Nagdudumaling lumabas ng bahay si Denang.
“Nandito na raw si Sir Victor at ‘yung nurse niya” Sigaw nito sa asawang nagpapakain ng mga kabayo.
Iniwan ni Jose ang pagpapakain sa mga hayup at sumabay sa nagmamadaling asawa, upang salubungin si Victor at Sophie.
Agad nilang kinuha ang mga dala-dalahan ng mga bagong dating.
“Ang ganda naman ng girlfriend n’yo, Sir!” Puno ng paghangang papuri agad ni Denang kay Sophie.
“Hindi n’ya ako girlfriend.” Pagtanggi ng nurse sa maling akala ng asawa ng katiwala ni Amanda.
“Aww! Sayang naman. Ikaw pa naman ang pinakamagandang babae na isinama dito ni Sir.”
“Aling Denang, pakidala na lang po agad sa kuwarto namin ang aming mga gamit.” Utos ni Victor, upang matigil sa pagdaldal ang matabil na asawa ni Jose.
“Hala! Hindi girlfriend pero magkasama sa iisang kuwarto.”
“
Nanainga si Ella. “Boses ni Sophie ‘yung naririnig ko.” Nasasabik siyang makita ang kaibigan. Gusto niyang muli itong mayakap at makakuwentuhan. “Miss na miss ko na siya.” Kailangan niyang kontrolin ang nararamdaman niya. “She isn’t that important to me.” Sapilitang pagbabale-wala niya sa nararamdaman at sa kaibigan. Nagpatuloy siya sa paglalakad. Pinigil ang hangad na lingunin ang lugar na pinagmulan. Hindi niya gusto na muling marinig ang pamilyar na tinig. Nang mapansin siya ni Sophie. “Si Ella ‘yon, ah!” Kabisadong kabisado ng nars ang bawat galaw ng dating kaibigan. Alam na alam niya ang hugis ng katawan, pati ang imbay ng mga braso nito. “Hindi ako maaaring magkamali, si Ella Caprichosa ‘yun! Ang babaing nagtraydor sa friendship namin.” Sinundan niya ang babae. Habang palihim naman na sinusundan siya ni Victor Madrid. …Na sinubaybayan naman ni D
Matagal na katahimikan ang pumagitan sa mag-asawang Byron at Amanda. Nagpapakiramdaman. Waring pareho naghihintay kung sino ang unang babasag sa katahimikan.Na si Amanda ang unang gumawa.“I won’t fire Sophie,” pagbibigay alam ni Amanda sa asawa sa banayad na pangungusap, “hindi ko siya ilalagay sa kapahamakan.”Wala ng iba pang sinabi, iniwan niya si Byron. Mabibigat ang hakbang na pumasok sa kanilang silid tulugan.Sinundan siya ng asawa.“Ayaw mong mapahamak ang nurse na ‘yon, pero okey sa ‘yo na malagay sa malaking kapahamakan ang buong pamilya natin.”“Walang mapapahamak.” Sagot ni Amanda na hindi tumitingin sa asawa.Inalis nito ang mga kurtina sa bintana , ang bedsheet at mga punda ng unan at inilagay ang lahat ng iyon sa hamper. Inilabas ng silid tulugan. Dinala sa washing area.Gusto niyang ipakita sa asawa na marami siyang g
Matagal na sa harapan ng salamin si Ella. Paulit-ulit na ngumingiti. Hinahanap ang pinakamagandang ngiting gagamitin niya kapag magkaharap na sila ni Victor Madrid. Ibig niyang matiyak na maipapanalo niya ang inilatag na pakikipaglaban kay Sophie (na hindi naman alam ng ex-friend niya).Mabigat na kakumpetisyon si Sophie. Noon pa man ay lagi na silang ipinagkukumpara sa isa’t isa ng mga kakilala at kaibigan nila, at nalulungkot siyang isipin na lagi na lang nakakaungos sa lahat ng comparison ang kaibigan niya, na ngayon ay itinuturing na niyang kalaban.“Hindi na ako magpapatalo sa ‘yo ngayon, Sophie. Sisiguraduhin kong ako ang mananalo sa puso ng boyfriend mo. Titiyakin kong ex-girlfriend ka na lang kay Victor Madrid, bago matapos ang bakasyon ko dito sa Puerto Galera.”Muli niyang nginitian ang sarili.Ang masayang ngiti na nagpapakislap sa kanyang mga mata ang ngiting nagpabagsak sa puso ni Tony Sandoval na n
Agad kumulo ang galit ni Victor nang makita si Sophie na nagpipilit makawala sa pagkakahawak ng isang lalake. Mabilis niyang dinakot ang balikat nito at ubos lakas na iniikot paharap sa kanya. Tulak ng matinding galit at ng adrenaline sa katawan, isang malakas na straight na suntok ang ipinadapo niya sa mukha ng lalake.BULAGTA!Nagkagulo ang mga tao at pumalibot kina Sophie, Victor at sa lalaking sinuntok.“Ikaw na naman!” Ang galit na sigaw ni Victor nang mapagsino ang kanyang sinuntok.“Ikaw rin ulit?” Ganting tanong nito nang siya naman ang makilala.Naguguluhang pinaglipat-lipat ni Sophie ang tingin sa dalawang lalake.“Magkakilala kayo?” Tanong niya sa dalawa.Itinukod ang siko sa buhangin, nagtatawang hinarap ng lalake si Sophie.“Alam mo, Miss beautiful, ‘yang boyfriend mo…”Isang suntok ang muling pinakawalan ni Victor. Muli
Pinanonood ni Angelie ang anak habang namimili ito ng bikini at sarong na isusuot. Kung ilang ulit na itong naghubad-nagsuot ng bikini at sarong, subalit hindi pa rin makapagdesisyon kung ano ang isasaplot.“Mas bagay sa iyo ang kulay red na bikini, anak,” suhestiyon ni Angelie, “at white sarong naman ang isuot mong pang-ibabaw.”“Naisuot ko na ‘yun noong isang araw, Ma. Baka naman sabihin ni Victor na wala akong ibang bikini.”Dinampot ng ina ang kulay royal blue na two piece swimsuit. Inabot iyon kay Ella.“Bagay sa iyo’to,” ang sabi, “and you will look so queenly with a royal blue sarong.”‘Sure ka, Mama?” Tanong ni Ella sa ina, kasabay sa pagkuha ng iniaabot nito.“As sure as I’m standing here.” Ang sagot ng ina.“Hay ang mama ko, humirit pa ng kanta noong panahon n’ya.” Biro ni Ella.
Walang imikan ang mag-amang Tony at Senyor Gaspar habang pabalik sa hotel na kanilang tinutuluyan. Nang bigla ay sabay na nagsalita. “Hindi ako naniniwala sa Amandang ‘yon!” Nagkatinginan. Muli, ilang saglit na katahimikan ang sa kanila ay pumagitan, bago iyon binasag ni Senyor Gaspar. “Pareho pala tayo ng sapantaha.” Ang sabi. “Para kasing nararamdaman ko ang warmth ni Sophie sa bahay na ‘yon. Parang nakakapit sa kapaligiran niyon ang kanyang aura… ang personality niya.” “As I’ve told you, Sophie has a very strong personality. Malakas ang dating niya. At natatabunan ng personalidad niya ang lahat ng personalidad ng sino mang nakapaligid sa kanya. Ibang klase siya talaga!” “Parang inlab na inlab ka kay Sophie, Pa, ah!” Biro ni Tony sa ama. Kumunot ang noo ng ama. Tumingin sa malayo na parang wala namang nakikita. “Hey, Pa… it seems to me that you are really in love with that n
Nalimutan ni Tony si Sophie ng mga sandaling iyon. Tanging ang pag-ibig at paghahangad na makita at makasamang muli si Ella ang nagtutumining sa kanyang isip at damdamin. “I’m so sorry for all pain and heartache that I’ve inflicted on you, Ella. I didn’t mean to hurt you.” Hinintay ni Tony ang sasabihin ng tumawag sa kanya, ngunit nanatiling tahimik ito. “Just tell me where you are and I’ll go there right away.” Nanatili ang katahimikan. “Please talk to me, Ella. Alam kong nahihirapan ka rin sa paghihiwalay ng ating landas. Alam kong mahal mo pa rin ako. Mahal na mahal pa rin kita at hindi magbabago ‘yon kahit kailan!” “Nandito sa Puerto Galera si Sophie.” Ang biglang sinabi ng kanyang kausap. Maliwanag na nakarating sa pandinig ni Tony ang sinabi ni Ella. Natigilan siya. Ilang sandaling hindi nakakibo. “Narinig mo ba’ng sinabi ko, Tony? Nandito sa Puerto Galera si Sophie Samonte!”
Naghahatid nang hindi masusukat na kaligayahan sa puso ni Ella ang mga naririnig niyang sinasabi ni Tony. Mga salita ng pag-ibig na may pangako ng magandang bukas.Subalit mas gusto niyang huwag paniwalaan ang mga pangakong iyon. Mas magiging madali ang lahat para sa kanya kung susundin niya ang idinidikta ng kanyang utak.Subalit paano ba pipigilin ang nag-iingay, nagwawalang puso?“Magsimula tayong muli, Ella.”Humugot nang malalim na paghinga si Ella bago nagsalita. Puno ng pait at hinanakit ang bawat pangungusap na kanyang binitiwan.“Saan tayo magsisimula? Sa paghahanap kay Sophie para pakasalan ka? At pagkatapos ay saan mo ako ilalagay? Sa pagiging kabit?”“Ipapa-annul ko ang kasal namin ni Sophie, pagkatapos kong makapaghiganti sa kanya!”“At pagkatapos?”Magpapakasal tayo!”Mapait ang mahinang pagtawang lumabas sa bibig ni Ell
Tahimik ang paligid. Namamahinga at natutulog na sa kanilang mga hotel room ang mga bisita ng hotel. May iilan na naglalanguyan sa pool, na hindi ganap na naiilawan. At hindi makikilalang ganap ang sino mang naglalakad sa palibot kung hindi lalapitan at ang mukha ay pagmamasdan. May isa na naglilibot, nakikiramdam sa paligid. Ninamnam ang kasiyahan ng paglalakad nang malaya. Si Moira. “Sayang hindi ko nakita ang kasal ni Victor at ng nurse na ‘yon,” inilibot niya ang tingin sa paligid, “saan kaya dito ang suite na kinaroroonan nila,” naku-curious na tanong sa wala. Wala siyang tangkang manggulo. Kuryusidad lang ang nagtulak sa kanya upang habulin ang kasalan na hindi naman inabutan. “Gusto ko ring makita kung masaya ang magpakasal,” pakikipag-usap niya sa sarili, “nang sa gayon ay malaman ko kung ano ang dapat kong maramdaman sa oras ng kasal namin ng boyfriend kong German.” Salapi ang tanging dahilan kung
Payapa ang isip at damadamin, kausap ni Senyor Gaspar si Nadine sa telepono. Masaya siyang nagbibigay ng payo sa babae at mga kasama nito, na nakikinig sa kanya sa pamamagitan ng loudspeaker ng phone.Nagdadabog na biglang pumasok ang stressed na si Amanda.Ilang oras na lang at magsisimula na ang kasal, ngunit wala pa ang bride.“Ano ba namang babae ‘yon,” ang sabi, kasabay sa pagbagsak ng katawan paupo sa kama, “napaka-inconsiderate!”Hinihintay niyang magbigay ng komento ang Senyor, ngunit nagpatuloy lang ito sa pakikipag-usap sa phone.Napatingin ang babae sa asawa. Sumama ang loob, inisip na hindi siya pinapansin nito, at mas binibigyang halaga ang kausap sa telepono.“Sino na naman ba ‘yang kausap mo?“ Ang tanong na paangil.“Si Nadine. Makakasama na raw nila sa kanilang tropa si Marcel.” Sagot ni Senyor Gaspar, na halata ang saya sa ki
Inip na si Moira. Kinakabahan at nagdududa na rin. Nabubuo na sa kanyang utak ang hinalang niloko lang siya ni Atty. Jasmine Martin, upang mapapirma sa blankong dokumento.Kumakalat na ang takot sa buo niyang pagkatao. Nakakaramdam ng kawalang pag-asa.“Hindi ko dapat pinaniwalaan ang abogagang ‘yon,”naibulong ni Moira nang may pagsisisi, “hindi ko dapat pinirmahan ang blankong papel na ‘yon. Para ko na ring inihulog ang sarili ko sa impiyerno kapag nagkataon.”Umaga pa niya pinirmahan ang blank document na pinapirmahan sa kanya ng abogada, at sinabi nito na agad aasikasuhin ang pagpapalaya sa kanya, pagkatapos niyang mapirmahan ang pinapipirmahan sa kanya.“Tatakas ako, oras na hindi nila ako pinalaya,” pagpaplano nya, “gagantihan ko ang lintik na abogadang ‘yon once na makalabas ako piitang ito. Pagsisisihan niyang niloko niya si Moira Corpuz.”Halo-halong damdamin ang umiiko
Hindi nagugustuhan ni Moira ang mga pangyayaring nagaganap. Ilang araw na siyang naghihintay sa tawag ni Victor, ngunit hanggang sa mga oras na iyon ay hindi pa rin ito nagpaparamdam.“Walanghiya kang Victor ka. Gagawin kong impiyerno ang buhay n’yo ng magiging asawa mo kapag hindi mo naipaatras ang demanda sa akin ni Ella at ng mga barkada niya!”Nag-iisip na nagpalakad-lakad siya sa piitang kanyang kinakukulungan.“Buwisit naman kasi ang mga nagbigay ng stag party na 'yon,e,” gigil na naisip niya, “hindi man lang ako winarningan na asawa pala ni Tony Sandoval ang best friend ng pakakasalan ni Victor.”Kilala niya ang pangalang Tony Sandoval, bilang anak ng isa sa pinakamayamang tao sa buong Asia na si Senyor Gaspar Sandoval. Maraming koneksyon ang taong 'yon. Powerful!Sabi nga ng mga kakilala niya, wala sa matinong pag-iisip ang sino man, na magtatangkang kalabanin ang sino ma
CHAPTER 114 : TO FORGIVE IS TO FORGETGumala ang tingin ni Ella sa paligid ng restaurant na kanyang pinasok. Iyon ang lugar na pinili ni Victor upang makipagkita sa kanya.Hindi niya gusto ang pakikipagtagpong iyon sa lalaking pakakasalan ng kanyang kaibigan. Ngunit curious siya sa sasabihin nito na hindi magawang sabihin sa telepono.Natanaw niya ang sulok na kinaroroonan ni Victor. Nakangiting kumaway ito sa kanya.Umakyat ang kanyang dugo sa ulo.Gustong sumabog ni Ella sa galit.Nagmamadali siyang lumapit kay Victor, sa paghahangad na matapos na agad ang magiging pag-uusap nila.“Ano’ng gusto mong orderin?” Tanong nito sa kanya nang makalapit siya.“Wala,” sagot niya na nanggigigil sa inis, “sabihin mo na, ano man ang sasabihin mo at nang makaalis na agad ako,” angil niyang inis na inis.“Init naman ng ulo!” Komento ni Victor.
Simple white wedding gown ang isusuot ni Sophie sa araw ng kanyang kasal, na si Amanda ang pumili ng design at designer.Mababa ang neckline ng wedding gown, ngunit may lining na kulay balat. Sa biglang tingin ay aakalaing balat mismo ng ikakasal ang kumikislap na nakalantad sa malalim na leeg ng damit. Ngunit kung muling pagmamasdan ay mahahalatang may lining itong nakakapit sa balat ng ikakasal.Handmaid ang mga burda sa pang-itaas na bahagi ng pangkasal na iyon, na gawa sa manipis, mamahaling telang ramie.Manipis, malambot na uri ng tela ang ginamit sa ibabang bahagi ng wedding gown, na sumusunod sa bawat galaw ng may suot nito. May lining din itong kulay balat. Mapapansin ang tila gintong mga butones sa likod ng wedding gown na backless hanggang baywang. Kumikinang sa makintab na tila gold powder ang guwantes, na hanggang lampas sa siko ng ikakasal.“You look so stunning!” Paghanga ni Amanda sa mama
Pakiramdam ni Victor ay masisiraan na siya ng bait. Lahat ng paraan ay ginawa na niya upang makausap si Sophie. Ngunit pinanatili nito ang invisible na pader, na inilagay nito sa pagitan nila.Matigas ang loob ng kanyang kasintahan. Nakipag-break na ito sa kanya, sa pamamagitan ng text, bagay na hindi niya matanggap.“Pag-usapan natin ito, Sophie. Ilang araw na lamang ay ikakasal na tayo.” Sagot niya sa text ng pakikipagkalas ng babae sa kanya.KRRIIINNNNGGGG…Hindi na niya tiningnan sa screen kung sino ang tumatawag, agad na sinagot ni Victor ang kanyang phone.“Babe, thanks at tumawag ka rin sa wakas!”“Victor, tulungan mo ako!” ang sabi agad ng tumawag sa kanya, “patung-patong na demanda ang inihain ni Ella at ng mga kaibigan niya sa korte laban sa akin. ‘Yong simpleng trespassing ay dinagdagan ng robbery, pagbabasag ng mga gamit at naglagay daw ako ng drug
Dala ang tray ng pagkain, marahang kinatok ni Gener ang pintuan ng silid tulugan ni Sophie. Halos maghapon nang nakakulong sa silid tulugan nito ang kanyang anak, at ang mag-alala’y hindi na niya maiwasan.“Sophie, anak,” pagtawag niya, “may dala akong pananghalian mo,“ pagbibigay alam niya, “hindi ka nag-almusal kaninang umaga, baka kung mapaano ka na kung hindi ka pa manananghali.”Walang sagot. Wala ring nagbubukas ng pintuan.“Pagbuksan mo si papa, anak,” pakiusap na ng ama, “nangangawit na ang kamay ko sa pagbuhat nitong tray ng pagkain mo.”Narinig niya ang mahihinang yabag na papalapit sa pintuan, na nabuksan, makaraan ang ilang sandali.“Hindi na sana kayo nag-abala sa paghahanda ng pagkain ko, Papa,” saad ng anak, “hindi naman ako nagugutom, e.”“Ano bang hindi nagugutom ang sinasabi mo, e, kaninang umaga ka pa
Hindi mapakali si Victor.KRIIIIINNG…KRIIIIINNGG…Paulit-ulit niyang tinatawagan si Sophie, ngunit hindi nito sinasagot ang kanyang tawag.KRIINNGGG…KRIINNGGG…“Pick up, Sophie… pick up!”Nag-aalala siya kay Sophie. Ibig niyang matiyak na nasa ayos itong kalagayan at hindi nalalagay sa ano mang uri ng kapahamakan.“Nasaan ka ba, Sophie? Bakit hindi mo sinasagot ang iyong phone.”Bigla ay nakadama siya ng takot.“Baka kinausap siya ni Moira, ah,” naisip niya, “baka nalaman na niya ang totoo at gusto na niyang layuan ako.”Muli niyang idinayal ang numero ng cellphone ni Sophie. Paulit-ulit.…….Naririnig, ngunit hindi pinapansin ni Sophie ang pag-iingay ng kanyang telepono. Hindi siya interesadong makipag-usap kanino man, higit at lalo kay Victor. Ang nais niya ay mapag-isa. Hanapin at