Home / Romance / ARAW-ARAW KANG MAMAHALIN / Chapter 113.πŸ’›

Share

Chapter 113.πŸ’›

Author: SEENMORE
last update Huling Na-update: 2024-01-21 00:24:44
[Trevor pov]

Lumuluha na sinandal ko ang ulo sa headboard ng kama. Kita ko ang sakit at poot sa mata ni Sheya para sa akin. Parang pinipiga ang dibdib ko dahil dito. Gusto kong magwala sa galit, panibugho, at sakit ng marinig ko mula sa kanya na ikakasal na siya sa iba.

Damn! Ang sakit pala! Ganito ba ang dinulot ko kay Sheya ng makita niya kami ni Xena? O mas higit na sakit pa ang binigay ko sa kanya?

Palabas ko ang lahat… Hindi ako nawalan ng alaala, nalumpo, o naparalisa. Kinasabwat ko ang doktor para palabasin na nagkaroon ako ng amnesia. Alam ko ang ginagawa ni daddy na pagharang sa informant ko para malaman ko kung nasaan si Sheya. Si Marshall ang nagsabi sa akin. Kaya ang naisip kong paraan para bumalik si Sheya ay ito. Hindi nga ako nagkamali dahil bumalik ang asawa ko sa tulong ng magulang ko. Ngayon na bumalik na si Sheya ay hindi na ako papayag na mawala pa siya sa akin. Gagawin ko ang lahat para bumalik ang pagmamahal niya sa akin. Kung noon ay hindi niya ako sinukuan, gano
SEENMORE

Sige lang, Trevor, magplano ka para mapatawad ka ulit ng asawa mo hahahahaha

| 5
Locked Chapter
Patuloy ang Pagbabasa sa GoodNovel
I-scan ang code upang i-download ang App
Mga Comments (2)
goodnovel comment avatar
κΉ€μ•Œλ¦°
thank you for your updating
goodnovel comment avatar
Che Palmes Cordero
More update po
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

  • ARAW-ARAW KANG MAMAHALINΒ Β Β Chapter 114.πŸ’›

    [Trevor pov]β€œMabuti pa ay bumalik ka na sa kwarto mo at matulog ka na.” Taboy ko kunwari rito.Narinig ko ang pagbuntong hininga ni Sheya. β€œH-Hehe, baka pwede na makitulog rito sa kwarto mo.β€β€œWhat?” Kunwari ay inis kong turan. β€œAt where will you sleep? Beside me? No, Sheya! Go back to your room at do’n ka matulog.” Dagdag ko.β€œAng damot naman ng damuhong β€˜to.” Bulong ni Sheya pero umabot β€˜yon sa pandinig ko. β€œSige na, Trevor, ngayon lang naman kaya pagbigyan mo na ako.” Pamimilit nito. β€œSaka asawa mo naman ako.” Ang laki ng ngiti ko sa labi ng marinig ang sinabi niya. Asawa… damn! Ang sarap sa pandinig. β€œAnong asawa? Kasasabi mo lang kanina na hiwalay na tayo at mag aannul na ang kasalβ€”β€β€œHindi ka pa pumipirma, diba? Ibig sabihin mag asawa pa tayo kaya wag ka ngang madamot ri’yan. Baka nakakalimutan mo, Trevor. Ako ang nagpaligo sa’yo at nagpakain sa’yo kanina.β€β€œSinusumbatan mo ba ako?” Katulad kanina ay nilakapan ko ng inis ang boses ko. Mas mainam ito para hindi siya makahalata.

    Huling Na-update : 2024-01-23
  • ARAW-ARAW KANG MAMAHALINΒ Β Β Chapter 115.πŸ’›

    [Trevor pov] Walang nagawa si Sheya kundi ang makitulog na naman sa kwarto ko kinagabihan ng mawalan na naman ng ilaw. β€œAno ba ang problema ng bahay ninyo. Tuwing gabi na lang ay nawawalan ng kuryente.” Palatak ni Sheya. Nakahiga na ito ngayon sa tabi ko habang panay ang reklamo. β€œBukas na bukas din ay itatawag ko β€˜to sa main office ng Morelco. Nakakainis!” β€œTsk, puro ka reklamo. Ayaw mo no’n katabi mo ako matulog?” Biro ko sa kanya. Muntik na akong mapatakip ng tenga ko ng malakas itong nagsalita malapit lang sa tenga ko. β€œKung ako ang masusunod ay ayaw kong tumabi sa’yo, no! Lintik na kuryente β€˜to daig pa ang araw, nawawala pagsapit ng gabi.” β€œSheya.” Tawag ko sa kanya. β€œMasaya ka ba sa naging buhay mo ng wala ako sa tabi mo?” Masasaktan man ako sa maaari niyang sagot ay gusto ko pa rin marinig sa kanyang labi ang sagot. Saglit na namayani ang katahimikan sa aming dalawa, akala ko ay hindi ito sasagot pero mali ako. β€œMahirap noong una, pero kinaya ko. Hindi naman pwedeng sa’yo l

    Huling Na-update : 2024-01-23
  • ARAW-ARAW KANG MAMAHALINΒ Β Β Chapter 116.πŸ’›

    [Genesheya pov] Kahit takot ako sa dilim ay nagtiis akong matulog sa kwarto. Buhos ng buhos ang luha ko dahil sa sobrang sama ng loob kay Trevor. Hanggang ngayon ba naman ay gusto ako nitong paikutin nito sa palad nito. Hindi pa ba sapat na sinaktan niya ako three years ago? Paano nito nasasabing mahal ako? Akala ba nito ay katulad pa rin ako ng dati na madaling mabilog ang ulo? Ang pagbalik talaga rito ay hindi tama. Nanatili na lamang sana ako na malayo rito. Mahal? Nakalimutan nga ako tapos ngayon ay sasabihin sa akin na mahal ako. Gag0 talaga ito. Kinabukasan ay inalis ko sa isip ko ang sinabi niya sa akin at umakto ng normal na tila walang nangyari. Hindi ko inaasahan ang bisita namin kinahapunan. Si Xena. Matagal na kaya’t hindi na dapat ako makaramdam ng kirot sa dibdib. Pero heto ako at nagpupuyos sa galit habang nakatingin kay Xena habang nakaluhod ito sa harap ni Trevor habang hawak ang kamay nito. Akala ko ay hiwalay na ang mga ito, kung gano’n ay ano ang ginagawa nito di

    Huling Na-update : 2024-01-24
  • ARAW-ARAW KANG MAMAHALINΒ Β Β Chapter 117.πŸ’›

    [MAYA AND TYLER] Binabagabag ang dibdib ni Maya. Ang mag enjoy sa magandang tanawin na nasa harapan ay hindi niya magawa. Narito sila ni Tyler sa bansang Thailand upang mamasyal. Dapat ay sa susunod na buwan pa sila tutungo rito. Pero dahil sa naisip nilang plano ay napadali ang pagpunta nila rito.β€œSa tingin mo ba ay tama ang ginawa natin, Tyler?” Tanong ni Maya sa asawa. Sinadya nilang umalis sa mansion, maging ang pag alis ng mga tauhan dito ay sinadya rin nilang mag asawa. Ang magkaroon ng oras sa isa’t isa sina Trevor at Sheya ang naiisip nilang paraan para bumalik ang alaala ng kanilang anak. Gusto nilang tulungan si Trevor na maalala si Sheya. Alam nilang mag asawa na hindi totoo ang sinabi noon ng ama ni Sheya na nagbabalak magpakasal ang anak nito. Sumagi sa isip nilang mag asawa na baka may pag asa pa. Kung mahal pa ni Sheya si Trevor at kung muling babalik ang alaala ng kanilang anak ay malaki ang chance na magkabalikan ang dalawa. Sugal ang kanilang ginawa. Maaaring magta

    Huling Na-update : 2024-01-24
  • ARAW-ARAW KANG MAMAHALINΒ Β Β Chapter 118.πŸ’›

    Suot ang halos kakarampot na tela ay kumatok si Xena sa main door ng mansion. Dahil sa utos ni Marshall ay muli siyang pinapasok ng mga gwardiya. Nang bumungad kay Sheya si Xena ay agad na nalukot ang mukha nito. β€œAno na naman ang ginagawa mo rito?” Iritang tanong ni Sheya. β€˜Gusto yata talaga nitong makalbo, ah.’ Ani ni Sheya sa isip. Napapaulunok na umatras ng bahagya si Xena ng makita ang masamang tingin ni Sheya sa kanya. β€˜Para sa pera kailangan kong gawin ito!’ Pagpapalakas ni Xena sa kanyang loob. β€œBakit bawal bang bumisita rito? Sa papel lang naman kayo kasal ni Trevor kaya wala kang karapatan na pagbawalan ako. Unless β€˜mahal mo pa siya.” β€˜Aminin mo na mahal mo pa siya, Sheya. Para makuha ko na ang milyones ko’ Singit ng utak ni Xena.Natameme si Sheya sandali. Tama ito, mahal pa niya si Trevor. Pero hindi siya aamin. β€œTabi nga!” Binangga siya ni Xena, pumasok ito kahit hindi pa niya ito pinapatuloy. β€œHaharang-harang ka pa sa akin, wala ka naman na palang feelings sa mahal ko.

    Huling Na-update : 2024-01-25
  • ARAW-ARAW KANG MAMAHALINΒ Β Β Chapter 119.πŸ’›

    [Genesheya pov]Hindi ko magawang tumingin kay Trevor. Nagwalk out ako kanina at nagsabi na aalis na, pero heto ako ngayon at nasa kanyang harapan, inaasikaso siya. Nadala lang ako ng damdamin kaya ko nasabi ang mga iyon kanina. Pero napag-isip-isip ko na hindi ko pala siyang iwan kasama si Xena. Ma-imagine ko pa lamang na magkasama sila buong magdamag ay parang sasabog na ang dibdib ko. Nang tumingin ako kay Trevor ay nahuli ko siyang nakatingin sa akin. Tila binabasa ang galaw ko.β€œAnong tinitingin-tingin mo?” Masungit kong tanong sa kanya habang naniningkit ang mga mata ko. β€œDisappointed ka ba dahil hindi ako ang narito at hindi si Xena?” Kapag ito sumagot ng β€˜oo’ ibabato ko talaga rito ang hawak kong sandok. Isip-isip ko.Agad na umiling ito. β€œNo. Actually I’m happy because you are here. Akala ko ay iiwan mo na talaga ako.” Bakas ang tuwa sa mukha na wika ni Trevor. Nagdadabog na kinuha ko ang baso at nilagyan ito ng tubig. Oras na para uminom ito ng gamot. Kinuha ko ang kanyang g

    Huling Na-update : 2024-01-25
  • ARAW-ARAW KANG MAMAHALINΒ Β Β Chapter 120.πŸ’›

    [Genesheya pov]Humawak ako sa tiyan ko ng maramdaman ang pag ikot nito. Bago ko pa mailabas ang laman ng sikmura ko ay bumitaw ako kina Harold at Chairmaine para tumakbo sa restroom ng bar. Hinawi ko pa ang mga taong nakaharang sa daan ko. Nakarating ako sa retsroom sa kabila ng pagkahilo at pagsuray ko. Agad akong pumasok sa isang cubicle na naro’n at pumasok. Agad na sumuka ako habang nakayuko ang ulo. Habang sumusuka ako ay natawag ko na lahat ng santo na kilala koβ€” at sinasabi na hindi na ako muli pang iinom. Lahat ng laman ng sikmura ko nailabas ko na yata. Paglabas ko ng cubicle ay nasalubong ko si Xena. Halatang nagulat ito ng makita ako, at syempre ay gano’n din ako. β€œS-Sheya…” Nakangiti itoβ€” o mas tamang sabihin na tabingi ang ngiti nito habang hawak ang buhok. Mukhang takot ito na masabunutan uli.β€œA-Akala ko ba priority mo na ang mga anak mo?” Sumusuray na lumapit ako sa kanya. Agad naman itong umatras na parang takot.β€œAng judgemental mo naman, Sheya. Narito ako ngayon d

    Huling Na-update : 2024-01-26
  • ARAW-ARAW KANG MAMAHALINΒ Β Β Chapter 121.πŸ’›

    [Genesheya pov] Sa kabila nang magulo kong pag iisip ay nagawa ko pa ring pumasok sa trabaho at gampanan ang trabaho ko. Mabuti na lang at nilabhan ni Trevor ang suot ko kagabi, kung hindi ay papasok ako na damit nito ang suot. Pagdating sa bahay ay agad kong kinumpronta si Chairmaine dahil hinayaan ako nito na iuwi ni Trevor. Pero ang loka kong kaibigan ay tinawanan lang ako. Maging si Harold na dumating ay hindi nakaligtas sa inis ko. β€œHoy, kayong dalawa, kaibigan ko ba talaga kayo? Bakit niyo naman ako hinayaan na dalhin nang lalaking iyon. Alam ninyo na siya ang dahilan kung bakit ako nasasaktan ngayon.” Umupo ako at tiningnan silang dalawa ng masama. Pakiramdam ko ay ipinagkanulo nila akong dalawa. β€œBest, kung mayro’n man mas may karapatan sa amin na iuwi ka, si Trevor β€˜yon, okay?” Ani Chairmaine. β€œAsawa mo pa rin siya kahit pagbalik-baliktarin natin ang mundo.” Pagdadahilan nito. β€œChairmaine is right, Sheya. Hindi naman ibang tao si Trevor—” Itinaas ko ang kamay ko para pat

    Huling Na-update : 2024-01-26

Pinakabagong kabanata

  • ARAW-ARAW KANG MAMAHALINΒ Β Β Chapter 154.πŸ’™

    (Karla pov) Kitang-kita ko kung paano bugbugin ni Timothy at nang kakambal nitong si Marshall si Bane. Dumating din si Jelay, umiiyak itong nakayakap sa'kin. "Karla, thanks god you're safe. Sobra kaming nag alala sayo ni nanay." Nag aalalang sabi ni Jelay sa'kin. Maraming dumating na mga pulis, hinuli si Bane at ang mga tauhan nito. Nakahinga ako nang maluwag dahil naligtas din si Atty. bago pa ito tuluyang mapatay ng mga tauhan ni Bane. Naramdaman ko nalang ang pag angat nang katawan ko sa ere, si Timothy buhat niya ako. Sa bisig niya ay umiyak ako ng umiyak... halo-halo ang nararamdaman ko... Pasasalamat at pangungulila sa kanya. Hindi malubha ang lagay ko pero ang daming bumisita sa'kin. Hiyang-hiya ako sa magulang ni Timothy at hindi ko magawang tumingin sa kanila dahil sa labis na hiya sa nagawa ko sa anak nila. "Karla, iha... hindi mo kailangan na sisihin ang sarili mo. Biktima ka lang ng sarili mong ama." Wika nang mommy ni Timothy. "Sa katunayan ay natutuwa kami sa

  • ARAW-ARAW KANG MAMAHALINΒ Β Β Chapter 153. πŸ’™

    (Karla pov) Tatlong araw na ang nakakalipas simula nang iwan ko si Timothy. Walang araw na hindi ako tahimik na umiiyak at alam ni nanay ang lahat... Pinagtapat ko sa kanya ang lahat. Wala akong narinig na masakit na salita sa kanya, ito pa ang humingi ng tawad sa akin dahil kasalanan daw niya kung bakit ako nagkaro'n nang masamang ama. Tumawag sa akin si Sheya, binalita niya ang lahat sa'kin. Tahimik daw na inasikaso ang kaso. Nahuli na rin si Richard at nakakulong na. Ang magulang ni Richard na nagpalabas na patay na si Richard ay haharap din sa kaso. Malungkot at nasasaktan man ako ay masaya parin ako sa balitang nalaman ko. Kampante na ako dahil hindi na sila mapapahamak sa kamay ng ama at kapatid ko. Natigilan ako nang makita ang isang babae na naghihintay sa akin sa labas ng bago naming tinutuluyan ni nanay. Teka, ito 'yong atty. na nakita kong kasama ni Timothy sa elevator. Ano kaya ang kailangan ng babaeng 'to sa'kin? Nang makita niya ako ay agad siyang lumapit sa'kin. Nag

  • ARAW-ARAW KANG MAMAHALINΒ Β Β Chapter 152. πŸ’™

    (Karla pov)Wala akong ginawa kundi ang umiyak. Gustuhin ko man isuplong at sabihin sa mga Montemayor ang tungkol kay Richard ay pinangunahan ako ng takot. Oo, naduduwag ako. Binantaan kasi ako ng ama ko na isiswalat din niya kasabwat ako, sisiguraduhin daw nito na malalaman ni Timothy na kasama ako sa mga planong ginawa nito. Hindi ko na kaya… kinakain na ako ng konsensya ko. Narinig ko ang usapan ni Timothy at Sheya, natatakot ako dahil mukhang may balak na naman na masama si Richard kay Sheya. Nakakatakot si Richard, imbis na magbago ito at magpasalamat sa ikalawang buhay na binigay ng diyos ay nagagawa pa rin nito na gumawa ng masama.Tumingala ako sa harapan ng mansion nang mag asawang Trevor at Sheya.Hindi na kasi kaya ng konsensya ko. Hindi na ako makakain at makatulog ng maayos. Bahala naβ€¦β€œKarla!” Nakangiting yumakap sa akin si Sheya ng makita ako. Niyaya niya akong umupo, pinaghandaan pa ako nito ng pagkain. Napansin ko na nanlalalim ang mata ni Sheya, mukhang hindi ito nak

  • ARAW-ARAW KANG MAMAHALINΒ Β Β Chapter 151. πŸ’™

    (Timothy pov) "Oh, Timothy, napadalaw ka." Nakangiting bungad ng ina ni Karla sa akin, agad ako nitong pinapasok sa loob. Mas masigla na ito kumpara no'ng una ko itong makita, siguro dahil na rin sa regular check up nito at patuloy na pag inom ng gamot. "Naku, iho, nag abala ka pa." Tila nahihiyang turan nito ng makita ang marami kong dalang groceries at lutong pagkain. "Hindi ito isang abala, nay." Ako na nagsalansan ng mga pinamili ko dahil ayaw ko itong mapagod. Pagkatapos ay agad kong tinanong ang ina ni Karla. "May problema ka ba, nay? Kayo ni Karla?" Oo, isa ito sa dahilan kung bakit ako nagpunta rito. Gusto kong malaman kung ano ang problema nilang mag ina. I know it was wrong because it's a family matter, but for me, when it comes to Karla, it's matter. Mahalaga sa akin ang nobya ko. Kung sakaling malaman ng nobya ko ang ginawa at magalit ito ay maiintindihan ko. I'm really worried. Hindi na ako mapakali dahil pakiramdam ko ay naglalagay ng pader sa pagitan naming dalawa si

  • ARAW-ARAW KANG MAMAHALINΒ Β Β Chapter 150. πŸ’™

    (Timothy pov) Hindi ko mapigilan ang mag alala dahil hindi sinasagot ni Karla ang mga tawag ko. I called may secretary to cancel all my appointments at nagmamadaling umuwi sa condo. Then I saw her, crying while holding her cellphone, mukhang hindi maganda ang pinag uusapan ng mga ito dahil mas lalong humaguhol ng iyak ang nobya ko. Rumehistro ang gulat sa mukha niya ng makita ako. "T-Timothy..." "What's wrong? May nangyari ba kay nanay?" Nag aalala akong yumakap sa kanya. Kilala ko si Karla hindi ito basta iiyak lang kaya alam kong may mabigat siyang dinadala. Pero imbis sagutin ako ay tumalikod ito sa akin at umiling. Bumuntong hininga ako. Kahit nanaig sa akin na alamin ang problema ay iginagalang ko kung ayaw man niyang sabihin sa akin ang problema niya. "N-Nagluto ako, hon. S-Sandali lang at maghahain ako ng pagkain." Nagpaalam si Karla na maghahain, tumango ako bago pumasok sa kwarto para magbihis. Ilang beses pa akong bumuntong hininga. Hindi ko talaga gustong makita na umii

  • ARAW-ARAW KANG MAMAHALINΒ Β Β Chapter 149. πŸ’™

    (Karla pov)Masaya kaming nagkukwentuhan ni Jelay habang kumakain sa isang fast food chain. Nagkita kaming dalawa at syempre nagkamustahan. Sinabi ko sa kanya na uuwi na ako sa bahay namin sa susunod na buwan. β€œTeka, saan ka ba nagtatrabaho?” Tanong sa akin ni Jelay. β€œPara madalaw ka namin ni nanay. Boss mo ba si Timothy?” Muntik na akong masamid sa tanong niya. Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin kasi sinasabi sa kanila ang totoo. Alam ko kasi na magagalit si nanay kapag nalaman niya na nakatira ako sa isang bahay kasama ang isang lalaki. Sino bang ina ang matutuwa na ang anak niyang dalaga ay mayro’ng kasamang lalaki sa bahay. Hindi ko na nasagot ang tanong niya ng tumunog ang cellphone ko. Tumatawag ang ama ko. "Hindi mo ba sasagutin? Baka importante 'yan." Umiling ako kay Jelay. "Wrong number lang." Nang maghiwalay kaming dalawa ay saka ko binasa ang text messages na pinadala ng ama ko. Gusto nitong malaman kung may improvement na ba sa plano ko. Bumuga ako ng hangin. Mahal ko

  • ARAW-ARAW KANG MAMAHALINΒ Β Β Chapter 148. πŸ’™

    (Karla pov)Iyak ako ng iyak dahil walang balita kay Jelay. Hindi ito matagpuan at kahit ang mga kapulisan ay hindi ito natagpuan. Maging si nanay ay sobra ng nag aalala rito.β€œMa’am, sigurado ka ba na dito nakatira ang kaibigan mo?” Intriga sa akin ng pulis na may pagdududa. β€œOpo, mamang pulis. Tandang-tanda ko na iyan ang nakalagay sa ID ng kaibigan ko noong nagtatrabaho kami.” Dagdag ko pa.Kumunot ang noo ni Timothy, ang pulis ay kunot din ang noo, nagtataka tuloy ako kung bakit parang nagtataka silang dalawa.β€œMa’am, ang lugar kasi na iyan ay isang exclusive subdivision, puro mayayaman ang nakatira sa lugar na β€˜yan at iisang angkan lang… ang angkan ng mga Herendes. Kaya imposible na ri’yan nakatira ang kaibigan mo.” β€œHon, hinawakan ni Timothy ang kamay ko. Alalahanin mong mabuti, sigurado ka ba na dito siya nakatira?” Agad na tumango ako. β€œOo, hon, sigurado ako. Kung gusto ninyo ay alamin ninyo sa dati naming pinapasukang pabrika, sigurado ako na mayro’ng record si Jelay doon.

  • ARAW-ARAW KANG MAMAHALINΒ Β Β Chapter 147. πŸ’™

    (Timothy pov) Kumunot ang noo ko pagdating sa tapat ng pintuan ng condo ko. May nakita akong bulaklak at ilang regalo na para kay Karla. Naka-indicate ang pangalan ng nobya ko rito kaya takang-taka ako. Hindi kasi ako bumili ng bulaklak ngayon kay Karla dahil dumaan ako ngayon sa isang jewelry store para bilhan ito ng kwintas na mayro’ng picture naming dalawa.Tiningnan ko ng masama ang katapat ng pad ko, ang condo unit ni Bane. Lumapit ako rito at malakas na kumatok. Pero imbis si Bane ay isang babae ang nagbukas rito.β€œClare!?” Gulat na gulat na bulalas ko. β€œHi, Timothy!” Agad na bati ng dalaga na nakangiti. β€œPasa sa akin ba ang mga bulaklak na β€˜yan?β€β€œBakit ikaw ang nasa unit ni Bane? Nasaan siya?” Iniinis ako ng gag0ng β€˜yon ah. Alam ko siya nagpadala nito kay Karla.β€œSinong Bane?” Tanong ni Clare. β€œAh, siya ba β€˜yong dating nakatira dito? Well, sa akin na ang unit na β€˜to dahil ibinenta na ito sa akin.” Ngumiti ito ng pilya. β€œSi Bane ba talaga ang hinahanap mo, oh baka naman ako t

  • ARAW-ARAW KANG MAMAHALINΒ Β Β Chapter 146. πŸ’™

    (Karla pov) Sobrang saya ko dahil hindi na peke ang relasyon namin ngayon ni Timothy. Araw-araw ay dama ko ang pagmamahal niya sa akin. Wala siyang ginawa kundi ang suyuin ako, sabi nga nito ay 'liligawan niya ako ng pormal kahit kami na. "Salamat, Timothy," Pasalamat ko sa kanya ng abutan niya ako ng bulaklak. "Sabi ko naman sayo ay tama na e. Tingnan mo ang condo mo, malapit ng mapuno ng mga bulaklak." Dalawang buwan na matulin ang lumipas, tapos na ang agreement namin dalawa pero heto at masaya kaming nagpatuloy sa relasyon namin. "Kasalanan mo 'yan, hon. Hindi mo kasi tinatapon ang luma kong binibigay." Iiling-iling na sabi nito sa akin na ikinairap ko sa kanya. "Bakit ko itatapon, eh binigay mo sa akin lahat ng 'to." Sa totoo lang ay sinubukan kong sundin ang sinabi niya sa akin pero hindi ko talaga kaya. Bukod sa nanghihinayang ako ay gustong-gusto ko ang mga bulaklak na nakikita sa umaga. Hindi ako magsasawang titigan ang mga ito dahil galing ang lahat ng ito sa kanya. Kumu

I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status