihintay sa akin sa labas ng bago naming tinutuluyan ni nanay. Teka, ito 'yong atty. na nakita kong kasama ni Timothy sa elevator. Ano kaya ang kailangan ng babaeng 'to sa'kin? Nang makita niya ako ay agad siyang lumapit sa'kin. Nag

  • ARAW-ARAW KANG MAMAHALINΒ Β Β Chapter 152. πŸ’™

    (Karla pov)Wala akong ginawa kundi ang umiyak. Gustuhin ko man isuplong at sabihin sa mga Montemayor ang tungkol kay Richard ay pinangunahan ako ng takot. Oo, naduduwag ako. Binantaan kasi ako ng ama ko na isiswalat din niya kasabwat ako, sisiguraduhin daw nito na malalaman ni Timothy na kasama ako sa mga planong ginawa nito. Hindi ko na kaya… kinakain na ako ng konsensya ko. Narinig ko ang usapan ni Timothy at Sheya, natatakot ako dahil mukhang may balak na naman na masama si Richard kay Sheya. Nakakatakot si Richard, imbis na magbago ito at magpasalamat sa ikalawang buhay na binigay ng diyos ay nagagawa pa rin nito na gumawa ng masama.Tumingala ako sa harapan ng mansion nang mag asawang Trevor at Sheya.Hindi na kasi kaya ng konsensya ko. Hindi na ako makakain at makatulog ng maayos. Bahala naβ€¦β€œKarla!” Nakangiting yumakap sa akin si Sheya ng makita ako. Niyaya niya akong umupo, pinaghandaan pa ako nito ng pagkain. Napansin ko na nanlalalim ang mata ni Sheya, mukhang hindi ito nak

  • ARAW-ARAW KANG MAMAHALINΒ Β Β Chapter 151. πŸ’™

    (Timothy pov) "Oh, Timothy, napadalaw ka." Nakangiting bungad ng ina ni Karla sa akin, agad ako nitong pinapasok sa loob. Mas masigla na ito kumpara no'ng una ko itong makita, siguro dahil na rin sa regular check up nito at patuloy na pag inom ng gamot. "Naku, iho, nag abala ka pa." Tila nahihiyang turan nito ng makita ang marami kong dalang groceries at lutong pagkain. "Hindi ito isang abala, nay." Ako na nagsalansan ng mga pinamili ko dahil ayaw ko itong mapagod. Pagkatapos ay agad kong tinanong ang ina ni Karla. "May problema ka ba, nay? Kayo ni Karla?" Oo, isa ito sa dahilan kung bakit ako nagpunta rito. Gusto kong malaman kung ano ang problema nilang mag ina. I know it was wrong because it's a family matter, but for me, when it comes to Karla, it's matter. Mahalaga sa akin ang nobya ko. Kung sakaling malaman ng nobya ko ang ginawa at magalit ito ay maiintindihan ko. I'm really worried. Hindi na ako mapakali dahil pakiramdam ko ay naglalagay ng pader sa pagitan naming dalawa si

  • ARAW-ARAW KANG MAMAHALINΒ Β Β Chapter 150. πŸ’™

    (Timothy pov) Hindi ko mapigilan ang mag alala dahil hindi sinasagot ni Karla ang mga tawag ko. I called may secretary to cancel all my appointments at nagmamadaling umuwi sa condo. Then I saw her, crying while holding her cellphone, mukhang hindi maganda ang pinag uusapan ng mga ito dahil mas lalong humaguhol ng iyak ang nobya ko. Rumehistro ang gulat sa mukha niya ng makita ako. "T-Timothy..." "What's wrong? May nangyari ba kay nanay?" Nag aalala akong yumakap sa kanya. Kilala ko si Karla hindi ito basta iiyak lang kaya alam kong may mabigat siyang dinadala. Pero imbis sagutin ako ay tumalikod ito sa akin at umiling. Bumuntong hininga ako. Kahit nanaig sa akin na alamin ang problema ay iginagalang ko kung ayaw man niyang sabihin sa akin ang problema niya. "N-Nagluto ako, hon. S-Sandali lang at maghahain ako ng pagkain." Nagpaalam si Karla na maghahain, tumango ako bago pumasok sa kwarto para magbihis. Ilang beses pa akong bumuntong hininga. Hindi ko talaga gustong makita na umii

  • ARAW-ARAW KANG MAMAHALINΒ Β Β Chapter 149. πŸ’™

    (Karla pov)Masaya kaming nagkukwentuhan ni Jelay habang kumakain sa isang fast food chain. Nagkita kaming dalawa at syempre nagkamustahan. Sinabi ko sa kanya na uuwi na ako sa bahay namin sa susunod na buwan. β€œTeka, saan ka ba nagtatrabaho?” Tanong sa akin ni Jelay. β€œPara madalaw ka namin ni nanay. Boss mo ba si Timothy?” Muntik na akong masamid sa tanong niya. Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin kasi sinasabi sa kanila ang totoo. Alam ko kasi na magagalit si nanay kapag nalaman niya na nakatira ako sa isang bahay kasama ang isang lalaki. Sino bang ina ang matutuwa na ang anak niyang dalaga ay mayro’ng kasamang lalaki sa bahay. Hindi ko na nasagot ang tanong niya ng tumunog ang cellphone ko. Tumatawag ang ama ko. "Hindi mo ba sasagutin? Baka importante 'yan." Umiling ako kay Jelay. "Wrong number lang." Nang maghiwalay kaming dalawa ay saka ko binasa ang text messages na pinadala ng ama ko. Gusto nitong malaman kung may improvement na ba sa plano ko. Bumuga ako ng hangin. Mahal ko

  • ARAW-ARAW KANG MAMAHALINΒ Β Β Chapter 148. πŸ’™

    (Karla pov)Iyak ako ng iyak dahil walang balita kay Jelay. Hindi ito matagpuan at kahit ang mga kapulisan ay hindi ito natagpuan. Maging si nanay ay sobra ng nag aalala rito.β€œMa’am, sigurado ka ba na dito nakatira ang kaibigan mo?” Intriga sa akin ng pulis na may pagdududa. β€œOpo, mamang pulis. Tandang-tanda ko na iyan ang nakalagay sa ID ng kaibigan ko noong nagtatrabaho kami.” Dagdag ko pa.Kumunot ang noo ni Timothy, ang pulis ay kunot din ang noo, nagtataka tuloy ako kung bakit parang nagtataka silang dalawa.β€œMa’am, ang lugar kasi na iyan ay isang exclusive subdivision, puro mayayaman ang nakatira sa lugar na β€˜yan at iisang angkan lang… ang angkan ng mga Herendes. Kaya imposible na ri’yan nakatira ang kaibigan mo.” β€œHon, hinawakan ni Timothy ang kamay ko. Alalahanin mong mabuti, sigurado ka ba na dito siya nakatira?” Agad na tumango ako. β€œOo, hon, sigurado ako. Kung gusto ninyo ay alamin ninyo sa dati naming pinapasukang pabrika, sigurado ako na mayro’ng record si Jelay doon.

  • ARAW-ARAW KANG MAMAHALINΒ Β Β Chapter 147. πŸ’™

    (Timothy pov) Kumunot ang noo ko pagdating sa tapat ng pintuan ng condo ko. May nakita akong bulaklak at ilang regalo na para kay Karla. Naka-indicate ang pangalan ng nobya ko rito kaya takang-taka ako. Hindi kasi ako bumili ng bulaklak ngayon kay Karla dahil dumaan ako ngayon sa isang jewelry store para bilhan ito ng kwintas na mayro’ng picture naming dalawa.Tiningnan ko ng masama ang katapat ng pad ko, ang condo unit ni Bane. Lumapit ako rito at malakas na kumatok. Pero imbis si Bane ay isang babae ang nagbukas rito.β€œClare!?” Gulat na gulat na bulalas ko. β€œHi, Timothy!” Agad na bati ng dalaga na nakangiti. β€œPasa sa akin ba ang mga bulaklak na β€˜yan?β€β€œBakit ikaw ang nasa unit ni Bane? Nasaan siya?” Iniinis ako ng gag0ng β€˜yon ah. Alam ko siya nagpadala nito kay Karla.β€œSinong Bane?” Tanong ni Clare. β€œAh, siya ba β€˜yong dating nakatira dito? Well, sa akin na ang unit na β€˜to dahil ibinenta na ito sa akin.” Ngumiti ito ng pilya. β€œSi Bane ba talaga ang hinahanap mo, oh baka naman ako t

  • ARAW-ARAW KANG MAMAHALINΒ Β Β Chapter 146. πŸ’™

    (Karla pov) Sobrang saya ko dahil hindi na peke ang relasyon namin ngayon ni Timothy. Araw-araw ay dama ko ang pagmamahal niya sa akin. Wala siyang ginawa kundi ang suyuin ako, sabi nga nito ay 'liligawan niya ako ng pormal kahit kami na. "Salamat, Timothy," Pasalamat ko sa kanya ng abutan niya ako ng bulaklak. "Sabi ko naman sayo ay tama na e. Tingnan mo ang condo mo, malapit ng mapuno ng mga bulaklak." Dalawang buwan na matulin ang lumipas, tapos na ang agreement namin dalawa pero heto at masaya kaming nagpatuloy sa relasyon namin. "Kasalanan mo 'yan, hon. Hindi mo kasi tinatapon ang luma kong binibigay." Iiling-iling na sabi nito sa akin na ikinairap ko sa kanya. "Bakit ko itatapon, eh binigay mo sa akin lahat ng 'to." Sa totoo lang ay sinubukan kong sundin ang sinabi niya sa akin pero hindi ko talaga kaya. Bukod sa nanghihinayang ako ay gustong-gusto ko ang mga bulaklak na nakikita sa umaga. Hindi ako magsasawang titigan ang mga ito dahil galing ang lahat ng ito sa kanya. Kumu

DMCA.com Protection Status